Baon ng Nag-aayuno
Fahad bin Yahya Al-Amari
Pambungad
Ang Lahat ng papuri ay sa Allah lamang na nag-iisa. at pagpapala at kayapaan sa Kanyang kahuli-hulihang Propeta (s.a.w).
Katotohanan isa sa mga patnubay ng Allah sa Kanyang mga alipin pagkatapos ng mga Mensahero at Propeta ay ang mga Maalam, sila ang mga tagapagmana ng mga Propeta at Tagagabay at mga Bituin na nagniningning at kumikislap.
Alam ng Allah ang Kanyang mga tagapagtanggol na nag-aanyaya mga tao tungo sa Kanya, nalalaman rin nila na sila ang mga tagataguyod ng katotohanan.
Sila ang isa sa mga nagpapaligaya ng puso at nagpapagaan ng mga damdamin at nagpapalakas ng mga determinasyon at pag-asa sa mga kalooban kahit malakas ang mga kagamitan ng kasiraan at digmaan laban sa Islam, ngunit makikita mo pa rin ang sigla ng mga tao sa pagkapit sa Islam at pagpunta at pagtanggol dito. Ang pagiging wasto ng kanilang pagsamba at pag-aaral sa tradisyon ng kanilang Propeta (s.a.w) at anumang pagpapalapit sa kanilang Panginoon at pagkamit sa Kanyang Paraiso at kaluguran, Ito lahat ay dahil sa pagpunta ng mga tao sa mga Maalam na makadiyos at makatotohanan at matibay sa kanilang paniniwala. At pagkuha sa kanilang dalisay na kaalaman sa pamamagitan ng pagtatanong at pagsaliksik sa tama mula sa mga salita ng mga Dalubhasa, at anumang pinakamalapit na katibayan at Sunnah at pagtapos sa responsibilidad at pagtanggap ng kanilang mga gawain sa panahon na dumami ang salungatan at bawat isa ay umaangkin ng kaalaman kahit ang kaalaman ay hindi siya kilala o kaya ang mangmang o nagdududa o pilosopong nakikipagtalakayan upang itaboy ang relihiyon gamit ang pag-iisip o isang malaking mangmang na umaangkin ng kaalaman at karunungan na hindi naman niya alam ang kaalaman at reyalidad.
Maging mabuti ang mga tao habang kinukuha nila ang kaalaman sa mga malalaking Dalubhasa at Matitiwalaan dahil kung hindi sila ay
mapapahamak. Ang katotohanan ang nagpapaliwanag sa malinaw at ang Kasinungalingan ay nagpapaliwanag sa patong patong na mga kadiliman1.
O mga Katapid na Muslim:
Katotohanan ang umiisip sa kalagayan ng karamihan ay makikita mong nagpapaligsahan at nangunguna sa kanila sa pamamagitan ng paggamit ng mga pagkakataon at kaganapan sa mundong ito, Bagkus
makikita mo sa siya sa kanyang mga katunggali na iniiwanan sa kanyang likuran gamit ang lahat ng kanyang hawak na mga paraan at lakas sa pisikal at mental at kaalaman. Bagkus pinagbibintangan siya ng kabubuhan at kabaliwan.
Subalit tinuturuan niya ang mga tao kung paano ang landas tungo sa kaalaman at makikita mo siya na nagpapatayo ng mga pagsasalo para alamin kung paano kunin ang pagkakataon at itayo ang mga proyekto na nagbubunga sa mundong ito.
Ngunit seryoso ba tayo para magbubunga ang ating mga gawain at nakahanda sa proyekto para sa Kabilang-buhay. Tinatayo natin ang makabuluhang pag-aaral at kumpleto upang merong matutunan sa pinakamaayos na paraan? Puwede ba sisihin ng tatay ang kanyang mga anak o ang kaibingan sa pagiging pabaya sa pagkakataong ito? Meron bang uri ng pagpayo at pagdala at paglahad gamit ang mga cellphone at pagpupulong katulad sa pagtatayo ng mga proyekto sa mundo?
Makikita mo siya na nalulungkot sa pagkawala ng kanyang pera na Dirham, subalit hindi siya nalulungkot sa pagkawala ng kanyang relihiyon.
O mga Kapatid:
1 Karamihan sa mga tao ay hindi binubukod ang kaibahan ng Maalam at Nag-aaral ng Kaalaman at Nag-aanyaya at Tagapayo at Imam sa Masjid at Nagsasagawa ng Adhan at Nag-iisip at Nagbabasa at Nagbabasa ng Ruqya at Gumagawa ng Islamikong Proyekto at Nag-aaral sa Kolihiyo ng Shariah at Tagapayo ng Lipunan at Islamikong Makata, Ginawa sila ng mga tao sa iisang posisyon sa Kaalaman at Fatwah at pagdadala ng Nasyon.
Katotohanan ang pinakadakilang proyekto ay sa oras ipinanganak ang tao mula noong kapanganakan hanggang siya ay lumabas sa mundong ito.
Ito ang dakilang proyekto na makasama niya ang Diyos, kaya ang mananampalataya ay laging dinadala ang hangaring ito at sa panghabang-buhay sa lahat ng pagkakataon at sandali at tuwing siya ay naglalakbay o hindi.
Nagpapalit ang pagitan ng pag-asa at takot sa bawat oras, at ang kanyang kamay ay nasa kanyang puso na nalulungkot at nag-alala kung tinamaan ng kalamidad o kakulangan, Nangangako sa sarili ng pagbabago at kaayusan at pinaparami ang pag-iisip sa paglalakbay at sa patutunguhan, at hindi alam kung ang kanyang katapusan sa kanyang proyekto ba ay kikita o malulugi?
Ang kanyang dila ay hindi napapagod sa panalangin umaga man o hapon para makamit ang patnubay at tagumpay para makasali sa mga magtatagumpay at magwawagi. Hindi siya natutulog sa ilang oras ng gabi maliban sa kakaunti dahil sa takot at pangamba sa katapusan ng buhay at proyekto, At minsan napipigilan ang kanyang pagkain at pag-inom sa ibang mga araw dahil sa dakilang hangaring magtagumpay at magwagi.
Natatakot at nangangamba sa kahit anong klase ng pagkalugi!? Ganito ang sitwasyon ng mga matatalino at namumuhunan sa mundo at ganon rin sa sitwasyon ng mga Mananampalataya na magtatagumpay sa Kabilang-buhay.
Kung merong natira sa mundo sa isang tao ay ang kanyang relihiyon, Tunay wala siyang nakaligtaan at hindi siya kailanman nalugi.
Mga Namumuhunan:
Nakalipas ang ilang araw ang isa sa mga proyektong Pangkabilang-buhay at Negosyong kumikita kasama ang Dakilang Allah ang Kataas-taasan, natitikman niya ang tamis at paghihirap at pagdurusa sa
kaligayahan at katiwasayan kasama kay Allah ng bawat mananampalataya na merong tapat na hangarin at dalisay na kalooban.
Tunay ito ang buwan ng pag-aayuno at pagdarasal, Buwan ng mga kabutihan at pagsunod, Buwan pumapatak ang mga luha at nabubuhos sa mga kalooban, Buwan kung saan pinaparami ang mga gantimpala at pabuya, Buwan ng pagpapalaya ng mga tao sa Apoy at tagumpay sa mga lupain ng Paraiso, at ang pinakataas sa lahat ay ang kaluguran ng Allah. Buwan para dalisayin ang mga sarili at puntahan ang ikakalugod ngAllah ang Hari at Banal, Buwan ng Paglalakbay ng mga puso tungo sa Allah ang Maalam sa mga hindi nakikita, Buwan ng mga Habag at ang pabuya ay isang regalo, Buwan ng Paligsahan at pagmamadali at inisyatiba at paglago, Buwan ng pakipagbaka at pagtitiis, at buwan ng mga alipin at mabubuti at relihiyoso at natatakot. Kaya ano pa ang pinakamaganda at pinakadakila at pinakamataas kaysa rito!?
Panahon upang alamin ang sarili at kakayahan at karangalan ng kaluluwa at paglinis ng puso at pagdalisay at pagtaas ng antas at pagtanggal ng kasalanan at pagsubok upang marating ang kaluguran ng Allah at Pag-angat ng mga posisyon sa Paraiso at paglayo sa apoy.
Katotohanan ang taong nag-iisip ay namamangha ng lahat na pagkamangha mula sa mga matitigas ang puso, at pabaya at malalayo sa Allah sa dakilang buwan na ito kahit meron kang makitang nagpapaalala sa kanila at mga grupo ng mga natatakot sa Allah at nagpapakumbaba at saka pumupunta at hindi gumagalaw maliban na patungo sa kanilang Panginoon.
Kung sa mga araw na ito ay tinatayo ang mga pamamaraan na kinakailangan upang humarap at lumakad na hindi sa mapapalayo at mawala sa Allah, ay pumunta tayo tungo sa Allah at sa Kanyang Aklat at magsumikap at magsagawa ng mabuti para matakot sa Allah at magbalik-loob ng totoo at husgahan ang ating mga sarili at layuan ang
mga kalasanan at kamalian upang magtagumpay tayo at maging malaya sa Imperno.
Para masundan ang pamamaraan ng mga makadiyos at tagasunod ng dakilang Propeta: Ang pagtutulungan sa kabutihan at pagkatakot at karapatan ng kapatiran at pagmamahal at maging parte sa pagbahagi ng kabutihan at kaalaman, kaya aking sinulat ang aklat na ito hinggil sa mga batas ng pag-aayuno.
Pinamagatan ko (Baon ng Nag-aayuno) ang aklat na ito, na naglalaman ng isang-daan at animnapu't anim na mga isyu subalit aking pinaiksi at madaling dalhin at unawain. At aking pinagsikapan rito na makita ng nag-aayuno ang kanyang hinahangad at inaasam at inipon ko ito mula sa mga Hadith at mga paliwanag at mga salita ng mga Kasamahan ng Propeta (s.a.w) at mga Tagasunod nila at ang Apat na Imam: Abu Hanifah at Malik at Shafi'e at Ahmad at kanilang mga tagasunod at iba pang mga Imam ng Islam at mga Liwanag ng Patnubay -Kaawaan nawa sila ng Allah-.1
At biyayaan sila dahil sa Islam at sa mga Muslim, At pinili ko ang pinakamalapit na katibayan at paliwanag mula sa mga tagasuri sa kapahintulutan ng Allah.
فَإِنْ تَنَازَعْتُمْ فِي شَيْءٍ فَرُدُّوهُ إِلَى ه اللَِّ وَال ه رسُولِ إِنْ كُنْتُمْ تُؤْمِنُونَ بِا ه للَِّ وَالْيَوْمِ الْْخِرِ ذَلِكَ
خَيْرٌ وَأَحْسَنُ تَأْوِيلً
At kung nagkagulo kayo sa isang bagay ay bumalik kayo sa Allah at Mensahero, kung kayo ay naniniwala sa Allah at sa Huling Araw. Ito ang mainam at mahusay na pangangahulugan. 4:59
1 Aking kapatid na Mambabasa: Dadaan sa iyo sa aklat ang salitang (Karamihan ng mga Dalubhasa), hindi maitago sa ito ang mga Madhab sa Fiqh ay Apat: Abu Hanifah at Malik at Shafi'e at Ahmad, At hindi maitago sa iyo ang salungatan sa pagitan nila at pagitan ng kanilang mga tagasunod sa sanga ng Fiqh, Kapag magkasundo ang dalawa o tatlo mula sa kanila sa iisang isyu, Ito ang ibig sabihin ng Karamihan ng mga Dalubhasa.Mga salita ng mga Dalubhasa ay kailangan nating lawakan sa ating mga damdamin sa salungatan at magkaroon ng magandang pag-uugali sa Salungatan, at huwag sana ang mga tagasunod ng mga Dalubhasa ay magkaroon ng pagsunod lamang sa kanila na nagbubunga ng pagkapoot at pagkahiwalay sa pagitan ng mga Muslim. At ang mga Imam ay hindi nagsasalita ng mga salita para sumunod lamang sa kanila ang mga tao at iiwanan ang mga katibayan. Katotohanan sila ay nagsabi: (Kung naging tama ang Hadith ay kunin mo ito at iwanan ang aking sinabi).
At sinumang gustong magdagdag ay tumingin sa mga aklat ng mga Dalubhasa.
Humihiling ako sa Allah na sana ito ay maging mainam na baon sa Araw ng Pagkabalik, at ilayo tayo sa mga kasalanan at kamalian sa salita at gawa, at sana ito ay maging paki-pakinabang at maayos at katanggap-tanggap sa Allah. Ito ay isang mabuti at pananagutan at pag-asa sa iba.
Humihiling ako sa Allah na ito ay makasali sa mabuting gawa sa buhay sa mundo at pagkatapos ng kamatayan para sa akin at sa aking mga magulang at pamilya sa Araw kung saan ipapakita ang mga kabutihan.
O mga nag-aayuno sa lahat ng lugar: Binabati ko kayo ng pinakamagandang pagbati na nagmula sa aking lugar na Makkah na isang sagradong lugar ng Islam at Qur'an at kapanganakan ng Mensahero ngAllah (s.a.w) at ang pagbati bilang mga susi ng mga Puso at aking regalo sa inyo upang maging daanan sa mga puso. Biyaya na nagpapatuloy na kaalaman at pag-alaala at aklat. Biyaya sa mga tagasunod at biyaya tungo sa patutuguhan.
At ang pinakamagandang regalo ng isang Muslim sa kanyang kapatid ay ang pinakamabuting salita na may karunungan at nawa dagdagan ng Allah ito ng patnubay at makapag-alis ng kamangmangan.
Una: Mga Isyung patungkol sa mga Kondisyon ng Pag-aayuno at mga tungkulin nito at mga Batas ng Pagsira ng Pag-aayuno.
Ang Pag-aayuno ay Obligasyon
1. Ang Pag-aayuno ay obligasyon ng bawat Muslim na umabot sa tamang edad at pag-iisip at malusog at hindi naglalakbay at walang anumang hadlang tulad ng pagreregla at pagdurugo dahil sa panganganak.
Ang Pagtakwil sa Pag-aayuno
2. Ang sinumang umiwan nito dahil kanyang tinanggihan ito sa pagiging obligasyon ay isang Pagtakwil (Kuf'r), sapagkat tinaggihan niya ang isa sa mga haligi ng Islam, at sinumang umiwan nito dahil sa katamaran at kapabayaan, siya ay nakagawa ng malaking kasalanan at tungo sa matinding panganib.
Tamang edad at pagpasok sa Islam
3. Kapag pumasok sa Islam ang isang tao o kaya umabot ang bata sa tamang edad sa buwan ng Ramadan ay kailangang mag-ayuno sa natitirang oras at hindi niya kailangang bayaran ang nakaraan.
Kondisyon sa Kabataan
4. Kapag pumasok sa Islam ang tao o kaya umabot ang bata sa tamang edad sa oras ng Ramadan sa umaga ay kailangang mag-ayuno subalit hindi siya magbayad. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa dahil ang kondisyon ng isang Obligasyon ay dumating, at ito ang pagpasok ng tao sa Islam at pagtupad ng kondisyon ng batas sa mga kabataan.
Bawal mag-ayuno bago ang Ramadan
5. Ipinagbawal ang pag-aayuno ng isang araw bago ang Ramadan maliban kung kanyang naugaliang mag-ayuno ng mga Sunnah tulad ng Araw ng Lunes at Huwebes o kaya kabayaran.
لاَ يَ تَ قَدَّمَنَّ أَحَدُكُمْ رَمَضَانَ « عَنْ أَىبِ هُرَيْ رَةَ - رضى الله عنه - عَ ى ن النَّىىى ب - صلى الله عليه وسلم - قَالَ
بىصَوْىم يَ وْمٍ أَوْ يَ وْمَ ىْ يْ ، إىلاَّ أَنْ يَكُونَ رَجُلٌ كَانَ يَصُومُ صَوْمَهُ فَ لْيَصُمْ ذَلىكَ الْيَ وْمَ رواه البخاري »
Inulat ni Abu Huraira (r.a) na sinabi ng Propeta (s.a.w): "Huwag ninyong unahan ang Ramadan ng pag-aayuno ng isang araw o dalawa maliban sa taong nasanayan niya mag-ayuno, Mag-ayuno siya sa araw na iyon." Isinalaysay ni Bukhari
Pagtanaw sa bagong buwan
6. Ang lahat na tao ay dapat sumunod kung makita ang bagong buwan at paglaho nito sa kanilang lugar, at kung hindi nila ito nakita ay sumunod sila sa pinakamalapit na lugar ng mga Muslim sa pagtanaw nito. At kinakailangan sa mga Muslim sa isang lugar na magkasundo at hindi magsalungat sa ganitong isyu sapagkat ang pagkakasundo sa pag-aayuno at pagdiriwang ng Eid ng Fitr sa isang araw ay pagtupad sa matinding layunin ng Islam. At ang malayong opinyon sa layuning ipagsama ang mga tao at pagmamahal ng bawat isa ay higit na mainam kaysa malapit na opinyon ngunit magdudulot naman ng hiwalayan at salungatan sa isyung ito.
Paghangad ng Pag-aayuno
7. Kailangan magsimula ang hangarin ng pag-aayuno sa oras ng gabi.
مَنْ لَمْ يُبَي تِ ال صيَامَ قَبْلَ الْفَجْرِ فَلَ صِيَامَ « عَنْ حَفْصَةَ عَنِ النهبِ ى -صلى الله عليه وسلم- قَالَ
لَه رواه النسائي .»
Inulat ni Hafsa na sinabi ng Propeta (s.a.w): "Ang sinumang hindi naghangad ng pag-aayuno bago ang Fajr ay walang pag-aayuno sa kanya." Isinalaysay ni Nisa'i at itinama ni Albani
At sapat na ang isang hangarin mula sa unang buwan ng Pag-aayuno ayon sa tamang opinyon ng mga Dalubhasa maliban kung may taong sumira ng kanyang pag-aayuno dahil meron siyang kadahilan, katulad ng may karamdaman at lumalakbay. Katotohanan kailangan niyang tukuyin ang kanyang hangarin sa oras siya ay mag-aayuno, Ito ang
opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa. At ang iba naman nagsabi: Kailangan hangarin ito sa bawat araw. At ang malapit ay ang Una sapagkat ang bawat isa ay humahangad ng mag-ayuno ng buong buwan sa Ramadan mula pa sa simula. Ang paghangad ng pag-aayuno sa buong Ramadan ay puwede.
Lugar ng Hangarin
8. Ang lugar ng hangarin ay nasa puso at hindi binibigkas ang hangarin, sapagkat walang binanggit sa mga tradisyon ng Propeta (s.a.w) at sa mga gawain ng kanyang mga kasamahan "Kalugdan nawa sila ng Allah".
Wastong hangarin sa mga Bolundaryong Pag-aayuno
9. Ang wastong hangarin sa mga Bolundaryong pag-aayuno ay sa kahit anong oras sa gabi o umaga. At ito ang opinyon ng mga Dalubhasa, at may Hadith.
هَلْ « عَنْ عَائِشَةَ أُ م الْمُؤْمِنِينَ قَالَتْ دَخَلَ عَلَ ه ى النهبِىُّ -صلى الله عليه وسلم- ذَاتَ يَوْمٍ فَقَالَ
ثُ ه م أَتَانَا يَوْمًا آخَرَ فَقُلْنَا يَا رَسُولَ ه اللَِّ أُهْدِىَ .» فَإِن ى إِذًا صَائِمٌ « فَقُلْنَا لاَ. قَالَ .» عِنْدَكُمْ شَىْءٌ
فَأكََلَ .» أَرِينِيهِ فَلَقَدْ أَصْبَحْتُ صَائِمًا « لَنَا حَيْسٌ. فَقَالَ . رواه مسلم
Sinabi ni Aisha ang ina ng mga Mananampalataya: "Pumasok sa akin ang Propeta (s.a.w) ng isang araw at nagsabi: Meron ba kayong makakain, sinabi ko: Wala po. Sabi: Mag-aayuno na lamang ako. Pagkatapos dumating sa amin ng ibang araw at aming sinabi: Merong nagregalo sa atin ng isang Has (tinapay na may palamang margarina at datiles), Kanyang sinabi: Dalhin mo sa akin sapagkat ako ay nag-aayuno at saka siya'y kumain." Isinalaysay ni Muslim
Gantimpala sa Humangad
10. Gantimpalaan ang sinumang humangad ng boluntaryong pag-aayuno sa oras na iyon. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa dahil ang mga gawain ay naaayon sa mga hangarin.
Pagkain ng Sahur
11. Ang pagkain sa umaga (Sahur) at pagkain sa gabi (Iftar) ay katibayan sa paghahangad ng Pag-aayuno. Sapagkat ang tao kapag kumain ng Sahur ay mag-aayuno at ang buong gabi ay oras para sa paghangad ng Pag-aayuno.
Sitwasyon ng Nahimatay
12. Ang nahimatay ay may dalawang sitwasyon:
a. Ang sinumang nahimatay sa oras ng umaga, ang kanyang pag-aayuno ay tama. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat kanyang naabutan ang pagsamba sa oras.
b. Ang sinumang nahimatay sa gabi bago ang Fajr hanggang lumubog ang araw, ang kanyang pag-aayuno ay hindi natupad kahit siya ay humangad ng pag-aayuno o hindi. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa dahil nawala ang kanyang pag-iisip sa oras ng Pag-aayuno. Kaya ang isyung ito ay para sa mga naaksidente o kaya may operasyon sa hospital at iba pa.
Nawalan ng Malay
13. Ang sinumang nawalan ng malay sa buong buwan ng Ramadan at pagkatapos nakagising ay kailangan niyang mag-ayuno bilang kabayaran, Ito ang opinyon ng Apat na Imam sapagkat ang sakit ay gumagaling kaya kailangang bayaran ng pag-aayuno.
Matanda at May sakit
14. Ang matanda at may karamdaman na hindi kayang mag-ayuno at magbayad ng pag-aayuno ay kailangan magpakain sa bawat araw ng isang dukha ng pagkaing makakabusog -lutong pagkain o hindi-. At walang hangganan ayon sa malapit na mga salita ng mga Dalubhasa, At kung hindi nabanggit ang hangganan nito sa teksto ng Qur'an at Hadith ay babalik sa nasanayan ng mga tao. Sabi ng ibang Tagapagpaliwanag ng Qur'an: "Kailangan magpalabas ng pagkain at hindi pera", ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa ayon sa nakasaad sa Batas ng Shariah. Kaya ang pagsagawa nito ay isang
pagdakila sa Allah at walang sinumang nagsalungat sa mga Samahan ng Propeta (s.a.w) hinggil rito tulad ni Umar at Ali at Ibnu Umar at Ibnu Abbas -Kalugdan nawa sila ng Allah- .
Fidyah
15. Binibigay ang Fidyah (Pantubos sa nagawang kakulangan sa Ramadan) ay para sa mga Mahihirap at Dukha at maliban sa kanila mula sa karapat-dapat bigyan ng Zakah ay hindi kasali dahil ito lamang ang nabanggit sa Qur'an. At ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Paglalakbay na walang kakayahan
16. Kapag lumakbay ang isang walang kakayahang mag-ayuno ay hindi nawawala sa kanya ang kabayaran ng Fidyah ayon sa malapit na salita ng mga Dalubhasa dahil sa kawalan ng katibayan.
Pagpapakain bago ang Oras
17. Hindi tama ang pagpapakain bago ang buwan ng Ramadan, ito ay pinagkasunduan ng mga Dalubhasa. At hindi wasto ang pagpapalabas nito sa unang buwan ng Ramadan, at hindi wasto unahan ito ng isang araw sapagkat nagbigay siya ng pantubos bago pa ito nangyari, at puwede ito'y ipahuli.
Isyu: Kung siya ay magpakain sa bawat araw o bawat ikasampung-araw o sa panghuling buwan o iba pang araw, ito ay puwede.
Hindi mawawala ang Pananagutan
18. Ang sinuman walang kayang magpakain ay hindi mawawala sa kanya ang Kabayaran at pananagutan niya ito hanggang dumating sa kanya ang kakayahan, at kapag siya ay namatay at wala siyang kakayahan, wala siyang pananagutan. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Kawanggawa sa walang kakayahan
19. Tama ang pagbigay ng kawanggawa para sa taong walang kakayahan na pagpapakain sa kanyang pahintulot. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Kabayaran sa may kakayahan
20. Kapag meron kakayahan ang tao na mag-ayuno ngunit siya ay nakapagbigay na ng kabayaran sa Fidyah, kailangan pa ba niyang mag-ayuno at magbayad ng pag-aayuno? Ito ay may dalawang sitwasyon:
a. Kapag kanyang nakayanan ang pag-aayuno sa araw na iyon na nagpalabas siya ng Fidyah, hindi niya kailangang mag-ayuno at magbayad. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa, sapagkat sa oras na siya ay inutusang magbigay ng Fidyah, kanyang tinupad.
b. Kapag nagbigay siya ng Fidyah bago ang oras nito, at pagkatapos meron na siyang kakayahang mag-ayuno, Kailangan niyang mag-ayuno sapagkat ang utos sa kabayaran ay magbigay ng pagkain sa bawat araw ayon sa malapit na opinyon ng mga Dalubhasa tulad sa nabanggit.
Pagpapahuli sa Pagpapakain
21. Kapag nahuli ang pagpapakain at saka nagkaroon siya ng kakayahan, kailangan niyang mag-ayuno sapagkat meron na siyang kakayahan sa pag-aayuno bago inutos ito na magpakain.
Kapag dumating ang Kakayahan
22. Kapag may kakayahan siyang mag-ayuno sa panahon ng Ramadan, kailangan niyang mag-ayuno sa natirang mga araw mula sa kanyang kalakasan dahil sa kawalan ng dahilan.
Matanda na nawalang ang Pag-iisip
23. Ang matanda na nawala ang kanyang tamang pag-iisip at hindi nakakaunawa ng mga bagay-bagay sa kanyang kapaligiran o kaya nawala lagi ang kanyang tamang pag-iisip, siya ay hindi kailangang mag-ayuno o magpakain dahil ang utos ay para lamang sa mga may tamang pag-iisip.
Sakit na puwedeng sirain ang Ayuno
24. Anong sakit na puwedeng sirain ang ayuno ng taong kailangang mag-ayuno?
Sakit na nagpapahirap sa kanyang pag-aayuno o kaya sakit na lumalala kung siya ay mag-ayuno o tumatagal ang paggaling kung siya ay mag-ayuno. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa dahil ang ipinapahintulutan na kumain sa Ramadan ay naghihirap o nagkakaproblema sa pag-aayuno.
Mga uri ng Karamdaman
25. Mga uri ng Karamdaman:
a. Sakit na merong lunas kaya puwede siyang kumain subalit bayaran ito ng pag-aayuno.
b. Sakit na walang lunas kaya puwede siyang kumain subalit magpapakain siya ng dukha tulad sa nabanggit kanina.
c. Ang sinumang walang alam sa kanyang sitwasyon ay dapat kumain at maghintay hanggang siya'y gumaling at pagkatapos kanyang bayaran ng pag-aayuno. At kapag siya ay naabutan ng kamatayan, ang hatol ay ayon sa batas ng Kabayaran ng pag-aayuno, mamaya sa kapahintulotan ng Allah.
Uri ng mga Paghihirap
26. Ang mga Uri ng mga Paghihirap:
a. Paghihirap na kanyang nasanayan na kaya niyang dalhin tulad ng pananakit at sakit ng ulo at ngipin at iba pa ay hindi pinapayagang kumain sa Ramadan.
b. Paghihirap na hindi kayang dalhin at hindi normal ay pinapayagang kumain sa Ramadan.
Taong may sakit sa pag-iisip
27. Taong may sakit sa pag-iisip ay merong mga sitwasyon:
a. Kung siya ay gumagamit ng gamot sa pang araw-araw at hindi niya kayang mag-ayuno, ang hatol ay katulad sa taong walang lunas ang karamdaman.
b. Kung dumarating ang kanyang sakit sa pag-iisip minsan at sa ibang oras ay kailangan mag-ayuno siya. At kapag kailangan niyang uminom ng gamot ay kanyang sirain ang pag-aayuno at saka bayaran.
c. Kapag siya ay nawalan ng malay, ang hatol sa kanya ay katulad sa nawalan ng malay tulad sa nabanggit.
d. Kapag siya ay uminom ng gamot at saka natulog ng buong umaga, ang kanyang pag-aayuno ay tama.
e. Kung ang may sakit sa pag-iisip ay katulad sa mga baliw o kaya merong sakit na (Down Syndrome o Autism at iba pa) ay depende sa sitwasyon:
I. Kung nawala ang kanyang pag-iisip at hindi nakakaunawa ng mga bagay-bagay at saka wala ng lunas ang kanyang sakit. Hindi siya kailangang magbayad ng pag-aayuno at hindi siya magpapakain sapagkat hindi siya kasali sa pag-aayuno.
II. Kung siya ay meron pag-iisip at unawa sa mga bagay bagay, kailangang siyang mag-ayuno at kung hindi niya kayang mag-ayuno ay magpakain ng dukha tulad sa nabanggit.
III. Kung nawalang ang kanyang pag-iisip at pagkatapos gumaling sa panahon ng Ramadan, hindi siya kailangang mag-ayuno sa nakalipas na araw subalit mag-ayuno siya sa natirang oras. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa dahil bumalik ang kanyang pag-iisip at pag-unawa.
IV. Kung nawalan ang kanyang pag-iisip tuwing Ramadan, hindi niya kailangang magbayad ng pag-aayuno. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa dahil hindi siya kasali sa mga inutusang mag-ayuno.
V. Kung nawalan ng pag-iisip araw-araw ay hindi kailangang magbayad ng pag-aayuno at hindi tama sa kanya ang pag-aayuno. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa dahil hindi siya kasali sa inutusan at hindi siya magbayad ng ayuno tulad sa nabanggit.
VI. Kapag siya ay gumaling ng ilang oras ay kailangan niyang mag-ayuno at hindi kailangang bumayad. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa dahil siya ay naging kasali sa mga inutusan.
Buntis at Nagpapasuso
28. Ang buntis at nagpapasuso ay merong tatlong sitwasyon:
a. Kung nahihirapan silang dalawa sa pag-aayuno ay kailangan nilang magbayad ng pag-aayuno na walang pagpapakain. Ito ang opinyon ng Apat na Imam.
b. Kapag silang dalawa ay natatakot sa kanilang anak, Ang pinakamalapit na sagot ng mga Dalubhasa ay kailangang magbayad ng pag-aayuno. Ito ang opinyon ng ibang mga sumunod sa mga Kasamahan ng Propeta (s.a.w) tulad ni A'ta at Nakh'i at Zuhri at iba pang mga Maalam. Tulad sa
فَمَنْ كَانَ مِنْكُمْ مَرِيضًا أَوْ عَلَى سَفَرٍ فَعِ ه دةٌ مِنْ أَيهامٍ أُخَرَ 2:185
Sabi ng Allah: (At sinumang sa inyo ang nagkasakit o kaya nasa paglalakbay, ipaliban ito sa ibang mga araw). 2:185
Ang nabanggit sa pagiging obligasyon ng pagpapakain na hindi magbayad ng pag-aayuno ay si Ibnu Abbas at Ibnu Umar Kalugdan nawa sila ng Allah.1 Ito ay aking masasagot:
Ito ay ikakalugod o kaya pagsisikap sa mga teksto o kaya ang pagpapakain na kasama ang kabayarang ayuno, sapagkat ang pag-alis ng kabayaran ay dapat may matibay na katibayan at malinawag, at ang orihinal ng batas rito ay ang kabayaran at hindi ito maaalis ang gamit ang mahinang katibayan lalo na sa pag-aayuno dahil ito ay isa sa mga haligi ng Islam. At kung may nagsabi ang pagpapakain ay ang kinakailangan, sana sumikat ito sa pagitan ng mga kasamahan ng Propeta (s.a.w). At saka pinaabot sa atin ng malinaw upang hindi tayo magkaproblema at magduda at ang isyung ito ay para sa pangkalahatan. Kung siya ay nagpakain at nagbayad, Ito ay mas mainam upang makalabas sa salungatan ng mga Dalubhasa. At ito ang sinabi ni Ibnu Umar at ibang mga Tabi'in tulad ni Mujahid at Hasan at Nakh'i.2
1 Isinalaysay ni Daruqutni 2388, 2382
2 Isinalaysay ni Abdul Razzaq sa kanyang Aklat 7558 at sa Tafsir Ibnu Abi Hatim 1/308
c. Kung silang dalawa ay natatakot sa kanilang mga sarili at sa kanilang mga anak, ang hatol ay katulad sa pangakalawa, at ito ang pinakamalapit.
Isyu: Mga batas sa Pagpapakain ay pantubos o (Fidyah) sa walang kakayahang mag-ayuno.
Isyu: Hindi dumadami ang Fidyah ayon sa bilang ng mga sanggol at bata ayon sa malapit na opinyon sapagkat ang pagpapakain ay kapalit ng pag-aayuno.
Isyu: Kailangang magpakain ang tatay at hindi ang nanay ayon sa malapit na opinyon sapagkat obligasyon ng lalaki ang sustento ng pamilya.
Pag-aayuno dahil sa Kapakanan ng Sanggol
29. Ang batas para sa buntis at sa nagpapasuso kung sinira nila ang pag-aayuno para sa kapakanan ng kanilang sanggol. Ang lahat na sumira ng pag-aayuno para sa kapakanan ng iba ay katulad din ng pagsira ng ayuno para ligtasin ang nalulunod o ang may sakit at iba pa. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Pagsira ng pag-aayuno para sa kapakanan ng iba
30. Ang sinumang sumira ng pag-aayuno para sa kapakanan ng iba ay hindi kailangang pagtimpi sa naiwang oras ayon sa malapit na opinyon ng mga Dalubhasa sapagkat walang pakinabang at mahina ang katibayan sa pagtimpi.
Ang Regla
31. Ang babae kapag ang kanyang regla ay natapos sa umaga ay hindi kailangang magtimpi sa pagkain sa natirang oras ayon sa malapit na opinyon ng mga Dalubhasa. Katulad sa nabanggit sa kanina.
Natapos ang Regla bago ang Fajr
32. Kapag natapos ang kanyang regla bago ang Fajr at saka naligo pagkatapos ng Fajr, ang kanyang pag-aayuno ay wasto. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
Hindi Normal na Regla
33. Ang sinumang may alam sa kanyang regla ay hindi normal ang paglabas nito, kinakailangan niyang huwag hangarin na sirain ang kanyang pag-aayuno at huwag sirain ang layunin nito, at kung meron siyang nakitang regla ay dapat na niyang sirain ito kaagad at saka bayaran ng ayuno. At hindi wasto ang pag-aayuno kung ang kanyang hangarin ay sa pagitan ng pag-aayuno at pagsira nito.
Paglabas ng Dugo
34. Ang paglabas ng dugo na hindi naman regla ay hindi nagbabawal sa pagdarasal at pag-aayuno. Ito ang pinagkasunduan ng mga Dalubhasa na merong mga matibay na katibayan.
Kayumanggi at Dilaw na Dugo mula sa Babae
35. Kayumanggi at dilaw na lumalabas sa ari ng babae ay merong mga sitwasyon:
a. Bago dumating ang regla ay huwag niyang sirain ang pag-aayuno.
b. Sa oras ng regla ay katulad sa hatol ng regla.
c. Huling oras ng regla at bago matapos ang regla, ang hatol ay katulad ng regla.
d. Kung natapos ang regla at saka ito lumabas ay hindi niya dapat sirain ang pag-aayuno.
عَنْ أُ م عَطِيهةَ قَالَتْ كُنها لاَ نَعُدُّ الْكُدْرَةَ وَالصُّفْرَةَ شَيْئًا
Sabi ni Ummu A'tiyyah: "Dati hindi namin tinuturing ang Kudra (kayumanggi) at Sufra (Dilaw) na mula sa regla." Isinalaysay ni Bukhari
Pag-aayuno ng mga Sumisisid
36. Ang pag-aayuno ng mga sumisisid sa tubig o sumasali sa mga palaro sa paglangoy ay merong dalawang sitwasyon:
a. Kung higit sa kanyang tingin na hindi makakapasok ang tubig sa kanyang lalamunan mula sa bunganga o ilong, at siya'y mahusay lumangoy at saka iniingatan niya ang kanyang pag-aayuno. Ito ay pinapahintulutan dahil ang hatol rito ay katulad ng pagligo sa malamig na tubig. At ito ang opinyon ng apat na Imam.
b. Kung sa kanyang tingin na ang tubig ay makapasok sa kanyang lalamunan dahil sa paglangoy at pagsisid, dito ay ipinagbabawal para sa kanya ang paglangoy at pagsisid sa buwan ng Ramadan, sapagkat sinasadya niyang sirain ang ayuno at dinadala ang kanyang pag-aayuno sa panganib.
Umabot ang tubig na hindi sinadya
37. Kung siya ay pumasok sa paliguan at umabot ang tubig na hindi sinadya, ang kanyang pag-aayuno ay wasto ayon sa malapit na opinyon ng mga Dalubhasa.
Pangalawa: Mga Isyu na may kaugnayan sa oras ng pagtimpi at pagsira.
Babala: Karamihan sa mga tao kapag tumayo sa higaan bago ang Fajr, kumain siya kaagad at uminom bago inaalam ang pagsikat ang araw.
Pagtiwala sa mga Panibagong Kagamitan
38. Pagtiwala sa mga panibagong kagamitan sa pagtukoy ng oras sa pagtimpi at pagsira ay merong dalawang sitwasyon:
a. Kung ang paraan ng komunikasyon ay wasto tulad ng cellphone at telebisyon at radyo sa pangkasalukuyan at eksakto ang oras, Ito ay puwedeng gamitin bilang paghambing sa pagtiwala sa pagdinig ng Adhan mula sa taong maasahan.
b. Kung ang paraan ng komunikasyon ay hindi eksakto tulad ng cellphone at telebisyon at radyo na hindi pangkasalukuyan. Ito ay hindi puwedeng pagtiwalaan tulad sa pagsira at pagtimpi sa ayuno sa pamamagitan ng pagtiwala sa hindi maasahang tao na nagsasagawa ng Adhan.
Adhan
39. Hindi puwedeng uminom ng tubig o kumain habang ang tao ay nagsasagawa ng Adhan, Kailangan niyang tumigil habang may nagtatawag ng Adhan. Ayon sa Hadith…
إِذَا سَمِعَ أَحَدُكُمُ الن دَاءَ وَالإِنَاءُ « - عَنْ أَبِى هُرَيْرَةَ قَالَ قَالَ رَسُولُ ه اللَِّ -صلى الله عليه وسلم
عَلَى يَدِهِ فَلَ يَضَعْهُ حَتهى يَقْضِىَ حَاجَتَهُ مِنْه » . رواه أبو داود
Inulat ni Abu Huraira na sinabi ng Mensahero ng Allah (s.a.w): "Kung narinig ng isa sa inyo ang panawagan (ng Adhan) at ang baso ay nasa kanyang kamay, huwag niya itong ilagay hanggang makatapos siya rito." Isinalaysay ni Abu Dawud
Ang sagot sa sumusunod:
a. Ito ay hindi wastong hadith mula sa Propeta bilang Marfu.
b. At kung wasto ang Hadith, baka ito ay para sa naunang panahon, o kaya sa biglaang adhan na hindi alam ang oras, o kaya meron siyang pagdududa. Ngunit sa nakakaalam ng oras at nakarinig ng Adhan at saka siya ay uminom, hindi siya kasali sa Hadith. Ang katibayan kapag dumami ang mga hinala ay nawawala ito ng saysay dahil sa pagdududa sa pagiging tama ng Hadith at kahulungan nito. Kaya hindi puwedeng unahin ang mga ito sa mga malilinaw na katibayan sa pagiging tama at sa kahulungan. At hindi inuuna ang pagdududa kaysa sigurado katulad sa sinabi ng Propeta (s.a.w).
إِ ه ن بِلَلاً يُؤَذِ نُ بِلَيْلٍ ، فَكُلُوا « عَنْ عَائِشَةَ عَنِ النهبِ ى - صلى الله عليه وسلم - أَنههُ قَالَ
متفق عليه » وَاشْرَبُوا حَتهى يُؤَذِ نَ ابْنُ أُ م مَكْ تُومٍ
Inulat ni Aisha (r.a) na sinabi ng Propeta (s.a.w): "Katotohanan si Bilal ay nagsasagawa ng Adhan, kaya kumain kayo at uminom hanggang magsasagawa ng Adhan si Ibnu Ummi Maktum." Isinalaysay ni Bukhari at Muslim
Pag-akala sa natirang Oras
40. Ang sinumang kumain o uminom na kanyang inaakala na meron pang natitirang oras sa gabi subalit lumitaw na ang bukang liwayway. Ano ang hatol ng kanyang pag-aayuno?
Ang lugar ng kanilang pagkasalungat sa pagitan ng mga Dalubhasa Kaawaan nawa ni Allah.
a. Kailangang magtimpi at bayaran ang pag-aayuno. Ito ang sinabi ni Abu saeed Al-Khudri at Ibnu Mas'ud Kalugdan nawa sila ni Allah at opinyon ng Apat na Imam.
b. Wasto ang kanyang pag-aayuno at hindi niya kailangang mag-ayuno ulit. Ito ang sinabi ni Mujahid at Hasan.
Subalit ang mas malapit ay ang una lalo na sa panahon natin sa ngayon na naging madaling alamin ang oras, at naging malinaw na ang ibang tao ay pabaya kung hindi niya alam ang oras, ngunit ang sinumang hindi nagpabaya, ang kanyang pag-aayuno ay wasto.
عَنْ سَهْلِ بْنِ سَعْدٍ قَالَ وَأُنْزِلَتْ ) وَكُلُوا وَاشْرَبُوا حَتهى يَتَبَيهنَ لَكُمُ الْخَيْطُ الأَبْيَضُ مِنَ الْخَ يطِ
الأَسْوَدِ ( وَلَمْ يُنْزَلْ ) مِنَ الْفَجْرِ ( وَكَانَ رِجَالٌ إِذَا أَرَادُوا ال ه صوْمَ رَبَطَ أَحَدُهُمْ فِى رِجْلَيْهِ
الْخَيْطَ الأَبْيَضَ وَالْخَيْطَ الأَسْوَدَ ، وَلاَ يَزَالُ يَأْكُلُ حَتهى يَتَبَيهنَ لَهُ رُؤْيَتُهُمَا ، فَأنَْزَلَ ه اللَّ بَعْدَهُ )
مِنَ الْفَجْرِ ( فَعَلِمُوا أَنهمَا يَعْنِى اللهيْلَ مِنَ النههَار.ِ متفق عليه
Inulat ni Sah'l bin Saad ay nagsabi: "Sa oras ipinababa (at Kumain kayo at uminom hanggang maging malinaw sa inyo ang puting sinulid
kaysa itim na sinulid) at hindi pa ipinababa ang (sa bukang liwayway), kaya ang mga tao dati kung gustong mag-ayuno ay tinatalian ng isa sa kanila ang kanyang paa ng puting sinulid at itim at kumakain siya hanggang maging malinaw ang kanyang pagtanaw sa mga rito, Kaya ipinababa ng Allah pagkatapos nito ang (sa bukang liwayway). Nalaman nila ang ibig sabihin pala nito ay ang gabi kaysa umaga." Isinalaysay ni Bukhari at Muslim
Hindi sila pinabayad ng pag-aayuno dahil sa kanilang kamangmangan.
Pagkain na may pagdududa sa paglubog ng Araw
41. Ang sinumang kumain na siya ay nagdududa sa paglubog ng araw at hindi naging malinaw sa kanya ang sitwasyon. Kailangan niyang bayaran ang pag-aayuno, at walang salungatan sa pagitan ng mga Dalubhasa sapagkat hindi puwedeng sirain ang pag-aayuno sa pag-aalinlangan.
Naging malinaw ang Pagdududa
42. Ang sinumang kumain na siya ay nagdududa sa paglubog ng araw at naging malinaw ang sitwasyon sa kanya na siya ay kumain pagkatapos ng paglubog ng araw, hindi niya kailangang bayaran ang pag-aayuno. Walang salungatan rito.
Pag-akala na tapos na paglubog ng Araw
43. Ang sinumang kumakain na inaakala ang araw ay tapos na lumubog subalit naging malinaw sa kanya na hindi pa ito lumubog. Kailangan ba niyang magbayad?
Ang lugar na nagsasalungat ang mga Dalubhasa Kaawaan nawa siya ni Allah:
Unang Pangkat: Kailangang magbayad ng pag-aayuno, Ito ang opinyon ng Apat na Imam.
Pangalawang Pangkat: Hindi, Ito ang opinyon ni Hasan at A'ta at ibang mga dalubhasa.
Ang Pinakamalapit: Kailangan niyang mag-aayuno sapagkat ang mga katibayan ay malinaw.
عَنْ أَسْمَاءَ بِنْتِ أَبِى بَكْرٍ قَالَتْ أَفْطَرْنَا عَلَى عَهْدِ رَسُولِ ه اللَِّ -صلى الله عليه وسلم- فِى يَوْمِ
غَيْمٍ ثُ ه م طَلَعَتِ ال ه شمْسُ. قُلْتُ لِهِشَامٍ أُمِرُوا بِالْقَضَاءِ قَالَ لاَ بُ ه د مِنْ ذَلِكَ . رواه ابن ماجه
Ayon kay Asma bintu Abu Bakr (r.a) na kanyang sinabi: Sinira namin ang aming pag-aayuno sa panahon ng sugo ng Allah (s.a.w) sa araw kung saan ito ay maulap ngunit lumabas ang araw, may nagsabi kay Hisham: Inutasan ba silang magbayad. Sabi: Kailangang bayaran nila iyon. Isinalaysay ni Ibnu Majah.
Nagsalungat sila hinggil sa Hadith ni Umar (r.a) na nag-utos ng kabayaran at karamihan sa mga nagsalaysay, kaya ang malapit at ligtas ay kailangang bayaran lalo na sa ating panahon na naging madaling malaman ang oras.
Babala: Ang kaibahan ng Pagdududa at Akala:
- Ang pagdududa ay naging katulad ang antas ng dalawang bagay at pag-aalinlangan dahil sa kawalan ng katibayan at palatandaan upang pinilin ang isa sa mga dalawang posibilidad.
- Ang akala ay pagpili sa isa sa mga dalawang posibilidad na walang pagtukoy sa katibayan at palatandaan at marka.
Lugar na Merong Gabi At Umaga
44. Ang lugar kung saan merong gabi at umaga ay kailangang mag-ayuno sa buong umaga kahit pa ito'y mahaba. Walang salungatan ito sa mga Dalubhasa.
إِذَا « - عَنْ عُمَرَ بْنِ الْخَ ه طابِ - رضى الله عنه - قَالَ قَالَ رَسُولُ ه اللَِّ - صلى الله عليه وسلم
أَقْبَلَ اللهيْلُ مِنْ هَا هُنَا ، وَأَدْبَرَ النههَارُ مِنْ هَا هُنَا ، وَغَرَبَتِ ال ه شمْسُ ، فَقَدْ أَفْطَرَ ال ه صائِمُ »
متفق عليه
Inulat ni Umar bin Khattab (r.a) na sinabi ng Propeta ng Allah (s.a.w): "Kapag dumating ang gabi mula rito at umalis ang umaga mula
rito at lumubog ang araw, Katotohanan nasira ang pag-aayuno ng tao." Isinalaysay ni Bukhari at Muslim
Ito ang Fatwa ng mga Dalaubhasa sa ngayon at kapag natakot sa kapahamakan ang tao sa kanyang sarili dahil sa haba ng umaga ay puwede niyang sirain ang pag-aayuno dahil sa katwiran na ito, sa kondisyon na hindi siya maging pabaya subalit bayaran niya ito.
Lugar na mahirap tukuyin ang oras ng Gabi at Umaga
45. Ang lugar kung saan hindi malaman ang gabi at umaga at parang isang araw ang umaga o gabi. Ang gabi o ang umaga ay dapat sukatin o kaya sundan ang mas malapit na lugar sa kanilang gabi at umaga.
Pangatlo: Ang mga makakasira ng Pag-aayuno at mga Sitwasyon at ang Prinsipyo.
Alamin kaawaan nawa ako ng Allah at sa ikaw: Ang mga prinsipyo rito sa mga nakakasira sa panahon natin ay mga sumusunod:
Unang Prinsipyo: Lahat na likido na dumating sa tiyan na dumadaan ng normal sa bunganga kahit pa ito ay pagkain o hindi. Ito ay nakakasira ng pag-aayuno.
Pangalawang Prinsipyo: Lahat na pumasok sa katawan na nakakabusog kahit hindi pa ito dumaan ng normal. Ito ay nakakasira ng pag-aayuno.
Dumadaan sa Bunganga o Ilong
46. Ang pagkain at inumin na dumaan sa bunganga o ilong at iba pa ay isa sa mga nakakasira ng pag-aayuno.
Pagdurugo mula sa Panganganak
47. Ang regla at pagdurugo sa panganganak rin.
Pagsuka ng Sinadya
48. Pagsuka ng sinadya ay nakakasira ng pag-aayuno at kung hindi niya ito sinadya ay hindi nakakasira. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
مَنْ ذَرَعَهُ الْقَىْءُ فَلَ قَضَاءَ عَلَيْهِ « عَنْ أَبِى هُرَيْرَةَ عَنِ النهبِ ى -صلى الله عليه وسلم- قَالَ
وَمَنِ اسْتَقَاءَ فَعَلَيْهِ الْقَضَاءُ رواه ابن ماجه .»
Inulat ni Abu Huraira (r.a) na sinabi ng Propeta (s.a.w): "Ang sinumang naunahan ng pagsuka ay walang kabayaran sa pag-aayuno, at sinumang pinilit ang pagsuka ay kailangang magbayad." Isinalaysay ni Ibnu Majah
Paglabas ng Dugo
49. Ang paglabas ng dugo tulad sa sugat at pagdurugo ay hindi nakakasira ng pag-aayuno. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa dahil sa kawalan ng katibayan.
Paninigarilyo
50. Ang paninigarilyo ay nakakasira ng pag-aayuno ayon sa Apat na Imam at iba pang mga Dalubhasa sapagkat kanyang sinasadya ang pagpasok ng usok sa kanyang lalamunan.
Tablitas para sa atake sa Puso
51. Mga tablitas para sa atake sa puso na nilalagay sa ilalim ng dila ay hindi nakakasira ng pag-aayuno maliban kung pumasok ito ng sadya sa tiyan.
Pinapatak na Gamot
52. Mga uri ng mga gamot na pinapatak:
a. Pinapatak sa mata at tinga ay hindi nakakasira ng pag-aayuno sapagkat hindi ito umaabot sa tiyan, at kung umabot ito kahit kaunti.
Ang kanyang pag-aayuno ay wasto katulad rin ng pagmumog at pagsinga. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa.
b. Pagpatak sa ilong ay nakakasira sa pag-aayuno kung umabot sa tiyan ng pasadya. Ito ang opinyon ng Apat na Imam. Ang kanyang pag-aayuno ay wasto katulad rin ng pagmumog at pagsinga.
Hangin na Oxygen
53. Ang hangin na Oxygen tulad ng mga spray sa hika ay may dalawang kondisyon :
Una: Walang halong mga likidong sangkap o tuyong sagkap. Ito ay hindi nakakasira ng pag-aayuno sapagkat hindi ito pagkain.
Pangalawa: May halong likidong sagkap o tuyong sangkap. Ito ay nakakasira ng pag-aayuno sapagkat umaabot ito sa tiyan at kung umaabot ng kakaunti, ang kanyang pag-aayuno ay wasto katulad ng pagmumog at pagsinga.
Ang Pagbabakuna
54. Ang pagbabakuna ay may mga sitwasyon:
a. Kung nakakabusog, ito ay nakakasira sapagkat tumatayo ito bilang pagkain.
b. Kung ito ay gamot ay hindi nakakasira sapagkat hindi ito tumatayo bilang pagkain.
c. Kung ito ay pampaganda, hindi rin ito nakakasira tulad kanina.
Isyu: Ang inyeksyon para makita ang sinapupunan ay hindi nakakasira ng pag-aayuno sapagkat hindi ito pagkain.
Ang pagsasagawa ng Dialysis
55. Dialysis ay dalawang uri:
• Kung may hinalo sa dugo na mga sagkap na nakakabusog at matatamis at iba pa, Ito ay nakakasira ng pag-aayuno.
• At kung ito ay para lamang sa panlilinis ng dugo na walang halo, ito ay hindi nakakasira.
May nagsabi: "Ito ay nakakasira dahil sa pagpasok ng dugo sa katawan, kaya ang isyung ito ay pinaduduhan kaya ang mas malapit sa tama ay ipaliban ito hanggang sa gabi."
Pagpasok sa harapan ng Ari
56. Ang pagpasok sa harapan ng ari at sa likod para sa pagbubuntis at pagsusuri at panlinis at iba pa ay hindi nakakasira. At ito ang pinili ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat ito ay hindi pagkain at hindi pumupunta sa tiyan.
Paggamit ng Toothpaste
57. Paggamit ng Toothpaste ay hindi nakakasira ng ayuno.
Ang Bubble Gum
58. Ang bubble gum ay nakakasira ng pag-aayuno dahil ito ay merong sangkap na asukal at lasa ng mga prutas at natural na kulay o kemikal na umaabot sa tiyan kasama ang laway.
Ang (Gastroscope)
59. Ang paggamit ng kagamitan na (Gastroscope) ay may dalawang sitwasyon:
Una: Kung walang halong mga natural na sangkap ay hindi makakasira ayon sa malapit na sinabi ng mga Dalubhasa sapagkat ito ay hindi pagkain.
Pangalawa: Kung merong mga natural na sangkap, ito ay nakakasira sapagkat ito ay likidong umaabot sa tiyan.
Tina para sa mga Pilikmata
60. Ang Kah'l (Tina para sa mga pilikmata) ay may dalawang sitwasyon:
Una: Paglagay ng Kah'l sa loob ng mata, ito ay hindi makakasira kahit pa ito ay umabot sa lalamunan. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat ito ay hindi umaabot sa tiyan at hindi rin pagkain.
Pangalawa: Paglagay ng Kah'l sa labas ng mata, ito ay hindi makakasira sapagkat hindi ito pumasok sa mata.
Pampakulay ng Buhok
61. Ang pampakulay sa buhok ay hindi makakasira tulad ng hatol sa Kah'l sapagkat hindi ito pagkain at umaabot sa tiyan.
Gamot Na Pandikit
62. Mga uri ng gamot na pandikit:
a. Pandikit na may Nicotine, ito ay makakasira tulad ng paninigarilyo. Ito ang pinili ng mga Dalubhasa. Sabi ng iba: Hindi sapagkat hindi ito pagkain at inumin, kaya ang isyung ito ay merong pag-aalinlangan kaya mas mainam ay iiwanan na lang.
b. Pandikit para sa pagbubuntis, ito ay hindi makakasira sapagkat hindi ito pagkain at hindi umaabot sa tiyan.
c. Pandikit para pantanggal ng gutom, sa malapit na opinyon ito ay hindi makakasira ng ayuno sapagkat ito ay nagbibigay ng pakiramdam at hindi bilang pagkain.
d. Paglagay ng eye lens, ito ay hindi makakasira ng pag-aayuno kahit pa ito ay gamot o hindi sapagkat hindi ito umaabot sa tiyan at hindi pagkain.
Medikal na Likido
63. Medikal na likido ay hindi makakasira ng ayuno sapagkat nilalanghap lamang mula rito ang amoy at ito ay hindi umaabot sa tiyan at hindi pagkain.
Medikal na Nilalanghap at Spray
64. Medikal na nilalanghap at spray ay hindi makakasira ayon sa malapit na opinyon ng mga Dalubhasa sapagkat ito ay hindi pagkain at
hindi umaabot sa tiyan kahit pa ito pumasok sa bunganga ng kaunti na hindi naman sinasadya.
Paglanghap ng Singaw at Usok
65. Ang mga singaw at mga usok na ibinubuga mula sa mga pabrika at saka nalalanghap ng nag-aayuno ay kagaya ng nakaraang isyu.
Pagkuha ng Dugo
66. Ang pagkuha ng dugo ay merong dalawang sitwasyon:
Una: Kung para sa pagsusuri ay hindi nakakasira sapagkat ang pagkuha nito ay kaunti lamang.
Pangalawa: Kung para sa donasyon ng dugo sa iba, ang mas mainam ay gawin ito sa gabi para makalabas sa salungatan, Tulad sa isyu ng Hijama.
Unang Opinyon: Hindi makasira ng pag-aayuno. Ito ang opinyon ng karamihan ng mga Dalubhasa -Kaawaan nawa sila ng Allah –
Pangalawang Opinyon: Makakasira ng Pag-aayuno. Ito ang opinyon ni Hasan at ibang mga Dalubhasa dahil sa pagiging tama ng mga Hadith at ang dahilan ng pagkasira ay ang Hijama.
Aksidente
67. Paglabas ng Dugo dahil sa mga aksidente at pagputol ng mga ugat at iba pa para sa pagpapagamot ay hindi nakakasira ng pag-aayuno ayon sa malapit na opinyon ng karamihan sa mga Dalubhasa sapagkat sa kawalan ng katibayan.
Pagdurugo ng Sinadya
68. Paglabas ng dugo dahil sa pagdurugo ng pasadya o hindi sinadya, at saka hindi naman umabot sa lalamunan. Ito ay hindi nakakasira ng pag-aayuno. At kapag umabot sa lalamunan, ito ay hindi nakakasira ayon sa malapit na opinyon, At ito ang opinyon ng karamihan sa mga Dalubhasa dahil sa kawalan ng katibayan at mahirap iwasan.
Paggamit ng Kemikal
69. Paggamit ng kemikal para sa mga may sakit na kanser, Ito ay hindi nakakasira ng pag-aayuno dahil dinaan ito sa pamamagitan ng inyeksiyon sa dugo, at kadalasan hindi niya kayang mag-ayuno.
Inyeksiyon sa Dugo
70. Inyeksiyon sa dugo:
Sabi ng iba: Nakakasira ng pag-aayuno,
Sabi ng iba: Hindi at ito ang malapit at pinili ng karamihan ng mga Dalubhasa sapagkat hindi naman ito pagkain o inumin, at kung ang katawan ay nangangailangan nito ngunit hindi ito tumatayo bilang pagkain at inumin. Kaya ang isyung ito ay may pag-aalinlangan at ang mas mainam ay ipahuli ito sa gabi.