Kahalagahan ng Umrah
Umrah1.jpgAng kahalagahan ay matatagpuan sa maraming mga teksto; atin itong itatala dito sa pamuntong anyo.
1. "Maging matatag at isagawa ang Umrah matapos isagawa ang Hajj; sapagkat sa katiyakan ito ay mag-aalis ng kahirapan at mga kasalanan sa paraang katulad ng isang panday na nagpapadalisay ng bakal, ginto at pilak. Katiyakan ang tanggap na Hajj ay walang gantimpala maliban sa Jannah (Makalangit na Tahanan)."[1]
2. "Ang pagsasagawa ng isang Umrah na sinundan ng isa pa ay papawi sa lahat ng mga kasalanan sa pagitan ng dalawa."
3. "Ang Jihad para sa matanda, mahina at mga kababaihan ay Hajj at Umrah."[3]
Mga Haligi ng Umrah
Mayroong tatlong mga haligi ang Umrah:
Ihram
Tawaf
Sa’ee
Ihram: Ang Ihram ay tumutukoy sa isang kalagayang pinapasok ng isang tao, kung saan siya ay pinagbabawalang gumawa ng ilang mga bagay. Kabilang dito ang paglalagay ng pabango, paggupit ng mga kuko o pagputol ng buhok at pagtakip ng ulo ng tuwirang pantakip sa ulo.[4] Ang isang lalaki ay nagsusuot ng dalawang tela na tinatawag na "Izaar" at "Ridaa" at dapat niyang iwanan ang kanyang ulong walang takip. Ang "Ridaa" ay nagtatakip sa itaas na bahagi ng katawan, samantalang, ang "Izaar" ay magtatakip sa ibabang bahagi ng katawan.
scan0003 copyAng isang babae ay maaaring magsuot ng kanyang karaniwang damit, subalit hindi siya dapat magsuot ng guwantes o isang "niqab". Maaari niyang iladlad ang kanyang pandong o takip sa ulo sa kanyang mukha sa harap ng mga di-mahram na lalaki.
Tawaf: Ito ay ang pag-ikot sa palibot ng Kabah. Ang isang tao ay isinasagawa ito ng pitong beses.
Sa’ee: Ito ay ang paglakad at pagtakbo sa pagitan ng mga burol ng Safa at Marwa.
Ang mga ito ang tatlong mga haligi ng Umrah. Ang Umrah ay mayroon ding dalawang kinakailangang gawain na dapat matugunan:
1. Pagpasok sa kalagayang Ihram sa labas ng Haram (santuwaryo) lugar (mula sa Miqat himpilan).
2. Pag-aahit o pagpapaikli ng buhok (para sa lalaki) at paggupit ng kaunting bahagi para sa babae.
Pamamaraan ng Umrah
Kapag ang isang tao ay dumating sa himpilang Miqat, maging ito ay sa pamamagitan ng panlupa o sa pamamagitan ng panghimpapawid dapat nilang isuot ang kinakailangang pananamit ng Ihram. Ang isang tao ay maaaring maglagay ng pabango sa kanyang katawan bago pumasok sa kalagayang Ihram, kung nanaisin niya, subalit hindi sa kanyang mga suot. Hindi siya dapat maglagay ng pabango pagkatapos pumasok sa kalagayang Ihram.
Bago lisanin ang himpilang Miqat, siya ay dapat magsabi ng: "Labbaik Allaahumma bi 'Umrah" (Narito ako O Allah bilang tugon sa Iyong panawagang magsagawa ng Umrah). Sa pagsasabi nito siya ay pumapasok sa kalagayang Ihram.
Sila magkagayun ay magsisimulang manambitan ng Talbiyah sa pagsasabing: “Labbaik Allaahumma labbaik, labbaika laa shareeka laka labbaik, innal-hamda wan-ni’mata laka wal mulk, laa shareeka lak”[5].
untitledPatuloy silang mananambaitan dito hanggang sa marating nila ang Kabah at magsimulang magsagawa ng Tawaf. Ang isang lalaki ay dapat na ilantad ang kanyang kanang balikat sa buong Tawaf; ito ay ginagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng gitnang bahagi ng Ridaa sa ilalim ng kanang braso at pagsampay ng magkabilang dulo ng tela sa kaliwang balikat.
Pagkatapos nito, siya ay iikot sa palibot ng Kabah ng pitong beses; bawat yugto ay magsisimula sa Itim na Bato. Hindi niya kinakailangang pisikal na hawakan o halikan ito, subalit kapag siya ay nakahilera na dito, sisimulan nila ang kanilang pag-ikot sa puntong yaon. Habang nasa Tawaf, siya ay dapat isaalang-alang si Allah, paghiling sa Kanya at pagsusumamo para sa Kanyang awa. Siya ay dapat umiwas sa walang kabuluhang pangungusap at pagtawa, dahil maaaring ito ay isang beses sa tanang buhay lamang na pagkakataon na kung saan hindi dapat ito ipagwalang bahala!
Kapuri-puri para sa kanyang maglakad nang mas mabilis na paghakbang sa unang tatlong mga ikot.
Ang Propeta, nawa'y ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay nagsasabi ng mga sumusunod sa pagitan ng kantong Yemeni at ng Itim na Bato:
Rabbanaa aatina fid-dunya hasanah wa fil-aakhirati hasanah wa qina ’adhaban-naar
Ang kahulugan: O aming Panginoon, pagpalain kami ng kabutihan sa buhay na ito at sa susunod na buhay at iligtas kami mula sa pagpapahirap ng Impiyerno.
mqmibrm.gifKapag ang ikapitong ikot ay natapos na, dapat nilang takpan ang kanilang balikat at magsagawa ng dalawang yunit na pagdarasal sa likod ng Maqam ni Abraham (Himpilan ni Abraham[6]). Kung ito ay hindi maaari (dahil sa karamihan ng tao) magkagayun ay siya ay maaaring magdasal sa kahit saan sa Moske.
Matapos ang pagdarasal ay dapat uminom ng tubig Zamzam dahil sa ito ay pinagpala. Ang Propeta ay nagsabi: 'Ang tubig Zamzam ay para sa kung saan ang pag-inom.'[7]
Sa pamamagitan nito, ang unang yugto ng Umrah ay nagtapos. Habang siya ay papalapit sa burol ng Safa sila ay bibigkas:
“Innas-safaa wal-marwata min sha’aa-iril-laah, faman hajjal-baita a-wi’tamara falaa junaaha ’alaihi an yat-tawwafa bi-hi-maa wa man ta-tawwa’a khairan fa-innallaaha shaakirun ’aleem.”
Ang kahulugan: Katiyakan, ang as-Safa at al-Marwah ay kabilang sa mga simbolo ni Allah. Kaya sinumang magsagawa ng Hajj sa Bahay o magsagawa ng Umrah - walang paninisi sa kanya para sa paglalakad sa pagitan ng mga ito. At sinuman ang magkusa sa kabutihan - magkagayun katiyakan, si Allah ay mapagpasalamat at Maalam. (Qur'an 2:158)
Pagkatapos nito siya ay dapat magsabing: “Ab-da’u bi-maa bada-allaahu bihi.”
Ang kahulugan: Ako ay nagsimula sa kung saan nagsimula si Allah.
Ito ay binibigkas lamang sa unang pagkakataon.
Untitled-1111Pagkatapos nito, siya ay lalakad patungo sa bahagyang pakiling sa burol ng Safa at pagkatapos ay nakaharap sa Kabah. Ito ang pagkakataon kung saan ang pagsusumamo ay tinatanggap at dapat nilang ulitin ang kanilang mga pagsusumamo ng tatlong beses. Pagkatapos nito, ang isang tao ay dapat lumakad sa pagitan ng mga burol ng Safa at Marwa at tumakbo sa pagitan ng mga berdeng mga ilaw, hanggang sa marating nila ang burol ng Marwa. Dito siya ay upang magsumamo tulad ng ginawa nila sa burol ng Safa. Ang paglalakbay na ito sa pagitan ng mga burol ng Safa at Marwa ay itinuturing na isang biyahe; ang isang tao ay may pitong mga biyahe mula sa Safa at nagtatapos sa Marwa.
Ang huling hakbang sa Umrah ay paikliin o ahitin ang buhok para sa isang lalaki at gupitan ang isang maliit na bahagi para sa isang babae. Sa pamamagitan nito ang Umrah ay nagtatapos.
Sa ikalawang bahagi ating tatalakayin ang mahahalagang mga paksa na tumutukoy sa Ihram at talakayin ang mahalagang mga payo na kanyang dapat malaman kapag nagsasagawa ng Umrah.
Sa nakaraang aralin, nabanggit natin ang mga kondisyon ng Umrah at ang pamamaraan kung paano isasagawa ito. Gaya ng natalakay sa unang bahagi, ang pagpasok sa kalagayang Ihram ay isang haligi ng dakilang ritwal na ito. Dahil ito ay isang napakahalagang bahagi ng karanasan sa Umrah at Hajj, kinakailangang magbigay ng higit pang liwanag sa 'dapat' at 'hindi dapat' sa kalagayang ito.
Mga Kapuri-puring Kasanayan
1. Higit na mainam na isagawa ang ritwal na pagligo bago pumasok sa kalagayang Ihram.
2. Paggupit ng mga kuko sa kamay, pagpapaikli sa bigote, at pagbunot/pag-ahit ng kilikili at balahibo sa maselang bahagi bago pumasok sa kalagayang Ihram.
3. Pagpasok sa kalagayang Ihram pagkatapos isagawa ang isang obligadong pagdarasal.[1]
4. Pagbigkas ng Talbiyah: ‘Labbaik Allaahumma labbaik…’ pagkatapos pumasok sa kalagayang Ihram. Ang mga kalalakihan ay dapat palakasin ang kanilang mga tinig habang binibigkas ito at ang mga kababaihan ay maaaring bigkasin ito ng tahimik sa kanilang mga sarili.
Mga Kasanayang Dapat Iwasan
Ang mga kasanayang dapat iwasan ay tinutukoy bilang 'Mahdthoorat' ng Ihram. Ang mga gawaing ito ay hindi pinahihintulot para sa isang nasa kalagayang Ihram. Ang mga ito ay nahahati sa tatlong mga kategorya; isang natatangi sa mga kalalakihan, isang natatangi sa mga kababaihan at isang may kinalaman sa dalawa.
Ipinagbabawal para sa mga Kalalakihan at mga Kababaihan habang nasa kalagayang Ihram:
1. Paggupit ng buhok o pag-ahit nito mula sa alinmang bahagi ng katawan.
2. Paggupit ng mga kuko sa mga kamay at mga paa.
3. Paglalagay ng pabango, gaano man kabanayad ang amoy.
4. Pangangaso ng mga panlaruang mga hayop.
5. Kaganapan sa pag-aasawa.
6. Mubasharah (ito ay pagdikit sa babae nang balat sa balat) o paggawa ng isang bagay na maaaring humantong dito tulad ng pakikipaghalikan o pakikipagkarinyuhan.
7. Sekswal na pakikipagtalik.
Natatanging ipinagbabawal para sa mga Kalalakihan:
1. Pagtatakip ng ulo nang tuwiran ng isang sumbrero o isang turban. Ang mga payong o pag-upo sa lilim ng isang sasakyan o sa isang tolda ay pinahihintulot.
2. Ang pagsusuot ng mga tinahing damit na karaniwang isinusuot, tulad salawal, kamiseta at iba pang katulad na mga kauri ng damit.
Natatanging ipinagbabawal para sa mga Kababaihan:
Ang isang babae ay hindi dapat takpan ang kanyang mukha maliban kung may mga kalalakihang dumaan sa harapan niya. Siya ay maaaring magsuot ng anumang nais niya hangga't ito ay naayon sa Islamikong pamantayan ng pananamit, at dapat niyang takpan ang kanyang buhok at hindi siya dapat magsuot ng guwantes.
Paggawa ng Mahdthoorat dahil sa Kamangmangan
Kung mayroong makagawa ng isa sa mga ito dahil sa kamangmangan siya ay pinauumanhinan. Sinuman ang makagawa ng isa sa mga nasa itaas na Mahdthoorat pagkatapos pumasok sa kalagayang Ihram ng sinasadya ay nakagawa ng isang kasalanan, at kinakailangang mag-ayuno ng tatlong araw o magpakain ng anim na mahihirap /nangangailangang mga indibidwal.
Mga Kasanayang Pinahihintulutan
1. Pagsasagawa ng pagligo.
2. Pagsusuot ng sing-sing.
3. Pagsusuot ng sinturon.
4. Pagsusuot ng sandalyas.
5. Paggamit ng payong.
6. Paggamit ng bendahe.
7. Pagsakay ng bus.
8. Pagsusuot ng relo.
9. Pagsusuot ng salaming-pang-araw.
Mga Di-mapananaligang Kasanayan
Dahil sa napakaraming bilang ng mga taong nagmumula sa lahat ng antas ng pamumuhay para sa Umrah sa buong pagdaan ng taon, mahalaga na siya ay hindi malinlang sa mga kilalang paniniwalang maaaring dala-dala ng ilan. Ang Islam ay relihiyon ng kagaangan, hindi kahirapan! Si Allah, ang Kataas-taasan, ay nagsabi:
"At sa gayon ginawa Namin kayong isang makatarungan/katamtamang bansa." (Qur'an 2:143)
Sa liwanag ng talatang ito, ating babanggitin dito ang ilang mga kakaibang paniniwala na dala-dala ng ilan. Siya ay dapat na maging maingat para sa kanila at hindi umayon sa kanila:
1. Paniniwalang mangangailangan ka ng isang natatanging pares ng sandalyas para sa Umrah.
2. Pagpasok sa kalagayang Ihram bago sa himpilan ng Miqat.
3. Pagsambit ng Talbiyah sa isang magkakasamang tinig sa isang grupo.
4. Pagtataas ng mga kamay, bilang ginagawa sa pagdarasal, kapag humaharap sa Itim na Bato.
5. Paglalagay ng kanang kamay sa kaliwang kamay habang nasa Tawaf (pag-ikot sa palibot ng Kabah)
6. Paggawa ng isang natatanging pagsusumamo sa bawat sulok ng Kabah.
7. Paghalik sa sulok ng Yemeni.[2]
8. Paghahangad ng mga pagpapala mula sa Kabah sa pamamagitan ng pagpupunas sa mga dingding nito ng isang tela o pananamit ng Ihram.
9. Paghalik at paghaplos sa Maqam ni Abraham (Himpilan ni Abraham).
10. Pagdarasal ng dalawang rakahs pagkatapos maisagawa ang Sa'ee.
Mahalaga para sa isang Muslim na laging sundin ang halimbawa ng ating minamahal na Propeta, nawa'y ang awa at mga pagpapala ni Allah ay sumakanya, dahil ang tagumpay ay nakasalalay dito.
Ang Pilgrimo (Hajj)
Introduction
ThePilgrimageHajj1.jpgTaon taon milyon-milyon ang nagbibigkas ng Talbiyah ‘Lab’baik Al’laahum’ma Lab’baik, Lab’baika laa Shareeka laka Lab’baik, In’nal Hamda wan Ni’mata laka wal Mulk, Laa Shareeka lak’[1].
Ang 'Talbiyah' na ito ay isang proseso himala; henerasyon sa henerasyon, taon-taon, milyun-milyon ang nagbigkas nito at sasabihin nila ito bilang tugon sa panawagan ni Propeta Abraham. Ang Allah, ang Dakila, ay nagsabi:
“At ipaalam mo, O Abraham, sa sangkatauhan ang kautusan sa kanila na magsagawa ng Hajj, na sila ay tutungo sa iyo batay sa antas ng kani-kanilang kalagayan, may naglalakad, at may nakasakay sa mga payat na kamelyo; pupunta sila sa iyo na nagmula pa sa mga malalayong lugar” (Quran 22:27)
Naiulat ito mula sa totoong tradisyon, nang ang Propeta Abraham ay matapos ang pagtatayo ng Kabah, sinabi sa kanya, 'Tawagin ang mga tao!' At pagkatapos ay sinabi niya, 'Panginoon ko, gaano kalayo ang maabot ng aking tinig?' at sinabi sa kanya, 'Tumawag ka, kami ang magpapaabot sa iyong panawagan na umabot sa malalayong lugar!' Si Propeta Abraham ay nanawagan: "O mga tao katunayag ang Allah ay nagtagubilin ng pilgrimo (Hajj) sa inyo sa Sinaunang Bahay (Kabah)!" narinig ng mga tao ang kanyang tinig at sila ay tumugon mula sa lahat ng lugar habang nagbibigkas nitong Talbiyah! [2]
Sa seryeng ito ng Hajj, paguusapan natin ang tungkol sa ilang mahahalagang aspeto ng Hajj, mga bagay na dapat isa-isip ng lahat kasama ang praktikal na payo na gagabay sa isang tao sa pagsasagawa nito.
Kagandahan ng Hajj
Maraming kagandahan ang Hajj, ang babanggitin ko dito ay ang mga kagandahan na tumutukoy sa Hajj sa pangkalahatan, at pagkatapos ay babanggitin ang natitirang bahagi ng mga ito habang tinatalakay ang pamamaraan ng Hajj.
1. Ito ang ikalimang haligi ng Islam. Ang Allah, ang Dakila, ay nagsabi:
“…Ang Hajj sa Tahanan ay isang tungkulin ng sangkatauhan sa Allah, sa mga may kakayahang gumugol (sa sasakyan, pagkain at tirahan)…” (Quran 3:97)
2. Ito ay isang tungkulin na isinasagawa ng isang Muslim na may buong dangal at pagsuko sa Diyos lamang. Dahil sa pagiging mahirap nito inilarawan ito ng Propeta bilang isang anyo ng Jihad (pakikibaka); tama naman, dahil nangangailangan ito mula sa tao ng sakripisyo sa kanilang pera, oras at dapat silang maging mapagtimpi sa kabuuan ng gawaing pagsamba. Si A'ishah, nawa ay malugod ang Allah sa kanya ay sinabi: "Sinabi Ko O Sugo ng Allah (SWT) Ang pananaw namin sa Jihad ay isa sa pinakamainam na mga gawain; hindi ba natin gagawin ang Jihad? "Sinabi niya sa kanya:" Ang pinakamainam na Jihad (para sa iyo) ay isang Hajj na tinanggap. "[3]
3. . Ang gawaing ito ng pagsamba ay nangangailangan na ang isang tao ay ialay ang lahat ng nasa kakayahan na ibinigay ng Diyos upang magawa ito! Ipinangako ng Diyos sa mga taong nagampanan ang gawaing pagsamba na ito ang isang malaking gantimpala; ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay sinabi: Ang tinanggap na Hajj (Hajj Mabroor) ay walang ibang gantimpala maliban sa Jannah (Tahanan ng Paraiso).[4]
4. Ang Propeta ay tinanong: "Ano ang pinakamainam na gawain sa paningin ng Diyos?" Sumagot siya: "Paniniwala sa Allah!" Pagkatapos ay tinanong siya, "Ano ang sunod?" Sumagot siya: "Jihad sa landas ng Allah". Pagkatapos ay tinanong siya, "Ano ang susunod?" Sabi niya: "Isang tinanggap na Hajj!"[5]
5. Ang Propeta ay nagsabi: "O Amr 'hindi mo ba nalalaman na ang Hajj ay nagpapawi ng lahat ng mga kasalanang nagawa bago ito ( Hajj)?"[6]
6. . Ang Propeta ay nagsabi: Ang isang nagsasagawa ng Hajj na hindi nagsagawa ng sekswal na gawain kasama ang kanyang asawa sa panahon ng Hajj at hindi nag-asal ng kasamaan (sa panahon ng Hajj) ay babalik mula sa Hajj sa araw yaon na siya ay parang bagong silang (malinis sa kasalanan).[7]
7. Sinabi ng Propeta: "Habang ang kamelyo ng isang tao na dumarating para sa Hajj ay itinataas at binababa ang mga paa nito habang naglalakad papunta sa Mecca para sa pilgrimo, ang taong naghahangad ng Hajj ay nakatatanggap ng gantimpala para sa bawat hakbang at isang kasalanan ang buburahin sa bawat hakbang at siya ay inaangat ang ranggo. "[8]
8. Sinabi rin ng Propeta: "Ang nagsasagawa ng Hajj ay isang panauhin ng Allah; Tinawag Niya sila na gawin ang tungkuling ito at sinagot nila ang tawag na iyon! Sila ay mananalangin sa Kanya at Siya ay tutugon sa kanila. "
Mga kondisyon ng Hajj
Inuuri ng mga iskolar ang mga kondisyon para sa katungkulan ng Hajj sa iba't ibang mga uri, ngunit sa pangkalahatan lahat ay sang-ayon na ang mga nauugnay na kondisyon na naaangkop sa panahon ngayon ay ang mga sumusunod:
1. Pagiging isang Muslim.
2. Tamang pag-iisip at pagiging makatwiran na kapasidad.
3. Umabot sa tamang gulang.
4. Kakayahan (salapi at pangangatawan).
Ang unang kondisyon sa 'pananampalataya' ay isang pangunahing kailangan sa lahat ng mga uri ng pagsamba. Kahit na naperpekto ang isang gawain ng pagsamba at ginagawa ito sa isang dalisay na paraan, hindi ito tatanggapin maliban kung ang taong iyon ay isang Muslim. Ang Allah, ang Dakila, ay nagsabi:
“At Kami ay babaling sa mga gawa na kanilang ginawa at ikalat sila na parang alabok.” (Quran 25:23)
Ang ikalawang kondisyon ng kakayahan sa pag-iisip at pagiging makatwiran ay isang pangunahing kailangan para sa lahat ng mga gawaing pagsamba, at kung wala ito ang mga gawain ng isang tao ay hindi tatanggapin. Sinabi ng Propeta:
“Tatlo ang hindi mananagot sa kanilang mga pinaggagagawa "at binanggit niya sa kanila:" isang nasiraan ng bait hanggang sa siya ay muling magbalik sa kanyang katinuan.”[9]
Ang ikatlong kondisyon ang siyang mahalaga. Kung ang isang tao ay nagsasagawa ng Hajj bago siya umabot sa edad ng pagbibinata/pagdadalaga, kinakailangan nila gawin ito muli kapag umabot na sila sa edad ng pagbibinata/pagdadalaga. Ang katibayan para sa kondisyong ito ay binanggit sa tradisyon, kung saan binanggit ng Propeta ang tatlo na hindi mananagot sa kanilang mga gawa, sinabi niya: "isang bata hanggang sa maabot niya ang edad ng pagbibinata/pagdadalaga."
Ang ika-apat na kondisyon ng kakayahan ay maaaring hatiin sa dalawang bahagi; kakayahan sa mga tuntuning pinansiyal at lakas ng pangangatawan.
Kung ang isang tao ay walang pinansiyal(salapi) na kakayahan, hindi siya pinipilit magsagawa ng pilgrimo. Sa halip hindi magiging obligado sa kanya ang pagsasagawa ng Hajj. Siya ay makakatanggap ng gantimpala dahil sa kanyang layunin.
Parehas lang din ito isang tao na walang kakayahang pisikal ; hindi siya obligadong pumunta mismo para sa Hajj, ngunit kung mayroon siyang pinansiyal na kakayahan, maaari siyang magpadala ng isang tao sa kanyang ngalan upang magsagawa ng Hajj.
Ang kalagayan na ito ay may iba pang sukatan na may kinalaman sa kababaihan. Kung wala silang mahram na maaaring sumama sa kanila sa paglalakbay na ito, sila rin ay malaya (hindi obligado) na magsagawa ng Hajj.
Sa susunod na aralin tatalakayin natin kung paano isinasagawa ang Hajj.
Panimula
ThePilgrimageHajj2.jpgAng Hajj ay isang haligi ng Islam at isang gawaing pagsamba na pinagsasama ang, paniniwala, salita at pagkilos; sa maikling salita ito ay isang gawaing pagsamba na nangangailangan ng iyong buong pansin. Mas mainam para sa iyo na magpaliban muna sa pamimili, habulin ang mga hindi pangkaraniwang gantimpala, na tiyak na makikita mo, pagkatapos ng panahon ng Hajj.
Isang mahalagang aparato na hindi mo dapat kalimutan ay isang cell phone. Ipinapayo na huwag gumamit ng isang mamahaling aparato sa panahong ito, ngunit gumamit lamang ng mas mura na maaaring mabili sa Pilgrims City (Syudad ng mga Pilgrimo, sa iyong pagdating sa Saudi). Ang mga cellphone na ito ay karaniwang ibinebenta na may kasamang isang pre-paid SIM card. Ilista ang numero ng direktor ng iyong pangkat at pinuno ng Hajj sa cell phone.
Mayroong 3 uri ng Hajj at ang seryeng ito ay ipapaliwanag ang pinaka karaniwang uri, ang Hajj Tamattu '. Dito, ay isasagawa mo ang Umrah pagdating pagkatapos ang pagdating mula sa iyong bansa bago ang ika-8 ng Dhul-Hijjah (ang pamamaraan ng pagsasagawa ng Umrah ay ipinaliwanag na kanina).
Ika-8 Araw ng Dhul-Hijjah
Tayo ngayon ay nasa ika-8 ng Dhul-Hijjah. Ito ay kilala bilang 'araw ng Tarwiyah' o 'ang araw ng pagkuha ng tubig at pagtatanggal ng uhaw.' Tinatawag ito sa pangalang ito, sapagkat ang mga pilgrimo ay maghahanda para sa mahabang araw at gabi na ito sa pamamagitan ng pagpapakain sa kanilang mga hayop at pagtiyak na ang kanilang mga kamelyo ay may sapat na tubig para sa mahabang paglalakbay sa hinaharap. Sila din ay mag iimbak ng tubig para sa paghahanda sa araw ng Arafah, na karaniwan ay isang mainit at mahabang araw
Kapag ang araw ng Tarwiyah ay dumating, dapat na pumasok sa Ihram sa umaga mula sa lugar kung nasaan siya sa Mecca. Ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay sumakaniya, ang mga kasuotan ng Ihram sa oras ng Duha (ang oras pagkatapos ng pagsikat ng araw hanggang bago ito maging tirik sa tanghali). Dapat niyang sabihin ang mga sumusunod: Lab'baika Haj'jan (Narito ako O Allah na gumaganap ng Hajj) na nagpapahiwatig ng layunin ng pagsasagawa ng Hajj. Pagkatapos nito ay dapat sabihin ang Talbiyah ng patuloy: 'Lab'baik Al'laahum'ma Lab'baik, Lab'baika laa Shareeka laka Lab'baik, In'nal Hamda wan Ni'mata laka wal Mulk, Laa Shareeka lak'.[1]
Pagkatapos ay magpapatuloy kasama ang iyong grupo ng Hajj sa lugar ng Mina, na isang lungsod ng tolda(tent). Milyun-milyong tao ang nagtitipon dito sa araw na ito mula sa lahat ng sulok ng mundo. Mas wais na maingat mong tandaan ang lugar na pinaroroonan mo; ang bawat isa ay markado ng isang kulay at isang pagkakakilanlan na code. Kung ito ay di umubra, maaari mo lamang tanungin ang pangkalahatang lokasyon ng mga tolda ng iyong bansa.
Mahalaga na pagsumikapan ng bawat isa na makaabot sa Mina bago tumirik ang araw. Ang pilgrimo ay dapat maging abala sa kanyang sarili sa pag-alaala sa Allah at pagbabasa ng Quran. Dapat na maiwasan ang walang saysay na pag-uusap at talakayan ng makamundong bagay at pagtatalo.
Si Abu Hurairah, nawa ay kalugdan siya ng Allah ay nagsabi: "Narinig ko ang Propeta na nagsabi, 'Sinumang nagsasagawa ng Hajj at hindi gumawa ng anumang rafath (kalaswaan) o fusooq (paglabag), siya ay magbabalik (malaya mula sa kasalanan) tulad ng araw na kapanganakan ng kanyang ina sakanya'". (Saheeh Al-Bukhari)
005.jpgHabang narito, dapat gawin ng manlalakbay ang bawat pagdarasal (Dhuhr, Asr, Maghrib, Isha at Fajr) sa panahong nito. Hindi nila dapat pagsamahin ang mga pagdarasal, ngunit ang bawat apat na yunit ng panalangin ay pinaikli sa dalawang yunit.
Mayroong isang kagiliw-giliw na masjid sa Mina. Ito ay kilala bilang Masjid Kheef. Ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay nagsabi: "Pitumpu na mga Propeta ang nagsagawa ng pagdarasal sa masjid na ito." (Baihaqi)
Hindi obligado para sa tao na bisitahin ang masjid upang manalangin doon, ang ilan ay maaaring dala ang paniniwala na ito, ngunit walang batayan para dito.
Depende sa iskedyul ng bus para sa iyong grupo ng Hajj, maaari kang lumipat mula sa Mina hanggang sa susunod na hihintuan sa Hajj pagkatapos ng ilang sandali ng dasal ng Fajr o bago ang dasal ng Dhuhr ng ika-9 na araw ng Dhul-Hijjah.
Ang ika-9 na Araw ng Dhul-Hijjah
Ang ika-9 na araw ng Dhul-Hijjah ay tinatawag na Yaum ul-Arafah o ang araw ni Arafah. Ito ang pinakamahalagang araw ng Hajj. Ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay nagsabi: "Ang Hajj ay Arafah"(Ahmed)
Ang pilgrimo ay dapat manatili sa Arafah (isang lugar ng pilgrimo) hanggang bago ang paglubog ng araw. Ang Propeta ay nagsabi: "Ang pinakamainam na du'a (panalangin) sa araw ng Arafah; ang pinakamagandang bagay na aking sinabi at mga Propeta bago ako ay "Laa ilaahah il'la Allah wahdahu laa shareeka lahu, lahul-mulk wa lahul-hamd yuh'yee wa yu'meet wa hu'wa 'alaa kol'lee shay 'sa qadeer.”[2] (Sahih at-Targhib)
Sa susunod na aralin ay matututuhan natin ang natitirang mga gawain sa Hajj.
Ang Ika-9 na araw at Higit pa
ThePilgrimageHajj3.jpgAng ika-9 na araw ay talagang isang mahalagang araw, kaya samantalahin ang bawat sandaling ito sa produktibong pamamaraan! Ang isa sa mga pinakamainam na bagay na magagawa ay ang pananalangin sa Allah para sa lahat ng nais nila sa buhay na ito at sa susunod. Maaaring isipin ng ilan na hindi nararapat humiling sa Allah para sa mga kayamanan sa mundo, ngunit walang kasalanan sa paggawa nito. Sa katunayan, ang Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay sumasakanya, ay nanalangin para kay Anas, Kalugdan nawa siya ng Allah, na sinasabi: “O Allah dagdagan siya sa kayamanan, at bigyan siya ng maraming anak at pagpalain siya.”[1] Pagsikapan at gawin ng bawat isa na magsisi at mangako sa Allah na sila ay magbabago na ng kanilang buhay.
Sa paglubog ng araw, ang isa ay dapat ng umalis sa lugar ng Arafah patungo sa Muzdalifah. Yamang ang sinuman ay maaaring kasama sa isang grupo ng Hajj, at maaari silang umalis nang nang mas maaga. Pagdating sa Muzdalifah dapat magsagawa ng pagdarasal ng Maghrib at Isha (pagsasamahin ang mga ito at papaikliin ang Isha sa dalawang yunit) para pagkatapos ay makapagpahinga ng maayos sa gabi. Ang isang karaniwang pagkakamali na ginagawa ng marami ay ang paggugugol nila ng kanilang gabi sa pakikipag-kwentuhan, pagkuha ng mga selfie o pag-surf sa internet. Ito ay hindi nararapat, tulad ng Propeta, ang awa at pagpapala ng Allah ay sumasakanya, ipinahiwatig na ang isa ay dapat igugol ang gabing ito sa pagpapahinga hangga't kaya nila. Ang isa ay dapat magpatuloy sa pagsasabi ng Talbiyah sa yugtong ito ng pilgrimo.
Ang ika-10 na Araw(Ang Araw ng Eid)
Ito ang 'puno ng aksyon' na araw para sa nagpipilgrimo. Ang karamihan sa mga ritwal ng Hajj ay ginagawa dito. Pinakamainam na sinusunod ng isa ang mga ritwal sa araw na ito sa paraang ginawa ni Propeta Muhammad.
Sa paggising para sa pagdarasal ng Fajr at pagsasagawa nito, dapat samantalahin ng isa ang oras na iyon upang manalangin sa Allah, gayundin ang magtipon ng 7 na maliit na na mga bato para sa ritwal ng pagbabato na magaganap sa araw na ito. Ang pagkuha ng ilang sobra ay hinihikayat.
Kadalasan pagkatapos nito, dadalhin ng grupo ng Hajj ang mga pilgrimo pabalik sa Mina, kung saan babatuhin nila ang pinakamalaking haligi, na pinakamalapit sa Mecca. Ang haliging ito ay kilala bilang Jamaratul-Aqabah. Dapat alalahin na ang mga haliging ito ay hindi ang 'diyablo', kundi isang haligi lamang. Kaugnay ng dahilan sa likod ng ritwal na ito, makikita ng isa ang mga pinagmulan nito sa kuwento tungkol kay Propeta Abraham at Ismail, sumakanila nawa ang kapayapaan. Ang diyablo ay lumapit kay Ismail at sinubukan na kumbinsihin siya na sumuway sa kanyang tatay sa tatlong lugar na ito. Ang pagbato ngayon ay isinasagawa bilang pagsunod sa utos ng ating Propeta. Sa bawat bato na itinatapon ang sasabihin ay 'Allahu Akbar'.
Matapos ang pagbabato ng Jamratul-Aqabah, ang isa ay maari ng magkatay ng hayop na kanilang iaalay. Sa panahon ngayon, ang prosesong ito ay halos awtomatik sa pamamagitan ng malalaking korporasyon na nagsasagawa nito sa ngalan ng mga nagpipilgrimo. Matapos ng hakbang na ito, maaaring mag-ahit ang isa o i-trim ang kanilang buhok nang pantay-pantay. Para sa mga kababaihan, sapat na mag-gupit ng isang maliit na parte ng buhok.
Kapag nakumpleto na ang mga gawain na ito, ang isa ay magtungo na sa Haram upang magsagawa ng tinatawag na Tawaf Al-Ifaadah, at ang Sa'ee ng Hajj. Ito ang limang mga gawain na dapat gawin sa araw na ito. Kapag ang Tawaf ay isasagawa na, dapat ihinto ang pagsasabi ng Talbiyah at sa halip ay sabihin:“Allahu Akbar, Allahu Akbar, La ilaahah il-lal-lah. Allahu Akbar, Allahu Akbar, Wa-lil-laahil-hamd”. [3]
Dahil sa walang hangganang habag ng Islam, binigyan tayo ng Propeta ng mga pahintulot na nagpapadali sa atin sa dakilang pagsasagawang ito. Isipin, kung ang lahat ng pilgrimo ay kailangang mahigpit na sundin ang utos na ito, napakatindi at napakalubhang pahirap nito para sa mga tao! Sa katunayan, ang Propeta, ay nilapitan ng mga kasamahan at nagsabi sa kanya na hindi nila ginawa ang mga gawain ng araw na ito sa kanyang pagkakasunud-sunod. Sinabi ng Propeta sa kanila: “Maaari ninyong gawin iyan, at wala kayong kasalanan!” Isa sa mga Kasamahan ay dumating sa kanya at sinabi: "O Propeta ng Allah, ginawa ko ang Sa'ee bago ko ginawa ang Tawaf!" Sinabi ng Propeta: “Maaari ninyong gawin iyan, at wala kayong kasalanan!”[4]
Kung ito ang unang Hajj ng mga nagpipilgrimo, dapat silang manatili sa kanilang mga grupo. Ang pagkawala sa anumang yugto ng Hajj ay isang hindi malilimutang karanasan na ayaw mong magkaroon o maranasan!
Ang Ika-11, Ika-12, Ika13 na Araw
Ang mga araw na ito ay kilala bilang ang Araw ng Tashreeq. Inilarawan ni Propeta Muhammad ang mga araw na ito sa pagsasabi: "Ang mga ito ay mga araw ng pagkain, pag-inom at pag-alaala sa Allah."[5]
Ang pangunahing pagkilos na gagawin ng isa sa loob ng mga pinagpalang araw na ito ay ang pagbabato sa tatlong Jamarat. Ang mga bato para dito ay dapat tipunin mula sa Mina mismo. Ang isa ay makakahanap ng sapat na maliliit na bato na angkop ang sukat sa ilalim ng mga karpet ng kanilang sariling mga tolda (tent)! Sa sandaling ang araw ay gumalaw na mula sa pagiging tirik nito, oras na upang simulan ang ritwal ng pagbabato. Simulan sa mas maliit na kilala bilang 'Jamarat as-Sughra', ang isa ay babatuhin ito ng pitong bato, na nagsasabing 'Allah Akbar' sa bawat isa. Pagkatapos nito, lumayo ng maikling distansya at gumawa ng isang mahabang panalangin; sa katunayan, ito ay isang panahon kung saan tinatanggap ng Allah ang panalangin ng isang tao.
Pagkatapos nito, ang isa ay pupunta sa ikalawang haligi na kilala bilang 'Jamratul-Wusta', na siyang haligi sa gitna. Kung ano ang ginawa sa unang haligi ay gagawin din dito. Matapos ang panalangin, ang isa ay magtungo sa 'Jamratul-Aqabah' o ang pinakamalapit na haligi sa Makkah. Parehas din ang gagawin dito, ngunit hindi na mananalangin pagkatapos ng pagbato.
Sa yugtong ito, matatapos ng isa ang mga pangunahing ritwal sa araw na ito. Higit pa rito, ang isa ay dapat magsagawa ng bawat pagdarasal sa bawat oras nito, habang pinapaikli ang apat na yunit ng pagdarasal sa dalawang unit na lamang. Ang mga hakbang na ito ay inuulit sa ika-12 na araw at ika-13 na araw, kung pipiliin ng isang tao na manatili sa susunod ng araw.
Mga Huling Hakbang
Ang Allah, ang Kataas-taasan, ay nagsabi:
“At alalahanin ang Allah sa panahon ng Natatakdaang Araw, datapuwa’t kung sinuman ang magmadali na lumisan (pagkaraan) ng dalawang araw, ito ay hindi isang kamalian sa kanya at sinumang magpaiwan, ito ay hindi kasalanan sa kanya kung ang kanyang layunin ay gumawa ng kabutihan at tumalima sa Allah, at inyong katakutan ang Allah at alamin na katotohanang kayo ay titipunin tungo sa Kanya.” (2:203)
Batay rito, maaaring makumpleto ng isa ang kanilang Hajj sa ika-12 o ika-13. Kung pipiliin ng isang tao na makumpleto ang kanilang Hajj sa ika-12 araw, dapat silang tumungo patungo sa Kabah pagkatapos ng pagbato sa Jamarat, at isagawa ang Pamamaalam na Tawaf. Sinabi ng Propeta:
“Hayaan na ang huling ritwal na gampanan mo (bago ka umalis sa Mecca) ay Tawaf sa paligid ng Bahay na ito (ito ay ang Kabah).”[6]
Kung ang isa ay umalis sa ika-13, dapat nilang isagawa ang ritwal na ito sa ika-13. Kung ang isang pilgrimo ay mananatili sa Mecca ng ilang karagdagang panahon, dapat nilang gawin ang Tawaf bago sila umalis sa Mecca.
Malalaking Gantimpala
Ang Propeta ay tinanong: "Ano ang gantimpala ng isa na nagsasagawa ng mga ritwal sa Hajj?" Tumugon siya na nagsasabi: "Kapag ang isang tao ay umalis sa kanyang tahanan para sa pagsasagawa ng Hajj, sa bawat hakbang na hinahakbang niya, ay makakatanggap siya ng gantimpala o tatanggalin ng Allah ang kasalanan mula sa kanyang talaan. Kapag ang isa ay tumatayo sa Arafah, ang Allah ay bamababa sa pinakamababang Langit at sasabihin: 'tingnan ang Aking mga alipin, maalikabok at kusot ang mga buhok. Kayo (i.s. ang mga anghel) ay Aking mga saksi na pinatawad ko sila sa lahat ng kanilang mga kasalanan, kahit na sila ay kasing dami ng mga bituin sa kalangitan at kasing dami ng mga butil ng buhangin sa Disyerto ng Aalij at kapag ang isa ay nagtatapon ng mga bato sa Jamarat, ang Aking mga alipin ay hindi malalaman kung anong mga gantimpala ang inihanda ko para sa kanila hanggang sa Araw ng Pagkabuhay Muli! 'Sa bawat buhok na bumabagsak mula sa ulo ng pilgrimo (sa pag-aahit nito) ang pilgrimo ay makakatanggap ng liwanag sa Araw ng Pagkabuhay! Kapag natapos na niya ang Pamamaalam na Tawaf, babalik siya sa kalagayan ng kawalan ng kasalanan, na parang sa araw na siya ay ipinanganak. "[7]