Naririnig nila noon ang pagluluwalhati kay Allah ng pagkain sa tabi niya habang ito ay
kinakain, ang pagbati ng mga bato at ng mga punong-kahoy sa kanya, at ang pagkausap
sa kanya ng braso ng tupang may lason na ibinigay sa kanya ng isang babaing Hudyo na
nagnanais na pumatay sa kanya sa pamamagitan ng lason.
Hiniling sa kanya ng isang Arabe na taga-disyerto na pakitaan niya ito ng himala kaya
nag-utos siya sa isang punong-kahoy at pumunta iyon sa kanya. Pagkatapos ay inutusan
niya iyon at bumalik iyon sa kinalalagyan niyon. Sinalat niya ang utong ng inahing tupa
na walang gatas at nagkaroon ito ng gatas. Ginatasan niya ito, uminom siya, at pinainom
niya si Abú Bakr (RA). Dumura siya sa mga mata ni ‘Alíy ibnu Abí Tálib (RA) noong ito
ay nagkaroon ng namamagang mata at gumaling naman ang mga ito kaagad. Nasugatan
ang paa ng isa sa mga Kasamahan niya kaya hinipo niya ito at gumaling ito kaagad.
Dumalangin siya para kay Anas ibnu Málik (RA) na magkaroon ng mahabang buhay,
maraming yaman at anak, at na pagpalain ito ni Allah sa mga ito. Kaya naman nagkaanak
ito ng 120 anak. Ang mga punong datiles nito ay namumunga nang dalawang ulit sa isang
taon, gayong ang nalalaman ng lahat tungkol sa datiles ay na ito ay namumunga ng isang
ulit sa isang taon. Nabuhay ito nang 120 taon.
Idinaing sa kanya ng isa sa mga Kasamahan Niya ang tagtuyot habang siya ay nasa
pulpito kaya iniangat niya ang mga kamay niya na dumadalangin kay Allah noong ang
langit ay walang ulap. Namuo ang mga ulap na kasinlaki ng mga bundok. Bumuhos ang
malakas na ulan hanggang sa sumunod na Biyernes hanggang sa idinaing naman sa kanya
ang dami ng ulan. Kaya nanalangin siya kay Allah at tumigil ang ulan. Lumabas ang mga
tao na naglalakad sa ilalim ng sikat ng araw.
Pinakain niya ang isang libong taong lumahok sa sagupaan sa bambang ng isang salop
na trigo at isang kambing. Nabusog silang lahat at umalis sila samantalang ang pagkain
ay hindi nabawasan ng anuman. Pinakain niya rin ang lahat ng lumahok sa sagupaan sa
bambang mula sa kaunting datiles na dinala ng anak na babae ni Bashír ibnu Sa‘d (RA)
para lamang sana sa ama at amain nito sa ina. Pinakain din niya ang buong hukbo mula sa
baon ni Abú Hurayrah (RA) hanggang sa nabusog sila.
Lumabas siya sa bahay habang may isandaang Quraysh na naghihintay sa kanya upang
patayin siya at hinagisan niya ang mga mukha nila ng alikabok. Umalis siya at hindi nila
siya nakita. Sinundan siya ni Suráqah ibnu Málik upang patayin. Ngunit noong nakalapit na
ito sa kanya ay nanalangin siya laban dito at lumubog sa lupa ang mga paa ng kabayo nito.
Mga Pangyayari at mga Aral Mula sa Buhay ng Sugo
Ang Pagbibiro Niya (SAS)
Ang Propeta (SAS) noon ay nagbibiro sa mga Kasamahan niya ngunit walang siyang
sinasabi kundi ang totooo. Nakikipaglaro siya sa maybahay niya. Pinapansin niya ang mga
bata at nagtatalaga siya para sa kanila ng isang bahagi sa oras niya. Pinakikitunguhan niya
sila ng ayon sa nakakayanan nila at nauunawaan nila. Binibiro niya noon ang utusan niya na
si Anas ibnu Málik (RA). Marahil ay sinabihan niya ito minsan: “O may dalawang tainga.”
May pumunta sa kanya na isang lalaki at nagsabi: “O Sugo ni Allah, isakay mo po ako.”
Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (SAS), na nagbibiro: “Tunay na kami ay magpapasakay
sa iyo sa anak ng inahing kamelyo.” Nagsabi ito: “At ano po ang gagawin ko sa anak ng
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
126
inahing kamelyo?” Kaya nagsabi ang Propeta (SAS): “May iba pa bang nagsisilang ng
kamelyo kundi ang mga inahing kamelyo?”
Siya ay palagi sa pagngiti at pagkamasayahin sa harap ng mga Kasamahan niya. Wala
silang naririnig mula sa kanya kundi ang mabuting salita. Ayon kay Jarír (RA) na nagsabi:
“Hindi ako hinadlangan ng Propeta (SAS) mula ng yumakap ako sa Islam. Hindi niya ako
natingnan malibang ngumingiti siya sa harap ko. Talaga ngang dumaing ako sa kanya na
hindi ako makapanatili sa ibabaw ng kabayo kaya itinapik niya ang kamay niya sa dibdib
ko at nagsabi: “O Allah, panatilihin Mo siya at gawin mo siya na isang tagapatnubay
na napapatnubayan.” Kaya hindi na ako nalaglag sa kabayo matapos niyon.
Binibiro rin niya noon ang mga kamag-anak niya. Pumunta siya sa bahay ng anak niyang
si Fátimah at hindi niya nasumpungan ang asawa nitong si ‘Alíy sa bahay kaya nagsabi siya:
“Nasaan siya?” Nagsabi ito: “Nagkaroon kami ng isang alitan kaya pinagalitan niya ako at
lumabas siya.” Pinuntahan siya ng Sugo ni Allah samantalang siya ay nakahiga sa masjid.
Naalis sa kanya ang balabal niya at nalagyan siya ng alikabok kaya nagsimula ang Sugo ni
Allah (SAS) na punasan iyon habang ito ay nagsasabi: “Bumangon ka, o ama ng alikabok;
bumangon ka, o ama ng alikabok.”
Ang Pakikitungo Niya sa mga Nakababata
Ang mga bata ay may naranasang sapat na bahagi mula sa dakilang kaasalan niya. Nakikipagtakbuhan
siya sa maybahay niyang si ‘Á’ishah (RA). Pinapayagan niya ang pakikipaglaro
nito sa mga kaibigan nito. Ayon kay ‘Á’ishah (RA) na nagsabi: “Ako noon ay
naglalaro kasama ng mga batang babae sa tabi ng Propeta (SAS). Mayroon akong mga
kaibigan na naglalaro noon kasama ko. Ang Sugo ni Allah (SAS) noon kapag pumasok ay
pinagtataguan nila ngunit pinapupunta niya sila sa akin at maglalaro sila kasama ko.”
Pinahahalagahan niya rin ang mga nakababata, nakikipaglaro siya sa kanila, at mabait
siya sa kanila. Ayon kay ‘Abdulláh ibnu Shaddád, ayon sa ama niya na nagsabi: “Lumabas
sa amin ang Sugo ni Allah (SAS) sa isa sa dalawang saláh sa gabi samantalang kinakarga
niya si Hasan o si Husayn. Pumunta sa harap ang Sugo ni Allah (SAS) at inilapag niya ito.
Pagkatapos ay nagsabi siya ng Alláhu akbar sa pagpapasimula ng saláh. Nagdasal siya.
Nagpatirapa siya ng isang pagpapatirapa at tinagalan niya ito. Nagsabi ang ama ko: “Kaya
inangat ko ang ulo ko at ang bata ay nasa ibabaw ng likod ng Sugo ni Allah (SAS) habang
siya ay nakapatirapa kaya bumalik ako sa pagkakapatirapa ko.” Kaya noong natapos ng
Sugo ni Allah (SAS) ang saláh ay nagsabi ang mga tao: “O Sugo ni Allah, tunay na ikaw
ay nagpatirapa ng isang pagpapatirapa na pinatagal mo hanggang sa inakala namin na may
nangyaring isang pangyayari, o na may isinisiwalat sa iyo.” Nagsabi siya: “Lahat ng iyon
ay hindi nangyari; bagkus ang anak ko ay sumakay sa akin at hindi ko ibig na madaliin
siya hanggat hindi natatatpos ang pangangailangan niya.”
Ayon kay Anas ibnu Málik (RA) na nagsabi: “Ang Propeta (SAS) ay ang pinakamaganda
sa mga tao sa kaasalan. Nagsasabi siya sa isang kapatid ko na maliit: O Ama ni ‘Umayr,191
ano ang ginawa ng nughayr? Ang nughayr ay isang maliit na ibon na pinaglalaruan ng
batang iyon. Sa pangyayaring ito ay mayroong isang pang-aaliw sa batang ito.
191 Tinawag dito ng Sugo ang bata na Ama ni ‘Umayr gayong sa kaugaliang Arabe ay hindi tinatawag nang
ganito ang mga bata. Isa itong biro at paglalambing. Marahil ang katumbas nito sa mga Pilipino ay ang tawaging
Mister o Miss ang isang batang lalaki o babae. Ang Tagapagsalin.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
127
Ang Pakikitungo Niya sa Mag-anak Niya
Tungkol naman sa pakikitungo ng Propeta (SAS) sa mag-anak niya, natipon nito ang
mga marangal sa mga kaasalan. Siya ay mapagpakumbaba. Siya ay laging tumutugon sa
pangangailangan ng mag-anak niya. Isinasaalang-alang niya ang kalagayan ng babae bilang
isang tao, isang ina, isang maybahay, at isang anak. Tinanong siya ng isang lalaki na nagsabi:
“Sino po ang higit na karapat-dapat sa mga tao sa magandang pakikisama ko?” Sinabi
niya: “Ang ina mo, pagkatapos ay ang ina mo, pagkatapos ay ang ina mo, at pagkatapos
ay ang ama mo.” Sinabi pa niya: “Ang sinumang nakaabot sa mga magu-lang niya o sa
isa sa kanila at hindi nagpakabuti sa kanila at saka namatay siya at saka pumasok siya
sa Apoy ay ilalayo siya ni Allah [sa awa Niya].
Kapag uminom ang maybahay niya sa sisidlan ay kukunin niya ito, ilalagay niya ang
bibig niya sa pinaglagyan ng bibig niyon at iinuman. Siya noon ay nagsasabi: “Ang pinakamabuti
sa inyo ay ang pinakamabuti sa maybahay niya at ako ay ang pinakamabuti
sa inyo sa maybahay ko.”
Ang Awa Niya (SAS)
Tungkol naman sa katangian ng awa niya, sinabi nga niya (SAS): “Ang mga naaawa
ay kaaawaan ng Napakamaawain. Kaawaan ninyo ang sinumang nasa lupa, kaaawaan
Niya kayo na nasa langit.” Ang marangal na Propeta natin (SAS) ay may pinakamasaganang
bahagi sa dakilang kaasalan na ito. Lumilitaw iyon na malinaw at hayag sa mga nangyari
sa kanya kasama ng lahat, maging bata man o matanda, maging kaanak man o di-kaanuano.
Kabilang sa mga halimbawa ng habag niya at awa niya ay na pinadadali niya ang mga
saláh niya at hindi pinatatagal kapag nakarinig ng iyak ng isang paslit. Ayon kay Abú
Qatádah (RA), ayon sa Propeta (SAS) na nagsabi: “Tunay na ako ay talagang tatayo na
sa saláh na ninanais ko na patagalin ngunit nakarinig ako ng iyak ng paslit kaya naman
magpapaikli ako ng saláh ko dahil sa pagkasuklam na baka makapagpahirap ako sa
ina niya.”
Bahagi ng awa niya sa kapwa niya at kasigasigan niya na pumasok sila sa Relihiyong
mula kay Allah, noong nagkasakit ang isang batang Hudyo na naglilingkod sa Propeta (SAS)
ay pinuntahan niya ito at dinadalaw ito. Umupo siya sa tabi ng ulo nito at nagsabi rito:
“Yumakap ka sa Islam.” Tumingin ito sa ama nito na nakatayo sa tabi ng ulo nito at nagsabi
rito ang ama nito: “Tumalima ka kay Abulqásim.”192 Kaya yumakap sa Islam ang bata.
Pagkatapos, hindi naglaon ay namatay ito. Lumabas ang Propeta (SAS) mula sa kinaroroonan
nito habang siya ay nagsasabi: “Ang papuri ay ukol kay Allah na sumagip sa
kanya mula sa Apoy.”
Ang Pagkamatiisin Niya (SAS)
Tungkol naman sa sanaysay hinggil sa pagkamatiisin niya, ang buhay niya ay pawang
pagtitiis, pagpapakamatiisin, pakikibaka sa iba, at pakikibaka sa sarili. Hindi na siya natigil
sa pagtitiis, pagpapakamatiisin, at patuloy na gawain magmula ng ibinaba sa kanya ang
unang talata ng Qur’an hanggang sa huling sandali ng buhay niya. Talaga ngang nalaman
ng Sugo ni Allah (SAS) ang kalikasan ng anumang matatagpuan niya sa landas na ito mula
sa unang sandali ng pagsugo sa kanya at matapos ang unang pakikipagkita sa Anghel, noong
192 Ito ang taguri sa Propeta (SAS).
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
128
dinala siya ni Khadíjah (RA) kay Waraqah ibnu Nawfal. Sinabi sa kanya ni Waraqah: “O
kung sana ako ay buhay pa kapag palalayasin ka ng mga kababayan mo.” Kaya nagsabi
siya rito: “At palalayasin ba nila ako?” Nagsabi ito: “Oo, sapagkat wala pang isang lalaki
kailanman na nagdala ng tulad sa ihinatid mo na hindi inaway.” Kaya pinahirati na niya ang
sarili niya mula sa simula sa pagtitiis sa mga hirap, pananakit, pakana, at pangangaway.
Kabilang sa mga pangyayaring nalalantad ang pagkamatiisin niya (SAS) ay ang dumapo
sa kanya na pisikal na pamiminsala mula sa mga kababayan niya, mga kaanak niya, at angkan
niya samantalang siya ay nagpaparating ng menshae ng Panginoon niya sa Makkah. Kabilang
doon ang nasaad ayon kay Imám alBukháríy na si ‘Urwah ibnu azZubayr ay nagtanong
kay ‘Abdulláh ibnu ‘Amr ibnu al‘Áss hinggil sa pinakamatinding bagay na ginawa ng mga
Mushrik sa Propeta (SAS) kaya nagsabi ito: “Samantalang ang Propeta (SAS) ay nagdarasal
sa hijr193 ng Ka‘bah ay biglang lumapit si ‘Uqbah ibnu Abí Mu‘ít at inilagay nito ang damit
nito sa leeg niya at binigti siya ng isang matinding pagbigti kaya lumapit si Abú Bakr hanggang
sa hinawakan niyon ito sa balikat nito at itinulak palayo sa Propeta (SAS) at nagsabi:
Papatay ba kayo ng isang lalaki na nagsasabing: Ang Panginoon ko ay si Allah?”
Minsan isang araw, siya ay nagdarasal sa tabi ng Bahay ni Allah samantalang si Abú Jahl
at mga kasamahan nito ay nakaupo. Nagsabi ang ilan sa kanila sa iba sa kanila: “Alin sa
inyo ang magdadala ng bituka ng kamelyo ng liping Polano at ilalagay sa ibabaw ng likod
ni Muhammad kapag nagpatirapa siya?” Kaya nagdali-dali ang napakalapastangan sa mga
tao at dinala iyon. Naghintay ito hanggang sa nagpatirapa ang Propeta (SAS) at inilagay
nito iyon sa ibabaw ng likod niya sa pagitan ng mga balikat niya. Nagsimula silang magtawanan
at kumikiling ang ilan sa kanila sa iba samantalang ang Sugo ni Allah ay nakapatirapa
hindi nag-aangat ng ulo niya, hanggang sa dumating ang anak niya na si Fátimah at inalis
sa likod niya ang dumi.
Higit na matindi pa roon ang pananakit na sikolohikal na kumakatawan sa pagtanggi
sa paanyaya niya; pagpapasinungaling sa kanya; pagpaparatang sa kanya na siya raw ay
isang manghuhula, isang manunula, isang baliw, at isang manggagaway; at ang pagsasabing
ang ihinatid niya na mga talata ng Qur’an ay walang iba kundi mga mito ng mga
sinaunang tao. Kabilang doon ay ang sinabi ni Abú Jahl habang nanunuya: “O Allah, kung
nangyaring ito ay ang katotohanan na buhat sa Iyo, paulanan Mo kami ng mga bato mula
sa langit o dalhan mo kami ng isang masakit na pagdurusa.”
Ang amain niya na si Abú Lahab ay sumusunod sa kanya kapag pumupunta siya sa
mga pinagtitipunan ng mga tao at mga palengke nila upang anyayahan niya sila sa Islam.
Pinasisinungalingan siya nito at sinasaway sila sa paniniwala sa kanya. Samantala, ang
maybahay naman nito na si Umm Jamíl ay nangangalap ng mga kahoy at mga tinik at
hinahagis sa daanan niya.
Umabot ang pananakit sa rurok nito nang kinubkob siya kasama ng mga Kasamahan
niya ng tatlong taon sa Shi‘b Abí Tálib hanggang sa kumain na sila ng mga dahon ng mga
punong-kahoy sa tindi ng gutom. Nadagdagan pa sa kanya ang mga kalungkutan nang namatayan
siya ng maybahay niyang si Khadíjah, na umaalo sa kanya at tumutulong sa kanya.
Pagkatapos ay binigla pa siya ng pagkamatay ng amain niya na nagsasanggalang sa kanya
at nagtatanggol sa kanya. Nag-ibayo pa ang kalungkutan niya dahil sa ito ay namatay sa
kawalang-pananampalataya sa Islam. Pagkatapos ay umalis siya sa bayan niya upang lumikas
193 Ang pabilog na bakod sa dakong kanlurang tagiliran ng Ka‘bah.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
129
pagkatapos ng ilang pagtatangka ng pagpatay sa kanya. Sa Madínah ay magsisimula siya
ng isang bagong panahon ng pagtitiis, pagpapakasakit, at isang buhay na naglalaman ng
marami sa paghihirap at kagipitan hanggang sa nagutom siya, naghirap siya, at nagtali siya
sa tiyan niya ng bato. Sinasabi niya (SAS): “Pinangamba nga ako dahil kay Allah at
walang pinangangamba [ng gayon] ni isa man. Talaga ngang sinaktan ako dahil kay
Allah at walang pinipinsala [ng gayon] ni isa man. Talaga ngang may dumating sa akin
na tatlumpung [pagkakataon] sa pagitan ng araw at gabi samantalang ako at si Bilál
ay walang ibang pagkain na nakakain ng isang may atay kundi isang bagay na maitatago
ng kilikili ni Bilál.”
Pinaratangan na siya sa karangalan niya at dumanas siya ng pananakit mula sa mga
nagkukunwaring sumasampalataya at mga mangmang na mga Arabeng disyerto. Bagkus
naisalaysay ni alBukháríy ayon kay ‘Abdulláh ibnu Mas‘úd (RA) na nagsabi: “Namahagi
ang Sugo ni Allah ng isang bahagi at may nagsabi na isang lalaking kabilang sa mga Ansáríy:
Sumpa man kay Allah, hindi nagnanais si Muhammad sa pamamagitan ng [paghahating]
ganito ng ikalulugod ng Mukha ni Allah.”194 Nagsabi pa si Ibnu Mas‘úd: “Kaya pumunta
ako sa Sugo ni Allah (SAS) at binalitaan ko siya. Nagbago ang mukha niya at nagsabi siya:
Kawaan ni Allah si Moises; talaga ngang sinaktan siya ng higit pa rito at nagtiis siya.”
Kabilang sa mga sandaling nagpakamatiisin ang Propeta (SAS) ay ang mga araw ng
pagkamatay ng mga lalaking anak niya at mga babaing anak niya. Nagkaroon siya ng pitong
supling na nagkasunud-sunod ang pagkamatay nila: ang isa kasunod ng isa pa, hanggang
sa walang natira sa kanila kundi si Fátimah (RA). Ngunit hindi siya pinanghinaan ni
nangalupaypay bagkus ay nagtiis siya ng isang magandang pagtitiis. Naiulat hinggil sa
kanya noong araw ng kamatayan ng anak niya na si Ibráhím ang sinabi niya: “Tunay na
ang mata ay lumuluha at ang puso ay nalulungkot. Wala kaming sasabihin kundi ang
ikalulugod ng Panginoon namin. Tunay na kami, sa pakikipaghiwalay sa iyo, o Ibráhím,
ay talagang mga nalulungkot.”
Ang pagtitiis ng Propeta (SAS) ay hindi limitado sa pananakit at pagsubok, bagkus
nasaklawan din ng pagtitiis niya ang pagtalima kay Allah, yamang ipinag-utos sa kanya
ng Panginoon niya iyon. Siya ay nagsusumikap noon sa pagsamba at pagtalima hanggang
sa namaga ang mga paa niya dahil sa tagal ng pagtayo. Dinadalasan niya ang pag-aayuno,
ang pagsambit ng dhikr at iba pang mga pagsamba. Kapag tinanong siya tungkol doon, siya
ay nagsasabi: “At ako ba ay hindi dapat maging isang lingkod na mapagpasalamat?”
Ang Kawalan Niya (SAS) ng Hilig sa Karangyaan
Hindi aangkop nang totohanan na itaguri ang katangian ng kawalan ng hilig sa karangyaan
kundi sa sinumang madaling magkamit para sa kanya ng isang ninanais mula sa
mga ninanais ngunit tinanggihan niya ito at iniwan niya ito bilang pagtanggi rito. Ang
Propeta natin ay ang pinakawalang hilig sa karangyaan sa lahat ng tao sa mundo at ang
pinakakaunti sa kanila sa pagkaibig dito, na nagkakasya sa sapat sa pangangailangan mula
rito, nalulugod sa buhay ng kasalatan gayong ang mundo ay nasa pagitan ng mga kamay
niya at gayunpaman siya ay ang pinakamapagbigay na nilikha para kay Allah. Kung sakaling
ninais niya, talagang ipinagkaloob na sana ni Allah sa kanya ang anumang nanaisin
niya na mga yaman at mga biyaya.
194 Inaakala nito na hindi makatarungan ang pamamahagi ng Propeta (SAS).
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
130
Nabanggit nga ni Imám Ibnu Kathír, kaawaan siya ni Allah, sa pagpapaliwanag niya sa
Qur’an na ayon kay Khaythamah, ay sinabihan ang Propeta (SAS): “Kung loloobin mo,
[mangyayari] na bibigyan ka Namin ng mga tagong yaman ng daigdig at mga susi ng mga
ito, na hindi Namin ibinigay sa isang propeta na nauna sa iyo at hindi Namin ibibigay sa
isa pagkatapos mo at hindi makababawas iyon mula sa nauukol sa iyo sa ganang kay Allah.”
Kaya nagsabi siya: “Ipunin ninyo para sa akin sa Kabilang-buhay.”
Tungkol naman sa buhay niya at pamumuhay niya, ito ay isang kamangha-mangha mula
sa kamangha-mangha. Sinasabi ni Abú Dharr (RA): “Ako ay naglalakad noon kasama ang
Propeta (SAS) sa batuhan ng Madínah. Humarap kami sa bundok ng ‘Uhud at nagsabi siya:
“Hindi magpapasaya sa akin na mayroon akong tulad ng [bundok ng] Uhud na ito na
ginto, na lilipas sa akin ang tatlong araw at mayroon pa akong isang dínár mula roon,
maliban sa isang bahagi na itatabi ko ukol sa utang, malibang sasabihin ko [na ipamigay]
ito sa mga lingkod ni Allah para sa ganito, ganyan, at ganoon sa dakong kanan,
dakong kaliwa, at dakong likuran.” Siya noon ay nagsasabi: “Ano ang kaugnayan sa
mundo? Ako ay nasa mundo gaya lamang ng isang nakasakay na sumisilong sa ilalim
ng isang punong-kahoy at pagkatapos ay aalis at iiwan ito.”
Ang Pagkain Niya at ang Pananamit Niya (SAS)
Tungkol naman sa pagkain niya, dumadaan noon sa kanya ang isang buwan, ang dalawang
buwan, at ang tatlong buwan at walang nagniningas sa bahay niya na apoy. Ang
pagkain niya ay ang datiles at ang tubig. Marahil nanatili siya sa maghapon na namimilipit
dahil sa tindi ng gutom at hindi siya nakahahanap ng pupuno sa tiyan niya. Ang karamihan
sa tinapay niya ay mula sa barley.195 Hindi naiulat hinggil sa kanya na siya ay
kumain kailanman ng tinapay na manipis.196 Bagkus tunay na ang alila niya na si Anas
(RA) ay bumanggit na hindi naipagsama sa kanya ang pananghalian ni ang hapunan na
tinapay at karne maliban kapag pinupuntahan siya ng mga panauhin.
Ang kalagayan niya sa pananamit niya ay hindi higit na salat kaysa sa nauna sapagkat
sinasaksihan ukol sa kanya ng mga Kasamahan niya (RA) ang kawalan niya ng hilig sa
karangyaan at ang hindi pagmamarangya niya sa pananamit niya, gayong siya ang may
kakayahan na kumuha ng mga kasuutan na pinakamahal. Sinasabi ng isa sa mga Kasamahan
niya habang inilalarawan ang pananamit niya: “Pinuntahan ko ang Sugo ni Allah (SAS)
upang kausapin siya tungkol sa isang bagay at nasumpungang siya ay nakaupo at nakasuot
ng tapis na magaspang na bulak.”
Pumunta si Abú Bardah kay ‘Á’ishah, ang ina ng mga mananampalataya at naglabas
ito ng isang damit na sinulsi at tapis na magaspang. Pagkatapos ay sinabi nito: “Kinuha ang
Sugo ni Allah (SAS) suot ang dalawang damit na ito.” Ayon naman kay Anas ibnu Málik
(RA) na nagsabi: “Ako ay naglalakad noon kasama ang Sugo ni Allah habang nakasuot
siya ng isang Najrání197 na balabal na magaspang ang gilid.”
Hindi siya nag-iwan noong namatay siya ng isang dirham, ni isang dínár, ni isang aliping
lalaki, ni isang aliping babae, ni anuman, maliban sa puting mola niya, sandata niya, at
isang lupa na ginawa niyang isang kawanggawa. Nagsabi si ‘Á’ishah: “Yumao ang Sugo
195 Mumurahing uri ng tinapay.
196 Hindi marangya.
197 Yari sa Najrán, na isang lugar sa timog Arabia.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
131
ni Allah (SAS) samantalang sa estante ko ay walang isang bagay na kinakain ng isang may
atay maliban pa sa kalahating takal na barley.” Namatay siya samantalang ang panangga
niya ay nakasangla sa isang Hudyo sa halaga ng kaunting barley.
Ang Katarungan Niya (SAS)
Tungkol naman sa katarungan, siya ay makatarungan sa pakikitungo niya sa Panginoon
niya, makatarungan sa pakikitungo niya sa sarili niya, makatarungan sa pakikitungo niya
sa mga maybahay niya, at makatarungan sa pakikitungo niya sa mga kapwa tao: sa kaanak
o di-kaanu-ano, sa kasamahan o kaibigan, sa sumasang-ayon o sumasalungat, pati na ang
kaaway na nagmamalaki. Ito ay may bahagi sa katarungan niya. Tinutulan siya ng mga tao at
nilalabag ang karapatan niya ng mga tao, ngunit hindi niya tinatalikuran ang katarungan.
Ang katarungan ay nakakapit sa Sugo (SAS) sa pananatili niya at paglalakbay niya. Siya
ay nasusuklam na magtangi-tangi sa mga Kasamahan niya. Bagkus ibig niya ang katarungan
at ang pagkakapantay-pantay. Pinapasan niya ang mga hirap at mga pagod tulad nila. Ayon
kay ‘Abdulláh ibnu Mas‘úd (RA) na nagsabi: “Kami noong araw ng [sagupaan sa] Badr
ay nakasakay ang [isa sa] bawat tatlo sa isang kamelyo. Sina Abú Lubábah, ‘Alí ibnu Abí
Tálib ay mga kasama ng Sugo ni Allah (SAS).” Sinabi pa niya: “Kaya noong dumating ang
pagkakataon ng Sugo ni Allah (SAS) ay nagsabi sila: Kami naman ang maglalakad at ang
sasakay ay ikaw. Sinabi niya: “Kayo ay hindi higit na malakas kaysa sa akin at ako ay
hindi higit na walang pangangailangan sa gantimpala [ni Allah] kaysa sa inyo.”
Samantalang si Usayd ibnu Hudayr ay nakikipagbiruan sa mga tao at nagpapatawa sa
kanila ay sinundot siya ng Propeta sa baywang niya ng isang patpat kaya nagsabi si Usayd:
“Sinaktan mo ako, kaya hayaan mong makaganti ako sa iyo.” Kaya sinabi niya: “Gumanti
ka.” Nagsabi si Usayd: “Tunay na mayroon kang isang kamisa at wala akong kamisa.”
Kaya inangat ng Propeta (SAS) ang kamisa niya at niyapos naman siya ni Usayd at nagsimula
itong humalik sa pagitan ng baywang at tadyang at nagsabi: “Ninais ko lamang ito,
o Sugo ni Allah.
Siya ay hindi nalulugod na ipatigil ang mga batas ni Allah na isinabatas Niya upang
itayo ang katarungan sa gitna ng mga tao, kahit pa man ang salarin ay kabilang sa mga
kaanak niya at mga minamahal niya. Sa kaso ng babaing kabilang sa liping Makhzúm na
nagnakaw ay hindi niya tinanggap ang pamamagitan ni Usámah [ibnu Zayd] at sinabi niya
ang tanyag na pagkakasabi niya: “O mga tao, nilipol lamang ang mga nauna sa inyo
dahil sila noon, kapag nagnakaw sa kanila ang maharlika, ay nagwawalang-bahala
roon at kapag naman nagnakaw sa kanila ang mahina ay ipinatutupad nila roon ang
batas. Sumpa man kay Allah, kung sakaling si Fátimah na anak ni Muhammad ay
nagnakaw, talagang puputulin ko ang kamay niya.”
Ang Sinabi Nila198 Tungkol Kay Muhammad (SAS)
Ang sumusunod ay mga sinipi mula sa mga sinabi ng ilan sa mga philosopher at mga
kanluraning oryentalista199 patungkol kay Propeta Muhammad (SAS), na naglilinaw ng pagamin
nila sa kadakilaan ng marangal na Propetang ito, pagkapropeta niya, kapuri-puring
198 Ang mga siniping pananalita rito ay salin mula sa wikang Arabe.
199 Dalubhasa sa kultura, wika, relihiyon at iba pa ng mga taga-Silangan (Oryental).
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
132
mga katangian niya, at katotohanan ng mensaheng inihatid niya, na malayo sa panatisismo
at sa pagpalaganap ng mga kabulaanang inilalako ng ilan sa mga kaaway ng Islam.
Nagsasabi ang nagwagi ng Nobel Prize na Irlandes na si Bernard Shaw sa aklat
niya na pinamagatang Muhammad, na ipinasunog ng mga awtoridad ng Britania: “Ang
mundo ay lalong higit na nangangailangan sa isang taong nasa pag-iisip ni Muhammad,
ang Propeta na ito na naglagay sa Relihiyon niya palagi sa kalagayang iginagalang at pinagpipitagan.
Ito ay ang pinakamakapangyarihang relihiyon na manaig sa lahat ng mga kabihasnan,
na manatiling gayon magpakailanman. Nakikita ko na marami sa mga kababayan
ko ay pumasok sa relihiyong ito ayon sa pagkaunawa. Matatagpuan ng relihiyong ito ang
malawak na larangan nito sa kontinente ng Europa.”
Nagsasabi pa siya: “Ang mga alagad ng relihiyon noong Kalagitnaang Panahon, dahil
sa kamangmangan at panatisismo, ay naglarawan sa relihiyon ni Muhammad ng isang
madilim na larawan. Itinuturing noon nila na ito ay isang kaaway ng Kristiyanismo. Subalit
napag-aralan ko ang taong ito at natagpuan ko na siya ay isang pambihira at kahanga-hanga
at napagtanto ko na siya ay hindi kaaway ng Kristiyanismo. Bagkus kinakailangang tawagin
siya na tagapagligtas ng sangkatauhan. Sa palagay ko, kung sakaling siya ay hahawak sa
pamamahala ng mundo sa ngayon, magtatagumpay siya sa paglutas ng mga suliranin natin,
na siyang magtitiyak sa kapayapaan at kaligayahan na minimithi ng sangkatauhan.”
Nagsasabi ang Escoses na philsopher na si Thomas Carlye sa aklat niya na pinamagatang
On Heroes, Hero-Worship, and the Heroic in History: “Naging malaking kapintasan
sa alinmang indibiduwal sa panahong ito na makinig sa sinasabing ang relihiyong
Islam daw ay isang kasinungalingan, at na si Muhammad ay isang manunubang impostor.
Kailangang kalabanin natin ang ipinalalaganap na tulad nitong mga pananalitang hangal na
nakahihiya. Ang mensahe na ipinarating ng Sugong iyon ay nanatiling ang ilaw na tumatanglaw
sa loob ng labindalawang siglo sa mga dalawang daang milyong tao.200 Ang isa
sa inyo ay mag-aakala ba na ang mensaheng ito na nabuhay rito at namatay rito ang milyonmilyong
ito na mahirap takdaan at bilangin ay isang kasinungalingan at panlilinlang?”
Nagsasabi ang philosopher na Hindu na si Rama Krishna Rao: “Noong lumitaw si
Muhammad, ang Arabia ay hindi nababanggit. Mula sa disyertong ito na hindi nababanggit
ay nakaya ni Muhammad sa pamamagitan ng dakilang espiritu niya na magtatag mula rito
ng isang bagong mundo, isang bagong buhay, isang bagong kultura, isang bagong kabihasnan
at isang bagong kaharian na umabot mula sa Marakesh hanggang mala-kontinente ng
India. Nakaya niya na makaimpluwensiya sa kaisipan at buhay ng tatlong kontinente: ang
Asya, ang Africa, at ang Europa.”
Nagsasabi ang Oryentalistang Canadiense na si Zweimer: “Si Muhammad, walang
duda, ay kabilang sa napakadakilang mga pinunong panrelihiyon. Naaangkop sa kanya na
sabihing siya ay isang repormador na may kakayahan, matatas, mahusay mangusap, malakas
ang loob, lumalaban, at dakilang palaisip. Hindi ipinahihintulot na iugnay siya sa sumasalungat
sa mga katangiang ito. Itong Qur’an niya na inihatid niya at ang talambuhay niya
ay sumasaksi sa katumpakan ng pahayag na ito.”
Nagsasabi ang Ingles na si Sir William Muir: “Si Muhammad, ang Propeta ng mga
Muslim, ay tinaguriang mapagkakatiwalaan mula sa pagkabata niya ayon sa nagkakaisang
200 Ito ay noong panahon ni Thomas Carlyle. Sa ngayon ay mga 1,300,000,000 na ang mga Muslim. Inamin
na rin ng Vaticano na ang mga Muslim ay higit na marami kaysa sa mga Romano Catolico.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
133
pahayag ng mga kababayan niya dahil sa karangalan ng mga kaasalan niya at kagandahan
ng mga ugali niya. Ano man ang mangyari, si Muhammad ay napakatayog para maabot ng
naglalarawan. Hindi nalalaman ang halaga niya ng sinumang hindi nakakilala sa kanya.
Ang dalubhasa sa kanya ay ang nagpakalalim sa pag-aaral sa maluwalhating kasaysayan
niya, ang kasaysayan na iyon na nag-iwan kay Muhammad sa pangunguna sa mga propeta
at mga palaisip ng mundo.”
Nagsasabi pa siya: “Natatangi si Muhammad sa kalinawan ng salita niya at kadalian
ng relihiyon niya. Nakapagsagawa siya ng mga gawaing ikinagugulat ng mga isipan. Walang
nalaman ang kasaysayan na may isang repormador na gumising sa mga kaluluwa, bumuhay
sa mga kaasalan, at nag-angat sa kahalagahan ng mabuting katangian sa loob ng maikling
panahon gaya ng ginawa ng Propeta ng Islam na si Muhammad.”
Nagsasabi ang dakilang Ruso na nobelista at philosopher na si Leo Tolstoy: “Sapat
nang karangalan kay Muhammad na siya ay nagligtas sa isang bansang hamak na madugo
mula sa mga kuko ng mga demonyo ng mga kaugaliang kadusta-dusta, at binuksan sa harap
nila ang daan ng pag-unlad at pagsulong. Ang Batas ni Muhammad ay maghahari sa mundo
dahil sa kaangkupan nito sa isip at dunong.”
Nagsasabi ang Austriano na Schoprack: “Ang sangkatauhan ay talagang magmamalaki
sa pagkakaugnay sa taong gaya ni Muhammad yamang sa kabila ng kawalang kaalaman
sa pagbasa at pagsulat ay nakaya niya noong nakalipas na mahigit sa sampung siglo
na maghatid ng isang pagbabatas na tayong mga Europeano ay lalong maging napakaligaya
kapag umabot tayo sa tugatog niyon.”
أمور اَليوم اَلْخر
Ang mga Usapin Hinggil sa Huling Araw
Tunay na kabilang sa mga saligan at ng Pananampalataya at anim na sandigan nito ang
paniniwala sa Huling Araw201 sapagkat ang tao ay hindi magiging mananampalataya malibang
sumasampalataya siya sa nasaad sa Aklat ni Allah at sa anumang napatotohanang
Sunnah ng Sugo (SAS) na nauugnay sa Araw na iyon.
Tunay na ang kaalaman hinggil sa Huling Araw at ang madalas na pag-alaala rito ay
mahalaga dahil sa taglay nito na malaking impluwensiya sa ikatutuwid ng kaluluwa ng tao,
pangingilag niya sa pagkakasala, at pananatili niya sa Relihiyon mula kay Allah. Walang
nagpapatigas sa puso at nagpapapusok sa paggawa ng mga pagsuway kundi ang pagpapabaya
sa pag-aalaala sa araw na iyon, mga kakila-kilabot na pangyayari roon, at mga
matinding pighatian doon, na nagsabi si Allah hinggil doon (73:17):
Kaya papaano kayong mangingilag sa pagdurusa, kung tumanggi kayong
sumampalataya, sa isang araw na gagawin ang mga bata na ubanin?
at nagsabi rin Niya (22:1-2):
201 Tinatawag din itong Kabilang Buhay, na tumutukoy sa anumang magaganap matapos ang kamatayan.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
134
O mga tao, mangilag kayong magkasala sa Panginoon ninyo! Tunay na ang
pagyanig ng Huling Sandali ay isang sukdulang bagay. Sa Araw na makikita
ninyo ito, malilimutan ng bawat nagpapasuso ang pinasuso nito, mailalaglag
ng bawat may dinadala sa sinapupunan ang dinadala nito, at makikita mo ang
mga tao na parang mga lasing at hindi naman sila lasing ngunit dahil sa ang
pagdurusa mula kay Allah ay matindi.
Ang Kamatayan
Ito ay katapusan ng bawat buháy sa mundong ito. Nagsabi si Allah (3:185):
wat kaluluwa ay makatitikim ng kamatayan.
Sinabi pa Niya (55:26):
Bawat sinumang nasa ibabaw ng lupa na ito ay malilipol,
Nagsabi naman Siya sa Propeta (SAS) (39:30):
Tunay na ikaw ay mamamatay at tunay na sila ay mga mamamatay.
Kaya walang imortalidad para sa isa sa mga tao sa mundong ito. Nagsabi si Allah (21:34):
Hindi Namin ipinagkaloob sa isang tao noong wala ka pa ang buhay na
mananatili.
Ang higit na marami sa mga tao ay mga pabaya hinggil sa kamatayan gayong ito ay
isang natitiyak na bagay na hindi mararating ng pagdududa. Kaya tungkulin ng Muslim
na dalasan ang pag-alaala sa kamatayan at paghandaan ito sa pamamagitan ng pagbabaon
mula sa pangmundong buhay niya para sa kabilang-buhay niya sa pamamagitan ng matuwid
na gawain bago mahuli ang lahat. Nagsabi ang Sugo (SAS):
Samantalahin mo ang limang ito bago ang limang iyon: ang buhay mo bago ang
kamatayan mo, ang kalusugan mo bago ang karamdaman mo, ang kawalanggawain
mo bago ang kaabalahan mo, ang kabataan mo bago ang katandaan
mo, at ang kariwasaan mo bago ang karalitaan mo.” (Musnad Imám Ahmad)
Pakaalamin mo na ang patay ay walang madadala kasama sa libingan niya na anumang pagaari
sa mundo. Ang matitira lamang sa kanya ay ang nagawa niya. Kaya magsikap ka na
magbaon ng matuwid na gawa na matatamo mo sa pamamagitan nito ang kaligayahang
magpakailanman at ang kaligtasan sa pagdurusa ayon sa kapahintulutan ni Allah.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
135
Ang taning ng tao ay nakakubli. Hindi ito nalalaman ng isa man maliban kay Allah.
Kaya walang isang nakaaalam kung kailan siya mamamatay at kung sa aling pook siya
mamamatay dahil ito ay bahagi ng kaalaman sa Nakalingid na namumukod si Allah doon.
Kapag dumating ang kamatayan ay hindi magagawang itaboy ito o ipagpaliban ito o
takasan ito. Nagsabi si Allah (7:34):
Ang bawat kalipunan ay may taning. Kaya kapag dumating na ang taning nila
ay hindi sila makapagpapahuli ng isang saglit at hindi sila makapagpapauna.
Ang mananampalataya, kapag pinuntahan siya ng kamatayan, ay pinupuntahan siya
ng anghel ng kamatayan na nasa magandang anyo at may kaaya-ayang amoy. Dumarating
kasama nito ang mga anghel ng awa na magpapagalak sa kanya ng balita tungkol sa Paraiso.
Nagsabi si Allah (41:30):
Tunay na ang mga nagsabi: “Si Allah ang Panginoon namin” pagkatapos ay
nananatiling matuwid, magsisibabaan sa kanila ang mga anghel na nagsasabi:
“Huwag kayong mangamba, huwag kayong malungkot, at magalak kayo sa
Paraiso na sa inyo noon ay ipinangangako.”
Tungkol naman sa Káfir, pupuntahan siya ng anghel ng kamatayan na may nakatatakot na
anyo, maitim ang mukha. Dumarating kasama nito ang mga anghel ng pagdurusa na magbabalita
sa kanya ng tungkol pagdurusa. Nagsabi si Allah (6:93):
Kung nakikita mo sana kapag ang mga lumalabag sa katarungan ay nasa
mga hapdi ng kamatayan samantalang ang mga anghel ay nag-aabot ng mga
kamay nila, na nagsasabi: “Ilabas ninyo ang mga kaluluwa ninyo! Ngayong
araw ay gagantihan kayo ng pagdurusa ng kahihiyan dahil sa kayo noon ay
nagsasabi hinggil kay Allah ng hindi totoo at kayo noon sa mga tanda Niya
ay nagmamalaki.”
Kaya kapag dumating ang kamatayan, mabubunyag ang katotohanan at lilinaw ang
lahat sa bawat tao. Nagsabi si Allah (23:99-100):
Gayon nga hanggang sa nang dumating na ang kamatayan sa isa sa kanila
ay nagsabi siya: “Panginoon ko, pabalikin Ninyo ako, nang harinawa ako ay
makagawa ng matuwid sa naiwan ko!” Aba’y hindi! Tunay na ito ay isang
salitang siya ang nagsasabi nito. Mula sa likod nila ay may isang harang hanggang
sa araw na bubuhayin sila.
Kaya kapag dumating ang kamatayan ay magmimithi ang Káfir at ang sumusuway ng pagbalik
sa buhay sa mundo upang gumawa ng mga matuwid na gawain ngunit wala nang
maidudulot na mabuti ang pagsisi kapag huli na ang lahat. Nagsabi si Allah (42:44):
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
136
Makikita mo na ang mga lumalabag sa katarungan, noong nakita na nila ang
pagdurusa, ay magsasabi: “Tungo sa pagbabalik sa Mundo ay may daan ba?”
Bahagi ng awa ni Allah sa mga lingkod Niya na ang sinumang ang huling salita nito
bago mamatay ay Lá iláha illa lláh
(Walang Diyos kundi si Allah) ay papasok sa Paraiso.
Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS):
Ang sinumang ang huling salita niya ay Lá iláha illa lláh
ay papasok sa Paraiso.
(Iniulat ito ni Imám Abú Dáwúd.)
Iyon ay dahil sa hindi maaaring sabihin ito ng isang tao sa maselang sandaling iyon maliban
sa tapat na naniniwala rito. Ang hindi tapat na naniniwala rito naman ay makaliligta niyon
dahil sa tindi ng dadapo sa kanya na mga hapdi ng paghihingalo. Dahil doon, sunnah para
sa sinumang pupunta sa naghihingalo na ipabigkas dito ang Lá iláha illa lláh
dahil ang
sabi ng Propeta (SAS):
Ipabigkas ninyo sa mga mamamatay sa inyo ang Lá iláha illa lláh.
Ang Libingan
Nagsabi ang Sugo (SAS):
Tunay na ang tao ― kapag inilagay siya sa libingan niya at tinalikuran siya ng
mga nakilibing sa kanya ― tunay na siya ay talagang makaririnig sa mga yabag
ng mga sapin sa paa nila. Sinabi: Pupuntahan siya ng dalawang anghel, pauupuin
nila siya, at sasabihin nila sa kanya: “Ano ang sinasabi mo noon tungkol
sa taong ito?”202 Sinabi: Tungkol naman sa mananampalataya, sasabihin niya:
“Sumasaksi ako na siya ay Lingkod ni Allah at Sugo Niya.” Sinabi: Kaya sasabihin
sa kanya: “Tingnan mo ang magiging upuan mo [sana] mula sa Impiyerno;
pinalitan nga ito ni Allah para sa iyo ng isang upuan mula sa Paraiso.” Nagsabi
ang Propeta ni Allah: Kaya makikita niya ang lahat ng mga iyon. Tungkol naman
sa tumatangging sumampalataya o nagpapanggap sumampalataya, sasabihin
niya: “Hindi ko nalalaman; ako noon ay nagsasabi ng sinasabi ng mga tao.”
202 Si Propeta Muhammad (SAS) ang tinutukoy nila.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
137
Kaya sasabihin: “Hindi mo nalaman at hindi ka sumunod [sa nakaaalam].”
Pagkatapos ay pupukpukin siya ng martilyong bakal ng isang pukpok sa pagitan
ng mga tainga niya kaya mapasisigaw siya ng isang sigaw na maririnig ng
malapit sa kanya maliban sa tao at jinn. (Isinalaysay ito nina Imám alBukháríy:
1338, at Imám Muslim: 2870.)
Ang pagbabalik ng kaluluwa sa katawan sa loob ng libingan ay kabilang sa mga bagay
hinggil sa Kabilang-buhay na hindi matatalos ng isipan ng tao sa mundo. Nagkaisa ang
mga Muslim sa paniniwala na ang tao ay pagiginhawahin sa libingan niya kapag siya ay
isang mananampalataya na karapat-dapat palasapin ng kaginhawahan, o pagdurusahin kapag
siya ay karapat-dapat palasapin ng pagdurusa kung hindi nagpaumanhin si Allah sa kanya.
Nagsabi si Allah (40:46):
Apoy, idadarang sila roon sa umaga at gabi. Sa araw ng pagsapit ng Huling
Sandali ay sasabihin sa mga anghel: “Papasukin ninyo ang mga kampon ni
Paraon sa pinakamatinding pagdurusa.”
Nagsabi naman ang Sugo (SAS):
Magpakupkop kayo kay Allah laban sa pagdurusa sa libingan. (Isinalaysay ito
ni Imám Muslim: 2867.)
Ang matinong isip ay hindi magkakaila nito dahil ang tao ay nakakikita sa buhay na ito
nakahahawig para sa kanya roon. Ang natutulog ay makadarama na siya ay pinagdurusa
ng isang matinding pagdurusa. Magsisisigaw siya at magpapasaklolo samantalang ang
sinumang nasa katabi niya ay hindi makararamdam niyon. Ito ay sa kabila ng malaking
kaibahan sa pagitan ng buhay at kamatayan. Ang pagdurusa sa libingan ay kapwa sa
kaluluwa at katawan. Nagsabi nga ang Sugo (SAS):
“Tunay na ang libingan ay una sa mga yugto ng Kabilang-buhay. Kaya kung
nakaligtas siya rito, ang anumang matapos nito ay higit na madali kaysa rito;
at kung hindi siya nakaligtas dito, ang anumang pagkatapos nito ay higit na
matindi kaysa rito.” (Itinala ni Imám atTirmidhí: 2308.)
Kaya nararapat sa Muslim na dalasan ang panalangin laban sa pagdurusa sa libingan, lalo
na bago magsabi ng assalámu ‘alaykum wa rahmatu lláh
sa saláh203 magsikap sa paglayo
sa mga pagsuway na siyang unang dahilan para sa pagdurusa sa libingan at sa Impiyerno.
Tinawag itong pagdurusa sa libingan dahil ang karamihan sa mga tao ay inililibing. Gayon
203 Ang panalanging ito ay: Alláhumma inní a‘údhu bika min ‘adhábi jahannam, wa min ‘adhábi lqabri,
wa min fitnati lmahyá
wal mamát, wa min fitnati lmasíhi
ddajjál:
O Allah, tunay na ako ay nagpapakupkop
sa Iyo laban sa pagdurusa sa Impiyerno, laban sa pagdurusa sa libingan, laban sa tukso ng buhay at kamatayan,
at laban sa tukso ng Bulaang Kristo.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
138
pa man, ang nalunod, ang nasunog, ang nakain ng mabangis na hayop, at ang tulad niyon
ay pinagdurusa o pinagiginhawa sa Barzakh.204
Ang pagdurusa sa libingan ay sinasarisari gaya ng pagpukpok ng mga martilyong bakal
o iba pa. Pupunuin ang libingan ng isang patay ng kadiliman. Maglalatag para sa kanya
ng higaang mula sa Impiyerno at magbubukas sa harap niya ng isang pinto mula roon.
Magpapakita sa kanya ang buktot na gawa niya sa anyo ng isang lalaking pangit na mabaho
ang amoy, na mananatiling kasama niya sa libingan niya.
Ang pagdurusa ay magpapatuloy kapag ang namatay ay isang Káfir o isang Munáfiq.
Kapag ang namatay naman ay isang mananampalatayang sumusuway, magkakaiba ang
pagdurusa ayon sa sukat ng pagsuway niya. Maaaring matigil sa kanya ang pagdurusa. Ang
mabuting mananampalataya naman ay pagiginhawahin sa libingan niya kung saan paluluwagin
para sa kanya ang libingan niya, pupunuin ng liwanag, magbubukas para sa kanya
ng isang pinto patungo sa Paraiso. May makararating sa kanya na halimuyak nito at bango
nito. Maglalatag para sa kanya ng higaang mula sa Paraiso. Magpapakita sa kanya ang matuwid
na gawa niya sa anyo ng isang magandang lalaki na aaliw sa kanya sa libingan niya.
Ang Pagsapit ng Huling Sandali205 at ang mga Tanda Nito
Hindi nilikha ni Allah ang daigdig na ito para manatili kailanman. Bagkus may darating
dito na isang araw na pagwawakasan nito. Ang araw na ito ay ang araw na sasapit dito ang
Huling Sandali. Ito ay isang katotohanang duda hinggil doon. Nagsabi si Allah (40:59):
Tunay na ang Huling Sandali ay talagang darating, walang pag-aalinlangan
hinggil dito, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya.
Nagsabi pa Siya (34:3):
Nagsabi ang mga tumangging sumampalataya: “Hindi darating sa amin ang
Huling Sandali. Sabihin mo: “Oo, sumpa man sa Panginoon ko, talagang
darating nga ito sa inyo,
Ang Huling Sandali ay malapit na yamang nagsabi si Allah (54:1):
Nalalapit na ang Huling Sandali
Nagsabi pa Siya (21:1):
Nalalapit na para sa mga tao ang pagtutuos sa kanila habang sila sa pagkalingat
ay mga bumabaling palayo.
Subalit ang pagkalapit nito ay hindi ayon sa sukatan ng mga tao at sa nalalaman nila. Bagkus
ito ay kaugnay sa kaalaman ni Allah at sa nagdaan sa edad ng mundo.206
204 Ito ay ang yugto ng panahon sa pagitan ng kamatayan ng tao at muling pagbubuhay.
205 Ang huling sandali ng isang tao o ng Sansinukob bago lipulin ni Allah ang lahat ng nilalang.
206 Ang panahon ngayon ay higit na malapit sa Huling Sandali kaysa sa oras ng paglikha ng mundo.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
139
Ang kaalaman hinggil sa Huling Sandali ay kabilang sa Nakalingid na sinarili ni Allah
ang kaalaman hinggil doon sapagkat hindi Niya ito ipinaalam sa isa man sa nilikha Niya.
Nagsabi Siya (33:63):
Tinatanong ka ng mga tao hinggil sa Huling Sandali. Sabihin mo: “Ang kaalaman
hinggil doon ay nasa kay Allah lamang. Ano ang magpapabatid sa iyo
na marahil ang Huling Sandali ay nagiging malapit na?”
Bumanggit ang Sugo (SAS) ng mga tandang nagpapahiwatig sa nalalapit na pagdating ng
Huling Sandali. Kabilang sa mga ito ay ang paglabas ng alMasíh adDajjál (Bulaang Kristo).
Siya ay isang malaking tukso sa mga tao yamang bibigyan siya ni Allah ng kapangyarihan
sa paggawa ng mga mahimalang bagay na ikalilinlang ng marami sa mga tao: uutusan niya
ang langit at uulan ito, uutusan niya ang damo at tutubo ito, bubuhay siya ng patay, at iba
pa roon na mga himala. Nabanggit ng Sugo (SAS) na siya ay kirat. Darating siya na dala
ang tulad ng Paraiso at Impiyerno at ang sinasabi niya na Paraiso ay Impiyerno at ang sinasabi
naman niya na Impiyerno ay Paraiso. Mananatili siya sa Lupa sa loob ng apatnapung
araw: may araw na gaya ng isang taon, may araw na gaya ng isang buwan, may araw na
gaya ng isang linggo, at ang nalalabing mga araw niya ay gaya ng mga karaniwang araw.
Walang matitirang lugar sa daigdig na hindi niya papasukin, maliban sa Makkah at Madínah.
Kabilang din sa mga tanda ng Huling Sandali ang pagbaba ni Jesus na anak ni Maria
(AS) sa puting minaret sa dakong silangan ng Damascus sa oras ng saláh sa madaling-araw,
kung saan magdadasal siya ng dasal sa madaling-araw kasama ng mga tao. Pagkatapos ay
hahanapin niya ang Bulaang Kristo at papatayin niya ito. Kabilang sa mga tanda nito rin
ang pagsikat ng araw mula sa kanluran. Kaya kapag nakita ito ng mga tao, masisindak sila
at sasampalataya kung kailan wala nang maidudulot na pakinabang sa kanila ang pagsampalataya
nila. Mayroon pang maraming ibang tanda para sa Huling Sandali.
Hindi sasapit ang Huling Sandali kundi sa mga masama sa mga tao. Iyon ay dahil si
Allah ay magpapadala, bago ang pagsapit ng Huling Sandali, ng isang mabanong hangin
na kukuha sa mga kaluluwa ng mga mananampalataya. Kaya kapag ninais na ni Allah
ang humatol sa mga nilikha ng kamatayan at pagwawakas ng mundo, ipag-uutos Niya sa
anghel ang pag-ihip sa tambuli, na isang malaking sungay. Kaya kapag narinig ito ng mga
tao ay mamamatay sila. Nagsabi si Allah (39:68):
Iihip sa tambuli kaya mamamatay ang sinumang nasa mga langit at ang
sinumang nasa lupa, maliban sa sinumang niloob ni Allah na mabuhay.
Mangyayari iyon sa araw ng Biyernes at saka matapos niyon ay mamamatay ang lahat ng
anghel at walang matitira kundi si Allah, kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Niya.
Ang buong katawan ng tao ay maglalaho at kakainin ng lupa maliban dulo ng gulugod
(spinal cord). Ito ay buto na nasa pinakababa ng likod. Tungkol naman sa mga katawan
ng mga propeta at mga shahíd,207 ang mga ito ay hindi kakainin ng lupa. Magpababa si
Allah mula sa langit ng tubig at tutubo ang mga katawan at mabubuo muli. Kapag ninais
207 Martir o namatay na alay ang buhay sa pagtatangol sa Islam, na tanging si Allah lamang ang nakaaalam.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
140
na ni Allah na buhayin ang mga tao ay bubuhayin Niya si Isráfíl, ang anghel na nakatalaga
sa pag-ihip ng tambuli. Iihip ito sa tambuli sa ikalawang pagkakataon at bubuhayin ni Allah
ang lahat ng nilikha. Lalabas ang mga tao sa mga libingan nila gaya ng pagkalikha sa kanila
ni Allah sa unang pagkakataon: mga nakayapak, mga hubad, at mga hindi tuli. Nagsabi si
Allah (36:51):
Iihip sa tambuli kaya walang anu-ano sila mula sa mga libingan patungo sa
Panginoon nila ay magdadali-dali.
Nagsabi pa Siya (70:43-44):
sa araw na magsisilabasan sila mula sa mga libingan na nagmamatulin na para
bagang sila papunta sa mga diyus-diyusan ay nagmamadali. Nakatungo ang
mga paningin nila, nilulukob sila ng isang kadustaan! Iyan ay ang araw na
sa kanila noon ay ipinangangako.
Ang unang ilalabas ng lupa ay ang pangwakas sa mga propeta, ang Propeta natin na si
Muhammad (SAS) gaya ng pagkasaad niyon ayon sa kanya. Pagkatapos ay aakayin ang
mga tao sa lupa ng pagtitipon. Ito ay isang malawak na patag na lupa. Titipunin ang mga
Káfir na naglalakad sa pamamagitan ng mga mukha nila. Tinanong nga ang Sugo (SAS)
kung papaano bubuhayin ang Káfir na naglalakad sa pamamagitan ng mukha niya kaya
nagsabi siya:
Hindi ba ang nagpalakad sa kanya sa mga paa niya sa mundo ay nakakakaya
sa pagpapalakad sa kanya sa mukha niya sa Araw ng Pagbangon.
Ang umaayaw sa pag-alaala kay Allah ay bubuhayin na isang bulag. Lalapit ang araw
sa mga nilikha. Ang mga tao ay ayon sa mga gawa nila sa dami ng pawis. Mayroon sa kanila
na ang pawis ay aabot sa mga bukung-bukong niya. Mayroon sa kanila na hanggang sa mga
baywang niya. Mayroon sa kanila na rerendahan ng pawis. Ito ay ayon sa mga gawa nila.
Mayroong lililiman ni Allah sa lilim Niya sa araw na walang lilim kundi ang lilim Niya.
Nagsabi ang Sugo (SAS):].1031 ، ]متفق عليه: 1423
May pito na lililiman sila ni Allah, pagkataas-taas Niya, sa lilim Niya sa araw na
walang lilim kundi ang lilim Niya: pinunong makatarungan; binatang lumaki
sa pagsamba kay Allah; lalaking ang puso nito ay nakatali sa mga masjid; dalawang
lalaking nagmamahalan alang-alang kay Allah na nagkikita alang-alang
sa Kanya at naghihiwalay alang-alang sa Kanya; lalaking inanyayahan ng isang
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
141
babaing may mataas na kalagayan at kagandahan ngunit nagsabi ito: Tunay
na ako ay nangangamba kay Allah; lalaking nagkawanggawa ng isang kawanggawa
at ikinubli nito iyon nang sa gayon ay hindi nalalaman ng kaliwa nito
ang ginugugol ng kanan nito; at taong nakaalaala kay Allah habang nag-iisa
at nag-umupaw ang mga mata nito [sa luha].
Ito ay hindi lamang nauukol sa mga lalaki. Bagkus ang babae rin ay pananagutin din siya
sa mga ginawa niya: kung mabuti ay mabuti ang gantimpala at kung masama ay masama
ang gantimpala. Ukol sa kanya ang tulad sa ukol sa lalaki na gantimpala at pagtutuos.
Titindi ang uhaw sa mga tao sa araw na iyon na ang tagal ay katumabas ng limampung
libong taon, ngunit ito ay lilipas sa mga sumampalataya nang mabilis kasingtagal ng pagsasagawa
ng saláh na fard. Pupunta ang mga Muslim sa Hawd ng Propeta (SAS) upang uminom
doon. Ang Hawd (lawa) ay isang malaking pagpaparangal na itinangi ni Allah dahil
dito ang Propeta natin (SAS). Iinom doon ang kalipunan niya sa Araw ng Pagbangon. Ang
tubig nito ay higit na matindi sa kaputian kaysa sa gatas at higit na matamis kaysa sa pulutpukyutan.
Ang amoy nito ay higit na mabango kaysa sa musk at ang mga panalok dito ay
kasindami ng bilang ng mga bituin sa langit. Ang sinumang uminom dito ng isang paginom
ay hindi na mauuhaw matapos niyon kailanman.
Mananatili ang mga tao sa lupa na pagtitipon nang mahabang panahon habang naghihintay
ng pasya sa kanila at pagtutuos. Kapag tumagal na sa kanila ang pagtayo at ang paghihintay
kalakip ng dinaranas nila doon na matinding hirap at init ng araw ay maghahanap
sila ng mamamagitan para sa kanila kay Allah para sa paghatol sa mga nilikha. Pupuntahan
nila si Adan (AS) ngunit hihingi ito ng paumanhin. Pagkatapos ay pupuntahan nila si Noe
(AS) ngunit hihingi rin ito ng paumanhin. Pagkatapos ay pupuntahan nila si Abraham (AS)
ngunit hihingi rin ito ng paumanhin. Pagkatapos ay pupuntahan nila si Moises (AS) ngunit
hihingi rin ito ng paumanhin. Pagkatapos ay pupuntahan nila si Jesus (AS) ngunit hihingi
rin ito paumanhin. Pagkatapos ay pupuntahan nila si Muhammad (SAS) at magsasabi siya:
“Ako ay ukol doon.” Magpapatirapa siya sa ilalim ng Trono, magpupuri siya kay Allah ng
mga papuring ipahahayag sa kanya sa sandaling iyon, at sasabihin: “O Muhammad, iangat
mo ang ulo mo at humiling ka, pagbibigyan ka; mamagitan ka, pamamagitanin ka.” Kaya
ipahihintulot na ni Allah ang paghahatol at ang pagtutuos. Ang kalipunan ni Muhammad
(SAS) ang unang sisiyasatin.
Ang unang sisiyasatin sa tao sa mga gawa niya ay ang saláh. Kung naging tumpak ito
at tinanggap, titingnan ang nalalabing gawa niya. Kung tinanggihan ito, tatanggihan ang
nalalabing gawa niya. Tatanungin ang tao ng tungkol sa limang bagay: tungkol sa buhay
niya kung sa ano niya inubos ito, tungkol sa kabataan niya kung sa ano niya ginamit ito,
tungkol sa yaman niya kung saan niya kinita ito at sa ano niya ginugol ito, at tungkol sa
kaalaman niya kung ano ang ginawa niya rito. Ang unang hahatulan sa mga tao ay kaugnay
sa [pagpapadanak ng] mga dugo. Ang paggagantihan sa araw na iyon ay sa pamamagitan
ng mga magandang nagawa at mga masagwang nagawa. Kukuha mula sa mga magandang
nagawa ng tao [na nagkasala] at ibibigay sa katungali niya. Kapag naubos ang magandang
nagawa niya, kukuha mula sa mga masagwang nagawa ng katungali niya at ibabato sa kanya.
Matapos niyon ay itatayo ang Sirát. (Ito ay isang tulay na higit na manipis kaysa sa
buhok at higit na matalas kaysa sa tabak na itatayo sa ibabaw ng Impiyerno.) Daraan ang
mga tao sa ibabaw nito [sa bilis na] ayon sa mga gawa nila. Mayroon sa kanilang daraan
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
142
na gaya ng kisap ng mata, gaya ng hangin, at gaya ng mga matuling kabayo. Mayroon din
sa kanilang gagapang. Sa ibabaw ng Sirát ay mayroong mga kalawit na susungkit sa mga
Káfir at magtatapon sa kanila sa Impiyerno. Magsisilaglagan sa Impiyerno ang mga Káfir
at ang niloob ni Allah kabilang sa mga sumusuway na mananampalatayan. Ang mga Káfir
ay mananatili sa Impiyerno samantalang ang mga masuwaying mananampalataya naman
ay pagdurusahin doon hanggang sa kailan niloob ni Allah at pagkatapos ay hahanguin din
upang ipasok sa Paraiso.
Magpapapahintulot si Allah sa sinumang niloob Niya sa mga propeta, mga sugo, at mga
matuwid na mamagitan para sa iban sa pumasok sa Impiyerno na mga sumampalataya sa
Tawhíd palalabasin sila ni Allah mula roon. Titigil ang mga tumatawid sa Sirát, ang mga
mananahan sa Paraiso, sa isang tulay na nasa pagitan ng Paraiso at Impiyerno kung saan
maghihiganti para iba sa kanila dahil sa iba pa kaya naman hindi papasok sa Paraiso ang
sinumang may atraso sa kapatid niya [sa pananampalataya] hanggang sa napaghigantihan
ito dahil doon at bumuti ang mga loob nila sa iba pa. Kapag pumasok ang mga mga maninirahan
sa Paraiso sa Paraiso at pumasok ang mga maninirahan sa Impiyerno sa Impiyerno,
dadalhin ang kamatayan sa anyong lalaking tupa at kakatayin sa pagitan ng Paraiso at Impiyerno
habang ang mga maninirahan sa Paraiso at Impiyerno ay nakatingin. Pagkatapos ay
sasabihin: “O mga maninirahan sa Paraiso, buhay na mananatili sapagkat wala nang kamatayan;
o mga maninirahan sa Impiyerno, buhay na mananatili sapagkat wala nang kamatayan.”
Kaya kung sakaling may isang mamamatay sa galak ay talagang namatay na sana
ang mga maninirahan sa Paraiso dahil sa tindi ng galak at kung sakaling may isang mamamatay
sa lungkot ay talagang namatay na sana ang mga maninirahan sa Impiyerno.
Ang Impiyerno at ang Pagdurusa Roon
Nagsabi si Allah (2:24):
pangilagan ninyo ang Apoy na ang panggatong nito ay ang mga tao at ang
mga bato ― inihanda para sa mga tumatangging sumampalataya.
Nagsabi naman ang Sugo (SAS) sa mga Kasamah niya:
Ang apoy ninyo na ipinaririkit ng anak ni Adan ay isang bahagi mula sa pitumpung
bahagi ng init ng Impiyerno. Nagsabi sila: Sumpa man kay Allah, ito nga ay
talagang nakasasapat na, o Sugo ni Allah. Nagsabi siya: Sapagkat tunay na iyon
ay nakalalamang ng animnapu’t siyam na bahagi na ang bawat [isa] roon ay
tulad ng init nito.
Ang Impiyerno ay may pitong palapag. Ang bawat palapag ay higit na matindi sa dulot
na pagdurusa kaysa sa iba. Ang bawat palapag sa mga ito ay may mga mananahanan ayon
sa mga ginawa nila. Ang mga Munáfiq (nagpapangap na Muslim) ay sa pinakamababang
bahagi ng Impiyerno na siyang pinakamatindi sa dulot na pagdurusa. Ang pagdurusa ng mga
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan
143
maninirahan sa Impiyerno na mga Káfir ay palagian, hindi titigil. Sa tuwing nasusunog sila ay
panunumbalikin sila sa muli para sa karagdagang pagdurusa. Nagsabi si Allah (4:56):
Sa tuwing naluto na ang mga balat nila, pinapalitan Namin sila ng mga balat
na iba sa mga iyon upang malasap nila ang pagdurusa.
Nagsabi pa Siya (35:36):
Ang mga tumangging sumampalataya, ukol sa sa kanila ang Apoy ng Impiyerno:
hindi kikitil208 sa kanila kaya mamamatay sila at hindi magpapagaan sa kanila
ng pagdurusang dulot nito. Ganyan Kami gaganti sa bawat palatangging
sumampalataya.209
Tatanikalaan sila roon at igagapos ang mga leeg nila. Nagsabi si Allah (14:49-50):
Makikita mo ang mga sumasalansang sa Araw na iyon na mga magkagapos
sa pamamagitan ng mga posas, na ang mga damit nila ay mula sa alkitran
at natatakpan ang mga mukha nila ng apoy,
Ang pagkain ng mga maninirahan sa Impiyerno ay ang Zaqqúm yamang nagsabi si Allah
(44:43-46):
Tunay na ang puno ng Zaqqúm ay pagkain ng makasalanan. Gaya ng latak
ng langis, kukulo ito sa loob ng mga tiyan gaya ng pagkulo ng mainit na tubig.
Ang katindihan ng pagdurusa sa Impiyerno at ang kasukdulan ng ginahawa sa Paraiso
ay nililinaw ng nasaad sa Sahíh Muslim ayon sa Propeta (SAS) na nagsabi:
Dadalhin ang pinakamaginahawa sa mga nanirahan sa mundo kabilang sa mga
maninirahan sa Apoy sa Araw ng Pagbangon at ilulublob ito sa Apoy ng isang
paglublob. Pagkatapos ay sasabihin: “O anak ni Adan, nakakita ka na ba ng isang
kabutihan kailanamn? Nakaranas ka na ba ng isang kaginhawahan kailanman?”
Kaya magsasabi ito: “Hindi, sumpa man kay Allah, o Panginoon [ko].” Dadalhin
naman ang pinakamatindi sa mga tao sa kahikahusan sa mundo kabilang sa mga
maninirahan sa Paraiso at ilulublob ito ng isang paglublob sa Paraiso at saka
208 O hindi maghahatol ng kamatayan
209 O palatanggi sa pagkilala ng utang na loob.
Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan