Mga Artikulo




23


isinugo.} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-


Bukhārīy: 6 at Imām Muslim: 2308.)


7. Ang pagsisipag sa pagsasagawa ng ṣalāh na


tarāwīḥ at tahajjud lalo na sa sampung huling


gabi ng Ramaḍān.


Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na


nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni


Allāh at pangalagaan), kapag pumasok ang


sampu, ay naghihigpit ng pantapis niya,


nagpupuyat sa gabi, at nanggigising ng mag-anak


niya.} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy:


2024 at Imām Muslim: 1174.)


Ang "kapag pumasok sa sampu" ay


nangangahulugang: ang sampung huling araw ng


Ramaḍān.


Ang "naghihigpit ng pantapis niya" ay isang


metonimya (pagpapalit-tawag) sa paghahanda


para sa pagsamba at pagsisipag para rito bilang


karagdagan sa nakahiratian.


Ang "nagpupuyat sa gabi" ay nangangahulugang:


gumugugol nito sa pagpupuyat sa pagdarasal at


iba pa rito kabilang sa mga pagtalima kay Allāh.


Ang "nanggigising ng mag-anak niya" ay


nangangahulugang: nanggigising sa kanila para


magdasal sa gabi ng Ramaḍān.


8. Ang pagsasagawa ng `umrah.


Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni


Allāh at pangalagaan): "Kapag dumating ang


Ramaḍān, magsagawa ka ng `umrah sapagkat


24


tunay na ang isang `umrah sa Ramaḍān ay


tumutumbas sa isang ḥajj." (Nagsalaysay nito sina


Imām Al-Bukhārīy: 1782 at Imām Muslim: 1256.)


9. Ang pagsabi ng: "Ako ay nag-aayuno" sa


sinumang nanlait at ang kagandahan ng


pananalita sa mga tao. Hindi magsasalita ng


pananalitang pangit.


Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni


Allāh at pangalagaan): "Kapag inumaga ang isa sa


inyo, isang araw, na nag-aayuno, huwag siyang


magpakahalay at huwag siyang


magpakamangmang. Kaya naman kung may isang


taong nakipaglaitan sa kanya o nakipag-away sa


kanya, magsabi siya: Tunay na ako ay nag-aayuno.


Tunay na ako ay nag-aayuno." (Nagsalaysay nito


sina Imām Al-Bukhārīy: 1904 at Imām Muslim:


1151.)


Ang "huwag siyang magpakahalay" ay


nangangahulugang: huwag siyang magsalita ng


pananalitang mahalay.


Ang "huwag siyang magpakamangmang" ay ang


kasalungatan ng pagsasalita ng karunungan at


ang kasalungatan ng tama sa sinasabi at


ginagawa.


10. Isinasakaibig-ibig sa tagapag-ayuno, kapag


titigil-ayuno siya, na magsabi ng: "Dhahaba --


d ̣̆d ̣̆ama'u wa--btallati --l`urūqu wa-thabata --l'ajru


in shā'a --llāh. (Umalis ang uhaw, nabasa ang mga


ugat, at napagtibay ang pabuya, kung loloobin ni


25


Allāh.)" (Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud:


2357.)


T: Ano ang mga kinasusuklaman (Makruh) sa


pag-aayuno?


S: Kinasusuklaman sa panig ng tagapag-ayuno


ang ilan sa mga sumusunod na gawaing maaaring


mauwi sa pagkasira ng pag-aayuno niya o


makabawas sa pabuya rito. Ang mga ito ay ang


sumusunod:


1. Ang pagpapasobra sa pagmumumog at


pagsinghot ng tubig.


Iyon ay dala ng takot na mapunta ang tubig sa


kaloob-looban niya, batay sa sabi ng Propeta


(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):


"Magpasobra ka sa pagsinghot ng tubig maliban


kung ikaw ay nag-aayuno." (Nagsalaysay nito si


Imām Abū Dāwud: 2366.)


2. Ang paglunok ng plema. Iyon ay ang idinudura


ng tao na laway o sipon dahil iyon ay umaabot sa


kaloob-looban bukod pa sa nakadidiri at


nakapipinsalang idinudulot ng gawaing ito.


3. Ang pagtikim ng pagkain nang walang tunay na


pangangailangan ngunit kung siya ay


nangangailangan niyon – gaya ng kung siya ay


isang kusinerong nangangailangan ng pagtikim


sa kaalatan ng pagkain at nakawangis nito –


walang masama kasabay ng pag-iingat laban sa


26


pagkaabot sa lalamunan niya ng anumang mula


roon.


4. Ang pagpaparami ng pagtulog sa maghapon,


ang pagsasayang ng oras, ang mga kalabisan sa


pagsasalita at paggawa, na ang nararapat sana ay


ang pagsamantala sa maghapon sa mga


pagtalima.


5. (Para sa mga nakatatanda). Ang paghalik sa


sinumang nakaaantig sa pagnanasa niya at


kabilang sa hindi siya nakasisiguro para sa sarili


niya. Kaya naman kinasusuklaman para sa


tagapag-ayuno na humalik sa kabiyak niya dahil


ito ay maaaring mauwi sa pagkapukaw ng


pagnanasa niya na hahatak sa kasiraan ng pag-


aayuno dahil sa masturbasyon o pagtatalik. Kung


nakasisiguro. Kung nakasisiguro siya para sa


sarili niya laban sa pagkasirang pag-aayuno niya,


walang masama.


6. (Para sa mga nakatatanda). Ang pag-iisip


hinggil sa pagtatalik o pagsasalita na


nakapupukaw sa pagnanasa.


T: Ano ang kahatulan sa pagtigil-ayuno sa


Ramaḍān nang walang maidadahilan?


S: Kapag tumigil-ayuno ang Muslim isang araw ng


Ramaḍān nang walang maidadahilan,


kinakailangan sa kanya na magbalik-loob kay


Allāh at humingi ng tawad dahil iyon ay isang


malaking kasalanan at isang malaking


27


nakasasama. Kinakailangan sa kanya kasama ng


pagbabalik-loob at paghingi ng tawad ang pag-


uulit ng pag-aayuno matapos ng Ramaḍān ayon


sa dami ng araw na tumigil-ayuno siya.


T: Sino ang makapagdadahilan ng pagtigil-


ayuno sa maghapon ng Ramaḍān at ano ang


kailangan sa kanya?


S: Ang unang sitwasyon: ang sinumang may


karamdamang hindi nakakaya kasabay nito ang


pag-aayuno; o ang manlalakbay; o ang


nagbubuntis o ang nagpapasuso, nangamba man


sila para sa mga sarili nila o mga anak nila o iba


pa rito na mga maidadahilang pinahihintulutan


para sa pagtigil-ayuno, tunay na pinapayagan ang


pagtigil-ayuno ngunit kinakailangan ang


pagbabayad-ayuno matapos ng Ramaḍān batay


sa sabi ni Allāh:





{ngunit ang sinumang kabilang sa inyo ay naging


may-sakit o nasa isang paglalakbay ay [mag-


aayuno ng mismong] bilang mula sa ibang mga


araw.} (Qur'ān 2:184)


Ibig sabihin: ngunit ang sinumang kabilang sa


inyo ay naging may-sakit na sakit na hihirap sa


kanya ang pag-aayuno o manlalakbay, ukol sa


kanya na tumigil-ayuno, pagkatapos kailangan sa


kanya na magbayad-ayuno ayon sa bilang na


itinigil-ayuno niya na mga araw.


28


Ang ikalawang sitwasyon: kung ang sakit niya ay


naging isang sakit na hindi gumagaling ang tulad


nito, bagkus namamalagi at nananatili ito – at ang


tulad niya ay ang matanda na hindi nakakakaya


ng pag-aayuno – ito ay hindi nag-oobliga sa kanya


ng pagbabayad-ayuno sa sandaling iyon dahil sa


kawalang-kakayahan niya rito subalit inoobliga


sa kanya ang pagpapakain. Magpapakain siya ng


isang dukha para sa bawat araw [ng hindi pag-


aayuno] ng kalahating ṣā` ng pagkain. Ang ṣā` ay


katumbas ng humigit-kumulang sa 3 kilogramo.


Batay ito sa sabi ni Allāh:





{Kailangan sa mga nakakakaya nito ay isang


pantubos na pagpapakain ng dukha;} (Qur'ān


2:184) Nagsabi ang Anak ni `Abbās (malugod si


Allāh sa kanilang dalawa) tungkol sa talatang ito:


"Ito ay hindi pinawalang-bisa. Sila ay ang lalaking


matanda at ang babaing matanda na hindi nakakakaya


na mag-ayuno kaya magpapakain sila, kapalit ng bawat


araw, ng isang dukha." (Nagsalaysay nito si Imām


Al-Bukhārīy: 4505.)


T: Kailan magbabayad ng pag-aayuno? Ano na


kung sakaling nahuli ang pagbabayad-ayuno


hanggang sa pumasok ang kasunod na Ramaḍān?


Ang sinumang tumigil-ayuno sa Ramaḍān dahil


sa isang maidadahilang legal, kailangan sa kanya


na magbayad-ayuno bilang pagsunod sa utos ni


29


Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas


Siya):





{at ang sinumang maysakit o nasa isang


paglalakbay ay [mag-aayuno ng mismong] bilang


mula sa mga ibang araw.} (Qur'ān 2:185)


Kinakailangan sa kanya na magbayad-ayuno nito


sa taon nito kaya hindi siya magpapahuli nito


hanggang sa matapos ng kasunod na Ramaḍān


batay sa sabi ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa


kanya): "Nangyaring magiging kailangan sa akin ang


mag-ayuno [ng ilang ayuno] sa Ramaḍān ngunit hindi


ako nakakakaya na magbayad-ayuno kundi sa Sha`bān


dahil sa pagkaabala sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni


Allāh at pangalagaan)." (Nagsalaysay nito sina Imām


Al-Bukhārīy: 1950 at Imām Muslim: 1146.)


Ang sabi niya na: "ngunit hindi ako nakakakaya


na magbayad-ayuno kundi sa Sha`bān" ay isang


patunay na walang pag-iwas sa pagbabayad-


ayuno bago ng pagpasok na kasunod na


Ramaḍān.


Subalit kapag ipinagpaliban niya ang


pagbabayad-ayuno hanggang sa matapos ng


kasunod na Ramaḍān, tunay na kailangan sa


kanya na humingi ng tawad kay Allāh, na


magbalik-loob sa Kanya, na magsisi sa ginawa


niya, at na magbayad-ayuno para sa araw na ito


dahil ang pagbabayad-ayuno ay hindi


makaaalpas dahil sa pagpapaliban kaya


30


magbabayad-ayuno siya para sa araw na ito kahit


pa man matapos ng kasunod na Ramaḍān.


T: Ano ang mga kinakailangang etiketa ng pag-


aayuno?


S: Babanggit tayo ng isang tala ng mga ito. Ang


mga etiketang ito ay hinihiling sa bawat oras


subalit ang mga ito ay nabibigyang-diin sa buwan


ng Ramaḍān at sa panig ng tagapag-ayuno:


1. Ang pangangalaga sa mga pagtalima at mga


kinakailangan. Kabilang doon ang pagganap ng


mga ṣalāh sa oras ng mga ito at kasama ng


konggregasyon.


Nagsabi si Allāh:





{Tunay na ang pagdarasal, laging para sa mga


mananampalataya, ay isang atas na tinakdaan ng


panahon.} (Qur'ān 4:103)


2. Na umiwas ang tagapag-ayuno sa lahat ng


ipinagbawal ni Allāh at ng Sugo Niya (basbasan


Niya ito at pangalagaan). Kabilang doon ang


pagsisinungaling, ang panlilibak, ang paninirang-


puri, ang pandaraya, ang pakikinig sa musika, at


ang iba pa sa mga ito na mga pagkakasala at mga


kasalanan.


Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa


kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh


(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):


31





"Ang sinumang hindi nag-iwan ng pagsasabi ng


kabulaanan at paggawa nito, si Allāh ay walang


pangangailangan na mag-iwan siya ng pagkain


niya at pag-inom niya."} (Nagsalaysay nito si


Imām Al-Bukhārīy: 1903.)


Ang "kabulaanan" ay nangangahulugang: ang


kasinungalingan, ang pagkiling palayo sa


katotohanan, at ang paggawa ng kawalang-


saysay.


Ang "si Allāh ay walang pangangailangan" ay


nangangahulugang: tunay na si Allāh


(napakataas Siya) ay hindi papansin sa pag-


aayuno niya at hindi tatanggap nito. Hindi ito


nangangahulugan na siya ay inuutusan na


magwaksi ng pag-aayuno niya. Ang kahulugan


nito lamang ay ang pagbibigay-babala laban sa


pagsasabi ng kabulaanan.


T: Ano ang mga bagay na pinapayagan na


gawin ng tagapag-ayuno?


S: Mayroong ilang bagay na itinadhana ng mga


may kaalaman sa pagpapahintulot sa mga ito, na


kabilaang sa mga ito ang sumusunod:


1. Ang pagpaligo at ang pagpapalamig sa


pamamagitan ng tubig.


2. Ang paggamit ng siwāk.


32


3. Ang pagmumog at ang pagsinghot ng tubig


nang walang pagpapasobra.


4. Ang pagpapakuha ng kaunting dugo para sa


pagpapasuri.


5. Ang pagpapatak ng gamot sa mata at tainga.


6. Ang pagpapaineksiyon ng hindi pamalit-


sustansiya.


7. Ang pagtikim ng pagkain sa sandali ng


pangangailangan nang walang paglulon at sa


kundisyon na ibuga ito matapos niyon.


8. Ang pagpapabango at ang samyo ng mga


mabango.


9. Ang paggamit ng kohl sa mata.


T: Ano ang kalamangan ng ṣ alāh sa gabi sa


Ramaḍān?


S: Ang ṣalāh sa gabi sa Ramaḍān, ang nakikilala


bilang ṣalāh na tarāwīḥ, ay may isang dakilang


kalamangan.


Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa


kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni


Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:





"Ang sinumang nagdasal sa gabi ng Ramaḍān


dala ng pananampalataya at dala ng pag-asang


gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang


nauna na pagkakasala niya."} (Nagsalaysay nito


sina Imām Al-Bukhārīy: 37 at Imām Muslim:


759.)


33


Ang "dala ng pananampalataya" ay


nangangahulugang: pananampalataya kay Allāh


at na ito ay isang tungkulin mula sa Kanya


(kaluwalhatian sa Kanya).


Ang "dala ng pag-asang gagantimpalaan" ay


nangangahulugang: dala ng paghiling ng pabuya


at gantimpala mula kay Allāh (napakataas Siya),


hindi dala ng pakitang-tao ni iba pa rito kabilang


sa anumang sumasalungat sa pagpapakawagas.


Magsigasig siya na magdasal ng tarāwīḥ kasama


ng konggregasyon hanggang sa magwakas ang


imām dito upang magtamo ng gantimpala ng


pagdarasal sa gabi nang lubusan batay sa sabi ng


Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):


"Ang sinumang nagsagawa ng ṣalāh sa gabi


(tahajjud) kasama ng imām hanggang sa lumisan


ito, itatala para sa kanya ang pagkasagawa ng


ṣalāh sa gabi." (Nagsalaysay nito si Imām At-


Tirmidhīy: 806.)


T: Ano ang mga bagay-bagay na isinakaibig-


ibig ang pagsasagawa ng mga ito sa huling


sampung gabi ng Ramaḍān at Laylatulqadr


(Gabi ng Pagtatakda)?


S: Ang Propeta noon (s) ay nagsusumikap sa


sampung huling gabi ng Ramadan ng hindi niya


pinagsusumikapan sa iba pa sa mga ito.


Hinahangad niya ang Laylatulqadr sa mga iyon.


Babanggit tayo ng isang tala ng mga gawaing


34


isinakaibig-ibig ang paggawa ng mga ito sa mga


iyon:


1. Ang dami ng pagsisipag sa mga ito.


Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na


nagsabi: {Ang Propeta noon (basbasan siya ni


Allāh at pangalagaan), kapag pumasok ang


sampu, ay naghihigpit ng pantapis niya,


nagpupuyat sa gabi, at nanggigising ng mag-anak


niya.}3 (Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy:


2024 at Imām Muslim: 1174.)


Ang "naghihigpit ng pantapis niya" ay isang


metonimya (pagpapalit-tawag) sa paghahanda


para sa pagsamba at pagsisipag para rito bilang


karagdagan sa nakahiratian.


Ayon pa rin kay `Ā’ishah: {Ang Sugo ni Allāh noon


(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay


nagsisipag sa huling sampung araw [ng Ramaḍān]


ng hindi niya ipinagsisipag sa iba pa rito.}


(Nagsalaysay nito si Imām Muslim: 1175.)


Ang Laylatulqadr ay nasa sampung huling gabi ng


Ramaḍān. Kaya kailangan sa Muslim na


samantalahin ang lahat ng mga gabi ng sampung


huling gabi upang matapatan niya ang


Laylatulqadr. Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si


Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta


(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay


nagsabi: Ang Laylatulqadr ay nasa sampung


huling gabi ng Ramaḍān. Kaya kailangan sa


3 Ang sampung huling gabi ng Ramaḍān.


35


Muslim na samantalahin ang lahat ng mga gabi ng


sampung huling gabi upang matapatan niya ang


Laylatulqadr. (Nagsalaysay nito si Imām Al-


Bukhārīy: 2021.)


2. Ang Pagdarasal sa Laylatulqadr


Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa


kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh


at pangalagaan) na nagsabi: "Ang sinumang


nagdasal sa Gabi ng Pagtatakda dala ng


pananampalataya at dala ng pag-asang


gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang


nauna na pagkakasala niya."} (Nagsalaysay nito


sina Imām Al-Bukhārīy: 1901 at Imām Muslim:


760.)


3. Ang Pagsasagawa ng I`tikāf sa Masjid


Ayon kay `Ā’ishah (malugod si Allāh sa kanya) na


nagsabi: "Ang Propeta noon (basbasan siya ni


Allāh at pangalagaan) ay nananatili sa masjid sa


sampung huling araw ng Ramaḍān.")


(Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 2033


at Imām Muslim: 1172).


Ang i`tikāf ay ang pagkahiwalay ng sarili para sa


pagsamba sa masjid, ang pagkahiwalay ng sarili


sa pagpapakaabala sa nilkiha, ang


pagpapabakante ng puso mula sa mga bagay-


bagay ng Mundo, at ang pagpapakaabala nito


lamang kay Allah (zt).


36


Bigkasin ang Sūrah Al-Qadr at ipaliwanag ito.


S: Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang


Maawain.





{1. Tunay na Kami ay nagpababa nito sa Gabi ng


Pagtatakda.


2. Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Gabi


ng Pagtatakda?


3. Ang Gabi ng Pagtatakda ay higit na mabuti


kaysa sa isang libong buwan.


4. Nagbababaan ang mga Anghel at ang Espiritu


rito ayon sa pahintulot ng Panginoon Nila kalakip


ng bawat utos.


5. Kapayapaan ito – hanggang sa paglitaw ng


madaling-araw.} (Qur'ān 97:1-5)


Ang Pagpapakahulugan Dito:





{1. Tunay na Kami ay nagpababa nito sa Gabi ng


Pagtatakda.}


(Qur'ān 97:1) Tunay na Kami ay nagpababa ng


Qur'ān nang isang buo sa pinakamababang langit


gaya ng pagpapasimula Namin ng pagpapababa


nito sa Propeta (ang basbas at ang pangangalaga


ay sumakanya) sa Gabi ng Pagtatakda mula sa


buwan ng Ramaḍān.


37





{2. Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Gabi


ng Pagtatakda?}


(Qur'ān 97:2) Nakaaalam ka ba, O Propeta, kung


ano ang nasa sa Gabing ito na kabutihan at


pagpapala?





{3. Ang Gabi ng Pagtatakda ay higit na mabuti


kaysa sa isang libong buwan.}


(Qur'an 97:3) Ang Gabing ito ay isang gabing


dakilang ang kabutihan sapagkat ito ay higit na


mabuti kaysa sa isang libong buwan para sa


sinumang nakapagdasal dito dala ng


pananampalataya at dala ng pag-asang


gagantimpalaan. Ito ay isang gabing biniyayaan,


na ang maayos na gawa rito ay higit na mabuti


kaysa sa gawa ng isang libong buwan.





{4. Nagbababaan ang mga Anghel at ang Espiritu


rito ayon sa pahintulot ng Panginoon Nila kalakip


ng bawat utos.}


(Qur'an 97:4) Nagbababaan ang mga Anghel at


bumababa si Anghel Gabriel (sumakanila ang


pangangalaga) dito ayon sa pahintulot ng


Panginoon Nila (kaluwalhatian sa Kanya) kalakip


ng bawat utos na itinadhana ni Allāh sa taon na


iyon, maging isang panustos man o isang


38


kamatayan man o isang panganganak man o iba


pa man doon kabilang sa itinatakda ni Allāh.





{5. Kapayapaan ito – hanggang sa paglitaw ng


madaling-araw.}


(Qur'ān 97:5) Ang biniyayaang gabing ito ay


kabutihan sa kabuuan nito mula sa pagsisimula


nito hanggang sa wakas nito sa paglitaw ng


madaling-araw.


T: Ano ang zakātulfiṭr?


S: Ito ay kawanggawa (zakāh) na isinatungkulin


ng Islām sa okasyon ng pagtigil-ayuno (fiṭr) ng


Ramaḍān.


Kinakailangan ang zakātulfiṭr (zakāh ng pagtigil-


ayuno) sa bawat Muslim na nakatatanda at


nakababata, at lalaki at babae, na inilalabas ng


taong Muslim para sa sarili niya at para sa


sinumang ginugugulan niya gaya ng kabiyak at


mga anak.


Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa


kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsatungkulin


ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at


pangalagaan) ng zakāh ng pagtigil-ayuno na


isang ṣā` ng datiles o ng isang ṣā` ng sebada sa


alipin at malaya, lalaki at babae, at nakababata at


nakatatanda kabilang sa mga Muslim.}


Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1503 at


Imām Muslim: 984).


39


Inilalabas ang zakātulfiṭr mula sa pagkain ng mga


mamamayan ng bayan (staple food) gaya ng


bigas at tulad nito. Ang pinakamainam na oras sa


pagpapalabas nito ay sa umaga ng `īd bago ng


ṣalāh ng `īd. Pinapayagan ito isang araw o


dalawang araw bago niyon. Ang sukat nito ay 3


kilogramo humigit-kumulang.


T: Ano ang kasanhian sa pagkakinakailangan


ng zakātulfiṭr?


S: Kabilang doon:


1. Ang pagdadalisay ng tagapag-ayuno mula sa


anumang marahil nangyari nga sa pag-aayuno


niya na kawalang-kapararakan at kahalayan.


2. Ang pagbibigay-kasapatan sa mga maralita at


mga dukha para hindi manghingi sa araw ng `īd


at ang pagpapasok ng pagkagalak sa kanila upang


ang `īd ay maging araw ng pagkatuwa at


pagkagalak para sa lahat ng mga pangkatin ng


lipunan sapagkat ayon kay Ibnu `Abbās (malugod


si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:


{Nagsatungkulin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya


ni Allāh at pangalagaan) ng zakāh ng pagtigil-


ayuno bilang pandalisay para tagapag-ayuno


mula sa kawalang-kapararakan at kahalayan at


bilang pangkain ng mga dukha.} (Nagsalaysay


nito si Imām Abū Dāwud: 1609.)


3. Dito ay may paghahayag ng pasasalamat sa


pagpapala ni Allāh sa tao sa pamamagitan ng


paglubos sa pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān,


40


pagdarasal dito, at paggawa ng anumang naging


posible na mga maayos na gawain sa pinagpalang


buwang ito.


4. Ang pagtamo ng gantimpala at pabuyang dakila


sa pamamagitan ng pagbibigay nito sa mga


karapat-dapat dito sa tinakdaang oras nito.


T: Ano ang mga sunnah ng `īd?


S: Ang `īd sa Islām ay isang pagkakahayag


kabilang sa mga pagkakahayag ng pagkatuwa sa


kabutihang-loob ni Allāh at awa Niya. Kabilang sa


mga sunnah na ginagawa ng Muslim sa araw ng


`īd ang sumusunod:


1. Ang pagpaligo bago ng paglabas papunta sa


ṣalāh ng `īd.


Natumpak nga sa pagkasalaysay sa Muwaṭṭa' at


iba pa rito na si `Abdullāh bin `Umar (malugod si


Allāh sa kanilang dalawa) ay naliligo noon sa


araw ng pagtigil-ayuno bago siya pumunta sa


dasalan. (Muwaṭṭa' Mālik, 1/177.)


2. Ang pagkain bago ng paglabas papunta sa ṣalāh


ng `īd ng pagtigil-ayuno kaya naman hindi lalabas


papunta sa ṣalāh hanggang sa makakain ng mga


datiles sapagkat ayon kay Anas bin Mālik


(malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang Sugo


ni Allah noon (s) ay hindi umaalis sa araw ng


pagtigil-ayuno hanggang sa makakain siya ng


mga datiles ... at kumakain siya ng mga ito ng


gansal.} (Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy:


953.)


41


3. Ang pagsambit ng takbīr sa `īd.


Ang oras ng pagsambit ng takbīr sa `īd ng


pagtigil-ayuno ay nagsisimula mula sa bisperas


ng `īd. Ibig sabihin: mula sa maghrib ng huling


gabi sa Ramaḍān hanggang sa pumasok ang


imām sa ṣalāh ng `īd.


Nagsabi si Allāh:





{at upang bumuo kayo ng bilang at upang


dumakila kayo kay Allāh dahil nagpatnubay Siya


sa inyo, at nang sa gayon kayo ay


magpapasalamat.} (Qur'ān 2:185)


4. Ang pagbabatian. Kabilang sa mga etiketa ng


`īd ang kaaya-ayang pagbabatian na


ipinagpapalitan ng mga tao sa pagitan nila


maging alinman ang pananalita nito, tulad ng


pagsasabi sa isa't isa sa kanila ng: "Taqabbala -


llāhu minnā wa-minkum (Tumanggap nawa si


Allāh mula sa amin at mula sa inyo.)" o "`Īd


mubārak (Pinagpalang pagdiriwang)" at


anumang nakawangis niyon na mga parirala ng


pinapayagang pagbati.


Ayon kay Jubayr bin Nufayr (malugod si Allāh sa


kanya) na nagsabi: {Ang mga Kasamahan ng Propeta


noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag


nagkita sila sa araw ng `īd, ay nagsasabi sa isa't isa sa


kanila ng: "Taqabbala -llāhu minnā wa-minkum


(Tumanggap nawa si Allāh mula sa amin at mula sa


inyo.)"} (Nagsalaysay nito si Al-Muḥāmilīy gaya ng


42


nasaad sa Fatḥ Al-Bārī, 2/446. Nagsabi si Ibnu


Ḥajar: Ang isnād nito ay maganda.)


5. Ang pagpapakarikit para sa dalawang `īd.


Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb (malugod si Allāh


sa kanya) na nagsabi: {O Sugo ni Allāh, tunay na


ako po ay nakakita kay `Uṭārid habang nagtitinda


ng kasuutang yari sa makapal na seda. Kaya kung


sakaling bilhin ko po iyon saka isuot ko iyon para


sa mga delegasyon at para sa `īd?} (Nagsalaysay


nito sina Imām Al-Bukhārīy: 948 at Imām


Muslim: 2068.)


Ayon kay Nāfi`: {Ang Anak ni `Umar (malugod si Allāh


sa kanilang dalawa) ay nagsusuot noon sa dalawang `īd


ng pinakamaganda sa mga damit niya.} (Nagsalaysay


nito si Imām Al-Bayhaqīy sa As-Sunan Al-Kubrā:


6143.)


8. Ang pagpunta sa ṣalāh mula sa isang daan at


ang pag-uwi mula sa iba pang daan.


Ayon kay Jābir bin `Abdullāh (malugod si Allāh sa


kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Propeta noon


(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag


araw ng `īd, ay nag-iiba ng daan [sa pag-uwi].}


(Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 986.)


T: Ano ang kainaman ng pag-aayuno ng anim


na araw mula sa Shawwāl?


S: Ang pag-aayuno ng anim na araw mula sa


Shawwāl ay isang tungkulin sa Ramaḍān na isang


sunnah na isinakaibig-ibig. Sa pag-aayunong iyon


ay may isang dakilang kainaman at isang


43


malaking pabuya. Iyon ay dahil sa ang sinumang


nag-ayuno sa mga ito, may itatala para sa kanya


na pag-aayuno ng isang buong taon. Nagsabi ang


Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):


"Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān,


pagkatapos pinasundan ito ng anim na araw mula


sa Shawwāl, ito ay magiging gaya ng pag-ayuno ng


isang taon." (Nagsalaysay nito si Imām Muslim:


1164)


T: Ano ang itinuro sa atin ng Ramaḍān at ano


na matapos ng Ramaḍān?


S: Magwawakas tayo sa pamamagitan ng


pagsagot sa tanong na ito. Ang pag-aayuno ay


kabilang sa pinakadakila sa "mga paaralan" ng


Islām na nadudulutan ng edukasyon sa mga ito


ang mga alagad ng Islām, na isang haligi kabilang


sa mga haligi ng Relihiyon at mga dakilang gusali


nito. Ang mga ito ay ang ilan sa mga aralin at mga


karunungan na natutuhan ng tao sa "paaralan" ng


pag-aayuno sa buwan ng Ramaḍān upang


magpatuloy siya sa mga ito matapos ng


Ramaḍān:


Ang Unang Aralin


Ang buwan ng Ramaḍān ay nagturo sa atin na ang


pagtitiis ay ang kabilang sa pinakakapita-pitagan


sa mga pagsamba at mga pampalapit-loob [kay


Allāh]. Kaya naman kapag nagtitiis ang tao sa


pagpigil sa pagkain at pag-inom, tunay na siya


dahil doon ay nagpapakahirati sa kaasalan ng


44


pagtitiis na kinasasalalayan ng kabutihan sa


kabuuan nito, na nagtitipon sa pagtitiis sa


pagtalima, pagtitiis laban sa pagsuway, at


pagtitiis sa mga itinakdang nakasasakit. Nagsabi


si Allāh kaugnay sa kainaman ng pagtitiis:





{Lulubus-lubusin lamang ang mga nagtitiis sa


pabuya sa kanila nang walang pagtutuos."}


(Qur'ān 39:10)


Ang Ikalawang Aralin


Ang buwan ng Ramaḍān ay nagturo sa atin ng


pagpapasakop kay Allāh (napakataas Siya) at sa


Sugo Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan) sa


pag-uutos at pagsaway. Nagsabi si Allāh:





{Hindi naging ukol sa isang lalaking


mananampalataya ni sa isang babaing


mananampalataya, kapag humusga si Allāh at


ang Sugo Niya ng isang bagay, na magkaroon sila


ng mapagpipilian sa nauukol sa kanila. Ang


sinumang susuway kay Allāh at sa Sugo Niya ay


naligaw nga nang isang pagkaligaw na malinaw.}


(Qur'ān 33:36)


Ang Ikatlong Aralin


Ang buwan ng Ramaḍān ay nagturo sa atin ng


pangingilag magkasala kay Allāh na pagpigil sa


45


dila, mga bahagi ng katawan, at mga pagnanasa


alang-alang kay Allāh. Nagsabi si Allāh:





{O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo


ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito


sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay


mangingilag magkasala.} (Qur'ān 2:183)


Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa


kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh


at pangalagaan) na nagsabi: "Nagsasabi si Allāh


(kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan): Ang


pag-aayuno ay para sa Akin at Ako ay gaganti sa


kanya. Nag-iwan siya ng pagnanasa niya, pagkain


niya, at inumin niya alang-alang sa Akin. Ang pag-


aayuno ay kalasag."} Nagsalaysay nito sina Imām


Al-Bukhārīy: 7492 at Imām Muslim: 1151).


Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh


at batiin ng kapayapaan): "Ang sinumang hindi


nag-iwan ng pagsasabi ng kabulaanan at


paggawa nito, si Allāh ay walang


pangangailangan na mag-iwan siya ng pagkain


niya at pag-inom niya." (Nagsalaysay nito si Imām


Al-Bukhārīy: 1903.)


Ang Ikaapat na Aralin


Ang buwan ng Ramaḍān ay nagturo sa atin ng


pagsamba at katamisan nito upang magpatuloy


46


tayo rito matapos ng Ramaḍān ng pagdarasal sa


gabi, pag-aayuno, at pagbabasa ng Qur'ān.


Kaugnay sa pag-aayuno, nagsabi ang Propeta


(sumakanya ang basbas at ang pangangalaga):


"Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng


pananampalataya at dala ng pag-asang


gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang


nauna na pagkakasala niya."} (Nagsalaysay nito


sina Imām Al-Bukhārīy: 38 at Imām Muslim:


760.)


Kaugnay sa kainaman ng pagdarasal sa gabi,


nagsabi ang Propeta (sumakanya ang basbas at


ang pangangalaga): "Ang sinumang nagdasal sa


gabi ng Ramaḍān dala ng pananampalataya at


dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin


sa kanya ang nauna na pagkakasala niya."}


(Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 37 at


Imām Muslim: 759.)


Kaugnay sa pagbabasa ng Qur'ān, nagsabi ang


Propeta (sumakanya ang basbas at ang


pangangalaga): "... ang pinakagalante sa magiging


anuman sa Ramaḍān kapag nakikipagkita siya


kay Anghel Gabriel. Ito noon ay nakikipagkita sa


kanya sa bawat gabi ng Ramaḍān saka nakikipag-


aralan sa kanya ng Qur'ān." (Nagsalaysay nito


sina Imām Al-Bukhārīy: 6 at Imām Muslim:


2308.)


Kaya naman magpapatuloy ang tao sa mga


pagsambang ito na pag-aayuno, pagdarasal sa


47


gabi, at pagbabasa ng Qur'ān, kahit pa hindi pa


tulad ng sa Ramaḍān.


Ang Ikalimang Aralin


Ang buwan ng Ramaḍān ay nagturo sa atin ng


pagsasaalang-alang kay Allāh at katayuan ng


pagpapahusay (iḥsān). Ang pagpapahusay ay na


sumamba tayo kay Allāh na para bang tayo ay


nakakikita sa Kanya ngunit kung tayo man ay


hindi nakakikita sa Kanya, tunay na Siya naman


ay nakakikita sa atin. Iyon ay dahil ang tagapag-


ayuno ay nagsasanay sa sarili niya sa


pagsasaalang-alang kay Allāh (napakataas Siya)


kaya nagwawaksi siya ng pinipithaya ng sarili


niya sa kabila ng kakayahan niya roon dahil sa


kaalaman niya sa pagmamasid ni Allāh sa kanya.


Nagsasabi si Allāh:





{Siya ay kasama sa inyo nasaan man kayo. Si Allāh


sa anumang ginagawa ninyo ay Nakakikita.}


(Qur'ān 57:4)


Ang Ikaanim na Aralin


Ang buwan ng Ramaḍān ay nagturo sa atin na ang


Relihiyon natin ay ginhawa. Hindi nag-aatang si


Allāh sa isang kaluluwa kundi ng kaya nito. Kaya


ang sinumang nakakakaya sa pag-aayuno ay


mag-aayuno; at ang sinumang hindi nakakakaya


ay titigil-ayuno at magbabayad-ayuno ng


kailangan sa kanya o magbabayad ng panakip-


48


sala. Iyon ay alinsunod sa kalagayan niya.


Nagsabi si Allāh:





{Kaya ang sinumang nakasaksi kabilang sa inyo


sa buwan [ng Ramaḍān] ay mag-ayuno siya rito at


ang sinumang maysakit o nasa isang paglalakbay


ay [mag-aayuno ng mismong] bilang mula sa mga


ibang araw. Nagnanais si Allāh sa inyo ng isang


ginhawa at hindi Siya nagnanais sa inyo ng hirap


at upang bumuo kayo ng bilang at upang


dumakila kayo kay Allāh dahil nagpatnubay Siya


sa inyo, at nang sa gayon kayo ay


magpapasalamat.} (Qur'ān 2:185)


Ang Ikapitong Aralin


Ang buwan ng Ramaḍān ay nagturo sa atin ng


pagkakawanggawa at paggawa ng maganda sa


mga maralita at mga dukha at pakikiramay sa


kanila sapagkat ang Propeta nga noon (basbasan


siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang


pinakagalante sa magiging anuman sa Ramaḍān.


(Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 6 at


Imām Muslim: 2308.)


Dahil ang tao kapag nakatikim ng hapdi ng


gutom, nag-oobliga sa kanya iyon ng


49


pagsimpatiya sa mga maralita. Ito ay kabilang sa


mga kakanyahan ng pangingilag magkasala.


Ang Ikawalong Aralin


Ang buwan ng Ramaḍān ay nagturo sa atin ng


lawak ng pagpapatawad ni Allāh (napakataas


Siya), pagkaawa Niya, at kabutihang-loob Niya


sapagkat ito ay isang buwan na kabuuan nito ay


pagkaawa, pagpapatawad, at pagpapalaya mula


sa Apoy. Narito ang Gabi ng Pagtatakda, na higit


na mabuti kaysa sa isang libong buwan, ibig


sabihin: sa nakahihigit sa walumpung taon at


apat na buwan. Nagsabi si Allāh:





{2. Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Gabi


ng Pagtatakda?


3. Ang Gabi ng Pagtatakda ay higit na mabuti


kaysa sa isang libong buwan.


4. Nagbababaan ang mga Anghel at ang Espiritu


rito ayon sa pahintulot ng Panginoon Nila kalakip


ng bawat utos.


5. Kapayapaan ito – hanggang sa paglitaw ng


madaling-araw.} (Qur'ān 97:2-5)


Ang Pagwawakas ng mga Aralin


Ano na matapos ng Ramaḍān? Si Allāh ay ang


Panginoon ng Ramaḍān at ang Panginoon ng


50


lahat ng mga buwan at mga araw. Kaya kailangan


sa tao ang pananatili sa iisang pinag-ugatan


nagbagu-bago man sa kanya ang mga kalagayan


at ang mga araw. Pansinin at ito ay ang


pangingilag magkasala kay Allāh (kamahal-


mahalan Siya at kapita-pitagan).


Ang Pagwawakas


Sa pagwawakas, tutukoy ako ng mga sanggunian


at mga pinagkukunang tagapagbigay-katuturan.


Para sa pagpapakalawak sa paksang ito at para sa


pagpapakatuto ng mga usapin ng pag-aayuno,


sasangguni sa mga ito ang sinumang nagnanais.


Ang aklat na "Risālatan Mūjazatān Fī Zakāh Wa


Ṣiyām" ni Shaykh `Abdul`azīz bin Bāz.


Ang aklat na "Majālis Shahr Ramaḍān" ni Shaykh


Muḥammad bin Ṣāliḥ Al-`Uthaymīn.


Ang aklat na "Majālis Shahr Ramaḍān Al-


Mubārak" at kasunod nito na "Itḥāf Ahl Al-Īmān


Bi-Durūs Shahr Ramaḍān" ni Shaykh Ṣāliḥ bin


Fawzān Al-Fawzān.


Ang aklat na "`Uqūd Al-Jumān Fī Durūs Shahr


Ramaḍān" ni Shaykh Sa`d Turkīy Al-Kathlān.


Ang aklat na "Durūs Shahr Ramaḍān" ni Shaykh


Muḥammad bin Shāmīy Shaybah.


O Allāh, tunay na Ikaw ay Mapagpaumanhin na


Mapagbigay; iniibig Mo ang pagpapaumanhin


kaya magpaumanhin Ka sa amin. Basbasan ni


Allāh ang Pinuno nating si Muḥammad, ang mag-


51


anak niya, at ang mga Kasamahan niya nang


sama-sama.


52





 



Kamakailang Mga Post

Mga Tanong at mga Sag ...

Mga Tanong at mga Sagot Tungkol sa Buwan ng Ramaḍān Para sa mga Nakababata at Hindi Maiiwasan ng mga Nakatatanda 2

Mga Tanong at mga Sag ...

Mga Tanong at mga Sagot Tungkol sa Buwan ng Ramaḍān Para sa mga Nakababata at Hindi Maiiwasan ng mga Nakatatanda 1

Ilan sa mga Patakaran ...

Ilan sa mga Patakaran ng Pag-aayuno

SI RAPHAEL NARBAEZ, J ...

SI RAPHAEL NARBAEZ, JR., MINISTRO NG SAKSI NI JEHOVAH, ESTADOS UNIDOS