
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Nagbatid sa Akin sa Islam V
"Sa ganoon sumuway si Adam sa kanyang Panginoon, kaya
siya'y naligaw. Pagkaraa'y hinirang siya ng kanyang
Panginoon, at binalingan siya nang may pagpapatawad, at
binigyan siya ng patnubay." (20:121-122).
Ikatlo: Hindi tumpak ayon sa Bibliya na sabihing si Hesus ay
dumating upang magnais na mamatay para sa mga sala ng
tao. Nababasa natin sa Bibliya na hindi niya ninais mamatay sa
klus. Sapagkat nang kanyang malaman na ang kanyang mga
kaaway ay nagbabalak laban sa kanyang buhay, sinabi niya na
ang kanyang kaluluwa ay " ... lubhang malungkot hanggang sa
kamatayan .. . " (King James Version, St. Mark 14:34).
Pagkatapos niyon ay nanalangin siya sa Diyos, na nagsasabing:
"Abba, Arna, ang lahat ng bagay ay maaaring mong
mapangyari. /layo mo sa akin ang sarong ito, gayunma'y hindi
sa nais ko, kundi sa nais mo." (Marcos 14:36). Sinabihan din
niya ang kanyang mga disipulo (tagasunod) na bumili ng mga
tabak (espada) (Lucas 22:36) at magbantay sa kanya sa gabi
at ipagtanggol siya sa kanyang mga kaaway.
Ikaapat: Sinasabi sa atin ng Bibliya sa Marcos 15:34 na ang
taong nakapako sa krus ay sumigaw nang may malakas na
tinig, "Eloi, Eloi, lama sabacthani?" na nangangahulugang,
"Diyos ko, Diyos ko, bakit Mo ako pinabayaan?" Ang
gayong mga panaghoy (pagdaing o pagtangis) ng kawalan ng
pag-asa - kung tatanggapin nating totoo ang naganap alangalang
sa pagtatalakayan - ay nagpapatotoong ang taong
nakapako sa krus ay di-ginustong mamatay sa krus. Higit na
mahalaga, ang talata ay nagtataglay ng malinaw na
katibayang ang nakapako sa krus ay hindi maaaring maging
si Hesukristo, sapagkat ang gayong walang pag-asang
panaghoy at sindak ay hindi naaangkop sa isang Propeta ng
Diyos, lalo pa't isang ipinamamalitang isa siyang Diyos.
~ Y Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
Ikalima: Alinsunod sa Marcos 14:50, ang pagkamatay sa
krus ay hindi nasaksihan ninuman ng mga disipulo ni Hesus
sapagka't,"lniwan siya ng lahat at tumakas sila."46
Gayundin, walang sinuman sa mga sumulat ng Ebanghelyo at
mga Epistola (Sulat) ang nakasaksi ng pagkamatay sa krus;
magkagayo'y walang mga kapani-paniwalang saksi. Kaya,
ang mga pinagkunan ng kuwento ay kaduda-duda lalo na
kung tutuusing ang mga Ebanghelyong Kanoniko mismo ay
nagkakaiba-iba tungkol sa mga eksaktong detalye ng
kamatayan sa krus mula sa simula hanggang sa huli.
Ikaanim, Ang kaisipang pagbuhos ng dugo ay kailangan
upang pawiin ang galit ng Diyos ay dumating sa
Kristiyanismo. mula sa isang sinaunang paglalarawan sa
Diyos bilang isang makapangyarihang demonyo. W alang
makatwirang ugnayan sa pagitan ng kasalanan at dugo. Ang
pumapawi ng mga kasalanan ay hindi dugo, kundi
pagkalungkot sa nagawa, taimtim na pagsisisi, masigasig na
pagpigil sa mga masasamang hilig at patuloy na
pagsusumikap na isakatuparan ang kalooban ng Diyos ayon
sa pahayag sa atin ng mga Propeta. Karagdagan pa rito, nang
si Hesus ay tanungin tungkol sa landas tungo sa buhay na
walang hanggan, ang tugon niya ay hindi ang paniniwala sa
kanya bilang tagapagligtas sa pamamagitan ng pagbubuhos
ng kanyang dugo. Sa halip, ito ang tinuran: " .. . ngunit kung
ibig mong pumasok sa buhay, ingatan mo ang mga utos."
(Mateo 19:17).
46Sa kadahilanang dapat tayong mag-isip ng kabutihan hinggil sa mga
disipulo ni Hesus, na kung kaya, maaari nating ipakahulugan ang isa sa
dalawang bagay: na ang talatang ito ay isa pang pagdaragdag at hindi
bahagi ng orihinal, o kaya (kung ito ay totoo ), ang mga disipulo ay
nangyaring umalis sapagkat batid nilang ang nakapako ay hindi si Hesus
mismo.Alinman sa dalawang ito, magkatulad pa rin ang kalalabasan.
c:;)
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Nagbatid sa Akin sa Islam V
Ang pamamaraang Kristiyano tungkol sa kaligtasan ay hindi
lamang mali ayon sa moralidad (mabuting asal) at katuwiran
kundi sumasalungat din sa mga salita ni Hesus. Siya ay
dumating upang iligtas ang tao sa kasalanan sa pamamagitan
ng kanyang mga turo at sa mga halimbawa ng kanyang
makadiyos na pamumuhay, na sadyang taliwas sa itinuturo
ng simbahan sa kusang pagkamatay niya sa krus para sa tao
at pag-aalay ng dugo para sa kanilang mga kasalanan. Ang
kanyang misyon ay tawagin din ang mga makasalanan na
magsisi katulad ng paanyaya ng lahat ng mga Propetang
nauna sa kanya. Kailanman ay hindi niya sinabing siya ay
dumating para sa pagtubos sa kasalanan ng tao. Ito ay
binibigyang-diin sa Mateo 4: 17, katulad ng sinasabi sa atin
tungkol kay Hesus:
"Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Hesus at
nagsabi, "Mangagsisi kayo, sapagkat malapit na ang
kaharian ng langit."
Sadyang di-maintindihan na ang Bibliya ay tumungo sa
sukdulang pagmamalabis at paghamak kay Hesus .sa pamamagitan
ng pagturing sa kanya bilang isang isinumpa.
Sinasabi ni Pablo:
"Tinubos tayo ni Cristo mula sa sumpa ng kautusan sa
pagiging isang sumpa sa atin - sapagkat nasusulat, "Sumpain
ang bawat binibitay sa punungkahoy"(Galacia 3:13)
Ang doktrina ng pagtubos, katulad ng sinaunang paniniwala
ng Kristiyano, ay nagmula sa mga napaka-tandang (ancient)
paganong relihiyon. Ayon kay Arthur Findley (Rock of
Truth, pahina 45), labing-anim na pangalan ang
(;;")
V Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
pinaniniwalaan ng kanilang mga mama-mayan na sila ay
dumating para sa kanilang kaligtasan at pagtubos. Ang ilan sa
kanila ay ang Ehipsiyong Osiris ( 1700 BC), ang Babilonyong
Baal (1200 BC), Ang Hindung Krishna (1000 BC), ang
Tibetanong Andra (725 BC), ang Intsik na Buddha (560 BC)
at ang Persiyanong Mithra (400 BC).
Ang doktrina ng pagtubos ay hindi lamang isang insulto sa
matinong kaisipan, bagkus nag-uudyok din ito sa mga taong
isantabi ang mabubuting gawa at gumawa ng mga kasamaan
katulad ng pagpaslang, pagnanakaw, pangga-gahasa at
pakikiapid. Minaliit ni Pablo ang kahalagahan ng mga
pangaral ni Hesus, at kanyang ipinahayag:
"Kaya nga maipasisiya natin na ang tao ay inaaring-ganap
sa pananampalataya na hiwalay sa mga gawa ng
kautusan. "(Mga Taga-Roma 3:28) Sinabi pa rin niya na si
Abraham ay hindi natulungan ng kanyang mga gawa (Mga
Taga-Roma 4:2)
Samakatwid, si Pablo ang may kagagawan na ang kalig-tasan
ay makakamtan lamang sa pamamagitan ng panini-wala sa
pagkamatay ni Kristo sa krus. Ano ang magiging kalagayan
ng sangkatauhan kung maniniwala ang tao sa ganitong
kaisipan? Ang tugon sa pag-aangkin ni Pablo ay ginawa
mismo ni Hesus:
"Kaya' t sinumang sumuway sa isa sa kaliit-liitang mga utos
na ito, at ituro ang gayon sa tao, ay tatawaging kaliit-liitan
sa kaharian ng langit; datapwat ang sinumang gumanap at
ituro, ito'y tatawaging dakila sa kaharian ng langit."
(Mateo 5:19)
G;)
Ang Dakilang Pag•ibig Ko Kay Hesus Ang Nagbatid sa Akin sa Islam V
Tinatanggihan ng Islam ang doktrina ng pagtubos. lpinahahayag
nito na ang kapatawaran ng mga kasalanan ay hindi
makakamtan sa pagdurusa at pagpapakasakit ng sinumang
tao kundi sa habag lamang ng Diyos at ng pansariling
taimtim na pagsisisi ng isang tao, kalakip ang matibay na
pagsisikap na pag-iwas sa kasamaan at sa paggawa ng
kabutihan. Gayundin, kapag ang mga nagawang kasalanan ay
nasasangkutan ng kawalang katarungan sa tao, ang mga
karapatang yaon ay dapat isauli sa mga tunay na nagmamay-ari
at dapat hingin ang kanilang pagpapatawad hangga't maaari .
., Ang Qur' an ay nangangako ng kaligtasan sa lahat ng mga
naniniwala sa Kaisahan ng Diyos at gumagawa ng mabuti:
"Siyang tunay, sinuman ang isuko ang kanyang sarili sa
Allah at gumagawa siya · ng kabutihan, magkagayo 'y nasa
kanyang Panginoon ang kanyang gantimpala, sa gayo'y
walang dapat ipangamba, ni hindi sila malulumbay" (2:112)
Mababasa rin sa Qur' an: "Kaya sinumang umaasang
makatatagpo niya ang kanyang Panginoon, hayaan siyang
gumawa ng makatarungan at huwag magtambal ng anuman
sa pagsamba sa kanyang Panginoon." (18:110)
Ang mababasa sa Santiago (James) 2:14 at 17 ay kapwa
umaayon sa Islam at sa mga utos, sa pagsasabing: "Ano ang
pakinabang, mga kapatid, kung sinasabi ng sinuman nq,
siya'y may pananampalataya, ngunit walang mga gawa?
Maililigtas ba siya ng kanyang pananampala-taya ... ?
Kaya' t ang pananampalatayang walang gawa ay patay sa
kanyang sarili."
C,;)
'\)" Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
IsJam:Ang Monoteismoilg Relihiyon ng Labat ng mga Propeta:
Ang isang walang pagkiling na pagsusuri sa mga nasabing
doktrina ng Kristiyanismo ay walang pupuntahan kundi sa
iisang tanging pagwawakas: na ang mga ito ay kapwa dimakatuwiran
at salungat sa mga turo ni Hesus. Sapat nang
malaman na noong mga sumunod na taon matapos umakyat
sa langit si Hesus, walang sinuman sa mga tagasunod niya
ang nagturing sa kanya nang higit sa pagka-Propeta ng
Diyos. Ang mga nasabing doktrina sa itaas ay nabuo lamang
pagkatapos muna ng maraming taong nakalipas, samakatwid,
isang malinaw na katibayan na ang pundasyon ng Simbahang
Kristiyano ay nakabatay sa isang malaking paglihis sa
orihinal na mensahe ni Hesus at sa lahat ng mga Propetang
nauna sa kanya.
Ang paniniwala sa kaisahan ng Diyos at ang pagsamba
lamang sa Kanya ang siyang tunay na ipinag-uutos sa
sangkatauhan. At ang pagtatambal ng iba sa pagsamba sa
Diyos ay naganap lamang pagkaraan ng ilang yugto ng
kasaysayan ng sangkatauhan.
Katotohanang nanatili ang tao sa pagsamba nang bukod-tangi
sa Allah pagkaraan ng panahon ng Arna ng sangkatauhan (si
Adam) sa loob ng sampung siglo (dantaon) hanggang sa
nangyari ang pagtatambal sa pagsamba sa Allah ng mga
angkan ni Noah bunga ng labis nilang pagbibigay-parangal sa
mga yumao nilang maka-diyos na mga guro, hanggang sa
itaas sila sa antas ng pagkadiyos kasama ng Allah, sa maling
paniniwala na sila'y mapapalapit sa Allah sa pamamagitan
nila. Kaya ipinadala ng Diyos si Noah para anyayahan silang
bumalik sa pagsamba nang bukod-tangi sa nag-iisang Diyos.
Nagpadala ang Allah ng mga Propeta at Sugo nang sunodsunod
sa bawa't sambayanan sa kani-kanilang panahon
hanggang sa isugo Niya ang panghuli sa mga Propeta at Sugo
w
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam V
na si Propeta Mohammad ( $) sa iisang pangaral: na walang
sinumang Diyos na karapat-dapat sambahin kundi ang Allah.
Ang pangunahing misyon ng lahat ng mga Propeta ay hindi
lamang ang manawagan sa mga taong maniwala sa
pagkakaroon ng Diyos bilang Pinakadakila at Kataas-taasan,
at pagkilala sa Kanya bilang Tagapaglikha, Tagapagkaloob at
Tagapangasiwa ng lahat ng mga nilalang, sapagka't maging
ang mga nagbibigay katambal sa pagsamba sa Kanya ay likas
na nakababatid na may Diyos at kailanma'y hindi nagalinlangan
na ito ang totoo.47 Kakaunti lamang sa kanila ang
nagkunwari na di-umano'y tumatanggi sa pagkakaroon ng
Diyos. Mayroon sa kanila na mga sumamba sa Diyos sa
pamamagitan ng mabubuting gawa; mayroon din mga
masigasig sa mga pananalangin sa Kanya sa mga panahon
lamang ng kagipitan. Subali't sa mga panahon ng
kaginhawahan, ginagawa nila ito sa tulong ng mga
tagapamagitan.
Ang mga Propeta ay nanawagan sa tao upang magbalik-loob
sa Diyos at magsumamo sa Kanya nang walang
tagapamagitan sa mga panahon kapwa ng kaluwagan at
47 Ang ateismo ( ang paniniwalang walang Diyos) ay nagsimula lamang na
lumaganap nang malawakan sa mga lipunang Kristiyano noong ika-18 at
19 na dantaon. Kabilang sa mga kadahilanan ay ang mga kawalangkatarungan
na ginawa ng Simbahan ang pang-aalipin nito sa madlang tao,
paghamak at pag-abuso sa tao sa ngalan ng "Diyos." Ang Kristiyanismo ay
sumalungat din sa katuwiran at sa mga pangangailangang pantao.
Kinalaban ng Simbahan ang pagsulong sa siyensya at pinagmalupitan ang
mga siyentipiko, na nagbunga ng hidwaan sa pagitan ng tao at ng
pananampalataya. Dahil dito, ang tao ay !along nabahala sa makamundong
buhay at nahumaling sa kanilang likas na kahinaan na mga tukso ng
mundo. Dahil sa kawalan ng katwiran at di pagkakatugma ng isa't isa, ang
pananalig ay gumuho at ang papel ng relihiyon sa buhay ay nawala.
ro;)
V Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
kahirapan. At sa kadahilanang ang monoteismo o dalisay na
pagsamba sa Kaisahan ng Diyos na Tagapaglikha ang
pinakapangunahin at pinakamahalagang tungkulin at ang
pundasyong nagbibigay-bisa sa mabubuting gawa at nagiging
katanggap-tanggap, mababatid nating ang lahat ng mga
Propeta ay nagsimulang mag-anyaya sa kanilang mga
sambayanan at nagsasabing:
"O aking angkan! Sambahin ang Allah! Wala kayong ibang
diyos na dapat sambahin maliban sa Kanya. Hindi ba nararapat
namagkaroonkayo ng Taqwa (takot)?" (Qur'an 7:65).
Ipinahayag din rig Allah sa Qur'an (16:36) :
"At katotohanang Kami ay nagpadala sa bawat bansa ng
Sugo (na nagpapahayag): "Sambahin lamang ang Allah at
layuan ang Taghut (mga diyus-diyusan)."
"At hindi Kami nagpadala ng kahit isang Sugo nang nauna
sa iyo maliban sa ipahayag sa kanya: "Walang Diyos
maliban sa Akin, kaya sambahin Ako." (21 :25)
Samakatwid, malinaw na ang Islam (pagtalima sa kalooban
ng Allah) ang siyang relihiyon ng lahat ng mga Propeta at
Sugo ng Diyos, mula kay Adam hanggang kay Muhammad
(iii\). Katiyakan, ang Islam ay tanging relihiyon nila Noah,
Abraham, Moises at Hesus. Ayon sa Islam, ang lahat ng mga
Propeta ay magkakapatid at walang dapat gawing pagtatangi
sa pagitan nila. Hinggil sa mga taong sumunod sa patnubay
ng Propeta at sumamba sa Diyos kung paano Siya dapat
sambahin, silang lahat ay itinuturing na mga Muslim, at ang
Paraiso ay mapapasa-kanila.
Ibinalik ng Islam sa orihinal na kalagayan ang ganitong
walang-hanggang mensahe na inihayag ng Diyos sa lahat ng
Kanyang mga Propeta. Ang Islam ay isang pagpa-patuloy ng
mensaheng iyon, na ang pinakabuod na katuruan nito ay iisa.
Bagama't sa simula pa'y inilahad na ito ng Dakilang Allah sa
G;")
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam V
bawa't bansa sa pamamagitan ng kanilang Propeta, nabigyan
ito ng maling pakahulugan at nahaluan ng mga pamahiin sa
paglipas ng panahon, mga maling paniniwala at mga ritwal
na kinatha ng tao. Ito ang dahilan ng pagkawala ng tunay na
relihiyon (mula sa orihinal nitong katayuan) tungo sa mga
pamahiin at walang saysay na ritwal.
Ang Islam, katulad ng pagkapahayag nito kay Propeta
Muhammad ( .~ ), ay isang pagbabalik sa konsepto ng
Kaisahan ng Diyos na itinuro ni Hesus at ng lahat ng naunang
Propetang ipinadala ng Dakilang Allah. Ang Islam ay isang
mensahe para sa lahat ng sangkatauhan hanggang sa
kawakasan ng panahon at hindi ito ipinadala sa iisang
sambayanan, katulad ng pangyayari sa naunang mga Propeta.
Ang Islam ay tinatanggihan ang di-makadiyos na mga
katuruan at muling itinatatag ang tunay na konsepto ng
Diyos; na Siya ang Bukod-Tanging Tagapaglikha, ang Ganap
na Tagapagkaloob, Ganap na Makapangyarihan at
Tagapamahala ng lahat ng nilalang sa santinakpan, na sa
Kanya lamang iniuukol ang pagiging Ganap. Ang mga
katangiang ito ay nagpapatatag sa tao na Siya lamang ang
karapat-dapat na sambahin. Gayundin, Siya ay dapat
sambahin sa pamamaraan na Kanyang itinakda at ipinagutos,
at hindi sa pamamagitan ng mga kinathang ritwal at
mga gawaing pagsamba. At huwag ituon ang anumang uri ng
pagsamba maliban sa Kanya. At kung papaano ang mahigpit
na pagpapatibay sa Kaisahan ng Diyos, labis na itinuturing
ang pagtatambal o pagsamba ng iba bukod sa Kanya ang
pinakasukdulang kasamaan o kasalanang magagawa ng isang
tao. Ito lamang ang tanging kasalanan ng tao na hindi
mapapatawad ng Allah maliban kung siya'y matapat na
(;")
V Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
nagsisi at humingi ng kapatawaran bago siya namatay. Sinabi
Niya:
"Katotohanan, hindi pinatatawad ng Allah ang pagbi-bigay
katambal sa Kanya (sa pagsamba). Datapwa't pinatatawad
Niya ang ibang kasalanan bukod dito sa kaninumang
Kanyang nais. "Quran 4:48)
Ang pagbibigay katambal sa pagsamba sa Diyos ay isang
kasalanang nagkakait sa isang tao upang makapasok sa
Paraiso, at sanhi nito'y itatapon siya sa walang-hanggang
Impiyemong-Apoy. Matutunghayan sa Qur'an:
"Katotohanan, sinumang magtayo ng katambal (sa
pagsamba) sa Allah, magkagayo'y ipinagbawal sa kanya ng
Allah ang Paraiso, at ang Apoy (lmpiyerno) ang kanyang
magiging tahanan. At walang mga tagatulong para sa mga
mapaggawa ng masama." (5:72)
Anumang gawaing pagsamba na inialay sa iba bukod sa
Allah ay isang Shirk (pagsamba sa diyus-diusan) na siyang
nagpapawalang-bisa sa lahat ng mabubuting gawa. Ang
Allah ay nagsabi:
" ... Nguni't kung sila'y nagtambal ng iba sa pagsamba sa
Allah, lahat ng kanilang mga ginawa ay walang
kapakinabangan sa kanila." (6:88)
Tunay na ang Diyos (Allah) lamang ang Siyang bukodtanging
tinatawagan ng lahat ng nilalang sa lahat ng kanilang
mga pangangailangan nang walang tagapa-magitan, Siya ang
Sandigan ng lahat ng nilikha, ang Lumikha at Tagapanustos
sa lahat ng nilalang, ang Ganap na Mapagpatawad at
Tagapagtangkilik, ang Maawain, ang Maka-pangyarihan sa
Labat, ang Maalam at ang Naka-babatid ng lahat.
Matutunghayan sa mga salita ng isang tanyag na Italyanang
Oriyentalista (maalam sa paksang Pang-Silangan/Pang-Asya)
,I
GJ
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam V
na si Dra. Laura Veccia Vaglieri,48 isinulat niya: "Salamat sa
Islam, ang paganismo sa lahat ng anyo nito ay natalo. Ang
konsepto ng sandaigdigan, ang mga gawaing panrelihiyon
at mga kaugaliang pan-lipunan ay isa-isang nakaligtas sa
lahat ng sumisira sa mga ito, at ang mga kaisipang pantao
ay naging malaya sa mga mali at hindi matuwid na hakahaka.
Sa wakas ay napagtanto ng sangkatauhan ang
karangalan at dignidad na nauukol sa kanya, at
nagpakumbaba siya sa harapan ng Diyos na Tagapaglikha
at Panginoon at Bukod-Tanging Nagmamay-ari ng lahat
ng mga nilalang."
Patuloy niya: "Ang kaluluwa ay nakalaya mula sa lahat ng
di-makatwiran, ang kalooban ng tao ay nakalaya mula sa
mga gapos ng pagkaalipin sa iba, o sa tinatawag na may
mga nakatagong kapangyarihan. Ang mga pari, ang mga
huwad na tagapagbantay ng mga kahiwagaan, ang mga
ahente o tagapangasiwa ng kaligtasan at ang lahat ng mga
nagkukunwaring tagapamagitan sa Diyos at tao at
naniwalang sila lamang daw samakatwid ang may
kapangyarihan sa kalooban ng ibang tao, silang lahat ay
nangahulog mula sa kanilang di-marapat na mataas na
kinatatayuan. Ang tao ay naging bukod-tanging lingkod ng
Allah. Ang kanyang pakikipag-ugnayan sa ibang tao ay
itinuturing na isang pananagutan ng isang malayang tao
sa kanyang kapwa malayang tao. Bagama't noong una'y
nagdanas ang tao ng kawalang-katarungan dulot ng
pagkakaiba-ibang panlipunan, ang Islam ay nagpahayag
ng pagkaka-pantay-pantay ng tao. Ang bawa't Muslim ay
naiiba lamang sa ibang mga Muslim hindi dahil kanyang
48"Apologia dell' Islamismo" na isinaling "Interpretarion of Islam" ni Dr.
Caselli, p. 33-34
~ V Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
sa lahi, kulay o iba pang dahilan na walang kinalaman sa
kanyang pagkatao, kundi sa kanyang malaking takot sa
Diyos, sa kanyang mabubuting gawa, sa kanyang mabuting
asal at mga katangiang pang-intelektual." Isinasaad din
niya sa kanyang aklat, "Hindi, kung gayon, sa pamamagitan
ng karahasan ng armas, at hindi rin sa pamamagitan ng
pamimilit ng mga misyonaryong mapanghimasok ang
naging sanhi ng malawakan at mabilis na paglaganap ng
Islam, kundi, higit sa lahat, sa katotohanang ang Aklat
(Qur'an) na inilahad ng mga Muslim sa mga nasakop,
nang may kalayaang tanggapin ito o tanggihan ifo, ay ang
Aklat ng Diyos, ang Salita ng Katotohanan, ang
pinakadakilang himalang maipakikita ni Muhammad sa
mga may alinlangan at sa mga nanatiling matigas ang
kalooban." Patuloy pa niya: "Samantalang ating makikita
ang lahat ng relihiyon maliban sa Islam ay nagtuturo sa
mga tagasunod nito ng mga mabibigat na mga paniniwala
na hindi nila kailan-man maunawaan. Ngunit sa Islam,
ang katatagan ng mensahe nito ay may mala-Kristal na
kapayakan at may kaganaanang tanggapin, dahil ang
Islam ay kayang maarok ng espiritu ng tao nang walang
mahabang pagpapaliwanag.
At katulad ng namalas ng isa sa mga bantog na
mananalaysay na si Arnold J. Toynbee: "Katotohanan,
inaanyayahan ko ang daigdig na sundin at isagawa ang
Islamikong pamantayan sa kapatiran at pagkapantaypantay.
Ang doktrina ng Kaisahan ng Diyos na dinala ng
Islam ay isang kahanga-hangang halimbawa kung paano
pag-isahin ang sanlibutan (sangkatauhan). Ang pananatili
ng Islam ay nagbibigay ng pag-asa sa buong mundo."
(Civilization on Trial, New York, Oxford University Press, 1948)
. C;)
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Nagbatid sa Akin sa Islam V
VIII. Ang Huli Kong Hakbang Tungo sa Islam : Ang
lmpluwensiya ni Hesus sa Aking Pagyakap sa Islam
Kahit ang ilang bahagi ng impormasyong taglay ng mga
naunang kabanata ay sapat na sa isang naghahanap ng
katotohanan upang makita ang pagiging totoo ng Islam at ang
lawak ng pagkalihis ng Kristiyanismo na sumasa-lungat sa
tunay na turo ni Propeta Hesus, gayunpama'y matagal ding
panahon na hindi ako makagawa ng hakbang upang ilayo ang
aking sarili sa landas na binalangkas ng simbahan para sa
akin. Ang aking "agimat" ay laging nasa bulsa ko saanman
ako pumunta. Sa loob ng maliit na paketeng lagi kong dala
ay may pitong maliliit na krus na pilak at isang sinasabing
imahen o istatwa ni Hesus. Pakiramdam ko'y may
masamang mangyayari sa akin kung maiwanan ko ito kahit
sandali. Sa ganitong dahilan, hindi ko ito nakaliligtaang
ibulsa sa tuwina.
Isang araw, habang binababasa kong muli ang babasahing
ibinigay sa akin sa Masjid, natunghayan ko ang dalawang
pangungusap na pumuno ng aking puso ng napakalaking
tuwa at kaligayahan. Ang mga luha ko'y nagsimulang
tumulo mula sa aking mga mata at sinabi ko: "Diyos ko, ito
ang katotohanan; ito ang sagot sa aking mga katanungan
na matagal kong hindi matagpuanr'
Hanggang sa mga panahong iyon, inaatnin kong hindi pa ako
nakahawak o nakabasa ng Qur' an, sa Arabik man o sa
anumang wikang pagkakasalin. Ang salitang Qur' an ay hindi
pa rin bahagi ng aking bokabularyo. Sa isang tiyak, matatag,
nalinaw at wastong paraan, nabasa ko sa araling-gabay na
natanggap ko sa Masjid:
"At dahil sa kanilang pagsasabi (nang may pagma-malaki),
"Pinatay namin ang Messiah si Isa (Hesus) ang anak ni
G;;) .
7 Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
Maria, (at) ang Sugo ng Allah." Datapwa't siya'y hindi nila
napatay, ni hindi nila naipako sa krus ... " (Qur'an 4:157)
Sa puntong ito'y tumigil ako sa pagbabasa. Inulit-ulit ko
nang maraming beses: " ... datapwa't siya'y hindi nila
napatay at ni hindi nila naipako sa krus." Sa mga sandaling
binabasa ko ang mga salitang iyon, nadama kong sinasagot
ng Allah ang tanong na nagbigay-alinlangan sa akin tungkol
sa Kanyang kapangyarihan dahil sa kakulangan ng isang
makatwiran at kapani-paniwalang sagot.
Hindi madali sa akin ang matagpuan ang sagot na ito. Bago
pa ang kaganapang iyon, kailangan kong makipag-paligsahan
sa ibang mga mag-aaral upang magkamit ng scholarship o
libreng pag-aaral. Kinailangan kong mag-lakbay ng libulibong
milya hanggang sa estado ng Washington, sa kakanlukakaluranan
ng Estados Unidos. Kinailangan kong mag-aral ng
pagsasalita at pagbasa ng Ingles, at bilang isang mag-aaral na
nanggaling sa Latin Amerika, kinailangan ko pang makipagugnayang
mabuti sa mga Muslim sa Seattle bago ko matagpuan
ang dalawang pangungusap na ito. Ang mga posibilidad na
makarating ang kaalamang ito sa kamay ng isang Venezuelan
noong 1978 ay napakalayo. Gayunpaman, ang naitakda ng
Allah ay nararapat matupad. Sa mga sandaling yaon
samantalang nagdiriwang ako sa dakilang balitang ito, nakipagusap
ako sa Diyos at humingi sa Kanya ng kapatawaran. Ninais
kong lumipad na taglay ang balitang ito sa Venezuela at ibigay
iyon sa aking pamilya at sa ibang bahagi ng mundo.
N aganap ang pangyayaring ito katulad ng makikita sa mga
pelikula. Ang aking dakilang bayani, ang taong bida sa
pelikula, ang minamahal kong Propeta - na si Hesus ng
Nazareth, na dati kong dinarasalan nang dalawang beses sa
isang araw sa isang munting altar sa aking bahay, ay nalaman
kong hindi naipako sa krus !
'I
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam~
Para sa akin, ang bigat ng krus na di umano'y pinasan ni
Hesus sa Bundok ng Kalbaryo ay naglaho at nadurog na
kasintulad ng mga malalaking gusali at mga matitibay na
bundok na nangagiba matapos pasabugin ng dinamita.
Sadyang binigyan ko ng kahalagahan ang natuklasan
kong ito . . Aking ikinatwiran at sinabi: "Kung ito ang
katotohanan, magkagayo 'y ang relihiyong ito ang siyang
tunay." Sa loob ng 20 taon itinuro sa akin na si Hesus ay
pinatay. Dinala ako sa isang paglalakbay nang walang anumang
landas na pagpipilian. Ngayon, isang bagong daan ang
nabuksan para sa akin nang may higit na maraming
makatwirang katugunan, at ngayon ang mga bagay-bagay ay
unti-unting lumiwanag sapagka't ang pinakahuling piraso ng
katanungan ay nagkaroon ng kasagutan. Si Hesus, ang isang
taong pinahintulutan ng Allah, ay nag-bigay ng paningin sa
bulag, nagpalakad ng lumpo, nagpagaling ng may ketong, at
nagbigay ng buhay sa patay, walang alinlangang hindi
ipinako sa krus! Muli pa'y ginamit ko ang katwiran at
pagpapasiya; nais kong mapabilang sa relihiyong ito: nais
kong maging isang Muslim!
Kung paano nabuwag ang aking paniniwala na si Hesus ay
ipinako sa krus, gumuho ring sabay-sabay ang muling
pagkabuhay ni Hesus sa araw ng Linggo, ang Semana Santa
(Pasko ng Pagkabuhay), Biyernes Santo, ang pagdalaw sa
Pitong Simbahan (Mga Istasyon ng Krus sa Visita Iglesia),
ang pag-aayuno tuwing Biyernes, ang pagkain ng isda sa
halip ng karne sa di-umano'y mga 'Banal na Araw', at aking
napagtanto na pawang mga kasinungalingan ang mga ito.
Ang kapangyarihan ng "agimat" ay tuluyang naglaho. Ang
mapangatwirang isip ng isang kabataang lalaking nag-aaral
na maging inhen-yero ay malaya na ngayon upang tanggihan
9 Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
ang lahat ng mga tradisyong walang batayan na itinatag sa dimakatwirang
konsepto ng Diyos - na siya'y naging tao at
namatay para sa kasalanan ng tao.
Bilang isang kabataang lalaking naging propesyonal na
bomberong nagliligtas sa mga nasusunugan at sa kanilang
ari-arian, na kailanma'y hindi ako nagkabisyo • ng paninigarilyo
at paglalasing bagama't talamak ang mga ito sa
lipunan, hindi ko na maaaring tanggapin pa ang mga
ganitong pagpapatupad at pagsasamantala.
Noong summer ng 1979, kumuha ako ng opsiyonal na kurso
sa Oklahoma State University na lalong nagpalinaw sa landas
na sinimulan kong tahakin. Ang kurso ay tinawag na "Islamic ~
Culture." Sa katapusan ng summer ng 1979, bumalik ako sa
Seattle, at sa harap ng dati pa ring Imam na nagbigay sa akin
ng babasahing Islamiko ay pormal kong niyakap ang Islam sa "'
pamamagitan ng panunumpa (shahadah) ng patotoo sa
pananampalataya.
Natatandaan ko pa ang tanong ng Imam sa akin: "Natitiyak mo
bang nais mong yakapin ang Islam?" Tugon ko, "Opo."
Pagkatapos ay iginiit niya: "Kahit na mangahulu-gang isusulat
ito sa iyong pasaporte na ikaw ay isang Muslim?" Sinabi ko:
"Kahit na." Sa gayon ay kanyang sinabi, "Kung natitiyak
mong iyan ang iyong nais, ulitin mo ang bawa't salitang
bq.banggitin ko, 'Ako ay suma-saksi na walang tunay sa
Diyos na karapat-dapat sambahin kundi ang Allah lamang,
at sumasaksi rin ako na si Muhammad ay Sugo ng Allah.'
Ipinaalam sa akin ang kahulugan ng Shahadah sa wikang
Ingles at aking binigkas ito sa wikang Arabik sa pamamagitan
ng pag-ulit nito pagkatapos sabihin ng Imam. Sa
gayong paraan, naisagawa ko ang unang hakbang ng
pagpasok sa Islam.
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam~
IX. Paanong Naantig ng Islam ang Aking Buhay
W alang alinlangan, ang pagbabago ng tao tungo sa
pagtutuwid ng sarili ay sadyang kailangan, at ang aking
kalagayan ay hindi naiiba sa ibang tao. Noong ipinasiya
kong yakapin ang Islam, ipinangako ko sa Allah na gagawin
ko sa abot ng aking makakaya upang matutuhan ang lahat ng
nararapat kong malaman hinggil sa relihiyong ito.
Habang nasa kabataang gulang ako at katatapos ko pa lamang
ng unang taon sa Oklahoma State University, pinakasalan
ko ang isa ring kabataang Muslimah na halos kasing edad ko
rin. Sa Stillwater, Oklahoma, itinakda sa akin ng Islamic
Center ang una kong guro sa Islam mula sa Palestine na si
Brother Faiz (pagpalain nawa siya ng Allah at gantimpalaan
siya sa kanyang itinuro sa akin) ay nag-ukol ng kanyang
malaking panahon upang turuan ako ng pagdarasal, ang mga
haligi ng Islam, ang mga haligi ng pananampalataya, tungkol
sa buhay pagkatapos ng kamatayan, ang Araw ng Muling
Pagkabuhay at marami pang ibang paksa. N atatandaan ko pa
ang napakatinding epekto nito sa akin bunga ng talakayan
hinggil sa buhay pagkatapos ng kamatayan. Sa tanang buhay
ko bilang Kristiyano, walang sinumang nagturo sa akin ng
anumang kahawig nito at gayong kadetalye. Ang kamatayan
ay lagi nang isang hiwiga sa akin.
Hindi ko batid kung ano ang mangyayari sa akin sa sandaling
ilibing na ang aking katawan sa lupa. Nakita ko ang mga
detalyeng kasagutan sa Islam. Kapag namatay ang isang tao,
dapat siyang ilibing ayon sa mga tagubilin ni Propeta
Muhammad(~). Ang mga labi nito'y mapita-gang lilinisin at
paliliguan at nilalagyan ng pabango. Pagkatapos ay binabalot
ito ng dalawang pirasong puting tela, inililibing nang walang
kabaong at ito'y nakaharap sa Makkah. Nabanggit ni Propeta
Mohammad ( 'iiJ,,) na mari-rinig ng yumao ang mga yabag ng
mga buhay habang sila'y papalayo sa kanyang libingan at
~ '\J' Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
mararamdaman niyang siya ay maiiwanang mag-isa. Ilang
saglit pa'y may dalawang anghel na lalapit sa kanyang
libingan at tatanungin ang yumao ng mga sumusunod na
katanungan:
(1) Sino ang iyong Diyos?
(2) Ano ang iyong relihiyon?
(3) Sino ang iyong Propeta?
Ipinahayag ni Propeta Muhammad ( ~) na ang mananampalataya
ay hindi mahihirapang sagutin nang wasto ang
mga tanong na ito. Samantalang ang walang pananampalataya
ay hindi masasagot ang mga ito. Pagkatapos ng
maikling pagtatanong na ito, magsisimula na ang buhay sa
libingan - maaaring lubos na kaligayahan o matinding
paghihirap. Nguni't ito ay alinsunod sa mga gawa ng tao. At
sa mananampalataya'y aabot sa kanya ang malamig na simoy
mula sa Paraiso, nguni't sa di-mananampalataya'y aabot sa
kanya ang nakapapasong hangin mula sa Impiyernong apoy.
At magiging malawak ang libingan ng isang
mananampalataya upang maging maginhawa ito sa kanya. At
magiging makitid ang libingan ng di- mananampalataya
upang tumindi ang kanyang parusa at paghihirap. Hinihiling
ko sa Allah na Kanyang palawakin ang aking libingan at
ilayo Niya sa akin ang parusa sa libingan.
Ang kaalamang ito na ibinahagi ni Brother Paiz ay nagbigaylinaw
sa ilan sa aking mga alinlangan tungkol sa mga taong
gumagawa ng krimen at hindi naparurusahan sa kanilang
makamundong buhay. Ipinaliwanag din niya kung bakit
binibigyan ng Allah ang bawa't tao ng maraming
pagkakataon upang magsisi at makapagsimula ng bagong
buhay habang siya ay nabubuhay dito sa daigdig - isang
malinaw na paglalarawan ng lubos na katarungan ng Diyos sa
kanyang mga nilikha. Dati'y inakala kong naunawaan ko na
nang husto ang mga konsepto ng pansamantalang buhay at
..
.Cc;;)
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam ~
maging ang walang-hanggang buhay. Sa Simbahang
Katoliko, ako ay tinuruan na si Hesus ay namatay upang
iligtas tayo. Samantala, natutuhan ko sa Islam na ang bawa't
tao'y mananagot sa kanyang sariling mga gawa at siya'y
gagantimpalaan o parurusahan nang nararapat. Ito ay tunay
na makatarungan at makatwiran. Ito ay nagbibigay sa akin
ng kapanatagan sa aking kaluluwa.
Ang bagong kaalamang ito ay unti-unting nagpabago sa lahat
ng impormasyong nasa aking isipan, at nagkaroon ako ng
pagpapahalaga sa bagay na dapat unahin. Nag-simula akong
mag-ukol ng higit na panahon para sa pag-aaral ng relihiyon
ito. Nang ang aking takdang pagsasanay sa gym ay
sumalungat sa aking pagdarasal sa umaga, inilagay ko sa huli
ang aking takdang pag-ehersisyo sa umaga upang mauna ang
aking tungkulin sa pagdarasal.
Sa mga nakalipas na taon bago ko tinanggap ang Islam,
adhikain ko ang maging isang musikero, sumama ako sa
maraming music concert, tumugtog ng gitara at buhos ang
sarili sa pag-awit. Subali't nang tinanggap ko ang Islam,
iniwan ko ito at sa halip ay nag-ukol ako ng panahon para sa
pag-aaral ng pagbigkas ng Qur' an sa Arabik, ang orihinal na
wika ng huling rebelasyon ng Allah.
Ang aking pagharap sa pananagutan bilang asawa at ang
aking pagtuon sa pag-aaral sa pagka-inhinyero sa edad na
dalawampu't isa, sadyang gahol ako sa panahon upang gawin
ang iba pang bagay. Subali't sa patnubay ng Allah, ang
marubdob kong pagmamahal sa· bago kong relihiyon ang
nagbibigay sa akin ng pagnanais na magsimulang magturo ng
anumang a.king kaunting nalalaman hinggil dito.
Nang magbalik ako sa Venezuela, walang anumang
kaalaman ang aking buong pamilya hinggil sa Islam.
Nasanay na silang makita akong nagsasagawa ng pagdarasal
at wala akong narinig sa kanila ng anumang pangungutya o
Ci;)
7 Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
pagbabawal sa aking ginagawa. Nanatili aka sa Amerika
nang mahigit sa apat na taon nang malayo sa aking mga
magulang at mga kapatid. Marahil ang kanilang pananabik at
kaligayahang muli nila akong makapiling ang higit na nanaig
upang tanggapin nila aka bilang aka.
Sa aking trabaho, humingi aka ng pahinulot sa aking pinuno
upang magdasal nang limang minuto sa aking opisina. Halos
aka lamang ang tanging Venezuelan Muslim sa oil industry
sa aming bansa noong 1982. Hiniling ko sa Allah na tulungan
Niya akong magtiis at maging matatag, sa gitna ng mga
tuksong madalas na dumarating. Sa biyaya at awa ng Allah,
nanatiling malinis ang aking pagkatao at ligtas laban sa
anumang katiwalian.
Pagkaraan ng halos tatlumpung taon simula nang ako'y
yumakap sa Islam, nadarama ko ang higit na kaligayahan sa
naging pasiya ko noon na maging isang Muslim.
Nararamdaman ko ang labis na kasiyahan kapag nakikita ko
kung gaano karaming tao sa aking paligid ang yumayakap sa
Islam araw-araw. Purihin ang Allah, ang Dakilang Lumikha
ng lahat ng nilalang. Ang Islam ang siyang pinakamabilis na
relihiyon sa paglaganap sa buong daigdig. Ito rin ang may
pinakamalaking bilang ng taga-sunod na nagsasabuhay49 nito
sa kabila ng kaunting panus-tos na inilalaan sa mga
tagapangaral nito kung ihahambing sa ibang mga relihiyon,
lalo na ng Kristiyanismo.
49 Ang bilang ng mga Muslim na isinasabuhay ang kanilang relihiyon ay
nakahihigit sa kabuuang bilang ng lahat ng mga pinagsama-samang taong
nagsasabuhay ng kanilang pananampalataya mula sa lahat ng ibang
relihiyon. Batay sa Sunday Times, ang bilang ng mga pumapasok sa masjid
sa Britanya minsan sa isang linggo ay di-kukulangin sa 930,000 na mga
tao, kahambing ng 916,000 na pumapasok sa mga simbahan. Ito ay
nagaganap sa sinasabing isang bansang Kristiyano, kung saan ang mga
Muslim ay isang minorya.
.,
~
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesns Ang Naghatid sa Akin sa Islam ~
Kahit sa pamamagitan lamang ng mga payak na pamamaraan,
ang Islam ay lumalaganap nang kusa, banayad at
natural. Makapapantay lamang ang Kristiyanismo sa bilis ng
paglaganap ng Islam sa pamamagitan ng napakalaking yaman
sa likod ng kanilang gawaing misyonaryo. Ang isang
simpleng paghahambing ng mga pumasok sa Islam at
Kristiyanismo - ang dalawang pinakapangunahing relihiyon
na napakaraming tagasunod sa iba't ibang sulok ng daigdig
(na di-tulad ng ibang mga relihiyon, ang karamihan sa
kanilang mga tagasunod ay nalilimitahan lamang o
nakapaloob sa mga partikular na panahon o bansa), malinaw
na nagpapakitang ang Kristiyanismo ay nakapang-aakit ng
mga taong may kakaunting pinag-kakakitaan o limitadong
kabuhayan. Sila ay nahihikayat tungo sa Simbahan sanhi ng
karalitaan at pangangailangan sa kadahilanang ang mga
material na pang-udyok (pang-halina) na iniaalok nito ay
napakalaki.
Ang patunay sa usaping ito ay ang katotohanang ang mga
simbahan at ang doktrinang kanilang itinataguyod ay tinatalikuran
sa loob mismo ng sarili nilang mayayamang bansa
habang dinadala nila ito sa mga mahihirap na bansa.
Sa kabilang dako, nakikita nating ang mga nagsisiyakap sa
Islam ay galing sa mga di-magagalaw (untouchable) at mga
mahihirap, mga mayayaman at mga tanyag at mga
siyentipiko at mga dalubhasa, mga kasapi ng klerikong
Kristiyano, (kaparian). Maging yaong mga batid nilang
malaki ang mawawala sa kanila sa makamundong
kapakinabangan sa sandaling sila ay pumasok o maaaring
malagay sa kapahamakan dahil sa kanilang pagmumuslim.
Sa gayong kadahilanan, ang aking pananampalataya ay
patuloy na lumalakas habang nasasaksihan ko ang pangako
ng Allah ay unti-unting natutupad:
~ V Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesns Ang Naghatid sa Akin sa Islam
"Ninanais nilang apulain ang Liwanag ng Allah (Islam), sa
pamamagitan ng kanilang mga bibig. Subali't gagawin ng
Allah ang Kanyang Liwanag (Islam) tungo sa kaganapan
kahit kamuhian pa ito ng mga di-mananampalataya. Ang
Allah ay Siyang nagpadala sa Kanyang Sugo (Muhammad)
na dala ang Patnubay (Qur' an) at ang Relihiyon ng
Katotohanan (Islam), upang gawin itong matagumpay sa
lahat ng relihiyon kahit kamuhian pa ito ng mga sumasamba
ng iba bukod saAllah." (Qur'an 61:8-9)
Sinumang nakababasa ng Bibliya, maaaring mapansin niya
ang ilang katuruan dito na Muslim lamang ang nagsasagawa
nito. Ayon sa Bibliya, si Hesus at ang mga Propetang nauna
sa kanya ay nagpapatirapa kapag nag-darasal (Genesis 17:3
at Mateo 26:36). Sa ngayo'y mga Muslim lamang ang
nagsasagawa nito sa kanilang mga pagdarasal. Gayundin, ang
mga kababaihang Muslim lamang ang nagsusuot ng
talukbong sa ulo na binabanggit sa Bibliya, samantalang
napakarami mula sa mga kaba-baihang Kristiyano ay
tuluyang pinawalang-halaga ang aral na ito sa kabila ng
katotohanang si Maria ay kinaugaliang magsuot ng talukbong
sa kanyang ulo (Awit ni Solomon 4:9 at I Mga TagaCorinto
11:5).
Maging ang pagbating ginainit ni Hesus, "Sumainyo ang
kapayapaan," (Lucas 24:36) ay ginagamit ng mga Muslim
samantalang karamihan ng mga Kristiyano ay bumabati ng
"Hello." Marami pang ibang seremonyas na panrelihiyong
tanging ang mga Muslim lamang ang nagsasagawa sa
ngayon, katulad ng ablution (pahuhugas o paglilinis),
pagtutuli, pag-iwas sa pagkain ng karne ng baboy at ng karne
ng patay na hay op na hindi dumaan sa tamang pagkatay,
atbp. Samakatwid, napakalinaw na ang mga tunay na
tagasunod ni Hesus at mga naunang Propeta ng Diyos ay ang
mga Muslim, na tanging tumalima sa lahat ng kanilang mga
itinuro.
..
·-
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam~
X. Paano Nakaantig sa Buhay ng Iba ang Pagyakap ko sa IsJam?
Sa pagkakatanggap ko ng dakilang handog na ito mula sa
Allah - ang Kapuri-puri at ang Maluwalhati, nakadama ako
ng matibay na hangaring ihatid ang Kanyang huling mensahe
sa mga hindi pa nakarinig nito. Hindi ako naging lubhang
matagumpay sa simula. May ilang taong tinang-gap ito
bilang biro, samantalang ang iba ay nagmung-kahing dalhin
ko ang mensahe sa mga bata sa dahilang ang mga
nakatatanda ay nakapirmi na sa kanilang mga
pinaniniwalaan. Sa loob ng mahabang panahon, ang tangi
kong suporta maliban sa Allah ay ang aking maybahay, na
sumama rin sa aking paniniwala sa Islam.
Noong 1990, nagbalik ako sa Estados Unidos upang kumuha
ng master's degree sa Safety Engineering sa Texas A & M
University. At sa paglalakbay kong ito naipasya kong
dagdagan ang aking mga pagsisikap sa pagpapalaganap ng
Islam. Aking sinunod ang isang Islamic training program na
isinaayos ko batay sa mga materyal na nasa Bryan College
Station Islamic Library. Habang ako'y naroroon, palagian _
akong sumusulat sa aking pamilya sa Venezuela tungkol sa
anumang paksang Islamikong napag-aralan ko.
Nalasap ko ang lubos na kaligayahan, sa pagbalik ko sa
Venezuela noong 1992. Pagkatapos ng maikling pagpapaliwanag,
ang aking mga magulang at isa sa aking mga
nakatatandang kapatid na lalaki ay nagsiyakap sa Islam.
Pagkatapos, sumunod na yumakap sa Islam ang dalawa sa
aking mga kapatid na babae, at isa pang kapatid na lalaki at
pagkaraa'y ang isa pang pamangking lalaki.
9 Ang Dakilang Pag-iblg Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
Pagkatapos sang-ayunan ng direktor ng Masjid sa Caracas, na
kabubukas pa lama.rig noon, ang aking mungkahing
magbukas ng isang programa para anyayahan ang mga diMuslim
na dalawin ang pinakamalaking Masjid sa Latin
Amerika tuwing araw ng Linggo. Nagkusang-loob akong
pagtugmain ang programang ito sa Imam ng Masjid. Purihin
ang Allah! Isang ganap na tagumpay ang una naming
pagsisikap. Mga 250 katao ang dumalo sa naging kaunaunahan
kong pampublikong panayam na aking inihatid sa
mga taga-Venezuela hinggil sa Islam. Ito na marahil ang
unang pagkakataon sa Venezuela ang nag-karoon ng
panayam tungkol sa Islam na kung saan dumalo ang
pinaghalong mga Hudyo, Kristiyano, ateista at iba pa. Sa
pahintulot ng Allah, sadyang matagumpay ang programang
iyon dahil maraming Venezuelan ang nagsi-yakap sa Islam.
Ang 'out-reach program' o programang pagpapaabot (ng
mensahe ng Islam) tuwing Linggo ay kasalukuyan pang
idinaraos. Malayang dumalo sa pala-tuntunang ito ang
. sinumang nagnanais magkaroon ng kaalaman hinggil sa
Islam.
Sa aking pagbibigay panayam sa iba't ibang lugar,
napapansin kong maraming tao ang may interes sa Islam.
Marami ang yumayakap sa relihiyong ito sa unang
pagkakataon, ang iba'y kumukuha ng i:inumang babasahin
hinggil dito at unti-unti pinag-aaralan ito katulad ng ginawa
ko noong nakaraang halos 30 taon. Ang iba nama'y
nagkaroon ng pagtutol sa Islam na nagsasabing napakarami
nilang mga bisyong hindi maaaring iwanan. Sa bahaging ito,
nais kong ipaalam sa sinumang mambabasa na kapag ang
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam~
isang tao ay yumakap sa Islam, ang kanyang buhay ay
maaaring hindi kagyat na magbabago. Maaari itong
mangyari, subali't hindi sa lahat ng panahon. Ganito kadalas
ang nagiging proseso sa pag-unlad - habang natu-tuto, untiunting
napapalapit ang tao sa Allah, sa kanyang mga kapatid
sa pananampalataya at sa pangunahing katu-ruan ng
pananampalataya.
Marami sa mga dumalo sa aking panayam ang nagtanong ng
mga sumusunod:
1. Dapat pa ba akong magsalita ng Arabik upang
maging isang Muslim?
2. Kailangan bang maging isang Arabo muna ako kung
nais kong maging Muslim?
3. Dapat ko bang itigil ang paniniwala kay Hesus at
tanggihan si B irheng Maria upang maging isang Muslim?
Ang kasagutan sa lahat ng mga katanungang ito ay "hindi".
Ang Islam ay isang pandaigdigang relihiyon, at matatagpuan
ang mga Muslim sa bawa't bansa at sulok ng mundo, kaya
narnan ang wika ay hindi kailanman naging isang hadlang.
Upang maging isang Muslim, kinakaila-ngang maniwala kay
Hesus bilang isa sa mga pinaka-dakilang Propeta ng Allah, at
maniwala kay Maria bilang ina ni Hesus, na kinalugdan ng
Allah nang higit sa lah!}t ng kababaihan.
Nag-aatubili ang ibang tao sa kanilang pagpapasiya sa
pagpasok sa Islam sa pag-aalalang hindi nila kayang tuparin
ang ilan sa mga kinakailangang gawin sa pagpasok sa Islam.
Ang unang hakbang para maging isang Muslim ay sadyang
napakapayak at napakadali. W alang mga masalimuot o
c;-:)
V Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
mahihirap na dapat gawin katulad halim-bawa ng mga
espesyal na seremonyas, o tagapamagitan, o anumang bagay
na hindi abot ng kakayahan ninuman. Ang tanging kailangan
sa pagyakap sa Islam ay ang taimtim na paniniwala Allah -
ang Bukod-Tanging Nag-iisang tunay na Diyos, ang
tanggapin Siya bilang Lumikha, Tagatustos ng sanlibutan, na
. Siya ang nagtatangan ng buhay at kamatayan, Ganap na
Makapangyarihan at Tagapamahala sa lahat ng bagay, ang
Bukod-Tanging karapat-dapat sambahin. Na Siya ang
nagmamay-ari ng pinakamaga-gandang mga pangalan at
pinakamaluwalhating mga kata-ngian, na Siya ay walang
katambal, anak, ina o ama , at walang anuman ang
maihahambing sa Kanya. Gayundin naman, dapat itakwil ang
lahat ng mga anyo ng paga-nismo.
Pagkatapos magpatotoo nang may katapatan na walang dapat
sambahin kundi ang Allah, at si Muhammad ( ~) ang huling
Sugo ng Allah, ang bawa't bagay hinggil sa Islam ay mapagaaralan
nang dahan-dahan sa pamama-gitan ng pagtitiyaga,
pagsisikap at debosyon. Sakali mang datnan ng kamatayan
ang sinuman pagkatapos ng matapat na niyang pagtanggap sa
Islam, itinuturing siyang isang malinis na Muslim at siya'y
makapapasok sa Paraiso sa habag ng Allah.
Kapag ang isang tao ay nanumpa na si Muhammad ( ~) ay
Sugo ng Allah, ito ay hindi nangangahulugan na siya lamang
ang tanging Sugo ng Allah, kundi siya ang pinakahuling
Sugo ng Allah at pinakahuli sa mga hanay ng Propeta
magmula kay Adam.
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam 9
XI. Kapag ang Relihiyon ay Ikinintal nang Sapilitan
Ipinahayag ng Allah na walang sinumang maaaring piliting
yumakap sa Islam. Ito ang pangunahing simulain ng Kanyang
mga katuruan :
"Walang sapilitan sa pananampalataya. Katotohanan, ang
tamang landas (katotohanan) ay naging malinaw sa maling
landas (kasinungalingan)." (Qur'an 2:256)
Gayundin, ipinahayag ng Allah: "At sabihin: 'Ang
katotohanan ay mula sa inyong Panginoon. " Kaya sinumang
nagnanais (ng Paraiso), hayaan siyang sumam-palataya; at
sinumang nagnanais (ng Impiyerno), hayaan siyang disumampalataya'
... " (Qur'an 18:29)
Ang Islam ay nag-uutos din ng pakikipag-talastasan sa iba at
pag-aanyaya sa kanila nang may karunungan at magandang
.. pagpapaliwanag upang yakapin nila ang tunay na relihiyong ito:
"Mag-anyaya sa landas ng iyong Panginoon nang may tamang
kaalaman at magandang pangangaral, at mangatwiran sa
kanila sa paraang pinakamahusay ... "(Q 16:125)
Ang Simbahang Katoliko ay narating ang kasalukuyang
kinalalagyan nito bunga ng karumal-dumal na pagdanak ng
dugo ng milyun-milyong inosente. Namangha ako nang
malaman ko na sa Netherlands, tatlong milyong tao ang
pinatay nang hindi sila tumalima at tumanggap ng mga
doktrina ng Simbahang Katoliko.
"Noong Pebrero 16, 1568, isang kapasiyahan ng 'The Holy
Office' (ng Papa ng Roma) ang naghatol ng kamatayan sa
lahat ng mga mamamayan ng Netherlands bilang mga erehe
(kalaban ng simbahan). Sa pang-kalahatang hatol na ito,
kakaunting tao lamang, na tiniyak ang mga pangalan, ang
hindi napabilang. /sang pahayag ng Bari ang inihayag
pagkaraan ng sampung araw, ang nagpatibay sa kautusang
ito ng lnkisisyon (Pagsisiyasat ng Simbahan sa erehe), at
Q. V Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
ipinag-utos ang madaliang pagpapatupad, nang walang
pagsa-saalang-alang sa edad, kasarian o kalagayan. Ito na
marahil ang pinamaikling pagtatakda ng kamatayan na
binalangkas. Tatlong milyong tao, lalaki, babae at bata ang
nahatulan sa entabladong bitayan na may tat long hilera ... At
sa bisa ng bagong kautusang ito, ang mga pagpatay na ito ay
hindi naantala. Mula sa pinakamatataas at pinakama-babang
katungkulan ay kinaladkad ang mga tao araw-araw at oras-oras
sa pagbibitayan. Si Alva, sa iisang liham kay Philip, ay
mahinahong tinantiya ang bilang ng mga pagpatay na ginawa
pagkatapos na pagkatapos ng Semana Santa, na umabot sa '800
na mga ulo. '" (The Rise of the Dutch Republic, John Lothrop Motley)
Pagkatapos idaos ang Konseho sa Nicea (Nicean Council),
naging mabigat na kasalanan ang sinumang magtaglay ng
Ebanghelyo na di-pinahintulutan. Bunga nito, mahigit isang
milyong Kristiyano ang pinatay sa mga sumunod na mga
taon pagkatapos ng kapasiyahang ito ng Konseho. Ito ang
pamamaraang ginamit ni Athanasius upang pag-isahin ang
mga Kristiyano. Maaaring akalain ng iba na ang mga
karumal-dumal na krimeng ito ay kamalian lamang ng iilan o
ng isang pangkat ng mga taong makasarili na may mga
pusong walang habag at kabaitan, o kaya'y walang
kinalaman ang Bibliya hinggil dito. Subali't nabigla ako
nang matuklasan ko ang magkatulad na pag-uutos sa
karumal-dumal na krimeng ito na matutunghayan nang
tuwiran sa mga talata ng Bibliya, na ito marahil ang
pinagbatayan nito. Maaaring maliwanag kaninumang
nakababasa ng Bibliya na ang mga taong ito ay nagpatupad
ng ilang mga talata ng Bibliya:
"At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sina-sabi ... Ngayon
ay patayin ninyo ang lahat ng mga batang lalaki at bawat
babae na nasipingan ng lalaki. Ngunit ang lahat ng batang
babae na hindi pa nasisipingan ng lalake ay buhayin ninyo
upang mapasainyo." (Mga Bilang 31:1,17-18).
I
Q
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Nagbatid sa Akin sa Islam V
At sinabi ng Panginoon, "Dumaan kayo sa lunsod na
kasunod niya, at manakit kayo; huwag magpatawad ang
inyong mata, at huwag kayong magpakita ng habag. Patayin
ninyo agad ang matatanda, ang mga binata, mga dalaga,
mga bata at ang mga babae .. . " (Ezekiel 9:5-6).
Sinabi ni Josue sa mga mamamayan ng Israel:" .. . Sapagkat
ibinigay na sa inyo ng Panginoon ang bayan ... lohat ng pilak,
ginto, mga sisidlang tanso at bakal ay banal sa Panginoon;
pawang ipapasok sa silid ng kayamanan ng Panginoon .. .Kanilang
lubos na pinuksa ng talim ng tabak ang lohat ng nasa bayan, ang
lo1ake at gayon din ang babae, ang binata at gayon din ang
matandn, at ang baka, at ang tupa, at ang asno. "(Josue 6:16-21).50
Di-umano'y sinabi ng Panginoon: "Ngayo'y yumaon ka at
saktan mo ang Amalee, at iyong lubos na lipulin ang buo
nilang tinatangkilik, at huwag kang manghinayang sa kanila;
kundi patayin mo ang lalake at babae, sanggol at sumususo,
baka at tupa, kamelyo at asno." (I Samuel 15:3)
"Ang kanilang mga sanggol ay pagluluray-lurayin sa harap ng
kanilang mga mata; ang kanilang mga bahay ay sasamsamin,
at ang kanilang mga asawa ay dadahasin." (Isaias 13:16)
"Tataglayin ng Samaria ang kaniyang sala; sapagka't siya'y
nanghimagsik laban sa kaniyang Diyos: sila'y mangabubuwal
sa pamamagitan ng tabak; ang kanilang mga sanggol ay
pagluluray-lurayin at ang kanilang mga nagdadalang tao ay
paluluwain ang bituka." (Hoseas 13:16)51
50Y amang ang ilang mga pinuno ng Simbahan ay mapangahas na tuiigsain
(atakihin) ang Islam at pagbintangang naipalaganap ito sa pamamagitan ng
"tabak," makabuluhang banggitin na ang salitang "tabak" ay nabanggit sa Bibliya
nang 406 na beses samantalang hindi ito nabanggit kahit minsan sa Qur' an.
Kaya't aling relihiyon ang malamang na naipalaganap sa pamamagitan ng tabak?
51Ipinahintu!ot ng Islam ang 'Jihad' bilang isang paraan. ng pagtatanggol at
pangangalaga sa mahihina gaya ng mga babae at mga bata, at hindi ng p0agpatay
o pananakit sa kanila, "At ano ang pumipigil sa inyo at hindi kayo
makipaglaban sa Landas ng Allah, at para sa (kapakanan ng) mga mahihina,
mga pinagmalupitan at mga inapi sa (inyong) kalalakihan, kababaihan at mga
G;;,)
V Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Nagbatid sa Akin sa Islam
Lumalabas na ang Bibliya lamang ang tanging aklat na
pangrelihiyon sa mundo ang nagpapahintulot ng pagpatay sa
mga bata, ng pananakit sa mga sanggol at ang paglaslas sa
tiyan ng mga babaeng nagdadalantao. Ang pagkaka-roon ng
mga ganitong talata sa Bibliya at iniuugnay ang mga ito sa
Diyos ay isang malinaw na katibayang ang Bibliya ay
nagdanas ng pagbabago sa kamay n~ taong kumatha ng mga
kasinungalingan sa ngalan ng Diyos. 2 ·
bata ... " (Qur'an 4:75) Ang 'Jihad' ay isa ring gawaing pagtatanggol sa
sarili, hindi gawaing pananalakay. Ipinahayag ng Allah: "At makipaglaban
kayo para sa landas ng Allah, sa mga taong nakikipaglaban sa inyo at huwag
kayong lumabag sa mga hangganan. Katiyakan, hindi naiibigan ng Allah ang
mga lumalabag sa Kanyang itinakdang hangganan ... " (Qur'an 2:190) Ang
'Jihad' ay itinatalaga rin bilang paraan ng pagtiyak sa kalayaan ng pag-aanyaya
sa iba tungo sa landas ng Allah at pag-aalok sa kanila ng pagpasiyang yakapin
ito kung kanilang nais nang walang pamimilit. Sinasabi ng Allah: "Walang
pamimilit sa pananampalataya. Katotohanan, naging malinaw ang tamang
landas sa maling landas ... " (Qur'an 2:256) Gayundin: "At sabihin mo sa
kanila: 'Ang katotohanan ay mula sa inyong Panginoon. Kaya sinumang
magnais (ng_ Paraiso ), hayaan siyang manampalataya at kung sinuman ang
magnais (ng lmpiyerno), hayaan siyang di-manampalataya ... "'(Q 18:29)
52Sa kadahilanang ang pagkakaroon ng ganitong mga teksto at iba pa ay
nagbigay ng kahihiyan sa mga "patnugot" ng Bibliya, pinanghimasukan nila
ang diumano'y Salita ng Diyos. Itinuring nila ang mga teksto nito katulad ng
ibaug aklat na sinulat ng tao; at samakatwid ay nagdagdag at nagbawas sila rito,
sa kung ano ang palagay nila na di-angkop. Halimbawa, nababasa sa I Samuel
6:19, "Kanyang pinatay ang ilan sa mga tao sa Bet-shemes, sapagkat kanilang
tiningnan ang loob ng kaban ng Panginoon. Pumatay siya sa bayan ng
pitumpung lalaki at limampung libong katao ... " Gayunpaman, ang mga salin sa
Inggles, Pranses, Aleman at Arabik ay nagpasiyang ang gayong gawain ay
hindi naaangkop sa Maawaing Panginoon, kaya't kanilang binura ang
limampung libong katao at tinira lamang nila ang pagbanggit sa 70 tao.
Naniwala silang ang basta "tumingin" lamang sa Kaban ng Tipan ng Panginoon
ay hin"di isang krimeng marapat parusahan ng paglipol. Maging sa
kasalukuyang panahon, sa pagkakalantad ng Bibliya sa mga tagasalin at mga
kagamitang panlimbagan, na ito ay patuloy na nababago. Mapag-iisipan ng
sinuman kung ano kaya ang sitwasyon noong mga lumang panahong tanging
ang mga pari lamang ang may karapatan sa Bibliya.
..