Mga Artikulo

Tuwing Biyernes, ang Dhuhr (Dasal sa tanghali) ay pinalitan ng isang kilalang Salat ul-Jumuah. Ang Salat ul-Jumuah ay binubuo ng isang maikling pangaral o sermon at isang sama-samang pagdarasal. Ang pagdarasal sa araw ng Biyernes ay hindi maaaring gawin sa tahanan o magdasal nang isa-isa. Iyon ang dahilan kung bakit nagtitipon ang mga Muslim sa isang pangunahing moske upang magdasal at makinig sa isang pangaral, na kilala bilang khutbah sa wikang Arabik. Karaniwan sa isang nakatalagang Imam (lider ng pagdarasal) na magbigay ng Khutbah, nguni’t minsan ito ay ginagawa ng mga inimbitahang panauhin o pangkalahatang mga miyembro ng komunidad. 





Sa Kanluran, ang mga pangaral ay karaniwang inihahatid sa wikang Ingles, gayunpaman kung minsan ito ay sa Arabik lamang. Sa kabuuan, may bahagi ng pangaral (Khutbah) na laging nasa Arabik. Ang sermon ay binubuo ng dalawang bahagi. Pagkatapos na matapos ang unang bahagi, ang khatib (taong naghahatid ng khutbah) ay sandaling magpapahinga at uupo, at pagkatapos ay magpapatuloy ito. Ang kalidad ng isang pangaral ay lubhang magkakaiba depende sa tagapagsalita na maaaring isang matalinong iskolar ng Islam o isang nakatalagang tao. Ang tagapagsalita ay pupurihin ang Allah at pagkatapos ay talakayin ang mga paksa na may kaugnayan sa komunidad ng mga Muslim. Pagkatapos ay pamumunuan ng Imam ang kongregasyon na may maikling panalangin na binubuo ng dalawang rakah. Ang Salat ul-Jumuah (ang sermon at ang pagdarasal), karaniwan ay tumatagal ng isang oras o mas maikli.





 Ang mga Kalalakihan ay dapat Magdasal ng Salat ul-Jumu'ah 


Ang pagdarasal sa araw ng Biyernes ay obligado at kinakailangan para sa lahat ng mga kalalakihang Muslim. Ito ay batay sa Quran kung saan sinabi ng Allah,





“O kayong mga nananampalataya, kapag ang pagtawag sa panalangin (Adhan) ay ipinahayag sa pagdarasal ng Biyernes, magmadali sa pag-alala sa Allah at iwanan ang negosyo o trabaho. Iyon ay makabubuti para sa iyo, kung ito ay iyo lamang nalalaman.” (Quran 62:9)





Si Propeta Muhammad ay napaka-liwanag na inihayag kung sino ang kinakailangang magdasal ng Salat ul-Jumuah at kung sino ang hindi kasama:





“Ang pagdarasal ng Biyernes sa kongregayon ay isang obligadong tungkulin ng bawat Muslim maliban sa apat: mga alipin, mga kababaihan, mga bata at ang mga may sakit.”[1]





Upang maging tumpak, ang pagdarasal sa araw ng Biyernes ay obligado para sa bawat lalaking Muslim na nasa edad na ng pagbibinata. Ang iba ay maaaring dumalo dito, ngunit hindi kasalanan kung hindi nila ito magagawa.





Bukod pa dito, si Propeta Muhammad ay nagbigay ng mahigpit na babala laban sa pagpalya sa mga pagdarasal ng Biyernes. Sinabi niya,





“Ang mga tao ay dapat na tumigil sa pagpalya sa mga pagdarasal ng Biyernes, kung hindi, ay lalagyan ng Allah ng tatak ang kanilang mga puso at sa gayon sila ay mapapabilang sa mga pabaya. "[2]





Ang isang lalaking Muslim na may karamdaman o naglalakbay ay maaaring lumiban sa pagdarasal ng Biyernes. Ang isang babaeng Muslim ay hindi obligadong magdasal sa pagdarasal ng Biyernes, nguni't siya ay pinapayagan na dumalo kung ito ay kanyang nais. Karamihan sa mga Moske (Masjid) ay mayroong magkahiwalay na lugar o pwesto para sa mga kababaihan, ngunit ang ilan ay maaaring kulang sa lugar para sa mga kababaihan para sa pagdarasal sa araw ng Biyernes. Gayundin, sa mga kababaihan na nagdesisyon na hindi dumalo ng Salat ul-Jumuah na magsagawa ng regular na pagdarasal ng Dhuhr sa kanyang tahanan.





Ang Kabutihan na nakapaloob sa pagdarasal ng Biyernes


1.    Ang pagdarasal sa araw ng Biyernes ay nagdudulot ng pagsasama-sama ng mga lokal na Muslim sa isang lugar sa isang nakatalagang araw, sa gayong paraan ay nadaragdagan ang pagmamahalan o pagkakaisa ng kapatiran sa pagitan ng mga Muslim.





2.    Ang layunin ng khutbah (sermon) ay upang turuan ang mga Muslim at nagsisilbi bilang isang lingguhang paalala tungkol sa kanilang mga tungkulin sa Allah at mga kapwa tao. Nagbibigay ito ng babala laban sa paggawa ng  kasalanan at pagsuway sa Allah, at hinihikayat na maging mabuti at sumunod sa Allah.





3.    Ang mga paksa ay iba-iba at madalas na pina-aalalahanan ang mga Muslim sa kasalukuyang mga pangyayari at kung ano ang kanilang tungkulin bilang isang Muslim.





Ang Kahalagahan ng Biyernes


Ang Biyernes ay isang banal na araw na may maraming natatanging mga katangian.





1.    Sinabi ni Propeta Muhammad (SAW): 





“Kapag sumapit ang araw ng Biyernes, ang mga Anghel ay tumatayo sa pintuan ng Moske at patuloy na isinusulat ang mga pangalan ng mga taong dumarating sa moske nang magkakasunod naaayon sa kanilang mga pagdating. Ang halimbawa ng isa na pumapasok sa moske sa pinaka-maagang oras ay tulad ng isang tao na nag-aalay ng isang kamelyo (bilang sakripisyo). Ang susunod na darating ay tulad ng isang tao na nag-aalay ng isang baka at pagkatapos ay isang tupa at pagkatapos ay isang manok at pagkatapos ay isang itlog ayon sa pagkakabanggit. Kapag ang Imam ay lumabas (para sa pagdarasal ng Biyernes) sila (hal. mga Anghel) ay titiklupin ang kanilang mga papel at makikinig sa Khutbah. "[3]





Ang pagsasalaysay na ito ay nagpapakita ng gantimpala sa pagdating ng maaga sa pagdarasal ng Biyernes. Ang isang tao na dumating ng mas maaga o nauna, ay mas malaki ang kanyang gantimpala. Ang unang dumating ay magkakamit ng gantimpala tulad ng pagsasakripisyo ng isang kamelyo para sa Allah, ngunit ang mga huling dumating ay tatanggap ng mas mababang gantimpala.





2.    Sinabi rin niya:





“Ang pinakamabuting araw kung saan ang araw ay laging sumisikat ay sa araw ng  Biyernes. Sa araw na ito nilikha si Adan, sa araw na ito siya ay pinasok sa Paraiso, at sa araw na ito siya ay pinalayas mula dito, at ang Oras (Araw ng paghuhkom) ay hindi itatatag maliban sa Biyernes. "[4]





Ang layunin ng pagsasalaysay na ito ay upang iparating sa atin ang kahanga-hangang mga pangyayari na naganap tuwing Biyernes o ang magaganap.


Magandang Kaugalian at mga Tungkulin sa Araw ng Biyernes





1.       Magsuot ng Malinis na Damit at Magpabango


FridayPrayer2.jpgSinabi ni Propeta Muhammad (SAW), “Ang bawat Muslim ay dapat na magsagawa ng isang ritwal na paliligo sa araw ng Biyernes at magsuot ng kanyang pinakamagandang   damit, at kung mayroon siyang pabango, dapat niya itong gamitin.”[1]





2.       Magparating  ng mga Pagpapala sa Propeta


Labis na itinatagubilin na magparating  ng kapayapaan at pagpapala kay Propeta Muhammad (SAW) tuwing araw ng Biyernes tulad ng sinabi ng Propeta, "Humiling ng pagpapala para sa akin, ng maraming beses, sa araw ng Biyernes at sa gabi (bago ito); para sa sinumang gumagawa nito, magiging saksi ako at tagapamagitan sa kanya sa Araw ng Paghuhukom. "[2]





Maaari itong gawin sa pamamagitan lamang ng pagsasabi at pag-uulit ng mga salitang, "Allahumma sal-ly wa sal-lim 'Ala Muhammad." Ang pag-uulit sa mga simpleng salita ito anumang oras sa araw ng Biyernes ay nagbibigay ng mga malaking pagpapala gaya ng nabanggit na pahayag sa itaas mula kay Propeta Muhammad (SAW).





3.       Dagdagan ang Pagsusumamo


Ang isang Muslim ay dapat dagdagan ang kanyang pagsusumamo sa Allah sa araw ng  Biyernes dahil mayroong oras sa araw na ito na ang Allah ay tumutugon at ipinagkakaloob ang anumang makabubuti na hinihiling sa Kanya. Sinabi ng Propeta, "Mayroong oras sa araw ng Biyernes kung saan walang Muslim na humihiling sa oras ito maliban na ipagkakaloob ng Allah anuman ang hinihiling niya." [3]





Ang isa ay maaaring humiling sa anumang wika na kanyang nais. Ang mga kabutihan ng pagsusumamo ay nasasakop sa mga nakaraang aralin.





4.       Dumating ng Maaga sa Moske (Masjid) 


Sinabi ni Propeta Muhammad (SAW), "Ang sinumang maligo sa araw ng Biyernes tulad ng isa na nililinis ang sarili mula sa sekswal na karumihan, pagkatapos ay aalis sa pinaka-maagang oras, kung gayon siya ay tulad ng isang tao na nag-aalay ng isang kamelyo; ang dumarating pagkatapos ay tulad ng isa na nag-aalay ng isang baka; ang dumarating pagkatapos ay tulad ng isa na nag-aalay ng isang tupa; ang dumarating pagkatapos ay tulad ng isa na nag-aalay ng isang manok; ang dumarating pagkatapos ay tulad ng isa na nag-aalay ng isang itlog. Kapag dumating na  ang Imam, ang mga anghel ay naroroon upang makinig sa pag-alala o pangaral (ang khutbah). "[4]





Kung ang isang tao ay huling dumating, hindi siya dapat na humakbang sa mga tao na nakaupo na sa mga hilera, o paghiwalayin ang dalawang tao na nakaupo ng magkatabi. Hindi rin niya dapat paalisin ang ibang tao at okupahin ang kanilang lugar. Ang isang Muslim ay hindi dapat maglakad nang tuloy-tuloy sa harap ng isang taong nagdarasal.





5.      Umupo Malapit sa Imam 


Ang isang tao ay dapat na sikaping dumating nang maaga at umupo malapit sa Imam na naghahatid ng pangaral. Ang pag-upo ng mas malapit sa Imam ay mas mabuti kaysa sa pag-upo sa likurang mga hilera o pagsandal sa tabi ng pader. Kung ang isang bagong Muslim ay nahihirapang umupo sa sahig sa loob ng kalahating oras o higit pa, maaari siyang umupo kung saan siya makakaramdam ng kaginhawahan, ngunit dapat niyang subukan na sanayin ang sarili na maupo ng mas malapit sa Imam.





6.       Huwag Makipag-usap Sa panahon ng Khutbah 


Gayundin, ang isang Muslim ay dapat makinig sa sermon at hindi makipag-usap sa panahong ito, kahit na ito ay inihahatid sa wikang Arabik. Ang pakikipag-usap sa oras ng pagdarasal ng Biyernes ay isang seryosong bagay. Sinabi ni Propeta Muhammad (SAW), "Kung sasabihin mo sa iyong kaibigan, 'Tumahimik,' sa araw ng Biyernes habang ang Imam ay nagbibigay ng pangaral, kung gayon ang iyong sinabi ay walang kabuluhan." [5]





Sa iba pang pagsasalaysay, sinabi ng Propeta, "... ang sinumang magsalita ng mga bagay na walang kabuluhan ay itinuturing na hindi siya dumalo sa pagdarasal ng Biyernes!" [6]





7.       Magdasal ng Dalawang Rakah Pagkapasok sa Moske bago Umupo





Kung darating ka sa moske ng maaga, dapat kang magdasal ng dalawang rakah bago umupo. Kung darating ka habang ang Imam ay nagbibigay ng pangaral, dapat mo pa ring idasal ang mga ito, ngunit gawin itong maikli. Sinabi ng Propeta, "Kung sinuman sa inyo ang pumasok sa moske sa araw ng Biyernes habang ang Imam ay nagbibigay ng khutbah, hayaan siyang magsagawa ng dalawang rakah at maging maikli sa paggawa nito." [7]





8.       Huwag Bumili o Magbenta kapag Tinawag na ang Adhan 


Ang pagbabawal na ito ay batay sa Quran mismo,





“...kung ang Adhan ay ipinahayag na para sa pagdarasal sa araw ng  Biyernes, magmadali sa pag-alala sa Allah at iwanan ang pakikipagkalakalan ... "(Quran 62: 9)





9.    Ang pagdarasal sa araw ng Biyernes na binubuo ng dalawang rakah ay isinasagawa pagkatapos ng sermon o khutbah sa likuran ng isang Imam. Ang isang taong hindi umabot dito ay dapat na magdasal ng apat na rakah ng regular na pagdarasal ng Dhuhr.





10.  Maaari kang magdasal ng dalawa o apat na rakah ng Sunnah (ipinapayo) pagkatapos ng pagdarasal sa araw ng Biyernes.





Gumawa ng Kasunduan sa Amo o Pinuno para sa Oras ng Salat ul-Jumuah 


Ang hindi mabilang na mga Muslim ay nahihirapang umalis mula sa kanilang mga negosyo, paaralan, at mga amo o pinuno upang dumalo sa pagdarasal sa araw ng Biyernes. Ang pagdarasal sa araw ng Biyernes ay isang pangrelihiyong obligasyon at ang isang bagong Muslim ay dapat makipag-ayos sa kanilang paaralan o amo o pinuno upang kumuha ng oras para sa pagdalo dito. Maaari mong palitan ang mga nawalang oras sa pamamagitan ng dagdag na trabaho sa buong linggo o umuwi ng huli sa araw ng Biyernes. [8]



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG