Mga Artikulo




75


Ayon kay Abú Dharr (RA): “Narinig niya ang Sugo ni


Alláh (SAS) na nagsasabi: Ang sinumang magtaguri sa


isang tao ng Kufr o magsabi: ‘Kaaway ni Alláh,’ gayong


hindi naman ito ganoon, magbabalik iyon sa kanya.”


Iniulat nina Imám al-Bukari at Imám Muslim.


Ayon kay Abú Mulayh, ayon sa isang lalaking nagsabi:


“Ako ay minsang angkas ng Propeta (SAS) nang matisod


ang kamelyo niya kaya nagsabi ako: Masawi si Satanas!


Kaya nagsabi siya: Huwag kang magsabing ‘Masawi si


Satanas’ dahil lalaki siya hanggang sa maging tulad ng


bahay at magsasabi pa siya: ‘Sa pamamagitan ng lakas ko


ay naibuwal ko siya.’ Sa halip ay magsabi ka ng Bismilláh


dahil tunay na kapag sinabi mo iyon ay manliliit siya


hanggang sa maging tulad ng langaw.” Iniulat ni Imám


Ahmad.


Mga Aral


1. Ang pagbabawal na tawaging Kafir ang isang Muslim.


2. Ang pagbabawal na tawaging kaaway ni Alláh ang isang


Muslim.


3. Ang pagtaguri sa pamamagitan ng dalawang nabanggit na


ito ay babalik sa nagsabi nito sa taong hindi karapat-dapat


sa katawagang ito.


4. Ang pagbabawal na magsabi ng: Masawi si Satanas at


ang payong magsabi ng Bismilláh sa halip niyon.


54. Ang Kabutihan ng Pakikibaka


Sinabi ni Alláh (61:10-11): “O mga sumampalataya,


magtuturo ba Ako sa inyo ng isang palitan na magliligtas


Mga Pang-araw-araw na Aralin


76


sa inyo sa isang masakit na pagdurusa? Sumampalataya


kayo lagi kay Alláh at sa Sugo Niya, at makibaka kayo


sa landas ni Alláh sa pamamagitan ng mga yaman ninyo


at sa pamamagitan ng mga sarili ninyo. Iyan ay mabuti


para sa inyo, kung inyong nalalaman.”


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Tinanong ang


Sugo ni Alláh SAS): Aling gawain ang mainam? Nagsabi


siya: Pananampalataya kay Alláh at sa Kanyang Sugo.


Sinabi pa: Pagkatapos ay alin pa po? Nagsabi siya: Ang


Pakikibaka sa Landas ni Alláh. Sinabi pa: Pagkatapos ay


alin pa po? Nagsabi siya: Hajj na pinagpala.” Iniulat nina


Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.


Ayon kay Anas (RA): “Ang Sugo ni Alláh (SAS) ay


nagsabi: Talaga namang ang isang umagang [ginugol]


sa Pakikiba sa Landas ni Alláh o isang gabi ay higit na


mainam kaysa sa mundo at anumang nasa ibabaw nito.”


Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni ‘Abdurrahmán Ibn Jubayr (RA):


“Nagsabi ang Sugo ni Alláh (SAS): Hindi naalikabukan


ang dalawang paa ng isang lingkod [ni Alláh] sa Landas


ni Alláh para lamang salingin ito ng Impiyerno.”21 Iniulat


ni Imám al-Bukhárí.


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah: “May nagsabi: O


Sugo ni Alláh, ano po ang makatutumbas sa Pakikibaka sa


Landas ni Alláh? Nagsabi siya: Hindi ninyo makakaya iyon.


Inulit nila sa kanya nang makalawa ulit o makatatlo. Sa


21 Kapag humayo ang isang tao dahil sa pakikibaka alang-alang kay Alláh


ay hindi siya masasaling ng Impiyerno.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


77


tuwina niyon ay sinasabi niya: Hindi ninyo makakaya iyon.


Pagkatapos ay nagsabi siya: Ang halimbawa ng Nakikibaka


sa Landas ni Alláh ay katulad ng isang nag-aayuno, na


nagdarasal [nang tuloy-tuloy,] na sumusunod sa mga


kapahayagan ni Alláh, na hindi nanghihina [ang sigla]


sa pagdarasal at pag-aayuno hanggang sa dumating ang


Nakikibaka sa Landas ni Alláh.” Iniulat nina Imám al-


Bukhárí at Imám Muslim.


Mga Aral


1. Ang kadakilaan ng Pakikibaka sa Landas ni Alláh.


2. Ang Pakikibaka ay kabilang sa mga mainam na gawain.


3. Ito ay isang dahilan sa kaligtasan sa Impiyerno.


55. Ang Gantimpala ng Martir at Nakikibaka


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Gumarantiya si Alláh sa sinumang


humahayo sa landasin Niya. [Sinabi Niya:] Kung walang


nagpahayo sa kanya kundi ang pakikibaka sa Landas Ko,


ang pananamapalataya sa Akin, at paniniwala sa mga


sugo Ko, siya ay ginagarantiyahan Ko na papapasukin


Ko siya sa Paraiso o pauuwiin Ko siya sa bahay na


nilabasan niya dala ang natamo niyang gantimpala o


nasamsam sa digmaan.22 Sumpa man sa Kanya na ang


kaluluwa ni Muhammad ay nasa kamay Niya, walang


22


Ang Salita ni Alláh ay dalawang uri: ang Salita Niya na nasasaad sa Qur’an at


ang Salita Niya na hindi nabanggit sa Qur’an ngunit sinabi ng Propeta Muhammad


(SAS) o binanggit nito sa Hadíth na sinabi Niya. Ang una ay tinatawag na áyah


at ang ikalawa ay tinatawag na Hadíth Qudsí o Banal na Hadíth. Ang Tagapagsalin.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


78


anumang sugat na ikinasugat sa Landas ni Alláh na hindi


pupunta sa araw ng Pagkabuhay gaya ng anyo nito noong


araw na nasugatan: ang kulay nito ay kulay ng dugo at


ang amoy nito ay amoy ng Musk. Sumpa man sa Kanya na


ang kaluluwa ni Muhammad ay nasa kamay Niya, kung


hindi nga lamang mahirap para sa mga Muslim, hindi


sana ako nagpaiwan sa hulihan ng isang pulutong na


nakikipaglaban sa Landas kailanman. Subalit wala akong


tinataglay na yaman upang mabigyan sila ng sasakyan


at wala rin silang yaman [na magagamit sa pakikibaka].


Mahirap para sa kanila na magpaiwan sila sa halip na


ako. Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ni Muhammad


ay nasa kamay Niya, talagang ninais kong makipaglaban


ako sa Landas ni Alláh at mapatay muli ako at pagkatapos


ay makipaglaban muli akong mapatay at pagkatapos ay


makikipaglaban muli ako at mapatay muli ako.” Iniulat


ni Imám al-Bukhárí.


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Ang nararamdaman ng Martir na


hapdi ng kamatayan ay gaya lamang ng nararamdaman


ng sinuman sa inyo na hapdi ng kurot.” Iniulat ni Imám


at-Tirmidhí.


Ayon kay Anas (RA), ang Propeta (SAS) ay nagsabi:


“Walang sinumang papasok sa Paraisno na magnanais


pang bumalik sa Mundo kahit pa man ang bawat bagay


sa Mundo ay sa kanya na, maliban sa Martir: nagmimithi


siya na bumalik sa Mundo upang mapatay nang sampung


ulit alang-alang sa makikita niyang pagpaparangal.”


Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


79


Ayon kay ‘Abdulláh Ibn ‘Amr (RA): “Ang Sugo ni


Alláh (SAS) ay nagsabi: Patatawarin ni Alláh ang martir


sa lahat ng bagay maliban sa pagkakautang.” Iniulat ni


Imám Muslim.


Mga Aral


1. Ang kadakilaan ng kalagayan ng Pakikibaka at na ito ay


kabilang sa mga napakalaking mga dahilan ng pagpasok


sa Paraiso.


2. Ang kadakilaan ng gantimpala ng isangMartir at ang


pamapalubag-loob sa hapdi ng kamatayan niya.


3. Ang pag-aalay ng buhay alang-alang sa Islam ay ilan sa


napakalaking mga dahilan ng pagpapawi ng mga kasalanan.


56. Ilang Saloobin ng mga Sahábí sa Pakikibaka


Ayon sa sinabi ni Anas (RA): “Nagtuloy ang Sugo ni


Alláh (SAS) kasama ang mga kasamahan niya hanggang sa


naunahan nila ang mga Mushrik sa Badr. Nang dumating


na rin ang mga Mushrik ay nagsabi ang Sugo ni Alláh (SAS):


Walang sinuman mula sa inyo na susulong patungo sa


anumang bagay hangga’t hindi ako ang nasa una niya.


Lumapit ang mga Mushrik kaya nagsabi siya: Tumindig na


kayo patungo sa Paraiso na ang lawak nito ay [singlawak


ng pagitan ng] mga langit at lupa. Nagsabi si ‘Umayr Ibn


al-Himam: O Sugo ni Alláh, Paraiso na ang lawak nito ay


[singlawak ng pagitan ng] mga langit at lupa? Nagsabi siya:


Oo. Nagsabi naman ito: Magaling! Magaling! Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Ano ang nagtulak sa iyo sa pagsabi


mo ng Magaling Magaling? Nagsabi ito: Wala naman,


Mga Pang-araw-araw na Aralin


80


Sugo ni Alláh, kundi ang paghahangad na ako ay maging


kabilang sa mga mananahan doon. Kaya nagsabi siya: Kung


gayon, tunay na ikaw kabilang sa mga mananahan doon.


At inilabas nito ang mga datiles mula sa talanga23 nito at


nagsimulang kumain ng mga iyon. Pagkatapos ay nakipaglaban


ito sa kanila hangang sa mapatay.” Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Anas (RA): “Lumiban ang amain


ko na si Anas Ibn an-Nadr (RA) sa labanan sa Badr kaya


nagsabi siya: O Sugo ni Alláh, lumiban po ako sa unang


labanang nakipaglaban ka sa mga Mushrik. Talaga namang


kung si Alláh ay magpapadalo sa akin sa pakikipaglaban sa


mga Mushrik, talaga ngang makikita ni Alláh ang gagawin


ko. Noong araw na ng [labanan sa] Uhud at nagsitakbuhan


ang mga Muslim ay nagsabi siya: O Alláh, tunay na ako po


ay humihingi ng paumanhin sa Iyo sa anumang ginawa ng


mga ito—ang tinutukoy niya ang kanyang mga kasama—


at nagpapaubaya sa Iyo sa anumang ginawan ng mga ito


—ang tinutukoy niya ay ang mga Mushrik. Pagkatapos ay


sumulong siya at nakaharap si Sa‘d Ibn Mu‘ádh. Nagsabi


siya rito: O Sa‘d Ibn Mu‘ádh, ang Paraiso, sumpa man sa


Panginoon ni an-Nadr! Tunay na akin nang naaamoy ang


halimuyak niyon sa paanan ng [bundok ng] ‘Uhud. Nagsabi


si Sa‘d: Hindi ko kaya, O Sugo ni Alláh, ang ginawa niya


(Anas Ibn an-Nadr).” Nagsabi pa si Anas: “Natagpuan namin


sa kanya ang higit sa walumpong taga ng tabak o tusok ng


sibat o tama ng palaso. Natagpuan namin siyang napatay at


23 Sisidlan ng mga palaso


Mga Pang-araw-araw na Aralin


81


ginutay-gutay kaya walang nakakilala sa kanya ni isa man


kundi ang babaeng kapatid niya sa pamamagitan ng daliri


niya. Itinuturing namin o ipinagpapalagay namin na ibinaba


patungkol sa kanya, at sa mga gaya niya, ang áyah na ito


(33:32): Sa mga mananampalataya ay mayroong may


mga kalalakihang tinotoo ang ipinangako nila kay Alláh


hanggang sa katapusan ng áyah.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.


Ayon kay Shaddád Ibn al-Hád (RA): “Mayroong isang


lalaking kabilang sa mga Arabeng-disyerto ang dumating sa


Propeta (SAS). Sumampalataya ito sa kanya at sumunod


sa kanya. Pagkatapos ay nagsabi ito: Lilikas ako sa piling


mo. Tinagubilinan ng Propeta ang ilan sa mga Kasamahan


niya kaugnay rito. Nang magkaroon ng labanan ay may


nasamsam ang Propeta (SAS) kaya binahagi niya iyon at


binahagian niya rin ito. Ipinahawak niya sa mga kasamahan


niya ang ibinahagi niya para rito, na nagpapastol noon ng


mga kamelyo nila. Nang dumating ito ay ibinigay nila rito


iyon. Ngunit nagsabi ito: Ano ito? Nagsabi sila: Bahaging


ibinahagi para sa iyo ng Propeta. Kinuha nito iyon at dinala


sa Propeta (SAS) at nagsabi ito: Ano po ito? Nagsabi siya:


Ibinahagi ko para sa iyo. Nagsabi ito: Hindi dahil dito kaya


ako sumunod sa iyo, datapuwat sumunod ako sa iyo upang


tamaan ako rito–itinuro nito ang lalamunan nito–ng palaso


at mamatay ako at papasok ako sa Paraiso. Kaya nagsabi


siya: Kung totohanin mo si Alláh, totohanin Niya iyon sa


iyo. Nanatili sila ng mga ilang panahon at pagkatapos ay


yumao sila sa pakikipaglaban sa mga kaaway. Pagkatapos


ay binubuhat itong dinala sa Propeta; tinamaan ito ng palaso


Mga Pang-araw-araw na Aralin


82


sa bahaging itinuro nito. Nagsabi ang Propeta: Siya, siya


ba? Nagsabi sila: ‘Opo.’ Nagsabi siya: Tinotoo nito si Alláh


kaya tinotoo Niya iyon dito.” Iniulat ni Imám an-Nasá’í.


Mga Aral.


1. Ang lakas ng pananampalataya ng mga Sahábí (RA) at


ang pagkaibig nilang magpakamartir sa landas ni Alláh.


2. Ang katapangan nila at ang bilis ng pagkukusa nila na


gumawa ng mabuti.


57. Ang Kainaman ng Pagtugon sa Pangangailangan


ng Mga Kapwa Muslim


Ayon kay Ibn ‘Umar (RA), ang Sugo ni Alláh (SAS)


ay nagsabi: “Ang Muslim ay kapatid ng [kapwa] Muslim:


hindi niya ginagawan ito ng kawalang-katarungan at hindi


niya iniiwan ito sa alanganin. Ang sinumang tumutugon


sa pangangailangan ng kapatid niya, si Alláh ay laging


tutugon sa pangangailangan niya; ang sinumang magpawi


sa isang Muslim ng isang kapighatian, magpapawi si


Alláh ng isang kapighatian buhat sa mga kapighatian sa


araw ng Pagkabuhay na muli; ang sinumang magtakip


sa isang Muslim, pagtatakpan siya ni Alláh sa araw ng


Pagkabuhay na muli.” Iniulat nina Imám al Bukhárí at


Imám Muslim.


Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ayon sa sinabi ng Propeta


(SAS): “Ang sinumang mag-alis sa isang sumasampalataya


ng isang pighati, mag-aalis si Alláh sa kanya ng isang pighati


mula sa mga pighati sa araw ng pagkabuhay; ang sinumang


magpaginhawa sa isang nahihirapan, pagiginhawahin


Mga Pang-araw-araw na Aralin


83


siya ni Alláh sa Mundo at Kabilang-buhay; ang sinumang


magtakip sa isang Muslim, pagtatakpan siya ni Alláh sa


araw ng pagkabuhay. Si Alláh ay handa sa pagtulong sa


tao hangga’t ang tao ay handa sa pagtulong sa kapwa


niya. Kapag may nagtitipon na mga tao sa isang bahay


mula sa mga bahay ni Alláh, na binibigkas nila roon ang


Aklat ni Alláh at nagsisipag-aralan, bumababa sa kanila


ang kapanatagan, binabalot sila ng awa, pinaliligiran sila


ng mga anghel at binabanggit sila ni Alláh sa sinumang


nasa piling Niya. Ang sinumang pinabagal siya ng gawa


niya, hindi siya pabibilisin ng kaangkanan niya.” Iniulat


ni Imám Muslim.


Mga Aral


1. Ang kainaman ng pagsusumikap para tugunin ang mga


pangangailangan ng mga Muslim, lalo na ang mga mahirap


sa kanila dahil sa tindi ng pangangailangan nila.


2. Ang sinumang tumulong sa kapwa niya Muslim, si Alláh


ay laging handang tumulong sa kanya sa sandali ng kanyang


pangangailangan.


58. Ang Babala Laban sa mga Bid‘ah at ang


Tungkuling Sumunod sa Sugo (SAS)


Sinabi ni Alláh (3:31): “Sabihin mo: Kung kayo ay


umiibig kay Alláh ay sundin ninyo ako, iibigin kayo ni


Alláh at magpapatawad Siya sa inyo sa mga pagkakasala


ninyo.”


Sinabi pa Niya (4:65): “Kaya hindi nga, sumpa man


sa Panginoon mo, hindi sila sumasampalataya maliban


kung pinahahatol ka nila sa anumang pinagkahidwaan sa


Mga Pang-araw-araw na Aralin


84


pagitan sa kanila, pagkatapos ay hindi sila nakatatagpo sa


mga sarili nila ng isang pagtutol sa anumang ihinusga


mo at nagpapasakop sila nang tunay na pagpapasakop.”


Ayon sa sinabi ni ‘Á’ishah (RA): “Nagsabi ang Sugo


ni Alláh (SAS): Ang sinumang magpasok sa paniniwala


nating ito ng bagay na hindi naman bahagi nito, iyon ay


tatanggihan.” Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.


Sa isa namang sanaysay: “Ang sinumang gumawa ng isang


gawaing hindi nakabatay ito sa paniniwala natin, ito ay


tatanggihan.” Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni al-‘Irbád Ibn Sáriyah (RA): “Nangaral


sa amin ang Sugo ni Alláh (SAS) ng isang masidhing pangaral,


na natakot ang mga puso namin dahil doon at lumuha ang


mga mata dahil doon, kaya nagsabi kami: O Sugo ni Alláh,


iyan ay parang pangaral ng pamamaalam kaya tagubilinan


Mo po kami. Nagsabi siya: Itinatagubilin ko sa inyo ang


pangingilag na magkasala kay Alláh, ang pagdinig at ang


pagtalima kahit pa man pamunuan kayo ng isang alipin


na Ethiopiano. Tunay na ang sinumang mabubuhay [nang


matagal] sa inyo ay makakikita ng maraming salungatan


kaya naman bumatay kayo sa sunnah ko at sa sunnah ng


mga khalífah na matutuwid na napatnubayan. Sakmalin


ninyo ito ng mga bagang. Mag-ingat kayo sa mga gawagawang


bagay dahil ang bawat bid‘ah ay pagkaligaw.”


Iniulat nina Imám Abú Dáwúd at Imám at-Tirmidhí.


Ayon sa sinabi ni Jábir (RA): “Ang Sugo ni Alláh


(SAS) noon, kapag nangusap, ay nagsasabi: Tunay na ang


pinakamainam na salita ay ang Aklat ni Alláh at ang


pinakamainam na patnubay ay ang patnubay ni Muhammad


at ang pinakamasamang mga bagay-bagay [sa paniniwala]


Mga Pang-araw-araw na Aralin


85


ay ang mga gawa-gawa sa mga ito, at ang bawat bid‘ah


ay pagkaligaw.” Iniulat ni Imám Muslim.


Mga Aral


1. Ang pagbabawal sa paggawa ng bid ah sa relihiyon. Iyon


ay sa pamamagitan ng pag-uukol kay Alláh ng pagsambang


hindi isinabatas ng Sugo ni Alláh.


2. Na ito ay kabialng sa mga malalaking kasalanan at ang


gawang ito ay ibabalik sa gumawa nito.


3. Ang tungkuling mag-ingat laban sa lahat ng uri ng mga


bid‘ah at na ang mga ito ay masama at nauuwi sa pagkaligaw.


4. Na ang daan sa pagtamo sa pag-ibig at kapatawaran ni


Alláh ay ang pagsunod sa Sugo (SAS).


59. Ang Kainaman ng Panalangin Para sa Sugo (SAS)


Sinabi ni Alláh (33:56): “Tunay na si Alláh at ang


mga anghel Niya ay nagpapala sa Propeta. O mga


sumampalataya manalangin kayo para sa kanya at


batiin ninyo siya ng pagbati.”


Ayon kay ‘Abdulláh narinig niya ang Sugo ni Alláh


(SAS) na nagsasabi: “Ang sinumang dumalangin para sa


akin ng isang panalangin ng pagpapala, pagpapalain siya


ni Alláh sa pamamagitan niyon nang makasmpu.” Iniulat


ni Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Aws Ibn Aws (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Tunay na ang pinakamainam sa


mga araw ninyo ay ang araw ng Biyernes, kaya dalasan


ninyo ang pagdalangin para sa akin sa [araw na] ito dahil


ang panalangin ninyo ay inilalahad sa akin. Nagsabi sila:


O Sugo ni Alláh, paanong ilalahad ang panalangin namin


Mga Pang-araw-araw na Aralin


86


para sa iyo kapagka nalansag ka na? Nagsabi siya: Tunay


na si Alláh ay nagbawal sa lupa na [bulukin] ang mga


katawan ng mga propeta.” Iniulat ni Imám Abú Dáwúd.


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (RA): Huwag ninyong gawing ang puntod


ko na dausan ng ‘íd. Manalangin kayo para sa akin dahil


ang panalangin ninyo para sa akin ay nakararating sa


akin saanman kayo naroon.” Iniulat ni Imám Abú Dáwúd.


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Walang isa mang bumabati sa akin


nang hindi ibinabalik ni Alláh sa akin ang kaluluwa ko


upang tugunin ko rin siya ng pagbati.” Iniulat ni Imám


Abú Dáwúd.


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Kaaba-aba ang isang taong binanggit


ako sa kanya ngunit hindi siya dumalangin para sa akin.”


Iniulat ni Imám at-Tirmidhí.


Mga Aral


1. Kanais-nais ang pagdalangin para sa Sugo (SAS).


2. Kanais-nais ang madalas na panalanging iyon lalo na sa


araw ng Biyernes.


3. Ang gantimpala sa sinumang nanalangin para sa Sugo ni


Alláh (SAS).


60. Kabutihan ng Pagpapapalugit sa Nagigipit


Ayon sa sinabi ni Hudhayfah (RA): “Nagsabi ang Sugo


ni Alláh (SAS): Kinuha ng mga anghel ang kaluluwa ng


isang taong [nabuhay] noong wala pa kayo. Nagsabi sila:


‘May nagawa ka bang kahit anong mabuti?’ Nagsabi siya:


‘Wala.’ Nagsabi sila: ‘Alalahanin mo mo.’ Nagsabi siya:


Mga Pang-araw-araw na Aralin


87


‘Ako ay nagpapautang noon sa mga tao at inuutusan ko


ang mga utusan ko na palugitan nila ang nagigipit at


palampasin nila ang [pagkukulang ng] nakaluluwag.’”


Nagsabi siya: “Nagsabi si Alláh, ang Makapangyarihan


at ang Kapita-pitagan: Palampasin ninyo [ang kasalanan]


niya.” Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon kay Abú Hurayrah (RA) ang Sugo ni Alláh (SAS)


ay nagsabi: “May isang tao noon na nagpapautang sa mga


tao. Sinasabi niya sa utusan niya: ‘Kapag may pumunta


sa iyo na isang nagigipit, palampasin mo [ang kakulangan]


niya; harinawa’y palampasin ni Alláh [ang kakulangan]


natin. Nang nakatagpo niya si Alláh ay pinalampas Nito


[ang pagkukulang] niya.” Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon kay Abú Qatádah siningil niya ang nagkautang


sa kanya ngunit nagtago ito at pagkatapos ay natagpuan niya


ito at nagsabi ito: “Tunay na ako ay gipit.” Kaya nagsabi


siya: “Sumpa man kay Alláh?” Nagsabi ito: “Sumpa man


kay Alláh.” Nagsabi: “Tunay ngang narinig ko ang Sugo


ni Alláh (SAS) na nagsasabi: “Ang sinumang nalulugod


na iligtas siya ni Alláh mula sa mga kapighatian sa araw


ng Pagkabuhay ay magpalugit sa nagigipit o patawarin


siya [sa pagkakautang].” Iniulat ni Imám Muslim.


Mga Aral


1. Ang pagiging kanais-nais ng pagpapalugit sa nagigipit


o pagpapalampas sa pagkakautang niya.


2. Na ito ay isang dahilan sa pagkaligtas sa mga pighati sa


Araw ng Pagkabuhay.


3. Na ito ay isang dahilan para sa pagpapaumanhin ni Alláh


sa tao.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


88


61. Ang Ribá at ang Babala Laban Dito


Sinabi ni Alláh (2:275-276): “Ang mga nakikinabang


sa ribá ay hindi babangon kundi gaya ng pagbangon ng


ibinubuwal ng Demonyo dahil sa pagkabaliw. Iyan ay


dahil sila ay nagsabi na ang pagbibili ay gaya lamang ng


ribá. Ipinahintulot ni Alláh ang pagbibili at ipinagbawal


Niya ang ribá. Kaya ang sinumang dinatnan ng isang


pangaral mula sa Panginoon niya ay tumigil na at sa


kanya na ang nagdaan at ang pagpapatawad sa kanya ay


nasa kay Alláh na. Ang sinumang manumbalik, ang mga


iyon ang mga mananahan sa Apoy; sila ay doon mananatili.


Aalisan ni Alláh ng pagpapala ang ribá at palalaguin


Niya ang pinagkunan ng mga kawanggawa. Si Alláh ay


hindi umiibig sa bawat palatangging sumampalataya


na makasalanan.”


Sinabi pa Niya (2:278-279): “O mga sumampalataya,


mangilag kayong magkasala kay Alláh at iwan ninyo


ang anumang natira mula sa ribá kung kayo ay mga


Mananampalataya. Ngunit kung hindi ninyo gagawin,


tanggapin ninyo ang pahayag ng digmaan mula kay Alláh


at sa Sugo Niya.”


Ayon kay Abú Hurayrah, ang Propeta (SAS) ay nagsabi:


“Pangilagan ninyo ang pitong makapagpapahamak na


kasalanan.” Nagsabi sila: “O Sugo ni Alláh, at ano po ang


mga ito?” Sinabi niya: “Ang pagtatambal kay Alláh, ang


panggagaway, ang pagpatay sa buhay na ipinagbawal


ni Alláh [na patayin] maliban kung nasa katwiran, ang


pakikinabang sa ribá,24


ang paglustay sa ari-arian ng ulila,


24 Ang paggamit o pagtanggap ng patubo sa pautang.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


89


ang pagtalikod [sa pakikipaglaban] sa araw ng digmaan,


at ang paninirang-puri sa mga babaeng mararangal na


mananampalataya na inosente.” Iniulat nina Imám al-


Bukhárí at Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Ibnu Mas‘úd (RA): “Isinumpa ng


Sugo ni Alláh (SAS) ang kumakain ng riba at nagpapakain


nito.” Iniulat ni Imám Muslim.


Mga Aral


1. Ang pagdidiin sa babala laban sa ribá at na ito ay ilan


sa mga malalaking nakapagpapahamak na kasalanan.


2. Na ito ay nag-aalis ng biyaya at ang patuloy na kumakain


nito ay nakikipagdigma kay Alláh at sa Sugo Niya.


3. Na ang mga naghahanapbuhay sa pamamagitan ng ribá


ay mga isinumpa ayon sa pagkakasabi ng Sugo ni Alláh.


62. Ang Kabutihan ng Pagbigkas ng Qur’án


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Nanaisin ba ng sinuman sa inyo


kapag umuwi siya sa mag-anak niya na makasumpong


siya roon ng tatlong malalaki at matatabang buntis na


kamelyo? Sinabi namin: Opo. Nagsabi siya: Samakatuwid,


ang tatlong talata [ng Qur’án] na bibigkasin ng sinuman


sa inyo sa saláh niya ay mainam pa kaysa sa tatlong


malaking buntis na kamelyo.” Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni ‘Abdulláh Ibn Mas‘úd (RA): “Nagsabi


ang Sugo ni Alláh: Ang sinumang bumigkas ng isang titik


mula sa Aklat ni Alláh ay magtatamo ng isang nagawang


maganda. Ang nagawang maganda ay [may gantimpalang]


Mga Pang-araw-araw na Aralin


90


katumbas sa sampung tulad nito. Hindi ko sinasabing ang


alíf lám mím ay isang titik, manapa’y ang alíf ay isang


titik, ang lám ay isang titik at ang mím ay isang titik.”


Iniulat ni Imám at-Tirmidhí.


Ayon sa sinabi ni ‘Á’ishah (RA): “Nagsabi ang Sugo


ni Alláh: Ang bumibigkas ng Qur’án, at siya bihasa rito,


ay makasasama ng mga [anghel] na tagatala na marangal


na masunurin. Ang bumibigkas naman ng Qur’án na


nauutal samantalang nahihirapan siya ay magkakamit ng


dalawang [ulit na] gantimpala.” Iniulat ni Imám Muslim.


Mga Aral


1. Ang kabutihan ng pagbigkas o pagbabasa ng Qur’án.


2. Na ang pagbigkas o pagbasa ng bawat titik ay katumbas


sa isang magandang nagawa.


3. Na ang bihasa sa pagbigkas nito ay makasasama ng mga


tagatalang marangal na anghel sa Pariso.


4. Na ang sinumang nahirapan sa pagbigkas ay magtatamo


ng dalawang ulit na gantimpala.


63. Ang Súrah al-Baqarah at ang Súrah Ál ‘Imrán


Ayon kay Abú Hurayrah (RA) ang Sugo ni Alláh (SAS)


ay nagsabi: “Huwag ninyong gawin ang mga bahay ninyo


na mga libingan; tunay na ang Demonyo ay lumalayo


sa bahay na binibigkas doon ang Súrah al-Baqarah.”


Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Abú Umámah al-Báhilí (RA): “Narinig


ko ang Sugo ni Alláh (SAS) na nagsasabi: Bigkasin ninyo


ang Qur’án dahil ito ay darating sa araw ng pagkabuhay


Mga Pang-araw-araw na Aralin


91


bilang isang tagapamagitan sa mga bumibigkas nito.


Bigkasin ninyo ang dalawang manining: ang [Súrah]


al-Baqarah at ang Súrah Ál ‘Imrán dahil ang mga ito ay


darating sa araw ng Pagkabuhay na parang ang mga ito


ay dalawang ulap – o parang ang mga ito ay dalawang


lilim – o dalawang langkay ng mga ibon na nakabuka ang


mga pakpak, na mangangatuwiran sa mga bumibigkas


sa dalawang ito. Bigkasin ninyo ang Súrah al-Baqarah


dahil ang pagtangkilik nito ay biyaya at ang pag-iwan nito


ay hinagpis at hindi ito makakaya ng mga manggagaway.”


Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Abú Mas‘úd: “Nagsabi ang Propeta


(SAS): Ang sinumang bumigkas ng dalawang talata mula


sa huling bahagi ng Súrah al-Baqarah sa gabi, sapat na


ang dalawang ito para sa kanya.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.


Mga Aral


1. Ang kalamangan ng Súrah al-Baqarah at Súrah Ál ‘Imrán.


2. Na ang mga ito ay mangangatwiran sa araw ng pagkabuhay


para sa mga bumibigkas ng mga ito.


3. Na ang pagbigkas ng Súrah al-Baqarah ay nagtataboy sa


mga demonyo palayo sa bahay.


4. Ang kalamangan ng dalawang huling talata ng Súrah


al-Baqarah.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


92


64. Ang Kabutihan ng Kawanggawa at Paggugol


sa Landas ni Alláh


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Walang araw na dinadatnan ng


umaga ang isang tao na hindi bumababa ang dalawang


anghel at nagsasabi ang isa sa dalawa: ‘O Alláh, bigyan


Mo po ang gumugugol ng kabayaran;’ at nagsasabi ang isa


pa: ‘O Alláh, bigyan Mo po ang gahaman ng pagkawasak.”


Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Hindi nabawasan ng kawanggawa


ang isang yaman; walang idinagdag si Alláh sa isang tao


sa pamamagitan ng paumanhin kundi karangalan; at


walang sinumang nagpakumbaba kay Alláh na hindi siya


itinaas ni Alláh na Makapangyarihan na Kapita-pitagan.”


Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Ang sinumang magkawanggawa ng


katumbas sa isang datiles mula sa kinita mula sa mabuti,


yamang walang tinatanggap si Alláh kundi ang mabuti,


tatanggapin ito ni Alláh sa pamamagitan ng kanang kamay


niya at pagkatapos ay aalagaan Niya ito para sa may-ari


nito gaya ng pag-aalaga ng sinuman sa inyo sa isang guya


hanggang sa ito ay maging tulad ng bundok.” Iniulat nina


Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Ibn Mas‘úd (RA): “Nagsabi ang Sugo


ni Alláh (SAS): Walang kaiinggitan kundi ang dalawa:


taong binigyan ni Alláh ng yaman at ginugol nito naman


Mga Pang-araw-araw na Aralin


93


hanggang sa maubos ito sa katotohanan at taong binigyan


ni Alláh ng karunungan at siya naman ay humahatol sa


pamamagitan nito at nagtuturo nito.” Iniulat nina Imám


al-Bukhárí at Imám Muslim.


Mga Aral


1. Ang kabutiahan ng kawanggawa at paggugol sa landas


ni Alláh.


2. Na ang kawanggawa ay hindi tatanggapin ni Alláh kung


hindi mula sa kinitang buhat sa mabuti.


3. Na ang kawanggawa ay isang dahilan upang pagpalain


at palaguin ni Alláh ang yaman.


65. Ang Kabutihan ng Kawanggawa


Sinabi ni Alláh (4:114): “Walang mabuti sa madalas


na lihim na pag-uusap nila, maliban pa sa kanya na


nagtagubilin sa paggawa ng kawanggawa o mabuti o


pagkakasundo sa pagitan ng mga tao. Ang sinumang


gumawa niyon dahil sa paghahangad ng lugod ni Alláh


ay bibigyan Namin siya ng masaganang gantimpala.”


Sinabi pa Niya (34:39): “Ang ginugol ninyo mula sa


anumang bagay, Siya ay magpapalit nito.”


Ayon sa sinabi ni ‘Abdulláh Ibn ash-Shikhkhír (RA):


“Nadatnan ko ang Propeta (SAS) habang siya ay bumibigkas


ng [Súrah (102:1):] Inaabala kayo ng pagpaparamihan.


Sinabi niya: Nagsasabi ang anak ni Adan: ang ari-arian


ko, ang ari-arian ko; at mayroon ka ba, o anak ni Adan,


na anumang ari-arian mo maliban pa sa kinain mo at


naubos mo o isinuot mo na niluma mo, ikinawanggawa


mo na ipinauna mo?” Iniulat ni Imám Muslim.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


94


Ayon kay Abú Hurayrah (RA), ayon sa sinabi ng


Propeta (SAS): “Samantalang ang isang lalaki ay nasa


tigang na lupa ay nakarinig siya ng isang tinig sa ulap:


‘Patubigan mo ang hardin ni Polano.’ Pagkatapos ay


lumayo ang ulap at ibinuhos nito ang tubig nito sa isang


mabatong lupa. Walang anu-ano ay may isang daluyan


mula sa mga daluyang iyon na sumahod sa lahat ng tubig


na iyon. Kaya sinundan niya ang tubig at walang anu-ano


ay may lalaking nakatayo sa hardin nito na nagbabaling


ng tubig sa pamamagitan ng asarol nito. Kaya nagsabi


siya rito: ‘O lingkod ni Alláh, ano ang pangalan mo?’


Sinabi nito na Polano, na siya ring pangalan na narinig


niya sa ulap. Nagsabi ito: ‘O lingkod ni Alláh, bakit mo


ako tinatanong tungkol sa pangalan ko?’ Nagsabi siya:


‘Ako ay nakarinig ng isang tinig sa ulap na ito na ang


tubig niyon, na nagsasabi: ‘Patubigan mo ang hardin


ni Polano,’ na siya ring pangalan mo. Ano ang ginagawa


mo [sa biyaya] rito?’ Nagsabi ito: ‘Palibhasa yamang


sinabi mo ito, tunay na ako ay tumitingin sa tumutubo


mula rito; ikinakawanggawa ko ang ikatlong bahagi


nito, kinakain ko at ng mag-anak ko ang ikatlong bahagi


at ibinabalik ko rito ang ikatlong bahagi.” Iniulat ni


Imám Muslim.


Mga Aral


1. Ang kabutihan ng pagkakawanggawa.


2. Na ito ay isang dahilan ng paglago ng yaman at pagbaba


ng biyaya rito.


3. Na ang dapat na ikinakawanggawa ng isang Muslim ay


ang mula sa labis sa kanyang pangangailangan.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


95


66. Ang Kabutihan ng Pagkakawanggawa (2)


Sinabi ni Alláh (2:272): “Ang anumang ginugugol


ninyo na mabuti, ay para sa mga sarili ninyo.”


Ayon sa sinabi ni ‘Uqbah Ibn ‘Ámir (RA): “Narinig ko


ang Sugo ni Alláh (SAS) na nagsasabi: Ang bawat tao ay


nasa lilim ng kawanggawa niya hanggang sa mahatulan


na ang mga tao.” Iniulat ni Imám Ahmad.


Ayon kay ‘Adí Ibn Hátim (RA) ang Sugo ni Alláh (SAS)


ay nagsabi: “Pangilagan ninyo ang Impiyerno kahit sa


pamamagitan ng isang biyak na datiles.” Iniulat nina Imám


al-Bukhárí at Imám Muslim.


Ayon kay Abú Hurayrah (RA) ang Sugo ni Alláh (SAS)


ay nagsabi: “Kapag namatay ang anak ni Adan, napuputol


ang gawa niya maliban sa tatlo: kawanggawang tuloytuloy


o kaalamang napakikinabangan o matuwid na anak


na nananalangin para sa kanya.” Iniulat ni Imám Muslim.


Mga Aral


1. Na ang pagkakawanggawa isang dahilan upang maligtas


sa mga nakapangingilabot na bagay sa araw ng pagkabuhay.


2. Na ito isang dahilan upang maligtas sa Impiyerno kahit


kakaunti ang naibigay na kawanggawa.


3. Na ito ay kabilang sa mga gawaing nagpapatuloy ang


gantimpala sa nakagawa nito kahit pa patay na ito.


67. Ang Mainam sa Kawanggawa


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Ang Propeta


(SAS) ay nagsabi: Ang mainam sa kawanggawa ay ang


anumang ayon sa yaman. Magsimula ka sa sinumang


[tungkuling] tustusan mo.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


96


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “May dumating


na isang lalaki sa Sugo ni Alláh (SAS) at nagsabi: O Sugo


ni Alláh, aling kawanggawa ang pinakamalaki ang gantimpala?


Nagsabi siya: Na magkawanggawa ka habang ikaw ay


malusog, maramot, natatakot na maghirap at nagmimithi


na yumaman. Huwag mong ipagpaliban ito hanggang sa


maghingalo at saka magsasabi: ‘Para kay Polano ang


ganito, at para sa [isa pang] Polano ang ganito,’ gayong


mapupunta lamang iyon kay Polano [na tagapagmana


niya].” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.


Ayon sa sinabi ni Salmán Ámir (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Ang kawanggawa [na ibinigay] sa


dukha ay kawanggawa at kung ito naman ay [ibinigay]


sa kamag-anak ay magiging dalawa: kawanggawa at


pagtataguyod ng pagkakamaagnakan.” Iniulat ni Imám


Ahmad.


Mga Aral


1. Na ang kawanggawa na ibinigay sa mga kamag-anak ay


mainam kaysa sa ibinigay sa ibang tao.


2. Na ang mainam na kawanggawa ay ang ibinibigay ng


isang tao sa panahong siya ay malusog, umaasang


mabubuhay pa ng matagal at may pangamba pang baka


siya maghirap.


68. Ang Kainaman ng Paglilihim ng Kawanggawa


Sinabi ni Alláh (2:271): “Kung ilalantad ninyo


ang mga kawanggawa, kay inam ng mga ito; at kung


ikukubli ninyo ang mga ito at ibibigay ang mga ito sa


mga maralita, higit na mabuti iyon para sa inyo.”


Mga Pang-araw-araw na Aralin


97


Ayon kay Abú Hurayrah (RA) ang Propeta (SAS) ay


nagsabi: “May pitong [uri ng tao na] pasisilungin sila ni


Alláh sa lilim Niya sa araw na walang lilim kundi ang


lilim Niya: makatarungang pinuno; binatang lumaki sa


pagsamba kay Alláh; lalaking ang puso nito ay nakatali sa


mga masjid; dalawang taong nagmamahalan alang-alang


kay Alláh: nagkikita alang-alang sa Kanya at naghihiwalay


alang-alang sa Kanya; isang lalaking inanyayahan ng


isang babaeng may mataas na kalagayan at kagandahan,


ngunit nagsabi ito: ‘Tunay na ako ay natatakot kay Alláh’;


at isang taong nagkawanggawa ng isang kawanggawa na


ikinubli nito iyon upang hindi malaman ng kaliwa nito


ang ginugol ng kanan nito; at taong nang nakaalaala kay


Alláh habang nag-iisa ay nag-umupaw ang mga mata nito


[sa luha].” Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.


Mga Aral


1. Tunay na ang paglilihim ng pagbibigay ng kawanggawa


ay mainam kaysa paghahayag niyon.


2. Ang kainaman ng paglilihim nito at na magpapasilong


si Alláh sa araw ng Pagkabuhay sa lilim ng trono Niya sa


sinaumang naglilihim sa pagbibigay ng kawanggawa nito.


69. Ang Pagpapahintulot sa Hayagang Pagbibigay


ng Kawanggawa Kung Makabubuti Iyon


Ayon sa sinabi ni Jarír (RA): “Kami ay nasa tabi ng


Sugo ni Alláh noong minsang nagsisimula ang araw nang


may dumating sa kanya na mga tao na mga nakayapak, na


mga nakasuot ng mga tapis na batik-batik na lana at balabal,


Mga Pang-araw-araw na Aralin


98


na mga nakasukbit ang mga tabak, na ang karamihan sa


kanila ay kabilang sa [lipi ng] Mudarr – kung hindi man


lahat sila ay kabilang sa [lipi ng] Mudarr. Nagbago ang kulay


ng mukha ng Sugo ni Alláh (SAS) noong makita niya sa


kanila ang karukhaan. Pumasok siya [sa bahay] at lumabas.


Inutusan niya si Bilál. Nagsagawa ito ng adhán at nagsagawa


ng iqámah. Namuno siya sa saláh at pagkatapos ay nagsalita


siya. Sinabi niya (4:1):25 ‘O mga tao, mangilag kayong


magkasala sa Panginoon ninyo na lumikha sa inyo mula sa


nag-iisang tao, at nilikha Niya mula rito ang kabiyak nito,


at nagpalaganap Siya mula sa dalawang ito ng maraming


kalalakihan at kababaihan. Mangilag kayong magkasala


kay Alláh, na sa pamamagitan Niya ay naghihilingan


kayo, at sa mga kamag-anakan; tunay na si Alláh sa inyo


ay laging Tapagmasid.’ at ang áyah na nasa [Súrah] al-


Hashr (59:18): ‘O mga tao, mangilag kayong magkasala


kay Alláh. Pagmasdan ng tao ang nagawa niya para sa


kinabukasan. Mangilag kayong magkasala kay Alláh;


tunay na si Alláh ay Nakababatid sa anumang ginagawa


ninyo.’ [Pagkatapos nito] ay may taong nagkawanggawa ng


isang dínár, mayroong isang dirham, mayrong isang damit,


mayroong isang sá‘ ng trigo, at mayroong isang sá‘ ng datiles;


hanggang sa nagsabi siya: Kahit na kalahati ng isang datiles.


Kaya may dumating na isang lalaking kabilang sa Ansár na


may dalang supot na halos di-nakayang hawakan ng palad


niyon, bagkus di-nakaya nga. Pagkatapos ay nagsunuran


25


Ang mga pananalitang ito na mula sa Qur’an, 4:1 at 59:18, ay kadalasang


binibigkas ng Propeta (SAS) sa pagpapasimula ng talumpati.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


99


ang mga tao hanggang sa nakakita ako ng dalawang tumpok


ng pagkain at mga kasuutan, hanggang sa nakita ko ang


mukha ng Sugo ni Alláh (SAS) na nagniningning na para


bagang ginintuan. Nagsabi ang Sugo ni Alláh (SAS): Ang


sinumang nagpasimula sa Islam ng isang magandang


alituntunin ay magtatamo ng gantimpala rito at ng [gaya


sa] gantimpala ng mga gumawa nito kapag wala na siya,


nang walang nababawas na anuman sa mga gantimpala


nila; ang sinumang nagpasimula sa Islam ng isang


masagwang alituntunin, iaatang sa kanya ang kasalanan


dito at ang kasalanan ng mga gumawa nito kapag wala


na siya, nang walang nababawas na anuman sa mga


kasalanan nila.” Iniulat ni Imám Muslim.


Mga Aral


1. Ang pagpapahintulot sa pagpapahayag ng pagbibigay ng


kawanggawa kung makabubuti rin lamang.


2. Na ito ay hindi pagpapakitang-tao datapuwat pagbibigay


halimbawa sa paggawa ng mabuti.


70. Pagbabawal sa Panghihingi at Pagpapahintulot


sa Pagtanggap nang Hindi Humihingi at Dahil sa


Kagandahang-loob


Ayon sa sinabi ni ‘Abdulláh Ibn ‘Umar (RA): “Nagsabi


ang Propeta (SAS): Hindi titigil ang tao sa panghihingi sa


mga tao hanggang sa dumating siya sa araw ng pagkabuhay


na sa mukha niya ay wala nang isang kapiranggot na


laman.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.


Ayon sa sinabi ni Hakím Ibn Hizám: “Nanghingi ako


sa Sugo ni Alláh (SAS) at binigyan niya ako. Pagkatapos


Mga Pang-araw-araw na Aralin


100


ay humingi muli ako sa kanya at binigyan niya muli ako.


Pagkatapos ay humingi na naman ako sa kanya at binigyan


na naman niya ako. Pagkatapos ay nagsabi siya: O Hakím,


ang yaman ay sariwang bungang matamis. Ang sinumang


kumuha nito nang may pagmamagandang-loob ang sarili,


pagpapalain siya dahil dito; at ang sinumang kumuha nito


nang may karamutan ang sarili, hindi siya pagpapalain


dahil dito gaya ng isang kumakain ngunit hindi nabubusog.


Ang kamay na nagbibigay ay mainam kaysa sa kamay na


tumatanggap.” Iniulat ni Imám al-Bukhárí.


Ayon sa sinabi ni ‘Umar (RA): “Ang Sugo ni Alláh


(SAS) noon ay nagbibigay sa akin ng kaloob at sinasabi


ko naman: Ibigay mo po iyan sa higit na nangangailangan


niyan kaysa akin. Kaya naman nagsabi siya: Kunin mo iyan,


kung may anumang dumating sa iyo mula sa ari-ariang


ito, nang hindi ka nag-iimbot ni nanghihingi; kaya kunin


mo na ito at kapag wala namang dumating ay huwag


nang mismong ikaw pa ang maghabol nito.” Iniulat ni


Imám al-Bukhárí.


Mga Aral


1. Ang pagbabawal ng manghingi sa mga tao kung wala rin


lamang matinding pangangailangan.


2. Ang pagpapahintulot na tanggapin ang kaloob kapag


binigyaan nang hindi nanghihingi.


71. Ilang mga Katagang Ipinagbabawal


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh: Huwag ninyong laitin ang panahon dahil


tunay na si Alláh ang panahon.” ltinala ni Imám Muslim.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


101


Ayon kay Hudhayfah (RA), ang Propeta (SAS) ay


nagsabi: “Huwag kayong magsabing ‘Niloob ni Alláh at


ni Polano,’ sabihin ninyong ‘Niloob ni Alláh at pagkatapos


ay ni Polano.’” Iniulat ni Imám Ahmad.


Ayon kay Tufayl Ibn Sakhbarah (RA), ang Sugo ni


Alláh ay nagsabi: “Huwag kayong magsabi na ‘Niloob ni


Alláh at niloob ni Muhammad.’” Iniulat ni Imám Ahmad.


Mga Aral


1. Ang pagbabawal na laitin ang panahon.


2. Ang pagbabawal na magsabi na: “Niloob ni Alláh at


niloob ni Polano” bagkus ang dapat sabihin ay “Niloob ni


Alláh at pagkatapos ay ni Polano.”


72. Ang Paggunita sa Kamatayan at ang Pagbabawal


na Magmithi Niyon


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Dalasan ninyo ang paggugunita sa


[kamatayang] tagalipol ng mga sarap.” Iniulat ni Imám


at-Tirmidhí.


Ayon sa sinabi ni Anas (RA): “Nagsabi ang Sugo ni


Alláh (SAS): Huwag ngang mithiin ng sinuman sa inyo


ang kamatayan dahil sa kapinsalaan dumapo sa kanya,


ngunit kung hindi maiwasang magmithi niyon ay magsabi


siya: ‘O Alláh panatilihin Mo po akong buhay hangga’t


ang mabuhay ay mainam para sa akin at bawian Mo po


ako ng buhay kapag ang kamatayan ay mainam para sa


akin.” Iniulat nina Imám al-Bukhárí at Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Abú Hurayrah (RA): “Nagsabi ang


Sugo ni Alláh (SAS): Huwag mithiin ng sinuman sa inyo


Mga Pang-araw-araw na Aralin


102


ang kamatayan at huwag niyang ipanalangin ito bago


dumating ito sa kanya. Tunay na kapag namatay ang sino


man sa inyo, napuputol ang gawa niya. Tunay na walang


naidaragdag sa isang mananampalataya ang edad niya


kundi kabutihan.” Iniulat ni Imám Muslim.


Mga Aral


1. Ang pagiging kanais-nais ng madalas na paggunita sa


kamatayan.


2. Ang pagbabawal sa pagmimithi ng kamatayan kapag


dumapo ang mga kapighatian.


73. Ilang mga Alituntunin Kaugnay sa Paghihingalo


Ayon sa sinabi ni Abú Sa‘íd al-Khudrí (RA): “Nagsabi


ang Sugo ni Alláh (SAS): Ipabigkas ninyo sa mga


mamamatay sa inyo ang lá iláha illalláh (Walang Diyos


kundi si Alláh.).” Iniulat ni Imám Muslim.


Ayon sa sinabi ni Mu‘ádh Ibn Jabal (RA): “Nagsabi


ang Sugo ni Alláh (SAS): Ang sinumang ang huling salita


niya ay lá iláha illalláh, papasok siya sa Paraiso.” Iniulat


ni Imám Abú Dáwúd.


Ayon sa sinabi ni Jábir (RA): “Narinig ko ang Propeta


(SAS) bago siya yumao na tatlong ulit na nagsasabi: Huwag


ngang mamatay ang sinuman sa inyo kung wala siyang


mabuting saloobin kay Alláh.” Iniulat ni Imám Muslim.


Mga Aral


1. Ang kabutihan ng pagbigkas ng shahádatán.


2. Ang pagpapahintulot sa pagpapabigkas ng shahádatán


sa isang mamamatay sa pamamagitan ng pagpapaalaala


niyon sa sandali ng paghihingalo nito.


Mga Pang-araw-araw na Aralin


103


3. Ang pag-uutos na magkaroon ng magandang saloobin


kay Alláh.


74. Ang Batayan sa Pagtanggap sa mga Matuwid


na Gawa ay Alinsunod sa Pananampalataya na


Pinanghahawakan sa Huling Sandali ng Buhay


Ayon sa sinabi ni ‘Abdulláh Ibn Mas‘úd (RA): “Nagsalita


sa amin ang Sugo ni Alláh (SAS) at siya ang nagtototoo at


pinatotohanan: Tunay na ang bawat isa sa inyo ay tinitipon


sa sinapupunan ng ina niya sa loob ng [unang] apatnapung


araw. Pagkatpos siya ay nagiging isang namuong dugo26


sa loob ng [panahong] tulad din niyon. Pagkatapos siya


ay nagiging isang pirasong laman sa loob ng [panahong]


tulad din niyon. Pagkatapos ay magpapadala si Alláh sa


kanya ng isang anghel na may dalang apat na salita at


isusulat: ang gawa niya, ang taning niya, ang ikabubuhay


niya at kung magiging miserable o maligaya. Pagkatapos


ay iiihip sa kanya ang kaluluwa [niya]. Tunay na ang isang


tao ay talagang [maaaring] ginagawa niya ang gawain ng


isang mapupunta sa Impiyerno hanggang sa wala nang


nasa pagitan niya at nito kundi isang siko at maaabutan pa


siya ng nakasulat [na tadhana]. Pagkatapos ay gagawin


niya ang gawain ng isang mapupunta sa Paraiso kaya


naman papasok siya sa Paraiso. Tunay na ang isang tao


ay talagang [maaaring] ginagawa na niya ang gawain ng


isang mapupunta sa Paraiso hanggang sa wala nang nasa


pagitan niya at nito kundi isang siko at maaabutan pa siya


26 O animo’y linta.


Mga Pang-araw-araw na Aralin



Kamakailang Mga Post

Definição do Islã em ...

Definição do Islã em 7 minutos

Isang mensahe mula sa ...

Isang mensahe mula sa isang Muslim na mangangaral sa isang Kristiyanong

BIYAYA NG PAG-AAYUNO ...

BIYAYA NG PAG-AAYUNO NG ANIM NA ARAW NG SHAWAL

KINIKILALA NG MGA KRI ...

KINIKILALA NG MGA KRISTIYANONG ISKOLAR ANG MGA PAGKAKASALUNGAT SA BIBLIYA