Paano natin sasalubungin ang buwan ng Ramadhan?
1
بسم الله الرحمن الرحيم
Paano natin sasalubungin ang buwan ng Ramadhan?
Mga Kapatid sa pananamlatayang Islam!
Ang isang mabuting tao, kapag dumating sa kanya ang isang marangal
na bisita, ay kanya itong tinatanggap at ginagalang. Paano pa kaya kung
ang bisita na darating ay bibit para sa atin ang mga dakilang kabutihan
at maraming pagpapala?
Tunay na ang mabuting pagsalubong natin sa buwan Ramadhan ay
isang palatandaan ng Taqwah o pagkatakot sa Allah, at isang
palatandaan ng mabuting pakikitungo natin sa ating Panginoon, ang
Allah , at ito rin ay isang palatandaan ng pagdakila natin sa mga
simbolo ng Allah , tulad ng sinabi ng Allah :
ذََٰلِكَ وَمَن ي عَُظِ مْ شَعَائِرَ ا ه للَِّ فَإِهنََّا مِن تَ قْوَى الْقُلُوبِ
{Ganoon nga. Sinumang magdakila sa mga sagisag ng Allah ay tunay
na ito ay mula sa pagkatakot ng puso} [Hajj:32]
At kabilang sa mga katuruan ng Propeta Muhammad sa pagsalubong
ng buwang ng Ramadhan; siya ay nagbibigay ng magandang balita sa
kanyang mga Sahabah sa pagdating ng buwan na ito, at ipinapaalala sa
kanila ang mga kahigitan at alintuntunin ng buwan na ito.
Sinabi ni Abu Hurayrah : (Ang Sugo ng Allah ay nagbibigay ng
maganda balita sa kanyang mga Sahabah sa pagdating ng buwan ng
Ramadhan, kanyang sinasabi:
Paano natin sasalubungin ang buwan ng Ramadhan?
2
buwan ng Ramadhan, buwan na
ipinagpala, at ipinag-utos sa inyo ng Allah na mag-ayuno kayo sa
buwan na ito, at dito binubuksan ang mga pintuan ng Paraiso at
isinasara rito ang mga pituan ng Impiyerno, at ginagapos dito ang
mga Shaytan, at sa buwan na ito ay may isang gabi na mas mainam
pa sa isang libong buwan, at sinumang pinagkaitan ng kabutihan
[Inulat ni Ahmad].
Mga Kapatid sa pananamlatayang Islam!
Kabilang sa mga palatandaan ng mabuting pagsalubong natin sa
buwang ng Ramadhan: Ang Pag-aaralan natin ang lahat ng mga bagay
na may kinalaman sa pag-aayuno sa Ramadhan, katulad ng mga
alituntunin nito, na kung saan ay hindi maaari para sa atin na maging
mangmang tayo rito, at nakasasalay ang pagiging tama ng ating pagaayuno
sa kaalaman at pag-unawa natin sa mga batas nito.
At kabilang sa mga palatandaan ng mabuting pagsalubong natin sa
buwang ng Ramadhan: Ang pagkakaroon ng mabuting Niyyah o
layunin, maglayon tayo na mangyari na ang ating kalagayan sa buwan
na ito ay kaluglugod sa Allah .
Mga Kapatid sa pananamlatayang Islam!
Paano natin sasalubungin ang buwan ng Ramadhan?
3
Ang Niyyah, ito ang pundasyon ng ating mga gawain, at ang Niyyah ng
ay nagbigay ng payo sa kanyang anak, sinabi niya:
ikaw ay mananatili
sa kabutihan habang nasa layunin mo ang kabutihan).
Mga Kapatid sa pananamlatayang Islam!
Ano nga ba ang nilayon mo sa darating na Ramadhan mula ngayon?!
Ano ang mga plano mo para sa buwan ng Ramadhan? Ang isang
Allah sa buwan ng Ramadhan, at naglalayon siya na matapos niya ang
pagbabasa ng Quran, at naglalayon siya na hindi niya makakaligtaan ang
naglalayon siya na hindi magpapabaya sa mga Salatut-Taraweh sa
buwan ng Ramadhan.
Hingin natin sa Allah na ipaabot niya tayo sa Ramadhan, at ibilang niya
tayo sa mga magtatagumpay sa buwan na ito.
Alhamdulillahi Rabbil Alameen