104
ng nakasulat [na tadhana]. Pagkatapos ay gagawin niya
ang gawain ng isang mapupunta sa Impiyerno kaya naman
papasok siya sa Impiyerno.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.
Ayon sa sinabi ni Jábir (RA): “Narinig ko ang Sugo
ni Alláh (SAS) na nagsasabi: ‘Bubuhaying muli ang
bawat tao ayon sa kalagayan noong mamatay ito.” Iniulat
ni Imám Muslim.
Mga Aral
1. Ang tungkuling pangambahan ang mamatay sa masamang
kalagayan at layuan ang mga bagay na nagiging dahilan nito.
2. Na ang batayan sa pagtanggap sa mga matuwid na gawa
ay alinsunod sa pananampalatayang pinanghahawakan sa
huling sandali ng buhay.
75. Ilan sa mga Alituntunin sa Saláh al-Janázah 1
Ayon sa sinabi ni Ibn ‘Abbás (RA): “Narinig ko ang
Sugo ni Alláh (SAS) na nagsasabi: Kapag may isang taong
namatay at pagkatapos ay dinasalan ang kanyang janázah
ng apatnapung tao na hindi nagtatambal ng anuman kay
Alláh, pahihintulutan sila ni Alláh na mamagitan para
sa kanya.” Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni ‘Á’ishah (RA): “Kapag may isang
patay na dinasalan ng isang pangkat ng mga Muslim na
umabot sa isandaan na lahat sila ay nakikiusap [kay Alláh]
para sa kanya, pahihintulutan sila na mamagitan para sa
kanya.” Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Samurah Ibn Jundab (RA): “Nagdasal
ako sa likod ng Propeta [sa dasal] para sa isang babaeng
Mga Pang-araw-araw na Aralin
105
namatay dahil sa nifás nito. Tumayo siya sa tabi nito, sa
gitnang bahagi [ng bangkay] nito.” Iniulat nina Imám al-
Bukhárí at Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Abú Ghálib, kaawaan siya ni Alláh:
“Nagdasal ako kasama ni Anas Ibn Málik (RA) sa janázah
ng isang lalaki. Tumayo siya sa tapat ng ulo nito. Pagkatapos
ay may dinala silang isang bangkay ng babaeng kabilang sa
mga Quraysh. Nagsabi sila: ‘O Abú Hamzah, dasalan mo
ito.’ Kaya tumayo siya sa tapat ng kalagitnaan ng papag at
may nagsabi sa kanya: ‘Ganyan ko nakita ang Propeta (SAS),
tumayo siya sa dasal para sa patay [na babae] gaya ng
pagkatayo mo, at sa [dasal para sa patay na] lalaki gaya din
ng pagkatayo mo para roon.’ Nagsabi siya: ‘Oo.’” Iniulat
ni Imám at-Tirmidhí.
Ayon sa sinabi ni ‘Abdurrahmán Ibn Abí Laylá, kaawaan
siya ni Alláh: “Si Zayd (RA) ay umuusal noon ng Alláhu
Akbar nang makaapat na ulit sa janázah namin. Siya ay
umusal din Alláhu Akbar nang makalimang ulit sa isang
janázah. Tinanong ko siya kaya nagsabi naman siya: Ang
Sugo ni Alláh (SAS) ay umuusal ng Alláhu Akbar nang
ganoon.” Iniulat ni Imám Imám Muslim.
Mga Aral
1. Na ang imám ay tumatayo sa saláh sa janázah sa tabi ng
kalagitnaan ng babae at sa tabi ng ulo ng lalaki.
2. Na ang imám ay umuusal ng apat na Alláhu Akbar.
3. Ang pagpapahintulot na umuusal ng Alláhu Akbar nang
makalimang ulit sa saláh sa janázah.
4. Ang pagiging kanais-nais ng pakikilahok ng maraming
tao sa saláh sa janázah.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
106
76. Ilan sa mga Alituntuning sa Saláh al-Janázah 2
Ang pagsasagawa ng saláh sa janázah sa libingan:
Ayon kay Abú Hurayrah (RA): “Na si Aswad — na
maaaring isang lalaki o isang babae — ay naglilinis noon ng
masjid. Namatay ito nang hindi nalaman ng Propeta (SAS)
ang pagkamatay nito, kaya naalaala niya ito isang araw at
nagsabi siya: Ano ang ginawa ng taong iyon? Nagsabi sila:
Namatay na po siya, o Sugo ni Alláh. Nagsabi siya: Bakit
hindi ninyo ipinabatid sa akin? Nagsabi sila: Ang salaysay
po [ng pagkamatay] niya ay ganito’t gayon. Minaliit nila
ang katayuan nito. Nagsabi ang Propeta: Ituro ninyo sa akin
ang libingan niya. Kaya pinuntahan niya ang libingan nito
at dinasalan ito.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.
Ayon kay Abú Hurayrah (RA): “Na ang Sugo ni Alláh
ay nagbalita sa pagkamatay ng Najáshi nang araw na namatay
ito. Lumabas siya kasama nila patungo sa pinagdarasalan at
hinanay niya sila at umusal siya para rito ng apat na Alláhu
Akbar.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.
Mga Aral
1. Ang pagpapahintulot ng pagsasagawa ng saláh sa para
sa patay sa libingan.
2. Ang pagpapahintulot ng pagsasagawa ng saláh sa para
sa isang bangkay na nasa ibang lugar.
77. Ang Sinasabi sa Saláh Para sa Patay
Ang Pagbigkas ng Súrah al-Fátihah:
Ayon sa sinabi ni Talhah Ibn ‘Abdulláh Ibni ‘Awf,
kaawaan siya ni Alláh: “Nagdasal ako sa likod ni Ibn ‘Abbás
(RA) sa janázah. Binigkas niya ang Súrah al-Fátihah. Sinabi
Mga Pang-araw-araw na Aralin
107
niya: Upang malaman ninyo na ito ay sunnah.” Iniulat ni
Imám al-Bukhárí.
Ang Panalangin sa Saláh sa Janázah:
Ayon sa sinabi ni ‘Awf Ibn Málik (RA): “Nagdasal
ang Sugo ni Alláh para sa patay at naisaulo ko ang panalangin
niya. Nagsasabi niya:
Alláhummaghfir lahu warhamhu, wa ‘áfihi wa‘fu
‘anhu, wa akrim nuzulahu wa wassi‘ mudkhalahu,
waghsilhu bilmá’i wath thalji wal bard, wa naqqihu
minal khatáyá kamá naqqaytath thawbal abyada
minad danas, wa abdilhu dáran khayram min dárihi,
wa ahlan khayram min ahlihi, wa zawjan khayram
min zawjihi, wa adkhilhul jannah, wa a‘idhhu min
‘adhábil qabri wa min ‘adhábin nár.
(O Alláh, patawarin Mo po siya at kaawaan Mo po siya.
Pangalagaan Mo po siya at pagpaumanhinan Mo po
siya. Parangalan Mo po ang pagtanggap sa kanya
paluwangin Mo po ang libingan niya. Hugasan Mo
po siya ng tubig, niyebe at yelo at linisin Mo po siya
sa mga pagkakamali gaya ng paglinis Mo sa puting
kasuutan mula sa dumi. Palitan Mo po ang tahanan
niya ng tahanang mainam kaysa sa dating tahanan
niya, ang mag-anak niya ng mag-anak na mainam
kaysa sa dating mag-anak niya, at ang asawa niya ng
asawang mainam kaysa sa dating asawa niya. Papasukin
Mo po siya sa Paraiso. Pangalagaan Mo po siya laban
sa pagdurusa sa libingan at sa pagdurusa sa Impiyerno.)
Anupa’t minithi kong ako na sana ang patay na iyon.”
Iniulat ni Imám Muslim.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
108
Mga Aral
1. Ang pagbigkas ng Súrah al-Fátihah sa saláh sa janázah.
2. Ang pagpapahintulot na manalangin ayon sa panalangin
ng Sugo (SAS) para sa patay matapos ang saláh sa janázah.
78. Ilan sa mga Alituntunin Kaugnay sa Bangkay
Ang Pagpapahintulot na Halikan ang Bangkay:
Ayon kay ‘Á’ishah (RA): “Na si Abú Bakr (RA) ay
humalik sa Propeta (SAS) noong namatay ito.” Iniulat ni
Imám al-Bukhárí.
Ang Pagbabawal sa Panlalait sa Patay:
Ayon sa sinabi ni ‘Á’ishah (RA): “Nagsabi ang Propeta
(SAS): Huwag ninyong laitin ang mga patay dahil sila
ay nagtamo ng nagawa nila.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.
Ang Pagmamadali sa Pagpapalibing:
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Propeta (SAS) ay
nagsabi: “Madiliin ninyo ang paglilibing sa] patay dahil
kung ito ay isang matuwid, may isang mabuting isinusulong
ninyo roon; at kung ito naman ay iba pa roon may isang
masamang inilalagay ninyo sa mga leeg ninyo.” Iniulat
nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Propeta (SAS) ay
nagsabi: “Ang kaluluwa ng isang mananampalataya ay
nakabitin sa utang niya hanggang sa bayaran niya ito.”
Iniulat ni Imám at-Tirmidhí
Ayon sa sinabi ni Ibn ‘Abbás (RA): “Nagsabi ang
Propeta (SAS): Ang lahd ay para sa atin at ang hukay ay
para sa iba.” Iniulat ni Imám at-Tirmidhí
Mga Pang-araw-araw na Aralin
109
Mga Aral
1. Ang pagpapahintulot na halikan ang patay.
2. Ang pagbabawal sa panlalait sa mga patay.
3. Ang pagmamadali sa paglilibing.
4. Ang tungkuling madaliin ang pagbayad sa utang ng patay.
5. Ang pagiging kanais-nais na lagyan ng lahd ang libingan.
79. Ilan sa mga Alituntunin sa Paglilibing sa Patay
Ayon sa sinabi ni ‘Uqbah Ibn ‘Ámir (RA): “May tatlong
oras na pinagbabawalan kami na magdasal o maglibing ng
aming mga patay: kapag nagsisimulang sumikat ang araw
hanggang hindi tuluyang tumaas na ito, kapag dumating ang
katanghaliang-tapat hanggang hindi lumilihis ang araw, at
kapag napipinto na ang araw sa paglubog hanggang hindi
tuluyang lumubog.” Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon kay Ibn ‘Umar (RA): “Na ang Propeta kapag
nagpasok ng patay sa libingan ay nagsasabi bismilláhi
wa billáhi wa ‘alá millati rasúlilláh.”27 Iniulat ni Imám
at-Tirmidhí.
Ayon sa sinabi ni Anas (RA): “Dumalo kami sa [libing]
ng anak nababae ng Sugo ni Alláh (SAS). Habang nakaupo
ang Sugo ni Alláh (SAS) sa tabi ng puntod ay nakita ko ang
mga mata niya na lumuluha. Nagsabi siya: May isa ba sa
inyong hindi nakipagtalik kagabi? Nagsabi si Abú Talhah:
Ako po. Nagsabi siya: Bumaba ka sa puntod niya. Bumaba
siya at inilibing namin iyon.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.
27 Sa ngalan ni Alláh, sa pamamagitan ni Alláh at ayon sa relihiyon ng Sugo ni Alláh.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
110
Mga Aral
1. Ang pagbabawal na ilibing ang patay habang sumikat
ang araw bago tuluyang tumaas, kapag pumagitna ito sa bago
tuluyang lumilihis, at ilang sandali bago lumubog ang araw.
2. Na sunnah sa nagpapasok sa patay sa libingan nito na
magsabi ng bismilláhi wa billáhi wa ‘alá millati rasúlilláh.
3. Ang pagpapahintulot na ipasok ang isang babaeng patay
sa libingan nito ng isang lalaking hindi nito Mahram.
80. Ang Pag-uudyok Na Tiisin ang Kasawian at ang
Sinasabi sa Sandaling Sumapit Ito
Sinabi ni Alláh (2:156-157): “Na kapag dinadatnan
sila ng isang kasawian ay nagsasabi sila: Tunay na tayo
ay pag-aari ni Alláh at tunay na tayo ay sa Kanya
magsisibalik. Ang mga iyon ay magtatamo ng mga
pagpupuri mula sa Panginoon nila at awa, at ang
mga iyon ay ang mga Napatnubayan.”
Ayon kay Anas (RA), ang Propeta (SAS) ay nagsabi:
“Ang tunay na pagbabata ay sandali ng unang dagok [ng
kasawian].” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.
Ayon sa sinabi ni Umm Salamah (RA): “Narinig ko ang
Sugo ni Alláh na nagsasabi: Walang Muslim na dinadapuan
ng isang kasawian at pagkatapos ay nagsabi ng ipinagutos
sa kanya ni Alláh: Inná lilláhi wa inná ilayhi ráji‘ún,
alláhumma’jurní fí musíbatí wakhlif lí khayram minhá.28”
Iniulat ni Imám Muslim.
28 Tunay na tayo ay pag-aari ni Alláh at tunay na tayo ay sa Kanya magsisibalik.
O Alláh gantimpalaan Mo po ako dahil sa kasawiang dumapo sa akin at bigyan
Mo po ako ng kapalit na mainam kaysa roon.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
111
Ayon sa sinabi ni Suhayb (RA): “Nagsabi ang Sugo ni
Alláh (SAS): Kataka-taka ang lagay ng mananampalataya.
Tunay na ang lagay niya ay pawang mabuti. Hindi iyon
taglay kundi ng mga mananampalataya. Kapag dinapuan
siya ng nakalulugod, nagpapasalamat siya. Iyon ay mabuti
para sa kanya. Kapag dinapuan siya ng nakalulumbay,
nagtitiis siya. Iyan ay mabuti rin para sa kanya.” Iniulat
ni Imám Muslim.
Mga Aral:
1. Ang kabutihan ng pagtitiis sa sandali ng mga kasawian.
2. Na ang kapuri-puring pagtitiis ay ang anumang sa unang
pagkakataon.
3. Na ang ang pagtitiis sa sandali ng mga kapighatian ay
ilan sa mga katangian ng mga mananampalataya.
4. Ang kalamangan ng pagsambit ng dhikr sa sandali ng
kasawiaan.
81. Ang Tagubilin at ang mga Alituntunin Dito
Ayon kay Ibn ‘Umar (RA), ang Sugo ni Alláh (SAS)
ay nagsabi: “Hindi nararapat sa isang taong Muslim na
may isang bagay na ninanais niyang magtagubilin hinggil
dito na mananatili ng dalawang gabi maliban kung ang
tagubilin niya ay nakasulat na hawak niya.” Iniulat nina
Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Sa‘d Ibn Abí Waqqás (RA): “Nagsabi
ako: O Sugo ni Alláh, ako ay may ari-arian ngunit wala akong
mapapamanahan kundi anak na babae kong nag-iisa; kaya
ikakawanggawa ko ba ang dalawang ikatlo ng ari-arian ko?
Nagsabi siya: Huwag. Nagsabi ako: Ikakawanggawa ko ba
Mga Pang-araw-araw na Aralin
112
ang kalahati niyon? Nagsabi siya: Huwag. Nagsabi ako:
Ikakawanggawa ko ba ang ikatlo niyon? Nagsabi siya: Ang
ikatlo. Ang ikatlo ay marami na. Na ikaw ay mag-iiwan
sa mga tagapagmana mo na mga mayaman ay mainam
kaysa sa iwan mo silang mga hikahos na nagpapalimos
sa mga tao.” Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Abú Umámah al-Báhilí (RA): “Narinig
ko ang Sugo ni Alláh (SAS) na nagsasabi: Tunay na si Alláh
ay nagbigay sa bawat may karapatan ng karapatan nito,
kaya wala nang tagubilin para sa tagapagmana.” Iniulat
ni Imám at-Tirmidhí.
Ayon kay ‘Á’ishah (RA): “May isang lalaking pumunta
sa Propeta (SAS) at nagsabi: O Sugo ni Alláh, tunay na
ang ina ko ay biglang namatay at hindi nakapagtagubilin.
Ipinagpapalagay ko na kung nakapagsalita lamang siya ay
nagkawanggawa sana siya. Magtatamo ba siya ng gantimpala
kung magkakawanggawa ako para sa kanya? Nagsabi siya:
Oo.” Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
Mga Aral
1. Ang sinumang may tagubilin ay inaatasang isakasulatan
ang huling habilin at huwag magpabaya sa bagay na ito.
2. Ang pagpapahintulutot sa isang tao na ipagkaloob sa
pamamagitan ng tagubilin bago mamatay ang hanggang
sa ikatlong bahagi ng kanyang ari-arian.
3. Ang pagbabawal sa paglalaan para sa ibang tagapagmana
sa pamamagitan ng huling habilin ng higit pa sa karapatan
nitong manahin.
4. Ang pagpapahintulot na magkawanggawa alang-alang
sa patay kahit pa man hindi ito nagbilin.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
113
82. Ilan sa mga Alituntunin sa Pagpapamana
Ayon sa sinabi ni Ibn ‘Abbás (RA): “Nagsabi ang Sugo
ni Alláh (SAS): Ibigay ninyo ang mga bahagi sa mga
karapat-dapat sa mga ito at ang anumang natira ay para
sa pinakamalapit na kamag-anak na lalaki.” Iniulat ni
Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Abú Umámah al-Báhilí (RA): “Narinig
ko ang Sugo ni Alláh (SAS) na nagsasabi: Tunay na si Alláh
ay nagbigay sa bawat may karapatan ng karapatan nito,
kaya wala nang tagubilin para sa tagapagmana.” Iniulat
ni Imám at-Tirmidhí.
Mga Aral
1. Na ang paghahati sa mga pamana ay isang patakarang
isinapatakaran ni Alláh mismo.
2. Na hindi ipinahihintulot na gumawa ng huling habilin
para sa isang likas na tagapagmana.
3. Na kapag may natira sa pamana matapos ipamahagi sa
mga likas na tagapagmana ang kanilang bahagi ay ibibigay
ito sa pinakamalapit na lalaking kamag-anak ng namatay.
4. Na walang pagmamanahan sa pagitan ng Muslim at Káfir.
83. Ang Pagpapahintulot na Iyakan ang Patay Kung
Hindi Dahil sa Labis na Paghihinanakit at Pagkainis
Ayon sa sinabi ni Anas (RA): “Pumasok kami kasama
ng Sugo ni Alláh sa kinaroroonan ni Abú Sayf na panday,
ang asawa ng mamay29 ni Ibráhím. Kinuha ng Sugo ni Alláh
(SAS) si Ibráhím, hinalikan niya ito at inamoy niya ito.
Pagkaraan ay pumasok uli kami sa kinaroroonan ni Abú
29 Babaeng nagpapasuso ng gatas niya sa batang hindi niya anak.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
114
Sayf matapos niyon samantalang si Ibráhím ay naghahabol
ng hininga nito. Nagsimulang lumuha ang mga mata ng Sugo
ni Alláh (SAS). Kaya nagsabi si ‘Abdurrahmán na anak ni
‘Awf (RA): Ikaw [ay umiiyak rin,] o Sugo ni Alláh? Kaya
nagsabi siya: O anak ni ‘Awf, tunay ito ay awa. Pagkatapos
ay sinundan pa iyon ng isa pang pag-iyak. Nagsabi siya:
Tunay na ang mata ay lumuluha, ang puso ay nalulungkot,
ngunit wala tayong sasabihin kundi ang ikinalulugod ng
Panginoon natin. Tunay na kami, sa pagyao mo Ibráhím,
ay mga nalulungkot.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.
Ayon sa sinabi ni Usámah Ibn Zayd (RA): “Nagsugo
ang anak na babae ng Propeta (SAS) [ng isang magsasabi sa
Propeta (SAS)] na ang anak nito ay naghihingalo na kaya
daluhan niya ito. Kaya nagpadala siya ng isang bibigkas
ng pagbati ng kapayapaan at magsasabing: Tunay na kay
Alláh ang kinuha Niya, Kanya ang ibinigay Niya at ang
bawat bagay para sa Kanya ay may itinakdang panahon,
kaya magpakamatiisin ka at umasang gagantimpalaan [ni
Alláh]. Nagsugo naman ito [ng magsabing] nakikiusap ito
sa kanya na talagang puntahan nga niya ito. Kaya tumindig
siya upang pumunta na. Kasama niya sina Sa‘d Ibn ‘Ubádah,
Mu‘ádh Ibn Jabal, Ubayy Ibn Ka‘b, Zayd Ibn Thábit at ilan
pang mga kalalakihan, kalugdan sila ni Alláh. Iniangat sa
harap ng Propeta (SAS) ang bata at pinaupo niya ito sa
kandungan niya samantalang nababalisa ang kaluluwa nito.
Umawas sa luha ang mga mata niya kaya nagsabi si Sa‘d: O
Sugo ni Alláh, ano ito? Sinabi niya: Ito ay awang inilalagay
ni Alláh sa mga puso ng sinumang naisin Niya sa mga
lingkod Niya. Kinaaawaan lamang ni Alláh mula sa mga
Mga Pang-araw-araw na Aralin
115
lingkod Niya ang mga maawain.” Iniulat nin Imám al-
Bukhárí at Imám Muslim.
Mga Aral
1. Ang pagpapahintulot sa pag-iyak sa patay nang walang
panaghoy o paghihinanakit at pagkainis sa itinakda ni Alláh.
2. Ang awa ng Sugo (SAS) at lambot ng puso niya.
84. Ang Gantimpala sa Katatagan ng Pagtanggap
sa Kamatayan ng mga Anak
Ayon sa sinabi ni Anas (RA): “Nagsabi ang Sugo ni
Alláh (SAS): Walang taong Muslim na namatayan ng
tatlong anak na hindi pa sumapit sa sapat na gulang, na
hindi papapasukin ni Alláh sa kagandahang-loob ng awa
Niya sa kanila.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang
Sugo ni Alláh (SAS): Sinumang namatayan sa isa sa mga
Muslim ng tatlong anak, masasaling lamang siya ng Apoy
[ng Impiyerno] bilang pagtupad sa sumpa.” Iniulat ni
Imám at-Tirmidhí.
Ayon sa sinabi ni Abú Sa‘íd al-Khudrí (RA): “Nagsabi
ang Sugo ni Alláh (SAS): Ang isang babaeng namatayan
ng tatlo sa mga anak niya, ang mga ito ay magsisilbing
tabing para sa kanya sa Apoy ng Impiyerno. May babaeng
nagsabi: At kung dalawa? Nagsabi siya: Kahit dalawa.”
Iniulat ni Imám al-Bukhárí.
Mga Aral
1. Ang laki ng gantimpalang tatamuhin kung mawalan ng
anak kalakip ng pagpapakatatag na tanggapin iyon.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
116
2. Na ang pagpapakatatag sa pagtanggap sa pagkawala ng
anak ay isang dahilan sa pagpasok sa Paraiso.
3. Ang laki ng awa at lawak ng kagandahang-loob ni Alláh.
85. Ang Kabutihan ng Pagdarasal Para sa Patay,
ang Pagdalo sa Libing Nito at Ang Ilan sa mga
Alituntunin Dito
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang
Sugo ni Alláh (SAS): Ang sinumang dumalo sa libing ng
patay hanggang sa dasalan ito ay magkakamit ng isang
qírát [na gantimpala]; ang sinumang dumalo rito hanggang
sa mailibing ito ay magkakamit ng dalawang qírát [na
gantimpala]. May nagsabi: At ano po ang dalawang qírát?
Nagsabi siya: Tulad ng dalawang malaking bundok.”
Iniulat ni Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni al-Barrá’ Ibn ‘Ázib (RA): “May
pitong ipinag-utos sa amin ang Sugo ni Alláh: pagdalaw sa
may-sakit, pagdalo sa libing, paggsabi ng yarhamukalláh30
sa bumahin, pagsaklolo sa mahina, pagtulong sa nagawan
ng kawalang-katarungan, pagpapalaganap ng pagbati at
pagtulong na matupad panunumpa ng isang nanunumpa.”
Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Abú Sa‘íd al-Khudrí, ang Propeta
(SAS) ay nagsabi: “Kapag nakikita kayo ng pagpapalibing
ng patay ay magsitayo kayo; at ang sinumang sumama
rito ay huwag siyang umupo hanggang sa mailagay ito
[sa lupa].” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.
30 Kaawaan ka ni Alláh, kung ang bumahin ay nagsabi ng alhamdu lilláh.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
117
Ayon sa sinabi ni Umm ‘Atíyah (RA): “Ipinagbawal
sa amin ang pagsunod sa libing ng patay subalit hindi naman
hinigpitan [ang pagbabawal na] iyon.” Iniulat ni Imám al-
Bukhárí.
Mga Aral
1. Na bahagi ng sunnah ang pagdalo sa libing.
2. Ang laki ng gantimpala ng sinumang gumawa niyon.
3. Na ang sunnah sa sinumang sumama sa libing ng patay
ay huwag munang umupo hangga ito nailalagay sa lupa.
4. Ang pagbabawal sa mga babae na dumalo sa libing.
86. Ang Magaganap sa Patay sa Libingan Nito
Ayon kay Anas, ang Propeta (SAS) ay nagsabi: “Ang
tao—kapag inilagay sa libingan nito, tinalikuran na at
umalis na ang mga nakilibing sa kanya, anupa’t tunay
na kanya pa ngang naririnig ang yabag ng mga sapin sa
paa nila — ay pinupuntahan siya ng dalawang anghel
at pauupuin nila siya at magsasabi sila sa kanya: ‘Ano
ang sinasabi mo noon sa taong ito na si Muhammad?’
At magsasabi siya: ‘Sumasaksi ako na siya ay Lingkod
ni Alláh at Kanyang Sugo.’ Kaya magsasabi: ‘Tingnan
mo ang luklukan mo sana sa Impiyerno na pinalitan ni
Alláh alang-alang sa iyo ng isang luklukan sa Paraiso.”
Nagsabi pa ang Propeta (SAS): “Kaya kapwa niya makikita
ang dalawang ito. Tungkol naman sa Káfir o Munáfiq31
ay magsasabi naman ito: ‘Hindi ko alam; sinasabi ko noon
31 Nagpapanggap o nagkukunwaring Muslim. Masahol pa ito sa isang Káfir.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
118
ang sinasabi ng mga tao.’ Kaya may mag sasabi: ‘Hindi
mo nalaman at hindi mo tinatanggap ang patnubay.’
Pagkatapos ay pupukpukin siya ng martilyong bakal ng
isang pukpok sa pagitan ng mga tainga niya. Mapasisigaw
siya ng sigaw na maririnig ng anumang nasa malapit sa
kanya maliban sa tao at jinní.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.
Ayon kay ‘Abdulláh Ibn ‘Amr, ang Sugo ni Alláh (SAS)
ay nagsabi: “Tunay na ang sinuman sa inyo kapag namatay,
itinatambad sa kanya ang luklukan niya [sa Kabilangbuhay]
sa umaga at gabi. Kung siya ay kabilang sa mga
mananahan sa Paraiso, [ipakikita ang luklukan niya]
kabilang sa mga mananahan sa Paraiso; at kung siya
naman ay kabilang sa mga mananahan sa Impiyerno,
[ipakikita ang luklukan niya] kabilang sa mga mananahan
sa Impiyerno. May magsasabi sa kanya: ‘Ito ang luklukan
mo hangang sa buhayin kang muli ni Alláh sa araw ng
pagkabuhay.’ ” Iniulat ni Imám Muslim.
Mga Aral
1. Ang pagpapatunay na tatanungin ng dalawang anghel ang
patay sa libingan.
2. Ang pagpapatunay na may pagdurusa at kaginhawahan
sa libingan.
3. Na makikita ng patay ang kalalagyan niya sa Pariso o sa
Impiyerno bago pa man sumapit ang Araw ng Pagkabuhay.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
119
87. Ang Atas na Patagin ang Libingan
Ayon sa sinabi ni Abú al-Hayyáj, kaawaan siya ni
Alláh: “Sinabi sa akin ni ‘Alí Ibn Abí Tálib (RA): Hayaan
mong iparating ko sa iyo ang ipinarating sa akin ng Sugo
ni Alláh (SAS): Na hindi mo iiwan ang isang larawan
kung hindi mo ito napawi, ni ang isang puntod na mataas
kung hindi mo ito napatag.” Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Fudálah Ibn ‘Ubayd (RA): “Narinig
ko ang Sugo ni Alláh na nag-uutos na patagin ang puntod.”
Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Jábir (RA): “Ipinagbawal ng Sugo
ni Alláh (SAS) ang pagpapalitada ng puntod, ang pag-upo
sa ibabaw nito at ang pagpapatayo sa ibabaw nito ng isang
estruktura.” Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Marthad Ibn al-Ghanawí (RA):
“Nagsabi ang Sugo ni Alláh (SAS): Huwag kayong maupo
sa mga puntod at huwag kayong magdasal sa harap ng
mga ito.” Iniulat ni Imám Muslim.
Mga Aral
1. Ang pagbabawal na magpatayo ng estruktura sa ibabaw
ng mga puntod o pataasin o palitadahan ang mga ito.
2. Ang pagbabawal na maupo sa ibabaw ng puntod.
3. Ang pagbabawal na magsgawa ng saláh sa tabi ng puntod.
88. Ang Kalamangan ng al-Masjid al-Harám at
ng Masjid ng Sugo ni Alláh (SAS) sa Madínah
Nagsabi si Alláh hinggil sa al-Masjid al-Harám (22:25):
“Ang sinumang nagnanais dito ng isang paglihis bilang
paglabag sa katarungan, palalasapin Namin siya ng isang
masakit na pagdurusa.”
Mga Pang-araw-araw na Aralin
120
Ayon kay Abú Hurayrah, ang Propeta (SAS) ay nagsabi:
“Ang isang saláh sa Masjid ko na ito ay mainam kaysa
sa isang libong saláh sa iba pa rito maliban na lamang
sa al-Masjid al-Harám.” Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ang Propeta (SAS) ay
nagsabi: “Hindi maglalakbay [para sa pagsamba] ang mga
manlalakbay kung hindi patungo sa tatlong masjid: ang
Masjid kong ito, ang al-Masjid al-Harám at ang al-Masjid
al-Aqsá.” Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang
Sugo ni Alláh (SAS): Ang nasa pagitan ng aking bahay
at pulpito ko ay isang hardin sa mga hardin ng Paraiso
at ang pulpito ko ay nasa ibabaw ng Hawd ko.” Iniulat
nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
Mga Aral
1. Ang kalamangan ng saláh sa al-Masjid al-Harám at sa
Masjid ng Propeta (SAS).
2. Ang pagbabawal na maglakbay sa layuning sumamba
maliban na lamang sa tatlong Masjid na ito.
3. Ang kalamangan ng bahaging nasa pagitan ng silid ng
Sugo (SAS) at kanyang pulpito.
89. Ilan sa mga Alituntunin Kaugnay sa Makkah
Ayon sa sinabi ni Ibn ‘Abbás: “Nagsabi ang Sugo ni
Alláh (SAS) noong araw ng pagsakop sa Makkah: Ang
bayan [na ito] ay pinabanal ni Alláh: hindi puputulin ang
mga matinik na palumpong32 nito, hindi tatabugin ang
32 Halamang higit na maliit kaysa sa kahoy, na tinatawag na shrub sa Ingles.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
121
mga ligaw ng hayop nito at hindi pupulutin ang nalaglag
na bagay rito maliban sa magpapabatid nito [sa madla].”
Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
Ang ipinahihintulot na patayin ng isang Muhrim dito:
Ayon ayon kay ‘Á’ishah (RA), ayon sa Propeta (SAS)
na nagsabi: “May limang nakapipinsala na pinapatay sa
labas ng Harám at sa loob ng Harám: ang ahas, ang uwak
na batik-batik, ang daga, ang asong nangangagat at ang
had’ah.33” Iniulat ni Imám Muslim.
Mga Aral
1. Ang kadakilaan ng Makkah.
2. Ang pagbabawal na putulin ang mga kahoy nito o hulihin
ang mga ligaw na hayop dito.
3. Hindi ipinahihintulot na kunin ang luqtah dito maliban
kung ninanais na ipabatid ito sa madla.
4. Ipinahihintulot patayin dito ang nakapipinsala na mga
hayop na gaya ng uwak, daga, asong nangangagat at had’ah.
90. Ang Pagbabawal na Pilitin ang Babae na Magasawa
ng Hindi Nito Naiibigan
Ayon kay Abú Hurayrah (RA): “Ang Sugo ni Alláh
ay nagsabi: Huwag ipaasawa ang babaeng minsan nang
nagkaasawa34 hanggang hindi sinasangguni ito at ang
birhen kung hindi nagpapaalam dito. Nagsabi sila: O Sugo
ni Alláh, at papaano po [malalaman] ang pahintulot nito?
33 Isang uri ng ibong naninila ng mga maliliit na hayop.
34 Isang balo o isang diborsiyada.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
122
Nagsabi siya: Na mananahimik ito.” Iniulat nina Imám
al-Bukhárí at Imám Muslim.
Ayon kay Ibn ‘Abbás (RA): “Ang Propeta (SAS) ay
nagsabi: Ang babaeng minsan nang nagkaasawa ay higit
na may karapatan [sa pagpapasya para] sa sarili niya
kaysa sa walíy niya. Ang birhen ay hihingan ng pahintulot
[sa pagpapasya para] sa sarili niya at ang [tanda ng]
pahintulot niya ay ang pananahimik niya.” Iniulat ni
Imám Muslim.
Ayon kay Khansá’ Bint Khadám al-Ansáríyah, siya ay
ipinakasal ng ama niya noong siya minsan nang nagkaasawa
at hindi niya naibigan iyon. Kaya nagpunta siya sa Sugo
ni Alláh (SAS) at pinawalang-bisa niya ang pagpapakasal
sa kanya. Iniulat ni Imám al-Bukhárí.
Mga Aral
1. Ang tungkuling isaalang-alang ang pananaw ng babae
kapag ipakakasal siya.
2. Na ang pagtahimik ay sapat na batayan sa pagpapahintulot
ng isang birhen.
3. Na ang pagkalugod ng babae ay isang kondisyon upang
maging may-bisa ang kasal.
91. Ang Atas na Magkaisa at ang Pagsaway sa
Pagkakahati-hati
Sinabi ni Alláh (3:103): “Kumapit kayong lahat sa
lubid ni Alláh at huwag kayong magkahati-hati.”
Ayon sa sinabi ni ‘Arfajah (RA): “Narinig ko ang Sugo
ni Alláh (RA) na nagsasabi: Tunay may magaganap na
Mga Pang-araw-araw na Aralin
123
mga masamang pangyayari. Kaya ang sinumang magnais
na lansagin ang pagkakaisa ng Sambayanang Muslim
samantalng ito ay buo, tagain ninyo siya ng tabak maging
sinuman siya.” Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang
Sugo ni Alláh (SAS): Tunay na si Alláh ay may tatlong
ikinalulugod sa inyo at may tatlong ikinaiinis sa inyo.
Ikinalulugod Niya sa inyo na sambahin ninyo Siya at hindi
kayo magtambal sa Kanya ng anuman, na kumapit kayong
lahat sa Lubid ni Alláh, na tumalima kayo sa sinumang
itinalaga ni Alláh sa pamamahala sa inyo. Ikinaiinis Niya
sa inyo ang pagsasabi-sabi, ang madalas na pagtatanongtanong
at ang pagsasayang ng yaman.” Iniulat ni Imám
Muslim.
Ayon sa sinabi ni al-‘Irbád Ibn Sáriyah (RA): “Nangaral
sa amin ang Sugo ni Alláh (SAS) ng isang makabagbagdamdaming
pangaral, na dahil dito ay nakadama ng takot
ang mga puso namin, at na dahil dito ay lumuha ang mga
mata, kaya nagsabi kami: O Sugo ni Alláh, iyan ay parang
pangaral ng pamamaalam kaya tagubilinan Mo po kami.
Nagsabi siya: Itinatagubilin ko sa inyo ang pangingilag
na magkasala kay Alláh, ang pagdinig at ang pagsunod
kahit pa man pamunuan kayo ng isang alipin. Tunay na
ang sinumang mabubuhay sa inyo [nang matagal] ay
makakikita ng maraming salungatan kaya bumatay kayo
sa sunnah ko at sa sunnah ng mga khalífah na matuwid
na napatnubayan. Sakmalin ninyo ito ng mga bagang.
Mag-ingat kayo sa mga gawa-gawang bagay dahil ang
bawat bid‘ah ay pagkaligaw.” Iniulat nina Imám Abú Dáwúd
at Imám at-Tirmidhí.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
124
Mga Aral
1. Ang atas na kumapit sa Lubid ni Alláh (sumunod sa Aklat
ni Alláh).
2. Ang matindi at tiyakang pagsaway laban sa pagkakahatihati
at pagsasalungatan.
3. Ang atas na sumalig sa Sunnah ng Sugo ni Alláh (SAS)
sa sandali ng pagkakaroon ng pagsasalungatan.
92. Ang Atas na Pangalagaan ang Katungkulan at
Gampanan Ito
Sinabi ni Alláh (33:72): “Tunay na Kami ay nag-alok
ng ipinagkakatiwalang tungkulin sa mga langit, lupa at
mga bundok, ngunit tumanggi ang mga ito na pasanin
iyon at kinatakutan ng mga ito iyon, ngunit pinasan iyon
ng tao; tunay na siya napakamapaglabag sa katarungan,
napakamangmang.”
Sinabi pa Niya (4:58): “Tunay na si Alláh ay naguutos
sa inyo na gampanan ninyo ang mga ipinagkakatiwalang
tungkulin sa mga kinauukulan ng mga ito.”
Sinabi pa Niya (28:26): “tunay na ang mainam na
upahan mo ay ang malakas na mapagkakatiwalaan.”
Sinabi pa Niya (70:32): “sila na sa mga ipinagkakatiwalang
tungkulin sa kanila at sa kasunduan sa kanila
ay mga nangangalaga;”
Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Habang ang
Propeta (SAS) ay nagsasalita sa mga tao sa isang pagtitipon,
may dumating na isang Arabeng taga-disyerto at nagsabi ito:
Kailan ang Huling Panahon? Ngunit nagpatuloy ang Sugo ni
Alláh pagsasalita. Noong natapos na ang pagsasalita niya
ay nagsabi siya: Nasaan na ang nagtatanong tungkol sa
Mga Pang-araw-araw na Aralin
125
Huling Panahon. Nagsabi ito: Heto ako, o Sugo ni Alláh.
Nagsabi siya: Kapag iwinalang-bahala na ang tungkuling
ipinagkakatiwala ay hintayin mo na ang Huling Panahon.
Nagsabi ito: Paapaanong iwawala ito? Nagsabi siya: Kapag
iniaatang na ang tungkulin sa hindi karapatdapat para
rito ay hintayin mo na ang Huling Panahon.” Iniulat ni
Imám al-Bukhárí.
Ayon sa sinabi ni Anas: “Bihira kaming kausapin ng
Sugo ni Alláh na hindi nagsabi: Walang pananampalataya
ang hindi mapagkakatiwalaan at walang relihiyon ang
walang pagtupad sa kasunduan.” Iniulat ni Imám Ahmad.
Mga Aral
1. Ang laki ng kahalagahan ng ipinagkatiwaalang tungkulin
at ang atas na pangalagaan ito.
2. Na ang pangangalaga sa ipinagkatiwalang tungkulin ay
kabilang sa mga katangian ng mga mananampalatayang
mananagumpay.
3. Ang atas na gampanan ang ipinagkatiwalang tungkulin
sa kinauukulan nito.
4. Walang pananampalataya ang hindi mapagkakatiwalaan.
93. Ang Kabutihan ng Pag-aanyaya Para kay Alláh
Sinabi ni Alláh (41:33): “Sino pa ang higit na magaling
sa pananalita kaysa sa kanya na nag-aanyaya para kay
Alláh, gumagawa ng mabuti, at nagsasabi: Tunay na
ako ay kabilang sa mga Muslim.”
Sinabi pa Niya (16:125): “Mag-anyaya ka sa landas
ng iyong Panginoon sa pamamagitan ng karunungan
Mga Pang-araw-araw na Aralin
126
at magaling na pangangaral, at makipagtalo kayo sa
kanila sa paraang pinakamagaling.”
Sinabi pa Niya (12:108): “Sabihin mo: Ito ang landas
ko. Nag-aanyaya ako kay Alláh nang may kabatiran,
ako at ang sinumang sumunod sa akin.”
Ayon kay Sahl Ibn Sa‘d (RA) ang Propeta (SAS) ay
nagsabi kay ‘Alí Ibn Abí Tálib: noong araw ng [labanan sa]
Khaybar: “Sumulong ka nang hinay-hinay hanggang sa
dumating ka sa lupain nila. Pagkatapos ay anyayahan
mo sila sa Islam at ipabatid mo sa kanila ang tungkulin
nilang gampanan mula sa karapatan ni Alláh, sapagkat
sumpa man kay Alláh, na patnubayan ni Alláh dahil sa
iyo ang iisang tao ay higit na mainam para sa iyo kaysa sa
[magmay-ari ng] ng mga mamahaling kamelyo.” Iniulat
nina Imám al-Bukhári at Imám Muslim.
Ayon kay Abú Hurayrah (RA) ang Sugo ni Alláh ay
nagsabi: “Ang sinumang mag-anyaya sa patnubay, siya ay
magkakamit ng gantimpalang tulad ng mga gantimpala
ng sinumang sumunod sa kanya, na hindi nakababawas iyon
ng anuman mula sa mga gantimpala nila. Ang sinumang
mag-anyaya sa pagkaligaw, siya ay magpapasan ng
kasalanang tulad ng mga kasalanan ng sinumang sumunod
sa kanya, na hindi nakababawas iyon ng anuman mula
sa mga kasalanan nila.” Iniulat ni Imám Muslim.
Mga Aral
1. Ang kabutihan ng pag-aanyaya tungo kay Alláh.
2. Ang malaking gantimpala para sa sinumang ginamit ni
Alláh sa pagpatnubay ng isa sa mga tao.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
127
3. Na ang sinumang mag-anyaa sa mga tao sa isa sa mga
mabuting gawain ay magkakamit siya ng katulad ng mga
gantimpala ng sinumang sumunod sa kanya sa gawaing iyon.
94. Ang Pagsaway sa Labis na Pagpapapuri
Ayon sa sinabi ni Abú Bakrah (RA): “Pinapurihan ng
isang lalaki ang isa pang lalaki sa harap ng Propeta (SAS)
kaya nagsabi siya nang makailang ulit: Kawawa ka naman,
pinutol mo ang leeg ng kaibigan mo, pinutol mo ang leeg
ng kaibigan mo. Kapag ang sinuman sa inyo ay hindi
maiiwasang magpapapuri sa kaibigan niya ay magsabi
siya: Ipinagpapalagay ko na si Polano — at si Alláh ang
Nakasasapat para sa kanya at hindi ako nagpapatotoo ng
kalinisang-budhi sa harap ni Alláh ng isa man — kung
nalalaman niya iyon, ay ganoon at ganito.” Iniulat nina
Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Abú Músá (RA): “May narinig ang
Propeta (SAS) na lalaking nagpupuri sa isa pang lalaki at
nagpakalabis ito sa pagpapapuri roon, kaya nagsabi siya:
Talaga ngang pinatay ninyo ang — o pinutol ang likod
ng — lalaki. ” Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni al-Miqdád (RA): “Inatasan kami ng
Sugo ni Alláh (SAS) na sabuyan namin ng alabok ang mga
mukha ng mga labis magpapuri.” Iniulat ni Imám Muslim.
Mga Aral
1. Ang pagsaway sa pagpapalabis sa pagpapapuri.
2. Tungkulin ng nagpupuri na limitihan ang pagpapapuri
niya ayon sa nakikita niya; magsasabi siya: ipinagpapalagay
Mga Pang-araw-araw na Aralin
128
naming ganoon siya ngunit si Alláh ang nakasasapat para
sa kanya.
3. Ang utos na sabuyan ng alabok ang mukha ng mga labis
magpapuri.
95. Ang Pagbabawal sa Pag-awit35
Sinabi ni Alláh (31:6): “May mga tao na bumibili
ng walang kabuluhang usapan upang makapagligaw
palayo sa Landas ni Alláh nang walang kaalaman at
ginagawa ito na tampulan ng pangungutya. Ang mga
iyon ay magkakamit ng nakahihiyang pagdurusa.”
Ayon kay Abú Málik al-Ash‘arí na narinig niya ang
Propeta na nagsasabi: “Talagang ngang magkakaroon
mula sa Sambayan ko ng mga taong magpapahihintulot
sa pangangalunya, sutla [para sa lalaki], alak, mga gamit
sa tugtugin. Talaga ngang may manunuluyang mga tao
sa tabi ng bundok, na pupuntahan sila sa gabi [ng pastol
nila] dala ang mga tupa nila. Pupunta ito sa kanila dahil
sa isang pangangailangan at magsasabi sila: Bumalik ka
sa amin bukas. Ngunit lilipulin sila ni Alláh sa gabi at
dadaganan Niya ng bundok. Babaguhin Niya ang mga iba
upang mag-anyong mga unggoy at mga baboy hanggang
sa araw ng pagkabuhay.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.
35 Ang pag-awit na tinutukoy rito ay ang may kaalinsabay na mga instrumentong
pangmusika na ipinagbabawal. Kabilan din dito ang mga awiting malalaswa
kahit walang kaalinsaby na instrumentong pangmusika.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
129
Mga Aral
1. Ang pagbabawal sa pag-awit at na ito ay kabilang sa
ipinagbabawal ni libangan.
2. Na kabilang sa mga nagtuturing na ipinahihintulot ito
ay ang ilang kaanib ng Sambayanang Muslim.
96. Ang Kalamangan ng Sampung Araw ng Buwan
ng Dhulhijjah at Ilang mga Alituntunin Dito
Ayon sa sinabi ni Ibn ‘Abbás (RA): “Nagsabi ang Sugo
ni Alláh (SAS): Walang mga araw na ginawan ng gawang
matuwid na higit na pinakaiibig ni Alláh kaysa sa mga
araw na ito. Tinutukoy niya ang sampung araw [ng Dhul
Hijjah]. Nagsabi sila: O Sugo ni Alláh, pati pa po ba ang
Pakikibaka sa Landas ni Alláh? Nagsabi siya: Pati na ang
Pakikibaka sa Landas ni Alláh, maliban pa sa isang taong
nakipaglaban na isinusuong sa panganib ang sarili niya
at yaman niya at wala nang naibalik na anuman mula
roon.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.
Ayon kay Umm Salamah (RA), ang Propeta (SAS) ay
nagsabi: “Kapag sumapit ang [unang] sampung araw [ng
Dhul Hijjah] at magnanais ang sinuman sa inyo na magalay
[ng hayop] ay huwag magbabawas ng anuman mula
sa buhok niya at sa [nakakapit sa] balat niya.” Sa isa pang
sanaysay: “Pigilin niyang mabawasan ang buhok niya at
ang mga kuko niya.” Iniulat ni Imám Muslim.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
130
Mga Aral
1. Ang kalamangan ng sampung araw na ito.
2. Ang pagiging kaibig-ibig ng pagpaparami sa mga araw
na ito ng mga matutuwid na gawain.
3. Na ang sinumang magnais na mag-alay ng hayop ay hindi
magbabawas ng anuman sa buhok niya o sa mga kuko niya
kapag pumasok ang kapag sumapit ang unang sampung
araw ng dhulhijjah.
97. Ang Saláh sa ‘Íd 1
Ayon kay Ibn ‘Abbás: “Ang Propeta (SAS) ay nagdasal
noong araw ng íd ng dalawang rak‘ah; hindi siya nagdasal
bago isagawa ito ni matapos isagawa ito.” Iniulat nina Imám
al-Bukhárí at Imám Muslim.
Ayon kay ‘A’ishah (RA): “Ang Sugo ni Alláh (SAS)
ay nagsasagawa sa [saláh sa ‘íd ng] al-Fitr at al-Ad'ha ng
pitong takbír sa unang [rak‘ah] at lima sa ikalawang [rak‘ah].”
Iniulat ni Imám Abú Dáwúd.
Ayon sa sinabi ni Abú Wáqid al-Laythí (SAS): “Ang
Sugo ni Alláh ay bumibigkas sa [saláh sa ‘íd ng] al-Fitr at al-
Ad'ha ng qaf wal qur’ánil majíd (Súrah Qáf) at iqtarabatis
sá‘atu wanshaqqal qamar (Súrah al-Qamar).” Iniulat ni
Imám Muslim.
Ang Khutba sa Saláh sa Íd:
Ayon kay Ibn ‘Umar: “Ang Sugo ni Alláh (SAS) ay
nagdadasal noon ng [salah sa id ng] al-Fitr at al-Adha at
pagkatapos ay nagbibigay siya ng khutbah pagkatapos ng
salah.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
131
Mga Aral
1. Ang saláh sa íd ay ayon sa Batas ng Islam.
2. Na ito ay binubuo ng dalawang rak‘ah: may pitong takbír
sa unang rak‘ah at lima sa ikalawa.
3. Ang paggiging kaibig-ibig na bigkasin ang Súrah Qáf sa
unang rak‘ah at ang Súra al-Qamar sa ikalawang rak‘ah.
4. Na ang khutbah sa íd ay pagkatapos ng saláh.
98. Ang Saláh sa ‘Íd 2
Ayon sa sinabi ni Jábir (RA): “Ang Propeta (SAS) noon,
kapag araw ng íd ay nag-iiba ng daan [pag-uwi matapos ang
khutbah].” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.
Ayon sa sinabi ni Umm ‘Atíyah (RA): “Inatasan kami
ng Sugo ni Alláh na padaluhin namin sila [saláh sa ‘íd ng]
al-Fitr at al-Ad'ha: ang mga babaeng nasa tamang gulang,
mga nirereglang babae at mga birheng palaging nakabelo.
Ang mga nirereglang babae ay hihiwalay sa saláh ngunit
dadaluhan nila ang mabuting gawa at ang panalangin ng
mga Muslim.” Nagsabi siya: “O Sugo ni Alláh, ang isa sa
amin ay walang jilbáb?” Nagsabi siya: “Pasuutin siya ng
alinman sa kapatid niya mula sa jilbáb nito.” Iniulat nina
Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.
99. Ang mga Alay na Hayop
Sinabi ni Alláh (22:37): “Hindi nakararating kay
Alláh ang mga laman nito ni ang mga dugo nito, ngunit
nakararating sa Kanya ang pangngilag sa pagkakasala
mula sa inyo.”
Mga Pang-araw-araw na Aralin
132
Ayon sa sinabi ni Anas (RA): “Nag-alay ang Sugo ni
Alláh (SAS) ng dalawang lalaking tupang kulay puti na may
batik na itim na may sungay. Kinatay niya ang mga ito ng
mga kamay niya, samantalang nagsasabi ng Alláhu Akbar
at nakalagay ang kanyang paa sa ng tagiliran ng mga ito.”
Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni al-Bará’: “Nag-alay ang amain ko sa
ina na si Abú Burdah bago [isinagawa] ang saláh [ng íd]
kaya nagsabi ang Sugo ni Alláh (SAS): Iyan ay kambing
[na kinatay para sa] laman. Kaya nagsabi ito: O Sugo ni
Alláh, tunay na ako ay may anim na buwang batang kambing.
Nagsabi siya: Ipang-alay mo ito ngunit hindi ito naaangkop
sa iba pa sa iyo. Pagkatapos ay nagsabi siya: Ang sinumang
mag-alay bago [isinagawa] ang saláh [ng íd] ay nagkakatay
lamang para kanyang sarili, at ang sinumang magkatay
pagkatapos na saláh ay talaga ngang nalubos niya ang
pag-aalay niya at nagampanan niya ang Sunnah ng mga
Muslim.” Iniulat ni Imám Muslim.
Ayon sa sinabi ni Jábir (RA): “Nagsabi ang Sugo ni
Alláh (SAS): Huwag ninyong katayin [para sa pag-aalay]
kung hindi sapat ang gulang [ng hayop], maliban na
lamang kung mahirap para sa inyo dahil kung gayon
ay magkakatay kayo ng isang lalaking tupa (na kulang
sa isang taong gulang ngunit higit sa anim na buwan).”
Iniulat ni Imám Muslim.
Mga Aral
1. Ang pag-aalay ay ayon sa Batas ng Islam.
2. Ang pagiging kaibig-ibig na ang nag-aalay ay mismong
magkakatay ng kanyang alay.
Mga Pang-araw-araw na Aralin
133
3. Na ang alay ay hindi kakatayin kung hindi pagkatapos
ng saláh ng íd.
100. Ang Kadakilaan ni Alláh at ang Lawak ng
Kaharian Niya
Ayon kay Abú Dharr, ayon sa isinalaysay ng Propeta
(SAS) hinggil kay Alláh, Siya ay nagsabi: “O mga lingkod
Ko, tunay na Ako ay nagbawal sa sarili Ko ng paglabag
sa katarungan at ginawa Ko itong ipinagbabawal sa
pagitan ninyo, kaya naman huwag kayong maglabagan
sa katarungan. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay naliligaw
maliban sa pinatnubayan Ko; kaya magpapatnubay kayo
sa Akin, papatnubayan Ko kayo. O mga lingkod Ko,
lahat kayo ay nagugutom maliban sa pinakain Ko; kaya
humingi kayo ng makakain sa Akin, pakakainin Ko
kayo. O mga lingkod Ko, lahat kayo ay hubad maliban
sa pinadamitan Ko; kaya magpadamit kayo sa Akin,
dadamitan Ko kayo. O mga lingkod Ko, tunay na kayo
ay nagkakamali sa gabi at maghapon at Ako ay
nagpapatawad sa lahat ng pagkakasala; kaya humingi
kayo ng tawad sa Akin, magpapatawad Ako sa inyo. O
mga lingkod Ko, tunay na kayo ay hindi
makapaghahatid ng pinsala sa Akin para mapinsala
ninyo Ako at hindi makapaghahatid ng pakinabang sa
Akin para pakinabangin ninyo Ako. O mga lingkod
Ko, kung sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo,
at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo ay naging
alinsunod sa pinakanangingilag magkasala na puso
Mga Pang-araw-araw na Aralin
134
ng iisang lalaki mula sa inyo, walang maidadagdag iyon
na anuman sa paghahari Ko. O mga lingkod Ko, kung
sakaling ang una sa inyo at ang huli sa inyo, at ang tao
sa inyo at ang jinn sa inyo ay naging alinsunod sa
napakabuktot na puso ng iisang lalaki mula sa inyo,
walang maibabawas iyon na anuman sa paghahari Ko.
O mga lingkod Ko, kung sakaling ang una sa inyo at
ang huli sa inyo, at ang tao sa inyo at ang jinn sa inyo
ay tumayo man sa iisang kapatagan at hihihingi sa
Akin at binigyan Ko ang bawat isa ng hiningi niya,
walang maibabawas iyon mula sa taglay Ko kundi
gaya ng naibabawas ng karayom kapag ipinasok ito
sa dagat. O mga lingkod Ko, itong mga ginawa ninyo
lamang ay binibilang Ko para sa inyo. Pagkatapos ay
tutumbasan Ko kayo sa mga iyon. Kaya ang sinumang
nakatagpo ng isang mabuti ay magpuri siya kay Alláh,
at ang sinumang nakatagpo ng iba roon ay huwag nga
siyang maninisi kundi sa sarili niya.” Iniulat ni Imám
Muslim.
Mga Aral
1. Ang kadakilaan ni Alláh at ang lawak ng kaharian Niya.
2. Ang laki ng kakayahan at kapangyarihan ni Alláh at ang
pagkaganap ng kawalan Niya ng pangangailangan sa mga
nilikha Niya.
3. Ang matinding pangangailangan ng nilikha sa patnubay
Niya, panustos Niya at kapatawaran Niya.