Mga Artikulo




Ang Pag-aayuno


الخطبة الأولى :


Mga Alipin ng Allah ! Katakotan ninyo ang Allah جل جلاله at Pasalamatan , sapagkat kayu ay Kanyang biniyayaan na pinaabot Niya kayu sa buwan ng Ramadan ang mabiyayang buwan, dahil ang pagkaabot sa Buwan ng Ramadan ay isang napakadakilang biyaya ng Allah para sa Kanyang Alipin. Ang Allah جل جلاله ay nagsabi:





“ At wala kayung matatamasa na biyaya maliban na lang na ito ay mula sa Allah”


At ang Allah جل جلاله pa ay nagsabi:





“At kung bibilangin ninyo ang biyaya ng Allah , katotohanang hindi niyo ito mabibilang”


Mga alipin ng Allah جل جلاله! Magsumikap kayu sa buwan na ito, dahil katotohanan hindi niyo masid na baka ito ay hindi niyo na maabutan pa muli; sapagkat ang oras ng kamatayan at ang mga edad ay nasa kamay ng Allah جل جلاله. Kanyang sinabi:





“At hindi alam ng bawat isa kung anu ang kanyang makakamit bukas na biyaya, at hindi rin alam ng bawat isa kung saang lupalop siya mamamatay, tanging ang Allah lamang ang nakakaalam, katotohanang Siya ay labis na nakakaalam sa mga lantad at lingid na bagay”


Oh kayong mga Muslim! Para sa inyong kaalaman,-naway kaawaan kayo ng Allah جل جلاله at gawing mabiyaya saan man kayo naroroon- Ang mga kainaman ng pag-aayuno at mga pakinabang nito ay sobrang napakarami na halos hindi mabilang-bilang , ang ilan dito ay:


• Ang pag-aayuno ay magdudulot ng pagtakot sa Allah جل جلاله . Ang Allah ay nagsabi:





“Oh kayung mga mananampalataya, katiyakan! Inobliga sa inyo ang pag’aayuno tulad kung paano ito inobliga ng mga nauna sa inyo ; upang kayu ay magkaroon ng takot sa Allah”


• Ang pag-aayuno sinabi ng Propeta :صلى الله عليه وسلم





“Proteksyon ng isang alipin laban sa empierno.”


• Ang pag-aayuno ay pinapalayo ng Allah جل جلاله sa pamamagitan nito ang mukha ng nag-aayuno mula sa empierno. Sinabi ng mahal na Propeta صلى الله عليه 


“Sinuman ang mag-aayuno ng isang araw sa landas ng Allah,ipapalayo ng Allah ang kanyang mukha mula sa empierno ng layong lalakbayin ng pitungpong taon”.


At kung ang pag-aayuno ng isang araw ay makakamit ang ganitong gantimpala, anu nalang kaya ang isang kompletong buwan, o pag-aayuno ng tatlong araw na sunnah bawat buwan, o iba pang pag-aayuno na inutos ng Allah?


• At ang pag-aayuno ay Proteksyon mula sa pagnanasa ng sarili, sinabi ng Mahal na Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم :





“Oh kayong mga kabataan! Sinoman sa inyo ang may kakayahang mag’asawa ay mag asawa na; dahil ito ay nagpapababa ng paningin sa kasalanan at napapangalagaan din nito ang puri mula sa kasiraan, at kung sakaling sinoman ang walang kakayahan ay mag-ayuno na lamang dahil ito ay isang Proteksyon para sa kanya”.


• At ang pag-aayuno ay walang katumbas sa gantimpala at walang pagsamba na kapareho nito. Katiyakang ito ay pinayo ng Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم sa isa sa kanyang mga Sahabah:


) فعن أبي أمامة رضي الله عنه قال: قلت يا رسول الله مرني بأمر ينفعني الله به، قال: "عليك بالصوم؛ فإنه لا مثل له" وفي


لفظ: "فإنه لا عِدلَ له (


Naiulat ni Abu Umamah (kalugdan nawa siya ng Allah) na kanyang sinabi: “ Oh Sugo ng Allah, utusan mo ako ng isang gawin na gagantipalaan ako ng Allah sa pamamagitan nito”, ang sagot ng Propeta صلى الله عليه وسلم: “ Ikaw ay mag-ayuno, sapagkat ito ay walang kapareha sa gantimpaa”. Sa ibang pagkaulat: “sapagkat ito ay walang katumbas”.


• At ang pag-aayuno ay ipapasok nito ang tao sa isang pintuan sa paraiso na tinatawag na RAYYAN, sinabi ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم:


)إن في الجنة بابًا يقال له الريان، يدخل منه الصائمون يوم القيامة، لا يدخل منه أحد غيرهم، يُقال: أين الصائمون؟


فيقومون لا يدخل منه أحد غيرهم، فإذا دخلوا أُغلق فلم يدخل منه أحد (


“Katiyakan! Sa Paraiso ay may isang pintuan na tinatawag na RAYYAN, walang makakapasok dito sa araw ng paghuhukom maliban lang sa mga nag-aayuno, at sila ay tatawagin: “Nasaan ang mga nag-aayuno! At sila ay tatayu, at walang ipapasok dito maliban lang sa kanila, at kapag ito ay naisarado na, wala ng ni isa ang makakapasok”.


At sinabi pa ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم:


)فمن كان من أهل الصلاة دُعي من باب الصلاة، ومن كان من أهل الجهاد دُعي من باب الجهاد، ومن كان من أهل


الصيام دُعي من باب الريان، ومن كان من أهل الصدقة دعي من باب الصدقة. قال أبو بكر رضي الله عنه: بأبي أنت


وأمي يا رسول الله ما على من دٌعي من تلك الأبواب من ضرورة فهل يُدعى أحدٌ من تلك الأبواب كلها؟ قال: نعم


وأرجو أن تكون منهم (


“ At sinuman ang laging nagsasalah ay tatawagin siya sa Pintuan ng Salah sa paraiso, at sinuman ang nagjijihad ay tatawagin siya sa pintuan ng Jihad sa paraiso, at kung sinuman ang nag-aayuno ay tatawagin siya sa pintuan ng Rayyan , at kung sinuman ang laging nagbibigay ng Sadaqah ay tatawagin siya sa pintuan ng Sadaqah. Sinabi ni Abu bakr (kalugdan nawa siya ng Allah): “ Oh Sugo ng Allah! ang bawat isa lang ba ay tatawagin sa kanyang pintuan? Maaari ba na ang isang tao ay tatawagin sa lahat ng pintuan sa paraiso? Ang sagot ng Mahal na Propeta صلى الله عليه وسلم : “ Oo maari, at inaasahan ko na ikaw ay kabilang sa kanila”.


• At ang pag-aayuno ay nagbubura ng kasalanan. Sinabi ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم:


(فتنة الرجل في أهله، وماله، وجاره تٌ كِفرها: الصلاة، والصيام والصدق ة (


“Ang kasalanan ng tao sa kanyang pamilya, kayamanan at kapitbahay ay buburahin ng pagsasalah, pag-aayuno at pagbibigay ng Sadaqah”.


• At ang pag-aayuno, pati narin ang Qur’an ay mamamagitan sa isang tao sa araw ng paghuhukom. Sinabi ng Mahal na Propeta صلى الله عليه وسلم :


)الصيام والقرآن يشفعان للعبد يوم القيامة، يقول الصيام: أي ر ب منعته الطعام والشهوات بالنهار فش فِعني فيه، ويقول


القرآن: منعته النوم بالليل فشفعني فيه" قال: "فيشفعان" (


“At pag-aayuno at ang Qur’an ay mamagitan para sa alipin upang siya ay tulungan sa araw ng paghuhukom. Sasabihin ng pag-aayuno: “ Oh aking Panginoon, pinigilan ko siya sa pagkain at pagnanasa sa umaga,kung kaya hayaan Niyo po akong mamagitan at tulongan siya. At ang Qur’an naman ay magsasabi: “ Oh aking Panginoon, pinigilan ko siya sa kanyang pagtulog sa gabi,kung kaya hayaan Niyo po akong mamagitan para sa kanya upang siya ay aking tulungan, at silang dalawa ay papahintulutan ng Allah”.


• At ang nag-aayuno ay bibigyan ng gantimpala na hindi mabilang-bilang, at ang pag-aayuno din ay magiging dahilan sa kaligayahan dito sa Mundo at sa kabilang buhay, at ang amoy ng bibig ng isang nag-aayuno ay mas mabango pa kaysa sa Misk (pabango sa paraiso). Sinabi ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم :


)كل عمل ابن آدم يضاعف له الحسنة بعشر أمثالها إلى سبعمائة ضعف، قال الله عز وجل: إلا الصوم؛ فإنه لي وأنا


أجزي به، يدع شهوته، وطعامه ]وشرابه[ من أجلي، للصائم فرحتان: فرحة عند فطره، وفرحة عند لقاء ربه، ولخلوف فم


الصائم أطيب عند الله من ريح المسك (


“Lahat ng Gawain ng anak ni Adan ay dodoblehin ang gantimpala ng sampong beses hanggang pitong daang beses, at ang Allah ay nagwika: “ Maliban sa pag-aayuno, dahil ito ay para sa akin, kung kaya ako mismo ang magagantimpala sa kanya ng special, kanyang iniwanan ang kanyang pagnanasa at pagkain alang alang sa akin, at sa taong nag-aayuno ay may dalawang kaligayahan: Kaligayahan sa sandaling tataposin niya ang kanyang pag-aayuno, at Kaligayahan sa sandaling haharap siya sa kanyang Panginoon, at katiyakan, ang amoy ng bibig ng isang nag-aayuno ay mas mabango pa para sa Allah kaysa pabangong misk.”


• At ang panalangin ng nag-aayuno ay katanggap-tanggap. Sinabi ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم :


) ثلاثة لا تردُّ دعوتهم: الإمام العادل، والصائم حتى يفطر، ودعوة المظلوم (


“Tatlong tao na ang kanilang panalangin ay hindi kailanman matatanggihan: Ang makatarungang pinuno, ang nag-aayuno hanggang siya ay matapos at ang panalangin ng isang naaapi”.


• At ang pagpapakain ng isang nag-aayuno pagkatapos ng pag-aayuno ay may nakalaang malaking gantimpala. Sinabi ni Propeta Muhammad صلى الله عليه وسلم :


) مَن فطَّر صائمًا كان له مثلُ أجره غير أنه لا ينقص من أجر الصائم شيئًا (


“ Sinuman ang magpapakain ng isang nag-aayuno ay katiyakang pagkakalooban siya ng gantimpala tulad ng gantimpala ng nag-aayuno na hindi ito mababawasan”.


الخطبة الثانية :


الحمد لله رب العالمين، والعاقبة للمتقين، وأشهد أن لا إله إلا الله وحده لا شريك له، وأشهد أن محمدًا عبده ورسوله،


صلى الله عليه وعلى آله، وأصحابه، وأتباعه بإحسان إلى يوم الدين. أما بعد:


Oh mga alipin ng Allah! katiyakan ang pag-aayuno ay may napakaraming kainaman, kahigitan at pakinabang na hindi kayang banggitin sa ganitong pagkakataon lamang. At ang kabilang sa mga pakinabang ng pag-aayuno ay matutuklasan dito kung sino ang tunay na sumasamba sa Allah جل جلاله at tunay na sumusunod lamang sa kanyang pagnanasa.


At ang pag-aayuno ay kabilang sa Haligi ng Islam, na kung saan ay hindi magiging ganap ang pagkamuslim ng isang tao maliban nito, at ito ay may mga haligi,kondisyon,mga nakakasira at mga mabuting asal na dapat gawin ng isang muslim. At ang mga haligi ng pag-aayuno ay ang pag-iwas sa lahat ng nakakasira nito mula pagsapit ng fajr hanggang paglubog ng araw, at ang pag-intensyon sa gabi. Sabi ng Propeta صلى الله عليه وسلم :


) من لم يُبي ت الصيام قبل الفجر فلا صيام له (


“Sinuman ang hindi mag intensyon sa gabi bago sumapit ang fajr ay walang tatanggapin na pag-aayuno sa kanya”


At ang intensyon ay mangyayari sa puso , datapwat ang pagbigkas nito sa dila ay bid’ah. At ang mga Kondisyon naman sa pagiging obligado sa pag-aayuno ay anim: Ang pag-aayuno ay obligado sa lahat ng muslim,may kaisipan,nasa wastong gulang,may kakayahan gawin ito, hindi manlalakbay at higit sa lahat malaya siya mula sa mga nakakapigil nito: mula sa Regla, nifas o dugo pagkatapos manganak para sa mga kababaihan.


Subalit nararapat na turoan ang mga bata na mag-ayuno at hikayatin na gawin ito, sapagkat ito ay ginawa ng mga Sahabah upang masanay ang mga bata sa pag-aayuno.


Patungkol naman sa mga nakakasira ng pag-aayuno, nabanggit na ito ay pito; Ang pakikipagtalik sa araw ng Ramadan,ang sinadyang pagpapalabas ng semelya, ang pag-inom at pagkain na sinasadya, at kung anu man ang pwedeng isukat sa pagkain at pag-inom tulad ng swero na pampalakas, kasama rin sa nakakasira ang pagpapalabas ng dugo sa pamamagitan ng hijamah (tandok), at ang pagsusuka ng sinasadya, at ang pagdating ng regla at nifas. At katiyakan na may matinding kaparusahan ang sinumang sasadyaing sirain ang kanyang pag-aayuno.


At pinapahintulot naman ang hindi pag-ayuno sa buwan ng Ramadan sa limang uri ng tao; Ang may sakit, manlalakbay, ang nahihirapang mag-ayuno tulad ng matanda, at ganon din ang taong may inililigtas na tao mula sa kapahamakan, at ang buntis at nagpapasuso ng bata kapag sila ay natatakot na mapinsala dahil sa pag-aayuno. At lahat sila ay kailangang bayaran ang mga araw na hindi nila napag-ayunohan maliban sa may sakit na wala ng lunas at pati narin ang matandang wala ng lakas, sila ay magpapakain o magbigay ng kalahating gantang ng bigas bawat araw na hindi nila napag-ayunohan para sa mga mahihirap na mga muslim.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG