Mga Artikulo

Sa Banal na Qur’an, itinuturo ng Allah sa tao na nilikha sila upang sambahin Siya, at ang batayan ng lahat ng tunay na


pagsamba ay ang laging pag-alaala sa Allah. Sa dahilang sakop ng Islam ang lahat ng aspeto ng buhay, ang lagi nang


paggunita sa Allah ay binibigyan ng pansin sa lahat ng gawain ng tao. Binibigyang-linaw ng Islam na ang lahat ng kilos ng


tao ay itinuturing na mga gawang pagsamba kung ginagawa ito dahil sa Allah at ayon sa Kanyang Banal na Batas. Kaya


naman, ang pagsamba ay hindi lamang mga pang-relihiyong rituwal.


Ang mga katuruan sa Islam ay nagsisilbing habag at lunas sa kaluluwa ng tao. Ang mga katangiang katulad ng


pagpapakumbaba, katapatan, matiisin at pagkakawanggawa ay matiim na ipinag-uutos. Karagdagan nito, ipinagbabawal sa


Islam ang pagmamalaki at pamumuri sa sarili, sa dahilang ang Allah lamang ang tanging Hukom sa pagkamakatwiran ng


tao.


Ang pananaw ng Islam sa kalikasan ng tao ay higit na makatotohanan at mahusay na pinagtimbang. Hindi pinaniniwalaan


na likas na makasalanan ang tao, bagkus siya ay may kakayahang gumawa ng mabuti at masama. Itinuturo din ng Islam na


ang paniniwala at pagsagawa ay lagi nang magkasama. Binigyan ng Allah ang tao ng kalayaan, kaya naman ang sukat ng


kanyang pananampalataya ay batay sa kanyang mga gawa at asal. Gayundin naman, nilikha ang tao na sadyang mahina


at lagi nang natitisod sa kasalanan. Ito ang kalikasan ng taong nilikha ng Allah ayon sa Kanyang Talino. Ang tao ay hindi


likas na makasalanan o nangangailangan ng kumpuni. Ito ay sa dahilang laging bukas ang landas ng pagsisisi sa lahat ng


tao. At minamahal ng Allah ang nagsisising makasalanan na taos pusong naninikluhod sa paghingi ng tawad sa Kanya.


Naitatatag ang tunay na pamumuhay Islamiko sa pamamagitan ng tamang takot sa Allah at matapat na paniniwala sa


Kanyang Walang-Hanggang Habag. Ang isang pamumuhay na walang takot sa Allah ay humahantong sa kasalanan at


pagsuway, samantalang ang paniniwalang hindi patatawarin ng Allah ang mga mabibigat na kasalanan ay humahantong sa


kawalan ng pag-asa. Ang Islam ay nagtuturo: Tanging ang mga naliligaw lamang ang nawawalan ng pag-asa sa Habag ng


kanilang Panginoon.


Karagdagan nito, ang Banal na Qur’an na ipinahayag kay Propeta Muhammad ay naglalaman ng napakamaraming


katuruan hinggil sa kabilang-buhay at sa Araw ng Paghuhukom. Dahil dito, naniniwala ang mga Muslim na ang lahat ng tao


ay hahantong sa paglilitis ng Allah sa kanilang mga paniniwala at gawain nang sila’y nabubuhay pa sa mundo. Sa


paghusga sa tao, ang Allah ay Mahabagin at Makatarungan. Huhusgahan ang tao ayon lamang sa kanilang nakayanan.


Sapat nang sabihin na itinuturo ng Islam na ang buhay ay isang pagsubok, na ang lahat ng tao ay may pananagutan sa


Allah. Ang matapat na paniniwala sa kabilang buhay ay isang susing humahantong sa isang matuwid na buhay at moral. Sa


kabilang banda, kung ang pananaw ay wala nang darating pa pagkatapos ng kamatayan, ito ay magdudulot sa tao na


maging maramot, makamundo at magkakaroon ng mababang moralidad.


ISLAM - TUNGO SA HIGIT NA MAHUSAY NA PAMUMUHAY


Itinuturo ng Islam na ang tunay na kaligayahan ay maaari lamang makamtan sa pamamagitan ng isang pamumuhay na may


kaakibat na paggunita sa Allah, at sa pagkakaroon ng kasiyahan sa bawa’t biyayang ibinibigay Niya. Karagdagan nito, ang


tunay na kasarinlan ay ang kalayaan sa pagiging alipin ng mababang pagnanasa, at kalayaan sa mga ideolohiyang gawa


ng tao. Ang naturan ay siya namang kabaliktaran sa pananaw ng maraming tao sa makabagong daigdig na itinuturing ang


“Kalayaan” bilang isang kakayahang bigyang-kasiyahan ang lahat ng kanilang pagnanasa nang walang pagpipigil.


Ang maliwanag at malawak na patnubay ng Islam ay nagbibigay sa tao ng isang malinaw na takda sa layunin at landas ng


buhay. Bilang karagdagan sa pagiging kasapi ng kapatiran sa Islam, ang timbang at praktikal na katuruan ay pinagmumulan


ng kapayapaan, patnubay at moralidad. Ang tuwiran at malinaw na ugnayan sa Makapangyarihang Diyos, kasama ng


pagkakaroon ng pagpapahalaga sa layunin at sa pagiging kasapi ng pandaigdigang kapatiran ay nagpapalaya sa tao mula


sa maraming pagkabalisa sa araw-araw na pamumuhay. Sa maikling salita, ang pamamaraang buhay Islamiko ay dalisay


at kapaki-pakinabang. Nagtuturo ito ng pagdisiplina at pagpipigil sa sarili sa pamamagitan ng palagiang pagdarasal at


pag-aayunong itinakda nito. Nagpapalaya rin sa tao sa mga pamahiin at sa rasismo (lahat ng pagbibigay ng di-matwid na


opinyong nauukol sa lahi, lipi, kulay ng balat at kabansaan). Makakamtan lamang ng tao ang tunay na karangalan o


kadakilaan sa pamamagitan ng pagtanggap sa lagi nang paggunita sa Allah sa araw-araw na gawain at ang pagtanggap na


ang tanging pagkakaiba ng tao sa mata ng Allah ay ang pagiging masunurin sa Kanya.


Binigyan tayo ng Dakilang Lumikha ng talino at kakayahang mangatwiran, magtimbang at magpasiya. Kaya inilagay Niya


ang ating isip sa pinaka-itaas ng ating katawan, ang ulo, upang ito ay manguna at mamayani sa ating pagpapasiya nang


higit sa damdamin o emosyon – na kadalasa’y nakapaglilihis ng landas. Sinumang nagnanais magkaroon ng tama at


makatarungang pagtitimbang at paghuhusga, siya ay dapat maharap sa higit sa isang pag-aaralan o pagpipilian. Huwag


ibilanggo ang sarili sa isang pananampalatayang hindi dumaan sa malaya at kusang pagpili. Huwag talikuran ang


karapatang pumili ng isang tamang pananampalatayang makapagbibigay ng katiyakan sa kasiyahan at kapanatagan hindi


lamang dito sa lupa bagkus maging sa kabilang buhay.


Inaanyayahan namin kayong magpatuloy sa pag-aaral hinggil sa Islam upang magkaroon ng kaukulang kaalaman na


siyang tanging kailangan upang timbangin at piliin ang katotohanan tungo sa isang tamang pananampalataya at ganap na


panuntunan ng buhay.


Source from: Katipunan ng mga Akda Hinggil sa Islam, ni Ahmad Jibril Salas



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG