Mga kahigitan ng buwan ng Ramadhan
1
بسم الله الرحمن الرحيم
Mga kahigitan ng buwan ng Ramadhan
Mga Kapatid sa pananamlatayang Islam!
Tunay na ang pag-abot ng tao sa buwan ng Ramadhan ay isang dakilang
biyaya, dahil ito ang buwan na hinirang ng Allah para sa pagpapababa
ng Quran. Sinabi ng Allah:
شَهْرُ رَمَضَانَ الَّذِي أُنزِلَ فِيهِ الْقُرْآنُ هُدًى ل لنَّاسِ وَب يَ نَاتٍ منَ الْْدَُىٰ وَالْفُرْقَانِ
{Ang buwan ng Ramadhan ay ang buwan na ibinaba rito ang Quran.
Bilang Gabay para sa mga tao at malinaw na batayan mula sa gabay
at Pamantayan} [2:185].
At ang buwan ng Ramadhan ay buwan ng pag-aayuno, at sinuman ang
mag-ayuno sa buwan na ito na may pananampalataya at paghahangad
ng gantimpala sa Allah, ay patatawarin sa kanya ang mga nauna niyang
kasalanan. Tulad ng sinabi ng Propeta Muhammad .
Ang Propeta Muhammad ay lubos na nagagalak sa pagdating ng
buwan na ito, at siya ay nagbibigay ng magandang balita sa kanyang
mga Sahabah sa pagdating ng buwan ng Ramadhan, Isinalaysay ni
Imam Bukhari sa kanyang Sahih, na ang Propeta Muhammad ay
nagsasabi sa kanyang mga Sahabah tungkol sa Ramadhan:
Mga kahigitan ng buwan ng Ramadhan
2
(Tunay na dumating sa inyo ang buwan ng Ramadhan, buwan na
pinagpala, dito binubuksan ang mga pintuan ng Paraiso at isinasara
dito ang mga pituan ng Impiyerno, at ginagapos dito ang mga
Shaytan) pagkatapos sinabi ng Propeta : (at sa buwan na ito ay may
isang gabi na mas mainam pa sa isang libong buwan, at sinumang
).
At kabilang sa mga dakilang kahigitan ng buwan ng Ramadhan: Ang
-tanggap sa buwan na ito: ibig
sabihin; kung hihingi ka sa Allah at mananalangin ka sa Kanya sa buwan
na Ramadhan, tunay na ang Allah ay nangako sa iyo ng pagtugon
kung magagawa mo ang kondisyon ng pagtugon at makalalayo mula sa
mga makapipil nito. Isinalaysay ni Anas Bin Malik , kanyang sinabi:
Sinabi ng Sugo ng Allah :
(Tatlong panalangin na hindi tinatanggihan: Panalangin ng isang
magulang, Panalangin ng isang nag-aayuno, at panalangin ng isang
naglalakbay) [Inulat ni Al-Bayhaqiy at ito Hadeeth na Hasan ayon kay Al-
Albaniy].
Mga Kapatid sa pananamlatayang Islam!
Kapag nalaman natin ang kahalagahan ng Ramadhan, nararapat lamang
sa atin na magsikap sa paggawa ng mga mabubuting gawain na siyang
magdadala sa atin patungo sa pagpapatawad ng Allah at maglalapit
sa atin sa Kanya, at tayo ay magsikap na makamit ang pagmamahal at
kaluguran ng Allah .
Mga kahigitan ng buwan ng Ramadhan
3
Mga Kapatid sa pananamlatayang Islam!
Habang ang Allah ay nagbigay sa atin ng biyaya na mapaabot tayo sa
Ramadhan, bakit hindi natin gawin ang buwan na ito, na isang
pagkakataon sa atin para sa pagbabago?
Tandaan hindi maaari na gawin natin ang buwan na ito na katulad ng
mga ibang mga buwan, dahil ito ay isang pagkakataon sa atin upang
mapabuti natin ang ating ugnayan kasama ng Allah sa pamamagitan ng
pagtupad sa Kanyang mga ipinag-uutos at paglayo sa Kanyang mga
ipinagbabawal, at ganoon rin marapat din natin gawin ang buwan na ito
na isang pagkakataon upang mapabuti natin ang ugnayan natin kasama
ng ibang mga tao.
Mga Kapatid sa pananamlatayang Islam!
Hingin natin sa Allah na ibilang Niya tayo sa sinumang nag-ayuno sa
Ramadhan na may pananampalataya at paghahangad ng gantimpala sa
Allah, at patatawarin sa kanya ang mga nauna niyang mga kasalanan.