Mga kahigitan ng buwan ng Ramadhan
بسم الله الرحمن الرحيم
[Mga Payo para sa Pagsalubong sa Buwan ng Ramadhan]
Sa Ngalan ng Allāh , ang Pinakamahabagin, ang Napakamaawain
Papuri sa Allāh , at dumadalangin ako ng pagpapala at kapayapaan para
sa Propeta Muhammad. na siyang ipinadala bilang habag para sa
sanlibutan, gayundin sa kanyang pamilya at sa lahat ng kanyang mga
kasamahan, at gayundin sa lahat ng tao na sumunod sa kanyang gabay.
Bilang payo para sa lahat ng mga Muslim; Matakot kayo sa Allāh , at
salubungin ninyo ang inyong dakilang buwan sa pamamagitan ng tunay
na Tawbah o pagbabalik-loob sa Allāh mula sa lahat ng kasalanan. At
salubungin ninyo ito sa pamamagitan ng pag-unawa at pag-aaral sa
iyong Relihiyon, at alamin ninyo ang mga alituntunin at mga batas ng
inyong pag-aayuno at pagdarasal; sinabi ng Propeta Muhammad :
“Ang sinumang naisin ng Allāh ang isang kabutihan para sa kanya ay
ipapaunawa sa kanya ang Relihiyon” [Inulat ni Bukhari (81) at ni
Muslim (1037)].
At sinabi pa ng Propeta Muhammad :
“Kapag pumasok na ang Ramadhan; binubuksan ang mga pintuan ng
Paraiso at isinasara ang mga pintuan ng Impiyerno, at kinakadena ang
mga Shaytan” [Inulat ni Bukhari (2377) at ni Muslim (1079)].
At sinabi pa ng Propeta Muhammad :
Mga kahigitan ng buwan ng Ramadhan
2
“Kapag sa unang gabi ng buwan ng Ramadhan ay binubuksan ang
mga pintuan ng Paraiso at isinasara ang mga pintuan ng Impiyerno, at
ginagapos ang mga Shaytan, at mananawagan ang isang nanawagan:
O’ ikaw na nagnanais ng kabutihan; lumapit ka, at O’ ikaw na
nagnanais ng kasamaan huminto ka, Sapagkat may mga taong
pinalaya ng Allāh mula sa Impiyerno, at nangyayari ito gabi-gabi”
[Inulat ni Tirmidhi (672) at ni Ibn Majeh (1642)].
At sinasabi ng Propeta Muhammad sa kanyang mga Sahabah:
“Tunay na dumating sa inyo ang buwan ng Ramadhan, buwan na
pinagpala, dito binubuksan ang mga pintuan ng Paraiso at isinasara
dito ang mga pintuan ng Impiyerno, at ginagapos dito ang mga
Shaytan) pagkatapos sinabi ng Propeta : (at sa buwan na ito ay may
isang gabi na mas mainam pa sa isang libong buwan, at sinumang
pinagkaitan ng kabutihan nito, tunay na siya ay pinagkaitan” [Inulat
ni Bukhari].
Mga kahigitan ng buwan ng Ramadhan
3
At sinabi pa ng Propeta Muhammad :
“Ang sinumang nag-ayuno sa Ramadhan nang may pananampalataya
at paghahangad sa gantimpala, patatawarin sa kanya ang anumang
naunang kasalanan niya, at ang sinumang magtaguyod ng pagdarasal
sa Ramadhan nang may pananampalataya at paghahangad sa
gantimpala, patatawarin sa kanya ang anumang naunang kasalanan
niya, at ang sinumang magtaguyod ng pagdarasal sa gabi ng Qadr
nang may pananampalataya at sa gantimpala, patatawarin sa kanya
ang anumang naunang kasalanan niya” [Inulat ni Bukhari (1901) at ni
Muslim (1638)].
At sinabi pa ng Propeta Muhammad :
“Sinabi ng Allāh : Ang lahat ng gawain ng anak ni Adam ay para sa
kanya, ang isang kabutihan ay katumbas ng sampung katulad nito,
hanggang sa pitong-daang pagpaparami, Maliban sa pag-aayuno,
sapagkat ito ay sa Akin, at Ako ang magbibigay ng gantimpala rito,
iniiwan niya ang pagkain nito at inumin nito at pakikipagtalik nito
para sa Akin. At para sa isang nag-aayuno ay dalawang kaligayahan:
Mga kahigitan ng buwan ng Ramadhan
4
Kaligayahan sa tuwing siya ay magsasagawa ng Fitr, at kaligayahan sa
pakikipagtagpo niya sa Panginoon niya. At ang hindi magandang
hininga ng nag-aayuno ay mas mabango para sa Allāh kaysa amoy ng
Misk (pabango)” [Inulat ni Bukhari (7492) at ni Muslim (1151) at ni Ibn
Majeh (163)].
At sinabi pa ng Propeta Muhammad :
“Kapag sa araw na nag-aayuno ang isa sa inyo, huwag magsalita ng
masasama, at huwag makipagtalo, at kapag nangutya ang isa sa inyo o
nakipag-away, Magsabi siya na: “Ako ay isang nag-aayuno” [Inulat ni
Bukhari (1904)].
At sinabi pa ng Propeta Muhammad :
“Sinuman ang hindi niya iwanan ang mga salitang kasinungalingan at
sa paggawa nito at salitang kamangmangan. Samakatuwid, hindi
kailangan ng Allāh ang kanyang pag-iwan ng kanyang pagkain at
inumin” [Inulat ni Bukhari (1903)].
Hingiin natin sa Allāh na patnubayan tayong lahat tungo sa mga bagay
na ikalulugod Niya sa atin, at gabayan Niya tayo at lahat ng mga
Muslim tungo sa Kanyang tuwid na landas, Tunay na Siya ang Ganap na
Nakakarinig, na Napakalapit sa sinumang nananalangin sa Kanya, at
dumadalangin ako ng pagpapala at kapayapaan para sa Propeta
Muhammad gayundin sa kanyang pamilya at mga kasamahan.