Mga Artikulo




Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


3


أحكام الأطعمة


Ang mga Alituntunin


sa mga Pagkain


Ipinag-utos ni Allah sa mga


lingkod Niya ang pagkain ng mga


mabuting bagay at ipinag-bawal Niya


sa kanila ang mga masamang bagay.


Sinabi Niya (2:172): O mga


sumampalataya, kumain kayo mula


sa anumang mga mabuting bagay na


itinustos Namin sa inyo.


Ang pangkalahatang panuntunan


sa pagkain ay ang pagpapahintulot


maliban sa [ilang] ipinag-bawal. Si


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


4


Allah ay nagpahintulot sa mga mananampalatayang


lingkod Niya ng mga


mabuting bagay upang makinabang


sila sa mga ito. Hindi ipinahihintulot


na gumamit ng mga biyaya ni Allah


para sa pagsuway. Nilinaw nga ni


Allah sa mga lingkod Niya ang


ipinagbawal Niya sa kanila na mga


pagkain at mga inumin. Sinabi Niya


(6:119): samantalang puspusang


nilinaw na Niya sa inyo ang


ipinagbawal Niya sa inyo, maliban


doon sa napilitan kayo? Kaya ang


anumang hindi nilinaw ang


pagbabawal, ito ay halál


(ipinahihintulot ni Allah). Nagsabi


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


5


naman ang Propeta (SAS): Tunay na


si Allah ay nag-satungkulin ng mga


tungkulin kaya huwag ninyong


ipagpawalang-bahala ang mga ito,


nagtakda ng mga hangganan kaya


huwag nin-yong lampasan ang mga


ito, nagbawal ng ilang bagay kaya


huwag ninyong labagin ang mga ito,


nanahimik sa ilang bagay bilang


awa sa inyo hindi sanhi ng pagkalimot


kaya huwag na kayong mag-usisa


tungkol sa mga ito. (Isina-laysay ito


ni Imám atTabaráníy.)


Kaya ang lahat ng hindi nilinaw ni


Allah o ng Sugo Niya (SAS) ang


pagbabawal gaya ng mga pagkain,


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


6


mga inumin, at mga kasuutan ay hindi


ipinahihintulot na ipagbawal. Ang


pata-karan ay na ang bawat pagkain na


táhir na hindi nakapipinsala ay


ipinahihintulot, na taliwas naman sa


mga pagkaing najis1 gaya ng hayop na


patay, dugo, alak, sigarilyo, at bagay na


naha-luan ng najis sapagkat ang mga


ito ay ipinagba-bawal dahil


nakasasama at nakapipinsala. Ang


hayop na patay na ipinagbabawal ay ang


naalisan ng buhay nang hindi


[sumasailalim] sa pagkaka-tay na


1 Ang táhir ay ang itinuturing na malinis sa Islam at


ang najis naman ay ang itinuturin na marumi sa


Islam.


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


7


tanggap sa Islam. Ang dugo [na


ipinag-babawal] ay ang dugong


ibinububo palabas sa kinakatay. Ang


dugo namang naiiwan sa loob ng mga


ugat ay ipinahihintulot.


Ang mga ipinahihintulot na


pagkain ay nasa dalawang uri: mga


hayop at mga halaman. Ipina-hihintulot


mula sa mga ito ang anumang walang


dulot na pinsala. Ang mga hayop ay


nasa dala-wang uri: mga hayop na


nabubuhay sa lupa at mga hayop na


nabubuhay sa dagat. Ang hayop na


nabubuhay sa dagat ay halál sa


kalubusan at hindi humihiling para


rito ng pagkatay [ayon sa Islam]


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


8


yamang ipinahihintulot [pati] ang


hayop na patay ng dagat. Ang mga


hayop na nabubu-hay sa lupa ay


ipinahihintulot maliban sa ilang uri na


ipinagbawal ng Islam. Ang mga ito ay


ang sumusunod:


1. Ang asno na inaalagaan,


2. Ang may pangil na ipinansisila,


maliban sa hyena.


Ang mga ibon ay ipinahihintulot,


maliban sa sumusunod:


1. Ang may kukong ipinandadagit.


Nagsabi si Ibnu ‘Abbás (RA):


Ipinagbawal ng Sugo ni Allah (SAS)


ang bawat may pangil na kabilang sa


mga mabangis na hayop at ang


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


9


bawat may kukong ipinaninila na


kabilang sa mga ibon. (Isinalaysay


ito ni Imám Muslim: 1934.)


2. Ang kumakain ng patay gaya ng


agila, buwitre, at uwak dahil sa


pagkarimarim ng kinakain nito.


Ipinagbabawal ang pinandidirihan gaya


ng ahas, daga, at mga kulisap [maliban


sa balang].


Ang iba pa sa nabanggit na mga


hayop at mga ibon ay halál gaya ng


kabayo, hayupan,2 manok, asnong


2 Mga inaalagaang hayop na kumakain ng damo gaya


baka, kalabaw, kambing, kamelyo, at iba pa.


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


10


ligaw, dabb,3 ostritch, kuneho, usa, at


iba pa. Hindi kabilang sa mga ito ang


jallálah: ang hayop na bagaman halál


ngunit ang karamihan sa kinakain ay


najis. Ipinagba-bawal kainin ang


jallaláh hanggang hindi ito


ikinukulong nang tatlong araw at


pinakakain ng pagkaing táhir lamang.4


3 Isang uri ng iguana o kabilang sa uring iguana na


nanini-rahan sa disyerto ng Arabia. Hindi ito


bayawak.


4 Hayop na hindi nakakulong at hinayaang


gumala-gala kaya naman nakakakain ng marumi at


najis.


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


11


Makrúh5 ang pagkain ng sibuyas,


bawang, at mga gaya nito na may


masamang amoy kapag papasok sa


masjid. Ang sinumang mapipilitang


kumain ng pagkaing ipinagbabawal,


dahil pina-ngangambahan ang isang


kapinsalaan kung hindi kakain nito, ay


pinahihintulutan [na kumain anumang]


makapagpapanatili ng buhay


niya6 mali-ban sa lason.


Ang sinumang mapadaan sa mga


bungang-kahoy sa isang pataniman na


5 Hindi harám ngunit hindi rin kanais-nais. Hindi


nagkakasala ang gumagamit o ang gumagawa ng


makrúh.


6 Halimbawa: kung walang makain kundi baboy at


baka ikamatay ang hindi pagkain nito.


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


12


nasa punong-kahoy nito o naglaglagan


sa mga ito at walang anumang


nakabakod sa mga ito at wala ring


nakabantay, ipinahihintulot sa kanya


na kumain mula rito ngunit hindi siya


magdadala ng anuman mula roon.


Wala siyang karapatang umakyat sa


punong-kahoy ni mambabato ng


anuman ni kumain mula sa


nakatumpok na bunga malibang


bunsod ng pangangailangan.


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


13


Ang mga Alituntunin sa


Pagkakatay


Tunay na bahagi ng kundisyon ng


pagiging halál ng hayop na panglupa ay


ang pagiging naka-tay nito ayon sa


Batas ng Islam. Ang pagkakatay ayon


sa Islam ay ang pagkakatay ng


panglupang kinakaing hayop sa


pamamagitan ng paglalaslas sa


lalamunan (daanan ng hangin


papuntang baga) at esopago (daanan ng


pagkain at inumin), o [sa pamamagitan


ng] pagsusugat sa [alinmang bahagi ng


katawan ng hayop na] mahirap


[katayin]. Hindi magiging halál ang


anumang bahagi ng hayop na makakaya


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


14


namang katayin ngunit hindi kinatay


[ayon sa Islam] dahil ang hindi kinatay


ay hayop na patay.7


Mga Kundisyon sa


Pagkakatay


1. Ang kaangkupan ng tagapagkatay.


Siya ay may lubos na pag-iisip na


may makalangit na relihiyon gaya


ng Muslim o Kristiyano o Hudyo.


Kaya naman hindi ipinahihintulot


ang kinatay ng isang baliw o isang


lango8 o isang batang hindi pa


tumuntong sa sapat na gulang


7 Namatay nang hindi sadyaang kinatay.


8 Lasing sa alak o bangag sa gamot.


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


15


dahil hindi magiging tanggap sa


mga ito ang layunin na magkatay


dahil sa kawalan ng kalubusan ng


pag-iisip nila. Hindi rin magiging


halál ang kinatay ng isang Káfir


na pagano o Mazdaista9 o


sumasamba sa patay.


2. Ang pagkakaroon ng kagamitan.


Ipinahi-hintulot ang pagkatay sa


pamamagitan ng bawat matalas


[na bagay] na nakapagpapa-danak


ng dugo dahil sa katalasan,


9 Mago ang isa pang tawag sa isang Mazdaista na


kaanib ng Mazdaismo. Ang relihiyong Mazdaismo ay


isang anyo ng Zoroasterianismo, ang relihiyong


itinatag ni Zoroaster o Zarathustra na Persiano.


Ang Tagapagsalin.


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


16


maging ito man ay yari sa bakal o


yari sa bato o iba pa rito, maliban


sa ngipin, buto, at kuko sapagkat


hindi ipinahihintulot ang magkatay


sa pamamagitan ng mga ito.


3. Ang paglalaslas ng lalamunan na


siyang daanan ng hangin


papuntang baga, ng eso-pago na


siyang daanan ng pagkain at


inumin, at ng isa sa dalawang


malaking ugat sa leeg.


Ang katwiran sa pagtatakda sa


bahaging ito at sa pagputol sa mga


bagay na ito higit sa lahat ay


alang-alang sa paglabas ng dugo


dahil ang bahaging ito ay tagpuan


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


17


ng mga pangunahing ugat at dahil


sa iyon ay pina-kamabilis sa


pagkitil ng buhay, kaya naman ito


ay higit na kaaya-aya para sa


karne at higit na maginhawa para


sa hayop.


Ang anumang hindi


magawang katayin sa bahaging


nabanggit dahil sa kawalan ng


kakayahang magawa iyon gaya ng


sa mailap na hayop at tulad nito,


ang pagkatay rito ay sa


pamamagitan ng pagsusugat sa


alin-mang bahagi ng katawan


nito. Ang hayop na mamatay gaya


ng nasakal, hinambalos (pinalo


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


18


ng isang mabigat na bagay),


nalag-lag (bumagsak mula sa


mataas na bagay), sinuwag, at


anumang sinila ng hayop na


naninila, ito ay ipinahihintulot


kainin sa kundisyon na naabutan


ito habang may natitirang buhay


pa at makakatay pa.


4. Na magsasabi ang tagapagkatay


ng bismi lláh


bago magkatay.


Sunnah na sabihin ang Alláhu


akbar kasama ng bismi lláh.


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


19


Mga Kaasalan sa Pagkakatay


1. Makrúh na katayin ang hayop ng


mapurol na kasangkapan.


2. Makrúh na hasain ang


kasangkapan habang ang hayop ay


nakatingin.


3. Makrúh na iharap ang hayop sa


iba pa sa Qiblah.


4. Makrúh na baliin ang leeg nito o


balatan ito bago tuluyang


namatay.


Ang sunnah ay na katayin ang


baka at ang tupa [o kambing] habang


nakahiga sa kaliwang tagiliran nito at


ang kamelyo habang nakatayong


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


20


nakagapos ang kaliwang kamay nito.


Si Allah ay higit na nakaaalam.


Ang Pangangaso


Ipinahihintulot ang pangangaso


kapag ito dahil sa pangangailangan,


samantalang kapag para naman sa


paglilibang at paglalaro, ito ay


makrúh. Ang hayop na mailap,


matapos mata-maan at mahuli ito, ay


may dalawang kalagayan:


1. Na maaabutan ito habang ito ay


may buhay pa kaya ito ay


kailangang katayin;


2. Na maaabutan ito na namatay na


o buhay nga ngunit nag-aagawbuhay


na at ito ay magiging halál


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


21


pa rin sa kalagayang ito [kahit hindi


nakatay].


Isinasakundisyon para sa


nangangaso ang isinasakundisyon


para sa nagkakatay:


1. Na siya ay may lubos na pagiisip,


isang Muslim o isang


Kristiyano o isang Hudyo. Kaya


naman hindi magiging halál para


sa Muslim na kumain mula sa


ipinangaso ng isang baliw o isang


lasing ni sa ipinangaso ng isang


Mazadista o isang pagano at tulad


nila na mga Káfir.


2. Isinasakundisyon sa kasangkapan


na ito ay pinatalas, na


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


22


nakapagpapadanak ng dugo at


hindi gawa sa kuko ni ngipin


(lahat ng mga uri ng mga buto), na


susugatan ang ipi-nangangaso sa


pamamagitan ng katalasan niyon


hindi ng kapurulan niyon. Ang


mga ipinangangasong hayop gaya


ng mga aso at mga ibon na


ipinangangaso ay ipinahi-hintulot


kainin ang pinatay ng mga ito na


hayop na pinangagaso kapag ang


mga ito ay turuan. Turuan ang


hayop kung kapag pinawalan ito


ay humahayo ito at kapag


nakakuha ito ng hayop ay


pinipigilan nito iyon para sa mayAng


mga Alituntunin sa mga Pagkain


23


ari nito hanggang sa pumunta


siya rito at hindi nito pinipigilan


iyon para sa sarili nito.


3. Na pawawalan ang sandata habang


naglala-yong patamaan ang hayop.


Kaya kung nalag-lag ang sandata


mula sa kamay at nakapa-tay ito


ng isang hayop, hindi magiging


halál [ang tinamaan] dahil sa


kawalan ng layuning patamaan


iyon. Ganoon din naman kung


kumawala nang saganang sarili


ang aso at nakapatay ng isang


hayop, hindi magiging halál [ang


napatay] dahil sa hindi pagpapawala


rito ng may-ari nito at


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


24


kawalan ng layunin niya. Ang


sinumang tumudla sa isang hayop


ngunit tumama sa iba roon o


nakapatay ng isang pangkat ng


mga hayop, magiging halál pa rin


ang tinamaan.


4. Ang pagsambit ng ngalan ni Allah


sa pagpa-pawala ng bala o


nangangasong hayop sa


pamamagitan ng pagsabi ng bismi


lláh


at sunnah na sabihin kasama


nito ang Alláhu akbar.


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


25


Paalaala


Ipinagbabawal ang pag-aalaga ng


aso ayon sa layuning iba sa


ipinahintulot ng Sugo ni Allah (SAS).


Ito ay isa sa tatlong bagay: para sa


panga-ngaso o para sa pagbabantay


ng mga alagang hayop o para sa


pagbabantay ng mga pananim.


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


26


Ang Magandang Asal


sa Pagkain at Pag-inom


Itinuturing ng Muslim na ang


pagkain at inumin ay daan lamang na


maghahatid sa isang layunin at hindi


ang mismong layunin. Kuma-kain siya


at umiinom nang sa gayon ay mapanatili


niya ang kalusugan ng kanyang


katawan na sa pamamagitan nito ay


nasasamba niya si Allah. Ang


pagsambang iyon ay nagbibigay sa


kanya ng karapatang matamo ang


tahanan sa Kabilang-buhay at


mamuhay na maligaya roon.


Hindi siya kumakain at umiinom


alang-alang sa pagkain, inumin, at


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


27


sarap ng mga ito. Kaya naman kung


hindi rin lamang siya nagugutom ay


hindi siya dapat kumain, at kung hindi


siya nauuhaw ay hindi rin siya dapat


uminom. Naisa-laysay na ang Propeta


(SAS) ay nagsabi: Tayo ay mga taong


hindi kakain malibang nagugu-tom,


at kapag kumain naman tayo ay


hindi nagpapakabusog. Dapat sundin


ng isang Muslim sa pagkain at paginom


ang mga magandang asal na


itinatagubilin ng Islam.


Bago Kumain


1. Na pipiliin ang nakabubuting


pagkain at inumin sa pamamagitan


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


28


ng paghahanda ng mga ito buhat sa


mga bagay na halál, naka-bubuti,


at hindi nahahaluan ng anumang


bagay na harám o nakapagdududa


(kung harám o hindi). Batay ito sa


sinabi ni Allah (2:172): O mga


sumampalataya, kumain kayo


mula sa anumang mga


mabuting bagay na itinustos


Namin sa inyo. Ang


nakabubuting bagay ay ang halál


na hindi marumi at hindi


nakadidiri.


2. Na ang lalayunin sa pagkain at


pag-inom ay ang ikalalakas ng


katawan upang masamba si Allah


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


29


nang sa gayon ay magtamo ng gantimpala


sa kinain at ininom. Ang


gawaing ipinahihintulot, sa


pamamagitan ng mabu-ting


layunin, ay magiging isang


pagsamba kay Allah na may


nakalaang gantimpala.


3. Na huhugasan ang mga kamay bago


kumain kung ang mga kamay ay


may dumi o hindi natitiyak ang


kalinisan ng mga ito.


4. Na kung kumakain sa lapag ay uupo


na nag-papakumbaba — uupo


nang paluhod sa dalawang paa o


uupo sa kaliwang paa habang


nakatukod ang kanang binti — gaya


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


30


ng gina-gawang pag-upo ng Sugo ni


Allah (SAS). Nagsabi ng Sugo


(SAS): Hindi ako kuma-kain na


nakatukod ang kamay sa sahig.


Ako ay isang alipin[ni Allah]


lamang na kumakain kung


papaanong kumakain ang isang


alipin, at ako ay umuupo kung


papaanong umuupo ang isang


alipin.


5. Na magkakasya sa kung ano ang


pagkain nakahanda. Na hindi ito


pipintasan. Kung magugustahan


ay kakainin at kung hindi


magustuhan ay huwag kainin.


Batay ito sa Hadíth na isinalaysay ni


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


31


Abú Hurayrah (RA): Walang


pagkaing pinintasan ang Propeta


(SAS). Kung naiibigan niya ay


kinakain niya, at kung hindi niya


maibigan ay ini-iwan niya ito.


6. Na kakain na may kasamang iba pa


gaya ng panauhin o kamag-anak o


utusan. Batay ito sa isang Hadíth:


Magtipon kayo sa pagkain ninyo


at magsabi kayo ng bismi lláh,


pag-papalain Niya kayo sa


pagkain ninyo.


Habang Kumakain


1. Na sisimulan ang pagkain sa


pagsabi ng bismi lláh.


Batay ito


sa sinabi ng Propeta (SAS): Kapag


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


32


kakain ang sinuman sa inyo ay


banggitin niya ang pangalan ni


Allah. Kapag nalimutan niyang


banggitn ang pangalan ni Allah


sa simula ng pagkain niya ay


sabihin niya: bismi lláh


awwalahu


wa ákhirahu.10


2. Na kakain (kung nagkakamay) sa


pamama-gitan nang tatlong daliri


(hinlalaki, hintuturo, at hingigitna)


ng kanang kamay. Liliitan ang subo


at ngunguyain nang maigi, kakainin


ang nasa malapit at hindi ang nasa


malayo. Batay ito sa sinabi ng


10 Sa ngalan ni Allah, sa simula at sa katapusan.


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


33


Propeta (SAS): Anak, sabi-hin mo


ang bismillah, kumain ka sa


pama-magitan ng kanang kamay,


at kainin mo kung ano ang


malapit sa iyo.


3. Na pag-iigihin ang pagnguya at


sasairin ang laman ng plato pati


na ang naiwan sa mga daliri bago


punasan o hugasan ang kamay.


4. Na kapag nalaglag ang anuman sa


kinain, aalisin ang dumi at


kakainin.


5. Na hindi hihipan ang mainit na


pagkain, hindi ito kakainin hangang


hindi lumalamig-lamig nang


kaunti, hindi hihingahan ang tubig


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


34


habang iniinom, at hihinga nang


tatlong ulit habang ang ilong ay


hindi nakatapat sa baso. Batay ito


sa Hadíth na isinalaysay ni Ibnu


‘Abbás (RA). Ayon sa kanya, ang


Propeta (SAS) ay: “nagbawal na


huminga sa loob ng baso o ihipan


ang loob nito.”


6. Na iiwasan ang labis-labis na


pagkabusog. Batay ito sa sinabi ng


Propeta (SAS): Wala nang


pinupunong sisidlan ang isang


tao na higit na masama kaysa


kanyang tiyan. Sapat na sa anak


ni Adan ang mga maliit na subo


na pupuno sa pangangailangan


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


35


ng katawan niya. Kung hindi


niya iyon magawa, ang ikatlong


bahagi [ng tiyan] ay para sa


pagkain niya, ang ikatlong


bahagi ay para sa inumin niya,


at ang ikatlo ay para sa paghinga


niya.


7. Na hindi mauunang magsimulang


kumain o uminom kung sa hapag


ay may kasamang lalong karapatdapat


na paunahin dahil sa


katandaan o pagtataglay ng


kahigitan sa iba sapagkat ang


gayon ay nakasisira sa mga


magandang asal at ang gumagawa


nito ay mapagkakamalang


matakaw.


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


36


8. Na hindi titingnan ang mga


kasama habang kumakain at hindi


sila babantayan sapagkat mahihiya


sila. Dapat pang ngang hindi ituon


ang paningin sa mga kumakaing


kasama at huwag silang


pagmamasdan dahil baka ikayamot


nila iyon.


9. Na hindi gagawin ang karaniwang


pinandi-dirihan ng mga tao. Kaya


huwag ipapagpag sa plato ang


[natitirang pagkain sa] kamay at


huwag ilalapit ang ulo sa plato


habang kumakain at sumusubo


upang walang anu-mang buhat sa


bibig ang malalag sa plato. Ang


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


37


anumang kinagatan ay hindi


ibabalik sa plato (kung samasamang


kumakain sa iisang plato).


Hindi rin magsasalita ng mga


salitang ang ipinahihiwatig ay ang


mga marumi sapagkat baka


ikayamot iyon ng ilan sa mga


kasama. Ang pangyayamot sa


kapwa Muslim ay ipinagbabawal.


Matapos Kumain


1. Na hihinto sa pagkain bago tuluyang


mabusog bilang tanda ng pagtulad


sa Sugo (SAS) at upang huwag


maimpatso.


2. Na sasairin ang natirang pagkain


sa kamay at pagkatapos ay


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


38


pupunasan o huhugasan ang


kamay. Ang paghuhugas ng kamay


ay siyang karapat-dapat at lalong


mainam.


3. Na pupulutin ang mga nahulog na


pagkain habang kumakin sapagkat


ito ay tanda ng pagpapasalamat sa


biyaya.


4. Na aalisin ang tinga sa mga ngipin,


magmu-mumog upang maalis ang


amoy ng pagkain sa bibig sapagkat


ang bibig ay ginagamit sa


pagsambit kay Allah at sa


pakikipag-usap sa kapwa tao, at


sapagkat ang kalinisan ng bibig ay


Ang mga Alituntunin sa mga Pagkain


39


nagpapanatili ng kalusugan ng


ngipin.


5. Na magpupuri kay Allah


pagkatapos kumain at uminom sa


pamamagitan ng pagsabi ng


Alhamdu lilláh11 o alhamdu


lilláhi lladhí


at‘amaní wa saqání


min ghayri hawlim minní wa lá


qúwah.12


11 Ang papuri ay ukol kay Allah.


12 Ang papuri ay ukol kay Allah na nagpakain sa


akin at nagpainom nang walang lakas mula sa akin


ni kapangya-rihan.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG