
Tagalog
Ang Kanyang Kabunyian Shaykh
`Abdul`azz bin `Abdullah bin Baz
Kaawaan siya ni Allah – napakataas Siya
Dalawang Pinaiksing
Mensahe Kaugnay sa Zakah at
Pag-aayuno
Dalawang Pinaiksing
Mensahe Kaugnay sa Zakāh at
Pag-aayuno
Ang Kanyang Kabunyian Shaykh
`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz
Kaawaan siya ni Allāh – napakataas Siya
Dalawang Pinaiksing Mensahe Kaugnay
sa Zakāh at Pag-aayuno
Ang Kanyang Kabunyian Shaykh
`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz
Kaawaan siya ni Allāh – napakataas Siya.
Ang Unang Mensahe
Kaugnay sa mga Mahalagang
Pananaliksik Hinggil sa Zakāh
Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang
Maawain.
Ang papuri ay ukol kay Allāh – tanging sa Kanya.
Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa kanya na
wala nang propeta matapos niya, sa mag-anak niya, at
mga Kasamahan niya. Sa pagpapatuloy:
Tunay na ang tagapag-udyok sa pagsulat ng
salitang ito ay ang pagpapayo at ang pagpapaalaala
hinggil sa tungkulin ng pagbibigay ng zakāh na
nagwawalang-bahala rito ang marami sa mga Muslim
sapagkat hindi sila nagpapalabas nito sa paraang
isinasabatas sa kabila ng bigat ng pumapatungkol dito
at pagiging ito ay isa sa limang haligi ng Islām na hindi
natutuwid ang estruktura kundi ayon dito batay sa
sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at
pangalagaan): "Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na
walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay
Sugo ni Allāh, pagpapanatili ng ṣalāh, pagbibigay ng
2
zakāh, pag-aayuno sa Ramaḍān, [pagsasagawa ng]
ḥajj sa Bahay [ni Allāh]." Napagkasunduan sa
katumpakan nito.
Ang pagsatungkulin sa mga Muslim ng pagbibigay
ng zakāh ay kabilang sa pinakahayag sa mga
kagandahan ng Islām at pag-aaruga nito sa mga
pumapatungkol sa mga tagayakap nito dahil sa dami
ng mga benepisyo nito at pagkaapurahan ng
pangangailangan ng mga maralita ng mga Muslim
dito.
Kabilang sa mga benepisyo nito ang pagpapatatag
sa mga bigkis ng pagmamahalan sa pagitan ng
mayaman at maralita dahil ang mga kaluluwa ay likas
na nilalang sa pag-ibig sa sinumang gumawa ng
maganda sa kanila.
Kabilang sa mga benepisyo nito ang pagdadalisay
ng kaluluwa, ang pagbubusilak nito, at ang paglayo
dahil dito sa kaasalan ng kasibaan at karamutan gaya
ng pagtukoy ng Marangal na Qur'ān sa kahulugang ito
sa sabi Niya (napakataas Siya):
{Kumuha ka mula sa mga yaman nila ng isang
kawanggawang magdadalisay sa kanila at
magpapalago sa kanila sa pamamagitan nito} (Qur'ān
9:103)
Kabilang sa mga ito ang pagpapahirati sa Muslim
sa katangian ng kagalantehan, pagkamapagbigay, at
simpatiya sa may pangangailangan.
Kabilang sa mga ito ang pagtamo ng pagpapala,
3
karagdagan, at panumbas mula kay Allāh. Nagsabi
Siya (napakataas Siya):
{Ang anumang ginugol ninyo na anuman, Siya ay
magtutumbas nito at Siya ay ang pinakamainam sa
mga tagapagtustos.} (Qur'ān 34:39) Ang sabi naman
ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa
tumpak na hadith: {Nagsasabi si Allāh: "O Anak ni
Adan, gumugol ka, gugugol Kami sa iyo ..."} May iba pa
roong nabanggit na maraming benepisyo.
Nasaad nga ang matinding banta sa panig ng
sinumang nagmamaramot nito o nagkukulang sa
pagpapalabas nito. Nagsabi si Allāh (napakataas
Siya):
{34. O mga sumampalataya, tunay na marami sa
mga pantas at mga monghe ay talagang kumakain ng
mga yaman ng mga tao ayon sa kabulaanan at
sumasagabal sa landas ni Allāh. Ang mga nag-iimbak
ng ginto at pilak at hindi gumugugol sa mga ito ayon
sa landas ni Allāh ay magbalita ka sa kanila hinggil sa
isang pagdurusang masakit.
35. Sa araw na papainitan ang mga ito sa apoy ng
Impiyerno at heheruhan sa pamamagitan ng mga ito
ang mga noo nila, ang mga tagiliran nila, at ang mga
4
likod nila [ay sasabihin]: “Ito ang inimbak ninyo para
sa mga sarili ninyo, kaya lasapin ninyo ang dati
ninyong iniimbak!”} (Qur'ān 9:34-35) Kaya naman
ang bawat yamang hindi ginagampanan ang
pagbibigay ng zakāh nito, ito ay isang tagong yaman
na pagdurusahin dahil dito ang tagapagmay-ari nito
sa Araw ng Pagbangon gaya ng ipinatunay roon ng
tumpak na ḥadīth ayon sa Propeta (basbasan siya ni
Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Walang anumang
tagapagmay-ari ng ginto ni pilak, na hindi
ginampanan ang karapatan nito, malibang kapag
Araw ng Pagbangon ay may pipirasuhin para sa kanya
na mga piraso mula sa apoy, saka paiinitin ang mga ito
sa apoy ng Impiyerno, saka papasuin sa pamamagitan
ng mga ito ang gilid niya, ang noo niya, at ang likod
niya. Sa tuwing lumamig ang mga ito, uulitin ang mga
ito sa kanya, sa isang araw na ang sukat nito ay
limampung libong taon, hanggang sa hukuman sa
pagitan ng mga tao, kaya makakikita siya sa landas
niya na maaaring patungo sa Paraiso at maaaring
patungo sa Impiyerno."
Pagkatapos bumanggit ang Propeta (basbasan siya
ni Allāh at pangalagaan) sa tagapagmay-ari ng mga
kamelyo, mga baka, at mga tupa na hindi gumaganap
sa pagbibigay ng zakāh ng mga ito at nagpabatid siya
na ito ay pagdurusahin dahil sa mga ito sa Araw ng
Pagbangon.
May natumpak na ḥadīth ayon sa Propeta
(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {siya ay
nagsabi: "Ang sinumang binigyan ni Allāh ng yaman
5
saka hindi siya gumanap sa pagbibigay ng mga zakāh
nito, magsasaanyo ito sa kanya bilang isang ulupong
na panot na may dalawang batik, na lilingkis sa kanya
sa Araw ng Pagbangon. Pagkatapos susunggab ito sa
mga panga niya, pagkatapos magsasabi ito: 'Ako ang
ari-arian mo, ako ang tagong yaman mo.'" Pagkatapos
bumigkas ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at
pangalagaan): {Huwag ngang mag-akala ang mga
nagmamaramot ng ibinigay sa kanila ni Allāh mula sa
kabutihang-loob Niya na iyon ay mabuti para sa
kanila, bagkus iyon ay masama para sa kanila.
Kukulyaran sila ng ipinagmaramot nila sa Araw ng
Pagbangon. Ukol kay Allāh ang pagmamana sa mga
langit at lupa. Si Allāh, sa anumang ginagawa ninyo, ay
Mapagbatid.} (Qur'ān 3:180)}
Ang zakāh ay kinakailangan sa apat na klase: ang
lumalabas mula sa lupa kabilang sa mga butil at mga
bunga, ang ipinapastol kabilang sa mga hayupan, ang
ginto at ang pilak, at ang mga paninda ng kalakal.
Ang bawat isa mula sa apat na klaseng ito ay may
tinakdaang niṣāb, na hindi kinakailangan ang zakāh sa
mababa rito. Ang niṣāb ng mga butil at mga bunga ay
5 wasq. Ang wasq ay 60 ṣā` ayon sa ṣā` ng Propeta
(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Mula sa
datiles, pasas, trigo, bigas, sebada, at tulad ng mga ito,
ang niṣāb ay 300 ṣā` ayon sa ṣā` ng Propeta (basbasan
siya ni Allāh at pangalagaan). Ang ṣā` ay apat na dakot
ng magkadikit na mga kamay ng lalaking katamtaman
ang laki kapag ang mga kamay niya ay pinuno.
Ang kinakailangan na zakāh doon ay 10% kapag
6
ang punong datiles at ang mga pananim ay
nadidiligan nang walang gastusin gaya ng mga ulan,
mga ilog, mga bukal na dumadaloy, at tulad niyon.
Hinggil naman sa kapag ang mga ito ay nadidiligan
sa pamamagitan ng pagpapakahirap at gastusin gaya
ng mga pandilig, mga makina, bomba ng tubig, at tulad
niyon, tunay na ang kinakailangan dito ay 5% gaya
natumpak na ḥadīth hinggil doon ayon sa Propeta
(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Hinggil naman sa niṣāb ng ipinapastol na mga
kamelyo, mga baka, at mga tupa, dito ay may isang
maliwanag na pagdedetalye sa mga tumpak na ḥadīth
buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at
pangalagaan). Nasa abot ng kakayahan ng nakaiibig
sa pag-alam dito ang magtanong sa mga may
kaalaman tungkol doon. Kung sakaling hindi dahil sa
pagpapakay ng pagpapaiksi, talaga sanang bumanggit
tayo nito para sa kalubusan ng benepisyo.
Hinggil naman sa niṣāb ng pilak, 140 mithqāl ito.
Ang katumbas nito sa Dirham ng Saudi Arabia ay 56
Riyal (14.93 Dolyar).
Ang niṣāb ng ginto ay 25 mithqāl. Ang katumbas
nito sa Libra ng Saudi Arabia ay 11 at 3/7 LIbra, na sa
gramo ay 92 gramo. Ang kinakailangan [na zakāh] sa
pilak at ginto ay 2.5% sa sinumang nagmay-ari ng
niṣāb mula sa dalawang ito o mula sa isa sa dalawang
ito at nakalipas dito ang isang lunar na taon.
Ang tubo na resulta ng puhunan ay hindi
nangangailangan ng isang panibagong taon kung
paanong ang produkto ng ipinapastol na hayupan na
7
resulta ng puhunan ay hindi nangangailangan ng
isang panibagong taon kapag umabot sa niṣāb.
Ayon sa kahatulan ng ginto at pilak ang mga
salaping ginagamit ng mga tao sa ngayon, tinatawag
man ang mga ito na Dirham o Dinar o Dolyar o iba pa
roon na mga pangalan. Kapag umabot ang halaga ng
mga ito sa niṣāb ng pilak o ginto at nakalipas sa mga
ito ang isang lunar na taon, kinakailangan sa mga ito
ang zakāh.
Napabibilang sa mga salapi ang mga alahas ng mga
babae na ginto o pilak lalo na kapag umabot ang mga
ito sa niṣāb at nakalipas sa mga ito ang isang lunar na
taon. Tunay na kinakailangan sa mga ito ang zakāh
kahit ang mga ito ay nakalaan sa personal na
paggamit o paarkila ayon sa pinakatumpak sa mga
pahayag
ng
mga
maalam
batay
sa
pagkapangkalahatan ng sabi ng Propeta (basbasan
siya ni Allāh at pangalagaan): "Walang anumang
tagapagmay-ari ng ginto ni pilak, na hindi
ginampanan ang karapatan nito, malibang kapag
Araw ng Pagbangon ay may pipirasuhin para sa kanya
na mga piraso mula sa apoy, ... hanggang sa katapusan
ng ḥadīth na naunang nabanggit.
Noong napagtibay sa Propeta (basbasan siya ni
Allāh at pangalagaan) na siya ay nakakita sa kamay ng
isang babae ng dalawang pulseras na ginto, nagsabi
siya: "Nagbibigay ka ba ng zakāh nito?" Nagsabi ito:
"Hindi po." Nagsabi siya: "Nagagalak ka ba na
magpulseras sa iyo si Allāh dahil sa dalawang ito sa
Araw ng Pagbangon ng mga pulseras ng apoy?" Kaya
8
itinapon niya ang dalawang ito at sinabi niya: "Ang
dalawang ito ay para kay Allāh at para sa Sugo Niya."
Nagtala nito sina Imā m Abū Dā wud at Imā m An
Nasā 'īy sa isang magandang sanad.
Napagtibay kay Ummu Salamah (malugod sa kanya
si Allāh) na ito noon ay nagsusuot ng mga alahas na
ginto saka nagsabi ito: "O Sugo ni Allāh, tagong yaman
po ba ito?" Kaya nagsabi siya: "Ang anumang umabot
na patawan ng zakāh saka binigyan ng zakāh ay hindi
isang tagong yaman." May mga iba pang ḥadīth ayon
sa kahulugang ito.
Hinggil naman sa mga paninda ng kalakal, ang mga
bagay na inilalaan para ipagbili, tunay na ang mga ito
ay tatayain sa katapusan ng lunar na taon at ilalabas
ang 2.5% ng halaga ng mga ito bilang zakāh, maging
ang halaga man ng mga ito ay tulad ng presyo ng mga
ito o higit na mataas o higit na mababa, batay sa
ḥadīth ni Samurah na nagsabi: "Ang Sugo ni Allāh
noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nag
uutos sa amin na ilabas ang kawanggawa mula sa
inilalaan namin para ipagbili." Nagsalaysay nito si
Imām Abū Dāwud.
Napaloloob doon ang mga lupaing inilalaan para sa
ipagbili, ang mga real estate, ang mga sasakyan, ang
mga makina ng waterpump, at ang iba pa roon
kabilang sa mga klase ng mga bagay na inilalaan para
ipagbili.
Hinggil naman sa mga gusaling inilalaan para
paupahan hindi para itinda, ang zakāh ay nasa mga
upa sa mga ito kapag nakalipas sa mga ito ang isang
9
lunar na taon. Hinggil naman sa mismong estruktura
ng mga ito, walang zakāh sa mga ito dahil sa pagiging
ang mga ito ay hindi inihanda para ipagbili. Gayundin
ang mga pribadong kotse at mga sasakyang
pampasahero, walang zakāh sa mga ito kapag ang
mga ito ay hindi inilaan para ipagbili at binili lamang
ang mga ito ng may-ari ng mga ito para gamitin.
Kapag may naipon sa may-ari ng pampasaherong
sasakyan o iba pa rito na salaping umabot sa niṣāb,
kailangan sa kanya ang magbigay ng zakāh ng mga ito
kapag lumipas sa mga ito ang isang lunar na taon,
maging inihanda man niya ang mga ito para sa gugulin
o para sa pag-aasawa o para sa pagbili ng isang real
estate o para sa pagbabayad ng utang o iba pa roon na
mga pinapakay batay sa pagkapangkalahatan ng mga
patunay na pangkapahayagan na nagpapatunay sa
pagkakinakailangan ng zakāh sa tulad nito.
Ang tumpak mula sa mga pahayag ng mga maalam
ay na ang pagkakautang ay hindi pumipigil sa
pagbibigay ng zakāh batay sa naunang nabanggit.
Gayundin ang mga ari-arian ng mga ulila at mga
baliw, kinakailangan sa mga ito ang zakāh sa ganang
mayoriya ng mga maalam kapag umabot ang mga ito
sa niṣāb at nakalipas sa mga ito ang isang lunar na
taon. Kinakailangan sa mga tagatangkilik nila ang
magpalabas ng zakāh batay sa layunin para sa kanila
sa sandali ng pagkalubos ng lunar na taon. Batay ito
sa pagkapangkalahatan ng mga patunay, tulad ng sabi
ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa
ḥadīth ni Mu`ādh (malugod sa kanya si Allāh) noong
10
ipinadala niya ito sa mga mamamayan ng Yemen:
"Tunay na si Allāh ay nagsatungkulin sa kanila ng
isang kawanggawa sa mga ari-arian nila na kinukuha
mula sa mga mayaman nila at ibinabalik sa mga
maralita nila."
Ang zakāh ay karapatan ni Allāh. Hindi
pinapayagan ang pagpapabor nito sa sinumang hindi
naging karapat-dapat dito ni ang magtamo ang tao
nito para sa sarili niya bilang kapakinabangan o
magtulak siya nito bilang kapinsalaan ni ang
magsanggalang siya sa pamamagitan nito ng yaman
niya o magtulak siya sa pamamagitan nito ng isang
pagpula. Bagkus kinakailangan sa Muslim ang
magbaling ng zakāh niya sa mga karapat-dapat dito
dahil sa pagiging sila ay mga marapat dito, hindi dahil
sa iba pang pakay, kasabay ng pagkasiya ng sarili rito
at pagpapakawagas kay Allāh roon nang sa gayon
maalis ang pagpula sa kanya at maging karapat-dapat
siya sa masaganang paggantimpala at pagtumbas.
Nagpaliwanag nga si Allāh (kaluwalhatian sa
Kanya) sa Marangal na Aklat Niya ng mga klase ng
mga marapat sa zakāh. Nagsabi Siya (napakataas
Siya):
{Ang mga kawanggawa ay ukol lamang sa mga
maralita, mga dukha, mga manggagawa sa mga ito,
11
napalulubag-loob ang mga puso, sa pagpapalaya ng
alipin, at mga nagkakautang, ayon sa landas ni Allāh,
at kinapos sa daan – bilang tungkulin mula kay Allāh.
Si Allāh ay Maalam, Marunong.} (Qur'ān 9:60)
Sa pagwawakas ng marangal na talatang ito sa
dalawang dakilang pangalang ito ay may isang
pagtawag-pansin mula kay Allāh sa mga lingkod Niya
na Siya (kaluwalhatian sa Kanya) ay ang Maalam sa
mga kalagayan ng mga lingkod Niya kung sino ang
naging karapat-dapat sa kanila para sa kawanggawa
at sino ang hindi naging karapat-dapat; at ang
Marunong sa pagbabatas Niya at pagtatakda Niya
kaya naman hindi Niya inilalagay ang mga bagay
kundi sa mga kalalagyan ng mga ito na naaangkop sa
mga ito, kahit pa nalingid sa ilan sa mga tao ang ilan
sa mga lihim ng karunungan Niya, upang mapanatag
ang mga tao sa pagbabatas Niya at magpasakop sila sa
patakaran Niya.
Si Allāh ang hinihilingan na magtuon Siya sa atin at
mga Muslim sa pag-unawa sa Relihiyon Niya,
pagpapakatapat
sa
pakikitungo
sa
Kanya,
pagtatagisan sa anumang nagpapalugod sa Kanya, at
pag-iwas mula sa mga tagapag-obliga ng galit Niya;
tunay na Siya ay Madinigin, Malapit.
Basbasan ni Allāh at pangalagaan ang Lingkod Niya
at Sugo Niyang si Muḥammad, ang mag-anak nito, at
ang mga Kasamahan nito.
Ang Pangkalahatang Pangulo ng mga
Pangangasiwa
ng
Pangkaalaman
mga
Pagsasaliksik
na
12
Pagbibigay-fatwā, Pag-aanyaya, at Paggabay.
Ang Kanyang Kabunyian Shaykh `Abdul`azīz bin
`Abdillāh bin Bāz.
***
13
Ang Ikalawang Mensahe
Hinggil sa Kainaman ng Pag-aayuno sa
Ramadan at Pagdarasal sa Gabi Nito
Kasama ng Paglilinaw sa mga Mahalagang
Patakarang Maaaring Nalilingid sa Ilan sa
mga Tao
Sa ngalan ni Allāh, ang Mahabagin, ang Maawain
Mula kay `Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz tungo
sa sinumang nakakikita nito kabilang sa mga Muslim.
Magpatahak nawa si Allāh sa akin at sa kanila sa
landas ng mga alagad ng pananampalataya at
magtuon nawa Siya sa akin at sa kanila para sa pag
unawa sa Sunnah at Qur'ān. Āmīn!
Kapayapaan ni Allāh ay sumainyo at ang awa ni
Allāh at ang mga pagbibiyaya Niya.
Sa pagpapatuloy: Ito ay isang pinaiksing payo na
nauugnay sa kainaman ng pag-aayuno sa Ramaḍān at
pagdarasal sa gabi nito at kainaman ng pagtatagisan
dito sa mga maayos na gawa kasama ng paglilinaw sa
mga mahalagang patakaran na maaaring nakukubli sa
ilan sa mga tao.
Napagtibay buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya
ni Allāh at pangalagaan) na siya noon ay nagbabalita
ng nakagagalak sa mga Kasamahan niya hinggil sa
pagdating ng buwan ng Ramaḍān at nagpapabatid sa
kanila (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga)
na ito ay buwan na pinagbubuksan dito ang mga
pintuan ng awa at ang mga pintuan ng Paraiso,
14
pinagsasara rito ang mga pintuan ng Impiyerno, at
kinukulyaran dito ang mga demonyo. Nagsasabi siya:
{Kapag unang gabi ng Ramaḍān, pinagbubuksan
ang mga pintuan ng Paraiso saka walang isinasara
mula sa mga ito na isang pintuan, pinagsasara ang
mga pintuan ng Impiyerno saka walang binubuksan
mula sa mga ito na isang pintuan, at iginagapos ang
mga
demonyo. May nananawagang isang
tagapanawagan: "O tagapaghangad ng kabutihan,
tumuloy ka; at O tagapaghangad ng kasamaan, tumigil
ka." Si Allāh ay may mga pinalaya mula sa Impiyerno.
Iyon ay sa bawat gabi.}
Nagsasabi pa siya (sumakanya ang basbas at ang
pangangalaga):
"Dumating sa inyo ang buwan ng Ramaḍān, ang
buwan ng pagpapalang maglulukob sa inyo si Allāh
dito para pababain Niya ang awa, ibaba Niya ang mga
kamalian, at tugunin Niya ang panalangin. Tumitingin
si
Allāh
sa
pagtatagisan ninyo rito kaya
magmamarangal Siya sa inyo sa mga anghel Niya.
Kaya magpakita kayo kay Allāh mula sa mga sarili
ninyo ng kabutihan sapagkat tunay na ang miserable
ay ang sinumang ipinagkait sa kanya ang awa ni
Allāh."
Nagsasabi pa siya (sumakanya ang basbas at ang
pangangalaga):
"Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng
pananampalataya
at
dala
ng
pag-asang
gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang nauna sa
pagkakasala niya. Ang sinumang nagdasal sa
15
Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng pag
asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang
nauna sa pagkakasala niya..Ang sinumang nagdasal sa
Gabi ng Pagtatakda dala ng pananampalataya at dala
ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya
ang nauna sa pagkakasala niya"
Nagsasabi pa siya (sumakanya ang basbas at ang
pangangalaga):
{Nagsasabi si Allāh: "Ang bawat gawa ng anak ni
Adan ay ukol dito ang magandang gawa katumbas ng
sampung tulad nito hanggang sa pitong daang ibayo
maliban sa pag-aayuno sapagkat tunay na ito ay para
sa Akin at Ako ay gaganti sa Kanya rito. Nag-iwan siya
ng pagnanasa niya, pagkain niya, at inumin niya
alang-alang sa Akin. Ang tagapag-ayuno ay may
dalawang tuwa: tuwa sa sandali ng pagtigil-ayuno
niya at tuwa sa sandali ng pakikipagkita sa Panginoon
niya. Talagang ang amoy ng bibig ng tagapag-ayuno
ay higit na mabango sa ganang kay Allāh kaysa sa
halimuyak ng musk."}
Ang mga ḥadīth hinggil sa kainaman ng pag
aayuno sa Ramaḍān at pagdarasal sa gabi nito at ang
kainaman ng uri ng ayuno ay marami.
Nararapat sa mananampalataya na samantalahin
ang oportunidad na ito: ang iminagandang-loob ni
Allāh sa kanya na pagkaabot sa buwan ng Ramaḍān
kaya makikipagmabilisan siya sa mga pagtalima, mag
iingat siya sa mga masagwang gawa, at magsisipag
siya sa pagganap sa isinatungkulin ni Allāh sa kanya
lalo na ang limang ṣalāh sapagkat ang mga ito ay haligi
16
ng Islām at ang mga ito ay pinakadakila sa mga
tungkulin matapos ng Dalawang Pagsaksi. Ang
kinakailangan sa bawat Muslim at Muslimah ay ang
pangangalaga sa mga ito at ang pagganap sa mga ito
sa mga oras ng mga ito nang may kataimtiman at
kapanatagan.
Kabilang sa pinakamahalaga sa mga kinakailangan
sa mga ito sa panig ng mga lalaki ang pagganap sa mga
ito sa konggregasyon sa mga bahay ni Allāh na
nagpahintulot si Allāh na iangat at banggitin sa mga
ito ang pangalan Niya gaya ng sinabi Niya:
{Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo
ng zakāh, at yumukod kayo kasama sa mga
yumuyukod.}
(Qur'ān 2:43)
Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
{Mangalaga kayo sa mga dasal at [lalo na] sa dasal
na pinakagitna. Tumayo kayo kay Allāh bilang mga
masunurin.}
(Qur'ān 2:238)
Nagsabi pa Siya:
{1. Nagtagumpay nga ang mga mananampalataya,
2. na sila sa pagdarasal nila ay mga nagtataimtim,}
(Qur'ān 23:1-2)
17
Hanggang sa nagsabi Siya:
{na sila sa mga dasal nila ay nangangalaga. Ang
mga iyon ay ang mga tagapagmana, na mga
magmamana ng Firdaws. Sila roon ay mga
mananatili.}
(Qur'ān 23:9-11)
Nagsabi naman ang Propeta (basbasan siya ni
Allāh at pangalagaan):
"Ang kasunduan na nasa pagitan natin at nila ay
ang ṣalāh, kaya ang sinumang umiwan nito ay
tumanggi ngang sumampalataya."
Ang pinakamahalaga sa mga tungkulin matapos ng
ṣalāh ay ang pagbibigay ng zakāh gaya ng sinabi Niya:
{Hindi sila inutusan kundi upang sumamba sila
kay Allāh bilang mga nagpapakawagas sa Kanya sa
relihiyon bilang mga makatotoo, magpanatili sila ng
dasal, at magbigay sila ng zakāh. Iyon ay ang relihiyon
ng pagkamatuwid.}
(Qur'ān 98:5)
Nagsabi pa Siya (napakataas Siya):
{Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo
18
ng zakāh, at tumalima kayo sa Sugo, nang sa gayon
kayo ay kaaawaan.}
(Qur'ān 24:56)
Nagpatunay ang Dakilang Aklat ni Allāh at ang
Marangal na Sunnah ng Sugo Niya na ang sinumang
nagbigay ng zakāh ng yaman niya ay pagdurusahin
dahil dito sa Araw ng Pagbangon.
Ang pinakamahalaga sa mga bagay-bagay matapos
ng ṣalāh at zakāh ay ang pag-aayuno sa Ramaḍān. Ito
ay isa sa limang haligi ng Islām na nababanggit sa sabi
ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang
Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni
Allāh, pagpapanatili ng ṣalāh, pagbibigay ng zakāh,
pag-aayuno sa Ramaḍān, [pagsasagawa ng] ḥajj sa
Bahay [ni Allāh]."
Kinakailangan sa Muslim na ingatan ang pag
aayuno niya at ang pagdarasal sa gabi nito laban sa
ipinagbawal ni Allāh na mga sinasabi at mga ginagawa
dahil ang pinapakay sa pag-aayuno ay ang pagtalima
kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya), ang pagdakila sa
mga binabanal Niya, ang pakikibaka sa sarili sa
pagsalungat sa pithaya nito sa pagtalima sa
Panginoon nito, at ang pagpapahirati rito sa pagtitiis
laban sa ipinagbawal ni Allāh. Ang pinapakay ay hindi
ang payak na pag-iwan sa pagkain, pag-inom, at lahat
ng mga tagapagpatigil-ayuno. Dahil dito, may
natumpak na ḥadīth buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan
siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi:
"Ang pag-aayuno ay kalasag. Kaya kapag naging
19
araw ng ayuno ng isa sa inyo ay huwag siyang
makipagtalik at huwag siyang mag-ingay. Kaya
naman kung may umalipusta sa kanya na isa man o
may nakipag-away sa kanya, magsabi siya: Tunay na
ako ay nag-aayuno."
Natumpak din [ang ḥadīth] ayon sa kanya
(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Na siya ay
nagsabi:
"Ang sinumang hindi nag-iwan ng pagsasabi ng
kabulaanan at paggawa nito, si Allāh ay walang
pangangailangan na mag-iwan siya ng pagkain niya at
pag-inom niya."}
Kaya nalaman dahil sa mga tekstong ito at iba pa sa
mga ito na ang kinakailangan sa tagapag-ayuno ay ang
pag-iingat laban sa bawat ipinagbawal ni Allāh sa
kanya at ang pangangalaga sa bawat inobliga ni Allāh
sa kanya. Sa pamamagitan niyon, maaasahan para sa
kanya ang kapatawaran, ang pagpapalaya mula sa
Impiyerno, at ang pagtanggap ng pag-aayuno at
pagdarasal sa gabi.
Mayroong mga bagay-bagay na maaaring
nalilingid sa ilan sa mga tao.
Kabilang sa mga ito na ang kinakailangan sa
Muslim ay mag-ayuno siya dala ng pananampalataya
at dala ng pag-asang gagantimpalaan hindi dala ng
pakitang-tao ni dala ng pagpapasikat ni dala ng
paggaya-gaya sa mga tao o dala ng pakikipagsunuran
sa mag-anak niya o mga mamamayan ng bayan niya.
Bagkus ang kinakailangan sa kanya ay na ang
tagapaghikayat sa kanya sa pag-aayuno ay ang
20
pananampalataya niya na si Allāh ay nagsatungkulin
nga sa kanya niyon at ang pag-asa niya ng pabuya sa
piling ng Panginoon niya roon. Gayundin ang
pagdarasal sa gabi ng Ramaḍān, kinakailangan na
magsagawa
nito
pananampalataya
ang
at
Muslim
dala
ng
dala
ng
pag-asang
gagantimpalaan hindi dahil sa iba pang kadahilanan.
Dahil dito, nagsabi siya (sumakanya ang basbas at ang
pangangalaga):
"Ang sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng
pananampalataya
at
dala
ng
pag-asang
gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang nauna sa
pagkakasala niya. Ang sinumang nagdasal sa Gabi ng
Pagtatakda dala ng pananampalataya at dala ng pag
asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang
nauna sa pagkakasala niya."
Kabilang sa mga pangyayaring maaaring nalilingid
ang patakaran ng mga ito sa ilan sa mga tao ang
maaaring magaganap sa tagapag-ayuno na
pagkasugat at balinguyngoy o pagsusuka o pagpunta
ng tubig o gasolina sa lalamunan niya nang hindi
sinasadya. Ang lahat ng mga pangyayaring ito ay hindi
nakasisira sa pag-aayuno subalit ang sinumang
nanadya ng pagsuka ay masisira ang pag-aayuno niya
batay sa sabi ng Propeta:
"Ang sinumang nangibabaw sa kanya ang
pagsusuka, walang pagbabayad-ayuno sa kanya; at
ang sinumang sadyang sumuka, kailangan sa kanya
ang pagbabayad-ayuno."
Kabilang doon ang maaaring magaganap sa
21
tagapag-ayuno na pagpapahuli ng paligo ng janābah
hanggang sa pagkasapit ng madaling-araw at ang
nagaganap sa ilan sa mga babae na pagpapahuli ng
paligo ng pagkaregla o pagdurugo [kaugnay sa
panganganak] hanggang sa pagkasapit ng madaling
araw kapag nakakita siya ng pagtigil-pagdurugo bago
magmadaling-araw sapagkat tunay na inoobliga sa
kanya ang pag-aayuno. Walang hadlang sa
pagpapahuli ng babae ng pagpaligo hanggang sa
matapos ng pagsapit ng madaling-araw subalit hindi
ukol sa kanya ang pagpapahuli nito hanggang sa
pagsikat ng araw; bagkus kinakailangan sa kanya na
maligo at magdasal ng fajr bago ng pagkasikat ng
araw.1
Gayundin ang junub, hindi ukol sa kanya ang
pagpapahuli ng pagpaligo hanggang sa matapos ng
pagsikat ng araw; bagkus kinakailangan sa kanya na
maligo at magdasal ng fajr bago ng pagkasikat ng
araw. Kinakailangan sa lalaki ang pagdali-dali niyon
nang sa gayon makaabot siya sa ṣalāh sa fajr kasama
ng konggregasyon.
Kabilang sa mga pangyayaring hindi nakasisira sa
pag-aayuno ang pagpapasuri ng dugo at ang
pagpapasailalim sa
pagpapaineksiyon ng hindi
nagpapakay rito ng pamalit-sustansiya subalit ang
pagpapahuli niyon hanggang sa gumabi ay higit na
marapat at higit na maingat kapag naging posible iyon
1Ang paligong ito ay kinakailangan sa taong nakipagtalik o dumanas
ng paglabas ng punlay sa anumang paraan.
22
batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at
pangalagaan):
"Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo patungo
sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo."
Ang sabi pa niya (sumakanya ang basbas at ang
pangangalaga):
"Ang sinumang nangilag sa mga nakapanghihinala
ay nakapag-ingat nga para sa relihiyon niya at dangal
niya."
Kabilang sa mga pangyayaring maaaring nalilingid
ang patakaran ng mga ito sa ilan sa mga tao ang
kawalan ng kapanatagan sa ṣalāh, maging ito man ay
isang tungkulin o isang kusang-loob. Nagpatunay nga
ang mga tumpak na ḥadīth buhat sa Sugo ni Allāh
(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang
pagkapanatag ay isang haligi kabilang sa mga haligi
ng pagsasagawa ng ṣalāh, na hindi natutumpak ang
ṣalāh nang wala nito. Ito ay ang kawalang-tinag sa
ṣalāh, ang kataimtiman dito, at ang kawalan ng
pagmamadali hanggang sa bumalik ang bawat
vertebra sa lugar nito. Marami sa mga tao ang
nagdarasal sa Ramaḍān ng ṣalāh na tarāwīḥ na naging
ṣalāh na hindi nila naisasaisip at hindi napapanatag
dito; bagkus pinapaspasan nila ito gaya ng pagtuka.
Ang ṣalāh na ito ayon sa ganitong paraan ay walang
saysay at ang tagapagsagawa nito ay nagkakasalang
hindi mapabubuyaan.
Kabilang sa mga pangyayaring maaaring nalilingid
ang patakaran ng mga ito sa ilan sa mga tao ang pag
aakala nila na ang tarāwīḥ ay hindi pinapayagang
23
makabawas dito buhat sa 21 rak`ah at ang pag-aakala
nila na ito ay hindi pinapayagang makadagdag dito sa
11 rak`ah o 13 rak`ah. Ito, sa kabuuan nito, ay isang
pag-aakala na wala sa lugar nito; bagkus ito ay
kamaliang sumasalungat sa mga patunay.
Nagpatunay nga ang mga tumpak na ḥadīth buhat
sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at
pangalagaan) na ang ṣalāh sa gabi ng Ramaḍān ay
pinalawak [ang saklaw] dito sapagkat wala ritong
isang tinakdaang hangganang hindi pinapayagan
salungatin; bagkus napagtibay buhat sa kanya
(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya noon
ay nagdarasal sa gabi ng Ramaḍān ng 11 rak`ah.
Marahil nagdasal siya ng 13 rak`ah at marahil
nagdasal siya ng higit na kaunti kaysa riyan sa
Ramaḍān at sa ibang buwan. Noong tinanong siya
tungkol sa ṣalāh sa gabi:
"Ang ṣalāh sa gabi ay tigdalawang rak`ah
tigdalawang rak`ah ngunit kapag natakot ang isa sa
inyo
sa
[pagsapit
ng]
madaling-araw ay
makapagdarasal siya ng iisang rak`ah na magsisilbing
witr para sa kanya sa dinasal na niya."
Napagkasunduan sa katumpakan nito.
Walang itinatakda na mga rak`ah sa partikular na
bilang, wala sa Ramaḍān at wala sa iba pang buwan.
Dahil dito, nagdasal ang mga Kasamahan sa panahon
ni `Umar (malugod si Allāh sa kanya) sa ilan sa mga
pagkakataon ng 23 rak`ah at sa ilan sa mga ito ng 11
rak`ah. Ang lahat ng iyon ay napagtibay buhat kay
`Umar (malugod si Allāh sa kanya) at buhat sa mga
24
Kasamahan sa panahon niya.
Ang ilan sa Salaf noon ay nagdarasal sa Ramaḍān
ng 36 rak`ah at nagdarasal ng witr na tatlong rak`ah.
Ang ilan sa kanila ay nagdarasal ng 41 rak`ah.
Bumanggit niyon tungkol sa kanila si Shaykh Al-Islām
Ibnu Taymiyah at ang iba pa kabilang sa mga alagad
ng kaalaman kung paanong bumanggit siya (ang awa
ni Allāh ay sumakanya) na ang usapin kaugnay roon
ay
malawak. Bumanggit din siya na ang
pinakamainam sa sinumang nagpapahaba ng
pagbigkas [ng Qur'ān sa ṣalāh], pagyukod, at
pagpapatirapa ay magpakaunti siya ng bilang ng
rak`ah; at ang sinumang nagpapagaan ng pagbigkas,
pagyukod, at pagpapatirapa ay magdagdag siya sa
bilang ng rak`ah. Ito ang kahulugan ng pananalita niya
(kaawaan siya ni Allāh).
Ang sinumang nagbulay-bulay sa Sunnah ng
Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay
nakaalam na ang pinakamainam dito sa kabuuan nito
ay ang ṣalāh na 11 rak`ah o 13 rak`ah sa Ramaḍān at
iba pang buwan dahil sa pagiging iyon ay ang
sumasang-ayon sa gawa ng Propeta (basbasan siya ni
Allāh at pangalagaan) sa kadalasan sa mga kalagayan
niya dahil ito ay higit na magaan sa mga nagdarasal at
higit na malapit sa katimtiman at kapanatagan. Ang
sinumang nagdagdag ay wala namang kaasiwaan at
walang pagkasuklam gaya ng naunang nabanggit.
Ang pinakamainam para sa sinumang nagdarasal
kasama ng imām sa dasal sa gabi ng Ramaḍān ay na
hindi lumisan kundi kasabay ng imām batay sa sabi ng
25
Propeta:
"Tunay na ang lalaki, kapag nagdasal sa gabi
kasama ng imān hanggang sa lumisan ito, magtatala si
Allāh para sa kanya ng pagdarasal sa gabi."
Isinasabatas sa lahat ng mga Muslim ang
pagsisipag sa mga uri ng pagsamba sa marangal na
buwang ito ng ṣalāh na kusang-loob; pagbabasa ng
Qur'ān
nang
may
pagninilay-nilay
at
pagpapakaunawa; pagpaparami ng tasbīḥ, tahlīl,
taḥmīd, takbīr, istighfār, at mga panalanging
pangkapahayagan; pag-uutos ng nakabubuti at
pagsaway sa nakasasama; pagdalangin kay Allāh;
pag-aliw sa mga maralita at mga dukha; pagsisipag sa
pagsasamabuting-loob
sa
mga
magulang;
pagpapanatili ng ugnayan sa kaanak; pagpaparangal
sa kapitbahay at pagdalaw sa maysakit; at iba pa roon
kabilang sa mga uri ng kabutihan. Batay ito sa sabi
niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa
naunang ḥadīth:
"Tumitingin si Allāh sa pagtatagisan ninyo rito
kaya magmamarangal Siya sa inyo sa mga anghel
Niya. Kaya magpakita kayo kay Allāh mula sa mga
sarili ninyo ng kabutihan sapagkat tunay na ang
miserable ay ang sinumang ipinagkait sa kanya ang
awa ni Allāh."
Batay ito sa isinalaysay buhat sa kanya
(sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na siya
ay nagsabi:
"Ang sinumang nagpakalapit-loob dito sa
pamamagitan ng isang gawaing kabilang sa mga
26
gawain ng kabutihan ay gaya ng sinumang gumanap
ng isang tungkulin sa [buwang] iba pa rito. Ang
sinumang gumanap dito ng isang tungkulin ay gaya ng
sinumang gumanap ng pitumpung tungkulin sa
[buwang] iba pa rito."
Batay ito sa sabi niya (basbasan siya ni Allāh at
pangalagaan) sa tumpak na ḥadīth:
"Ang isang `umrah sa Ramaḍān ay nakatutumbas
sa isang ḥajj o isang ḥajj kasama ko."
Ang mga ḥadīth at ang mga ulat na nagpapatunay
sa
pagkaisinasabatas ng pakikipagtagisan at
pakikipagpaligsahan sa mga uri ng kabutihan sa
marangal na buwang ito ay marami.
Si Allāh ay ang hinihilingan na magtuon sa atin at
nalalabi sa mga Muslim sa bawat anumang naroon
ang pagkalugod Niya at na tumanggap sa pag-aayuno
natin at pagdarasal natin sa gabi, magsaayos sa mga
kalagayan natin, at magkupkop sa atin sa kalahatan
laban sa mga pagliligaw ng mga tukso, gaya ng
paghiling natin sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) na
magsaayos sa mga pinuno ng mga Muslim at
magbuklod sa adhikain nila sa katotohanan. Tunay na
Siya ay ang Marapat doon at Nakakakaya niyon.
Ang kapayapaan ay sumainyo at ang awa ni Allāh
at mga pagpapala Niya.
Dalawang Pinaiksing Mensahe Kaugnay sa Zakāh at Pag
aayuno ............................................................................................................. 2
Ang Unang Mensahe ........................................................................... 2
Kaugnay sa mga Mahalagang Pananaliksik Hinggil sa
Zakāh ............................................................................................................... 2
Ang Ikalawang Mensahe ............................................................... 14
Hinggil sa Kainaman ng Pag-aayuno sa Ramadan at
Pagdarasal sa Gabi Nito Kasama ng Paglilinaw sa mga
Mahalagang Patakarang Maaaring Nalilingid sa Ilan sa mga
Tao ................................................................................................................. 14
***