Mga Artikulo

Tungkol naman sa aspetong panlipunan, ang kawalang-katarungan ay laganap sa malaking


anyo. Walang karapatan para sa mahina sa kanila. Inililibing nang buhay ang mga


batang babae. Nilalapastangan ang mga karangalan. Nilalamon ng malakas ang karapatan


ng mahina. Nag-aasawa sila nang walang takda. Ang pangangalunya ay laganap. Ang mga


digmaan sa pagitan ng mga lipi ay nagaganap dahil sa napakababaw na mga dahilan, pati


na sa mga anak ng iisang lipi.


Iyan ay isang dagliang sulyap sa reyalidad ng Arabia bago ang paglitaw ng Islam.


Ang Anak ng Dalawang Handog


Ang mga Quraysh ay nagmamalaki noon kay ‘Abdulmuttalib, ang lolo ng Propeta (SAS),


sa pagkakaroon ng mga supling at yaman. Kaya namanata si ‘Abdulmuttalib na talagang


kung pagkakalooban siya ni Allah ng sampung anak na lalaki ay talagang mag-aalay siya ng


isa sa kanila bilang handog sa mga diyos. Natupad sa kanya ang ninais niya; napagkalooban


siya ng sampung anak na lalaki. Ang isa sa kanila ay si ‘Abdulláh, ang ama ng Propeta


(SAS). Noong ninais na ni ‘Abdulmuttalib na ipatupad ang panata ay gumawa siya ng isang


palabunutan sa pagitan ng mga anak niya. Nabunot si ‘Abdulláh. Ngunit noong ninais niya na


ialay ito ay sinalungat siya ng mga tao upang mapigilan siya nang sa gayon ay hindi iyon


maging isang kalakaran sa mga tao. Pagkatapos ay nagkaisa sila na magsagawa ng palabunutan


sa pagitan ni ‘Abdulláh at ng sampung kamelyo na magiging pantubos sa kanya.


Noong isinagawa ang palabunutan ay nabunot si ‘Abdulláh. Kaya dinoble nila ang bilang


ng mga kamelyo ngunit nabunot na naman siya. Kaya nagsimula silang magdagdag sa bilang


ng mga kamelyo. Ang nabubunot palagi ay si ‘Abdullah hanggang sa umabot ang bilang ng


mga kamelyo sa isandaan at saka nabunot ang mga kamelyo. Kinatay ni ‘Abdulmuttalib


ang mga ito at natubos ang anak niya na si ‘Abdullah sa pamamagitan ng mga ito.


Talaga namang si ‘Abdulláh ang pinakamahal sa puso ni ‘Abdulmuttalib sa mga anak


nito, lalo na noong matapos ang pagtubos. Nang nagbinata na si ‘Abdulláh ay pumili para


sa kanya ang ama niya ng isang dalagang kabilang sa liping Zuhrah, na ang pangalan ay


Áminah bint Wahb. Ipinakasal siya nito sa dalaga. Nagdalang-tao si Áminah. Matapos ang


tatlong buwan ng pagdadalang-tao ni Aminah ay lumisan si ‘Abdulláh kasama ng isang


karaban na pangkalakal patungong Shám.181 Habang nasa daan pauwi ay bumagsak siya


sa kamay ng karamdaman kaya tumigil siya sa Madínah sa piling ng mga tiyuhin niya sa


ina ng liping anNajjár. Doon siya binawian ng buhay at inilibing.


Nalubos ang mga buwan ng pagdadalang-tao. Isinilang ang Sugo (SAS) nang araw ng


Lunes, subalit walang natitiyak na pagtatakda sa araw at buwan ng kapanganakan niya.


Sinasabi na siya ay ipinanganak sa ika-9 araw ng buwan ng Rabí‘ul’awwal. Sinasabi rin


na sa ika-12. Sinasabi pa na sa buwan ng Ramadán. May nagsasabi ng iba pa roon. Iyon


ay noong taong 571 C.E. Ito ang taon na tinatawag na Taon ng Elepante.


Ang mga Elepante


Noong nakita ni Abrahah na taga-Ethiopia, ang kinatawan ng Hari ng Ethiopia sa Yemen,


na ang mga Arabe ay dumadalaw sa Ka‘bah sa Makkah, dumadakila roon, at pumupunta


roon mula sa mga malayong pook, ay nagpatayo siya ng isang malaking simbahan sa San‘á’


upang ibaling sa simbahang ito ang mga Arabe na dumadalaw sa Ka‘bah. Narinig iyon ng


181 Ang rehiyon na binubuo sa kasalukuyan ng Syria, Palestine, Lebanon, at Jordan.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


109


isang lalaking kabilang sa liping Kinánah (isa sa mga liping Arabe) kaya pinasok niya ito


isang gabi at pinahiran ang mga dingding nito ng dumi ng tao. Noong nalaman ni Abrahah


iyon ay nagwala siya at nagalit. Naghanda siya ng isang dambuhalang hukbo na binubuo ng


60,000 lalaki, na may kasamang siyam na elepante. Humayo siya kasama nila patungong


Makkah upang wasakin ang Ka‘bah. Pumili siya para sa sarili niya ng isang elepante na


pinakamalaki sa mga elepante.


Noong dumating siya malapit sa Makkah ay tinipon niya ang hukbo niya at humanda


sa pagpasok sa Makkah subalit ang mga elepante ay lumuhod at hindi sumulong. Tuwing


ihinaharap nila ang mga ito sa mga ibang dako ay tumatayo ang mga ito at mabilis na lumalakad.


Kapag ibinabaling naman nila ang mga ito patungong Ka‘bah ay lumuluhod ang mga


ito. Habang sila ay ganoon, nagpadala si Allah sa kanila ng mga ibong pulu-pulutong na


nagbabato sa kanila ng mga maliit na batong idinarang sa apoy ng Impiyerno. Ang bawat


ibon ay nagdadala ng tatlong bato: isang bato sa tuka nito at tig-iisang bato sa bawat paa,


na mga kasinlaki ng garbansos. Walang isa man sa kanila na tinatamaan na hindi nagsimulang


nagkakaputol-putol at nagkakapira-piraso ang mga bahagi ng katawan hanggang


sa masawi. Kaya nagsialisan sila na mga tumatakas. Nagbagsakan sila sa daan. Tungkol


naman kay Abrahah, pinadalhan siya ni Allah ng isang karamdamang nagkandalagas dahilan


doon ang mga dulo ng daliri niya. Dumating siya sa San‘á’ noong naigupo na siya nang


lubusan ng pinsala. Namatay siya roon. Tungkol naman sa mga Quraysh, sila ay nagkahiwahiwalay


ng mga landas at nagkubli sa mga bundok dala ng pangamba para sa mga sarili


nila dahil sa hukbong iyon. Noong naganap sa hukbo ang naganap, bumalik sila nang


matiwasay sa mga tahanan nila. Ang pangyayaring ito ay limampung araw bago isinilang


ang Sugo (SAS).


Ang Pagpapasuso


Noong naipanganak ang Propeta (SAS) ay pinasuso siya ni Thuwaybah na alila ng


tiyuhin niya na si Abú Lahab. Napasuso na nito bago pa man siya ang tiyuhin niya na si


Hamzah ibnu ‘Abdulmuttalib. Dahil doon si Hamzah ay naging isang kapatid ng Propeta


(SAS) sa pagpapasuso. Yamang isa sa kaugalian noon ng mga Arabe na sila ay naghahanap


para sa mga anak nila ng mga sisiwa182 na mga nakatira sa disyerto kung saan matatagpuan


para sa mga ito ang mga kakailanganin ng maayos na pisikal na paglaki. Nalipat ang Sugo


(SAS) sa iba pang sisiwa. Sa panahong iyon na ipinanganak si Muhammad (SAS) ay may


dumating sa Makkah na isang pangkat ng mga kababaihan ng lupain ng liping Sa‘d bunsod


ng paghahanap ng mga batang gagampanan nila ang pagpapasuso sa mga ito. Nagsimulang


lumibot sa mga bahay ang mga babae. Silang lahat ay umaayaw kay Muhammad (SAS)


dahil sa pagkaulila nito at karalitaan nito. Si Halímah asSa‘díyah (RA) ay isa sa mga babaing


iyon na umayaw sa kanya. Subalit siya, matapos ang paglibot niya sa karamihan sa mga


bahay, ay hindi nakasumpong ng isang batang mula sa mayamang mag-anak na madadala


niya kasama niya upang mapagaan ng upa niyon ang pinagtitiisan niya na kasalatan ng


pamumuhay at tindi ng karalitaan, lalo na sa taong iyon ng tagtuyot. Kaya nagtungo siya


pabalik sa bahay ni Áminah upang magkasya sa batang ulila at sa maliit na upa.


Dumating si Halímah (RA) sa Makkah kasama ng asawa niya, sakay ng isang payat na


inahing asnong makupad lumakad. Noong nasa daan pauwi habang siya ay kumakalong sa


182 Babaeng nagpapasuso ng gatas niya sa batang hindi niya anak.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


110


Sugo ni Allah (SAS) sa kanlungan niya, ang inahing asno ay tumatakbo na nang mabilis at


iniiwanan nito sa hulihan nito ang lahat ng mga sasakyang hayop, na ikinamangha naman


ng mga kasama sa daan nang buong pagkamangha.


Nabanggit ni Halímah (RA) na ang suso niya ay walang idinadaloy kundi kaunting gatas


at na ang pasusuhing anak niya ay palaging umiiyak dahil sa tindi ng gutom. Ngunit noong


isinubo niya ang suso niya sa Sugo ni Allah (SAS) ay dumaloy ito nang masagana. Isinalaysay


rin niya ang tungkol sa tagtuyot sa lupain niya sa tirahan ng liping Sa‘d. Subalit


noong nagkamit siya ng karangalan ng pagpapasuso sa batang ito ay nagbiyaya ang lupain


niya at ang mga hayupan niya. Nagbago ang buong kalagayan niya: mula sa kahikahusan


at karalitaan ay naging kasaganaan at kaginhawahan.


Tumagal si Muhammad (SAS) ng dalawang taon sa pangangalaga ni Halímah. Siya ay


nahumaling dito nang buong pagkahumaling. Nakadarama siya sa kaibuturan niya ng mga


bagay at mga pangyayaring hindi karaniwan na bumabalot sa batang ito. Matapos ang dalawang


taong ito ay dinala ito ni Halímah (RA) sa ina nito at sa lolo nito sa Makkah. Subalit


si Halímah (RA), na nakakita sa biyayang dala nito na nagpabago sa kalagayan niya, ay


nagpumilit kay Áminah na sumang-ayong manatili ito sa piling niya sa isa pang pagkakataon.


Sumang-ayon naman si Áminah. Bumalik si Halímah (RA) sa tirahan ng liping Sa‘d kasama


ng batang ulila sa ama. Nag-uumapaw sa kanya ang galak at pinupuspos siya ng ligaya.


Ang Pagbiyak ng Dibdib


Isang araw, noong si Muhammad (SAS) ay nalalapit nang mag-apat na taong gulang at


habang siya ay naglalaro kasama ng kapatid niya sa gatas na anak na lalaki ni Halímah (RA)


asSa‘díyah malayo sa mga kubol, [ay may nangyari.] Tumakbo ang anak ni Halímah (RA) at


dumating sa kanya na ang mukha nito ay may mga tanda ng hilakbot. Hiniling nito sa ina nito


na puntahan ang Quraysh na kapatid nito kaya tinanong ito ng ina kung ano ang nangyari.


“May nakita po akong dalawang lalaking nakasuot ng puting damit. Kinuha nila siya


sa gitna namin. Pinahiga nila siya at pagkatapos ay biniyak ang dibdib niya,” sabi ng bata.


Bago niyon natapos ang salaysay ay tumatakbo na si Halímah tungo kay Muhammad


(SAS). Nakita siya ni Halímah na nakatayo sa kinaroroonan niya, hindi gumagalaw. Lumitaw


ang pamumutla sa mukha niya at nagbago ang kulay niya. Sabik na tinatanong siya


nito kung ano ang nangyari sa kanya. Ibinalita niya rito na siya ay nasa mabuti. Ikinuwento


niya rito na may dalawang lalaking nakasuot ng puting damit na kumuha sa kanya at biniyak


nila ang dibdib niya. Pagkatapos ay inilabas nila ang puso niya at may inalis sila mula


rito na isang itim na namuong dugo at itinapon nila ito. Pagkatapos ay hinugasan nila ang


puso ng malamig na tubig. Pagkatapos ay ibinalik nila ito sa dibdib. Pagkatapos ay pinahiran


ang ibabaw ng dibdib. Nilisan ng dalawa ang pook at pagkatapos ay naglaho na sila.


Ibinalik ni Halímah si Muhammad (SAS) sa kubol. Kasabay ng pagputok ng madaling-araw


ng sumunod na araw ay dinadala na ni Halímah si Muhammad (SAS) papunta sa ina nito


sa Makkah. Nagtaka si Áminah sa pagbabalik ni Halímah (RA) nang wala sa panahon sa


kabila ng pagkahumaling niya sa bata. Tinanong siya nito kung ano ang dahilan. Kaya


isinalaysay nito sa kanya ang tungkol sa nangyaring pagbibiyak sa dibdib.


Ang Pagyao ng Ina at Lolo


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


111


Pumunta si Áminah dala ang anak na ulila sa Madínah upang dalawin ang mga amain


niya sa ina na kabilang sa liping anNajjár. Nanatili siya roon nang mga ilang araw. Nang


nasa daan pauwi ay binawian si Áminah ng buhay sa isang lugar na tinatawag na al’Abwá’.


Doon na ito inilibing. Dito ay namaalam si Muhammad (SAS) sa ina sa gulang na anim na


taon. Naging tungkulin ng lolo niya na si ‘Abdulmuttalib na punuan sa kanya ang maraming


kawalan. Kaya naman inalagaan at kinalinga siya nito. Sa gulang na walong taon ay yumao


naman ang lolo niya na si ‘Abdulmuttalib kaya inalagaan naman siya ng amain niya na si


Abú Tálib sa kabila ng dami ng mga anak nito at kasalatan nito sa yaman. Pinakitunguhan


siya ng tiyuhin niya at gayon din ng maybahay nito gaya ng isa sa mga anak nila. Napalapit


nang labis ang batang ulila sa amain niya. Sa ganitong kalagayan nagsimula ang unang


pagkahubog niya. Lumaki siya sa katapatan at pagiging mapagkakatiwalaan hanggang sa


ang mga ito ay naging mga taguri na nakikilala siya. Kaya kapag sinabing dumating ang


mapagkakatiwalaan o dumating ang matapat, alam na iyon ay si Muhammad (SAS).


Si Khadíjah (RA)


Matapos na nagbinata siya at lumaki nang kaunti, nagsimula na siya sa pag-asa sa sarili


niya sa mga kapakanan ng buhay niya at paghahanap ng ikabubuhay niya. Sinimulan niya


ang yugto ng paggawa at pagkita. Nagtrabaho siya bilang pastol para sa ilan sa mga Quraysh


para sa mga tupa nila kapalit ng kaunting halaga ng salapi.


Lumahok siya sa isang paglalakbay pangkalakalan patungong Shám, na nakiambag doon


si Khadíjah bint Khuwaylid (RA) ng malaking puhunan. Si Khadíjah na ito ay isang mariwasang


balo. Ang katiwala niya sa ari-arian niya sa paglalakbay na iyon ay si Maysarah, ang


alila niya at ang tagapangasiwa ng mga gawain niya. Dahil sa biyayang taglay ni Muhammad


(SAS) at pagkamapagkakatiwalaan nito ay tumubo ang kalakal ni Khadíjah (RA) ng tubong


hindi pa niya nalaman noon. Kaya tinanong niya ang alila niyang si Maysarah hinggil sa


dahilan ng malaking tubong ito. Ibinalita niyon sa kanya na si Muhammad na anak ni


‘Abdulláh ay bumalikat sa gawain ng pag-aalok at pagtitinda. Tinangkilik nga ito ng mga


tao nang malaking pagtangkilik. Kaya ang maraming tinubo ay hindi dahil sa pandaraya.


Nakinig si Khadíjah (RA) sa alila niya. Nakaaalam na siya noon tungkol kay Muhammad


(SAS) ng ilang bagay kaya tumindi ang paghanga niya rito. Naibigan niyang makaisangdibdib


ito. Nagsugo siya ng isa sa mga babaing kamag-anak niya upang siyasatin para sa


kanya ang pagnanais ni Muhammad (SAS) hinggil sa bagay na iyon. Si Muhammad (SAS)


noon ay sumapit na sa gulang na dalawampu’t lima. Pinuntahan ito ng isang babae upang


alukin ito na makipag-isang-dibdib kay Khadíjah (RA). Nalugod naman ito roon.


Nairaos ang pag-iisang-dibdib at lumigaya ang bawat isa sa kanila sa isa’t isa. Nagsimula


na si Muhammad (SAS) sa pamamahala sa mga kapakanan ng yaman ni Khadíjah (RA).


Napatunayan niya ang kahusayan niya at ang kakayahan niya. Lumipas ang mga taon.


Nagkasunud-sunod ang pagdadalang-tao ni Khadíjah (RA) at ang panganganak nito. Nagkaroon


ito ng mga anak na babae na sina Zaynab, Ruqayyah, Umm Kulthúm at Fátimah,


at ng mga anak na lalaki na sina alQásim at ‘Abdulláh, na kapwa namatay sa pagkabata


ng mga ito.


Ang Pagkapropeta


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


112


Kasabay ng paglapit ng marangal na edad niya (SAS) sa apatnapung taon, dinadalasan


niya ang pag-iisa at ang pagsasarili sa yungib ng Hirá’, sa isang bundok na malapit sa


Makkah sa dakong silangan. Gumugugol siya roon ng ilang araw at ilang gabi na magkakasunud


habang sumasamba kay Allah. Noong gabi ng ika-21 ng buwan ng Ramadán,


habang siya ay nasa loob ng yungib noong tumuntong na siya sa gulang na apatnapung


taon, ay pinuntahan siya ni Anghel Gabriel (AS) at nagsabi ito sa kanya: “Bumasa ka.”


“Hindi ako nakababasa,” sabi naman niya rito. Ang ibig niyang sabihin ay hindi siya


marunong bumasa.


Inulit iyon ni Gabriel sa ikalawa at ikatlong pagkakataon. Sa ikatlong pagkakataon ay


nagsabi ito sa kanya (96:1-5):





Bumasa ka sa ngalan ng Panginoon mo na lumikha, lumikha sa tao mula sa


namuong dugo. Bumasa ka at ang Panginoon mo ay ang Napakamapagbigay,


na nagturo sa pamamagitan ng panulat, nagturo sa tao ng hindi nito nalaman.


Pagkatapos ay iniwan siya nito.


Hindi na nakayanan ng Sugo ni Allah (SAS) ang manatili pa sa yungib ng Hirá’ kaya


umuwi siya sa bahay niya. Pumasok siya sa kinaroroonan ng maybahay niyang si Khadíjah


(RA), na kumakabug-kabog ang puso niya at nagsabi: “Balutin ninyo ako. Balutin ninyo


ako.” Binalutan naman siya nito hanggang sa maalis sa kanya ang sinadak. Ibinalita niya


kay Khadíjah (RA) ang nangyari sa kanya. Pagkatapos ay nagsabi siya: “Talaga ngang


natakot ako para sa sarili ko.” Kaya nagsabi naman si Khadíjah (RA): “Aba’y huwag;


sumpa man kay Allah, hinding-hindi ka ipahihiya ni Allah kailanman. Tunay na ikaw ay


talagang nagpapanatili sa ugnayan sa kaanak, umaalalay sa naghihikahos, nagbibigay sa


nawawalan, nagpaparangal sa panauhin, at umagapay sa dinapuan ng mga kasawian sa


mundo.”


Pagkalipas ng isang maikling panahon ay bumalik ang Propeta (SAS) sa yungib ng


Hirá’ upang ipagpatuloy roon ang pagsamba niya. Noong natapos siya sa pagsamba niya


ay bumaba siya mula sa yungib upang bumalik sa Makkah. Noong siya ay nasa gitna na


ng lambak, pinuntahan siya ni Anghel Gabriel na nakaupo sa isang upuang nasa pagitan


ng langit at lupa at nagsiwalat sa kanya (74:1-5):





O nakatakip! Bumangon ka at magbabala ka. Ang Panginoon mo ay dakilain


mo. Ang mga kasuutan mo ay linisin mo. Ang kasalaulaan183 ay layuan mo.


Pagkatapos ay nagpatuloy ang pagsisiwalat at nagkasunud-sunod matapos niyon.


Noong nasimulan ng Propeta (SAS) ang pag-anyaya niya tungo sa Islam ay tinugon ng


butihing maybahay niya ang panawagan ng pananampalataya. Sumaksi ito kay Allah sa


kaisahan at sa marangal na asawa nito sa pagkapropeta. Kaya naman si Khadíjah (RA) ay


ang unang yumakap sa Islam. Kinausap ng Sugo ni Allah (SAS) ang matalik na kaibigan


niya na si Abú Bakr (RA). Sumampalataya naman ito at naniwala nang walang pag-aatubili.


Ang Sugo ni Allah, bilang isang pagganti mula sa kanya sa amain niyang si Abú Tálib na


nag-aruga sa kanya at nangalaga sa kanya noong wala na ang ina niya at ang lolo niya, ay


183 O mga diyus-diyusan.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


113


pumili kay ‘Alíy, mula sa mga anak ng amain niya, na aalagaan niya sa piling niya at gugugulan


niya. Sa ganitong kalagayan binuksan ni ‘Alíy (RA) ang puso nito at ang isip nito


kaya naman sumampalataya ito. Pagkatapos niyon ay sumunod naman sa kanila si Zayd


ibnu Hárithah (RA) na alila ni Khadíjah (RA).


Nagpatuloy ang Propeta (SAS) sa lihim na pag-aanyaya sa Islam. Ang mga Muslim


ay nagkukubli ng pagkayakap nila sa Islam dahil kapag natuklusan ang tungkol sa isa sa


kanila ay isasailalim ito sa napakalupit na mga uri ng pagpapahirap mula sa mga Káfir ng


mga Quraysh upang mahadlangan nila ito sa Islam.


Ang Hayagang Pag-aanyaya


Matapos na gumugol ang Sugo ni Allah (SAS) ng tatlong taon sa palihim na paisa-isang


pag-aanyaya sa Islam ay ibinaba ni Allah ang áyah na ito (15:94):





Kaya ilantad mo ang ipinag-uutos sa iyo at hayaan mo ang mga nagtatambal.184


Kaya tumayo siya, isang araw, sa tuktok ng burol ng Safá, na nananawagan sa mga naninirahan


sa Makkah. Pinagtipunan siya ng maraming tao at kabilang sa mga iyon ang amain


niya na si Abú Lahab, na kabilang sa pinakamalaki sa mga tao sa pagkamuhi kay Allah at


sa Sugo Niya. Noong pinagtipunan na siya ng mga tao ay nagsabi siya: “Sa tingin ba ninyo


kung ibabalita ko sa inyo na sa likod ng bundok na ito ay may kalaban na nag-aantabay


sa inyo, maniniwala ba kayo sa akin?” Sinabi naman nila: “Wala kaming nalaman sa iyo


kundi ang katapatan at ang pagkamapagkakatiwalaan.” Nagsabi naman siya: “Tunay na


ako para sa inyo ay isang tagapagbabala sa harap ng isang matinding pagdurusa.”


Pagkatapos ay nagsimula ang Sugo ni Allah (SAS) sa pag-aanyaya sa kanila tungo kay


Allah at pagwaksi sa anumang ginagawa nilang pagsamba sa mga diyus-diyusan. Lumabas


si Abú Lahab sa gitna ng mga tao at nagsabi: “Kapahamakan sa iyo; dahil ba rito ay tinipon


mo kami?” Kaya nagbaba si Allah dahil sa kanya ng isang súrah na bibigkasin hanggang


sa Araw ng Pagbangon (111:1-5):





Napahamak ang dalawang kamay ni Abúَ Lahab at napahamak siya! Walang


naipakinabang para sa kanya ang yaman niya at ang anumang nakamit niya.


Papasok siya sa Apoy na may liyab, at gayon din ang maybahay niya, ang tagapasan


ng panggatong. Sa leeg nito ay may tali mula sa linubid na himaymay.


Nagpatuloy ang Propeta (SAS) sa pag-aanyaya niya. Sinimulan niyang ilantad ito sa


mga pook ng mga pagtitipon ng mga tao. Nagdarasal siya sa tabi ng Ka‘bah. Dumadalo siya


sa mga pinagtitipunan ng mga tao. Pinupuntahan niya ang mga Mushrik sa mga palengke nila


upang anyayahan sila sa Islam. Dumanas siya ng maraming pananakit. Nadagdagan din


ang pananakit ng mga Káfir sa sinumang yumakap sa Islam kasama niya. Kabilang doon


ang nangyari kay Yásir (RA), kay Sumayyah (RA), at sa anak nila na si ‘Ámmár (RA)


yamang namatay ang mga magulang ni ‘Ámmár (RA) na mga martir dahil sa tindi ng


pahirap. Si Sumayyah (RA) ay ang unang martir sa Islam.


184 Mushrik o taong gumagawa ng Shirk o lumalabag sa Tawhíd.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


114


Dumanas din si Bilál ibnu Rabáh (RA) na taga-Ethiopia sa matinding pagdurusa sa


kamay nina Abú Jahl at Umayyah ibnu Khalaf. Pumasok sa Islam si Bilál ibnu Rabáh (RA)


sa pamamagitan ni Abú Bakr (RA) asSiddíq. Noong nalaman iyon ng panginoon niya na


si Umayyah ibnu Khalaf, ginamit nito sa kanya ang lahat ng mga kaparaanan ng pagpapahirap


upang iwan niya ang Islam, ngunit tumanggi siya at nanatili sa Relihiyon niya. Dinadala


siya noon ni Umayyah sa labas ng Makkah na nakagapos sa mga tanikala. Naglalagay


ito sa dibdib niya ng malaking bato matapos na pahimlayin siya nito sa mga nakapapasong


buhangin. Pagkatapos ay pinagbuntunan siya ng hagupit nito at ng mga kasama nito samantalang


siya naman ay paulit-ulit na nagsasabi ng ahad, ahad185 hanggang sa madaanan siya


ni Abú Bakr (RA) asSiddíq habang siya ay nasa gayong kalagayan. Binili siya nito mula


kay Umayyah at pinalaya alang-alang kay Allah.


Talaga ngang bahagi ng katwiran kaalinsabay ng pag-iral ng mga paniniil na ito na pinigilan


ng Sugo ni Allah (SAS) ang mga Muslim sa pagpapahayag ng pagyakap nila sa Islam.


Nakikipagkita rin siya sa kanila nang lihim dahil kung sakaling nakipagkita siya sa kanila


nang hayagan, hahadlang ang mga Mushrik sa pagitan niya at ng ninanais niya na pagtuturo


sa kanila at pagpapatnubay sa kanila. Marahil humantong pa iyon sa sagupaan sa pagitan


ng dalawang pangkat. Alam ng lahat na ang sagupaan ay maaaring mauwi sa pagkawasak


ng mga Muslim at pagkalipol nila dahil sa kakauntian ng bilang nila at sandata nila. Kaya


naman bahagi ng katwiran ang pagkukubli. Tungkol naman sa Sugo ni Allah (SAS), inilalantad


niya ang pag-aanyaya sa Islam at ang pagsamba sa gitna ng mga Mushrik sa kabila


ng natatamo niyang pananakit mula sa mga Káfir ng mga Quraysh.


Ang Paglikas sa Ethiopia


Dahil sa pagpapatuloy ng mga Mushrik sa pagpapahirap sa sinumang natuklasang yumakap


sa Islam, lalo na ang mga mahina sa kanila, hiniling ng mga Kasahamahan sa Sugo


(SAS) na lumikas sila dahil sa relihiyon nila sa Ethiopia sa piling ng Najáshíy,186 na matatagpuan


nila sa piling nito ang katiwasayan lalo na at may marami sa mga Muslim na natakot


para sa mga sarili nila at mga kaanak nila dahil sa mga Quraysh. Nagpahintulot naman siya


sa kanila. Iyon ay noong ikalimang taon ng pagsugo. Kaya lumikas mula sa mga Muslim


ang humigit-kumulang pitumpo kasama ng mga kaanak nila. Kabilang sa kanila si ‘Uthmán


ibnu ‘Affán (RA) at ang maybahay niya na si Ruqayyah (RA) na anak ng Sugo (SAS).


Talaga ngang tinangka ng mga Quraysh na siraan ang pagkatao nila sa Ethiopia. Nagpadala


sila ng mga regalo sa Najáshíy at hiniling sa kanya na isuko sa kanila ang mga nagsitakas


na iyon. Sinabi pa nila sa kanya: “Ang mga Muslim ay nanlalait kay Jesus at sa ina


nya.” Ngunit noong tinanong ng Najáshíy ang mga Muslim tungkol doon ay ipinaliwanag


ng mga ito sa kanya ang sinasabi ng Qur’an tungkol kay Jesus (AS). Nilinaw ng mga ito


sa kanya ang katotohanan at binigkas sa kanya ang Súrah Maryam. Ipinagsanggalang niya


ang mga ito at tumanggi siya na isuko ang mga ito sa mga Quraysh. Sumampalataya siya


at ipinahayag niya ang pagyakap niya sa Islam.


Nang buwan ng Ramadán ng taon ding iyon ay pumunta ang Sugo (SAS) sa mga tao


sa paligid ng Ka‘bah. Tumayo siya sa gitna nila at sinimulang bigkasin ang Súrah anNajm


185 Iisa, iisa [ang Diyos].


186 Ito ang tawag noon sa mga hari ng Ethiopia.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


115


samantalang mayroong malaking pagtitipon ng mga Quraysh. Ang mga Káfir na ito ay hindi


pa nakarinig ng Salita ni Allah bago nito dahilan sa pamamaraan nilang tuluy-tuloy sa pagpapayuhan


na hindi sila makikinig mula sa Sugo (SAS) ng anuman. Subalit noong binigla


sila ng pagbigkas ng Súrah na ito at kinatok ang mga tainga nila ng nakabibighani na makadiyos


na salitang iyon, nanatili ang bawat isa sa kanila na matamang nakikinig dito na


walang anumang sumasagi sa isipan maliban sa pakikinig dito. Noong binigkas niya ang


“Kaya magpatirapa kayo kay Allah at sumamba kayo.”187 ay nagpatirapa siya at hindi


nila napigilan ang mga sarili nila kaya sumubsob silang lahat na mga nakapatirapa.


Ang Boykoteo


Nagpatuloy ang mga Quraysh sa pakikidigma sa pag-aanyaya ng Propeta (SAS). Sinunod


nila alang-alang doon ang maraming istilo. Nagpahirap sila, naniil sila, nagbanta sila, at


nang-udyok sila. Subalit ang lahat ng iyon ay walang kinahantungan kundi karagdagang


pagkapit sa Relihiyong Islam at pagkadagdag ng bilang ng mga mananampalataya. Pagkatapos


ay heto na naman sila, gumagamit ng bagong istilo sa pakikidigma sa Islam. Iyon ay


sa pamamagitan ng pagsulat nila ng isang kasulatang nilagdaan nilang lahat at isinabit


nila sa loob ng Ka‘bah. Nagkasunduan sila roon sa pagboboykoteo sa mga Muslim at sa


angkan ng Háshim ayon sa isang pangkalahatang boykoteo. Walang mamagitan sa kanila


na pagtitinda, ni pagbili, ni pag-aasawa, ni pakikipagtulungan, ni pakikitungo.


Napilitan ang mga Muslim na lumabas sa Makkah patungo sa isa sa mga lambak nito


na tinatawag na Shi‘b Abí Tálib. Doon ay naghirap ang mga Muslim ng isang matinding


paghihirap. Dumanas sila ng sarisaring pasakit gaya ng gutom at kagipitan. Ipinagkaloob ng


mga maykaya sa kanila ang lahat ng mga ari-arian nila, hanggang sa nagugol ni Khadíjah


(RA) ang lahat ng ari-arian niya. Lumaganap sa kanila ang mga sakit. Nabingit ang karamihan


sa kanila sa kasawian. Subalit sila ay nagpakatatag, nagtiis, at walang tumalikod sa


kanila ni isa man. Nagtagal ang paninikis ng tatlong taon hanggang sa may tumayo na isang


pangkat ng mga tanyag na ginoo ng mga Quraysh na kabilang sa mga nauugnay sa ilan sa


angkan ng Háshim sa pagkakamag-anak. Nagsagawa sila ng pagpapawalang-bisa sa nilalaman


ng kasulatan at ipinahayag nila iyon sa madla. Noong nailabas nila ang kasulatan ay


natagpuan nila na kinain na ito ng mga anay at walang natira rito kundi ang pararilang: Sa


ngalan Mo, o Allah. Lumuwag ang krisis at nagbalik ang mga Muslim at ang angkan ng


Háshim sa Makkah. Subalit ang mga Quraysh ay nanatili sa mapang-aping paninindigan


nila sa pakikipagdigmaan sa mga Muslim.


Ang Taon ng Kalungkutan


Nagsimula ang matinding karamdaman sa paggapang sa mga bahagi ng katawan ni Abú


Tálib, ang amain ng Propeta (SAS) at pinamamalagi siya nito na nakaratay sa higaan. Ito


ay walang iba kundi isang panandaliang panahong sapagkat walang anu-ano ay dinaranas


na niya ang mga hapdi ng kamatayan habang ang Sugo ni Allah (SAS) ay nasa tabi ng ulo


niya na nagsusumamo sa kanya na magsabi ng Lá Iláha Illa lláh


bago siya mamatay. Subalit


ang mga masamang kasama na mga kapisan niya noon, sa pamumuno sa kanila ni Abú Jahl,


ay pumipigil sa kanya at nagsasabi sa kanya: “Tatalikdan mo ba ang relihiyon ng mga


magulang mo at mga ninuno mo? Umaayaw ka ba sa kapaniwalaan ni ‘Abdulmuttalib?”


187 Qur’an 53:62.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


116


Nagpupumilit sila sa kanya hanggang sa namatay siya sa Shirk. Kaya ang kalungkutan ng


Sugo (SAS) para sa amain niya ay ibayo yamang namatay ito na isang Káfir.


Matapos ang malapit sa dalawang buwan ng pagyao ni Abú Tálib ay yumao naman si


Khadíjah (RA). Kaya nalungkot nang matinding pagkalungkot dahil doon ang marangal na


Sugo (SAS). Tumindi ang pagsubok sa Sugo ni Allah (SAS) mula sa mga kababayan niya


matapos ang pagyao ng amain niyang si Abú Tálib at maybahay niyang si Khadíjah (RA).


Ang Sugo sa Táif


Lumala ang mga Quraysh sa paniniil nila, paghahari-harian nila, at pananakit nila sa


mga Muslim kaya naisip ng Propeta (SAS) na pumunta sa Táif nang harinawa si Allah ay


magpatnubay sa mga tagaroon sa Islam. Ang paglalakbay patungong Táif ay hindi isang


madaling bagay dahil sa kahirapan ng tatahaking daan dahilan sa mga nagtataasang bundok


na nakapaligid doon. Subalit ang pagsalubong ng mga naninirahan sa Táif sa Propeta (SAS)


at ang tugon nila sa kanya ay pangit. Hindi sila nakinig sa kanya, bagkus ay ipinagtabuyan


pa nila siya. Inudyukan nila laban sa kanya ang mga batang paslit nila kaya pinukol siya


ng mga ito ng bato hanggang sa napadugo ng mga ito ang mga bukung-bukong niya. Kaya


binalikan niya ang mga dinaanan niya patungong Makkah habang siya ay nalulumbay at


malungkot. Dumating sa kanya si Anghel Gabriel kasama ng anghel ng kabundukan. Nanawagan


sa kanya si Gabriel: “Tunay na si Allah ay nagpadala sa iyo ng anghel ng kabundukan


upang pag-utusan mo ito ng anumang niloob mo.”


“O Muhammad, kung loloobin mo na itaklob ko sa kanila ang Akhshabán,” sabi naman


ng anghel ng kabundukan. Ang Akhshabán ay dalawang bundok na nakapalibot sa Makkah.


“Bagkus umaasa ako na magpapaluwal si Allah mula sa mga supling nila ng sasamba


kay Allah lamang at hindi magtatambal ng anuman sa Kanya,” sabi niya. Ito ay bahagi ng


sukdulang pagtitiis niya at pagkaawa niya sa mga kababayan niya sa kabila ng matinding


pananakit na natamo niya mula sa kanila.


Ang Pagkabiyak ng Buwan


Kabilang sa kabuuan ng ipinakikipagtalo ng mga Mushrik sa Sugo ni Allah (SAS) ay


ang paghiling nila sa kanya ng mga himala upang mapagtibay ang katumpakan ng mensahe


niya. Naulit nga iyon mula sa kanila nang ilang ulit. Hiniling nila sa kanya minsan na biyakin


para sa kanila ang buwan sa dalawang hati. Kaya hiniling niya iyon sa Panginoon niya


at ipinakita ni Allah sa kanila ang buwan na nahati sa dalawang bahagi. Nakita ng mga


Quraysh ang himalang ito nang matagal na sandali subalit sila ay hindi sumampalataya.


Sa halip ay nagsabi sila: “Talaga ngang ginaway tayo ni Muhammad.”


“Kung nagaway niya kayo, siya ay hindi makakakaya na gawayin ang lahat ng mga tao


kaya hintayin ninyo ang mga manlalakbay,” sabi ng isang lalaki. Kaya noong dumating


ang ilan sa mga naglakbay ay tinanong nila ang mga ito at nagsabi naman ang mga ito:


“Oo. Nakita nga namin iyon.” Subalit ang mga Quraysh sa kabila niyon ay nagpumilit pa


rin sa kawalang-pananampalataya nila.


Ang Isrá’ at ang Mi‘ráj


Matapos ang pag-uwi ng Sugo (SAS) mula sa Táif at ang nangyari sa kanya roon, matapos


na yumao si Abú Tálib at sinundan pa ito ni Khadíjah (RA) at kaalinsabay ng pagtindi ng


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


117


pananakit ng mga Quraysh sa mga Muslim ay nagkatipun-tipon na ang mga alalahanin sa


puso ng Propeta (SAS). Kaya naman dumating ang pampalubag-loob para sa marangal na


Propetang ito mula sa Panginoon niya. Minsan isang gabi, habang ang Sugo ni Allah (SAS)


ay natutulog, pinuntahan siya ni Anghel Gabriel dala si Buráq, isang hayop na nakahahawig


ng kabayo, na may dalawang pakpak, na mabilis tumakbo na para bagang kidlat. Pinasakay


siya rito ni Anghel Gabriel. Pagkatapos ay dinala siya nito sa Jerusalem sa Palestina. Pagkatapos


mula roon ay iniakyat siya sa langit at nakakita ng maraming bagay mula sa mga


tanda ng Panginoon niya. Sa langit isinatungkulin sa kanya ang limang saláh. Bumalik siya


nang gabi ring iyon sa Makkah, na panatag ang isip at matatag ang katiyakan. Hinggil doon


ay nagsasabi si Allah (17:1):


]


Kaluwalhatian sa Kanya na nagdala sa lingkod Niya isang gabi mula sa


alMasjid alHarám patungo sa alMasjid al’Aqsá, na pinagpala Namin ang


palibot nito, upang magpakita Kami sa kanya ng ilan sa mga tanda Namin.


Tunay na Siya ay ang Nakaririnig, ang Nakakikita.


Noong nag-umaga ay pumunta siya sa Ka‘bah at nagsimulang isalaysay sa mga tao


ang nangyari sa kanya. Kaya tumindi ang pagpapasinungaling sa kanya ng mga Káfir at


ang panunuya nila sa kanya. Pagkatapos ay hiniling sa kanya ng ilan sa mga naroroon na


ilarawan sa kanila ang Jerusalem. Iyon ay isang paraan ng pagbigo. Sinimulan niyang ilarawan


ito nang bahagi sa bahagi. Hindi nagkasya ang mga Mushrik sa mga pagtatanong


na ito bagkus ay nagsabi pa sila: “Nagnanais kami ng isa pang patunay.” Kaya nagsabi ang


Sugo (SAS): “Talaga ngang may nasalubong ako sa daan na isang karaban na papunta


sa dakong Makkah.” Inilarawan niya ito sa kanila. Ibinalita niya sa kanila ang bilang ng


mga kamelyo nito at ang oras ng pagdating nito. Nagsabi ng totoo ang Sugo ni Allah (SAS)


subalit ang mga Káfir ay naligaw sa kawalang-pananampalataya nila, pagmamatigas nila,


at hindi paniniwala.


Kinaumagahan ng araw ng Isrá’ ay dumating si Anghel Gabriel at itinuro nito sa Sugo


(SAS) ang paraan ng pagsasagawa ng limang saláh at ang mga takdang oras ng mga ito. Ang


saláh, bago niyon, ay binubuo ng dalawang rak‘ah sa umaga at dalawang rak‘ah sa gabi.


Ang Pag-anyaya sa mga Naninirahan sa Madínah


Sa panahong iyon, nilimitahan ng Sugo ni Allah (SAS) ang paanyaya niya sa mga dumarating


sa Makkah matapos na nagpumilit ang mga Quraysh sa pag-ayaw sa katotohanan.


Nakikipagkita siya noon sa kanila sa mga tinitigilan nila at sa mga pook na tinutuluyan


nila. Inilahad niya sa kanila ang Islam at ipinaliliwanag niya ito sa kanila. Ang amain niya


na si Abú Lahab ay bumubuntot sa kanya at nagbibigay-babala sa mga tao laban sa kanya


at laban sa pangaral niya. Minsan ay pumunta siya sa isang pangkat ng mga mamamayan


ng Madínah at inanyayahan niya sila sa Islam. Nakinig sila sa kanya. Pagkatapos ay nagkaisa


silang sumunod sa kanya at maniwala sa kanya. Ang mga mamamayan ng Madínah


ay nakaririnig na noon mula sa mga Hudyo na may isang propetang ipadadala, na nalalapit


na ang panahon nito. Noong inanyayahan niya sila, nakilala nila na siya ang propeta na


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


118


binabanggit ng mga Hudyo. Kaya naman nagdali-dali sila sa pagyakap sa Islam. Sinabi


nila: “Huwag kayong magpauna sa mga Hudyo doon.” Sila ay anim na katao.


Nang sumunod na taon ay may dumating mula sa Madínah na labindalawang lalaki.


Nakipagpulong sila sa Sugo ni Allah (SAS) at itinuro niya sa kanila ang Islam. Noong bumalik


sila sa Madínah ay ipinadala niya kasama nila si Mus‘ab ibnu ‘Umayr (RA) upang ituro


sa kanila ang Qur’an at linawin sa kanila ang mga panuntunan ng Islam. Nakaya naman


ni Mus‘ab ibnu ‘Umayr (RA), dahil sa pagpapatnubay ni Allah, na makaimpluwensiya sa


lipunan ng Madínah. Kaya noong bumalik si Mus‘ab (RA) sa Makkah pagkalipas ng isang


taon, may kasama na siyang 72 lalaki at dalawang babae mula sa mga mamamayan ng


Madínah. Nakipagpulong sa kanila ang Sugo (SAS) at nakipagkasundo sila sa kanya sa


pagtulong sa Islam at pagtupad sa kautusan nito. Pagkatapos ay bumalik sila sa Madínah.


Ang Bagong Himpilan ng Pag-aanyaya sa Islam


Ang Madínah ay naging isang ligtas na kanlungan para sa katotohanan at mga tagapagtaguyod


nito kaya nagsimula na ang paglikas doon ng mga Muslim. Gayon pa man, ang


mga Quraysh ay nagpasya na pigilan ang mga Muslim sa paglikas. Kaya nakatagpo ang


ilan sa mga Muhájir188 ng sari-saring uri ng pananakit at pahirap. Ang mga Muslim ay


lumilikas nang palihim sa takot sa mga Quraysh. Si Abú Bakr asSiddíq (RA) naman ay


nagpaalam na sa Sugo ni Allah (SAS) para lumikas ngunit sinasabi nito sa kanya: “Huwag


kang magmadali; harinawa si Allah ay magtalaga para sa iyo ng isang kasamahan.”


Ito ay hanggang sa nakalikas ang karamihan sa mga Muslim.


Naglaho ang katinuan ng mga Quraysh noong nakita nila ang paglikas ng mga Muslim


at ang pagtitipon nila sa Madínah. Nangamba sila sa pagtaas ng katanyagan ni Muhammad


(SAS) at ng pangangaral niya kaya nagsanggunian sila hinggil sa bagay na iyon. Pagkatapos


ay nagkasundo sila sa pagpatay sa Sugo (SAS).


“Minamagaling ko na magbigay tayo ng isang tabak sa isang matipunong binata mula sa


bawat lipi natin. Palilibutan nila si Muhammad (SAS) at tatagain nila ito nang sabay-sabay


upang magkahati-hati ang pananagutan sa buhay niya sa mga lipi. Hindi magkakalakas ng


loob ang angkan ng Háshim, matapos nito, na kalabanin ang lahat ng tao,” sabi ni Abú Jahl.


Ipinabatid na ni Allah, kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Niya, sa marangal na


Propeta Niya (SAS) ang sabwatan. Kaya nakiisa siya kay Abú Bakr (RA) na lumikas, matapos


na ipinahintulot sa kanya ni Allah iyon. Kinagabihan, hiniling ng Propeta kay ‘Alíy


ibnu Abí Tálib (RA) na matulog ito sa higaan niya upang akalain ng mga tao na siya ay


nasa bahay pa rin.


Dumating ang mga nakipagsabwatan. Pinaligiran nila ang bahay. Nakita nila si ‘Alíy


(RA) sa higaan kaya inakala nilang ito ay si Muhammad (SAS). Nagsimula silang maghintay


sa paglabas niya upang tapusin na siya at patayin. Lumabas ang Sugo (SAS) sa gitna nila


samantalang sila ay nakapaligid sa bahay. Nagsaboy siya ng alikabok sa mga ulo nila. Inalis


ni Allah ang mga paningin nila kaya hindi nila siya namalayan. Pumunta siya kay Abú


Bakr (RA). Lumabas silang magkasama patungong Madínah at nagkubli sa yungib ng Thawr.


Tungkol naman sa mga Quraysh, nanatili ang mga kabinataan nila na mga naghihintay


hanggang sa mag-umaga. Noong nag-umaga na ay bumangon si Alíy sa higaan ng Sugo ni


Allah (SAS) at nahulog ito sa mga kamay nila. Tinanong nila ito tungkol sa Sugo ni Allah


188 Ang mga Muslim na lumikas sa Madínah mula sa Makkah.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


119


(SAS) ngunit hindi ito nagbalita sa kanila ng anuman kaya binugbog nila ito at kinaladkad


nila ito subalit walang silbi.


Pagkatapos niyon ay nagpadala ang mga Quraysh ng tagahanap sa bawat dako. Nagtalaga


sila ng gantimpalang isandaang inahing kamelyo para sa sinumang makapagdadala


kay Propeta Muhammad (SAS) buhay man o patay. Umabot ang paghahanap sa bukana


ng yungib na pinagkukublihan ng Propeta (SAS) at kasamahan niya, anupa’t kung sakaling


ang isa sa kanila ay tumingin sa mga paa nito ay talagang nakita na sana nito ang dalawa.


Tumindi ang lungkot ni Abú Bakr (RA) para sa Sugo ni Allah (SAS) kaya nagsabi siya rito:


“Ano ang palagay mo, Abú Bakr, sa dalawa na si Allah ang ikatlo sa kanila? Huwag


kang malungkot; tunay na si Allah ay kasama natin.” Subalit ang mga naghahanap ay


hindi nakakita sa kanila.


Nanatili ang Propeta at ang kasamahan niya sa yungib nang tatlong araw. Pagkatapos


ay humanyo sila patungong Madínah. Ang daan ay mahaba at ang araw ay nakapapaso.


Sa gabi ng ikalawang araw ay naparaan sila sa kubol ng isang babaing sinasabing si Umm


Ma‘bad. Humiling sila rito ng makakain at maiinom ngunit wala silang natagpuang anuman


dito kundi isang payat na inahing tupa na pinigilan ng kahinaan sa pagpunta sa pastulan.


Wala nang isang patak na gatas iyon. Nilapitan iyon ng Sugo ni Allah (SAS), sinalat ang


utong niyon, at dumaloy ang gatas. Pagkatapos ay ginatasan niya iyon. Napuno ang isang


malaking lalagyan kaya napatayo si Umm Ma‘bad na takang-taka sa nakita nito. Pagkatapos


ay uminom ang lahat hanggang sa mabusog. Pagkatapos ay muli niyang ginatasan ang


tupa at napuno na naman ang lalagyan. Iniwan niya ito kay Umm Ma‘bad at ipinagpatuloy


niya ang paglalakad niya.


Ang Pagdating sa Madínah189


Ang mga mamamayan ng Madínah ay nag-aabang na sa pagdating ng Propeta (SAS)


at naghihintay sa kanya araw-araw sa labas ng Madínah. Kaya noong araw ng pagdating


niya ay lumapit sila sa kanya na mga masayang sumasalubong. Nanuluyan siya sa Qubá’


sa mataas na bahagi ng Madínah. Tumigil siya roon nang apat na araw. Itinayo niya roon


ang panulukan ng masjid ng Qubá’. Ito ang kauna-unahang masjid na itinayo sa Islam.


Sa ikalimang araw ay humayo siya patungong Madínah. Tinangka ng marami sa mga


Ansárí190 na maanyayahan ang Sugo ni Allah (SAS) at maparangalan sa pagtanggap sa kanya


bilang panauhin sa piling nila. Hinahawakan nila ang renda ng inahing kamelyo niya. Nagpasalamat


siya sa kanila at nagsabi: “Hayaan ninyo ito sapagkat ito ay napag-utusan na.”


Noong nakarating na ang inahing kamelyo sa kung saan napag-utusan ito ni Allah ay lumuhod


ito. Ngunit hindi siya bumaba kaya tumayo ito at naglakad nang kaunti. Pagkatapos


ay lumingon ito, bumalik, at lumuhod sa unang niluhuran nito at bumaba na siya mula rito.


Iyon ay naging kinalagyan ng Masjid ng Propeta. Nanuluyan ang Propeta (SAS) kay Abú


Ayyúb al’Ansáríy (RA).


Tungkol naman kay ‘Alíy ibnu Abí Tálib, nanatili pa ito nang tatlong araw sa Makkah


matapos na umalis ang Propeta (SAS). Ibinalik niya nang mga panahong iyon ang mga


ipinagkatiwala na nasa pag-iingat ng Propeta (SAS) sa mga may-ari ng mga ito. Pagkatapos


ay lumisan ito patungong Madínah. Naabutan nito ang Propeta (SAS) sa Qubá’.


189 Ang Madínah ay tinatawag noon na Yathrib noong hindi pa nakatira roon ang Propeta (SAS).


190 Ang Muslim na taga-Madinah na tumulong sa Propeta (SAS).


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


120


Ang Propeta sa Madínah


Ipinatayo ng Sugo (SAS) ang Masjid niya sa pook na niluhuran ng inahing kamelyo


niya matapos na mabili niya ito sa mga may-ari nito. Itinatag niya ang kapatiran sa pagitan


ng mga Muhájir, ang mga Kasamahan niya na dumating kasama niya mula sa Makkah, at


ng mga Ansárí, ang mga tumulong sa kanila kabilang sa mga mamamayan ng Madínah.


Ginawan niya ang bawat isa sa mga Ansáríy ng isang kapatid mula sa mga Muhájir na


makikibahagi sa kanya sa pag-aari niya. Nagsimula ang mga Muhájir at ang mga Ansárí


sa paggawa nang magkasama. Nadagdagan ang tibay ng mga bigkis ng pagkakapatiran sa


pagitan nila.


Ang mga Quraysh ay may ugnayan sa mga Hudyo ng Madínah. Tinatangka ng mga


Quraysh sa pamamagitan ng mga Hudyo ang pagbubunsod ng kaguluhan at pagkakahatihati


sa pagitan ng mga Muslim. Ang mga Quraysh din ay nagbabanta sa mga Muslim at


nagbabala sa kanila ng paglipol sa kanila. Ganito pinaligiran ng panganib ang mga Muslim,


sa loob at sa labas. Umabot pa sa punto na ang mga Kasamahan ng Sugo (SAS) ay hindi


nagpapagabi kung wala silang dalang sandata. Sa mga matinding kalagayang ito ay ibinaba


ni Allah ang pahintulot sa pakikipaglaban. Kaya nagsimula ang Sugo (SAS) sa paghahanda


ng mga misyong pangmilitar para sa pagmamanman sa mga pagkilos ng mga kaaway at


gayon din para sa pagharang sa mga karabang pangkalakal ng mga Quraysh upang gipitin


sila at ipadama sa kanila ng lakas ng mga Muslim nang sa gayon ay makipagkapayapaan


ang mga ito at hayaan ang mga Muslim sa kalayaan sa pagpapalaganap ng Islam at pagsasagawa


nito. Gumawa rin ang Sugo (SAS) ng ilang kasunduan at pakikipag-alyansa sa ilan


sa mga lipi.


Ang Sagupaan sa Badr


Pinagtibay muli ng Sugo (SAS) ang pasya na harangin ang isa sa mga karabang pangkalakal


ng mga Quraysh na dumarating mula sa Shám. Humayo siya kasama ng 313 lalaki.


Wala silang dala kundi dalawang kabayo at 70 kamelyo lamang. Ang karaban ng mga Quraysh


ay binubuo ng 1,000 kamelyo. Ito ay pinamumunuan ni Abú Sufyán na may kasamang 40


tao. Subalit nalaman ni Abú Sufyán ang paghayo ng mga Muslim kaya nag-padala siya sa


Makkah ng tao magbabalita sa mga iyon ng nangyari at hihiling sa kanila ng ayuda. Binago


niya ang daan niya at pumunta siya mula sa ibang daan kaya hindi sila nasumpungan ng mga


Muslim. Tungkol naman sa mga Quraysh, humayo sila na may dalang isang hukbong binubuo


ng 1,000 mandirigma ngunit may nakarating sa kanila na isang sugo mula kay Abú


Sufyán, na nagbalita sa kanila ng pagkaligtas ng karaban at humiling sa kanila na bumalik


na sa Makkah. Ngunit tumanggi si Abú Jahl na bumalik at ipinag-patuloy ng mga ito ang


pagsulong nila.


Noong nalaman ng Sugo (SAS) ang paghayo ng mga Quraysh ay sinangguni niya ang


mga Kasamahan niya (RA). Napagkasunduan ng lahat na makipagtagpo sa mga Káfir at


makipaglaban sa mga ito. Sa umaga ng ika-17 ng Ramadán ng ikalawang taon ng paglikas


ay nagkaharap ang dalawang pangkat at naglabanan nang matinding labanan. Nagtapos ang


sagupaan sa pagwawagi ng mga Muslim. Namatayan sila ng 14 martir. Tungkol naman sa


mga Mushrik, namatayan ang mga ito ng 70 lalaki at nabihagan ng 70 iba pa.


Sa kalagitnaan ng labanan ay yumao si Ruqayyah (RA), ang anak ng Sugo (SAS) at


ang maybahay ni ‘Uthmán ibnu ‘Affán (RA) na nanatili sa piling nito sa Madinah. Hindi


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


121


sumama si ‘Uthmán (RA) sa labanang iyon alinsunod sa hiling ng Sugo (SAS) sa kanya na


manatili sa piling ng maysakit na maybahay niya. Pagkatapos ng sagupaan ay ipinakasal


ng Sugo (SAS) kay ‘Uthmán (RA) ang ikalawang anak niya na si Umm Kulthúm (RA).


Dahil dito, siya ay tinatagurian na Dhunnúrayn (ang may dalawang liwanag) dahil napangasawa


niya ang dalawa sa mga anak ng Sugo (SAS).


Matapos ang Sagupaan sa Badr ay bumalik sa Madinah ang mga Muslim na masaya sa


pagpapawagi ni Allah at kasama nila ang mga bihag at ang mga nasamsam na ari-arian.


Tungkol naman sa mga bihag, mayroon sa mga ito na tumubos sa sarili, mayroon sa mga


ito na pinalaya nang walang pantubos, at mayroon din sa mga ito na ang pantubos ay ang


pag-tuturo sa sampu sa mga anak ng mga Muslim ng pagbasa at pagsulat.


Ang Sagupaan sa Uhud


Naganap ang sagupaang ito sa pagitan ng mga Muslim at mga Káfir ng Makkah matapos


ang isang taon nang naganap ang pagsalakay sa Badr kung saan nagpasya ang mga Mushrik


na maghiganti sa mga Muslim matapos ang pagkagapi nila sa sagupaan sa Badr. Humayo


ang mga ito kasama ng 3,000 mandirigma. Hinarap ang mga ito ng mga Muslim na humigitkumulang


700 lalaki. Nagwagi ang mga Muslim sa unang pagkakataon at nanaig sila sa


mga Káfir. Lumisan ang mga Mushrik na tumatakas patungong Makkah. Subalit bumalik


muli sila at napuksa nila ang mga Muslim sa gawing bundok matapos na sinira ng mga


tagapana ang plano na itinalaga para sa kanila ng Sugo ni Allah (SAS) at bumaba sila mula


sa tuktok ng bundok upang tipunin ang mga samsam ng digmaan. Nakalamang ang mga


Mushrik sa sagupaang ito.


Ang Paglusob sa Bambang


Matapos ang labanan sa Uhud, may pumuntang isang pangkat ng mga Hudyo sa mga


mamamayan ng Makkah. Inudyukan nila ang mga ito na salakayin ang mga Muslim sa


Madínah. Nangako sila sa mga ito ng pagtulong at pag-alalay. Kaya naman tinugon sila ng


mga ito. Pagkatapos ay inudyukan naman ng mga Hudyo ang ibang mga lipi na salakayin


ang mga Muslim. Tinugon sila ng mga ito ng gayon din. Kaya nagsimula ang mga Mushrik


sa pagsulong patungo sa Madínah mula sa lahat ng pook hanggang sa nagkatipon sa paligid


nito ang humigit-kumulang sa 10,000 mandirigma.


Ang Propeta (SAS) ay nakaalam na tungkol sa mga pagkilos ng mga kaaway kaya


sinangguni niya ang mga Kasamahan niya hinggil sa bagay na iyon. Nagmungkahi sa kanya


si Salmán alFarsíy (RA) na humukay ng bambang sa palibot ng Madínah sa dakong walang


mga bundok. Lumahok ang mga Muslim sa paghuhukay ng bambang hanggang sa natapos


nang mabilis. Nanatili ang mga Mushrik na nakakampo sa labas ng Madínah sa loob ng


mga sa isang buwan. Hindi nila makayang makalusot sa bambang. Pagkatapos ay nagpadala


si Allah sa mga Káfir ng isang malakas na hangin na bumuwal sa mga kubol nila. Kaya


dinapuan sila ng pangamba at lumisan nang mabilis pabalik sa mga bayan nila. Ginapi ni


Allah nang mag-isa ang mga magkakampi at pinagwagi Niya ang mga Muslim.


Ang Pagsakop sa Makkah


Sa ikawalong taon ng paglikas ay nagpasya ang Sugo (SAS) na lusubin ang Makkah at


sakupin ito. Lumisan siya noong ika-10 ng Ramadán dala ang 10,000 mandirigma. Pumasok


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


122


siya sa Makkah nang walang labanan yamang sumuko ang mga Quraysh at pinagwagi ni


Allah ang mga Muslim. Dumako ang Propeta (SAS) sa alMasjid alHarám at nagsagawa


ng tawáf sa palibot ng Ka‘bah. Pagkatapos ay nagdasal siya ng dalawang rak‘ah sa loob


nito at matapos niyon ay pinagbabasag niya ang lahat ng mga diyos-diyusang nasa loob at


nasa ibabaw nito. Pagkatapos ay tumayo siya sa pintuan ng Ka‘bah habang ang mga Quraysh


ay nasa ilalim niya sa tabi ng pintuan nito, na naghihintay kung ano ang gagawin niya sa


kanila. Nagsabi ang Propeta (SAS): “O umpukan ng mga Quraysh, ano sa tingin ninyo


ang gagawin ko sa inyo?”


“Mabuti, kapatid na marangal na anak ng kapatid na marangal,” sagot nila.


“Umalis na kayo sapagkat kayo ay mga malaya na,” sabi niya sa kanila.


Gumawa ang Sugo (SAS) ng pinakadakilang halimbawa ng pagpapaumanhin sa mga


kaaway niya na nagpahirap, sa mga Kasamahan niya, nanakit sa kanila, at nagpalayas sa


kanya sa bayan niya.


Matapos ang pagsakop ng Makkah ay pumasok ang mga tao sa Relihiyong mula kay


Allah nang pulu-pulutong. Noong ikasampung taon ng paglikas ay nagsagawa ang Sugo


(SAS) ng hajj. Ito ang kaisa-isang hajj para sa kanya. Nagsagawa ng hajj kasama niya ang


higit sa 100,000 tao. Matapos ang hajj ay bumalik ang Propeta (SAS) sa Madínah.


Ang mga Delegasyon at ang Pakikipagsulatan sa mga Hari


Lumitaw ang katanyagan ng Propeta (SAS) at lumaganap ang paanyaya niya kaya nagsimulang


dumating sa Madínah ang mga delegasyon mula sa lahat ng pook. Ipinahahayag


nila ang pagpasok nila sa Relihiyong Islam.


Nagsimula rin ang Propeta sa pakikipagsulatan sa mga hari at mga prinsipe. Inaanyayahan


niya sila sa Islam. Kaya naman mayroon sa kanila na tumugon at sumampalataya


at mayroon din sa kanila na tumanggi nang magandang pagtanggi at nagpadala ng mga


regalo subalit hindi yumakap sa Islam. Mayroon pa sa kanila na nagalit at ginutay-gutay


ang sulat ng Propeta (SAS) gaya ng ginawa ng Khosraw, ang hari ng Persia, na gumutaygutay


sa sulat ng Propeta (SAS). Kaya dumalangin laban sa kanya ang Sugo ni Allah (SAS)


at sinabi: “O Allah, gutay-gutayin Mo ang kaharian niya!” Hindi pa lumipas ang maikling


panahon at naghimagsik laban sa kanya ang anak niya. Pinatay siya nito at kinuha nito ang


paghahari sa kanya.


Tungkol naman sa Muqawqis, ang hari ng Egipto, siya ay hindi yumakap sa Islam subalit


siya ay nagparangal sa sugo ng Propeta (SAS). Nagpadala siya kasama ng sugo ng mga


regalo para sa Propeta (SAS). Gayon din ang ginawa ng Cesar ng Silangang Roma, tumanggi


ito nang kaaya-ayang pagtanggi at pinarangalan nito ang sugo ng Propeta (SAS) at binigyan


siya ng mga regalo.


Tungkol naman kay alMundhir ibnu Sáwá, ang tagapamahala ng Bahrain, noong dumating


sa kanya ang sulat ng Propeta (SAS) ay binasa niya ito sa mga mamamayan ng Bahrain


kaya mayroon sa kanila na sumampalataya at mayroon sa kanila na tumanggi.


Ang Pagyao ng Propeta (SAS)


Matapos ang mga dalawang buwan at kalahati mula ng magbalik siya mula sa hajj ay


nagsimula sa kanya ang karamdaman at nag-umpisang lumala sa kanya sa paglipas ng bawat


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


123


araw. Noong nanghina na siya para mamuno sa mga tao sa saláh ay hiniling niya kay Abú


Bakr asSiddíq (RA) na pamunuan sa saláh ang mga tao.


Araw ng Lunes, ika-12 ng buwan ng Rabí‘ul’awwal ng ika-11 taon ng paglikas, lumipat


ang Sugo (SAS) sa Kapisang Kataas-taasan. Nalubos sa kanya ang 63 taon. Nakarating


ang balita sa mga Kasamahan niya kaya halos mawalan sila ng katinuan nila. Hindi sila


naniwala sa balita hanggang sa tumayo si Abú Bakr asSiddíq (RA) sa gitna nila bilang


isang nangangaral na magpapanatag sa kanila at maglilinaw sa kanila na ang Sugo (SAS)


ay isang tao, na siya ay namamatay kung paanong namamatay ang tao kaya napanatag ang


mga tao. Naisagawa ang pagpapaligo sa Sugo (SAS). Binalot siya at inilibang siya sa silid


ng maybahay niyang si ‘Á’ishah (RA).


Namuhay ang Sugo (SAS) sa Makkah ng 40 taon bago naging propeta at 13 matapos


naging propeta. Namuhay naman siya nang 10 taon sa Madínah matapos naging propeta.


Matapos ang pagyao ng Sugo (SAS) ay nagkaisa ang mga Muslim sa pagpili kay Abú Bakr


asSiddíq (RA) bilang khalífah para sa mga Muslim. Siya ang una sa mga napatnubayang


khalífah.


Ang mga Pisikal na Katangian ng Propeta (SAS)


Ang Sugo ni Allah ay katamtaman – sapagkat siya ay hindi ang matangkad na namumukod


ni ang mababa – mahaba ang pagitan ng mga balikat, nagkakaangkupan ang mga


bahagi ng katawan, malapad ang dibdib. Siya ay pinakamaganda sa mga tao sa mukha,


maputi na nahahaluan ng pamumula, pabilog ang mukha, maitim ang mata, matangos ang


ilong, maganda ang bibig, makapal ang balbas. Siya ay mabango ang amoy, banayad sumaling.


Nagsabi tungkol sa kanya si Anas ibnu Málik (RA): “Hindi ako nakaamoy ng ‘anbar,


ni musk, ni anumang higit na mabango kaysa sa amoy ng Sugo ni Allah (SAS) at hindi


nakasalat kailanman ang kamay ko ng anumang higit na banayad salingin kaysa sa kamay


ng Sugo ni Allah (SAS).” Siya ay maaliwalas ang mukha, palagi ang pagngiti, maganda


ang tinig, kaunti magsalita. Nagsabi tungkol sa kanya si Anas ibnu Málik (RA): “Siya ay


ang pinakamakisig na tao. Siya ay ang pinakamapagbigay na tao. Siya ay ang pinakamatapang


na tao.”


Ilan sa mga Kaasalan ng Sugo (SAS)


Ang Sugo ni Allah (SAS) ay ang pinakamatapang na tao. Nagsabi si ‘Alíy ibnu Abí


Tálib (RA): “Kami noon, kapag tumindi na ang sigalot at nakatunggali na ng isang pangkat


ang isa pang pangkat, ay nagpapasanggalang sa Sugo ni Allah (SAS).” Siya rin ang pinakagalanteng


tao. Hindi siya hiningan ng anuman kailanman at nagsabing hindi. Siya ay ang


pinakamatimpiing tao. Siya ay hindi naghihiganti para sa sarili niya ni nagagalit para sa


sarili maliban kung nilabag ang kabanalan ni Allah sapagkat alang-alang kay Allah ay maghihiganti


siya.


Ang kamag-anak at ang di-kamag-anak, at ang malakas at ang mahina, sa ganang kanya


ay magkapantay sa karapatan. Binigyang-diin nga niya na walang kalamangan ang isang


tao sa isa pang tao maliban sa pangingilag sa pagkakasala, na ang mga tao ay pantay-pantay,


at na ang dahilan ng pagkalipol ng mga sinaunang bansa ay kapag nagnakaw sa kanila ang


maharlika, pinababayaan nila ito ngunit kapag nagnakaw sa kanila ang mahina, ipinatutuSilabus


ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan


124


pad nila rito ang kaparusahan. Sinabi pa niya: “Sumpa man kay Allah, kung sakaling si


Fátimah na anak ni Muhammad ay nagnakaw, talagang puputulin ko ang kamay niya.”


Hindi siya namintas ng pagkain kailanman. Kung naiibigan niya ay kakainin niya ito;


kung hindi niya naibigan ito ay hahayaan niya ito. Dumarating sa mag-anak ni Muhammad


(SAS) noon ang isang buwan o ang dalawang buwan na walang nagniningas na apoy sa


bahay niya at ang pagkain nila ay datiles at tubig lamang. Nagbibigkis siya noon ng isang


bato o dalawang bato sa tiyan niya dahil sa gutom.


Siya noon ay nag-aayos ng sirang sandalyas niya, nagsusulsi ng kasuutan niya, at umaalalay


sa maybahay niya sa gawaing bahay. Siya noon ay dumadalaw sa mga maysakit. Siya


ang pinakamatinding tao sa pagpapakumbaba. Pinauunlakan niya ang sinumang nag-anyaya


sa kanya, mayaman man o maralita, aba man o maharlika. Minamahal niya ang mga dukha.


Dinadaluhan niya ang libing nila at dinadalaw niya ang mga maysakit sa kanila. Hindi siya


humahamak ng isang maralita dahil sa karalitaan nito at hindi siya nangingilabot sa isang


hari dahil sa pagkahari nito. Siya noon ay sumasakay sa kabayo, kamelyo, asno, at buriko.


Siya ang pinakapalangiting tao at ang pinakamaamong mukha sa kanila sa kabila ng dami


ng dumapo sa kanya na mga dalamhati at mga pighati. Naiibigan niya ang pabango at kinasusuklaman


niya ang mabahong amoy. Tinipon nga sa kanya ni Allah ang kalubusan ng mga


kaasalan at ang mga maganda sa mga gawa. Binigyan siya ni Allah ng kaalamang hindi


naibigay sa isa man sa mga nauna at mga nahuli.


Siya ay ummíy: hindi nakababasa at hindi nakasusulat. Wala siyang guro na tao.


Inihatid niya ang Qur’an na ito buhat kay Allah, na nagsabi si Allah hinggil dito (17:88):





Sabihin mo: “Talagang kung nagkaisa man ang tao at ang jinníy na gumawa


ng tulad sa Qur’an na ito ay hindi sila makagagawa ng tulad nito at kahit pa


man ang iba sa kanila ay katulong ng iba pa.”


Sa paglaki niya bilang isang ummí ay may isang pagputol ng dahilan para sa mga nagpapasinungaling


na nagsasabing sinulat daw niya ang Qur’an o natutunan ito o nabasa ito


mula sa mga kasulatan ng mga sinauna.


Ilan sa mga Himala Niya


Tunay na ang pinakasukdulan sa mga himala niya ay ang Marangal na Qur’an, ang


himala na mananatili hanggang sa pagdating ng Huling Sandali, na dumaig sa mga matatas


sa wikang Arabe, gumulat sa mga magaling sa wikang Arabe, at hinamon ni Allah ang lahat


sa pamamagitan nito na magbigay ng sampung kabanatang tulad nito o magbigay ng isang


kabanata o kahit ng isang talata na tulad nito. Sinaksihan ng mga Mushrik ang mahimalang


katangian ng Qur’an.


Kabilang sa mga himala niya: Nang hiniling sa kanya ng mga Mushrik isang araw na


magpakita siya sa kanila ng isang himala ay ipinakita niya sa kanila ang pagkabiyak ng


buwan. Nabiyak ang buwan hanggang sa ito ay maging dalawang bahagi. Ang pagbukal ng


tubig sa pagitan ng mga daliri niya ay naganap ng ilang ulit. Nagluwalhati kay Allah ang


maliit na bato sa palad niya. Pagkatapos ay inilagay niya ito sa palad ni Abú Bakr (RA),


pagkatapos ay sa palad ni ‘Umar (RA), pagkatapos ay sa palad ni ‘Uthmán (RA), na nagpatuloy


sa pagluwalhati.


Silabus ng mga Aralin sa Islam Para sa Mag-anak at Lipunan



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG