Sa Ngalan ng Allah, Ang Mahabagin, Ang Maawain
Magbalik-Islam
Isang Bukas na Paanyaya
Ang pagpupuri ay sa Allah lamang, ang Panginoon ng mga nilikha.
Nawa'y igawad ng Allah ang Kanyang kapayapaan at pagpapala sa
huling Propeta na si Propeta Muhammad (sas)1 sa kanyang pamilya at
mga kasamahan at sa lahat ng taong tumatahak sa tamang landas.
Magbalik-Islam, ito ay isang paanyaya na may malalim na kahulugan.
Magbalik-Islam, paanyayang ginagamit ng mga Muslim sa kanilang
pagpapalaganap ng Salita ng Allah (swt)2. Paanyayang ginagamit ng
isang Muslim upang hikayatin ang tao na magbalik sa tunay na
relihiyon na ibinigay sa kanya ng Allah. Ang Allah (swt) ay nagwika sa
Banal na Qur'an:
“Anyayahan (ang Sangkatauhan) sa landas ng iyong Panginoon
(sa Islam) nang may kaalaman (sa kapahayagan at Banal na
Qur'an) at sa matuwid na pangangaral, at makipagtalakayan sa
pamamaraang pinakamainam. Katotohanan! Lubos na
nababatid ng Panginoon kung sino ang nangaligaw sa Kanyang
landas, at Siya ang higit na naka-babatid kung sino ang mga
napatnubayan.” Qur'an 16:125
Bakit magbalik-Islam? Ano ba ang nais ipakahulugan ng
salitang Islam? At bakit tayo nararapat magbalik dito?
Dalawang dahilan kung bakit dapat magbalik-Islam:
1. Sapagka't ito ang tanging relihiyon na ibinigay ng Diyos sa lahat ng
Kanyang nilikha .
2. Sapagka't ito rin ang unang relihiyon na sinunod ng mga ninunong
Pilipino bago pa dumating ang mga Kastila o ang Kristiyanismo.
ANO ANG ISLAM?
Ang Islam ay isang salitang Arabic na nangangahulugan ng ganap na
1 (Sallallahu Alayhi Wa Sallam) na ang ibig sabihin ay: Nawa’y ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah ay
mapasakanya. Ito ay salitang nagpapahiwatig ng paggalang na itinuro ni Propeta Muhammad tuwing
babanggit ng pangalan ng sinumang Propeta ng Allah.
2 (Subhanahu Wa Ta’Ala) na ang ibig sabihin ay Luwalhati sa Allah, ang Kataas-taasan.
4
pagsuko at pagpa-pasakop. Kapag ito ay ginamit sa katawagang
pangrelihiyon, ang kahulugan nito ay ang ganap na pagpapasakop at
pagsunod sa nag-iisang Diyos - Ang Allah (swt).
Ang “Islam” ay nagmula sa salitang “Salam” na ang kahulugan ay
kapayapaan. Ang sinumang ganap na nagpapasakop at tumatalima sa
utos ng Allah (swt) ay tumatanggap mula sa Kanya ng tunay na
kapayapaan.
SINO ANG MGA MUSLIM?
Ang salitang Muslim ay katawagan sa mga nilikha na ganap na
nagpapasakop at tumatalima sa utos ng Allah (swt).
SINO ANG ALLAH?
Ang Allah (swt) ang Siyang tunay at tanging Diyos na Tagapaglikha.
Siya’y walang anak, hindi Siya ipinanganak at Siya’y walang katulad.
Siya ay hindi lamang Diyos ng mga Muslim o ng isang tribu o pangkat
ng tao, bagkus Siya ang Diyos ng lahat at Siya lamang ang karapatdapat sambahin at wala ng iba pa. Siya lamang ang pinasasamba ng
lahat ng Propeta simula pa kay Adan na siyang kauna-unahang taong
Kanyang nilikha.
Ang Allah (swt) ay maliwanag na nagpahayag ng Kanyang Sarili sa
sumusunod na talata: “Allah, walang tunay na Diyos na karapatdapat sambahin maliban sa Kanya. Ang Buhay, Ang Walang
Hanggan. Ang antok at idlip ay di-makapangyayari sa Kanya.
Siya ang nagmamay-ari ng lahat ng nasa mga kalangitan at sa
kalupaan. Sino baga kaya ang makapamamagitan sa Kanya
malibang Kanyang pahintulutan? Talastas Niya ang nakaraan o
hinaharap at maging ang lingid (sa Kanyang mga nilikha)
Walang makaaabot sa Kanyang kaalaman malibang Kanyang
naisin. Ang Kanyang kaharian ay abot ang mga kalangitan at
kalupaan, at Siya ay hindi nakadarama ng kapaguran sa
pagpapanatili sa kanila, sapagka’t Siya ang Kataas-taasan, ang
Kabanal-banalan. ” Qur’an 2:255
Pinananatili ng mga Muslim na Siya’y tawagin sa Kanyang pangalang
Allah (swt) dahilang Siya mismo ang nagbigay ng Kanyang pangalan
sa pama-magitan ng kapahayagan na ipinadala Niya sa Kanyang
5
Propeta.
DALAWANG URI NG PAGSUNOD SA DIYOS (ALLAH)
May dalawang uri ng pagpapasakop at pagsunod sa nag-iisang
Lumikha at Panginoon ng lahat.
1. LIKAS NA PAGSUNOD (inherent). Ang Likas at di-maiiwasang
pagsunod sa kalooban ng Allah (swt). Ang lahat ng nilikha ay
nasasakop o sumasailalim sa "Likas na pagsunod". Walang sinumang
nilikha ng Allah (swt) ang maaaring tumanggi at sumuway sa Kanyang
mga kautusan.
HALIMBAWA: Ang araw ay binigyan ng Allah (swt) ng kautusan na
sumikat at lumubog sa oras na itinakda sa kanya. Gayundin, ito ay
mananatili sa lugar na itinalaga sa kanya. Ito ay hindi dapat lumapit o
lumayo kahit bahagya man sa mundo at kanyang tungkulin ang
magbigay liwanag, init, at iba pa.
At dahil dito ang araw ay nasasakop sa tinatawag na "Likas na
pagsunod" sapagka’t ginagampanan lamang nito ang kautusan ng
Allah (swt) nang walang pagsuway simula pa nang ito ay likhain.
Ang hangin, tubig, apoy, puno, hayop at iba pa, ay nilikhang lahat ng
Allah (swt) na may kani-kanyang utos na sinusunod. Sa literal na
pananalita, sila ay nasa ilalim ng "Likas na pagsunod".
Ganoon din naman, sila ay literal ding matatawag na mga Muslim
sapagka't ang Muslim ay yaong sumusunod sa utos ng Allah (swt) at
lubusang nagpapasakop sa Kanya. Ang tunay na Muslim ay yaong
ganap na sumusunod ng walang pasubali sa mga batas ng Allah (swt)
at tanging Siya lamang ang pinag-uukulan ng pagsamba.
Dapat din nating mabatid na ang isang tunay na Muslim ay hindi
yaong nagsasabi na siya ay isang Muslim o ipinanganak sa bansang
Muslim, at hindi rin yaong mga tao na ang mga magulang ay Muslim,
Hindi ito ang pagkakakilanlan sa isang tunay na Muslim.
2. KUSANG-LOOB NA PAGSUNOD (Willful Obedience)
Ang kusang-loob na pagsunod (willful obedience) ng nilikha sa mga
kautusan ng Allah (swt) ay pagsunod nang may pagpapasiya. Maaari
6
niya itong sundin o hindi. Siya ay may layang magpasiya ayon sa
kanyang nais. May dalawang uri sa mga nilikha ng Allah (swt) ang
pinagkalooban Niya ng layang pumili at magpasiya ayon sa kanilang
sariling kagustuhan. Ito ay ang Jinn at tao.
Ang sumunod nang kusa sa mga kautusan ng Allah (swt) ang
matatawag na Muslim, Muslim sa diwa ng tunay na pagtalima sa utos
ng Diyos, hindi pinilit bagkus ito ay kusa.
Sa aking panimulang mga paliwanag, tinalakay ko na tayo ay dapat
magbalik-Islam, sapagka’t ito ang relihiyon ng lahat ng mga nilikha ng
Diyos. Tinalakay ko na ang tao ay binigyan ng layang pumili upang
siya ay sumailalim sa "Kusang-loob na pagsunod". (willful obedience).
Kabilang sa kalayaang ito ay ang piliin ang relihiyon na ibinigay sa atin
ng Allah (swt): Ito ay ang Al-Islam.
MAIKLING KASAYSAYAN NG ISLAM SA PILIPINAS
Ang ikalawang dahilan kung bakit hinihimok ko kayong magbalik-Islam
ay batay na rin sa natatagong kasaysayan ng relihiyon sa ating bansa.
Bago pa dumating sa Pilipinas ang iba't ibang aral tungkol sa
pananampalataya, likas na sa ating mga ninunong Pilipino ang
sumamba sa Diyos. Bagama't ito ay hindi ayon sa katotohanan,
sapagka't sila ay maibibilang sa tinatawag na "ANIMIST" o mga taong
sumasamba sa lahat na halos ng mga bagay na nilikha maliban sa
Dakilang Lumikha. Ang sinasamba ng ating mga ninuno noon ay
bundok, araw, buwan, bituin, puno, kidlat, kulog, apoy atbp., nguni’t
nang dumating ang aral ng Islam ang tunay na relihiyong galing sa
Allah (swt), nagkaroon ng ganap na pagbabago sa kanilang buhay at
relihiyon. Naitatag nila ang isang pamayanang Muslim, nguni't ito'y
hindi nagtagal. Nang dumating ang mga dayuhang Kastila sa bansang
Pilipinas sinakop nila ito at pinilit nilang palitan ang relihiyong Islam sa
pamamagitan ng dulo ng espada.
Ang relihiyong Islam ay unang inihayag sa Pilipinas noong 1380 ng
isang Arabo na si Sharif Makhdum, itinayo niya ang unang Masjid sa
Pilipinas sa Tubig Indangan, Sumunul, Tawi Tawi. Si Makhdum ay
namatay sa Isla ng Sibutu at doon na rin siya inilibing.
Noong 1390, si Rajah Baginda ay dumating sa bansang Pilipinas at
itinuloy niya ang naiwang gawain ni Sharif Makhdum. Ganoon din
7
naman, dumating din si Abu Bakr sa Jolo noong 1450 at di naglaon
siya ay ikinasal sa anak ni Rajah Baginda na si Prinsesa Paramisuli. Si
Abu Bakr ang nagpasimula ng “Sultanate” sa Sulu. Siya at ang
kanyang asawa ang siyang kauna-unahang Sultan at Sultana.
Matapos maitatag ang relihiyong Islam sa Sulu, ang mga Muslim ay
kumilos patungong Mindanao sa pamumuno ni Sharif Kabungsuwan.
Sila ay dumaong sa Maguindanao (ngayon ay Cotabato ) noong 1475,
at di naglaon siya ay ikinasal kay Prinsesa Tunina. Sila ang unang
Sultan at Sultana sa Maguindanao.
Nang sumunod na mga taon, maraming Muslim na mga Datu mula sa
Borneo ang dumating sa Pilipinas nang mabalitaan nila ang mabuting
pagtanggap ng mga Pilipino.
Ang sampung Datu na galing ng Borneo ay dumaong sa Panay. Ang
mga Datung ito ay sina Datu Puti, Datu Sumakwel, Bangkaya,
Dumangsol, Paiburong, Paduhinog, Ubay, Dumangsil, Dumalogdog at
Balensula (ngayon ay Valenzuela).
Si Datu Puti ang pinuno ng pangkat na ito sapagka’t bihasa siya sa
paglalakbay-dagat. Sila ay dumaong sa San Joaquin, Iloilo (noong
araw ay kilala sa tawag na Siwaragan).
Binili nila Datu Puti at ng kanyang siyam (9) na kasamahan ang
mababang bahagi ng Iloilo kay Marikudo, ang pinuno ng mga Itas
(pygmies). Kanilang naitatag nang ganap ang kolonya o komunidad
ng Islam doon. Nang ang pamayanang Islam ng mga taga Borneo ay
ganap nang naitatag sa Panay, sina Datu Puti, Datu Balensula at
Dumangsil ay naglayag patungong norte at sila'y dumaong sa
Batangas.
Itinatag ni Datu Balensula at Datu Dumangsil ang kanilang komunidad
doon sa Batangas subali’t si Datu Puti ay nagbalik sa Borneo at
bumagtas sa Mindoro at Palawan. Nang sumapit siya Borneo ay
ibinalita niya ang kanilang naging karanasan. Bunga nito higit na
marami pang mga taga Borneo ang naakit na magpunta sa Pilipinas.
8
ANG PAGDATING NG MGA KASTILA AT KRISTIYANISMO
Nang dumating si Magellan sa Limasawa noong Marso 16, 1521, ang
buong kapuluan na tinatawag ngayong Pilipinas ay isa ng bansang
Muslim. 144 taon na ang relihiyong Islam sa bansang Pilipinas
bago pa dumating ang mga Kastila o ang Kristiyanismo. Isang
bansang sumasamba sa nag-iisang Diyos, ang Allah (swt).
Katotohanang nakatala sa kasaysayan ng bansang Pilipinas na nang
dumating si Legaspi (kapalit ng namatay na si Magellan), ang
komunidad ng mga Muslim ay ganap ng naitatag sa Batangas,
Pampanga, Mindoro, Panay, Catanduanes, Cebu, Samar, Manila,
Palawan, Mindanao at Sulu. Ang unang Muslim na nagtanggol sa
kalayaan ng Pilipinas at relihiyong Islam ay si Gat Lapu Lapu.
Noong Hunyo 3, 1571 ay naglunsad ang mga Kastila ng isang
malaking pakikidigma sa mga Muslim sa Maynila. Ang Maynila noon ay
pinamumunuan ni Rajah Soliman. Buong tapang niyang ipinagtanggol
ang Maynila at Islam hanggang sa huling patak ng kanyang dugo doon
sa Bangkusay sa baybay dagat ng Tundo. Matapos magapi ng mga
Kastila si Rajah Soliman at ang kanyang mga kapanalig ay
pinagpapatay ng mga Kastila ang maraming Muslim, bata man o
matanda. Gayon pa man ang mga Muslim ay matatag at magiting na
nagtanggol hanggang sa kanilang huling hininga.
Dahil sa mahinang uri ng sandata na taglay ng mga Muslim (bolo at
sibat) laban sa baril at kanyon ng mga Kastila, sila ay napilitang
umatras at lumikas patungong probinsiya ng Rizal at ang lugar na iyon
ay kilala sa ngayon sa tawag na Morong Rizal, at yaong mga lumikas
patungo sa gilid ng mga ilog ay tinawag sa ngayon na Tagalog (tagailog) gaya ng Cavite, Laguna at iba pa. Ang mga Muslim sa bayan ng
Rizal ay patuloy na nakipaglaban sa mga Kastila at ang lugar na iyon
ay kinilala sa ngayon na Binangonan Rizal. Ang mga Kastila ay
nagtatag ng kanilang punong himpilan sa Maynila at ipinagpatuloy ang
pagsakop sa Isla ng Bisaya. Ang mga Muslim na hindi namatay sa
labanan ay napilitang ipatatwa ang relihiyong Islam at ipinayakap ang
relihiyon ng mga Kastila ang Kristiyanismo sa dulo ng espada. Nguni't
ang mga tapat na Muslim ay pinili pa ang libingan kaysa lisanin ang
Islam – pagsamba sa nag-iisang Diyos.
Ang mga Kastila ay hindi tumigil sa pananakop at hinangad nila na
sakupin din pati ang Mindanao nguni’t ang mga Muslim dito gaya ng
Maranaw, Maguindanao, Tausog, Yakan, Samal at Sangil ay buong
tapang at buong giting na nagtanggol at hindi pinayagan ang nais ng
9
mga dayuhan. Nagtanggol sila noon at patuloy pa ring ipagtatanggol
ang Islam hanggang sa ngayon.
Namayani ang mga Kastila sa bansang Pilipinas sa loob ng may
apatnaraang taon (400). Napakahabang panahon ng pagpipilit na
lipulin ang lahat ng mga Muslim upang mabura nila sa kasaysayan ng
Pilipinas ang relihiyong Islam, nguni’t sila ay nabigo, hanggang sa ang
pamumuno ng mga Kastila ay magwakas noong 1898 nang agawin ng
bansang Amerika ang Pilipinas.
Lumasap man ng pansamantalang pagkalupig ang bansang Pilipinas,
ang relihiyong Islam na bigay ng Dakilang Lumikha ay mananatiling
nakatayo at matatag, na kailanman ay hindi matitinag.
ANG TAO SA ILALIM NG "FITRAH"
Ang tao ay sumasailalim sa Likas na pagsunod, simula pa nang
isilang siya ng kanyang ina, at siya ay nakasalig sa pagpapala at
paggabay ng Allah (swt). Sa panahong ito, siya ay hindi sumusuway
sa lahat ng kautusang itinakda ng Diyos sa kanya hanggang sa sapitin
niya ang tamang gulang at kaisipan.
Sa bahaging ito ng buhay ng tao siya ay nasa ilalim ng tinatawag na
"FITRAH" (Arabic) na ang kahulugan ay, Likas na pagsunod ng tao sa
kalooban ng Diyos (Natural inclination of man to obey God). Ang
kalagayang ito ng tao sa ilalim ng "FITRAH" ay hindi nawawala, nguni’t
maaaring malihis, malayo o maligaw.
Sa dahilang ang bata ay wala pang lakas at hindi pa wasto ang
kaisipan at talino upang pumili at magpasiya ayon sa kanyang sariling
kagustuhan, siya ay sunud-sunuran lamang sa lahat ng nais gawin ng
kanyang mga magulang, o mga taong nag-aruga at nagpalaki sa
kanya. Ang mga tao sa kanyang paligid ang siyang may kakayahang
mag-akay sa kanya sa tama o maling landas ng pagsamba.
Sa isang Hadith ni Propeta Muhammad (sas), siya ay nagsabi: "Ang
bawa't sanggol ay ipinanganak sa ilalim ng FITRAH, nguni't ginawa
siya ng kanyang mga magulang na isang Hudyo, Kristiyano, o
Pagano...” (Sahih Muslim - English trans. vol. 4, page 1398 #
6423)
Magkagayon, kung ang isang tao ay mabuhay na nag-iisa at lumaking
10
malayo sa anumang sibilisasyon, mamumuhay siyang sumasamba sa
nag-iisang Diyos na sa kanya ay Lumikha. Kaya’t kailanman ay hindi
mangyayaring siya ay maging isang Hudyo, Kristiyano, o isang Pagano
(tulad ng Hindu o Buddismo). Katiyakan na ang kanyang sasambahin
ay ang nag-iisang Diyos na may likha ng Langit at Lupa at ng lahat ng
mga nilikha, sapagka’t ito ang kanyang Likas na relihiyon. Ito’y
sapagka’t ang kanyang Fitrah (Likas na Pagsunod) sa Diyos ay hindi
nabahiran ng maling katuruan.
Tulad ng katawan ng bata o ng tao, sa simula ay nagpapasakop sa
mga batas na itinakda ng Allah (swt). Ganoon din naman, ang
kanyang puso at kaluluwa ay nagnanais na tumalima, sumunod at
magpasakop sa Allah (swt). Nguni't ang kanyang mga magulang o
mga tagapag-alaga na nagpalaki sa kanya ay tinuruan siyang
sumunod sa kanilang mga pansariling paniniwala. Ang mga paniniwalang ito ay turo at utos lamang ng tao, hindi utos ng Lumikha.
Sa paglaki ng bata at sa kanyang pagtanda, kadalasa’y hindi
piniling kusa ang relihiyong kanyang sinusunod, bagkus ang
relihiyon na gawa at turo lamang ng kanyang kapwa.
Magkagayunman, sa sandaling sapitin na ng tao ang wastong gulang
at kaisipan, at may kakayahan na siyang pumili ng tama sa mali,
dapat na niyang alamin ang buong katotohanan. Nararapat siyang
pumili at magpasiya ayon sa sariling kalooban at kaisipan. Tungkulin
niyang piliin at sundin ang tunay na relihiyon na ibinigay ng Allah
(swt), ang pagpapasakop lamang sa Kanya. Sa kalagayang ito, siya ay
sasailalim na sa "Kusang-loob na pagsunod" (willful obedience) sa
Allah (swt).
"At ipinakita Namin sa kanya ang dalawang landas (mabuti at
masama).” Qur’an 90:10
BABALA! Sa bahaging ito ng buhay ng tao, si Satanas ay gagawa ng
lahat ng paraan upang ang tao ay mapanatili niya sa maling relihiyon.
Gagamitin ni Satanas ang mga magulang, kapatid, asawa, anak,
kamag-anak, kaibigan, trabaho, kapitbahay, at iba pa, upang
mapanatili niya ang tao sa maling relihiyon na kanyang kinagisnan.
Dito masusubukan ang pagpapasiya ng isang tao kung papaano niya
gagamitin ang kalayaang pumili ng tamang relihiyon na nakalulugod
sa Diyos na lumikha sa kanya. Katotohanang may malaking bilang ng
11
tao ang nagsasabing mayroon silang sinusunod na relihiyon. Nguni’t
ang relihiyon na kanilang pinaniniwalaan ay hindi nila pinili. Ito'y
kinagisnan lamang nila o ipinayakap sa kanila. Hindi sila ang pumili at
hindi rin sila ang nagpasiya.
Ang bawa't tao ay pinagkalooban ng Allah (swt) ng layang pumili,
subali’t ginamit ba ang kalayaang ito?
Ikaw ba ay kabilang sa mga taong hindi pinili ang relihiyong
sinusunod at pinaniniwalaan?
Kung pipiliin mong sundin ang "FITRAH", ang iyong likas na Pagsunod
at pagsamba sa nag-iisang Diyos - ang Allah (swt), ikaw ay tutulungan
Niya, sapagka’t nasasaad sa Banal na Qur'an: "At sinuman ang naisin
ng Allah na patnubayan, bubuksan Niya ang dibdib sa Islam...”
Qur'an 6:125
Alalahanin: Ito ang dalawang uri ng pagsunod, Likas at Kusang-Loob.
Dapat nating tandaan na walang nilalang sa sanlibutan na nilikha ng
Allah (swt), maging ito ay gumagalaw o hindi, may hininga o wala,
nag-iisip o hindi, at maging Jinn o tao, ang hindi nasasakop ng
ibinigay Niyang relihiyon - ang Islam, na nagtuturo ng pagsamba
lamang sa Allah (swt). Ating matutunghayan sa Banal na Quran:
"Hindi Ko nilikha ang Jinn at ang tao maliban na Ako ay kanilang
sambahin.” Qur’an 51:56
Ang ISLAM ay relihiyong hindi bago, hindi rin magbabago, at
lalong hindi maluluma o lilipasan ng panahon. Ito'y mananatili
magpakailanman bilang tanging pagsamba sa nag-iisang Diyos
- ang Allah (swt) .
Ito ang relihiyon na hindi lamang para sa mga tao, bagkus ito ay
relihiyon din ng lahat ng nilikha maging sa langit, sa lupa o nasa tubig,
sila ay sasamba at magpupuri sa Allah (swt) na lumikha sa kanila.
"Sila ba ay naghahanap pa ng iba liban sa relihiyon ng Allah,
samantalang ang lahat ng nilikha, sa langit man o sa lupa ay
sumusunod sa Kanya, kusa man o hindi, at sa Kanya ang lahat ay
magbabalik. " Qur'an 3:83
"Ang pitong langit at ang lupa at ang lahat ng naroroon ay nagpupuri
12
sa Kanya, at walang anumang nilikha na hindi nag-aalay ng pagsamba
sa Kanya; nguni’t ang kanilang papuri ay hindi ninyo nauunawaan."
Qur'an 17:44
"Matuwa ang langit at magalak ang lupa; humugong ang dagat, at ang
buong naroon; sumaya ang bukirin at lahat na nasa kanya; kung
magkagayon aawit dahil sa kagalakan ang lahat ng punong kahoy sa
gubat; sa harap ng Panginoon; sapagka't Siya'y dumarating."
(Bibliya) Salmo 96:11-13
Ang mga talatang ito sa Banal na Qur'an at maging sa Bibliya ay isang
matibay na patotoo na walang partikular na nilikha ang hindi
nagpupuri sa Allah (swt) at sumasamba sa Kanya, tunay na ang
lahat ay nasa ilalim ng relihiyong Islam.
ITO ANG KATOTOHANAN!
Isa lamang ang lumikha at ang lahat ay Kanyang nilikha na nararapat
sumamba, magpasakop at sumunod lamang sa Kanyang mga ipinaguutos. Kung ang lahat ng nilikha ay sumasamba sa Allah (swt) ang
nag-iisang Diyos, nararapat bang hindi ka mabilang sa kanila?
Kung ikaw man ay nailihis lamang ng paniniwala, nailigaw o
naturuan ng maling relihiyon ng ibang tao, nararapat kang
magpasiya at piliin mo ang pagsunod sa kalooban ng Diyos.
Ikaw ay magbalik sa Kanya!
IKAW AY MAGPASIYA, IKAW AY MAGBALIK- ISLAM
Ito ang unang dahilan kung bakit nararapat kang magbalik-Islam,
sapagka't ito ang tunay mong relihiyon, ang relihiyon ng lahat ng
nilalang, ang relihiyon maging ng ating mga Ninuno.
PANGWAKAS NA SALITA
Ito ang buod ng mensahe ng aklat na ito, na iisa ang relihiyong
ibinigay ng Diyos sa lahat ng Kanyang mga nilikha, ang relihiyong
Islam. At gayun din naman, ito rin ang kauna-unahang relihiyong
niyakap ng ating mga ninunong Pilipino nang sila ay magising sa
katotohanan, at sinunod nila nang may kabanalan.
Alalahanin, hindi ito bagong relihiyon na ipapalit sa
pananampalatayang iyong pinaniniwalaan bagkus, ito ang dati
13
mong relihiyon na kanilang pinalitan.
Panahon na upang piliin mo ang relihiyong iyong ipamumuhay. Kung
ikaw ay nalihis, o ikaw man ay naligaw, ikaw ay magpasiya. Sundin
mo ang kalooban ng Dakilang Lumikha, ang Allah (swt). Ikaw ay
magbalik-Islam!
ISANG BUKAS NA PAANYAYA
"At sinuman ang magnais ng ibang relihiyon maliban sa Islam,
kailanma'y hindi ito tatanggapin sa kanya, at sa kabilang buhay siya
ay mapapabilang sa mga taong ang mga gawain ay nawalan ng
kabuluhan." Qur'an 3:85
Dagdag na Paalala:
Ang lahat ng mga Propeta tulad ng mga sumusunod: Noah, Abraham,
Moses, Jesus, at Muhammad (Ang Pagpapalala at Pagbati ng Allah ay
sumakanila) ay iisa lamang ang inihatid na mensahe sa sangkatauhan,
ito ay ang sambahin lamang ang nag-iisang Diyos, ang Allah (swt), at
huwag maglagay ng kasama Niya sa Kanyang Kaluwalhatian.
Huwag hayaang lumagpas ang gintong pagkakataon na mabasa ang
Banal na Qur’an, ang bukod tanging Banal na Aklat ng Diyos na
nasusulat sa dalisay at orihinal nitong Kapahayagan.
Alamin ang katotohanan hinggil sa tunay na relihiyong ipinadala ng
Lumikha bago sumapit sa atin ang itinakdang kamatayan. Katiyakan,
kapag ang tao ay patay na, hindi na siya maaaring bumalik pa sa
mundong ito upang doon magpasiyang yakapin at sundin ang
relihiyong ibinigay ng Dakilang Lumikha (Allah).