Mga Artikulo

Terminolohiyang Arabik





·       Sunnah - ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan na nagdedepende sa larangan ng pag-aaral. Gayunpaman, ang kalimitang kahulugan nito ay, anumang naiulat na sinabi, ginawa, diskripsyon, at mga pinahintulutan ng Propeta. (At ginagamit din sa kahulugang: kanaisnais gawin na hindi inobliga, depende sa konteksto ng pangungusap)





·       Halal - mga ipinahintulot





·       Haram - mga ipinagbabawal





·       Shirk – salitang nangangahulugan ng pagtatambal sa Allah, o paniniwalang ang mga katangiang tanging sa Allah ay taglay ng iba  maliban sa Kanya, o paniniwala na ang pinagmulan ng kapinsalaan at mga biyaya ay mula sa iba  maliban sa Allah. 





Ang Quran at Sunnah ay nagbigay ng maraming patnubay patungkol sa kung ano ang ipinahintulot at kung ano ang ipinagbawal kainin ng mga Muslim, kaya naman, ang kagawian ng mga Muslim patungkol sa pagkain ay may direktang kaugnayan sa pagiging maka-diyos. Ang mga Muslim na nagsasabuhay ng Islam ay sumusunod sa Allah sa pamamagitan ng pagtalima sa mga patnubay na ito, nang gayon sila ay gagantimpalaan dahil dito, dahil ang pagsunod sa patnubay ng relihiyon ay pagsamba. 





Ang mga ipinahintulot na mga pakain at inumin ay nauuri bilang halal, habang ang mga ipinagbawal naman ay nauuri bilang haram. Sa kasabihang,  ‘ ikaw ay kung ano ang iyong kinakain’, sa Islam ipinapahintulot ang mga pagkain na itinuturing na mabuti sa katawan at sa kaluluwa at ipinagbabawal naman ang nakakasira sa mga ito, ayon sa nakasaad sa Quran: 





“…ipinahintulot sa inyo ang lahat ng mga malilinis at mabubuti.” (Quran 5:5) (salin ng kahulugan)





Ang karamihan sa Kristyanismo ay nagsasabing walang mga alintuntunin hinggil sa pagkain na dapat pag-usapan, samantalang sa Judaismo ay marami at mahihigpit ang mga alintuntunin patungkol sa pagkain. Sa Hinduismo, ang pagkain ay isa sa mga pangunahing palatandaan ng estado sa lipunan, kung anong uri ng pagkain ang kinakain ay tumutukoy sa kung anong baitang sa antas ng lipunan ang kinabibilangan. Sa kabilang banda, ang alituntunin ng Islam patungkol sa pagkain ay pinag-iisa ang komunidad ng mga may pananampalataya bilang isang buo, ang kanilang pag-iingat ay nasa pagitan ng kung ano ang sa Judaismo at Kristyanismo.





Sa araling ito, ating sasanayin ang ating mga sarili sa mga pangunahing panuntunan ng Islam patungkol sa tamang pagkain.





Ang Mabuti at Ipinapahintulot


Sa kabuuhan, bawat pagkain at inumin ay ipinahintulot liban na lamang sa ipinagbawal ng Allah o ng Kanyang Sugo (ang habag at pagpapala ng Allah ay mapa-sa Kanya). Ang mga halal (ipinahintulot) ay mas marami kumpara sa mga haram (ipinagbabawal), kaya naman madalas na ang pinag-uusapan ay ang patungkol sa haram (ipinagbabawal). Lahat ng gulay, prutas, lentil at grano ay ipinapahintulot, at walang pagbabawal sa Quran patungkol sa kanila.





Para naman sa mga karne, lahat ng mga lamang-dagat (pagkain mula sa dagat) ay ipinahintulot, ganun din ang mga karaniwang karne tulad ng baka, manok, at tupa. Napakaraming uri ng mga pagkain ang ipinahintulot sa Islam na imposibleng mabanggit lahat sa artikulong ito. Kaya naman, gaya ng nakaugalian, babanggitin lamang natin ang mga ipinagbabawal ng Islam sa pagkain. 





Mga Ipinagbabawal Kainin


1. Ang Pagbabawal sa Mga bangkay ng Hayop


Ayon sa sinabi ng Allah sa Quran: (ayon sa salin ng kahulugan)





‘Ang mga ipinagbabawal lamang ng Allah sa inyo ay ang lahat ng mga nakapipinsala na katulad ng: 'Al-Maytah' - bangkay ng hayop dahil hindi nakatay sa tamang pamamaraan…’ (Quran 2:173)





Ang unang ipinagbawal kainin ay ang laman ng "mga bangkay ng hayop", ito ay ang mga hayop na namatay sa natural na sanhi, hindi nakatay o mula sa pangangaso. Marami ang mga panganib sa kalusugan na dulot ng pagkain ng mga bangkay ng hayop, makikita ang mga detalye rito.





Subalait lumikha ang Allah ng ibang nilikha na   makikinabang sa bulok na hayop upang kanilang mapagkukunan ng pagkain. Labas sa patakarang ito ang mga pagkaing-dagat.





Sinabi ni Propeta Muhammad patungkol sa dagat: (ayon sa salin ng kahulugan)





'Ang tubig nitong dagat ay malinis at nakakalinis, at ang mga namatay rito na mga yamang dagat  ay halal (para kainin).' (Musnad)


Ito marahil ay dahil sa asin na nakakapagpanatili rito, kasunod ang kalagayang mahirap makakuha ng buhay na isda at "katayin" ito. Maari din na dahil sa pisyolohiya ng mga isda mismo.





2. Pagbabawal sa Mga Dumanak na Dugo [1] 


Ang pangalawang ipinagbabawal ay kaugnay sa dumanak na dugo na hindi maaring kainin o inumin. Sa ano't anuman, madalang din ang mga putahe na ginagamitan ng dugo!





3. Baboy [2]


Ang pangatlong ipinagbawal kainin ay ang baboy, ito ay ang karne ng baboy. Lahat ng mga produktong mula sa baboy tulad ng sausage, pepperoni, salami, chops, buto-buto, mantika, bacon at ham ay ipinagbabawal. 





4. Mga Hayop na Inialay Maliban sa Allah [3]


Ang ika-apat na ipinagbabawal ay tumutukoy sa mga hayop[4] na inialay ng maliban sa Allah, ibig sabihin, mga kinatay sa ngalan ng mga diyos-diyosan, tulad ng mga idolo, mga bagay sa kalangitan, mga propeta o santo. Kapag nagkakatay ng hayop, ang isang Arabong pagano ay tumatawag sa ngalan ng mga diyos-diyosan. Sa sitwasyong ito, ang kadahilanan ng pagbabawal ay kaugnay sa paniniwala: para maingatan ang paniniwala sa Allah, para maging dalisay ang pagsamba, at tutulan ang shirk (pagsamba ng maliban sa Kanya) sa usapin ng pagkain. Katotohanan na ang Allah ang lumikha sa tao at nilikha ang mga hayop para sa mga tao, at pinahintulutan ang tao na kunin ang buhay nito bilang pagkain sa kondisyon na ang Kanyang pangalan ay babanggitin sa panahon na ito ay kakatayin. Ang pagbanggit ng pangalan ng Allah habang nagkakatay ng hayop ay pagdedeklara na ang pagkitil ng buhay ng nilikhang yaon ay sa pahintulot ng Tagapaglikha, samantalang kung ito ay para sa ibang pangalan, pinawalan niya ng bisa ang kapahintulutan na ito at hindi maaring gamitin ang karne nito. 





5. Pagkatay na hindi maayos na napadanak o  napalabas ang dugo [5]


Ang Allah ay nagbanggit sa Quran ng mga patungkol dito:





- Pagsakal : Hayop na sinakal, halimbawa, sa pamamagitan ng lubid sa leeg nito, o pinigilan ang paghinga - ay ipinagbabawal.





- Pinalo hanggang sa mamatay [6]





- Nahulog na Hayop [7]: Hayop na namatay mula sa pagkahulog sa mataas na lugar, o pagkahulog sa kanal o bangin.





- Nasuwag [8]: Hayop na namatay mula sa pagkakasuwag ng sungay ng isa pang hayop.





- Nalapa ng iba pang Mga Hayop [9]: Hayop na bahagyang nakagat ng mga mababangis na hayop at namatay mula rito.





6. Iba pang Mga Hayop


Ayon sa sinabi sa Quran patungkol sa Sugo ng Allah:





“...ipinahihintulot Niya sa kanila ang lahat ng mga malilinis na mga pagkain at inumin at mga mabubuting gawain; at ipinagbabawal niya sa kanila ang lahat ng marurumi at nakakadiri...” (Quran 7:157)





Karagdagan patungkol sa mga hayop sa lupa na ipinagbawal sa Quran, ipinagbawal din ng Propeta ang pagkain ng anumang hayop na may pangil at kumakain ng karne, at anumang ibon na may kukong pang-sakmal.[10]  Ang mga hayop na mahilig sa karne na tinutukoy ay ang mga nambibiktima ng iba at sinasakmal sa pamamagitan ng pagwasak dito tulad ng leon, leopard, lobo, at ang iba pang mga katulad nito; ibong may mga kukong ginagamit pang-dagit tulad ng lawin, agila at falcon.





Mga Hayop na kinatay ng mga Hudyo at Kristiyano


Binibigyang-diin ng Islam na ang mga hayop ay dapat katayin sa paraang naitagubilin.[11]Habang ang Islam mahigpit sa pakitungong bawal ang karneng katay ng mga pagano, ito naman ay hindi mahigpit hinggil sa karneng kinatay ng mga Hudyo at mga Kristiyano, sapagkat sa kanilang kasulatan sila rin ay inutusan na katayin ang hayop sa ngalan ng Nagiisang Diyos. [12] Dahil dito, pinahihintulutan ng Islam ang mga karneng kinatay nila:





         "... at ang pagkain ng mga tao sa kasulatan (hudyo at kristyano) ay ipinahintulot sa inyo." (Qur'an 5: 5) (salin ng kahulugan)





Ang Kagipitan minsa'y hahantong sa Paglihis sa patakaran


“...naipaliwanag ang lahat ng mga ipinagbabawal sa inyo, na itong mga to ay ipinagbabawal, liban nalamang sa mga bagay na kayo ay napilitan ng dahil sa labis na kagipitan...” (Quran 6:119) (salin ng kahulugan)





Sa patakaran ng Islam, ang pangangailangan sa oras ng kagipitan ay minsang umiiral kapag kinakatakutan ang kamatayan o matinding kapinsalaan. Kapag wala ng matagpuang pagkain liban nalang sa ipinagbabawal, at kinakatakutan ang kamatayan, ay maaaring hahantong sa ganitong kapasyahan. Ngunit isaalang-alang ang mga limitasyon at kakain lang ng sapat para manatiling buhay.





Ang purong-gulay na pagkain at iba pang hanay ng pagkain


Marami sa mga karne ay halal (ipinapahintulot), ngunit hindi pinipilit sa Muslim na kumain ng karne, ito ay hindi kabilang sa pananampalataya! Pwede rin sa isang Muslim ang purong-gulay na walang karneng uri ng pagkain kung kanyang nanaisin. At maraming hanay ng pagkain na maaaring piliin ng isang muslim, at hindi nararapat na pilitin ang sarili na kumain ng pagkaing hindi nagugustuhan. Ang Sugo mismo ay minabuting huwag kumain ng bawang at sibuyas, at minabuti rin niyang huwag kumain ng dabb (kahalintulad ng bayawak na nasa desyerto), isang uri ng karne na kinakain din sa kapanahunan na yaon. Ngunit hindi rin nararapat sa isang tao na kanyang unawaing mali ang kumain ng karne, dahil baka hahantong sa dako ng pagpataw ng  batas ng bawal o hindi, na kung saan ito ay nararapat lamang sa Allah.





Alak at iba pang bawal na gamot na nakakapagpawala ng katinuan ng pag-iisip


Ang mga arabo noong una na wala pa sa kanila ang Islam ay mahilig sa alak at pag-iinom. Ang pagmamahal nila sa alak ay kapansin-pansin at matatagpuan sa kanilang wika, na mayroong higit kumulang isang daang katawagan, nakaukit sa kanilang mga tula, na ipinagdiriwang ang pagpuri nila sa alak, kopita, at inuman.





Upang puksain ang kasamaan ng pagiinom ng alak sa lipunan, ipinagbawal ito ng Allah sa paraang paunti-unti. Una, nilinaw sa kanila na ang kapinsalaan ng pag-inom ng alak ay higit na malaki kasya ikakabuti. Sunod, itinagubilin na huwag lumapit sa salah (espesyal na pagdarasal) kapag lasing. At kalaunan, tuluyan nang ipinahayag na ganap nang ipinagbabawal ang pag-inom ng alak.[13]





Ang tugon ng mga muslim noong ang talata ng pagbabawal ay ipinahayag ay kamangha-mangha. Habang ang mga tao ay nasa inuman hawak-hawak ang mga baso ng alak. Sa sandaling narinig nila na may sumisigaw nag-aanunsyo sa naipahayag na pagbabawal, ibinuhos nila sa lupa ang mga natirang inumin at winasak nila ang mga imbakang paso ng mga alak.





Idineklara ng Propeta na lahat ng mga nakakalasing ay lubusang ipinagbabawal:





“Lahat ng mga nakakalasing ay khamr (sumisira sa kaayusan ng pagiisip) at lahat ng mga khamr ay haram (ipinagbabawal).” (Saheeh Muslim) (ayon sa salin ng kahulugan)





Ang mga drogang tulad ng cocaine, opium, marijuana, at ang kagaya ng mga ito ay talagang kabilang sa kategoryang mga katulad ng alak na ipinagbabawal, at itong mga ‘to ay haram.





Ang Islam ay nagbawal sa lahat ng mga nakakalasing, na hindi na magkaiba kung marami ba o kaunti, kung kaya’t sinabi ng Propeta: (ayon sa salin ng kahulugan)





“Lahat ng nakakalasing kapag ininom ng maramihan, ang kaunti nito ay haram (ipinagbabawal).” (Abu Daud, Al-Tirmidhi)





Isang pang-huling salita... ang pagsaayos ng mga kinakain ay marahil isa sa mga mahalagang pagbabago sa pamumuhay na dadaanan ng isang bagong Muslim sa pagpasok niya sa Islam. Ito ay pagsasaayos na kaya mong isagawa sa pamamagitan ng kaunting disiplina, sa tulong ng Allah. At panghuli, maaaring mas ligtas kapag humanap ka ng mga siguradong bilihan ng mga halal na karne sa iyong lugar upang doon na magtungo kapag bibili ng karne.





Terminolohiyang Arabik





·       Sunnah - ang salitang Sunnah ay maraming pagpapakahulugan depende sa sinasaklaw na usapin, subalit sa kabuuan tumutukoy ang salitang ito sa anumang naiulat na mga gawain, ginawa at pinahintulutang gawain ng Propeta.





Eating01.jpgAng Islam ay isang relihiyon gayunpaman ang mas mainam na paraan upang ilarawan ito ay ang tawagin itong isang paraan ng pamumuhay; isang holistikong paraan na dinisenyo ng ating Tagapaglikha upang pakinabangan ng sangkatauhan. Ang pagiging komprehensibo ng Islam ay nagkakaloob sa bawat aspeto ng buhay na maging gawaing pagsamba, mula sa pagdarasal hanggang sa pagtulog. Bawat gawa mula sa maliit hanggang sa pinakamalaki ay maaaring magkamit ng hindi mabilang na gantimpala sa pamamagitan lamang ng isang taong naghahangad na kalugdan ng Allah sa bawat pagiisip at pagkilos.





Nang nilikha ng Allah ang mundo hindi Niya itinalaga ang mga bagay at pagkatapos ay iniwan sa atin ang pagpapasya; sa kabila nito Siya ay nagpadala sa atin ng patnubay. Ang patnubay na ito ay dumading sa anyo ng Quran at ng Sunnah ni Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah. Sa pamamagitan ng dalawang mga saligan ng gabay na ito ay matatagpuan natin ang mga tuntunin at regulasyon, at ang mga karapatan at pananagutan na nagbunsod sa atin na harapin ang anumang sitwasyong ating kinalalagyan. Sa araling  ito ay matutuklasan natin ang Islamikong paguugali sa pagkain.





Lahat ng mga kilos na isinagawa sa pang araw-araw na takbo ng buhay ay maaaring maging pagsamba sa pamamagitan lamang ng simpleng pagalaala at pagpuri sa Allah at sa ikalulugod Niya. Oo, maging ang pagkain; mayroon itong kakayahang magpaangat sa kanyang kalagayan mula sa makamundo tungo sa mabiyayang gawaing pagsamba. Pagisipan mo. Ang pagkain ay may mahalagang bahagi sa ating pangaraw-araw na buhay.  Ang pamimili, pagiimbak, paghahanda, pagkain, at paglilinis - lahat ay gumugugol ng maraming oras, pagsisikap at salapi. Ang mga gantimpala na naipon mula sa pagkain ay maaaring hindi mabilang at higit na mabigat kaysa sa isang busog na tiyan o bilbil sa baywang.


Ang alintuntunin ng magandang asal sa pagkain ay kinabibilangan ng mga kilos bago, habang, at pagkatapos kumain.





Kalinisan


Mayroong sinaunang kasabihan ang mga kanluranin - ang kalinisan ay kasunod ng Kabanalan at ang Islam ay naglalaan ng matinding pagdidiin sa kalinisan. Kung paanong ang isang Muslim ay nagpapadalisay sa kanyang katawan bago humarap sa Allah sa pagdarasal ay dapat din niyang bigyang pansin ang kalinisan ng kanyang paligid.





Minamahal ng Allah ang mga nagbabalik-loob sa Kanya sa pagsisisi at nagmamahal sa kanila na nagpapadalisay ng kanilang sarili.” (Quran 2:222)





Samakatuwid mahalaga na ang lugar ng paghahanda ng pagkain at ang mga kamay na hahawak sa pagkain ay pinananatiling malinis. Ang maruming kalagayan ay nagdudulot ng sakit at masamang kalusugan. Kung hindi ka naman kasama sa paghahanda ng pagkain mahalaga ring hugasang mabuti ang kamay bago kumain.





Pagbanggit sa pangalan ng Allah


Ang isang Muslim ay dapat simulan ang bawat tungkulin, kahit sa pagkain, sa pagbanggit ng pangalan ng Diyos. Siya ay dapat magsabi:





“Bismillah” na ang kahulugan nito ay “Nagsisimula ako sa pangalan ng Allah”.





“Kapag ang isa sa inyo ay kakain, dapat niyang banggitin ang pangalan ng Allah; kung makalimutang banggitin ang pangalan ng Allah sa pagsisimula, siya ay dapat magsabi:





“Bismillaahi fee awwalihi wa aakhirihi”





“Nagsisimula ako sa pangalan ng Allah sa simula at katapusan nito (i.e.  itong pagkain).”[1]





Ang pagkain at pag-inom sa kanang kamay


Ang pagkain sa pamamagitan ng kanang kamay ay obligado para sa mga Muslim maliban kung mayroong dahilan gaya ng karamdaman o pinsala. Kadalasang ginagamit ang kaliwang kamay sa paglilinis ng katawan ng dumi o anumang karumihan habang ang kanang kamay ay ginagamit sa pagkain, pagpasa ng mga bagay mula sa isang tao patungo sa iba at pakikipagkamay.  Si Prophet Muhammad ay nagpayo rin sa atin sa kanyang Sunnah na si Satanas ay kumakain sa kanyang kaliwang kamay kung kaya't ang mga mananampalataya ay dapat umiwas mula sa anumang  magiging sanhi ng pagkakatulad kay Satanas.





Si Propeta Muhammad ay nagsabi, Kapag ang isa sa inyo ay nais kumain, siya ay dapat kumain sa kanyang kanang kamay, at kapag siya ay (magnais) na uminom siya ay dapat uminom sa kanyang kanang kamay, sapagkat si Satanas ay kumakain sa kanyang kaliwang kamay at umiinom sa kanyang kaliwang kamay.[2]





“Noong ako ay bata pa lamang sa pangangalaga ng Sugo ng Allah, ang aking kamay ay naglilibot sa plato (ng pagkain). Ang Sugo ng Allah ay nagsabi sa akin, ‘O munting bata, banggitin mo ang Bismillah (Nagsisimula ako sa pangalan ng Allah), kumain sa pamamagitan ng iyong kanang kamay, at kumain kung ano  iyong nasa harapan’.”[3]





Ang pagkain sa pamamagitan ng kanang kamay ay isang paraan upang tularan si Propeta Muhammad at ang kanyang mga kasamahan, at iyon ay ipinapayo at kapaki-pakinabang na gawa, gayunpaman, ang paggamit ng tinidor, kutsara at kutsilyo ay hindi ipinagbabawal.  





Magandang kaugalian


Sa mga sitwasyon kung saan ang lahat ay kumakain sa iisang dulang o lagayan ng pagkain para sa lahat, ang pagkuha ng pagkain na nasa harapan mo ay itinuturing na kagandahang asal. Ang pagabot sa iba o pagtikim sa paghahanap ng masarap na kakainin ay makapagdudulot ng hindi magandang pakiramdam sa kasalo at magiging dahilan pa upang magmukha kang walang modo o sakim.  





Ito ay mula sa mga asal ng Islam na respetuhin ang mga bisita sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng piling pagkain at sa maayos na pamamaraan. Ang mga panauhin ay magmamadaling tikman at purihin ang handa sa pamamagitan ng pananalangin at paghingi ng biyaya para sa naghanda. Isang magandang panalangin para sa naghanda ay ang sumusunod:





“Allaahumma baarik lahum feemaa razaqtahum, waghfir lahum warhamhum”





“O Allah, pagpalain mo sila sa kung anuman ang ipinagkaloob mo sa kanila, at patawarin mo sila at kaawaan mo sila.“[4]





Mali na punahin ang pagkain, manapa'y makabubuting huwag na lamang kainin ang hindi mo nagugustuhan. Si Umm Hufaid ay pinagsilbihan ang Propeta Muhammad ng isang platong mantikilya (ghee), keso at bayawak. Kinain niya ang hinalong mantikilya at keso, ngunit isinantabi ang bayawak sapagkat hindi niya ito gusto.[5]





Ang kagandahang asal na likas sa Islam ay kinapapalooban din na ang isang tao ay hindi nararapat dumura o suminga habang kumakain, o sumandal habang kumakain.





Terminolohiyang Arabik





·       Wudoo – paghuhugas.





Bago natin simulan ang ikalawang bahagi sa Pagkain – Sa Islamikong Paraan ay muli nating balikan ang Unang bahagi.





·       Ang Islam ay isang holistikong paraan ng pamumuhay.





·       Lahat ng pagsisikap, malaki man o maliit ay maaaring ituring na pagsamba.





·       Mahalaga ang kalinisan.





·       Simulan ang lahat ng gawain sa pangalan ng Diyos.





·       Kumain sa kanang kamay.





·       Magpakita ng kagandahang asal.





Mga Biyaya sa Pagkain


Ang pagiging komprehensibo ng Islam ay nakapagdudulot sa atin na magbigay at tumanggap ng mga biyaya habang kumakain at umiinom gayunpaman huwag nating kakalimutang ang Diyos ay nagbibigay ng pagpapala mula mismo sa pagkain. Si Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagpayo na pulutin, tanggalan ng dumi at kainin ang bawat piraso ng pagkaing nahuhulog sa sahig, upang matiyak na hindi mapapalampas ang anumang biyaya o maiwan ang pagkain kay Satanas.





“Kung sinuman sa inyo ang makahulog ng isang subo ay nararapat itong pulutin at tanggalan ng anumang dumi, at kainin ito, at huwag iwanan ito para kay Satanas. Hindi niya dapat punasan ang kanyang kamay hanggat hindi niya muna ito nasasaid sa kanyang mga daliri, sapagkat hindi niya batid kung saang bahagi ng pagkain naroroon ang biyaya.”[1]





Kung kakayanin, upang makatanggap ng higit pang biyaya, ang isang Muslim ay nararapat ibahagi ang kanyang pagkain at huwag kumaing magisa. Ang pagsasalu-salo kasama ng pamilya, mga kaibigan, mahal sa buhay, at kapit-bahay ay lumilikha ng pagsasasamahan sa pagitan ng mga mananampalataya. Hindi problema kung kakaunti lamang ang pagkain, sapagkat ang biyaya ay mas higit pa sa dami ng pagkaing kakailanganin.





“Ang pagkain para sa dalawa ay sapat para sa tatlo, at ang pagkain para sa tatlo ay sapat para sa apat.”[2]





“kumain na magkakasama, sapagkat mas maraming biyaya kapag kumakaing sama-sama.”[3]





Kumain na may Kahinahunan


Ang kaasalan sa pagkain ay kinabibilangan ng pagkain na may pagdadahan-dahan at huwag magmalabis  gaano man nakakagana ang pagkain. Si Propeta Muhammad ay nagpaalala sa atin na ang pagpapanatiling magaan at malusog ang pangangatawan ay higit na mainam kaysa sobrang taba, tamad at walang ginagawa.





“Walang anumang sisidlan na pinupunuan ng isang tao na mas masahol pa sa kanyang tiyan. Sapat na para sa mga anak ni Adan ang kumain ng anumang husto para sa kanyang katawan. Ngunit kung nais nila, kung gayon isang-katlo para sa pagkain, isang-katlo para sa kanyang inumin at isang-katlo para sa hangin.”[4]





“At kumain at uminom, ngunit huwag magaksaya, katiyakang hindi nalulugod ang (Allah) sa mga mapagaksaya.” (Quran 7:31)





Mula sa Sunnah ni Propeta Muhammad ay natutunan nating umiwas na kumain at uminom mula sa mga lalagyan na yari sa pilak at ginto.





“Huwag magsuot ng sutla at huwag uminom mula sa mga sisidlang ginto at pilak, o kumain sa mga platong yari dito. Ito ay para sa kanila (mga hindi naniniwala) sa mundong ito at para sa atin sa  Kabilang-buhay.”[5]





Matapos Kumain 


Sa unang bahagi ay natutunan natin na banggitin ang pangalan ng Diyos bago kumain at ngayon ay tatapusin natin sa pamamagitan ng pagpupuri at pasasalamat sa kanya sa paraang akma sa Kanyang kadakilaan. Sasabihin natin Alhamdulillah (ang lahat ng papuri at pasasalamat ay para lamang sa Diyos) upang kilalanin na ang Diyos ang nagkakaloob ng lahat ng pangangailangan. Kaunti man ito o marami, ay pinapasalamatan natin Siya at pinupuri.





“At walang anumang gumagalaw (nabubuhay) na nilikha sa mundo ngunit ang kanyang pangangailangan ay galing sa Diyos.” (Quran 11:6)





Si Propeta Muhammad ay nagsabi na “Ang Diyos ay nalulugod kapag ang isa sa Kanyang mga alipin ay kumakain ng anuman at pinasasalamatan siya mula dito,”[6] at iyon ang dapat gawin ng isang tunay na mananampalataya; ang kakayahang maging kalugod-lugod sa Diyos sa lahat ng kanyang gawain.





Si Propeta Muhammad ay nagpayo sa ating lahat na maghugas ng kamay bago at matapos kumain kahit na nasa kalagayang dalisay o hindi. Mainam na maghugas sa tubig, subalit kanais-nais na gumamit ng sabon o cleaning liquid. Inirerekomenda rin na magmumog pagkatapos kumain.





Minsan sa isang paglalakbay si Propeta Muhammad ay pinangunahan niya ang  panghapong pagdarasal at humingi ng pagkain. Inihanda ang pagkain at ang lahat ay nakisalo. Sa oras ng panggabing panalangin, si Propeta Muhammad ay bumangon, nagmumog ng bibig sa pamamagitan ng tubig, ganun din ang kanyang mga kasamahan. Pagkatapos siya ay nagdasal na hindi inulit ang kanyang wudoo (ritual ablution).[7]





Mula sa ulat na ito ay may natutunan tayong dalawang bagay, na kanais-nais na magmumog pagkatapos kumain at ang pagkain (maliban sa anumang kadahilanan) ay hindi nakasisira ng wudoo.





Oral Hygeine


Bagamat hindi inuobliga ang paglilinis ng ngipin pagkatapos kumain, isinasama ng Islam na may malaking pagpapahalaga ang paglilinis ng bibig (oral hygiene). Si Propeta Muhammad ay nagtagubilin sa paggamit ng patpat na pang-ipin (tooth stick) na tinatawag na miswak o siwak. Ipinaalam niya sa atin na ito ay nakalilinis ng bibig at kalugod-lugod sa Diyos. Ang Miswak ay isang sanga na may natural na mga  mineral; nakalilinis ito ng ngipin, nakapipigil sa pagdurugo ng gilagid, pumapatay ng bacteria, at nakapagpapabango ng hininga.  Kung walang miswak, maaaring gumamit ng toothpaste at mouth wash dahil ito rin ay  katanggap-tanggap. Ang Propeta, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Allah, ay nagsabi:





“Gumamit ng miswak, sapagkat ito ay lumilinis ng bibig at kalugod-lugod sa Diyos.  Kung hindi lamang sa pangamba ko na mahihirapan ang aking Ummah (nasyon), Ipaguutos ko sa kanila na gumamit ng miswak bago at pagkatapos ng pagdarasal.” [8]





Si Propeta Muhammad ay nagmungkahi rin sa mga mananampalataya hinggil sa pamamaraan ng paginom ng tubig.  Ipinayo niyang dapat uminom ng tatlong patlang kaysa tuloy-tuloy na lumagok ng tubig, at nagbabala mula sa paghinga sa sisidlang tubig dahil ang tubig nito ay maaaring mahahaluan ng laway. At mainam para sa isang tao na uminom habang nakaupo.





Panghuli, katulad nang nabanggit natin, ang Islam ay kumpletong paraan ng buhay; maging ang mga mumunting gawa gaya ng pagkain o paginom ay maituturing na dakilang pagkakataon na mapaglingkuran ang Diyos.





Mga Katagang Arabe





·       Qiblah - Ang dakong hinaharapan ng isang tao habang nasa pormal na mga pagdarasal.





·       Halal - pinahihintulutan.





Kahalagahan na Mapag-aralan ang Islamikong mga Alituntunin ng Pagkain


Meat-of-the-People-of-the-Book-(part-1-.jpgPara sa isang Muslim, maraming kalituhan ang bumabalot sa katanungan sa mga pagkain at mga karneng ibinebenta sa mga pamilihan at pagkain sa mga ito sa mga kainan  sa Kanluran. Ang usaping pagkakatay ng mga hayop ay hindi isang makamundong usapin na kung saan ang isang indibidwal ay maaaring ginagawa ito ayon sa kanyang kagustuhan, sa halip ito ay itinuturing na isang gawaing pagsamba. Ang Sugo ni Allah, nawa'y ang awa at mga pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay nagsabi:





"Sinumang magdasal ng ating pagdarasal at humarap sa ating qiblah at kumain ng ating kinatay na mga hayop, ay isang mananampalataya na nasa ilalim ng pangangalaga ni Allah at ng Kanyang Sugo."[1]





Ang hadith na ito ng Sugo ni Allah ay malinaw: ang pagkakatay ng mga hayop ay nagtataglay ng makabuluhang katayuan sa Islam. Ang Propeta ay isinasagawa ang pagkakatay ng mga hayop na may pagdarasal at humaharap sa qiblah.





Dalawang Kategorya ng Pagkain


Mga Gulay at mga Prutas


Siyempre, wala alinman sa mga prutas o mga gulay ang may mga natatanging mga alituntunin ng pagkakatay. Sa pamamagitan ng pinagkasunduan ng mga iskolar, ang mga ito ay halal at pinahihintulutan,  maging sino ang luminang o nagmamay-ari nito hangga't ito ay malusog at ligtas mula sa karumihan. Samakatuwid, ang isang Muslim ay maaaring kainin ang mga ito mula sa isang kasapi ng anumang ibang relihiyon.





Ang karne ng hayop ay higit pang nahahati sa dalawang kategorya: pagkaing-dagat at mga hayop sa kalupaan.





Pagkaing-dagat


Sa pamamagitan ng napagkasunduan ng mga iskolar, ang pagkaing-dagat ay halal sa pangkalahatan maging saan ito lumaki o sino ang nakahuli. Dahil ang isda ay hindi nangangailangan ng mga natatanging pamamaraan ng pagkakatay, ang mga ito ay itinuturing na ipinahihintulot. Kabilang dito ang mga hipon at mga sugpo ayon sa karamihan ng mga iskolar. Ang ilang mga bukod-tangi ay:





·       Mga Buwaya





·       Mga Palaka





·       Mga Oter at mga pagong (subalit halal pagkatapos ang pagkakatay sa mga ito)





Ipinagbabawal na mga Karne ng Amak (domisticated) na mga Hayop


Mabangis na hayop, ito ay , hindi amak, ay pinahihintulutang kainin ito kung ang pangunahing kinakailangan ng pangangaso ay natugunan.





Ang karne ng mga amak na hayop na may kondisyong ito ay kinatay ayon sa Islamikong mga pamantayan ay pinahihintulutan. Kung ito ay mahuhulog sa isa sa mga kategoryang binanggit sa sumusunod na talata, ito ay magiging ipinagbabawal:





"Ipinagbabawal sa inyo (sa pagkain) ay mga patay na hayop, dugo, ang laman ng baboy, at ang karne ng yaong kung saan kinatay bilang isang alay para sa iba bukod kay Allah..." (Qur'an 5:3)





Si Ibn 'Abbas ay iniulat na ang Sugo ni Allah ay ipinagbabawal ang pagkain ng lahat ng mga karniborong mga hayop na may mga pangil na sadyang makakapunit ng laman (ito ay mga hayop na sumisila, tulad ng mga aso at mga tumangong o ang foxes), at lahat ng mga ibon na may mga kuko (tulad ng mga agila at mga palkon).[2]



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG