Mga Artikulo




Mga kahigitan ng buwan ng Ramadhan


1


بسم الله الرحمن الرحيم


Mga kahigitan ng buwan ng Ramadhan


Mga Kapatid sa pananamlatayang Islam!


Tunay na ang pag-abot ng tao sa buwan ng Ramadhan ay isang dakilang


biyaya, dahil ito ang buwan na hinirang ng Allah para sa pagpapababa


ng Quran. Sinabi ng Allah:


 شَهْرُ رَمَضَانَ الَّذِي أُنزِلَ فِيهِ الْقُرْآنُ هُدًى ل لنَّاسِ وَب يَ نَاتٍ منَ الْْدَُىٰ وَالْفُرْقَانِ 


{Ang buwan ng Ramadhan ay ang buwan na ibinaba rito ang Quran.


Bilang Gabay para sa mga tao at malinaw na batayan mula sa gabay


at Pamantayan} [2:185].


At ang buwan ng Ramadhan ay buwan ng pag-aayuno, at sinuman ang


mag-ayuno sa buwan na ito na may pananampalataya at paghahangad


ng gantimpala sa Allah, ay patatawarin sa kanya ang mga nauna niyang


kasalanan. Tulad ng sinabi ng Propeta Muhammad .


Ang Propeta Muhammad  ay lubos na nagagalak sa pagdating ng


buwan na ito, at siya ay nagbibigay ng magandang balita sa kanyang


mga Sahabah sa pagdating ng buwan ng Ramadhan, Isinalaysay ni


Imam Bukhari sa kanyang Sahih, na ang Propeta Muhammad  ay


nagsasabi sa kanyang mga Sahabah tungkol sa Ramadhan:


Mga kahigitan ng buwan ng Ramadhan


2


(Tunay na dumating sa inyo ang buwan ng Ramadhan, buwan na


pinagpala, dito binubuksan ang mga pintuan ng Paraiso at isinasara


dito ang mga pituan ng Impiyerno, at ginagapos dito ang mga


Shaytan) pagkatapos sinabi ng Propeta : (at sa buwan na ito ay may


isang gabi na mas mainam pa sa isang libong buwan, at sinumang


).


At kabilang sa mga dakilang kahigitan ng buwan ng Ramadhan: Ang


-tanggap sa buwan na ito: ibig


sabihin; kung hihingi ka sa Allah at mananalangin ka sa Kanya sa buwan


na Ramadhan, tunay na ang Allah  ay nangako sa iyo ng pagtugon


kung magagawa mo ang kondisyon ng pagtugon at makalalayo mula sa


mga makapipil nito. Isinalaysay ni Anas Bin Malik , kanyang sinabi:


Sinabi ng Sugo ng Allah :


(Tatlong panalangin na hindi tinatanggihan: Panalangin ng isang


magulang, Panalangin ng isang nag-aayuno, at panalangin ng isang


naglalakbay) [Inulat ni Al-Bayhaqiy at ito Hadeeth na Hasan ayon kay Al-


Albaniy].


Mga Kapatid sa pananamlatayang Islam!


Kapag nalaman natin ang kahalagahan ng Ramadhan, nararapat lamang


sa atin na magsikap sa paggawa ng mga mabubuting gawain na siyang


magdadala sa atin patungo sa pagpapatawad ng Allah  at maglalapit


sa atin sa Kanya, at tayo ay magsikap na makamit ang pagmamahal at


kaluguran ng Allah .


Mga kahigitan ng buwan ng Ramadhan


3


Mga Kapatid sa pananamlatayang Islam!


Habang ang Allah  ay nagbigay sa atin ng biyaya na mapaabot tayo sa


Ramadhan, bakit hindi natin gawin ang buwan na ito, na isang


pagkakataon sa atin para sa pagbabago?


Tandaan hindi maaari na gawin natin ang buwan na ito na katulad ng


mga ibang mga buwan, dahil ito ay isang pagkakataon sa atin upang


mapabuti natin ang ating ugnayan kasama ng Allah sa pamamagitan ng


pagtupad sa Kanyang mga ipinag-uutos at paglayo sa Kanyang mga


ipinagbabawal, at ganoon rin marapat din natin gawin ang buwan na ito


na isang pagkakataon upang mapabuti natin ang ugnayan natin kasama


ng ibang mga tao.


Mga Kapatid sa pananamlatayang Islam!


Hingin natin sa Allah na ibilang Niya tayo sa sinumang nag-ayuno sa


Ramadhan na may pananampalataya at paghahangad ng gantimpala sa


Allah, at patatawarin sa kanya ang mga nauna niyang mga kasalanan.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG