
G")
'\/ Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
nagtatagubilin sa lahat ng mabubuting gawa at nag-uutos ng
pag-iwas sa lahat ng masasamang gawa.30
Bago siya hinirang na maging isang Propeta, siya ay ikinasal
kay Khadijah, isang mayaman at kagalang-galang na babae
30Kabilang sa maraming patunay sa pagka-Propeta ni Muhammad(ll\\) ay ang
katotohanang siya ay isang taong di-nag-aral, di-makabasa at di-makasulat na
naninirahan sa isang kapaligirang kulang sa edukasyon. Sa kabila nito, nagdala
siya ng isang kompletong batas na tumatalakay sa bawat aspeto ng buhay ng
tao sa lahat ng panahon tungkol sa paniniwala, mga gawaing pagsamba,
pakikisalamuha, mga kabutihang-asal, at iba pa. At atin siyang makikita na
dala-dala niya ang mga batas na hindi kailanman kayang tapatan o higitan ng
lahat ng mga batas sa mundo katulad ng ganap na pamamaraan sa pag-aasawa,
paghihiwalay ( diborsyo ), pagdadalantao, pagpaparnilya, pagtustos sa
diniborsyo, pamana, ugnayang parnilya at kapitbahay, parusa sa krimen, mga
karapatang pantao, pulitika, kabuhayan, buhay panlipunan, tuntuning
kabutihang-asal at paano ang pagkilos sa pagkain, pag-inom, pagbibihis,
paglalakbay, pagtulog, paggising, paghikab, pagbahin, paghingi ng pahintulot,
pagdalaw sa maysakit, personal na kalinisan, at iba pa. Hindi niya dinala ang
lahat ng ito mula sa kanyang sarili at kailanma'y hindi niya inangkin ang mga
kaalamang ito. Kung ang naging layunin lamang ni Muhammad($) ay
pansariling pakinabang o pagdakila, magiging laban sa kanya ang pag-utos sa
kanyang mga tagasunod nil magsagawa ng ilang mga gawaing tulad ng
paghuhugas (ablusyon) at pagdarasal nang makalimang ulit isang araw, paliligo
matapos ang pagtatalik, pag-aayuno - nang hindi man lamang umiinom ng
· tubig - sa buong isang buwan mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw
taun-taon, lalo na sa Arabia, na ang kapaligiran ay disyertong may dimapaglabanang
init; lalo na ang pagbabawal sa kanila ng mga gawaing nais ng
nakararami tulad ng pag-inom ng alak, pakikiapid, pagpapatubo sa utang,
pagsusugal, at iba pa. lsinasaad sa Deuteronomio 18:20 at Jeremias 14:15 na
isinusumpa ng Diyos ang sinumang nag-aangkin ng pagka-Propeta katulad ng
paghatol Niya kay Hananiah na namatay nang wala pa sa isang taon (Jeremias
15: 17). Ang rnisyon ni Propeta Muhammad($), sa kabilang dako, ay nagtagal
nang 23 taon, at ang relihiyon na kanyang dinala, ngayon ay pinakamabilis
lumaganap na relihiyon sa buong daigdig. Sa buong buhay niya, itinaguyod
siya ng Allah sa lahat ng pagkakataon, na walang ipinahihiwatig ito kundi isang
patunay na siya ay tunay na Propetang mula sa Allah.
Q
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam V
mula sa Makk:ah, na pinaglingkuran niya bilang isang
komersyante. Nang ang balita ng kanyang pagka-propeta ay
maging hayag, ang kanyang bayan ay nag-alok sa kanya ng
malaking kayamanan at pati pagputong sa kanya ng korona
bilang hari kung itatakwil niya ang kanyang panawagan sa
landas ng Allah. Tumanggi siya at ipinagpatuloy ang landas
na pinili para sa kanya ng Allah, isang landas na nasangkot sa
lahat ng uri ng paghihirap alang-alang sa pagpapalaganap ng
Salita ng Allah. Sa kabila ng lahat · ng lakas at
kapangyarihang nasa dulo ng kanyang mga daliri pagkatapos
ipalaganap ang mensahe, namuhay pa rin siya nang simple,
malaya sa mga karangyaan, na maaari niya sanang angkinin.
Sa halip, natulog siya sa maligasgas na banig ng dayami at
nani-rahan sa isang bahay na luwad (pinatigas na putik).
Katulad ng salaysay ng kanyang maybahay: "Maraming
pagkakataong ang Propeta at ang kanyang pamilya ay
nagpalipas ng sunud-sunod na gabi nang walang anu-mang
pagkain. Karamihan sa tinapay na pinagkasya nila sa
kanilang sarili ay gawa sa bar/ey."(At-Tirmidhi 2400)
Sa oras ng kanyang kamatayan, ang kanyang kalasag ay
naisanla sa isang Hudyo bilang kapalit ng sebada para
gawing tinapay para sa kanyang pamilya.
Inialay niya ang buo niyang buhay at mga pagsisikap upang
tupdin ng sangkatauhan ang dahilan kung bakit sila nilikha at
iyon ay ang sambahin ang nag-iisang tunay na Diyos - ang
Allah nang walang pagtatambal. Kanyang ipinahayag:
"At hindi Ko nilikha ang 'Jinn' at ang tao maliban sambahin
lamang Ako." (51:56) Ito ang bukod- tanging paraan upang
mailigtas ang tao sa kapahamakan tungo sa tunay na
kaligayan dito sa daigdig at sa Kabilang-Buhay.
Q V Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
Si Propeta Muhammad( ;iJ, ), ang kahuli-hulihan sa mga
Propeta at Sugo ng Allah ay namatay noong taong 632 CE.
Nag-iwan siya sa atin ng Qur' an, ang panghuling mensahe ng
Allah, at ng kanyang mga pangaral upang gabayan ang lahat
ng sangkatauhan hanggang sa Araw ng Muling Pagkabuhay.
Isang manunulat na Amerikano, si Michael Hart, ay nag-ulat
sa kanyang aklat na "The JOO: A Ranking of the Most
Influential Persons in History," na si Muhammad (!i)I, )- ang
siyang nanguna sa talaan:
"Siya lamang ang tanging tao sa kasaysayan na sukdulang
matagumpay sa antas ng sekular at pan-relihiyong
pamumuhay." Ang namumukod-tanging kombinasyong ito
ay nagbigay-karapatan sa kanya upang ituring siyang
pinakamaimpluwensiyang tao sa buong kasaysayan ng
sangkatauhan. Si William Muir, ang mananalaysay na
Scottish, sa kanyang aklat na "Ang Buhay ni Muhammad",
ay pumuri sa mga salita ni Propeta Muhammad ( tf.f.) dahil sa
pagiging malinaw ng mga ito, at ang pagiging payak at
magaan ng kanyang relihiyon. Sinabi rin niyang naisagawa
ng Propeta( ;fJ.) ang mga kahanga-hangang gawain, na walang
ibang tao sa kasay-sayan ang nagtagumpay, na pukawin ang
mga kaluluwang lublob sa kasamaan upang buhaying muli sa
kanila ang kabutihang asal at pagiging marangal na kanyang
ginawa sa isang maikling panahon.
Ang bantog na mananalaysay, si George Bernard Shaw, sa
kanyang aklat na "The Genuine Islam," Vol. 1, No. 8, 1936,
ay nagsabing ang mundo ay nasa matinding pangangailangan
ng isang taong nagtataglay ng talino ni
Muhammad (ii.JI,). Siya ang Propetang laging inilalagay ang
kanyang relihiyon sa isang kalagayan ng paggalang at
karangalan. Dagdag pa niya, na ang Islam ay ang
pinakamalakas na relihiyon sa lahat ng sibilisasyon sa lahat
•
Q
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Nagbatid sa Akin sa Islam 'v
ng panahon, na siyang magpapakita ng paglaganap at
katatagan sa Europa, sa kabila ng katotohanang ang mga
klero (pari, saserdote, ministro, atbp.) noong mga
kalagitnaang panahon (medieval times) ay nagbigay ng
madilim na larawan sa relihiyon ni Muhammad( ifft.) at
itinuring siyang kaaway ng Kristiyanismo dahil sa taglay
nilang kamangmangan o pagkapanatiko. Idinagdag pa ni
Shaw: "Napag-aralan ko na siya - ang kamanghamanghang
lalaki - at sa aking palagay, malayo sa pagiging
anti-Kristo, karapat-dapat siyang tawaging Tagapagligtas
ng Sangkatauhan. Patuloy pa niya: "Naniniwala akong
kung ang isang taong katulad niya ay maging isang
diktador ng makabagong daigdig, magtatagumpay siyang
lutasin ang mga suliranin nito sa isang kaparaanang
magdudulot ng labis na kapayapaan at kaligayahan na
siyang kailangang-kailangan ... "
Si Alphonse de Lamartine, ang tanyag na makatang Pranses
ay nagsabi sa kanyang aklat na Histoire de la Turquie,
(1854): "Hindi kailanman naitatag ng isang tao, kusang-loob
man o sapilitan, ang isang higit na dakilang layunin,
sapagka' t ang layuning ito ay hindi saklaw ng kakayahan ng
tao: ang iwaksi ang mga pamahiing nagsisilbing harang sa
pagitan ng nilikha at Taga-paglikha... Hindi kailanman
naisakatuparan ng isang tao sa gayong kaikling panahon
ang gayong kalawak at pangmatagalang ganap na
pagbabago sa daigdig ... Kung ang kadakilaan ng layunin,
ang katipiran ng mga kaparaanan, at ang kalakhan ng bunga
ay ang tatlong batayan ng pagiging henyo (genius) ng isang
tao, sino ang maglalakas-loob na ihambing kay Muhammad
ang mga dakilang tao sa kasaysayan?
Q
'q Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Nagbatid sa Akin sa Islam
Pinakilos ni Muhammad ang mga kaluluwa. lbinatay niya sa
isang aklat ang kanyang panuntunan, na ang bawa' t titik
niyon ay naging isang batas, isang pinagkaisang ispiritwal
na pamamaraan na kusang nagpasailalim ang mga taong
may _iba't ibang wika, lahi at kulay ... at katotohanan ang
kanyang kasaysayan at ang kanyang kamangha-manghang
katatagan sa oras ng suliranin at ang kanyang kahinahunan
kapag siya' ang natatalo, at ang kanyang pagsunod sa
kabanalan at ang kanyang kawalan ng paghahangad sa
paghahari sa tao, dapat pa nga ba nating itanong: "Mayroon
pa bang sinumang tllOng higit na dakila sa kanya?"
Isinulat ni Dr. Vaglieri sa "Apologia dell' Islamismo:" "Si •
Muhammad, bilang isang mamamahayag ng relihiyon ng
Diyos, ay maginoo at maawain maging sa kanyang mga
kaaway. Sa kanya ay naghalo ang katarungan at awa,
dalawa sa pinakadakilang katangiang maaaring buuin ng
kaisipang pantao. Hindi mahirap na itaguyod ito sa
pamamagitan ng maraming halimbawang matatagpuan sa
kanyang mga talambuhay."
Si Dr. Gottlieb Wilhelm Leitner, isang kilalang orientalista
(bihasa sa kulturang Asya o Silangan) ay nagsabi: "Hindi ko
mawawakasan ang talumpating ito nang higit na mainam
kundi sa pamamagitan ng pagpapahayag ng pag-asa na
darating na panahon, pararangalan ng mga Kristiyano si
Kristo nang higit, sa gayundin ang pagpaparangal kay
Muhammad. May iisang batayan sa pagitan ng Islam at
Kristiyanismo, at ang isang tao ay isang higit na mabuting
Kristiyano sa kanyang pagbibigay-galang sa mga
katotohanang ipinahayag sa pamamagitan ni Propeta
Muhammad."(The Islamic Review," May 1961, p 6-10)
G")
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam V
VII. Mga Aral ng Kristiyanismo at Islam
Maraming sekta ng Kristiyanismo ang naniniwala sa
sumusunod na limang doktrina: (1.) Ang Trinidad [Tatlong
Persona]; (2.) Ang Pagkadiyos ni Hesus; (3.) Ang Pagi-ging
Anak ng Diyos ni Hesus; (4.) ang Orihinal na Kasa-lanan;
(5.) Ang Pagtubos ni Hesus.
Sa Islam, ang pagiging Diyos ng ,Allah, na Iisa, na BukodTanging
Diyos na Siya lamang ang karapat-dapat sambahin at
hingan ng tulong ay siyang pangunahing paniniwala ng bawa't
Muslim. Ito ay taliwas sa tatlong persona sa iisang Diyos ng
maraming sekta ng Kristiyanismo. Ang pananaw ng Islam hinggil
sa pagka-Diyos ni Hesus ay pagbabalik ng tao sa paganismo.31
Nasusulat sa Qur'an na si Hesus ay hindi diyos na nagkatawang-
tao kundi isang kagalang-galang na Propeta at Sugo,
na nananawagan sa pagsamba sa nag-iisang Allah. Ang
kanyang panawagan ay katulad ng itinuro ng iba pang mga
Propeta. Tinatanggihan ng Islam ang pagiging Diyos Anak ni
Hesus at hindi rin nito tinatanggap ang katuruan ng
Kristiyanismo na ang kasalanan ay namamana. Gayundin
naman, itinatakwil ng Islam na si Hesus ay nagsilbing
pantubos sa kasalanan ng tao.
Ang pangunahing doktrina ng pananampalataya sa Islam ay anim:
(1.) Paniniwala sa Kaisahan ng Diyos.
(2.) Paniniwala sa mga Anghel. .
(3.) Paniniwala sa mga Ipinahayag na Kasulatan.
(4.) Paniniwala sa mga Sugo ng Diyos.
(5.) Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom.
(6.) Paniniwala sa Qadar (ang pagkakatakda ng lahat ng bagay),
s~ kapwa mabuti o masamang aspeto nito.
31Sa aklat na History of Civilization, Vol. 11, page 276, sinabi ni Will
Durant: na hindi winakasan ng Kristiyanismo ang paganismo, sa halip ay
. tinanggap ito. Ito ay tumutukoy sa Kristiyanismo ni Paulo (Saul o Pablo)
na hindi batay sa turtay at wagas na itinuro ni Hesucristo - ang pagsamba
sa Iisang Diyos na nagsugo sa kanya.
GJ V Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
Ang Trinidad
Ang doktrinang ito na pinaniniwalaan ·ng maraming
Kristiyano sa buong mundo, na siyang tumutukoy sa
pagkakaroon ng tatlong pagkadiyos, magkakaiba at
magkakahiwalay na persona ng Diyos: Diyos Ama, Diyos
Anak at Diyos Espiritu Santo. Ang doktrinang ito ay
kamangha-mangha, dahil kahit noong una pa man hindi
nabanggit ni Hesus ang Trinidad. Wala siyang anumang
sinabi tungkol sa Tatlong Persona ng Diyos na Trinidad. Sa
katotohanan, ang salitang "persona" mismo ay hindi
matatagpuan saan mang pahina ng Bibliya.
Ang pagkakilala ni Hesus hinggil sa Allah ay walang ipinag-iba
sa pagkakilala ng lahat ng naunang mga Propeta. Lahat sila ay
nagturo ng kaisahan ng Diyos, hindi kailanman ng Trinidad.32
32 Ayon kay Isaias 44:24: " . .. Ako-ang PANG/NOON na gumagawa ng lahat na
bagay na mag-isang nagladlad ng mga langit, na naglatag ng lupa ... ;"
gayundin sa Isaias 45:5: "Ako ang PANG/NOON, at walang iba; liban sa akin ay
walang Diyos ... ;" at maging sa Isaias 45:18: "Sapagkat ganito ang sabi ng
PANG/NOON na lumikha ng langit (siya ay Diyos!), na nag-anyo ng lupa at
gumawa niyon, (na kanyang itinatag; hindi niya ito nilikha na sira, ito ay
kanyang inanyuan upang tirhan!): Ako ang PANG/NOON, at wala nang iba;"
ayon sa I Timoteo 6:16: "Siya lamang ang walang kamatayan ... ;" sa Isaias
46:9: " .. . Sapagkat ako'y Diyos, at walang iba; ako'y Diyos, at walang gaya ko."
Ang Qur'an sa kabilang dako ay nagsasabi, "Ang Allah(~), Siya ang 'Rabb' na
Tagapaglikha ng lahat ng bagay, Tagapagmay-ari at Tagapangasiwa, at lahat
ng bagay ay nasa ilalim ng Kanyang pangangasiwa at pamamahala, at lahat ng
bagay ay Siya ang Tagapangalaga." (39:62); "Ganito ang Allah (~) na inyong
'Rabb' (Panginoon) na Tagapaglikha na Kataas-taasan, walang sinumang 'ilah'
(diyos na sinasamba) o bukod-tanging may karapatan lamang at karapat-dapat
na sambahin kundi Siya, nilikha Niya ang lahat ng bagay. Kung gayon,
magpakumbaba kayo sa Kanya bilang pagsunod at pagsamba. Siya ang
'Wakeel' - Tagapangalaga ng lahat ng bagay na Nangangasiwa sa Kanyang
mga nilikha." (6:102); "At ipaubaya mo ang iyong sarili sa Allah (~) na Tunay
at Walang-Hanggang Buhay na hindi namamatay ... " (25:58); "Walang anupamang
bagay ang makatutulad sa Kanya, at siya ang Ganap na nakaririnig, ang
Lubos na Nakamamasid." (42:11)
Q
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam V
Si Hesus ay nagpatibay sa katuruang inihayag sa mga
propetang nauna sa kanya. "Lumapit ang isa sa mga eskriba,
at narinig niya ang kanilang pagtatalo, at palibhasa' y
nalalaman niya na mabuti ang pagkasagot niya sa kanila ay
tinanong siya, "Alin ang pangunahing utos sa lahat?"
Sumagot si Hesus, "Ang pangunahin kautusan ay,
'Pakinggan mo O Israel! Ang Panginoon nating Diyos. ang
Panginoon ay iisa. lbigin mo ang Panginoon mong Diyos
nang buong puso mo, nang buong kaluluwa mo, nang buong
pag-iisip mo, at nang buong lakas mo."' (Marcos 12:28-30)
Ang ibang katibayan sa Bibliya ay nagpapakitang si Hesus ay
naniwala sa iisang Diyos na walang kaparis, hindi sa tatlong
persona sa iisang Diyos, gaya ng pahayag na ito:
" .. . Sambahin mo ang Panginoon mong Diyos, at siya
lamang ang iyong paglilingkuran." (Mateo 4:10)
Sa katotohanan, ang doktrina ng Trinidad ay inihalo sa mga
turo ni Hesus mga 300 taon makaraang lumisan siya. Gayong
ang apat na Ebanghelyong Kanonikado ay walang anumang
tinutukoy hinggil sa Trinidad. Bagkus hindi nagturo si Hesus
ng doktrinang ito, ni ang kanyang mga disipulo, ni ang mga
naunang dakilang pantas, ni ang mga sinaunang tagasunod ni
Hesus.
Ang doktrinang ito ay itinatag ng Konseho ng Nicea
pagkatapos ng malaking kontrobersyo at pagsasalungatan
(turo) mga mahigit na 300 taon pagkaraang lumisan si Hesus.
Ci;")
'y" Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
Tinanggap ng Konseho ang opinyon ng kakaunti kaysa sa
nakararaming naniniwala sa Kaisahan ng Diyos.33
Gayunpaman, kung pag-iisipan ito nang malalim, mahina ang
batayan ng kons~pto ng Trinidad. Ito ay nanganga-hulugan
ng paniniwala sa tatlong persona ng Diyos sa dalawang uri:
may-hangganan (finite) o walang-hanggan (infmite). Kung
ituturing silang walang hanggan, sama-katwid may tatlong
magkakaibang walang hanggan, tatlong magkakaibang
makapangyarihan sa lahat na bagay, kaya naman, ito'y
nangangahulugan may tatlong mag-kakaibang Diyos. Kung
33 Ang mga konseho ekumeniko (ecumenical councils) ay nagbigay sa
kanilang sarili ng pagpapahintulot na lumampas sa kanilang autoridad o
karapatan - sa Unang Konseho, si Hesus ay ipinahayag bilang Diyos; sa
Pangalawang Konseho, ang Espiritu Santo ay ipinahayag ding Diyos. Sa
Pangatlong Konseho, ginawang ina ng Diyos si Maria. Sa Pang-12
Konseho, binigyan ang Simbahan ng karapatang magpatawad ng mga
kasalanan, samantalang sa Pang-20 Konseho, ang Papa ay ginawang
infallible (banal o di-nagkakasala).
Ayon sa Encyclopedia Americana, nagsimula ang monoteismo bilang
isang kilusang teolohiko (panrelihiyon) sa unang yugto ng kasaysayan, at
saka lamang nagkaroon ng paniniwala tungkol sa Trinidad pagkaraan ng
mga dekada. Sinasabi rin nito ang Kristiyanismo ay produkto ng Judaismo,
na lubhang mahigpit kapag monoteismo ang tinatalakay. Ang paniniwala
sa Trinidad ay tinanggap lamang noong pang-apat na dantaon AD at hindi
ganap na umaayon sa orihinal na paniniwalang Kristiyano hinggil sa tunay
na katangian ng Diyos. Sa halip, ang Trinidad ay isang paglihis sa orihinal
na paniniwalang yaon (ihambing sa volume [tomo] 27, pahina 294). Ayon
sa New Catholic Encyclopedia: "Ang konsepto ng isang Diyos sa tatlong
persona ay hindi naging bahagi ng buhay Kristiyano at gawaing
panrelihiyon kundi noong patapos na ang pang-apat na dantaon. Ito ang
konseptong noong una'y pinangalanang Prinsipyo ng Trinidad. Wala
kaming makita sa anumang kaparaanan mula sa mga disipulo ng anumang ·
hinagap o idea na nahahawig dito."
Q
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam V
ituturing silang may hangganan, samakatuwid hindi maaaring
maging Diyos ang alinman: ang Arna, ni ang Anak, ni ang
Espiritu Santo. Sa katotohanan, ang konsepto ng Trinidad ay
lumitaw bilang bunga ng maling pagturing ng pagka-Diyos
ng dalawang "nilikha' na si Hesus at ang Banal na Espiritu
(si anghel Gabriel). Bunga ng hindi makatwirang doktrina ng
Trinidad, ang kinaugaliang naging tugon ng mga
namamahala ng Simbahan ay isa itong "misteryo" na dimaaabot
ng pang-unawa ng tao, at hindi na ito kailangan
pang unawain sapagka't sapat nang tanggapin ito bilang
isang bagay na dapat paniwalaan.
Ang Islam ay nagtuturo nang malinaw at payak na
paniniwala sa Kaisahan ng Diyos. Pinaninindigan nito ang
pagiging Bukod-tangi ng Allah at ipinahayag na Siya ay
walang katambal. Siya ang Ganap at W alang Pangangailangan,
at malaya sa anumang di-kaganapan. Siya ay
Sandigan o inaasahan ng lahat ng mga nilikha. Hindi Siya
kailanman nagsilang o isinilang at Siya ay walang katulad.
Ayon sa Bibliya, Juan 8:38-40, "Sinasabi ko ang mga bagay
na aking nakita sa aking Ama, at kayo: ginagawa naman
ninyo ang mga bagay na narinig ninyo mula sa inyong ama.
Sila'y sumagot sa kanya, "Si Abraham ang aming ama." Sa
kanila'y sinabi ni Hesus, "Kung kayo'y mga anak ni
Abraham ay gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham.
Subalit ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, isang
9 Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
taong34 nagsasabi sa inyo ng katotohanan na aking narinig
sa Diyos. Ito'y hindi ginawa ni Abraham."
"At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala
nila na iisang Diyos na tunay, at si Jesu-Cristo na iyong
sinugo. Niluluwalhati kita sa lupa, sa pagtatapos ko ng
gawaing ibinigay mo sa akin." (Juan 17:3-4)
Ang Qur' an ay nagpapatibay sa Kaisahan ng Diyos sa
Kabanata 112:
"Sabihin (mo O Muhammad!): "Siya ang Allah, ang Nagiisa.
Allah, ang Sandigan ng lahat ng nilikha. Hindi Siya
ipinanganak, ni hindi Siya nagkaanak. At Siya ay walang
katulad.
At matutunghayan din sa Qur'an 4:171: "O Angkan ng
Kasulatan! Huwag lumampas sa hangganan ng inyong
pananampalataya, at huwag magsabi ng anuman tungkol sa
Allah maliban sa katotohanan. Ang Messiah Isa (Hesus), ang
anak ni Maryam (Maria), ay (hindi hihigit sa) isang Sugo ng
Allah at ang Kanyang Salita (Mangyari, at nangyari nga!) na
Kanyang ipinagkaloob kay Maryam (Maria) at ang
kaluluwang nilikhq Niya. Kaya maniwala sa Allah at sa
Kanyang mga Sugo. Huwag sabihin ang: "Tatlo
(Trinidad)!" Magtigil (kayo)! Higit na mainam ito para sa
inyo. Dahil ang Allah ay (ang tanging) /sang llah (Diyos),
sadyang napakalayo sa Kan yang Kabanalan ( at
34 " •.• sapagka't Ako'y Diyos, at hindi tao;" (Hoseas 11:9); "Ang Diyos
ay hindi tao ... ni anak ng tao ... " (Mga Bilang 23:19) "Ang aking
Espiritu ay hindi laging mananatili sa tao, sapagka't sila'y Laman ... "
(Genesis 6:3)
Q
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam V
Kaluwalhatian) ang pagkakaroon ng anak. (Dapat tan-daan)
Sa Kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng nasa mga
kalangitan at lahat ng nasa kalupaan. At ang Allah ay Sapat
bilang Tagapamahala ng lahat ng mga pangyayari."
At binabanggit din Qur' an: Katiyakan, naging di-mananampalataya
ang sinumang nagsasabing: ''.Ang Allah ay
ikatlo sa tatlo. " Sa katunayan, walang tunay na Diyos na
dapat sambahin maliban sa /sang llah (Allah). At kung hindi
sila titigil sa kanilang sinasabi, katotohanan, isang
napakasakit na parusa ang malalasap ng mga di
nananampalataya sa kanila. Hindi ba sila magsisisi sa Allah
at humingi ng Kanyang Kapatawaran? Sapagka't ang Allah
ay Lagi nang Mapagpatawad, ang Mahabagin. (5:73-74)
, Ang bukod-tanging talata sa buong Bibliya na nagta-taguyod
sa doktrina ng Santisima Trinidad ay nasa Unang Sulat
[Efeso o Epistola] ni Juan, 5:7): "Sapagka't may tatlong
nagpapatotoo sa langit, ang Ama, ang Salita at ang Espiritu
Santo at ang mga ito'y iisa." Subali't, ito ay tinanggal na sa
New Revised Standard Version ng Bibliya at sa iba pa35
pagkaraang matuklasan ng mga pantas na Kristiyano na ang
mga ito ay inga idinagdag (interpolasyon) sa King James
Version at iba pang e~syon.
35Halimbawa, sa The Bible in Basic English, The Darby Translation,
Weymouth'_s New Testament, Holy Bible: Easy-to-Read Version,
Contemporary English Version, The American Standard Version, GOD'S
WORD Translation, The New Living Translation, The New American
Standard Bible, The Revised Standard Version, International Standard
Version, and Hebrew Names Version of World English Bible.
w V Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
Ang Pagkadiyos ni Hesus
Ang ilang Kristiyano ay naniniwalang si Hesus ay Diyos na
walang hanggan, ang pangalawang persona ng San-tisima
Trinidad, na noong mahigit sa dalawang libong taon na ang
nakararaan, siya ay piniling lumitaw sa isang katawang-tao at
isinilang ni Birheng Maria, ayon sa pagkakatala sa mga
Ebanghelyo. Ang doktrinang ito, katulad ng naunang
tinalakay, ay tumataliwas sa mga salitang inaakibat kay
Hesus. Hindi kailanman inangkin ni Hesus ang pagka-Diyos,
na kanyang sinabi sa mga nakapaligid sa kanya, " .. . Bakit
tinatawag mo akong mabuti? Walang mabuti kundi ang
Diyos lamang." (Marcos 10:18). Samakatwid, kung
tumanggi si Hesukristong matawag na "mabuti," tatanggapin
ba niyang tawagin siyang "Diyos ?"
Nang nagsalita si Hesus tungkol sa Diyos, Siya ay tinutukoy
niya bilang, " .. . sa aking Ama at inyong Ama, sa aking Diyos
at inyong Diyos." (Juan 20:17)
Tinanggihan din ni Hesus ang kaisipang magagawa niya ang
anuman nang ayon sa kanyang sarili. Nilinaw niyang ang
lahat ng bagay ay ayon sa kalooban ng Diyos na nagsugo sa
kanya. Nakasulat na siya ay nagsabing, "Hindi ako
makagagawa ng anuman mula sa aking sarili;36 Humahatol
ako ayon sa aking naririnig, at ang paghatol ko'y matuwid,
36Ito ang sinabi ni Hesus tungkol sa kanyang sarili (na wala siyang
magagawa ng anuman mula sa kanya). Samantala, ito ang sinabi niya
tungkol sa Diyos, " . .. sapagkat sa Diyos ang lahat ng mga bagay ay
maaaring mangyari." (Marcos 10:27).
w
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam y
sapagkat hindi ko hinahanap ang aking sariling kalooban
kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin." (Juan 5:30)
Sinabing muli ni Hesus na ang mga salitang kanyang
binibigkas ay hindi kanya, kundi inihayag sa kanya bilang
isang Propetang ipinadala ng Diyos: "Sapagkat ako'y hindi
nagsasalita mula sa aking sarili kundi ang Ama na nagsugo
sa akin ang siyang nagbigay sa akin ng utos, kung ano ang
dapat kong sabihin, at kung ano ang dapat kong bigkasin."
(Juan 12:49).
Gayundin, sa Juan 7:17-18, sinasabi ni Hesus: "Kung ang
sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos ay
makikilala niya kung ang turo ay mula sa Diyos, o kung
ako'y nagsasalita mula sa aking sarili. Ang nagsasalita nang
mula sa kanyang sarili ay humahanap ng kanyang sariling
kaluwalhatian; subalit ang humahanap ng kaluwalahatian ng
nagsugo sa kanya ay siyang totoo, at sa kanya'y walang
kasinungalingan."
Ipinahayag din ni Hesus na ang Panginoong (Diyos) ay higit
na dakila kaysa kanya, ayon sa Juan 14:28: " .. . Ako'y pupunta
sa Ama; sapagkat ang Ama ay higit na dakila kaysa akin."
Gumawa ng mga bagay si Hesus para sa kaluguran ng Diyos,
na nagsugo sa kanya. Ayon sa Juan 8:28-29: " .. . At wala
akong ginagawa mula sa aking sarili kundi sinasabi ko ang
mga bagay ayon sa itinuro sa akin ng Ama, At siya na
nagsugo sa akin ay kasama ko, hindi niya ako pinabayaang
nag-iisa; sapagkat lagi kong ginagawa ang mga bagay na
nakalulugod sa kanya." Habang sinasabi niya ang mga bagay
na ito, marami ang naniwala sa kanya.
c;;)
V Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
Gayundin, ayon sa Lucas 4:43, si Hesus ay dumating upang
ipangaral ang Kaharian ng Diyos: "Subalit sinabi niya sa
kanila, "Kailangan ko ring ipangaral sa ibang bayan ang
rnagandang balita ng kaharian ng Diyos, sapagkat ako ay
sinugo para sa layuning ito."
Gayundin, sinabi ni Hesus na ang pagpasok sa Kaharian ng
Langit ay nakasalalay sa pagtalima sa kalooban ng Diyos, sa
Mateo 7:21: "Hindi lahat ng nagsasabi sa akin 'Panginoon,
Panginoon,' ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang
gurnaganap ng kalooban ng aking Arna na nasa langit. "37
Muli, sinasabi niya sa Marcos 3:35: "Sapagkat sinurnang
gurnaganap ng kalooban ng Diyos, ay siyang aking kapatid
na lalaki, kapatid na babae, at ina."38
Ayon sa Marcos 13:32, si Hesus ay iniulat ding
nagpasinungaling na siya'y may kaalaman sa huling oras ng
mundong ito, na nagsabi: "Ngunit tungkol sa araw o oras na
iyon ay walang nakakaalarn, kahit ang rnga anghel sa langit,
kahit ang Anak, kundi ang Arna."
37 Ang salitang "Rabi," isinaling "Panginoon," sa tamang pakahulugan ay
"Guro." Sinasabi sa Juan 1:38: "Paglingon ni Hesus at nakita silang
sumusunod ay sinabi niya sa kanila, 'Ano ang inyong hinahanap?' At
sinabi nila sa kanya, "Rabi" (na kung isasalin ang kahulugan ay Gura),
saan ka nakatira."
38Sa Mateo 12:50, mababasa natin: "Sapagkat sinumang gumagawa ng
kalooban ng aking Arna na nasa langit, ay siyang aking mga kapatid na
lalaki at babae, at ina." Dito ay pinalitan ni Marcos ang Salitang "Diyos"
ng "aking Ama" para sa layuning panrelihiyon. Sinabi ni Kinsman na ang
Lucas at Mateo ay kapwa sinadyang binago ang mga katitikan sa Marcos
nang may I 00 beses para sa layuning panrelihiyon.
w
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Nagbatid sa Akin sa Islam V
Sa Lucas 13:33-34, tinutukoy ni Hesus ang kanyang sarili
bilang isa sa mga Propeta at mga Sugo. At nang kanyang
maramdaman ang mga pagbabalak na humihikayat sa
pagpatay sa kanya, kanyang sinabi: "Gayunma' y kaila-ngang
ako'y magpatuloy sa aking lakad ngayon at bukas at sa
makalawa, sapagkat hindi maaari na ang isang Propeta ay
mamatay sa lohas ng Jerusalem. 0 Jerusalem, Jerusalem, na
pwnapatay sa mga propeta at bumabato sa mga sinugo sa iyo ... !"
Ang mga salitang ito ni Hesus na iniulat sa Bibliya ay
nagpapakitang siya, sa relasyon niya sa Diyos, ay namuhay
nang tulad ng ibang tao. Hindi siya ang Maylikha kundi isang
nilikhang tulad ni Adam. Nanalangin siya sa Diyos (Marcos
1:35, Marcos 14:35 at Lucas 5:16), na malinaw na
nangangahulugang siya ay isang Propeta at hindi Diyos,
sapagka't ang Diyos ay hindi nananalangin kaninuman. Si
Hesus ay nagpupuri sa Diyos, na malinaw na makikita sa
Mateo 11:25: "Nang oras na iyon ay sinabi ni Hesus,
'Pinasasalamatan kita, Arna, Panginoon ng langit at lupa ... "
Ang doktrina ng pagka-Diyos ay hindi kinakatigan ng mga
salita ni Hesus ayon sa nakasulat sa mga Ebanghelyo.
Katulad ng doktrina ng Trinidad, ang doktrina ng
pagkakatawang-tao ay nabuo pagkatapos ng paglisan ni
Hesus. Isinama ito sa Kristiyanismo mula sa paganismo. Sa
alamat (mythology) ng mga relihiyong nauna sa
Kristiyanismo, makikita kung paanong ang ilang bayani ay
itinuring na mga diyos. Karamihan ng mga nasabi kay
Krishna ng mga Hindu, Buddha ng mga Buddhista, Mithra
ng mga Persiyano, Osiris ng mga sinaunang Ehipsiyo,
w V Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
Bacchus ng mga Griyego, Baal ng mga Babilonio, at Adonis
ng mga Siryano, ay nasabi tungkol kay Hesus ng mga
Kristiyano. Samantala, ang Islam ay pinalaya ang mga
tagasunod nito mula sa gayong mga pamahiin sa pamamagitan
ng pagtakwil sa doktrina ng pagkakatawang-tao at ng pagsanib
o pag-iisa ng Diyos sa kaninumang nilikha Niya.
Marling inihahayag ng Islam na si Hesus o ang sinumang
ibang tao ay hindi maaaring maging Diyos. ltinatatwa rin ng
Islam ang haka-haka na ang Diyos ay maaaring magkatawang-
tao o sumanib sa alinman sa Kanyang nilikha. Sa
kabanata 5, talata 75, sinasabi sa atin ng Qur'an na si Hesus
ay isang Sugo ng Diyos katulad ng ibang nauna sa kanya, at
siya at ang kanyang butihing ina "ay kapuwa sila
kumakain." Sinumang kumakain, hindi siya magiging Diyos
kailanman; maging siya man ay si Hesus, si Muhammad
( ~ ), o ibang Propeta at Sugo, sapagka't ang pag-kain ay
nangangahulugan ng pangangailangan at pagsan-dig sa
materyal na bagay. Hindi nangangailangan o sumasandig ang
Diyos kaninuman. Gayundin, ang pagkain ay kailangang
tunawin sa tiyan at sa kaakibat nitong pangangailangan ng
paglabas ng dumi nito. Ang gayong mga gawain ay hindi
angkop sa Karangalan at Kadalisayan ng Diyos.
Maraming sambayanan, kahit noon pa mang mga naunang
panahon, hindi nila pinaniniwalaan ang kanilang mga propeta
sa kadahilanang hindi (raw) karapat-dapat sa mga propetang
isinugo ng Diyos na magmumula sa tao na "kumakain at
umiinom." Kaya naman, maraming propeta ang pinawalanghalaga
ng kanilang sambayanan sa ilalim ng ganitong
pangangatwiran. Isinasalaysay ng Qur' an na ang bayan ni Noah
c;:;)
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam V
ay nagsabi tungko] sa kanya: " ... Hindi siya hihigit pa sa isang
taong katulad ninyo, kumakain siya kung ano ang inyong
kinakain at umiinom siya kung ano inyong iniinom." (23:33).
Binabanggit din ng Qur'an (25:7) ang pahayag ng mga Arabo
hinggil sa pagka-Propeta ni Muhammad(~) na katulad ng
sumusunod: "At sila (mga di-nananampa-lataya) ay nagsasabi:
"Bakit ang Sugong ito (Muhammad) ay kumakain ng pagkain
at naglalakad sa pamilihang katulad natin?" (25:7)
Hinggil sa mga nag-uukol ng pagkadiyos kay Propeta Hesus,
nakikita nating tumahak sila sa ganap na pagka-ligaw tungo
sa isang buong bagong antas ng pagpapababa sa
Makapangyarihang Diyos, sa pagturing sa Kanya bilang
isang taong kumakain.
Ang pagkadiyos ni Hesus ay tinatanggihan sa Qur' an.
Ipinahayag ng Allah: "Katiyakan, naging di-mananampalataya
ang sinumang nagsasabing: 'Ang Allah ay ang
Messiah [Eisa (Hesus)] na anak ni Maryam (Maria).' Sa
katunayan, ang Messiah [Eisa (Hesus)] ay nagsabi: 'O
Angkan ng Israeli Sambahin ang Allah, ang aking
Panginoon at inyong Panginoon. ' Katotohanan, sinumang
magtayo ng katambal ( sa pagsamba) sa Allah, magka-gayo 'y
ipinagbawal sa kanya ng Allah ang Paraiso, at ang Apoy
(Impiyerno) ang kanyang m:agiging tahanan. At walang mga
tagatulong para sa mga mapaggawa ng masama." (5:72)
Ipinahayag din ng Allah: Katotohanan! Ang katulad ni 'Isa ·
(Hesus) sa (pananaw ng) Allah ay katulad ni Adam. Nilikha
siya mula sa alabok. Kapag-daka'y sinabi (ng Allah) sa
c;;)
V Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
kanya: Kun (Maging!) Fayakun (at naroon na siya).39
Sa Qur' an, inilalarawan ng Allah si Hesus bilang Kanyang
Propeta, dalisay at makadiyos katulad ng iba pa Niyang mga
Propeta, subalit lagi nang bilang isang tao. Ipinahayag ng
Allah saQur' an, na sinabi ni Hes us, " .. . Katotohanan, ako ay
alipin ng Allah, ibinigay Niya sa akin ang Kasulatan, at
ginawa akong isang Propeta." (19:30)
Mababasa sa Bibliya, Mga Gawa 3:13: "Ang Diyos ni
Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, at ang Diyos ng ating mga
ninuno, ay nagpuri sa kanyang lingkod na si Hesus ... " (New
Testament, Catholic Edition).
Mula sa mga katotohanang iniharap sa mambabasa sa itaas,
rnalinaw na ang Islam ay hindi ang tanging relihi-yong
nagpapasinungaling sa pagkadiyos ni Hesus, maging ang
mga talata na rin ng Bibliya.
Sa isang pagboto na isinagawa sa isang programang British
sa telebisyong tinawag na Credo, ang labinsiyam sa
tatlumpu't isang mga obispo ng Iglesia Anglikano ang
nagpahayag na ang mga Kristiyano ay hindi kinakai-langang
maniwala na si Hesus ay Diyos. (Daily News 25 June 1984)
39 Kahit si Melchisedec, nagsabi ang Bibliya ng tungkol sa kanya: "walang
ama, walang ina, walang pinagmulan, ni wala siyang sinimulang araw, ni
kawakasan ng buhay ... " (Hebrew 7:3) Magkagayunman, walang
sinumang nag-angkin na siya ay may pagka-diyos.
(:;;;)
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Nagbatid sa Akin sa Islam V
Ang Pagiging Anak ng Diyos
Ang doktrinang ito, katulad ng mga naunang tinalakay ay
hindi naaayon sa mga turo ni Hesus. Sa Biblia, ang
katawagang "anak ng Diyos" ay ginamit din upang tukuyin si
Adam (Lucas 3:38) at marami pang Propetang nauna kay
Hesus. Si Israel, halimbawa, ay tinawag na "Anak ng Diyos"
sa isa sa mga aklat ni Moises. " .. . at iyong sasabihin kay
Paraon. 'Ganito ang sabi ng Panginoon, si Israel ay aking
anak, panganay pa man din."' (Exodo 4:22).
Gayundin, sa mga A wit, ang gayong titulo ay ibinigay kay
David. "Ipahahayag ko ang kautusan; sinabi sa akin ng
Panginoon: 'Ikaw ang aking anak, sa araw na ito'y naging
anak kita.'"(Mga Awit 2:7)
Gayundin sa I Mga Cronica 22:10, si Solomon ay tinawag
na Anak ng Diyos: "Siya ay magtatayo ng bahay para sa
aking pangalan. Siya'y magiging aking anak, at ako'y
magiging kanyang ama; at itatatag ko ang trono ng kanyang
kaharian sa Israel magpakailanman."
Sa mga pahayag na nabanggit sa itaas at maraming iba pang
mga talata sa Bibliya, napagtibayan na ang salitang anak ay
hindi literal na kahulugan kundi nangangahulugan ito ng
pagiging malapit sa pagmamahal sa Allah. Tung-hayan natin
ang sinabi ni Hesus:
" .. .lbigin ninyo ang inyong mga kaaway ... upang kayo'y maging
mga anak ng inyong Ama na nasa langit .. . " (Mateo 5:44-45)
~ V Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Aug Naghatid sa Akin sa Islam
"Mapapalad ang mga mapagpayapa sapagkat sila 'y
tatawaging mga anak ng Diyos." (Mateo 5:9)
Ang pagsusuri sa lahat ng naturang mga talata, walang pagaalinlangan
na ang kahulugan ng salitang "anak" ay isang
talinghaga ng pagkamalapit sa Diyos. Samakatwid, wala sa
katuwiran na ituring si Hesus bilang Anak ng Diyos sa isang
pantanging kahulugan katulad ng pananaw ngayon ng
kalakhang Kristiyano. Nang iakibat kay Hesus ang pariralang
"Anak ng Diyos ," ganap na kasingka-hulugan din ito nang
iukol ang salitang ito kina Adam, Israel, David, at Solomon.
Si Hesus ay tinukoy na ''Anak ng Diyos" sa Bibliya nang 13 beses
samantalang siya ay tinukoy na ''Anak ng Tao" nang 83 ulit.
Mariin at walang pasubaling itinatakwil ng Qur' an ang
doktrina ng pagiging "Anak ng Diyos" sa 2: 116: "At sila
(mga Hudyo, mga Kristiyano at mga pagano)ay nagsasabi:
"Ang Allah ay nagkaroon ng anak." Luwal-hatiin Siya
(Sadyang Dakila Siya sa anumang inaakibat nila sa Kanya).
Hindi lamang iyon, Sa Kanya ang pagmamay-ari ng lahat ng
nasa mga kalangitan at nasa kalupaan, at ang lahat ay
sumusuko nang may pagtalima (sa pagsamba sa) Kanya."
Bukod dito, ang pag-uugnay ng isang anak sa Diyos ay
nangangahulugan ng pagtatwa at ipagkaila ang mga
katangian ng Diyos hinggil sa pagiging Ganap at Perpekto,
ang May-Kasapatan at ang Isang walang pangangailangan.
(;;)
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam V
Ang Orihinal na Kasalanan
Ayon sa paliwanag sa dokrinang ito, nagkasala si Adam nang
sumuway siya sa Allah hinggil sa pagkain niya mula sa
ipinagbawal na puno (ang puno ng pagkilala sa kabutihan
laban sa kasamaan) ayon sa Genesis 2:17.40
Bunga nito, at ayon sa teolohiyang Kristiyano, lahat ng
angkan ni Adam ay nagsipagmana ng kasalanang nagawa
niya, na nangangahulugan na ang lahat ng tao ay. isinilang na
may orihinal na kasalanang ito. At ayon sa Kristiya-nismo,
upang maisakatuparan ang katarungan ng Diyos, isang
kabayaran ang dapat bayaran sa bawa't kasalanang nagawa.
... Sa madaling salita, hindi hahayaan ng Diyos na dipagbayaran
ang anumang kasalanan at hindi Niya
mapapatawad kahit ang isang maliit na kasalanan! Kaya
naman, ang makapaglilinis ng kasalanan ay sa pamama-gitan
lamang ng pagdanak ng dugo. Ayon kay Pablo, " ... walang
kapatawaran kung walang pagdanak ng dugo." (Mga
Hebreo 9:22)41
Subali't ang dugong ito ay dapat na maging perpekto (o
ganap), walang sala at dalisay. Samakatwid, si Hesus, na diumano.'
y anak ng Diyos, ay nagbuhos ng kanyang walang
dungis na dugo, nagdusa ng di-mailarawang paghihirap at
namatay upang bayaran ang gawad na parusa para sa mga
kasalanan ng tao. Sa dahilang siya ay pinaniniwalaan nilang
40Maaaring angkop na itanong: Paanong maparurusahan si Adam sa
kanyang ginawa kung hindi niya alam ang tama mula sa mali?3
41 Ang talatang ito mismo ay salungat sa ibang mga talata ng Bibliya na
nagsasaad na ang pagbabayad ay maaaring gawin sa pamamagitan ng
pagg-aalay ng harina ayon sa Levitico 5:11, o salapi ayon sa Exodo
30:16, o "mga hiyas na ginto, mga panali sa braso, at mga pulseras, mga
singsing na pantatak, mga hikaw, at mga kuwintas sa leeg ... " ayon sa
Mga Bilang 31:50.
G;")
'v Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
walang hanggang Diyos, siya lamang ang makapagbabayad
ng katumbas na halaga sa walang hanggang kasalanan.
Samakatwid, sa ganitong pananaw, walang sinumang
maliligtas hangga't hindi niya tanggapin si Hesus bilang
kanyang personal na taga-pagligtas.42
Bukod dito, ang bawa't isa'y hinatulang magdusa nang
walang hanggan sa lmpiyemong-Apoy dahil sa kanyang likas
na namanang kasalanan maliban na lamang kung tanggapin
niya ang pagbabayad sa kanyang kasalanan na ginawa ni
Hesus sa pamamagitan ng kanyang dugo.
Ang doktrinang ito ay maaaring hatiin sa tatlong maliliwanag
na bahagi: (1) ang orihinal na kasalanan; (2) ang
paniniwala na ang katarungan ng Diyos ay nanganga-ilangan
ng pagpaparusa ng kasalanan sa pamamagitan ng pagdanak
ng dugo; at (3) ang paniniwalang si Hesus ang tumubos sa
mga kasalanan ng tao sa pamamagitan ng kanyang
pagkamatay sa krus at ang kaligtasan ay para lamang doon sa
mga naniniwala sa kanyang banal na pagpapakasakit.43
Hinggil sa unang bahagi, isinulat ni Rev. De Groot
(Catholic Teaching, pahina 140): "ltinuturo sa atin ng
Kasulatan na ang kasalanan ni Adam ay nasalin sa lahat ng
tao (hindi kabilang ang ating Mahal na Birhen). Sapagka't
· sa pahayag ni San Pablo sa (Mga Taga-Roma 5:18-19):
42lto ay salungat sa mababasa sa Isaias 43: 11 na ang Diyos na lumikha ay
nagsabi, "Ako, Ako ang Panginoon, at liban sa akin ay walang
tagapagligtas." Ang talatang ito ay malinaw na nagsasaad na ang Diyos
lamang ang tanging tagapagligtas.
43Kung ang paniniwala sa pagkapako ni Hesus sa krus ang tanging paraan
ng kaligtasan sa mga nabuhay noong kanyang kapanahunan at sa mga
naniwala sa kanya pagkatapos niyang lumisan, ano ang kinahinatnan ng
mga naunang mga makasalanang namatay bago ang pagkakasugo kay
Hesus, nat kailanma'y di-nagkaroon ng pagkakataong makilala siya o
maniwala sa kanyang pagkapako sa krus?
r
w
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam V
" .. . Sapagkat kung paanong sa pamamagitan ng pagsuway
ng isang tao (Adam) ang marami ay naging mga
makasalanan, gayundin sa pamamagitan ng pag-sunod ng
isa (Kristo) ang marami ay magiging mga matuwid." Ayon
sa mga pahayag na ito, ipinakikita na ang lahat ng tao ay
nagmana sa kasalanan ni · Adam. Katulad ng marami pang
ibang paniniwalang Kristiyano, ang doktrina ng 'Manang
Kasalanan' ay hindi nakatatagpo ng katibayan sa mga salita
ni Hesus o sa mga Propetang nauna sa kanya. Itinuro nila na
ang bawa't tao ay mananagot sa kanyang sariling mga gawa;
ang mga bata ay hindi parurusahan sa mga kasalanan ng
kanilang mga magulang.
W alang taong isinisilang na makasalanan. Si Hes us mismo ay
nagturing sa mga bata bilang walang malay at dalisay, at
hindi isinilang na makasalanan. Malinaw mula sa kanyang
sinabi: " ... Hayaan ninyong lumapit sa akin ang maliliit na
bata. Huwag ninyo silang pagbawalan, sapagkat sa mga
ganito nauukol ang kaharian ng Diyos. Tunay na sinasabi ko
sa inyo, ang sinumang hindi tumanggap sa kaharian ng
Diyos katulad ng isang batang maliit, hindi siya
makapapasok doon." (Marcos 10:14-15)
Kung isasaalang-alang nang makatuwiran ang pagkaka-roon
ng "Manang Kasalanan", magiging kawalan ng katarungan sa
pinakamataas na antas ang isumpa ang lahat ng lahi ng
sangkatauhan dahil lamang sa pagkakasalang ginawa ng ating
unang magulang (sina Adam at Eva) mga libu-libong taon na
ang nakaraan. Ang kasalanan ay ang kusang paglabag sa
Batas hinggil sa tama at mali, kaya't ang pananagutan o
paninisi para rito ay marapat lamang sa taong gumawa nito at
hindi sa kanyang mga supling. Isang napakabigat na
kawalang-katarungan ang ituring na makasalanan ang isang
Q V Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
tao sa pagkasilang pa lamang niya. Isang sukdulang kawalan
ng katwiran at kawalan ng habag ang paniniwala sa
doktrinang ito katulad ng pasiyang panrelihiyon ni San
Agustin na ang lahat ng mga sanggol na hindi binyagan ay
nakatakdang masunog sa Impiyernong Apoy nang walang
hanggan! Hanggang kamakailan, ang mga namatay na
sanggol na hindi nabinyagan ay hindi maaaring ilibing sa
mga inihandog na lupain sa Kakristiyanuhan dahil sa
paniniwalang pumanaw sila nang may "orihinal na
kasalanan."
Itinatakwil ng Islam ang doktrinang "Orihinal na Kasalanan".
Sa Islam, itinuturing ang mga bata bilang dalisay at walang
bahid kasalanan sa kanilang pagkasilang, dahil ang kasalanan
ay hindi namamana, kundi isang bagay na matatamo ng isang
tao sa pamamagitan ng pagsagawa niya mismo ng mga bagay
na hindi dapat gawin, at di-pagganap sa mga bagay na dapat
niyang gawin.
Ang ikalawang bahagi ng doktrinang Kristiyano tungkol sa
pagbabayad, na ang katarungan ng Diyos ay nangangailangan
ng kabayaran para sa orihinal at iba pang mga
kasalanan ng tao. Kung sakali mang magpatawad ang Diyos
sa isang makasalanan nang walang kaparusahan, magiging
pagsalungat ito sa Kanyang pagkamakatarungan. Hingil
dito'y isinulat ni Rev. W. Goldsack (The Atone-ment,
pahina 5): "Dapat maging kasinlinaw ng sikat ng araw
kaninuman na hindi maaaring labagin ng Diyos ang
Kanyang sariling batas: 'Hindi niya mapatatawad ang isang
makasalanan nang hindi muna siya bibigyan ng angkop na
parusa.' Sapagka' t kung ginawa Niya ito ( ang
pagpaparusa), sino ang tatawag sa Kanya ng 'Makatarungan'
at Makatwiran?"
. ~
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam V
Sa sinumang may ganitong pananaw, nagpapakita lamang
siyang may ganap na kamangmangan sa pagiging makatarungan
ng Diyos. Hindi lamang hukom at hari ang Diyos.
Alinsunod sa paglalarawan sa Kanya ng Qur'an, Siya ang
Mahabagin, ang Maawain, ang Mapagmahal, ang BukodTanging
Nagmamay-ari ng lahat, at ang Tagapangasiwa sa
Araw ng Paghuhukom." Hindi lamang Siya Ganap na
Makatarungan kundi Ganap na Maawain din Siya at Ganap
na Mapagpatawad, " ... Siya ang Ganap na Maawain sa lahat
ng nagpapakita ng habag (12:92)
Kung batid ng Diyos na ang tao ay taimtim na nagsisisi, may
tunay na hangaring labanan at talunin ang kasamaan sa kanyang
sarili, lubusang mapatatawad ng Makapang-yarihang Diyos ang
kanyang mga kamalian at kasalanan, yamang ang tanging
angkop na dahilan para sa pagpaparusa ay upang pigilin ang
kasamaan at sa pagbabago ng nagkasala. Ang pagpaparusa sa
isang tao sa kanyang nakaraang mga kasalanan, maging
pagkatapos niyang magsisi at baguhin ang kanyang sarili, ay
isang palatandaan ng paghihiganti, hindi katarungan.
Gayundin, ang pagpapatawad sa isang tao pagkatapos siyang
parusahan, o pagkatapos igawad ang parusa sa ibang tao sa
halip na parusahan siya mismo ay hindi maituturing na
kapatawaran sa sinumang may malawak na pananaw.
Ang sinasamba nating Diyos ay isang Diyos ng habag at awa.
Kung nagtakda Siya ng batas at nag-utos ng karapat-dapat na
pagsunod, iyon ay · hindi para sa Kanyang Sariling
kapakinabangan kundi para lamang sa kapakinabangan ng
sangkatauhan. At kung nagpaparusa Siya sa isang tao dahil sa
kanyang mga kamalian at kasalanan, iyon ay hindi para sa
Kanyang kaluguran o kabayaran, katulad ng ipinaha-hayag
ng dokrina ng Kristiyanismo, kundi para sugpiin ang
~ V Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
kasamaan at linisin ang makasalanan. Pinatatawad ng Diyos
ang mga kamalian at kasalanan ng mga nagwaksi ng kanilang
mga sala at binago ang kanilang mga sarili nang hindi sila
pinaparusahan. Ito ay hindi salungat sa katarungan ng Diyos.
Kaya'y ipinahayag Niya saQur' an:
" .. . itinakda ng inyong Panginoon sa Kanyang Sarili ang
Habag, upang sa gayon kung sinuman sa inyo ang gumawa
ng kasamaan dahil sa kamangmangan, at pagkaraa 'y nagsisi
at gumawa ng kabutihan, magka-gayo 'y tunay na Siya ang
Mapagpatawad, ang Maha-bagin. "(6:54).
Ang ikatlong bahagi ng doktrinang Kristiyano ng pagtubos
ay nagsasabing si Hesus ang nagbayad o tumubos sa orihinal
na kasalanan at iba pang mga kasalanan ng tao sa
pamamagitan ng pagkamatay niya sa krus ng Kalbaryo, at
ang kaligtasan ay hindi makakamtan nang walang paniniwala
sa kapangyarihan ng pagliligtas ng kanyang dugo.
Isinulat ni J. F. de Groot (Catholic Teaching, pahina 162):
"Yayamang si Kristo, Diyos na Nagkatawang-Tao, ay inako
niya sa kanyang sarili ang ating mga sala upang tubusin ang
mga iyon sa pamamagitan ng pagtugon sa pag-aatas ng
Diyos para sa katarungan, siya ang tagapamagitan sa Diyos
at tao." Ang doktinang ito ay hindi lamang pagtatatwa sa
pagkamaawain ng Diyos kundi maging sa Kanyang
pagkamakatarungan. 44
44Sa bahaging ito, maaaring itanong: Ang pagdurusa ba ni Adam at
pf!gsisisi niya sa Diyos, ang pagpapalayas sa kanya sa Paraiso, ang pagbaha
at maraming mga sakripisyong ginawa para sa Diyos ay hindi pa ba sapat
na kabayaran para sa kanyang kaligtasan? Paano ang mga kasalanang higit
na karumal-dumal kaysa sa kay Adam? At papaanong ang hiwaga
(misteryo) ng kaligtasan ay nanatiling di batid ng lahat ng mga Propeta na
sa dakong huli'v simbahan lamang ang nakatuklas nito?
(;.;)
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam \/
Ang pangangailangan ng pantubos o kabayaran ng dugo
upang patawarin ang mga kasalanan ng tao ay pagpapakita ng
ganap na kawalan ng awa, at ang pagpaparusa sa isang taong
walang kinalaman sa mga sala ng iba, maging siya man ang
may nais o hindi, ay isang napakasidhing kawalan ng
katarungan.
May mga pagsalungat na nagpapatotoo sa kamalian ng
paniniwala sa pagtubos at pagkamatay sa krus. Ang
sumusunod ay ilan lamang sa mga ito:
Una: Ang doktrina ng pagkapako sa krus ni Hesukristo
bilang pagtubos sa orihinal na kasalanan ay nakabatay sa
tiwaling pundasyon. At anumang nakatayo sa tiwaling
pundasyon, ito mismo ay tiwali. Ang ipinangangaral ng
simbahan na ipinamana ni Adam ang kanyang kasalanan sa
kanyang lahi ay salungat sa mga talata ng Torah na ayon sa
Bibliya, si Hesus ay hindi dumating upang sirain ang kautusan o
ang mga Propeta, kundi upang tuparin (Mateo 5:17-18).
Gayundin mababasa natin sa Deuteronomio 24:16: "Ang
mga ama ay hindi papatayin dahil sa mga anak, ni ang mga
anak ay papatayin dahil sa mga ama; bawat tao'y papatayin
dahil sa kanyang sariling kasalanan."
Sa Ezekiel 18:20, nababasa rin natin: ''Ang taong nagkasala
ay mamamatay. Ang anak ay hindi magdurusa dahil sa
kasalanan ng ama, ni ang ama ay magdurusa dahil sa
kasalanan ng anak."
Si Hesus narin ang nagsabi, ayon sa Mateo 16:27:" .. . at kanyang
gagantihan ang bawa 't tao ayon sa kanyang mga gawa."
Ito ay sumasang-ayon sa Qur' an: "Na walang taong may
pasanin ang babalikat pa sa pasanin ng iba. Na ang taong
iyon ay walang makakamtan maliban sa kanyang ginagawa
g
y Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
(mabuti man o masama) at ang kanyang mga gawa ay
makikita." (53:38-40)
Ikalawa: Ayon sa Genesis 5:5, ang ating ama, si Adam, ay
namuhay na kasama ng kanyang asawa sa loob ng 930 taon
pagkatapos nilang kumain mula sa bawal na puno. Ito ay
nagpapatunay sa kamalian ng Genesis 2:17, na nagsa-saad:
"Subalit mula sa punungkahoy ng pagkakilala ng mabuti sa
masama ay huwag kang kakain; sapagkat sa araw na ikaw
ay kumain niyon ay tiyak na mamamatay ka."
Ngunit hindi naganap ito. Ito ay nangangahulugan din na si
Adam ay nagsisi at humingi ng tawad at siya ay pinatawad ng
Diyos. Ang Ezekiel 18:21-22 ay nagsasaad:
"Ngunit kung ang masamang tao ay Zumaya sa lahat niyang
kasalanan na kanyang nagawa, at ingatan ang lahat ng
aking mga tuntunin, at gumawa ng ayon sa batas at matuwid,
siya'y tiyak na mabubuhay, siya'y hindi mamamatay.
Alinman sa kanyang mga paglabag na nagawa niya ay di na
aalalahanin pa laban sa kanya; sapagkat sa matuwid na
gawa na kanyang ginawa ay mabubuhay siya."45
Kaya't sina Adam at ang kanyang asawa ay "namuhay," at
nangyaring "tumalikod sa lahat ng kanilang mga kasalanang
ginawa." Nangangahulugan lamang na ang kasalanan
ay hindi namamana, at sa gayon ay walang dahilang si
Hesus ay mamatay para sa mga kasalanan ninuman. Ito ay
may ganap na pagsang-ayon sa Qur' an, na nagsasaad:
45Kung ang nakagawa nito ay isang taong "masama," paano naman kung
ang nagkasala ay nagkataong isang matuwid na taong katulad ni Adam?
Katiyakan, siya ay pagkakalooban na kapatawaran sapagka't siya ay
humingi ng kapatawaran at nagsisi. [Mangyari lamang tingnan din sa Mga
Hebreo 5:7, kung paanong dininig ang kanyang panalangin na iniligtas si
Hesus sa kamatayan.)]
Q