Mga Elemento ng Islamikong Pamamaraan para sa Pagkatay
· Ano ang dapat Hiwain:
· dalawang ugat na jugular (malaking mga sisidlan ng dugo sa leeg)
· lalamunan (lagusan para sa paghinga; tatagukan)
· esopago (tubong daanan ng pagkain at inumin; lalamunan)
· Anumang kagamitang may kakayahang maduguan ang hayop ay pinahihintulutan, maging ito ay gawa sa bakal, asero, matalim na bato o kahoy, maliban sa buto, ngipin, o kuko. Ang kagamitan ay dapat maging matalim. Di ini encourage ang isang taong gumamit ng isang kagamitang mapurol upang ang hayop ay hindi mabagabag o mailagay sa hindi nararapat na paghihirap.
Karunungan sa likod ng Islamikong Patakaran ng Pagkakatay
Ang karunungan sa Islamikong mga patakaran ng pagkakatay ay ang pagkitil sa buhay ng hayop sa pinakamabilis at pinakamagaan na paraan; ang mga pangangailangan ng paggamit ng isang matalim na kagamitan at pagputol ng lalamunan ay may kaugnayan dito. Ipinagbabawal ang paglaslas ng lalamunan sa pamamagitan ng paggamit ng mga ngipin o mga kuko dahil ito ay magdudulot ng pasakit sa hayop at para na ring sinakal ito. Ang Propeta ay itinatagubilin ang paghahasa ng kutsilyo at paglalagay ng hayop sa kaginhawahan, na sinasabing, si Allah ay nagtakda ng kabaitan sa lahat ng mga bagay, "at kapag kayo ay nagkatay, gawin ito sa pinakamainam na paraan sa pamamagitan ng paghahasa muna ng kutsilyo at pagpapakalma muna dito."[3]
Ang Pagsambit ba ng Bismillah ay isang Pangunahing kailangan?
Una, ang kasanayang ito ay nasa pagsalungat sa kasanayan ng mga sumasamba sa rebulto bago ang Islam, na sinasambit ang mga pangalan ng kanilang di-umiiral na mga diyos habang kinakatay ang mga hayop.
Pangalawa, ang mga hayop, tulad ng mga tao, ay mga nilikha ni Allah, at sila ay mga nabubuhay na nilalang. Samakatuwid, mahalagang sambitin ang 'Bismillah' bago kitilin ang buhay ng isa sa mga hayop na ito sapagkat ang kasanayang ito ay katumbas ng paghingi ng pahintulot mula kay Allah. Ang pagsambit ng pangalan ni Allah habang kinakatay ang hayop ay isang pagpapahayag ng banal na pahintulot na ito, na tila ang siyang kumakatay ng hayop ay nagsasabi, "Ang gawain kong ito ay hindi isang gawaing kalupitan laban sa sansinukob o pang-aapi sa nilalang na ito, subalit sa pangalan ni Allah ako ay nagkakatay, sa pangalan ni Allah ako nangangaso, at sa pangalan ni Allah ako ay kumakain."
Ayon sa karamihan ng Muslim na mga iskolar, ang pagsambit ng Bismillah ay kinakailangan kung hindi ang karne ay magiging ipinagbabawal. Ito ay batay sa 6:121, 5:4, 22:34, 22:36, 6:138, 6:119. Ang Propeta ay nagsabi, ''Kaya kumatay sa Pangalan ni Allah.'[4]
Sino ang Kwalipikadong Kumatay?
Ang isang Muslim, Hudyo, o isang Kristiyano ay mga kwalipikado sa pagsasagawa ng pagkatay. Ayon sa karamihan ng mga iskolar, ang karneng kinatay ng isang Hudyo o isang Kristiyano ay dapat matugunan ang parehong pamantayan na dapat matugunan ng isang Muslim. Kung hindi niya matugunan ang pamantayang yaon, magkagayun ang karne ay ituturing na isang 'patay na hayop' o isang bagay na katulad.
Karaniwang Pagtutol
Ang ilang mga tao ay nagsasabing hangga't ang mga tao o Angkan ng Kasulatan ay itinuturing ang kung ano ang kanilang kinatay (sa pamamagitan ng pagkuryente, atbp) bilang halal at itinuturing nilang pinahihintulutan sa kanilang relihiyon, ito ay halal para sa mga Muslim.
Ito ay hindi tama sapagkat:
(a) Si Allah ay ipinagbawal para sa atin ang isang hayop na binigti o sinakal sa kamatayan (halimbawa sa pamamagitan ng pagtatali ng lubid), o pinalo sa kamatayan sa pamamagitan ng isang batuta na nakasaad sa 5:3 at ang lahat ng Muslim na mga iskolar ay sumasang-ayon tungkol sa kanilang pagbabawal. Kaya, ang isang hayop na kinatay ng isang Hudyo o Kristiyano na walang tamang pagkakatay ay ituturing na ipinagbabawal at ang karne ay magiging ipinagbabawal tulad ng laman ng baboy at walang pagkakaiba maging ang isang Muslim man ay sinakal ito pinalo ito sa kamatayan o ng ibang tao. Ayon sa Quran 5:3 ito ay ipinagbabawal.
(b) Ang karneng baboy ay kinakain ng mga Kristiyano, gayunpaman wala ni isang iskolar na nagturing ditong pinahintulutan. Gayundin, ang isang hayop na kinatay ng isang Hudyo o Kristiyano sa pamamagitan ng pagbali ng leeg o anumang iba pang paraan na hindi tumugon sa Islamikong pamantayan sa pagkakatay ay magiging ipinagbabawal. Bakit? Sapagkat ang lahat ng mga ito, ang laman ng baboy, nabubulok na bangkay, ang isang hayop na sinakal o pinalo sa kamatayan, ang lahat ay ginawang ipinagbabawal ni Allah sa parehong talata sa Qur'an 5:3. Ang talata ay hindi nagbibigay ng pagtatangi sa pagitan ng baboy, isang hayop na kinatay sa pamamagitan ng pagsakal, o tinulig/kinuryente, o pinalo sa kamatayan, o na ang ulo ay pinisak.
Mga Pamamaraan ng Manukan
· Shackling (Sagkaan):
Sa bahay-katayan, ang mga ibon ay pinananatili sa mga trak nang walang pagkain o tubig sa loob ng 1 hanggang 9 na oras o higit pa na naghihintay upang katayin. Sa loob ng planta, sa "buhay-bigtihang" lugar, ang mga ito ay nagsisiksikan sa isang bakal na sabitang nag-iipit sa mga ito ng patiwarik mula sa paa ng mga ito.
· Stunning Tank for Electrical Immobilization (Tangke ng Tuligan para sa Elektrikal na Imobilisasyon):
Ang mga ulo ng ibon at itaas ng mga katawan ay kinakaladkad papasok sa isang may pumipilansik na tubig na labangan na tinatawag na "stunner" (tuligan). Ang tubig na ito ay malamig at inasinan upang maghatid ng kuryente. Ang layunin nito ay upang patigasin, upang panatilihin ang mga ito sa hampas at upang maparalisa ang mga kalamnan ng balahibo ng mga ito upang mapalabas ang mga ito nang madali. Kung minsan ang makina ay pumapalya at ang manok ay naiiwang nakabitin sa tubig na ito ng maraming oras.
· Pagputol ng Leeg
Matapos kaladkarin sa pamamagitan ng "stun" na pagpapaligo, ang mga ibon na ang kanilang mga leeg na bahagyang hiwa sa pamamagitan isang umiikot na makinang patalim at/o isang manu-manong pamutol ng leeg. Maraming pagkakataong ang mga ugat ay namimintisan habang nakatarak ito sa leeg ng ibon.
· Bleed-Out Tunnel and Scalding Tank (Paduguang Lagusan at Napakainit na Tangke):
Buhay pa rin - ang industriya ay sadyang pinapanatili ang mga ibong buhay habang nasa proseso ng pagkatay upang ang kanilang mga puso ay nagpapatuloy sa pagbomba ng dugo - pagkatapos ay ibibitin ang mga ito ng patiwarik sa loob ng 90 segundo sa isang paduguang lagusan kung saan dapat silang mamatay mula sa pagkaubos ng dugo, subalit milyun-milyong mga ibon ang hindi namamatay, habang may di-tukoy na bilang ng mga ibon ay nalulunod sa mga lawa ng dugo kapag ang conveyer belt (sinturong tagapaghatid) ay sumawsaw ng masyadong malapit sa sahig. Patay o buhay, ang mga ibon ay ilalaglag sa mga tangke ng maligamgam na tubig. Noong 1993, mga 7 bilyong mga ibon ang kinatay sa mga pasilidad ng Estados Unidos, mahigit sa 3 milyong mga ibon ang natubog sa napakainit na mga tangke nang buhay.[1] Ayon sa isang dating manggagawa ng bahay-katayan, kapag ang mga manok ay dinudusdos ng buhay, ang mga ito ay "nagkakakawag, nagtititilaok, nagsisisipa, at ang kanilang mga mata ay lumabas sa kanilang mga ulo. Madalas ang mga itong lumalabas sa kabilang dulo ng bali-bale ang mga buto at sira at may nawawalang mga bahagi ng katawan dahil sa matinding pagpupumiglas ng mga ito sa tangke."
· Mula sa pananaw ng Shariah, ang pamamaraang ito ay problema dahil sa sumusunod na mga kadahilanan:
(a) Ang stunning (panunulig) ay maaaring humantong sa kamatayan. Ilang mga pagtatantiya ay nagpapakitang hanggang sa 90% ng mga manok ay namamatay dahil sa pagkaka-kuryente. Kapag nagkaganito, ang manok ay namamatay na bago pa ang leeg nito ay maputol at itinuturing na patay na.
(b) Ang mga patalim ng mga makinang pamutol-leeg ay kadalasang nagmimintis sa leeg o nahihiwa ito nang bahagya. Ang industriya ng manok ay may natatanging katawagan para sa gayong manok, 'redskins (pulang balat).' Ang mga ito ay kalaunang nakakatay sa napakainit na tangke. Ang ganitong mga manok ay maituturing na patay na rin.
(c) Kapag ang isang makina ay lumalaslas ng mga lalamunan, hindi posibleng masambit ang Bismillah para sa bawat manok. Sa kadalasan ay maaaring bigkasin ito ng tao bago paandarin ang makina. Ang pagsambit ng Bismillah sa oras ng pagkatay ay isang pangangailangan para sa karne ng hayop para maging halal.
Mga Pamamaraan ng Paghahayupan
Bago ang pagkatay, ang mga baka sa Kanluran ay itinatago sa tinatawag na 'feedlot' - o lungsod ng baka. Sa halip na damo, ay pinakakain ang mga ito ng mais, na kung saan ay mura, upang patabain ang mga ito sa maikling panahon. Ang mais ay lumilikha ng mga problema sa kalusugan, kaya binibigyan sila ng antibiotiko. Mayroong hanggang 100,000 mga hayop sa loob ng dalawang daang ektarya. Ang mga baka ay may halos sapat lamang na puwang upang tumayo, natutulog sila at namamahinga sa dumi. Ang unang ginagawa ay pag-aalis ng dumi kapag dumating na ang mga ito sa bahay-katayan mula sa feedlot. Ito ay isang mahirap na proseso; ang ilan ay napapahalo sa karne. Ang dumi ay nagtataglay ng E-Coli at iba pang mga pathogens. Iyon ang dahilan kung bakit ang karne ay kumikintab.
Sa Estados Unidos, ayon sa batas, ang mga hayop ay dapat tuligin sa pamamagitan ng pagkuryente, gaas, pagpalo sa ulo gamit ang maso, o ang pagbaril sa pagitan ng mga mata mula sa isang naglalaman ng ispring na tornilyo (na kilala bilang 'captive bolt system') bago isabit ng patiwarik at katayin sa kanilang mga lalamunan. Habang nasa ganitong yugto ng proseso ay tanging dalawang ugat na jugular ang lalaslasin at ang esopago at ang daang hingahan ay naiiwang buo.
Narito ang isang tipikal na pamamaraan: isang taong may hawak ng isang bagay na tila isang malakas na pampakong baril, na tinatawag na stunner na nagpapasok ng tornilyong bakal sa utak ng baka, sa pagitan ng mga mata. Ito ay halos kasing sukat at haba ng isang matabang lapis. Ito ay nagdudulot sa hayop na mamatay ang utak.
Ang isa bang stunned (tinulig) na hayop ay halal pagkatapos itong katayin ng isang Muslim, Hudyo, o Kristiyano? Sa ilang mga kaso ang mga hayop ay tiyak na namamatay bago nakakatay na kung saan gagawaran ang mga itong haram. Ang mga iskolar na nakasaksi sa ilan sa mga pamamaraang ito ay nag-aalinlangan kung ang hayop ay buhay pagkatapos ng pagbaril sa pagitan ng mga mata. Sa ilang mga kaso, ang pagkuryente at pag-gaas ay nagdudulot din ng tiyak na kamatayan sa pamamagitan ng asphyxiation (kawalan ng hangin sa paghinga). Ito ay tila naging isang tampok ng imbestigasyon para sa Muslim na mga dalubhasa. Sa kaliit-liitan ay ang stunning (pagbaril sa pagitan ng dalawang mata) na hayop sa ganitong paraan ay isang kaduda-dudang kasanayan at ito ay sulit na banggiting ang mga Hudyo ay hindi ginagawa ito.
Ang Pagkain ng Karneng Ibinibenta sa Kanlurang Pamilihan ay Hindi Maituturing na Halal Dahil sa Sumusunod na mga Kadahilanan:
(a) Walang paraan upang malaman ang relihiyon ng taong nagsasagawa ng pagkatay, dahil maraming tao ang nagtatrabaho sa mga bahay-katayan na mga Hindu, Sikh, Budista, ateista, at mga taong walang relihiyon.
(b) Kung ang karamihan sa mga taong naninirahan sa lugar kung saan matatagpuan ang isang bahay-katayan ay mula sa mga Angkan ng Kasulatan, walang paraan upang malaman kung ang tagakatay ay isang Amerikanong may Kristiyanong pangalan dahil maraming mga tao sa Kanluran ngayon ay mayroong Kristiyanong mga pangalan, subalit hindi sila mga Kristiyano.
(c) Kahit na ipinapalagay na ang tao ay isang Kristiyano, ang karamihan sa mga pamamaraan na ginagamit sa mga bahay-katayan ay magagawaran ang hayop ng hayagang haram o sa hindi bababang alinlangan (tulad ng mga tinulig na baka).
Dahil sa mga pagsasaalang-alang sa itaas, ang isang Muslim ay hindi pinahihintulutang bilhin ang kanyang karne mula sa mga pamilihan sa Kanluran maliban kung may katiyakang ang karne ay kinatay ayon sa mga pamantayan ng Shariah.
'Si Adi ibn Hatim ay iniulat: tinanong ko ang Sugo ni Allah tungkol sa pangangaso. Sinabi niya: Kapag itinudla mo ang iyong palaso, sambitin ang pangalan ni Allah, at kung makita mo ang palaso ay katayin ito pagkatapos kainin, maliban kapag natagpuan mong ito ay bumagsak sa tubig, sapagkat sa gayong kaso ay hindi mo alam kung tubig ang sanhi ng kamatayan nito o ang iyong palaso.[2]
Ang hadith na ito ay nagpapahiwatig: kung may ilang mga palatandaan ng karne sa pagiging halal at ang ilan sa mga ito ay haram, ang mga palatandaan ng haram ang siyang bibigyan ng pagkiling. Gayundin, ang karne ay itinuturing sa pagiging hindi pinahihintulot, hanggang sa mapatunayan sa pagiging halal na binanggit ng maraming mga hukom.
Paano Kung Hindi Natin Alam Kung Ang Pangalan ng Diyos ay Sinambit sa Karneng Kinatay ng isang Hudyo o Kristiyano?
Walang anumang iskolar na pagtatalo, ito ay pinahihintulutan sa ganitong kaso.
Karneng Kinatay ng mga Pagano, Hindu, at Ateista
Ang mga iskolar ay sumang-ayong ang ganitong kinatay na karne ay haram at hindi maaaring kainin.
Kung ang isang Hindu o sinumang politeista ay hindi kinatay ang karne mismo, subalit bumibili ng halal na karne, magkagayun ay maaari niya itong kainin.
Paano Kung Hindi Tukoy ang Siyang Kumatay Nito At Kung Papaano Kinatay, Katulad ng Karneng Matatagpuan sa Pamilihan ng isang Karihan?
(i) Kung ito ay matatagpuan sa isang nakararaming Muslim na bansa ay maaari siyang bumili ng karne mula sa palengke at kainin ito nang walang anumang iskolar na pagtatalo kahit na hindi natin alam ang pangalan ng taong kumatay nito o kung ito ay ginawa ayon sa Shariah. Ito ay dahil sa kung ano ang matatagpuan sa mga lupain ng Muslim ay ipinapalagay itong natugunan ang pamantayang itinakda ng Shariah.
'May mga taong nagtanong sa Propeta na binigyan ng karne ng ilang tao at hindi nila alam kung ang Bismillah ay sinambit dito o hindi. Ang Propeta ay tinuruan silang sambitin ang Bismillah dito at kainin ito.'
(ii) Sa isang bansa kung saan ang karamihan ng mga tao ay kundi man mga Hudyo o mga Kristiyano, ang karne ay hindi maaaring bilhin mula sa mga palengke at hindi maaaring kainin, maliban kung siya ay may katiyakan o may magandang dahilan upang paniwalaang ito ay kinatay nang maayos ng isang Muslim o isang Hudyo o Kristiyano.
(iii) Kung ito ay natagpuan sa isang bansa kung saan ang halal at haram na karne ay parehong matatagpuan, magkagayun ay hindi pinahihintulutan dahil sa pagdududa; dahil sa isang sitwasyon kung saan ang halal at haram ay magkasamang umiiral, ang pagkatig ay ibibigay sa haram; samakatuwid, dapat niyang iwasan ang naturang mga karne. Ito ang katayuan ng karamihan ng mga iskolar. Ito ay batay sa hadith ni 'Adi na nagtanong, 'Ipagpalagay na ipapadala ko ang aking aso subalit may natagpuan akong ibang aso sa laro, at hindi ko alam kung aling aso ang nakahuli dito? 'Ang Propeta ay sumagot,' Huwag kainin ito, dahil sa habang sinambit mo ang pangalan ni Allah sa iyong aso, hindi mo sinambit ito sa iba pang aso.
(iv) Kung ito ay natagpuan sa isang lupain kung saan ang karamihan ng mga tao ay mga Hudyo at mga Kristiyano, ang orihinal na kapasyahan ay katulad ng sa mga lupain ng Muslim sapagkat ang kanilang karne ay pinahihintulutan katulad ng sa mga Muslim. Subalit, kapag ito ay tiyak na nakilala o may magandang dahilan upang maniwalang hindi nila kinatay ayon sa pamantayang itinakda ng Shariah, magkagayun ay hindi pinahihintulutang kainin ang kanilang karne maliban kung ang tamang pagkakatay ay natiyak. Ito ang nangingibabaw na kaso sa Kanlurang mga bansa na ipinahayag ng maraming iskolar na talagang nanirahan dito o nasiyasat na ang usaping ito habang nasa kanilang pagbisita.
Praktikal na mga Payo
· Manaliksik online para sa halal na pamilihang Muslim sa inyong lugar o kalapit na mga siyudad.
· Makipag-ugnayan sa inyong lokal na moske o magtanong sa Muslim na mga kaibigan para sa impormasyon sa mga pamilihang nagbebenta ng halal na karne.
· Kaugnay sa mga karneng kinatay ng mga Hudyo at mga Kristiyano, pag-iingat ang dapat sanayin na ang mga karne ay nananatiling di-naproseso. Kung sila ay naproseso dapat niyang basahin ang etiketa para sa mga sangkap. Sa maraming mga kaso ang alkohol (pulang alak/puting alak) ay idinagdag sa mga produktong karne upang palambutin atl ang mga ito.
· Ikaw ay maaaring bumili ng hilaw na karne na may tatak na kosher mula sa mga lokal na mga pamilihan.
Mga Terminolohiyang Arabik
· Halal –pinahihintulutan.
· Haram – ipinagbabawal.
· Sunnah - ang salitang Sunnah ay maraming pagpapakahulugan depende sa sinasaklaw na usapin, subalit sa kabuuan tumutukoy ang salitang ito sa anumang naiulat na mga sinabi, ginawa at pinahintulutang gawin ng Propeta..
· Ibadah – pagsamba.
· Deen - ang kabuuan ng isang pananampalataya at kasanayan ng isang Muslim. Ang Deen ay madalas na ginagamit na ang ibig sabihin ay ang pananampalataya, o ang relihiyon ng Islam.
Panimula
Health-and-Fitness-(part-1-of-2).jpgNang likhain ng Diyos ang mga tao, ginawa Niya ito sa isang layunin. Nilikha tayo upang sambahin ang ating Lumikha at dahil dito ang Panginoon ay nagpadala sa atin ng mga propeta, mga mensahero at mga paghahayag upang gabayan tayo sa ating pamumuhay dito sa mundo. Ang Islam ay ang relihiyon para sa lahat ng sangkatauhan at ang patnubay nito ay naaangkop sa lahat ng lugar sa lahat ng oras at kalagayan. Hindi katulad ng ibang mga relihiyon, Ang Islam ay isang kumpletong paraan ng pamumuhay; hindi ito isang gawain na ating gagampanan ng isang araw lamang sa loob ng isang lingo, o di kaya ay kung kelan tayo may oras o kung kelan lamang natin gusto. Ang Islam ay isang pangkalahatan o holistic na paraan ng pamumuhay na nagpapahiwatig ng kahalagahan ng pagpapanatili ng mabuting kalusugan at nag-aalok ng mga paraan upang malunasan ang hindi magandang kalusugan. Tinuturuan tayo ng Islam na mag-alala tungkol sa kabuuan ng tao, at ang kalusugan ay binubuo ng tatlong bahagi, espirituwal, emosyonal at pisikal na kalusugan at lahat ng ito ay magkakaugnay.
Nutrisyon
Ang deen ng Islam ay nag-aalok ng isang pangkalahatan o holistic na pamamaraang pangkalusugan at pagpapalakas ng katawan, kasama ang paggagamot ng ating mga katawan na may paggalang at pinalulusog ito sa mga halal at masusustansyang pagkain. Inaasahan ng Allah na pumili tayo ng mga masustansyang pagkain at iwasan ang pagkain na walang nutrisyon. Kanyang sinabi, “…Kumain ng kung ano ang ipinahintulot at kapaki-pakinabang sa lupa...” (Quran 2:168) at “Kumain ng mga mabubuting bagay na Aming ibinigay para sa iyo.” (Quran 2:172).
Hinihikayat tayo ng Allah na kumain ng masustansiyang pagkain at tandaan ang mga babala upang alalahanin Siya at iwasan ang mga panlilinlang ni Satanas. “O sangkatauhan, kumain kayo sa anumang nasa lupa na ipinahintulot at mabuti at huwag sundin ang mga yapak ni Satanas. Katutuhanan, siya ay isang malinaw na kaaway.” (Quran 2:168)
Ang masustansya na pagkain at pagbibigay pansin sa halaga ng nutrisyon ng pagkain ay nakakatugon sa ating gutom at may epekto sa kalidad ng ating ibadah. Ang pakiramdam ng sobrang busog o paghihirap mula sa hindi pagkatunaw ng kinain ay maaaring makahadlang sa ating pagsamba. Gayundin kapag ang pakiramdam ay maginhawa, magiging masayang karanasan ang ating pagsamba. Ang Quran ay hindi nagbigay ng listahan, subalit pinapayuhan tayo nito kung ano ang mga pagkaing halal na ipinagkaloob ng Allah.
1. Karne. “Nlikha niya ang mga baka na magbibigay sa iyo ng init, mga benepisyo at pagkain na makakain.” (Quran l6:5)
2. Isda at Lamang dagat. “Siya ang nagpapakalma sa mga karagatan, kung saan kumukuha ka ng sariwang isda.” (Quran 16: 14) “ipinahihintulot sa iyo ang hango mula sa dagat at ang pagkain dito bilang probisyon para sa iyo…” (Quran 5:96)
3. Prutas at Gulay. “Siya ang nagpapadala ng tubig mula sa kalangitan kung saan mula dito Siya ay nagpapahintulot na mamunga ang mais, olibo, mga datiles at mga ubas at iba pang prutas.” (Quran 16:11) “At Siya ang gumagawa ng mga hardin na nagbabalag at hindi nagbabalag, at puno ng datiles, at mga pananim na iba-iba ang hugis at lasa (ng prutas at mga buto) at olibo, at pomegranada na parehong (uri) at ibang (lasa). Kumain ng kanilang bunga kapag sila ay nahinog...” (Quran 6:141)
4. Gatas. “Sa baka mayroon ka ring makukuhang aral. Bibigyan ka namin ng inumin mula sa kanilang mga tiyan, sa pagitan ng hindi pa natutunaw na kinain at dugo: purong gatas, isang kaaya-ayang inumin para sa mga umiinom nito.” (Quran l6:66)
5. Pulot ng Pukyutan. “May lumabas mula sa kanilang mga tiyan na inumin, na may iba't ibang kulay, kung saan nagbibigay kagalingan para sa mga tao…” (Quran 16:69)
6. Butil. “…at mula dito (sa lupa) gumawa kami ng butil para sa kanilang kabuhayan.” (Quran 36:33)
Sa buong Quran at Sunnah ng Propeta Muhammad, ang awa at pagpapala ng Diyos ay mapasakanya nawa, nakita namin sa maraming okasyon na ang masustansyang pagkain ay may kaugnayan sa mahusay na kalusugan. Ang Halal na pagkain ay nakapagpapalusog sa ating mga katawan at nakakatulong sa paggamot sa mga sakit at dala nitong pinsala. Ang mga sumusunod ay tatlong mahalagang pagkain mula sa Quran at Sunnah na nagpapatunay sa mga benepisyo ng malusog at matibay na pangangatawan sa pamamagitan ng halal na paraan.
1. Pulot ng Pukyutan. “ito ay lunas sa lahat ng karamdaman at ang Quran ay lunas sa lahat ng karamdaman ng isipan, kung kaya aking iminumungkahi sa inyo ang dalawang lunas na ito, ang Quran at Pulot ng Pukyutan .” Ang Pulot ay nagtataglay ng anti-viral, anti-inflammatory, anti-bacterial at anti-fungal properties. Ang WHO (World Health Organization) itinuturing ang Pulot bilang mabisa at mahalagang sangkap sa panggagamot upang bigyang lunas ang pamamaga ng mga 'mucus membrane' at paggamot para sa mga ubo. “Lahat ng Pulot ay 'antibacterial' dahil ang mga bubuyog ay nagdaragdag ng isang enzyme na gumagawa ng 'hydrogen peroxide' o agua oxinada,”ayon kay Peter Molan, director ng Honey Research Unit sa University of Waikato sa New Zealand.
2. Dates. Dates o Datiles ay mabuti para sa kalusugan ng pagtunaw ng kinain; ang mga ito ay tumutulong sa paggagamot ng paninigas ng dumi, o pagtatae. Ito ay isang mahusay na pinagkukunan ng 'iron', kaya isang mahusay na alternatibo upang mabigyang lunas at maiwasan ang anemya, at tumutulong ito na panatilihing malusog ang ating mga buto, dugo at mapatibay ang ating resistensya. Mayroong (15) labinlimang mga mineral na makukuha sa dates, kabilang dito ang selenium, isang elemeto na pinaniniwalaang nakakatulong upang maiwasan ang kanser at mahalaga sa immune function.[1] Pinayuhan tayo ni Propeta Muhammad na kumain ng dates sa tuwing natatapos ang pag-aayuno dahil ito ay nakakatulong upang linisin ang ating pangangatawan .[2]
3. Olives. Olives ay mataas sa vitamin E at iba pang mabisang antioxidants. Ipinakikita sa mga pag-aaral na ito ay mabuti para sa puso, at maaaring maprotektahan laban sa osteoporosis at kanser ang sinuman na kumakain nito sa tamang bilang. Bilang karagdagan, karamihan sa mga phytonutrients na natagpuan sa mga olibo ay may mahusay at dokumentado na mga anti-inflammatory na katangian. Ang katas mula sa buong oliba ay ipinapakita na mabisang anti-histamines sa mga selyula.[3] Pinayuhan tayo ni Propeta Muhammad na "Kumain ng langis ng olibo at gamitin ito sa buhok at balat, sapagkat ito ay nagmumula sa pinagpalang puno.[4]
Sa katunayan ay napakakaunti ng mga pagkain na haram. “Ipinagbabawal sa iyo (bilang pagkain) ang mga : patay na hayop, dugo, karne ng baboy, at karne ng mga hayop na kinatay na bilang sakripisyo o alay para sa iba kaysa sa Diyos (Allah)...” (Quran 5:3) “...at mga nakalalasing / nakalalason.” (Quran 5:91-92) Maliban sa ilang nabanggit sa Quran at sa Sunnah, ang lahat ay ipinahihintulot. Subalit, hindi ibig sabihin nito na maaari nating kainin ang kahit na ano at kakalimutan ang tamang pagtrato sa ating mga katawan na ipinagkatiwala sa atin ng Allah na may pagrespeto.
Diyeta
Bagaman hindi ipinagbabawal ang mga pagkaing naproseso, asukal, at pagkain ng sitserya, kinakailangang kumain din nito bilang bahagi ng balanseng diyeta. Marami sa mga pinaka-karaniwang karamdaman ngayon ang nakukuha mula sa hindi malusog na mga gawi sa pagkain. Sakit sa puso, alta-presyon, diabetes, sobrang katabaan at depresyon, at ang mga salot ng ika-21 siglo, nauugnay lahat sa di-sapat na pagkain. Ang isang masustansya na pagkain ay naglalaman ng lahat ng mga mabuting pagkain na kaloob ng Allah para sa atin. Gayunpaman, hinihimok tayo na huwag magmalabis. Ang isang tao na sobra-sobra kung kumain ay hindi malusog, sa gayon hindi nito magagampanan ang kanilang mga obligasyon. At, ang sinuman na sobrang kaunti kung kumain o hindi sapat sa wastong pagkain ay hindi magiging maayos ang kalusugan at magdudulot ng pinsala sa kanyang ibadah.
Pinayuhan ni Propeta Muhammad ang sangkatauhan na panatilihin ang balanse sa pagitan ng dalawang pagiging malabis, at huwag maglalagay ng sobrang pansin sa pagpuno sa ating mga tiyan. Sinabi niya, “Walang tao na pumupuno ng isang sisidlan na mas masahol pa kaysa sa kanyang tiyan. Ang ilang mga subo ay sapat na. Gayunpaman kung ang isang tao ay dapat kumain ng madami, dapat nilang punan ang isang ikatlo (ng tiyan) ng pagkain, isang ikatlo ng inumin at iwanan ang isang ikatlo na bahagi para sa maayos na paghinga”[5]
Panimula
Health-and-Fitness-(part-2-of-2).jpgAng holistic na pag sasaalang-alang ng Islam sa kalusugan ay nangangahulugan na dapat tayong maglaan ng oras at pagsisikap sa ating pisikal at emosyonal na mga pangangailangan pati na rin ang ating espirituwal na kalagayan. Ang ating katawan ay isang malawak na grupo ng selyula, bahagi at sistema na pinahiram sa atin ng Allah, samakatuwid tayo ay obligado na panatilihin ang mga ito sa maayos na kalagayan. Sa naunang aralin, tinalakay natin ang papel na ginagampanan ng nutrisyon at wastong pagkain at ngayon ay titingnan natin ang tungkulin ng malakas na pangagatawan at ehersisyo.
Nang si Propeta Muhhammad, ang awa at pagpapala ng Allah ay sumakanya nawa, ay nagsabi na ang isang malakas na mananampalataya ay mas mahusay kaysa sa isang mahinang mananampalataya na hindi lamang niya tinutukoy ang larangan ng pananampalataya at pagkatao. Tinutukoy rin niya na ang pisikal na lakas ay isang kanais-nais na katangian para sa isang mananampalataya. Ang bawat tao ay may sariling pisikal na kakayahan na itinalaga ng Allah at sa gayon ay dapat layunin ng bawat isa sa ating makamit na ang sariling pangagatawan ay nasa pinakamabuting kalagayan sa kalusugan at kalakasan. Ang mga obligadong gawain sa Islam, sa ilalim ng normal na kalagayan, ay nangangailangan ng ilang pisikal na pagsisikap. Kapag ginawa ang postura ng panalangin ginagamit natin ang lahat ng mga kalamnan at kasu-kasuan ng katawan. Ang isang tao ay dapat na nasa mabuting kalusugan kung nais nilang mag-ayuno at ang paglalakbay sa Mecca ay isang mahirap na tungkulin.
Kalakasan
Si Propeta Muhammad at ang mga sahabah ay may pisikal na kalakasan dahil sa kanilang pamamaraan sa buhay; Ang buhay ay mahirap, nagsasaka at ang pangangaso ay nangangailangan ng lakas at tibay. Ang mga tao sa sinaunang siglo sa nakalipas na daang taon ay naglalakad ng malalayong distansya, kumakain ng mga natural na pagkain, at sa kabuuan ay kinakailangan na malakas upang matustusan ang kanilang pamumuhay. Kahit pa tayo ay walang direktang kontrol sa anumang karamdaman at pinsala sa ating pangangatawan ang Allah ay inaasahan ang maayos na pagtrato natin sa ating sarili, may respeto at gagawin ang lahat ng makakaya upang mapanatili ito sa maayos na kalagayan.
Sa kasalukuyan, tayo ay dumadanas ng maraming kondisyon at mga sakit na direktang may kaugnayan sa hindi malusog na pamumuhay at kawalan ng ehersisyo. Ilan sa mga malubhang kundisyon ay maaaring mapabuti at minsan ay nababago dahil sa pagbibigay pansin sa kalusugan. Nararapat na ating alalahanin na pananagutin tayo kung mapabayaan natin ang ating tungkulin na pangalagaan ang pabagsak na pangangatawan.
Nabasa natin ang maraming ahadith na nagpapatunay na si Propeta Muhammad ay palagi nang nagpapayo sa mga sahabah na manatiling malakas at mamuhay ng nasa tamang kalusugan. Sinabi niya “O Allah, gawin Mo na mabiyaya ang oras sa umaga para sa aking nasyon.”[1] Kasunod nito ang mga sahabah ay palagian nang maaga kung bumangon, hindi sila nagpupuyat sa walang kabuluhang mga gawain. Si Propeta Muhammad ay natutulog matapos ang salat'ul Isha ,[2] at kilala siya sa pagpapayo sa iba na ang ating katawan ay may karapatan sa atin[3].
Ehersisyo
Ang ehersisyo ay may mahalagang ginagampanan sa buhay ng isang mananampalataya at ang tamang ehersisyo ay magpapabuti ng ating pag ibadah . Subalit, kapag hinayaan nating mapalabis ang pag-ehersisyo o mapasobra sa paglalaro o isport o kaya naman ay naging panatiko na, ito ay makakasagabal sa ating emosyonal at espirituwal na kalusugan. Narito ang ilang mga alituntunin tungkol sa ehersisyo at isports.
1. Wala nang mas mahalaga pa kaysa sa mga obligadong gawain ng ibadah.
2. Ang mananampalataya ay dapat pagtuunan ng pansin ang pamamahala sa oras upang ang ehersisyo ay hindi makaapekto sa oras na kinakailangan para sa paghahanap-buhay at sa oras na dapat ilaan sa pamilya.
3. Ang pisikal na aktibidad ay maaaring gawin kasama ang lahat ng miyembro ng pamilya. Halimbawa paglalakad, hiking, paglangoy at pangangabayo.
4. Ang taong naglalaro ng sports sa isang pampublikong lugar ay dapat tandaan ang Islamikong pananamit .
5. Ang sports at ehersisyo ay hindi dapat o hindi kinakailangan ang paghahalo-halo ng mga kasarian.
6. Ang isang mananampalataya ay hindi gumagamit ng masamang wika o makisali sa pag-alipusta sa ibang manlalaro.
7. Ang mga mananampalataya ay hindi gumagamit, o nanghihikayat sa iba na gumamit ng, 'performance enhancing drugs'.
Ang pag-uugali ni Propeta Muhammad, ng mga sahabah, at ng sinaunang henerasyon ng mga Muslim ay nagpapakita bilang pinakamahusay na kasanayan sa larangan ng ehersisyo. Nakikilahok sila sa maraming sports at mga gawain, na ang lahat ay pinanatili ang kanilang mga isip at katawan na malambot at malusog.
“Anumang gawain na walang pag alala sa Allah ay maaaring dibersyon o katigasan ng ulo maliban sa apat na mga gawaing ito: Naglalakad mula sa target papunta sa pag asinta [sa panahon ng pagsasanay ng pamamana], pagsasanay ng isang kabayo, naglalaro kasama ng pamilya, at pag aaral na lumangoy.”[4]
Ang Propeta ay dumaan sa ilang mga tao mula sa tribo ng Aslam habang nakikipagkumpitensya sila sa isang kompetisyon ng archery. Sinabi niya sa kanila, ‘Tira o anak ni Propeta Ishmael. Ang iyong ama ay isang dalubhasa sa pamamana. Tumira kayo at ako ay kasama nila fulan at fulan.’ Isa sa dalawang mga kupunan ay tumigil sa pag pana. Ang Propeta ay nagtanong, 'Bakit kayo huminto?' Sumagot sila, 'Paano kami titira habang ikaw ay kasama nila (ang iba pang mga koponan). Pagkatapos ay sinabi niya, 'Tumira ka at kasama ko kayong lahat.' [5]
Si Aisha, asawa ni Propeta Muhammad ay nagsabi, “Nakipagkarera ako sa Propeta at natalo ko siya. kalaunan, nang madagdagan ako ng timbang, nagkarera kami muli at nanalo siya. At sinabi niya, ‘kinakansela na nito ang iyong panalo (tinutukoy ang naunang karera).’”[6]
Hindi pa huli na magsimula ng isang regime ng pag e-ehersisyo , subalit walang pangangailangan na parusahan ang iyong katawan sa pamamagitan ng pakikilahok sa isports at mga gawain na hindi angkop sa iyong pakikilahok. Paunti-unti lamang sa umpisa. Posible naman na maitayo ang antas ng iyong kalusugan sa pamamagitan ng paglalakad. Ang paglalakad ay isang aktibidad na ginagawa ng sahabah sa araw-araw at maaari rin nating basahin ang mga paglalarawan ng paraan ng paglalakad ni Propeta Muhammad. Ang pakinabang ng paglalakad ng 30 minuto lamang sa isang araw ay marami.
1. Nadaragdagan ang kalusugan ng puso at baga.
2. Nababawasan ang tsansa ng pinangangambahang panganib ng sakit sa puso at stroke.
3. Pinahuhusay ang mga kondisyon tulad ng altapresyon (high blood pressure), mataas na kolesterol, at diabetes.
4. Mas matibay na buto, nababawasan ang pananakit ng kalamnan at kasukasuan, at maayos na balanse.
5. Nagdadagdag ng tibay at binabawasan ang taba sa katawan..
Ang paglalakad ay mayroong maraming dagdag na benepisyo para sa isang mananampalataya. Sinabi ni Propeta Muhammad na ang mga taong tumatanggap ng pinakamalaking gantimpala para sa kanilang panalangin ay ang mga naglakad mula sa pinakamalayong distansya papunta sa masjid.[7] Sinabi rin niya na ang taong nagpakadalisay sa kanyang tahanan, at naglakad papunta sa masjid upang maisagawa ang isa sa mga tungkuling iniutos sa kanya ng Allah, ay magkakaroon ng gantimpala sa bawat dalawang hakbang na kanyang nagawa. Ang una ay magbubura ng kasalanan at ang sunod ay itataas ang kanyang katayuan ng isang antas.[8]