Mga Artikulo

Preview ng Pag aayuno


Ang pag-aayuno ay hindi lamang natatangi sa mga Muslim. Ito ay dati nang isinagawa sa loob ng maraming siglo kaugnay ng mga seremonyang pang-relihiyon ng mga Kristiyano, Hudyo, Confucians, Hindu, Taoists, Jains, at iba pa. gaya ng sabi ni Allah:





“O kayo na mga naniniwala, ang pag-aayuno ay naitagubilin sa inyo tulad na naitagubilin ito sa mga nauna sa inyo, upang kayo ay maging matutuwid.” (Quran 2:183)





Ngunit tulad ng ibang gawaing pagsamba, ang pag-aayuno ay naiba at nadungisan na.





Ang Pag-aayuno sa mga sinaunang Lipunan


Ang pag-aayuno ay naging bahagi sa ritwal ng fertility, isa sa mga primitibong seremonya na ginaganap tuwing tagsibol at taglagas, at tuwing panahon na magsinghaba ang gabi at araw sa loob ng maraming siglo. Ang ilang mga primitibong lipunan ay nag-ayuno upang maiwasan ang sakuna o nagsisilbing penitensya para sa kasalanan. Ang mga katutubo sa Hilagang Amerika ay nagsasagawa ng   pag-aayuno ng mga tribo upang maiwasan ang kinakatakutang mga kalamidad. Ang mga Katutubong Amerikano ng Mexico at ang mga Incas ng Peru ay nagsagawa ng mga pag-aayuno sa pagsisisi na pinaniniwalaan nilang nagpapayapa sa kanilang mga diyos. Ang sinaunang mga bansa ng Lumang Mundo, tulad ng mga Asiryano at mga Babilonyo, ay nag-aayuno bilang isang anyo ng pagsisisi.





Ang Pag-aayuno sa Judaismo at Kristiyanismo


Ang mga Hudyo ay nagsasagawa ng pag-aayuno bilang uri ng penitensya at paglilinis mula sa kasalanan taon-taon sa araw ng 'pagtubos ng mga kasalanan' o mas kilala bilang Yom Kippur, na kasabay din ng ika-sampung araw ng buwan ng Muharram (‘Ashura) ng kalendaryong base sa buwan. Sa araw na ito, ang pagkain o pag-inom ay hindi ipinapahintulot. 





Ang mga sinaunang Kristiyano ay nag-aayuno na iniuugnay nila sa pagpe-penitensya at paglilinis mula sa kasalanan. Sa panahon ng unang dalawang siglo ng pag-iral nito, ang Simbahang Katoliko ay nagpatibay ng pag-aayuno bilang boluntaryong paghahanda sa pagtanggap ng mga sakramento tulad ng komunyon at binyag at ordinasyon ng mga kaparian. Kalaunan, ang pag-aayunong ito ay naging obligado, ganun din ang pagkadagdag ng mga karagdagang araw. Sa ika-6 na siglo, ang pag-aayuno sa panahon ng kwaresma ay ginawang 40 araw, kung saan sa bawat isa nito ay isang beses na pagkain lamang ang pinapahintulot. Matapos ang repormasyon, ang pag-aayuno ay pinanatili ng karamihan sa mga Protestante at ginawang opsyonal sa ibang sitwasyon. Ang mga Istriktong Protestante tulad ng mga Pruitan, sa kabilang banda, ay kinundena hindi lamang ang mga pagdiriwang ng Simbahan, kundi maging ang nakagawiang pag-aayuno rin. 





Sa Simbahang Romano Katoliko, ang pag-aayuno ay binubuo ng bahagyang pagpigil na huwag kumain at uminom o tuluyang pag-hinto mula sa pagkain. Ang araw ng pag-aayuno sa mga Romano Katoliko ay tuwing Ash Wednesday at Biyernes santo. 





Sa Estados Unidos, ang pag-aayuno ay kadalasang isinasagawa ng mga Episcopalians at mga Lutherans na kabilang sa mga Protestante, mga Orthodox at konserbatibong mga Hudyo, at mga Romano Katoliko.





Sekular na Pag-aayuno: Pag-aaklas na idinadaan sa gutom


Mula sa pagiging simpleng ritwal, ang pag-aayuno ay umabot sa kakaibang antas sa Kanluran: ang tinatawag na 'hunger strike', isang uri ng pag-aayuno, na sa modernong panahon naging pang-politikal na sandata na nakilala dahil kay Mohandas Gandhi, pinuno ng pag-aaklas ng mga Indyano para sa kalayaan, na ginamit ang pag-aayuno para pwersahin ang kanyang mga tagasunod na sumunod sa kanyang panuntunan ng walang karahasan.





Pag-aayuno sa Islam


Sa Islam ay itinagubilin at pinanatili ang pag-aayuno sa pagdaan ng mga siglo bilang pagdalisay ng kalooban ng tao para mapalapit sa kanyang Tagapaglikha sa pagitan ng mga makasariling motibo at mga kagustuhan para sa sarili. Ito ay may natatanging estado sa lahat ng mga gawaing pagsamba dahil sa ito ay mahirap isagawa. Ito ay pumipigil sa pinaka hindi makontrol, ganid na mga emosyon ng tao. Ang pinaka-malupit sa emosyon ng tao ay ang pakapalalo, pagkaganid sa salapi, katakawan, libido, inggit at galit. Ang mga emosyong ito, ay likas na hindi madaling makontrol, kaya naman ang tao ay dapat na magsumikap ng mabuti na madisiplina ang mga ito. Ang pag-aayuno ay nakakatulong na gawin ito. 





Ang kalendaryong pinagbabasehan din ng Islam ay may labing-dalawang buwan na nakabase sa galaw ng buwan. Sinusukat din ng mga Muslim ang taon sa pamamagitan ng pag-ikot ng buwan at hindi lang ang araw, kaya ang taong ito ay mas maikli ng labing-isang araw kumpara sa taon na ibinase sa araw. Ang mga Muslim ay hindi maaring makialam na baguhin ang taon sa pamamagitan ng pagdagdag ng buwan, tulad ng ginagawa ng mga Hudyo sa kanilang kalendaryo para makisabay sa mga panahon ng taglamig o tag-init. Dahil dito, ang mga buwang ito na pinagbabasehan ng mga Muslim ay hindi kasabay sa mga panahong yaon. Bawat buwan ay nagtatagal ng 29 o 30 araw, at sumasapit sa iba't-ibang panahon ng taong ibinase sa araw. Ang bagong buwan ay nagsisimula sa gabing ang panibagong buwan ay masilayan. Ang ika-siyam na buwan ay tinatawag na Ramadan at nakalaan para sa pag-aayuno. Ito ay binibigkas na Ramazan ng mga Indo-Pakistano.





Ating itinala sa baba ang kabutihan at gantimpala ng buwang ito at ng pag-aayuno. Sa susunod na aralin, ating matututunan kung paano mag-ayuno. Sa ikatlo at huling yugto, ating tatalakayin ang aspetong panglipunan ng Ramadan. Sa ika-apat at huling aralin, ating matututunan ang patungkol sa mga gawain sa pagtatapos ng buwan.





Ang Kabutihan ng Buwan ng Ramadan


Para himukin tayo at ihanda ang ating mga sarili sa buwan ng Ramadan, ating pag-aralan ang mga dakilang kagandahan ng Ramadan tulad ng nailarawan sa Qur'an at ni Propeta Muhammad, ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah ay mapasakanya.





(1)  Ang pag-aayuno tuwing Ramadan ay isa sa mga haligi ng Islam tulad ng salah. Ito ang tanging buwan na nabanggit ang pangalan sa Quran.





(2)  Ang banal na Qur'an ay ipinahayag sa buwan ng Ramadan.





(3)  May isang gabi na nagaganap sa huling sampung araw ng Ramadan, sobrang pinagpala na ang pagsambang ginawa sa gabing ito ay mas mainam pa sa isang-libong buwan. May isang buong kabanata sa Qur'an na ipinangalan sunod sa espesyal na gabing ito na tinatawag na Laylat al-Qadr.





(4)  Ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan ay itinuturing na katumbas sa pag-aayuno ng sampung buwan.[1]





(5)  Lahat ng mga nagdaang kasalanan ay papatawarin sa sinumang nag-ayuno sa buwan ng Ramadan na sanhi ng paniniwala at pag-asam na magkamit ng gantimpala.[2]





(6)  Sa pagsimula ng Ramadan, ang mga pintuan ng Paraiso ay bukas at ang mga pintuan ng impyerno ay nakasarado, isang indikasyon ng matindi at dakilang biyaya. Ang mga demonyo ay nakakakadena, kaya't ang kasamaan ay nababawasan sa buwan na ito.[3]





Kabutihan ng Pag-aayuno 


(1)  Pinili ng Allah ang gawaing pag-aayuno na tanging para sa Kanya at gagantimpalaan Niya ito ng napakaraming gantimpala na hindi nasusukat.[4]





(2)  Ang pag-aayuno ay walang kapantay.[5]





(3)  Ang panalangin ng isang nag-aayuno ay hindi tinatanggihan (katanggap-tanggap).[6]





(4)  Ang nag-aayuno ay may dalawang kaligayahan: una ay sa pagkain niya sa sandaling tapos na ang kanyang pag-aayuno, pangalawa ay sa pagsalubong niya sa kanyang Tagapaglikha at maligaya siya sa nagawa niyang pag-aayuno.[7]





(5)  Ang amoy na nagmumula sa bibig ng isang nag-aayuno dahil sa walang laman na tiyan ay mas kalugod-lugod  sa Allah kaysa sa halimuyak ng musk .[8]





(6)  Ang pag-aayuno ay proteksyon at isang matibay na tanggulan na nagbabantay sa tao na maging ligtas siya sa apoy.[9]





(7)  Ilalayo ng Allah ang sinuman na mag-ayuno ng isang araw para sa ikakalugod ng Allah nang pitumpong taon mula sa apoy.[10]





(8)  Sinuman ang nag-ayuno ng isang araw na para sa ikalulugod ng Allah ay papasok sa Paraiso kapag ito na ang kanyang huling araw.[11]





(9)  Isa sa mga Pintuan ng Paraiso, Al-Rayyan, ay para lamang sa mga taong nag-ayuno, at walang ibang makakapasok dito; sasaraduhan ito pagkatapos pumasok ang mga nag-aayuno.[12]





(10) Sa bawat pagtapos ng pag-aayuno, Ang Allah, sa Kanyang walang hangganang biyaya, ay pipili ng mga taong ililigtas sa impyerno.[13]





Ang unang dapat  maunawaan ay kung ano ba ang pagkakaiba ng tinatawag na fard at tinatawag na nafl. Ang fard ay isang obligadong gawain, na siyang pinag utos sa atin ng Allah na gawin ito, at kapag ito’y ating iniwan ay isang kasalanan at ito’y pananagutan natin sa araw ng paghuhukom. Ang Halimbawa nito’y ang dalawang rakah sa Fajr na pagdarasal at Pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan. 





Ang Nafl sa literal na kahulugan nito ay Karagdagan, nafl (boluntaryong) pagdarasal ay hindi pinag-utos na gawin o kinakailangang gawin ng isang Muslim , sa halip ito’y nasa indibidwal kung ito’y kanilang gagawin o gustohing gawin. Dahil ito’y hindi kinakailangan gawin at isang boluntaryong gawain lamang. Ang isang Muslim ay hindi magkakasala kapag ito ay kaniyang iniwan, ngunit siya ay gagantimpalaan sa paggawa at pag ganap niya rito (boluntaryong pagdarasal). At ang mga halimbawa nito ay ang mga boluntaryong pag-aayuno na siyang tatalakayin sa araling ito.





Madalas ang isang bagong Muslim ay nababalisa o nabibigla tungkol sa pag-aayuno sa buong buwan ng Ramadan (ikasiyam na buwan ng Islam).  Ang boluntaryong pag-aayuno ay nagbibigay ng isang magandang pagkakataon upang magsagawa ng pag-aayuno habang nag-iipon ng gantimpala bago paman sumapit ang buwan ng Ramadan.  Gayun din, dapat tandaan na wag mapagod, pero gawin ng paunti-unti nang walang pag-papabaya.





Ang Pinakamahalagang Boluntaryong (Nafl)  Pag-aayuno


1.       Ang anim na araw sa buwan ng Shawwal (ang susunod sa buwan ng Ramadan o ang  ika-sampung  buwan sa Islam. )


Ang Propeta (SAW) ay  nagsabi, 





“Sinuman ang mag-ayuno sa buwan ng Ramadhan at pagkatapos ay kanyang sinundan ng anim na araw ng pag-aayuno sa buwan ng Shawwal siya'y gagantimpalaan na para bang ang kanyang napag-ayunuhan ay ang buong taon.”[1]





Pinag-babawal ang pag-aayuno sa  Eid or Eid-ul-Fitr upang ito'y matukoy. Maari mo itong isagawa (ang anim na araw na pag-aayuno) pagkaraan ng Araw ng Eid at ito'y maari rin naman na hindi magkakasunod-sunod (na araw) ang pagsasagawa nito.   Kung nais mo maaari kang mag-ayuno ng hindi magkakasunod-sunod na araw (magkakahiwalay na araw) hangga't sila ay makumpleto sa loob ng buwan ng Shawwal.





2.    Pag-aayuno sa Ikasiyam na Araw ng Dhul-Hijjah (ika-12 buwan sa Islam)


Ang buwan sa Islam kung saan ang Hajj ay ginaganap ay kilala bilang Dhul-Hijjah. Ang Yaum ul-Arafah o ang "Araw ng Arafah" ay ang ikasiyam na araw ng buwan na iyon.





Inirerekomenda para sa mga hindi nagsasagawa ng Hajj ang  pag-aayuno sa araw na ito gaya ng sinabi ng Mensahero ng Allah: "Ang pag-aayuno sa araw ng Arafah ay kabayaran   para sa dalawang taon (na kasalanan), ang taon bago ito at ang taon na susunod." [2]





3.       Pag-aayuno sa ikasampung araw ng  Buwan ng Muharram (ika-1 ng buwan ng Islam)


Ang Muharram ay ang unang buwan sa pang-Islamikong Kalendaryo.  Ang ikasampung araw sa buwan na ito ay may isang espesyal na pangalan - "Ashura." Ano ang makukuha ng tao para sa pag-aayuno rito? ang Propeta (SAW) ay nag-sabi,





"Ang pag-aayuno sa araw ng Ashura ay isang pagbabayad para sa nakaraang taon (kasalan)." [3]





4.       Pag-aayuno sa araw Lunes at Huwebes


Si Abu Hurairah, ang malapit na kasamahan ng Propeta Muhammad (SAW), ay iniulat na ang Propeta ay nag-aayuno sa Lunes at Huwebes.  Nang tanungin ito, ang Propeta, nawa'y mapa sa kanya ang awa at pagpapala ni Allah, ay nagsabi: "Ang mga Gawain ay itinataas sa (langit) sa araw ng Lunes at Huwebes. Pinapatawad ng Allah ang bawat Muslim o bawat mananampalataya, maliban sa mga (taong) pumuputol sa ugnayan ng  bawat isa. Sinabi niya (tungkol sa kanila): 'Iwan mo sila.’”[4]





 Noong tanungin ang Propeta (SAW) tungkol sa pag-aayuno sa araw ng Lunes, kanyang sinabi: “Ito ang araw kung saan ako ay pinanganak at ito rin ang araw kung saan ako ay tumanggap ng rebelasyon (galing kay Allah).”[5]





5.     Ang pag-aayuno sa buong buwan ng Sha'ban (ika-8 buwan ng Islam)


Ang Sha'ban ay ang pangalan ng buwan sa Islam na dumarating bago ang Ramadan. Ang Propeta ay nag-aayuno sa halos buong buwan ng Sha'ban.





'Si Aisha, ang asawa ng Propeta (SAW), ay nagsabi: "Hindi ko nakita ang Sugo ng Allah na nag-ayuno ng isang kumpletong buwan maliban sa Ramadan, at hindi ko pa nakita sa kanya na nag-ayuno ng marami sa loob ng isang buwan maliban sa buwan ng Sha'ban." [6]





Mga Pagkakaiba sa Pagitan ng Pag-aayuno sa Buwan ng Ramadan at  Mga Boluntaryong Pag-aayuno


1.    Ang pagsa-gawa ng intensyon para sa isang boluntaryong pag-aayuno ay maaaring gawin sa araw.





Sabihin nating nagising ka at nagdasal ka ng Fajr. Wala kang intensiyon na mag-ayuno sa araw na iyon at hindi ka rin kumain, uminom, nakikipagtalik, o kung hindi man ay gumawa ng anumang bagay na makakasira sa pag-aayuno ng isang tao.





Sa pagsikat ng Araw (umaga), maaari mong gawin ang intensyon mo para sa isang boluntaryong Pag-aayuno kung hindi mo nagawa ang alin man sa mga bagay na sumisira sa pag-aayuno. Ito ay batay sa 'hadith ni Aishah: "Ang Propeta ay dumating sa amin isang araw at nagsabi:  'Mayroon ba kayong (pagkain)? 'Sinabi namin, 'Wala. 'Sinabi Niya: 'Samakatuwid, ako ay nag-aayuno."[7]





Dapat kang magkaroon ng intensyon sa gabi palang bago mag-ayuno sa susunod na araw para sa pag-aayuno sa buwan ng Ramadan .





2.   Pinapahintulutan para sa isang nagsasagawa ng boluntaryong pag-aayuno na itigil ang kanyang pag-aayuno.





Ang Propeta(SAW) ay nagsabi: "Ang isang nag-aayuno ng kusang-loob ang namamahala sa kanyang sarili. Kung nais mo maaari kang mag-ayuno at kung nais mo naman ay maaari mo na itigil ang iyong pag-aayuno."[8]





Sinabi ni Abu Sa'id al-Khudri: "Naghanda ako ng pagkain para sa Propeta. Dumating siya sa akin kasama ang ilan sa kanyang mga kasamahan. Noong ang pagkain ay inilatag, ang isa sa mga lalaki ay nagsabi: 'Ako ay nag-aayuno. 'Sinabi ng Sugo ng Allah: 'Inanyayahan ka ng iyong kapatid at gumastos para sa iyo. Pagkatapos ay sinabi sa kanya, 'Iwaksi ang iyong pag-aayuno at mag-ayuno sa  susunod na  araw para palitan ito kung nais mo."[9]





Ang pagsira ng pag-aayuno sa buwan ng Ramadan nang walang lehitimong dahilan, sa kabilang banda, ay isang malubhang kasalanan kahit na ang tao ay binayaran  ito sa ibang mga araw.





Ang Ramadan ay Buwan ng pag-aayuno, pagbabasa ng Quran at mga karagdagang panalangin; itoy buwan ng mabubuting gawa at kagandahang loob. Ang huling sampung gabi ng Ramadan ay higit na mabuti at pinakamainam. Si Propeta Muhammad ay ginamit ang ang mga gabing ito upang pagsumikapan ang paggawa niya ng mga pagsamba at paggawa ng kabutihan. Ang unang gabi nito ay pumapasok sa bisperas ng ika 21st na araw ng Ramadan, sa madaling salita,  ito yung gabi na nagsisimula pagkatapos ng pagkompleto sa 20th na araw ng pag-aayuno. 





Si Propeta Muhammad ay nagsumikap na gumawa ng mga gawang pagsamba sa panahon ng huling sampung araw ng  Ramadan higit pa sa ibang panahon.[1]   Bilang isang Muslim ay pinipilit nating gayahin ang Propeta Muhammad sa maraming paraan na ating makakaya  ito ang panahon  upang tanungin natin ang ating sarili kung ano ang ating magagawa upang makuha ang higit  na biyaya sa mga pinagpalang gabi na parating.





 Ang pagdalo sa Taraweeh


Isa sa mga pinakamaganda at pinakamainam na bahagi ng Ramadan ay ang pagdalo sa pagdarasal ng taraweeh. ito ay isinasagawa sa buong buwan. Nararamdaman ng isang tao  na siya ay kabahagi ng mga pamayanang Muslim  at ito ay isang pagkakataon upang tunay na harapin ng lubusan ang pagbabasa at pagbigkas sa Quran at sa mga salita ng Allah. kung ikaw ay hindi nakakadalo ng taraweeh  o hindi pa bukas ang  iyong puso sa ganitong pagdarasal ang huling sampung gabi ng Ramadan ay ang magandang pagkakataon sayo upang madagdagan  ang iyong gawang kabutihan. Habang ang mga mosque ay nagsasagawa ng taraweeh pagkatapos ng pagdarasal ng Isha, makikita mo na may mga mag-aalok sayo ng pagdalo para sa  mga buluntaryong pagdarasal ng maramihan   sa ibang oras ng gabi. Kung makakaya mo na dumalo sa mga ganitong mga  karagdagang  pagdarasal  na isinasagawa karaniwan pagkatapos ng  kalagitnaan ng gabi ngunit bago ang pagdarasal sa bukang liwayway, makikita mo ang napakaraming binipisyo, kabilang ang pagiging malapit sa Allah na mararamdaman lang sa ikahuling  bahagi ng gabi.  "Ang ating Panginoon ay bumababa  bawat gabi  sa huling  ikatlong bahagi ng gabi, at  Kanyang sasabihin: Sino sa Aking mga alipin ang nanalangin sa Akin at Aking diringgin ito? Sino ang may kahilingan upang itoy Aking ibigay sa kanya?  sino ang humingi ng Aking kapatawaran  at ng maibigay Ko ang Aking kapatawaran?" [2]





Ang isang naniniwala sa kaisahan ng Allah ay maari din niyang gamitin ang mga pagitan ng pagdarasal upang mag-alay ng kanyang buong pusong dua. Si Propeta Muhammad ay nagsabi, “Sinuman ang mag-alay ng pagdarasal sa gabi sa mga panahon na ito (buwan ng Ramadan) na may buong pananampalataya  at naghahangad ng gantimpala mula sa Allah, ang kanyang mga nakalipas na kasalanan ay patatawarin.”[3]





Ang Paghahanap sa Laylat al-Qadr


 Ang mga gantimpala at mga biyaya  na nakapaloob sa gabing ito ay  napakarami. Napakaraming katibayan sa  Laylat al-Qadr sa mga tradisyon ni Propeta Muhammad. Isa sa mga ito ay ang nagsasabi na ang  Laylat al-Qadr  ay nasa isa sa mga sampung huling gabi ng Ramadan ang iba ay nagsasabi na nasa  isa  ito sa mga odd na numero na bilang ng gabi  sa huling sampung gabi. Ang mga  Muslim ay sinabihan ng Banal Quran  na ang pagdarasal sa mga bahagi ng gabing ito ay mas mainam pa sa libong buwan ng pagdarasal.  Sa paliwanag palang na ito  ay nararapat lang sa isang tao  na hanapin ang mabiyayang,  banal na gabi  sa pagsasagawa ng seryosong pagsamba   sa mga huling gabi na ito.





Sinabi ng Allah sa banal na Quran,"  “Katotohanan! Amin itong ibinaba ( Quran)  sa gabi ng kapasyahan. At anu ba ang makapagpapaliwanag sa inyo kung ano ang gabi ng kapasyahan?  ang gabi ay higit pa sa libong mga buwan. Dito ay bumababa ang mga anghel at ang  Ispiritu ( Gabriel)  sa kapahintulutan ng Allah at lahat ng mga bagay na napagpasyahan na. May kapayapaan hanggang sumapit  ang bukang- liwayway.” (Quran 97:1-5)





Pagsasagawa ng Itikaf


Si Aisha, ang pinakamamahal na asawa ni Propeta Muhammad ay  nag ulat  na siya (Propeta Muhammad) ay laging nagsasagawa ng Itikaf  sa mga huling gabi ng Ramadan  at nagsabi, "Hanapin niyo ang Laylat al-Qadr sa huling sampung gabi ng buwan ng  Ramadan."  Ang  Itikaf  ay isang uri ng pag-iisa (retreat)  kung saan  ang isang tao ay di-aalis sa mosque at sa pag-alaala sa Allah maliban kung kinakailangan gaya ng pagpunta sa palikuran.





 Isa sa mga kinikilalang iskolar  ng islam na si  Ibnul Qayyim  ay ipinaliwanag ang mas mataas na hangarin ng  itikaf.  “Siya (ang tao na nag  Itikaf) ay  ang kaisipan ay nau-ukol sa pag-alala sa Allah, at pag-iisip kung  paano makakamit ang kaluguran ng Allah upang maging daan na mapalapit siya Dito ( Allah) ito ay magdadala sa kanya sa pagka kuntento sa pag-alala sa Allah kaysa  sa mga tao,  upang ihanda siya na maging mapayapa sa kanyang pag-iisa sa mga araw ng kanyang pag-lalagi  sa libingan,  na kung saan walang ibang makapagbibigay ng kaginhawahan o makabibigay ng aliw maliban sa Kanya (Allah) .”





Mag-alay ng maraning  Dua


Ang Ramadan ay isang panahon ng mapayapang pagmumuni muni  at isang magandang  pagkakataon  upang magsagawa ng ekstrang dua. Ito ay katotohanan lalo na sa huling sampung gabi  at dapat nating samantalahin  na magsagawa ng mahaba at buong puso na dagdag na dua sa Allah. Si  Aisha  ay palaging nagsusumikap na paramihin  ang kanyang pagsamba, at upang magawa ito siya ay nagtanong sa Propeta kung ano ang kanyang sasabihin kung siya ay mag sasagawa ng  dua  sa pagbabakasakaling matagpuan niya ang Laylat al-Qadr. Si Aisha ay nagsabi, "Sinabi ko,  ‘O Sugo ng Allah  kung malalaman ko  kung anong gabi ang  Laylat al-Qadr, ano ang aking sasabihin sa gabing yaon? 'Siya ay nagsabi,  ‘Sabihin mo: Allaahumma innaka ‘afuwwun tuhibb al-’afwa fa’affu ‘anni’ (O Allah, Ikaw ay mapagpatawad  at pinaka-iibig Mo ang magpatawad kayat patawarin mo ako).”[5]





 Pahabol para sa mga kababaihang may Buwanang Dalaw


Ang buwan ng  Ramadan ay hindi kagaya ng ibang buwan. Ito ay isang buwan ng ispirituwal na pagmumuni-muni at pagdarasal  na kung saan ang puso ay lumalayo sa makamundong gawain at patungo sa Diyos. Gaya ng ipinaliwanag sa itaas ang huling sampung gabi ay pinag-isa bilang isang panahon ng karagdagang gawa . Ang mga  aktbidades  sa loob ng mosque gaya ng   itikaf at taraweeh ay palagiang ipinaliliwanag at maraming kababaihan ang hindi nakaka dalo sa mosque dahil sa kanilang buwanang dalaw, katatapos na manganak na ang pakiramdam nila ay hindi nila nagagawang paramihin ang kanilang mga gawang kabutihan at makamit ang ekstrang benipisyo. ito ay hindi tama.   





Napakaraming  mga bagay ang magagawa ng mga kababaihan sa panahon ng  kanilang buwanang,  at sa katotohanan  may mga bagay na kanilang magagawa sa loob ng buong buwan ng Ramadan.   Gaya  halimbawa na ang  mga babaeng may buwanang dalaw  ay gamitin ang panahon na ito upang magluto at magpakain ng mga taong nag-aayuno sa buwan ng Ramadan, pwedi siyang makinig ng mga islamikong  aral, mag-sagawa ng mga pananalangin at pagsusumamo sa Allah, magbasa ng mga libro na nagpapaliwanag sa kahulugan ng Quran, pakikinig ng mga bumibigkas ng Quran at magnilay-nilay sa mga salitang makapag-papaalala sa Allah  ang lahat ng ito ay isang magandang pamamaraan upang ipagdiwang ang  huling sampung araw ng   Ramadan.  Ang  mga gawain  na nagbabawal sa mga babaeng may buwanang dalaw  ay maliit na bahagi lang sa  mga napakaraming gawaing pagsamba na napapaloob sa mabiyayang buwan na ito.





I-aanunsyo ng Islamic Center sa inyong lugar ang pagtatapos ng Ramadan at kung kailan ang pagdiriwang ng Eid. Ang unang araw ng buwan na kasunod ng Ramadan ay ang araw ng Eid ul-Fitr, ang pagdiriwang sa pagtatapos ng pag-aayuno. Kadalasan, sa huling mga araw ng Ramadan, ang masjid (mosque) sa inyong lugar ay magsisimula nang tumanggap ng mga obligadong "pang-katapusan ng Ramadan" na kawang-gawa na pagkain (o pera upang sila na ang bibili ng pagkain) para sa mga mahihirap na mga Muslim, na tinatawag sa katawagang Zakat ul-Fitr (Obligadong kawang-gawa para sa pagtapos ng pag-aayuno). 





Zakat ul-Fitr


Isa sa mga kasamahan ng Propeta ay nagsabi,





"Ginawang obligado ng Sugo ng Allah ang Zakat ul-Fitr upang dalisayin ng mga nag-aayuno ang kanilang mga sarili mula sa mga maling salita at gawa, at upang maglaan ng pagkain para sa nangangailangan. Tanggap ito bilang Zakah sa tao na nagbigay nito bago naganap ang pagdarasal sa Eid, at ito ay (bibilangin) maibilang na karaniwang kawang-gawa lamang (tulad ng iba pang mga kawang-gawa) ng nagbigay nito pagkatapos ng pagdarasal."[1]





Matutunan natin ang tatlong bagay hinggil sa Zakat ul-Fitr:





(a)  Ito ay naglilinis sa taong nag-ayuno sa Ramadan at nagdadalisay sa kanya mula sa mga maling salitang nabanggit at mga minor na kasalanang nagawa noong kasalukuyang nag aayuno  sa buwan ng Ramadan.





(b)  Ang Eid ay araw ng pagkain at pag-inom, sapagkat ang buwang sinundan nito ay para sa pag-aayuno. Ang Zakat ul-Fitr ay nagsisiguro na kahit ang pinaka-mahirap na Muslim ay maging bahagi nitong naitanghal ng pagdiriwang.





(c)  Ang pagpamahagi ng Zakat ul-Fitr ay kinakailangan sa bawat Muslim na may kakayahang magbigay para sa kanyang sarili at sa bawat miyembro ng pamilya na nasa ilalim ng kanyang pangangalaga.





Kabuuang dami ng pagkain


Ang kabuuang dami ng pagkaing ibibigay ng bawat tao ay kasingdami ng apat na dakot ng pinagsamang kamay bilang sukatan. Ang timbang ay magdedepende sa uri ng pagkain. Ipinahintulot na ang i-abot mo ay salapi sa mga organisasyong pang kawang-gawa o di kaya’y sa masjid (mosque) para sila na ang bibili ng pagkain at sila na rin ang magpamahagi nito sa mga mahihirap para sayo. Kaya naman maraming masjid (mosque) ang nag-aalok na kolektahin mula sayo ang katumbas nitong halaga sa pera. Mayroon ding opsyon na pagkain ang i-abot mo sa mga organisasyong pang kawang-gawa o di kaya’y sa masjid, i-aabot mo sa kanila para sila na ang mamahagi ng Zakat ul-Fitr para sayo, o kaya'y ikaw mismo ang mamahagi nito.





Ang Uri ng Pagkain


Maaaring ibigay ang "pangunahing pagkain" ng mga tao sa iyong lugar. Sa panahon ng Propeta, mga datiles, barley, trigo, olive, pasas, at tuyong yogurt ang karaniwang pagkain. Ngayon, ang bigas, beans, patatas, pasta, keso, at mga katulad na pagkain ay siya'ng mas karaniwan.





Ang Pinakamainam na panahon sa Pagpamahagi


Ang pinakamainam na panahon ng pagbigay nito ay sa pagsapit ng gabi hanggang sa umaga bago magtungo para dumalo sa Pagdarasal sa Eid.





Pinahintulutang Oras ng pagpamahagi nito


Maari mo itong ibigay sa isa o dalawang araw sa hindi pa sumapit ang araw ng Eid.





Pag-antala nito sa pagkatapos ng pagdarasal sa  Eid


Kasalanan ang sadyang pag-antala nito sa pagkatapos ng pagdarasal sa Eid.





Kanino ito ipamahagi?


Ito ay ipapamahagi sa kapwa Muslim na limitado ang kabuhayan, ngunit hindi kinakailangang lubos ang kahirapan.





Eid ul-Fitr


Ang “Eid” ay nangangahulugan ng araw ng pagtitipon at pakikisalamuha.  Sa Islam ay mayroon lamang tatlong pagdiriwang:





(a)   Ang taunang Eid ul-Fitr





(b)  Ang taunang  Eid ul-Adha





(c)  Ang lingguhang pagtitipon tuwing byernes.





Ang Eid ul-Fitr ay isang pangunahing pagdiriwang para sa mga Muslim, panahon ng pasasalamat sa Allah, pakikiisa sa Pamilya, kasiyahan, at pagsasaya. Sa araw na ito ay binabati ng mga tao ang isa’t isa at binibisita ang mga kamag-anak at mga kaibigan. Handaan ng mga pagkain ay nakalatag, ang mga bagong damit ay sinusuot, nagbibigayan ng mga regalo, at ang mga bata ay nagsasaya.





Ang mga sumusunod ay ilang mga naitagubiling gawa na isinasagawa sa Eid:





a)     Ghusl o pagligo ng maaga sa araw bago ang kaganapan ng pagdarasal sa Eid.





b)    Pagandahin ang sarili: Ang Propeta at nagsusuot ng kanyang pinaka-magandang damit bago magtungo sa Pagdarasal sa Eid.  Siya ay may espesyal na kapang parikular niyang isinusuot sa dalawang Eid at tuwing Biyernes.





c)     Ang pagbigkas ng takbeer (Pagpapahayag na ang Allah ang Pinakadakila) ay isang Kilalang bahagi ng Eid at ito ay nakasaad sa Quran:





"…At upang ipahayag ninyo na ang Allah ang Pinakadakila na nag-gabay sa inyo, at upang kayo ay maging mapasalamatin." (Quran 2:185) (salin ng kahulugan)





Kailan?


Ang oras ng pag-takbeer sa Eid ay simula sa sandaling umalis ang tao sa kanyang pamamahay patungo sa lugar ng paggaganapan ng Pagdarasal sa Eid. Ang Propeta, ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay lumalabas sa kanyang tahanan nang binabanggit ang takbeer sa araw ng Eid at hanggang sa maisaganap niya ang Pagdarasal. Titigil lamang siya sa pagbigkas ng takbeer pagkatapos ng Pagdarasal.





Ano ang bibigkasin?


Meroong mga ilang matibay na mapapanaligang salaysay tungkol sa kung ano ang bibigkasin sa takbeer. Para sa maikli, babanggitin natin ang isa na pinaka-karaniwan.





Allahu Akbar, Allahu Akar, La ilaha ill-Allah, w’Allahu Akbar, Allahu Akbar, wa lillahil-Hamd.[2]





 





Ang Pagdarasal sa Eid


Itinuturo sa atin ng Islam kung paano ipagdiwang ang mga okasyong ito ng kasiyahan. Ang kanilang diwa ay upang isaala-ala ang mga biyayang ipinagkaloob ng Allah sa ating pang-araw-araw na buhay; kaya nga ang pangunahing bahagi ng pagdiriwang ay isang Pagdarasal sa publiko. Ang Pagdarasal sa Eid ay binubuo ng dalawang rakah, na may ilang mga karagdagan. Ang lider ng pagdarasal ay naglalarawan ng pamamaraan ng Pagdarasal sa Eid. Matapos ang Pagdarasal ay magbibigay siya ng Talumpati sa Eid, na karaniwang tumatagal ng kalahating oras.





At kasunod nito, ang mga tao ay magbabatian sa isa't isa, sa pagsasabi ng  ‘Taqabbal-Allahu Mini wa Minkum,’[3] ‘Kulla aam wa antum bi-khayr,’[4] ‘Eid mubarak,’[5] o simpleng ‘Maligayang Eid.’





Hinihikayat kita na maglaan ng oras labas sa trabaho o paaralan upang ipagdiwang ang Eid kasama ang mga kapwa Muslim. Sa pagpapatuloy ng iyong pang-kaluluwang pag-unlad sa mga darating na taon, pagpalawak ng mga makasalamuhang kaibigan, at inaasahang pagbuo ng isang masayang pamilyang Muslim, ang Eid ay tiyak na magiging isang makabuluhang pagdiriwang ng pamilya, kung saan ang lahat ay nagtitipon at nagpupuri sa Diyos para sa ipinagkaloob na biyaya ng Patnubay.





Uri ng Pag-aayuno


Unang dapat malaman ay ang pagkakategorya na ang pag-aayuno ay dalawang uri: obligado at boluntaryo. Ang obligadong pag-aayuno ay isang kinakailangang maisagawa na pagsamba - bilang isang Muslim ay wala akong opsyon na ito'y iwanan nang hindi nagkakasala. Ang mga boluntaryong pag-aayuno ay opsyonal - maaari itong gawin o hindi. Ang hindi pagsagawa nito ay hindi pagkakasala, ngunit mayroong itong karagdagang gantimpala kapag ito'y isinasagawa. Sa araling ito, pagtutuunan lamang natin ng pansin ang mga pinaka-importanteng obligadong pag-aayuno na isinasagawa sa buwan ng Ramadan.





Pag-aayuno sa Ramadan


Ang pag-aayuno tuwing Ramadan ay isa sa limang haligi ng Islam, tulad ng sinabi ng Propeta: (ayon sa salin ng kahulugan)





“Ang Islam ay itinayo sa limang haligi: pagsasaksi na walang Diyos maliban sa Allah at si Muhammad ay Kanyang Sugo, ang pagtatayo ng Salah, ang pagbibigay ng Zakah (obligadong kawang-gawa), pag-aayuno sa buwan ng Ramadan at paglalakbay sa Hajj patungong Makkah.”  (Saheeh Al-Bukhari)





Ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan ay isang obligasyon para sa bawat Muslim na umabot na sa tamang edad ng pagbibinata o pagdadalaga. Sinabi ng Allah sa Qur'an: (salin ng kahulugan)





“Kaya't sinuman ang saksi sa kapanahunan ng buwan na ito ay dapat na mag-ayuno.” (Quran 2:185)





Sinuman na hindi magsagawa ng pag-aayuno sa panahon ng Ramadan na walang lehitimong dahilan ay nakapagsagawa ng itinuturing na malaking kasalanan.





Sino ang Hindi-saklaw ng Obligadong Pag-aayuno?


(1)  Ang batang Muslim na hindi pa umabot sa tamang edad ay maaring hindi magsagawa ng pag-aayuno hanggang sa makitaan ng isa sa mga sumusunod na senyales ng pagbibinata o pagdadalaga:





      (a) paglabas ng semilya, sa pagdaranas man ng wet dream o iba pang dahilan





      (b) pagtubo ng mga balahibo sa mga pribadong parte





      (c) regla o buwanang-dalaw





      (d) umabot na ang tao sa edad na 15





(2)  Kung ikaw ay naglalakbay sa panahon ng Ramadan, maari mong piliin ang hindi mag-ayuno. Kung piliin mong hindi mag-ayuno, dapat mong bayaran ang mga araw na hindi ka nakapag-ayuno kalaunan bago sumapit ang susunod na Ramadan.





(3)  Ang isang babae ay hindi pinapahintulutang mag-ayuno sa panahon na may buwanang-dalaw o pagdurugo matapos ang panganganak, at dapat niyang isagawa ang pag-ayuno para sa mga araw na hindi siya nakapag-ayuno sa mga susunod na araw bago sumapit ang susunod na Ramadan.





(4)  Ang isang babae na buntis o nagpa-pasuso ay maaring hindi magsagawa ng pag-aayuno kung ito ay napatunayan na makakasama sa kanya o sa sanggol na kanyang dinadala. Ang patungkol sa sitwasyong ito ay tinalakay na mas detalyado sa ibaba.





(5)  Ang may sakit na  may deperensya sa pag-iisip ay hindi rin saklaw ng pag-aayuno.





(6)  Ang Pinaka-Mahabaging Panginoon ay hindi nag-atas ng gawain sa isang indibidwal ng lagpas sa kanyang kapasidad. Kapag ikaw ay may sakit, maari ka ring huwag munang mag-aayuno. 





May dalawang usapin na dapat malaman dito:





Una, gaano kalala ang sakit? Ang ubo o simpleng sakit sa ulo ay hindi seryso't sapat na rason para hindi mag-ayuno, ngunit kung may medikal na rason, at alam ng tao mula sa karanasan, o nakakatiyak na ang pag-aayuno ay makakapagpalala ng sakit o makakapagpatagal ng pag-galing, hindi kinakailangan na mag-ayuno. 





Pangalawa, dapat na bayaran ang mga araw na hindi nakapag-ayuno kapag gumaling na sa karamdaman.





Ang isang may malubhang sakit na hindi nakakakita ng tsyansa na gumaling pa ay dapat na magpakain ng tao sa bawat araw ng Ramadan na kanyang niliban. Hindi kinakailangan na mag-ayuno siya (bilang pangbayad sa mga ito) sa ibang araw.





(8)  Ang mga sobrang matanda na para mag-ayuno ay hindi rin saklaw ng pag-aayuno, sila rin ay dapat na magpakain ng mahirap sa bawat araw ng Ramadan na hindi sila nakapag-ayuno.





Paano Ako Mag-aayuno sa Ramadan?


Una, alamin ang simula ng Ramadan sa masjid (moske) sa inyong lugar sa pagtawag o kaya'y pagbisita dito. Kadalasan, nagpapa-imprinta ang mga masjid (moske) ng iskedyul para sa buwan ng Ramadan na magpapabatid sayo ng umpisa at pagtatapos ng pag-aayuno (lalo na ang oras ng Fajr at Maghrib) at maging ang oras para sa pagdarasal ng Taraweeh.





Pangalawa, gawing layunin sa iyong puso sa gabi pa lamang bago ang darating na pag-aayuno na ikaw ay mag-aayuno sa kinabukasan base sa sinabi ng Propeta, ang kapayapaan at pagpapala ng Allah ay mapasakanya:








“Walang pag-ayuno  na nagawa ang taong hindi naglayon sa nakalipas na gabi.” (An-Nasa’i) (salin ng kahulugan)





Ang mauunawaan dito ay para paalalahanan ang sarili na siya'y nag-aayuno para sa ikakalugod ng ating Tagapaglikha.





Buwan:                        9/1426,  10-11/ 2005 C.E





Lokasyon:                    Seattle, WA, USA





Calculation Method:    ISNA





Juristic Method:          Standard





 





Araw





Ramadan





Gregorian





Fajr





Pagsikat


ng


Araw





Dhuhr





Asr





Maghrib





Isha





Martes





1





4/10





5:50





7:12





12:58





4:05





6:43





8:07





Miyerkules





2





5/10





5:52





7:14





12:58





4:04





6:41





8:05





Huwebes





3





6/10





5:53





7:15





12:58





4:02





6:39





8:03





Biyernes





4





7/10





5:54





7:17





12:58





4:01





6:37





8:01





Sabado





5





8/10





5:56





7:18





12:57





3:59





6:35





7:59





Linggo





6





9/10





5:57





7:20





12:57





3:58





6:33





7:57





Lunes





7





10/10





5:59





7:21





12:57





3:56





6:31





7:55





 





 





 





 





 





 





 





Larawan 1 - Halimbawa ng Iskedyul ng Ramadan para sa mga nananahan sa Seattle, inihanda gamit ang www.islamicfinder.org.  Halimbawa, kung sa Martes ang unang araw ng buwan ng Ramadan, kumain ng pagkain bago ang bukang-liwayway (suhoor) bago ang 5:50 ng umaga.  Maari mong ipagpatuloy ang pagkain at pag-inom (iftar) sa oras ng 6:43 matapos lumubog ng araw.





Pangalawa, gumising ng maayos bago magsimula ang oras ng Fajr at kumain ng pagkain bago ang bukang-liwayway na tinatawag na suhoor.  Maari mong marinig sa mga Indyano at Pakistani na tinatawag ang suhoor na seh-ri.  Ang ilang kalendaryo ay naitala rin ang oras kung kailan dapat nang tumigil sa pagkain bago pa man ang oras ng Fajr. Wala talaga itong basehan at ito'y pwedeng  balewalain, ang mga malilinaw na kasulatan ay nagpapahayag na ipinapahintulot ang pagkain at pag-inom hanggang sa oras ng Fajr. Ngunit para makasiguro, ay maaring gawin ang huminto sa pagkain at pag-inom ilang minuto bago magsimula ang oras ng Fajr, bilang ang karamihan sa mga tao ay gumamit nitong naitalang mga oras ng iskedyul at walang garantiya na ang kanilang mga orasan ay 100 porsyentong tama. Bigyan muna ang iyong sarili ng sapat na oras para kumain at uminom, dahil kung ikaw ay magising na tapos na ang pagsimula ng oras ng Fajr, hindi ka na maaring kumain  at ikaw ay  mag-aayuno sa kabuuhan ng araw na walang laman ang tiyan! Kung mangyaring ikaw ay nanatiling tulog sa kabuuhang oras ng pagdarasal ng Fajr at nagising na tapos ng sumikat ang araw, ikaw ay dapat na mag-ayuno sa nalalabing panahon ng araw, at ang pag-aayuno ay may bisa pa rin.





Pangatlo, dapat na ikaw ay tuluyang tumigil sa mga bagay na nakakasira at nakakapag pawalang-bisa ng pag-aayuno na binanggit sa ibaba. Ang pangunahin rito ay talagang hindi pagkain, o hindi pag-inom, o relasyong sekswal sa asawa.





Pang-apat, ang oras para sa Maghrib o panahon ng takim-silim na salah ay nagsisimula pagkatapos ng paglubog ng araw. Ito rin ang panahon ng paghinto sa pag-aayuno at muling pagkain at pag-inom. Ang pagkain na ito ay tinatawag na iftar’. Ang Propeta ay hihinto muna sa kanyang pag-aayuno, kahit sa pamamagitan lamang ng isang pag-lagok ng tubig, at saka isinasagawa ang pagdarasal sa takip-silim o ang Salah sa Maghrib. Ikaw ay tuluyan nang malaya na kumain ng iyong hapunan sa oras na ito o kalaunan, gayunpaman, hindi mo dapat na ipagpaliban ang pagdarasal sa Maghrib dahil ikaw ay abala sa pagkain!





Ano ang mga Hindi ko Maaring Gawin habang Nag-aayuno?


Ikaw ay mahalagang mag-ayuno simula sa pagsimula ng bukang-liwayway (oras para sa Fajr) hanggang sa kompleto ng nakalubog ang araw (oras para sa Maghrib). Simula bukang-liwayway hanggang makalubog ang araw ikaw ay dapat lumayo mula sa:





·       Pagkain o pag-inom, kasama rito ang pag-inom ng mga tabletas o mga gamot na isinusubo. Kung ikaw ay magkamaling kumain o uminom, ito'y dahil sa nakalimutan mong ikaw ay nag-aayuno, walang dapat ipag-alala. Ipagpatuloy ang pagpigil mula rito sa natitirang bahagi ng araw na yaon. Ito'y pinapatawad, ang pag-aayuno ay mayroon pang bisa, at ang araw ay ibibilang. Ang Propeta, ang Kapayapaan at pagpapala ng Allah ay mapasakanya ay nagsabi:





“Sinuman ang nakalimot, at kumain o uminom, ipagpatuloy niya ang kanyang pag-aayuno, dahil pinakain siya ng Allah at pinainom siya." (Saheeh Al-Bukhari) (ayon sa salin ng kahulugan)





·    Ang pakikipagtalik,  nilabasan man o hindi, ay nakakapag pawalang-bisa ng pag-aayuno. Mag-ingat sa pinaka-seryosong pagsuway na ito ng pag-aayuno na sanhi ng kasalanan at mabigat na kapalit. Sa kadahilanang ito, maging ang paghalik ay ipinagbabawal kung merong panganib o pagbabadya na ito ay mapupunta sa pagtatalik. Muli, ito ay sa araw lamang na habang ikaw ay nag-aayuno. Walang pagbabawal pagdating ng kinagabihan. Bilang karagdagan, ang sekswal na pagpaparaos gamit ang kamay ay nakakapag pawalang-bisa rin ng pag-aayuno.





·     Ang sapilitan o pinilit na pagsusuka ay nakakasira ng pag-aayuno tulad ng sinabi ng Propeta:





"Sinuman na nagsuka ng hindi sinasadya ay hindi kinakailangan na magbayad sa pag-aayuno kalaunan, ngunit sinuman na sinadya niyang sumuka ay kinakailangan na magbayad ng pag-aayuno." (Al-Tirmidhi)





·     Ang paninigarilyo, na ipinagbabawal sa lahat ng oras, ay nakakapag pawalang-bisa rin ng pag-aayuno.[1]





Espesyal na mga Regulasyon para sa mga Kababaihan


(1)     Regla at Pagdurugo Matapos ang Panganganak


Kung ang regla ay nagsimula bago makalubog ang araw, ang pag-aayuno ng isang babae ay nawalan na ng bisa at kailangan niya itong bayaran kalaunan. Sa panahon ng kanyang buwanang-dalaw siya ay hindi maaring mag-ayuno. Kung matapos ang pagre-regla bago sumapit ang Fajr dapat na siya ay mag-ayuno, kahit hindi pa siya nakaligo hanggang sa ganap na ang oras ng Fajr. Lahat na bilang ng mga napagpaliban na araw ay kailangan bayaran matapos ang buwan ng Ramadan.





(2)      Pagbubuntis at Pagpapasuso


Ang parehong nagpapasuso at nagdadalang-tao na mga kababaihan ay kinakailangan mag-ayuno. Hindi dapat na mag-ayuno kung ito ay makakasama para sa sarili at sa bata, o kung ito ay masyadong mahirap sa pisikal na aspeto. Sa kabilang banda, kung ang pag-aayuno ay hindi magreresulta ng paghihirap o kapinsalaan, kung gayon, ang isang nagdadalang-tao o inang nagpapa-suso ay dapat na mag-ayuno.





Para sa karagdagang detalye patungkol sa usaping ito, hinihikayat namin kayo na magbasa-basa sa link na ito: Islam QA- Fasting. 





Panimula


 Ang pag-aayuno at kawang-gawa ay dalawang napakahalagang mga konsepto sa relihiyon ng Islam. Parehong kabilang sa limang haligi ng Islam at pareho ding may parehong boluntaryo at obligadong uri. Ang obligadong pag-aayuno ay ang ayuno na isinasagawa ng mga Muslim sa buwan ng Ramadan.  Ang mga boluntaryong pag-aayuno ay maaaring isagawa sa buong taon (maliban sa buwan ng Ramadan). Ang obligadong uri ng kawang-gawa ay kilala bilang zakah at ang isang permanenteng bahagi ng yaman ng isang tao ay binabayaran taun-taon. Ang boluntaryong kawang-gawa ay kilala bilang sadaqah. Ang pag-aayuno at pagkakawang-gawa sa kapwa ay madalas na pinagsasama sa Ramadan kapag sinisikap ng mga Muslim na maparami ang kanilang mga gantimpala. Ang mga alituntunin ng pag-aayuno at kawang-gawa ay matatagpuan saan mang lugar, ang araling ito ay tungkol sa espirituwal na mga kapakinabangan na makukuha mula sa mga gawaing ito.





Pag-aayuno (Sawm)


“O kayong mga naniwala! ang pag-aayuno ay itinatagubilin sa inyo tulad ng itinagubilin sa mga nauna sa inyo upang sakali kayo ay matakot kay Allah ng may tunay na pagkatakot sa Kanya” (Quran 2:183)





Ang pag-aayuno ay isang gawain ng espirituwal na paglilinis; ito ay isang mahalagang gawaing pagsamba na iniutos upang mapalapit ang isang tao kay Allah at pahintulutan siya na maranasan ang mga kapakinabangan na may kaugnayan sa banal na gawain. Sa buong araw sa tuwing ang isang tao ay mapaglabanan niya ang  kanyang pangangailangan na kumain o uminom, naaalala niya si Allah. Ang pag-iwas sa pagkain at inumin ay isa lamang  aspeto ng pag-aayuno.





Ang pag-iwas sa mga masasamang pag-uugali ay isa pang aspeto na madalas na napapansin. Si Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay nagsabi na ang ilan sa mga tao ay walang pakinabang mula sa kanilang sawm kundi gutom at uhaw.[1]  Sa isa pang hadith sinabi niya na kapag ang isang tao ay hindi titigilan ang huwad na salita at pagkilos, ay hindi na kailangan ni Allah ang kanyang pagpipigil sa pagkain at inumin.[2] Ang pag-aayuno ay nagpapadalisay sa isip at nakakatulong sa isang tao na makontrol ang kanyang kaakuhan (ego) at  pagiging sakim gayundin ay tinuturuan nito ang isang tao kung paano baguhin ang kanyang pag-uugali at baguhin ang mga masasamang gawi sa mabubuti. Ang Sawm ay nagtuturo rin ng pagkakaroon ng habag at pakikiramay para sa mga taong walang pagkain o tubig araw-araw. Ang pagtitiis, pasasalamat at kapakumbabaan ay mga katangian na sinisikap ng mga Muslim na magawa ng tama at ang pag-aayuno ay isang paraan na tumutulong na maitanim ito sa kanilang isipan sa pang-araw-araw na buhay.





Ang pag-aayuno ay isang napaka-espesyal na gawaing pagsamba dahil ito ay isang bagay na nasa pagitan ng taong nag-aayuno at ng Diyos. Sinabi ng Diyos sa isang hadith qudsi, "Ang pag-aayuno ay para sa Akin at Ako lamang ang maggagantimpala nito".[3]





 Ang du'a ng nag aayunong tao ay di tinatanggihan. Kaya ang pagsasagawa ng maraming  du'a kapag nag-aayuno at sa oras ng pagtitigil sa pag aayuno ay lubos na ipinapayo. Sa oras ng pagtitigil sa ayuno, pinipili ni Allah ang mga taong maliligtas mula sa mga apoy ng Impiyerno.[5]Ang pagtatapos ng pag-aayuno ay isa rin sa dalawang kagalakan na nauugnay sa pag-aayuno. Ang isa ay kapag ang isang tao ay nakakatugon sa kanyang Panginoon at nagdiriwang ng kanyang matagumpay na pag-aayuno..[6]  Ang pag-aayuno ay isang malakas na tanggulan na nagpapanatili sa isang tao na ligtas mula sa apoy ng Impiyerno[7]  at bilang karagdagan dito, sa Araw ng Paghuhukom ang pag-aayuno mismo ay mamagitan para sa isang tao..[8]





Kawang-gawa (Zakah)


“Katotohanan, yaong mga naniniwala at gumagawa ng mga gawaing matuwid, at nagsasagawa ng pagdarasal, at nagbibigay ng kawang-gawa (zakah) para sa kanila ay mabuting gantimpalang nagmumula sa kanilang Panginoon. Sila ay walang mararanasang pangamba at sila ay walang madaramang kalungkutan” (Quran 2:277)





Ang salitang zakah ay binanggit ng humigit-kumulang 30 beses sa Quran at ito ay sinamahan ng salah para sa halos lahat ng mga ito. Ito ay isang dakilang gawaing pagsamba na, tulad ng pag-aayuno, ay nagbibigay ng pagkakataon para sa espirituwal na paglilinis.  Sa kaso ng zakah gayunpaman ito ay nagpapadalisay sa puso ng parehong tagapagbigay at sa tatanggap at ito ay nagtatanggal sa isang tao mula sa kasakiman at karamutan na madalas na nauugnay sa kayamanan. Ang isang taong masigasig na nagbabayad sa kanyang zakah ay nakakaramdam ng pagiging malapit kay Allah at ng isang responsibilidad para sa mahihirap at nangangailangan. Ang pagtanggap ng zakah ay isa ring karapatan na ibinigay ni Allah. Ang taong tatanggap ng zakah ay natatagpuan ang kanyang puso na nalinis mula sa inggit at kapootan na kadalasang mayroon ang mga dukha para sa mga mayaman at makapangyarihan. Sa gayon ito ay nagpapatibay ng mga ugnayan ng pagkakapatiran.





Ang salitang zakah ay literal na nangangahulugan ng bagay na nagpapalinis at ito ay ipinag-utos ni Allah sa maraming dahilan. Ipinamamahaging muli nito ang mga yaman at hinihikayat ang katarungang panlipunan at responsibilidad. Ang Iskolar ng Islam na si  Ibn Taymiyah ay nagsabi na ang kaluluwa ng taong nagbibigay ng zakah ay pinagpala at gayon din ang kanyang kayamanan. Ang pagbibigay at pagtanggap ng zakah ay ang espirituwal na kapakinabangan ng pagpapahintulot sa isang tao na makaramdam ng kaligayahan na nauugnay sa kaluguran, kapatawaran at pagpapala ni Allah. Habang ang zakah ay maaaring tila isang pagbawas sa yaman ng isang tao o kapital ito ay talagang isang pinagmumulan ng pagpapala at dahil dito ay humahantong sa pagtaas ng kayamanan, pananalapi at espirituwal.





“Sino nga kaya ang nakahandang magpautang [gumugol ng yaman] para kay Allah ng isang mabuting pautang upang ito ay Kanyang dagdagan ng maraming ulit para sa kanya?…” (Quran 2:245)





Ang kabiguang magbayad ng zakah ay isang malaking kasalanan at dahil dito ay nakukuha ang poot ni Allah. Sinabi sa atin ni Propeta Muhammad na sa Araw ng Paghuhukom ang yaman ng isang tao na hindi makatarungang naipamahaging muli ay pupulupot ito sa kanyang leeg sa anyo ng isang makamandag na ahas. Tutuklawin nito ang kanyang mga pisngi na nagsasabing ako ang iyong ari-arian at kayamanan.[9] Ipinapaalala sa atin ni Propeta Muhammad na ang zakah ay  siyang tatayo sa pagitan natin at ng kalamidad.[10]








 



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG