1. Rabb: Ang katagang Rabb ay kadalasang isinasalin ng iba
bilang katumbas ng salitang Panginoon (Lord). Subali't,
bukod sa katotohanang ang salitang ito ay isang katagang
ginamit sa Bibliya, ito ay ginagamit din kapag tinutukoy si
Propeta Hesus bilang kanilang Panginoon. Ang salitang
Panginoon (Lord) ay isang kataga na ang karaniwang
kahulugan ay nakahangga lamang sa isang "guro, pinuno,
may-ari o tagapamahala", na sadyang kapos at kulang sa
diwa o kahulugan kung ihahambing sa katagang Rabb.
Sapagka't ang Rabb (na mula sa wikang Arabik) ay
mayroong malawak na kahulugan at kahalagahan. Ang
ilang mahahalagang kahulugan ng Rabb ay ang
Tagapaglikha, ang Tagapaghubog (Tagapag-anyo), ang
Tagapanustos, ang Tanging Isa na inaasahan ng lahat ng
mga nilikha upang patuloy na mabuhay, at Siya ang
Tanging nagbibigay-buhay at nagdudulot ng kamatayan. Sa
aklat na ito, gagamitin natin ang katagang Rabb na may
panaklong na (Panginoon) upang madaling maunawaan ng
mga mambabasa.
2. Deen: Ang salitang Deen ay isinalin bilang Relihiyon, na sa
wikang Arabik ay karaniwang tumutukoy sa Pamamaraan
ng Buhay, ito man ay pansarili o pangkalahatan. Ito ay
isang malawak na kataga na may kahulugang: 'mga
gawaing pagsamba, mga nakasanayang pampulitika at
ganap na pamamaraang nauukol sa kagandahang-asal,
3
kabilang na rito ang tamang kalinisan at wastong paguugali'.
3. () Sal'lal'laaho a'laihi wa sal'lam. Kadalasang ito'y
isinasalin sa lupon ng mga katagang; 'sumakanya nawa ang
kapayapaan'. Subali't ito ay hindi sapat na kahulugan ayon
sa naunang pagkakasalin. Ang tamang kahulugan kung
isasalin sa ibang wika ay nangangahulugan na: 'Nawa'y
purihin at itampok ng Allah() ang kanyang pangalan
(Propeta Muhammad,) at pangalagaan at ilayo siya at
maging ang kanyang pamilya laban sa anumang masamang
bagay'.
4. () Ra’dee-Allahu anhu, ang kahulugan ay, ‘kalugdan
nawa siya ng Allah()’. Pagpapakilala
Ang lahat ng papuri ay sa Allah() lamang, ang Rabb
(Panginoon) ng lahat ng mga Daigdig, at nawa’y pagpalain ang
pagbanggit sa Kanyang Propeta (Muhammad,) at ilayo siya
maging ang kanyang Pamilya at mga Kasamahan sa lahat ng
uri ng kasamaan.
Ang Islam ay kumikilala sa katotohanang ang pagnanasang
sekswal ay nararapat bigyan ng kaukulang kaganapan. Ang
pagsasakatuparan nito ay isang bagay na maituturing na
marangal habang ito'y isinasagawa ayon sa mga itinakdang
hangganan ng Shari'ah (Batas ng Islam). Hindi nakahihiyang
bigyang kaganapan ang pagnanasang ito at hindi rin nararapat
na ipagwalang-halaga. Ang Allah() ay nagsabi;
"Kaakit-akit sa mata ng sangkatauhan ay ang
pagmamahal sa mga bagay na kanilang
kinahuhumalingan; mga kababaihan, mga anak, pagiimbak ng mga ginto at pilak (kayamanan), mga
makikisig at magagandang kabayo, mga bakahan at mga
4
sakahang lupa. Ito ang mga pag-aari sa kasalukuyang
pamumuhay; nguni't sa Allah, ang pinakamahusay na
pagbabalik ay nasa Kanya (ang Jannah)" (Qur’an 3:14)
Ang Propeta() ay nagsabi;
“Ang mga kababaihan, at pabango ay ginawang
kalugud-lugod sa akin, at aking natagpuan ang
kapanatagan (ng puso) sa pagsasagawa ng Salah
(pagdarasal).” (Nasa’ee)
Ipinagbabawal sa Islam ang tuwirang pagbabawal o pagpipigil
sa pagnanasang ito, sapagka't ang Islam ay Deen (relihiyon) na
itinataguyod ang likas na damdamin ng tao. Ipinatutupad nito
ang kanyang likas na pangangailangan sa maayos na
pamamaraan, batay sa Shari'ah (Batas ng Islam). Si Abu
Hurairah () ay nagsabi;
“Ang Sugo ng Allah() ay tinanong tungkol sa
pinakamabuting gawain na maaaring makapagbigay
daan sa tao upang makapasok sa Jannah (Paraiso). Siya
ay nagsabi: 'Ang pagkakaroon ng (tunay na) Takot sa
Allah at Kagandahang Asal.' Siya ay muling tinanong
kung ano ang pinakamasamang gawain na maaaring
makapagbigay daan sa tao upang masadlak sa Apoy (ng
Impiyerno)?' Siya ay nagsabi: 'Ang dila (ng tao) at ang
mga maselang bahagi ng katawan.” (Tirmidhi)
Sa aklat na ito'y ating tatalakayin ang Islamikong pamamaraan
sa pagsasakatuparan ng pagnanasanag sekswal, at kung paano
ito maisasaalang-alang mula sa isang payak na pagnanasa
tungo sa isang Ibadah (gawaing pagsamba) at sa pamamagitan
nito ang isang Muslim ay nakatatanggap ng gantimpala.
5
Kaugnay nito si Abu Dharr () ay nagpahayag na ang ilan sa
mga Sahaba (kasamahan) ay nagsabi sa Sugo ng Allah():
"O Sugo ng Allah(), ang mga nakaririwasa ay
nakatatanggap ng mga gantimpala: sila ay nagdarasal
tulad ng aming pagdarasal; sila ay nag-aayuno tulad ng
aming pag-aayuno, at sila ay nagbibigay sa kawanggawa
mula sa kanilang kayamanan!
Ang Sugo ng Allah() ay nagsabi;
“Hindi ba ang Allah ay nagbigay sa inyo ng biyaya at
mula rito kayo ay maaaring makapagbigay ng
kawanggawa? Katotohanan ang bawat TasbeehahP0F
1
P ay
isang kawanggawa, ang bawat TakbeerahP1F
2
P ay isang
kawanggawa, ang bawat TahmeedahP2F
3
P ay isang
kawangga at ang bawat TahleelahP3F
4
P ay isang
kawanggawa. Ang pag-uutos ng mabuti ay isang
kawanggawa, at ang pagbabawal ng kasamaan ay isang
kawanggawa at ang paglapit sa kanyang pamilya ay isa
ring kawanggawa. Ang mga kasamahan ay nagtanong:
O Sugo ng Allah(), kung ang isa sa amin ay
nakipagtalik sa kanyang asawa, siya ba ay may
gantimpalang nauukol dito? Ang Propeta ng Allah() ay
sumagot; ‘Hindi ba siya ay mapaparusahan kung siya ay
nakikiapid? Ganoon din, siya ay may gantimpala kung
siya ay nakikipagtalik sa kanyang asawa.” (Muslim)
1 Tasbeehah – ang pagbigkas ng ‘Subhanallah’ (Ang Allah ay malayo sa
lahat ng di-kaganapan). (AM) 2 Takbeerah – ang pagbigkas ng ‘Allahu Akbar’ (Ang Allah ay dakila).
(AM)
3 Tahmeedah – ang pagbigaks ng ‘Alhamdulillah’ (Ang lahat ng papuri at
pasasalamat ay para sa Allah lamang). (AM)
4 Tahleelah – ang pagbigkas ng ‘Laa ilaaha il’laa Allah’ (Walang ibang
diyos na dapat samabahin kundi ang Allah lamang). (AM)
6
Sa Islam, ang pag-aasawa ay ipinagkakapuri. Ito ang tanging
daan upang ang isang tao ay mahibsan ang kanyang
pagnanasang sekswal. Ang Sugo ng Allah() ay nagsabi:
“Ako ay nag-asawa, kung sinuman ang hindi
nagsaalang-alang sa aking Sunnah, siya ay hindi
kabilang sa akin.” (Irwaa al-Ghaleel)
Pinahihintulutan sa Islam ang pag-aasawa bilang isang likas na
pangangailangan sa buhay ng bawat tao. Dahil dito, ang
pagmamahal, habag at ang pag-ibig ay lalaganap sa
pamayanan, at ito ang magpapanatili sa lahi ng tao
(procreation). Sa pamamagitan din nito, ang kalinisan, ang
paggalang at dangal ay mapapanatili. Samakatuwid, kung
sinuman ang sumansala sa pagpapakasal, pinigilan niya ang
kanyang sariling makamtan ang mga kabutihan at
kapakinabangang dulot nito, at ito'y sumasalungat sa kanyang
likas na pangangailangan.
Ang isang mapayapang buhay, matiwasay at may
pagmamahalan ay siyang itinatatag ng Islam sa pagitan ng
mag-asawa. Ang Allah() ay nagsabi:
“At ang Kanyang mga tanda ay ang Kanyang paglikha
mula sa inyong mga sarili ng mga asawa upang inyong
matagpuan sa kanila ang kapayapaan (ng kalooban)
mula sa kanila at Kanyang inilagay sa pagitan ninyo ang
(damdamin ng) pagmamahal at habag. Katotohanan,
naririto ang tunay na mga tanda para sa mga taong nagiisip” (Qur’an 30:21)
Sa pamamagitan ng pagpapakasal ang mag-asawa ay
napapangalagaan laban sa mga bagay na ipinagbabawal
(pangangalunya, pakikiapid at prostitusyon); ito ang layunin ng
pag-aasawa sa Islam. Kaugnay nito ang Allah() ay nagsabi:
7
“…Sila ang inyong ‘libas’ [saplot sa katawan o ‘Sakun’,
(kasiyahan sa kanilang piling)] sa inyo at gayundin
naman kayo sa kanila…” (Qur’an 2:187)
May ilang mga taong sumasalungat sa Islam tungkol dito, at
nagtataguyod ng pakikipag-ugnayang sekswal sa paraang hindi
pinahihintulutan ng Shari'ah (Batas ng Islam). Binabalaan ng
Islam ang mga Muslim na nag-aasal hayop upang mapunan
lamang ang kanilang pagnanasang sekswal sa anumang
paraang kanilang ikaliligaya. Itinuturing na isang malaking
kasalanan sa isang lalaki ang makipagtalik sa babaing hindi
karapat-dapat (hindi niya asawa) para sa kanya!
Ang Propeta ng Allah() ay nagsabi:
“Wala ng kasalanang hihigit pa pagkatapos ng ‘Shirk’
(pagtatambal o pagsamba sa iba maliban sa Allah())
kumpara sa taong nakikipagtalik sa hindi niya asawa
(pakikiapid)”. (Ahmad)
Itinuturo ng Islam sa mga mananampalataya na maging
malinis, dalisay at marangal. At sinisikap maging maayos at
ganap ang pamamaraan at pag-uugali ng bawat Muslim. Si
Abu Umaamah() ay nag-ulat;
“Isang binata ang lumapit sa Propeta() at sinabi: ‘O
Sugo ng Allah(), payagan ninyo akong makiapid o
mangalunya! Ang mga tao ay pumalibot sa kanya at
nagsabi: ‘Mah…Mah!P4F
5
P Ang Propeta() ay nagsabi:
'Dalhin siya rito'. Siya ay lumapit at umupo sa tabi ng
Propeta(). At kanyang () sinabi rito: ‘Gusto mo ba
ang bagay na ito para sa iyong magulang?’ Siya'y
sumagot: 'Hindi, sa Ngalan ng Allah()! Maaari mo ba
5 Isang pagpapahiwatig, na ginagamit sa pagpapahayag ng pagkayamot. (AM)
8
akong ipantubos? Ang Propeta() ay nagsabi sa kanya:
Gayundin, ang ibang tao ay kinapopootang makita ang
kanilang mga magulang na makiapid.’ Ang Propeta()
ay muling nagtanong sa kanya: 'Nais mo ba ang bagay
na ito para sa iyong anak na babae? Siya'y sumagot:
'Hindi, sa Ngalan ng Allah()! Maaari mo ba akong
ipantubos?' At kanyang () sinabi rito: 'Gayundin, ang
ibang tao ay kinamumuhiang makita ang kanilang mga
anak na babae na makiapid.' At kanyang() sinabi rito:
‘Gusto mo bang mangyari ito sa iyong kapatid na
babae?’ Siya ay sumagot, Hindi! Isinusumpa ko sa
Allah()! Maaari mo ba akong ipantubos? ‘Gayundin,
ang ibang tao ay kinasusuklamang makita ang kanilang
mga kapatid na babae na makiapid’. At kanyang()
muling sinabi rito: ‘Gusto mong mangyari ito sa kapatid
na babae ng iyong mga magulang?’ Siya ay sumagot,
Hindi! Isinusumpa ko sa Allah! Maaari mo ba akong
ipantubos? ‘Gayundin, ang ibang tao ay kinapopootang
makita ang kanilang mga tiyahing makiapid.' (Ang nagulat ng Hadeeth ay nagsabing), inilagay ng Propeta() ang
kanyang kamay sa dibdib ng binata at kanyang sinabi; ‘O
Allah patawarin mo siya, dalisayin mo ang kanyang
puso, at ingatan mo siya laban sa pakikiapid at
pangangalunya. Pagkaraan noon ang pakikiapid ang
siyang pinakakinamumuhian ng binatang iyon.”
(Ahmed)
Hindi tinatanggap ng Islam ang pangingilin o pagdidili-dili
mula sa mga makamundong kaligayahan at kasiyahan. Sinabi
ni Anas b. Malik () na:
“Tatlong tao ang pumunta sa bahay ng Sugo() at
nagtanong tungkol sa kanyang pagsamba (debosyon).
Nang sabihin sa kanila ang tungkol sa gawaing
pagsamba ng Propeta() at nalamang ang kanilang
9
ginagawa ay di-sapat sa kanilang inaakala, sila ay
nagsabi: 'Kami ay hindi katulad ng Sugo(); Pinatawad
na ng Allah ang kanyang nakaraan at darating na mga
kasalanan!' Ang isa sa kanila ay nagsabi: ‘Para sa akin,
gugugulin ko sa aking pagdarasal ang buong
magdamag.’ Ang pangalawa ay nagsabi: ‘Para sa akin,
mag-aayuno ako araw-araw at hindi ko ito puputulin.'
Ang ikatlo ay nagsabi: ‘Para sa akin, hindi ako magaasawa at iiwasan ko ang kababaihan.' Lumapit ang
Sugo() at nagtanong: ‘Kayo ba yaong nagsasabi ng
ganito? Katotohanan, sa Ngalan ng Allah, Ako ang higit
na matuwid at mayroong takot sa Allah ng higit sa inyo,
subali't ako'y nag-aayuno at pinuputol ko ito, nagdarasal
ako at ako'y nagpapahinga at nagpakasal ako sa
kababaihan. Kaya't sinuman ang lumihis mula sa aking
Sunnah siya ay hindi nabibilang sa akin.” (Bukhari )
Hindi pinahihintulutan sa Islam ang pagpaparaos ng sinuman
ng kanyang pagnanasang sekswal sa makahayop na
pamamaraan. Si Muhammad Qutub, (isang kilalang
paham na Muslim sa kapanahunan niya) ay nagsabi:
“Wala anumang suliranin tungkol sa usapin ng
pangangailangang sekswal sa Islam. Ang Islam ay nagtakda ng
mga hangganan kung saan maaaring mapunan ng isang tao ang
kanyang pangangailangang sekswal (kabilang na rito ang
pakikipagtalik) at walang pagbabawal na umiiral sa sinumang
nais magsagawa nito. Ang mga panuntunang itinalaga sa Islam
(kaugnay ng paksang ito) ay katulad ng mga tulay na naguugnay sa mga ilog; kung saan hindi nito pinipigil ang daloy
ng tubig, bagkus ay pinangangalagaan nito ang mga dumaraan
(papunta at pabalik). Sa pamamagitan nito, makakamtan din
ang ibang layunin, na hindi nakamit (bago itayo ang tulay). Ito
ang tunay na layunin ng Islam hinggil sa pagnanasang sekswal
ng isang tao. Nagtalaga ito ng mga panuntunan, hindi upang
10
supilin o ipagbawal, bagkus itinatag at isinaayos, sapagka't ito
ang mga hangganan at limitasyon ng Allah(). Ang Allah()
ay nagsabi "...huwag sumuway sa mga hangganang itinalaga
ng Allah...". (Qur’an, 2:229) Ito ang mga hangganang
itinakda ng Allah() upang maging ligtas ang isang taong
magparaos ng kanyang lakas, kung saan ang kabutihan ay
matatagpuan sa bawat sarili at sa pamayanan.
Batid nila ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pamantayan sa
pamayanan sa panahon ng Jahiliyah (Kamangmangan) para sa
likas na pangangailangan ng bawat tao maliban lamang sa
pagnanasang sekswal. Ito lamang ang likas na pagnanasa ng
tao na hindi saklaw sa paghihigpit o pamamahala. Nguni't (ang
pamantayan ng pamamahala) hindi ipinahihintulot sa mga tao
na angkinin at ariin ang anumang kanyang naisin sa anumang
paraan, dahil ito ay itinuturing na pagnanakaw, na may
itinakdang batas at kaparusahan. Gayundin naman, hindi
nakaligtaan ang mga patakarang may kaugnayan sa
paninirahan at pananamit ayon sa kagustuhan ng bawat isaP5F
6
P.
Dr.Abdulrahman b. Abdul-Kareem ash-Sheha
Riyadh-11535
P. O. Box 59565
Email: 0TUAlsheha2@gmail.com U0T
http://0Twww.islamland.or0Tg
6 The Islamic Educational Curriculum, Dar-Al-Shuruq, Vol. 2, P.218-219
11
Ang Pananaw ng Islam sa ‘Sex’
Tinatanggap ng Islam ang katotohanan na ang sekswal na
pagnanasa ng isang tao ay kailangang mahibsan o mapawi
batay sa pamamaraan ng Shari’ah (ie: sa pagpapakasal). Hindi
dapat mahibsan ang pagnanasa sa ibang paraan. Ikinagagalak
ng Allah() ang mga taong sumusunod sa batas na ito at
nagsabi;
Katiyakang ang mga mananampalataya ang siyang
magtatagumpay, silang nagsasagawa ng kanilang
pagdarasal nang may kababaang-loob, at yaong umiiwas
sa mga marumi. At yaong nagbabayad ng Zakah at
yaong nangangalaga ng kanilang kalinisan (dangal o
puri), maliban sa kanilang mga asawa o yaong nasa
kanilang kanang kamay, upang sa gayon sila ay malaya
sa anumang pagkakasala. (Qur’an 23:1-6)
Hinihikayat ng Allah () ang mga Muslim na mag-asawa,
sapagka't ito ay ‘Sunnah’ (tradisyon) ng lahat ng mga Propeta
at mga Sugo, nawa'y pangalagaan sila ng Allah() at ilayo sila
laban sa anumang masamang bagay. Ang Allah() ay nagsabi;
“At katotohanang Kami ay nagpadala ng mga Sugo na
nauna sa iyo (O Muhammad()), at Aming ginawaran
sila ng mga asawa at anak…” (Qur’an 13:38)
Hinihikayat maging ng Sugo ng Allah() ang mga Muslim na
mag-asawa at magkaroon ng mga anak. Si Ma’qal b. Ya’saar
() ay nagsabi;
May isang taong nagpunta sa Sugo ng Allah() at nagsabi: ‘O
Sugo ng Allah(), ako ay ikakasal sa babaing galing sa mga
12
mapitagang pamilya, siya ay mayaman nguni't baog.
Pakakasalan ko ba siya? Ang Sugo ng Allah() ay nagsabi;
“Pakasalan ang babaeng mahinhin, at may kakayahang
magka-anak sapagka't aking ipagmamalaki (ang
malaking bilang) ng aking pamayanan sa harap ng lahat
ng pamayanan. (sa Araw ng Pagbabangong Muli).” (Abu
Dawood)
Ipinag-uutos ng Islam sa mga Muslim na tulungan ang isang
taong gustong mag-asawa kaagad. Si Abu Hurairah () ay
nag-ulat na ang Sugo ng Allah() ay nagsabi:
“Kung kayo ay nilapitan ng isang tao (na kalugod-lugod
ang kanyang pag-uugali at pananampalataya)
mangyaring ipakasal siya; kung hindi, ang ‘Fitnah’
(mga pagsubok at awayan) at kasamaan ang
mangingibabaw.” (Haakim)
Hinihikayat ng Islam ang mga katiwala na gawing magaan at
di-magulo ang mga bagay tungkol sa pagpapakasal. Ang Sugo
ng Allah() ay nagsabi;
“Ang palatandaan ng ‘Barakah’ (i.e.; kabutihan) sa
babae ay kung magaan ang kasunduang pagpapakasal,
mahar (dote) at ang panganganak.” (Haakim)
Ipinag-uutos ng Islam sa mga Muslim na mag-asawa ng maaga
at hindi dapat matakot sa kahirapan. Ang Allah() ay nagsabi;
“At inyong pakasalan sa inyong lupon ang mga wala
pang pananagutan (lalaki at babae na wala pang asawa)
o kaya ang mga matatapat at mataimtim na inyong mga
alipin, lalaki o babae. Kung sila ay maralita, ang Allah
ang magkakaloob sa kanila ng yaman mula sa Kanyang
13
Kasaganaan, sapagka't ang Allah ay Siyang
Tagapanustos sa lahat ng pangangailangan ng Kanyang
mga nilikha, ang Lubos na Maalam sa lahat ng bagay
(hinggil sa katayuan ng tao)”. (Qur’an 24:32)
Ang Propeta ng Allah() ay nagsabi:
“Ang Allah ay lubos na tumutulong sa tatlong uri ng
tao; ang Mujaahid (Muslim na nakikipaglaban) na
tumatahak sa landas ng Allah), ang isang taong nagasawa upang mapangalagaan at mapanatili ang
kalinisan (ng kanyang puri) at ang isang alipin na nais
mabayaran ang kanyang amo upang makamtan niya ang
kanyang kalayaan”. (Haakim)
Ang isang Muslim na lalaki na hindi kayang magpakasal dahil
sa kanyang kahirapan ay inuutusan na panatilihin ang kanyang
kalinisan.
Ang Allah() ay nagsabi:
“At yaong walang kakayahang pananalapi upang magasawa ay hayaan panatilihin ang kanilang dangal,
hanggang sila ay pagyamanin ng Allah mula sa
Kanyang Biyaya”. (Qur’an 24:33)
Sa Islam, ipinag-uutos sa mga kabataan ang pag-aasawa sa
lalong madaling panahon. Nagbigay din ng payo ang
Propeta() sa mga taong hindi makapag-asawa na putulin ang
hangarin sa pagnanasang sekswal kung hindi makalikom ng
sapat na halaga ng salaping gugulin. Ang Propeta ng Allah()
ay nagsabi:
“O mga kabataan! Sinuman ang may kakayahang
(pananalapi at pangangatawan) para sa pag-aasawa, ay
14
dapat magpakasal; upang mapigil niya ang kanyang
paningin at mapanatiling malinis ang kanyang puri.
Nguni't kung sinuman ang walang kakayahan para sa
pag-aasawa, kailangan niyang mag-ayuno, dahil ito ang
mangangalaga sa kanya (sa pagnanasang sekswal)”.
(Bukhari)
Ang Qur’an ay naglarawan ng magandang halimbawa para sa
mga kabataang Muslim kung ano ang gagawin sa pagnanasang
sekswal, at kung papaano ang pagsugpo rito, na nakasaad sa
salaysay ni Propeta Yousuf () (Joseph). Ang Allah() ay
nagsabi;
"At siya (na babae), na kung saan siya ay naninirahan,
ay nagtangkang akitin (na gumawa ng kahalayan), at
isinara niya (ng babae) ang mga pintuan at nagsabi:
'Halika! Ikaw nga!' Siya ay nagsabi: 'Ako'y
nagpapakupkop sa Allah!' Katotohanan, siya (ang iyong
asawa) ay aking panginoon! Ginawa niyang maginhawa
ang aking pananatili rito! (Kaya, hindi ko magagawang
siya ay aking pagtaksilan). Katotohanan, ang mga
mapaggawa ng kamalian ay hindi nagtatagumpay. At
tunay nga na siya ay pinagnasaan niya (ng babae), at
marahil siya ay nahulog sa kanyang pagnanasa, kung
hindi lamang niya nakita ang palatandaan ng kanyang
Rabb (Panginoon). Sa gayong paraan, Amin siyang
inilayo sa kasamaan at bawal na pakikipagtalik.
Katotohanan, siya ay isa sa Aming piniling alipin."
(Qur’an 12:23-24)
Kahit na ang isang tao ay ibilanggo o saktan, hindi siya dapat
pumayag sa bawal na pakikipatalik. Ang Allah() ay nagsabi:
"Siya (ang babae) ay nagsabi: Siya nga (ang lalaki) na
inyong isinusumbat sa akin, at nagawa ko ngang siya ay
15
tuksuhin, subali't siya ay tumanggi. At ngayon kung siya
ay tumangging sumunod sa akin, katiyakang siya ay
itatapon sa kulungan, at siya ay isa sa mga nawalan ng
dangal. Siya (si Yusuf) ay nagsabi: 'O aking Rabb
(Panginoon)! Ang bilangguan ay higit na mainam sa
akin kaysa sa anumang kanilang ipinag-aanyaya sa
akin. Maliban na Inyong ilayo sa akin ang kanilang
pagtatangka, ako ay mahuhulog sa kanilang pagnanasa
at mabibilang sa mga mangmang." (Qur’an 12:32-33)
Ipinagbabawal sa Islam ang pagpaparaos sa pagnanasang
sekswal sa anumang pamamaraan malibang ito ay
makatarungan.
16
Ang Mga Hakbanging Ipinatutupad ng
Islam Upang Isakatuparang Maayos ang
Pagnanasang Sekswal
Ipinagbabawal sa Islam ang anumang gawaing maaaring
pumukaw at magdulot ng pagnanasang sekswal – maliban sa
pagitan ng mag-asawa – sa pangambang maaaring makagawa
ang isang tao ng labag sa batas. Ang mga sumusunod ay ang
mga pamamaraang itinakda sa Islam upang mapangalagaan ng
isang tao ang kanyang pagnanasang sekswal.
1. Ang paghiwalay sa tulugan ng mga anak. Sinabi ng
Propeta ng Allah();
“Ipag-utos ninyo sa inyong mga anak ang pagdarasal
(Salah) kapag sila'y pitong taong gulang na, at paluin
sila (kung hindi sila magdasal) pagdating nila ng
sampung taong gulang, at dapat ihiwalay sila sa kanilang
pagtulog.” (Abu Dawoud)
Ito ay upang maiwasan ang anumang maaaring mangyari
na makapagbigay init sa pagnanasang sekswal sa kanilang
pagtulog.
Ipinag-uutos sa Islam na dapat magsuot ng Hijab ang
babaeng Muslim at hindi dapat makipagtipon sa mga
lalaking hindi MahramP6F
7
P, upang mapanatili ang dangal ng
bawat isa at upang maiwasan ang pagnanasang sekswal.
Sinabi ng Allah();
7 Mahram: ang lalaking hindi maaaring pakasalan (ng babae). (AM)
17
"O Propeta()! Sabihin mo sa iyong mga asawa at sa
iyong mga anak na babae at sa mga kababaihang
mananampalataya na ibaba ang kanilang takip sa buong
katawan. Ito ay higit na makabubuti, na sila ay makilala
(bilang kagalang-galang na kababaihan) upang sila ay
hindi alipustain. At ang Allah ang Lubos na
Mapagpatawad, ang Maawain." (Qur’an 33:59)
Gayunpaman, pinahihintulutan sa Islam ang mga
matatandang babae, na hindi na umaasam ng pag-asawa at
hindi na naaakit ang iba (sa kanila), na mag-alis ng
panglabas na kasuotan. Ang Allah() ay nagsabi;
"At sa mga kababaihang lumipas na ang panahon ng
panganganak na hindi na umaasa pang makapag-asawa,
hindi kasalanan sa kanila kung sila ay magtanggal ng
kanilang damit na pantakip sa paraang hindi
nagpapakita ng kanilang kagandahan. Nguni't ang pagiwas (ang hindi pagtanggal sa damit na pantakip) ay higit
na mabuti para sa kanila. At ang Allah ang Lubos na
Nakakarinig ang Ganap na Maalam.” (Qur’an 24:60)
2. Ang pagbaba ng paninginP7F
8
P: Ang isang Muslim ay
inutusang ibaba ang paningin at huwag tumingin sa mga
bagay na ipinagbabawal; sa dahilang maaaring maging
marubdob ang kanyang pagtingin pagkatapos ng unang
sulyap, at gagamitin ang imahinasyon na maaaring
magtulak sa pagsasagawa ng labag sa batas. Ang Allah()
ay nagsabi:
"Sabihin sa mga mananampalatayang lalake na ibaba
ang kanilang paningin (mula sa pagsulyap sa mga
ipinagbabawal), at pangalagaan ang kanilang maselang
8 Ito ay parehong ipinatutupad sa mga lalaki at babae. (AM)
18
bahagi ng katawaan (mula sa bawal na pakikipagtalik).
Ito ay higit na makapagpapadalisay sa kanila.
Katotohanan, ang Allah ay Lubos na Nakababatid ng
anumang kanilang ginagawa. At sabihin sa mga
mananampalatayang kababaihan na ibaba ang kanilang
paningin (mula sa pagsulyap sa mga ipinagbabawal), at
pangalagaan ang kanilang maselang bahagi ng katawan
(mula sa bawal na pakikipagtalik) at huwag ilantad ang
kanilang kagandahan maliban kung ano lamang ang
dapat makita at ibaba ang kanilang takip sa buong
katawan, mukha, leeg at mga dibdib at huwag ilantad ang
kanilang kagandahan maliban sa kanilang mga asawa o
sa kanilang mga ama, o sa kanilang mga biyenang lalaki
o sa kanilang mga anak na lalaki o sa anak na lalaki ng
kanilang mga asawa o sa kanilang mga kapatid na lalaki
o sa anak na lalaki ng kanilang mga kapatid na lalaki o
sa anak na lalaki ng kanilang kapatid na babae o sa
kanilang mga kababaihan (kapatid na babae sa
relihiyong Islam) o sa (mga babaeng) kanilang mga
alipin na taglay ng kanilang kanang kamay o sa
matatandang lalaking alipin na wala ng lakas (sa tawag
na laman) o sa mga batang walang muwang sa tawag ng
makamundong pagnanasa. At huwag nilang ipadyak ang
kanilang mga paa upang kanilang mailantad kung ano
ang kanilang ikinukubling kagandahan. At lahat kayo ay
magsumamo sa Allah ng kapatawaran, O kayong
mananampalataya, upang kayo ay maging matagumpay."
(Qur’an 24:30-31)
Si Imam Ibn-ul-Qayyim () ay nagsabiP8F
9
P:
Dahil (ang pangangalunya) ay nag-uugat mula sa anumang
bagay na nakikita, ang pag-uutos na ibaba ang paningin ay higit
9 Al-Jawab al-Kafi le’man sa’a’la an ad-da’waa ash-sha’fee (The Adequate Answer
for him who asks for the Curative Remedy) pg. 232
19
na pinagtuunan ng pansin kaysa sa pangangalaga ng maselang
bahagi ng katawan (i.e. ang maging malinis ang puri). Ang lahat
ng pangyayari ay nag-uugat mula sa anumang nakikita; tulad
din ng apoy na nagsisimula sa maliit na kislap. Ang isang
masamang tingin ay nabubuo sa kaisipan (sa puso) na
nagtutulak upang ito ay gawin at sa huli ito ay nagiging
kasalanan. Kaya, ito ang sinabi:
'Sinuman ang nangalaga o nag-ingat sa apat na bagay ay
napangalagaan nito ang kanyang Deen; ito ay ang kanyang
paningin, kaisipan, mga pananalita, at mga gawain.'
Maaaring sa hindi sinasadya, ang isang tao ay napatingin sa
isang masamang bagay nguni't ipinagbabawal para sa kanya na
magtangka muling tingnan ito o sa ikalawang pagkakataon.
Ang Propeta() ay nagsabi kay Ali ():
“O Ali (makinig ka!), Huwag ipagpatuloy ang pagtingin
(sa mga ipinagbabawal na bagay) dahil ang unang tingin
ay pinapahintulutan (para sa iyo) nguni't ang pangalawa
ay hindi na.” (Tirmidhi)
Upang mahimok ang mga Muslim na ibaba ang kanilang mga
paningin, ang Propeta() ay nagpahayag ng gantimpalang
makukuha ng isang Muslim sa pag-iingat at pagbaba ng
paningin ng dahil sa takot sa Allah() at sa pag-asang
mabigyan siya ng gantimpala. Ang Propeta() ay nagsabi:
“Ang pagsulyap ay kagaya ng isang palasong may lason
ni Iblees (Satan); sinuman ang umiwas dahil sa takot sa
Allah at umaasa sa Kanyang Kasiyahan at upang
makatanggap ng gantimpala; ang kanyang Iman
(pananampalataya) ay lalakas na ang kasiyahan nito ay
mararamdaman sa kanyang puso.” (Haakim)
20
3. Ang paghingi ng pahintulot bago pumasok sa pribadong
pamamahay ng sinuman, upang maiwasan ang pagtingin sa
mga hindi kaaya-ayang tagpo o tanawin. Ang Allah() ay
nagsabi:
"O kayong mananampalataya! Hayaan ang inyong mga
alipin at babaing alipin, at yaong kabilang sa inyo na
hindi pa umaabot sa tamang gulang na humingi ng
pahintulot (bago sila lumapit sa inyong kinaroroonan) sa
tatlong pagkakataon: bago sumapit ang Fajr (Umagang
Pagdarasal), at habang kayo ay nagpapalit ng damit para
sa tanghaliang (pamamahinga), at pagkatapos ng Isha
(huling pagdarasal sa gabi). Ang mga ito ang tatlong
pagkakataong pangsarili para sa inyo; sa ibang oras
maliban dito, walang pagkakasala sa inyo o sa kanila na
gumala at asikasuhin ang isa't isa. Ganyan ginawang
malinaw ng Allah ang mga talata ng Qur'an para sa inyo.
At ang Allah ay Lubos na Maalam, ang Tigib ng
Karunungan." (Qur’an 24:58)
Ang Allah() ay nagsabi;
"At kung ang mga bata na kabilang sa inyo ay umabot na
sa tamang gulang, hayaan silang humingi ng pahintulot
sa nakatatanda sa kanila (sa gulang). Ganyan ginawang
malinaw ng Allah ang Kanyang Ayat para sa inyo. At ang
Allah ang Lubos na Maalam, ang Tigib ng
Karunungan." (Qur’an 24:59)
4. Ipinagbabawal sa Islam na pamarisan ng kalalakihan ang
kababaihan at ang kababaihan na tularan ang kalalakihan.
Si Ibn Abbas () ay nagsabi:
21
“Ang Sugo ng Allah() ay isinusumpa ang mga lalaking
tinutularan ang mga babae at ang mga babaeng
tinutularan ang mga lalaki.” (Bukhari)
5. Ipinagbabawal sa Islam ang tumingin sa mga bagay na
magtutulak sa pagnanasang sekswal, kagaya ng mga
malalaswang larawan. Si Abdurrahman b. Abi Sa’eed alKhudri () ay nagsabing ang kanyang ama ay narinig ang
Propeta() na nag-ulat;
“Ang isang lalaki ay hindi dapat tumingin sa maselang
bahagi ng kapwa niya lalaki, o kaya'y ang isang babae ay
hindi dapat tumingin sa maselang bahagi ng kanyang
kapwa babae. Ang dalawang lalaki ay hindi dapat mahiga
na nakahubad sa iisang kumot, at ang dalawang babae ay
hindi dapat mahiga na nakahubad sa iisang kumot.”
(Muslim)
6. Ipinagbabawal ang makinig sa mga bagay na nakakarahuyo
sa pagnanasang sekswal, kagaya ng mga awitin. Karaniwan
sa mga awitin ay nakakapukaw sa damdamin ng isang tao
tungo sa pagnanasang sekswal at maaaring gumawa ng
mga kasamaan. Ang mga pantas na Muslim ay matapat sa
pagsasabi ng katotohanan tungkol sa mga awitin, nang
kanilang sabihin na; ‘Ang mga awitin ay nagtutulak
upang gumawa ng pakikiapid o pangangalunyaP9F
10P.”
7. Ipinagbabawal ng Propeta() ang makasama sa mahabang
panahon ang isang binata (o binatilyo) at titigang mabuti
lalo na yaong may kaakit-akit ang anyo. Si Abu Hurairah
() ay nagsabi na ang Propeta() ay nag-ulat:
10 Ito ay pahayag ni Fudail b. A’yaad, at iniulat ni Ibn Abid-Dunya at Al-Baihaqi
(AM)
22
“Ang anak ni Adan ay nagiging bahagi sa
pangangalunya. Ang mga mata ay nangangalunya sa
pagtitig sa mga ipinagbabawal na bagay. Ang mga tainga
ay nangangalunya sa pakikinig ng mga ipinagbabawal na
bagay. Ang pangangalunya ng dila ay ang pakikipagusap sa mga babaeng hindi kakilala. Ang
pangangalunya ng mga kamay ay ang paghawak sa mga
ipinagbabawal na bagay. Ang pangangalunya ng mga
paa ay ang paglakad sa mga ipinagbabawal (na lugar).
Samantalang ang puso ay umaasam at naghahangad;
magkagayon, ang isang tao ay maaaring makiapid o
kaya'y mapalapit sa pagsasagawa nito.” (Muslim)
8. Ipinagbabawal ng Propeta() na mapag-isa sa piling ng
mga babaeng hindi kilala. Maaaring ang taong ito ay
mahikayat ni Satanas na gumawa ng pangangalunya sa
pamamagitan niya. Ang Propeta() ay nagsabi:
“Huwag hayaan ang sinuman sa inyong manatiling nagiisa sa piling ng babae (na hindi kilala), dahil si Satanas
ang maaaring pangatlo sa kanila.” (Ibn Hibban)
Ang malayang pakikisalamuha ng mga kalalakihan sa
kababaihan ay ipinagbabawal sa Islam, sapagka't ito'y
maaaring magbunga ng ipinagbabawal na relasyon, at ang
lahat ng bagay na umaakay sa ipinagbabawal ay
ipinagbabawal din.
Si Propesor Muhammad Qutub (),ay may ganitong
komentaryo sa kanyang aklat na pinamagatang “Man between
Materialism and Islam”:
“Ang kawalang-malay sa coeducation ay isang pambihirang
kasaysayang nagmula sa Kanluran. Nang isulong ang
‘secularism’ (walang-kaugnayan sa relihiyon) ng Taga-
23
Kanluran at magsimulang mabuwag ang idealismo at
naghangad na makitungo sa pamamagitan ng makamundong
pagnanasa (sexual pleasure), ang mga ‘Sociologist’ (mga
siyentipikong may karunungang panlipunan) at 'Psychologist'
(mga siyentipikong may karunungang pangkaisipan) ay
nagpahayag ng kanilang pagsang-ayon sa maaaring
kapakinabangang maidudulot ng pagsasama-sama ng lalaki at
babae sa isang paaralan (Co-education). Sa huli, tinalikuran ng
Taga-Kanluran ang mga kahalagahan at kapakinabangang ito,
pagkaraang kanilang matuklasan ang masamang bungang hatid
nito. Magkagayon, ang mga Psychiatrist, Psychologist at mga
Neurologist ay binawi ang kanilang naunang opinyon at
sinabing ang pagtitipon na may sayawan, ang pagsama-sama
ng mga inosenteng kabataan, gayundin ang iba pang pagsasalusalo bagama't ito'y nasa ilalim ng pangangalaga ng mga
magulang ay maaaring mangibabaw pa rin ang makamundong
(sekswal na) damdamin. Kapag ang ganitong damdamin ay
pinigilan sanhi ng panlipunang kalagayan o dahil sa kahihiyan,
ito'y maaaring maging daan upang magkaroon ng sikolohikal o
pagkabahala sa kanilang isipan sa naturang okasyon. Sa
ganitong pagkakataon, isa sa dalawa ang maaaring maganap sa
isang kabataan, maaaring humanap siya ng ibang lugar upang
bigyan-kasiyahan at pawiin ang kanyang makamundong
damdamin na walang humahadlang o pumipigil. O kaya'y
magkaroon siya ng lubhang pangamba na maaaring magdulot
ng isang malala at mapanganib na karamdaman. Samakatuwid,
anong uri ng kawalang-malay at pag-aalaga ito?”
9. Ipinagbabawal sa Islam ang isang babae na
maglarawan ng ibang babae sa kanyang asawa, sa
pangambang maging daan ito upang iwanan niya ang
kanyang asawa. Ang ibang katangian ng babae na sinabi sa
kanya na hindi taglay ng kanyang asawa ay maaaring
makaakit sa huli. Maaari ring gawing dahilan ito ni Satanas
24
upang siya'y magnasa sa ibang babae. Nag-ulat si Abdullah
b. Masood () na ang Sugo ng Allah() ay nagsabi:
“Ang isang babae ay hindi dapat makipagtipon sa ibang
babae at pagkatapos ay ilarawan ang detalye ang
babaing ito sa kanyang asawa, na parang nakikita ng
lalaki ang babae.” (Abu Dawood)
10. Ipinagbabawal sa mga kababaihan na lumabas sa kanikanilang mga tahanan na puno ng “make-up” o
pampaganda at pabango. Ang ganitong kagawian ay
nakakatawag pansin sa mga kalalakihan na maaaring magakay sa pagsasagawa ng labag sa batas. Ang Allah() ay
nagsabi;
"At manatili sa inyong mga tahanan, at huwag hayaang
malantad ang inyong sarili tulad noong panahon ng
kamangmangan" (Qur’an 33:33)
Ipinagbabawal din sa isang babae ang makipag-usap ng may
malambing at malumanay na pananalita, ito'y pangangalaga sa
isang babae mula sa mga lalaking mahihina at naghahanap ng
pangangalunya at pakikiapid. Ang isang babae ay dapat
makipag-usap sa mga lalaki (hindi kakilala) kung
kinakailangan lamang, at hindi siya dapat magsalita ng
nakakaakitP10F
11P. Ang Allah() ay nagsabi:
"...huwag maging malambing sa pananalita upang ang
isang may sakit (ng pagkukunwari o may masamang
hangarin sa pangangalunya) ay masaling ang damdamin
ng pagnanasa, subali't mangusap sa paraang kagalanggalang" (Qur’an 33:32)
11 Ito ay naaangkop din sa mga kalalakihan. (AM)
25
Sinabi ng Allah();
“…At kung kayo ay magtanong (sa mga asawa ng
Propeta) nang anumang inyong naisin, tanungin sila sa
likod ng harang o dingding; ito'y nagpapadalisay sa
inyong puso at sa kanilang mga puso…” (Qur’an
33 :53)
Ipinagbabawal sa Islam ang paghuhubot-hubad (walang damit)
na nagpapakita at nagtatanghal ng hubog ng kanilang katawan.
Ang Allah() ay nagsabi:
“O kayong mga anak ni Adan! Pinagkalooban Namin
kayo ng kasuotan at damit upang matakpan ang inyong
kahihiyan (maselang bahagi ng katawan) at (isang
bagay) bilang palamuti. Datapuwa't ang makatuwiran at
makatarungan ay ang pinakamabuting palamuti. Ito ang
mga tanda (Talata ng Qur’an na nagpapaliwanag
tungkol sa legal na tungkulin) ng Allah, upang sila ay
makaalala!” (Qur’an 7:26)
Si Abu Hurairah () ay nag-ulat na ang Sugo ng Allah() ay
nagsabing:
“Mayroong dalawang uri ng taong kabilang na
mananahan sa Impiyerno, at sila ay hindi ko pa
nakikita; ang mga taong may panghagupit na katulad ng
mga tainga ng toro, na siyang pinanghahagupit sa mga
tao. At ang mga kababaihang nakadamit nguni't parang
walang damit, at naglalakad na parang nang-aakit, at
hindi sumusunod sa Allah. Ang kanilang mga ulo ay
kagaya ng umbok ng pilay na kamelyong ‘Bactrian’. Sila
ay hindi makakapasok sa Jannah (Paraiso) na ang
bango ay maaamoy mula sa napakalayong lugar.”
(Muslim)
26
Ang Islam ay nagpaliwanag kung kailan ang babae ay
maaaring magsuot ng pangkaraniwang pananamit na nakikita
ang kanyang kagandahan. Ang Allah() ay nagsabi:
"At sabihin sa mga mananampalatayang kababaihan na
ibaba ang kanilang paningin (mula sa pagsulyap sa mga
ipinagbabawal), at pangalagaan ang kanilang maselang
bahagi ng katawan (mula sa bawal na pakikipagtalik) at
huwag ilantad ang kanilang kagandahan maliban kung
ano lamang ang dapat makita at ibaba ang kanilang
takip sa buong katawan, mukha, leeg at mga dibdib at
huwag ilantad ang kanilang kagandahan maliban sa
kanilang mga asawa o sa kanilang mga ama, o sa
kanilang mga biyenang lalaki o sa kanilang mga anak
na lalaki o sa anak na lalaki ng kanilang mga asawa o sa
kanilang mga kapatid na lalaki o sa anak na lalaki ng
kanilang mga kapatid na lalaki o sa anak na lalaki ng
kanilang kapatid na babae o sa kanilang mga
kababaihan (kapatid na babae sa relihiyong Islam) o sa
(mga babaeng) kanilang mga alipin na taglay ng
kanilang kanang kamay o sa matatandang lalaking
alipin na wala nang lakas (sa tawag na laman) o sa mga
batang walang muwang sa tawag ng makamundong
pagnanasa. At huwag nilang ipadyak ang kanilang mga
paa upang kanilang mailantad kung ano ang kanilang
ikinukubling kagandahan. At lahat kayo ay magsumamo
sa Allah ng kapatawaran, O kayong mananampalataya,
upang kayo ay maging matagumpay." (Qur’an 24:31)
11. Ipinagbabawal sa babae ang maglakbay mag-isa, na walang
Mahram (lalaking katiwala) tulad ng asawa, ama, kapatid
na lalaki o kaya ang malapit na kamag-anak na hindi niya
maaaring pakasalan. Ang Sugo ng Allah() ay nagsabi:
27
“Ang lalaki ay hindi dapat makisalamuha ng nag-iisa sa
babaeng (hindi kakilala) o kaya'y maglakbay ang babae
ng walang ‘Mahram’. Isang tao ang nagtanong sa
Propeta(); ‘O Sugo ng Allah()! Ako ay nakatalang
pumunta sa ganitong labanan, nguni't ang aking asawa
ay umalis upang magsagawa ng Hajj!’ Ang Propeta()
ay nagsabi, ‘Samahan mo ang iyong asawa para sa
pagsagawa ng Hajj”. (Bukhari)
Ang kabutihang dulot nito ay mapangalagaan at mabantayan
ang kapakanan at dangal ng isang babae, sapagka't ang
paglalakbay ay hindi madali, na nangangailangan ng maraming
bagay, at ang isang babae ay mahina dahil na rin sa
pagkakaroon ng buwanang dalaw, ang pagbubuntis, at
pagpapasuso ng kanyang sanggol. Dagdag pa rito, ang babae
ay madaling malinlang kung ihahambing sa isang lalaki,
sapagka't maaari siyang maapektuhan ng kanyang kapaligiran.
Kaya sa oras ng paglalakbay, mangangailangan siya ng isang
lalaking magbabantay at mangangalaga mula sa mga nagnanais
gumawa ng anumang kasamaan laban sa kanya sa anumang
paraan, o kaya'y maaaring agawin ang kanyang pera.
Nangangailangan din siya ng magbibigay ng kanyang
pangangailangan, at tiyakin ang kanyang kaligtasan. Ang isang
Mahram ay obligadong isakatuparan ang bagay na ito, upang
siya ay hindi mangailangan ng anumang tulong mula sa isang
hindi kakilala.
12. Ang Propeta() ay nag-utos sa mga lalaking nakakita ng
isang babae at naakit sa kagandahan nito at napukaw ang
kanilang pagnanasang sekswal, na bumalik sa sariling
tahanan at lapitan ang kanyang asawa. Sa ganitong paraan,
siya ay nakaiwas sa paggawa ng masama at nakalayo sa
udyok ni Satanas. Ang Sugo ng Allah() ay nagsabi;
28
“Ang babaeng lumapit sa anyo ni Satanas ay ganoon din
ang anyo na lalayo kagaya ni SatanasP1F
12P.” (Muslim)
13. Ipinag-uutos sa Islam sa mag-asawa na kailangang
masiyahan ang bawat isa sa kanilang pagtatalik kapag
dumating ang pagnanasang sekswal sa sinuman sa
kanilang dalawa. Ipinagbawal sa isang babae ang
tumanggi sa paanyaya ng kanyang asawa kapag ito ay naganyayang makipagsiping upang mahibsan ang kanyang
sekswal na hangarin, sapagka't ito'y maaaring maging
dahilan upang siya ay makagawa ng kasamaan. Maaaring
ang lalaki ay mag-isip ng ibang paraan upang mahibsan ang
sariling kasiyahan o di kaya'y magkaroon ng pagkabalisa sa
kanyang isipan, at ito'y kapwa nakasasama sa kalusugan.
Ang Propeta() ay nagsabi;
“Kung tinawag ng lalaki ang kanyang asawa na
sumiping sa kanyang pagtulog, nguni't siya ay tumanggi,
at ang lalaki ay natulog ng may galit sa kanya, isusumpa
ng mga Anghel ang babae hanggang sa kinaumagahan.”
(Abu Dawoud)
Kinakailangan ding isakatuparan ng lalaki ang pagnanasang
sekswal ng kanyang asawa upang mapangalagaan at mailayo sa
paggawa ng kasamaan. Si Imam Ibn Hazm () ay nagsabi;
“Tungkulin ng lalaki ang makipagtalik sa kanyang
asawa, kung siya ay dalisay na, at kung may kakayahang
gawin ito. Kung hindi, ang taong ito ay nagkakasala.”
Ang katibayan nito ay mula sa salita ng Allah():
12 Ang tuwirang pagtingin sa isang babae ay siguradong magtutulak sa isang tao
upang gumawa ng masama. (AM)
29
“…At kung napadalisay na ang kanilang sarili, kung
gayon, sila ay inyong lapitan (at makipagtalik) sa
paraang ipinag-utos ng Allah...” (Qur’an 2:222)
Dahil sa kahalagahan ng bagay na ito, kung ang lalaki ay
pinabayaan at hindi binigyan ng kasiyahan sa pakikipagtalik
ang kanyang asawa, binibigyan ang babae ng karapatan upang
magsakdal sa Korte – Shari’ah – kung kinakailangan, upang
makamtan niya ang kanyang karapatan. Ito ay upang
mapanatili ang katiwasayan sa lipunan mula sa lahat ng
kasamaan.
Sinuman ang nasisiyahan na makitang lumalaganap ang
kasamaan sa pamayanan ay katiyakang makakatanggap ng
mabigat na kaparusahan mula sa Allah(). Ang Allah() ay
nagsabi;
“Katotohanan, sinuman ang nagnanais na ipalaganap
ang (krimen) pakikiapid o pangangalunya sa mga
mananampalataya, sila ay tatanggap ng matinding
kaparusahan sa mundong ito at sa kabilang buhay. At
ang Allah ang nakakaalam at hindi ninyo nalalaman.”
(Qur’an 24:19)
Kung ganito ang kaparusahan ng mga taong gustong maging
palasak ang pangangalunya (sa Lipunan), ano ang parusa ng
mga gumagawa nito at ang mga tumutulong sa paglaganap ng
mga ganitong gawain sa lipunan?
30
Ang Pag-aasawa sa Islam
Si G. Sayyid Saabiq () ay nagkomentaryo ng ganito sa
kanyang aklat na pinamagatang, ‘Fiqhu-Sunnah’P12F
13P:
Hindi ipinahihintulot sa Islam ang pagpapalaya ng
nararamdamang pagnanasang sekswal maliban lamang
kung ito'y isasagawa sa ilalim ng kasal, sapagka't ang
Dakilang Allah, ay hindi naglalayong ang isang tao ay
makapantay ng isang hayop na ipinatutupad ang kanyang
pagnanasang sekswal ng hindi nauunawaan, o kaya'y ang
kanyang pakikipag-ugnayan sa isang babae ay maging
masalimuot na walang sinusunod na alituntunin.
Ang Islam ay nagtatag ng isang pamantayan na
mangangalaga sa dangal at kalinisan ng tao. Ang ugnayan
sa pagitan ng lalake at babae ay nangyayari lamang
pagkaraan ng isang kasunduan, at ang kasalan ay
nasaksihan at napatunayan ng iba na silang dalawa ay
pinagbuklod. Sa ganitong pagkakataon, ang isang maayos
at ligtas na pamamaraan para sa ganitong ugnayan ay
naitatag. Ang kanilang magiging supling ay
mapangangalagaang mula sa pagkaligaw at sila ay
mapananatili sa kaaya-ayang kalagayan at ang babae ay
mapangangalagaan din sa lahat ng uri ng kasamaan.
Pinananatili ng Islam ang buklod ng isang pamilya sa
pamamagitan ng pangangalaga at pagmamahal ng ina at
ama kaya naman, ang mga anak ay lumalaki sa isang
maayos na kapaligiran. Ito ang pamamaraan na kinikilala
ng Islam at pinapawi ang iba pa bukod dito.
Dapat ding banggitin sa maikling paliwanag ang mga
hakbanging ipinatutupad ng Islam upang pakasalan ang isang
babae.
13 Vol. 2, pg. 7.
31
UUnang Habangin: Ang Pagpili ng Babaeng
Magiging Asawa
Mayroong malinaw na alituntunin at patakaran ang Islam
tungkol sa paghahanap ng mapapangasawa, sapagka't ang
layunin ng pagpapakasal sa Islam ay hindi lamang para sa
kasiyahang pang-sekswal, bagkus ito ang unang hakbang
upang makapagtatag ng isang pamilya. Kaugnay nito, ang
isang Muslim ay kinakailangang pumili ng mapapangasawang
makapagpapanatili ng mabuting relasyon. At hindi ito
magaganap malibang ang isang Muslim ay magpakasal sa
isang mananampalatayang may takot sa Allah() at maingat
na isinasagawa ang mga ipinagkatiwalang tungkulin sa kanya,
na hindi nakakalimot sa ibang tungkulin, kagaya ng
pagpapaganda sa kanyang sarili para sa kanyang asawa. Ang
Allah() ay nagsabi ;
“At pakasalan yaong nabibilang sa inyo na malaya o
wala pang pananagutan (lalaki o babae na wala pang
asawa) o ang ‘Salihun’ (mga matatapat, malusog at may
kakayahan) ninyong mga (lalaking) alipin at alilang
babae. Kung sila man ay maralita, ang Allah ay
magkakaloob sa kanila ng yaman mula sa Kanyang
Kasaganaan. At ang Allah ay Sapat na Tagapanustos sa
pangangailanagan ng Kanyang mga nilikha at ang
Lubos na Maalam (sa kalagayan ng tao).” (Qur’an
24:32)
Ipinaliwanag ng Propeta() ang mga bagay na nanghihikayat
sa mga Muslim upang magpakasal. At tulad ng ating unang
nabanggit ang pinakamahalagang bagay kaugnay nito ay ang
pagiging makatuwiran at matapat. Sinabi niya ();
32
“Ang katangiang hinahanap sa babae upang pakasalan
ay isa sa apat na sumusunod; dahil sa kanyang
kayamanan, sa kanyang angkan (may karangalan),
kagandahan at sa kanyang Deen (Relihiyon).”
Pakasalan ninyo ang babae dahil sa kanyang Deen
(Relihiyon), sana’y biyayaan ng Allah ang inyong
kamay.” (Bukhari)
Pinaghahanda ng Islam ang mga lalaki na maging uliran sa
pag-aasawa, na dapat ang pag-uugali ay angkop sa katangian
na inilarawan ng Propeta(). Sinabi ng Propeta():
“Ang Muslim na walang kapintasan sa
pananampalataya ay ang mga nagtataglay ng
pinakamabuting katangian at pag-uugali. Ang
pinakamabuti sa inyo ay ang mga pinakamabuti sa
kanilang mga pamilya.” (Tirmidhi)
Pinaghahanda rin ng Islam ang mga babae na maging uliran sa
pag-aasawa, na dapat ang pag-uugali ay angkop sa katangian
na inilarawan ng Propeta(). Siya ay tinanong; ‘Alin sa mga
babae ang pinakamabuti?
“Siya ay nagsabi; (Siya na babae) na nasisiyahan ang
kanyang asawa kapag ito ay nakikita, tumatalima sa
lahat ng ipinag-uutos o ipinapagawaP13F
14P, sumusunod sa
kanyang kahilingan (upang masiyahan sa sekswal na
hangarin) at iniingatan ang kanyang kayamanan
(hanggat hindi labag sa batas ang mga bagay na
ginagawa).” (Nasa’ee)
14 Kailangang sumunod ang babae sa kanyang asawa habang hindi siya inuutusang
gumawa ng bagay na ipinagbabawal. (AM)
33
Pinaghahanda rin ng Islam na maging uliran ang bawat
pamilya upang maging matulungin sa lipunan. Ang Propeta()
ay nagsabi;
“Nawa’y kalugdan ng Allah ang isang lalaki na
nagsasagawa ng panggabing pagdarasal (Salah) at
ginigising ang asawa at kung hindi bumangon, magwilig
ng tubig sa kanyang mukha. At nawa’y kalugdan ng
Allah ang isang babaeng nagsasagawa ng panggabing
pagdarasal (Salah), ginigising ang asawa, at kung hindi
magising, magwilig ng tubig sa kanyang mukha.” (Ibn
Khuzaimah)
34
UIkalawang Hakbangin: Pinahihintulutang
Makita ang Babaeng Nais PakasalanUP14F
15
Hangad ng Islam na makapagtatag ng pangmatagalang
ugnayan sa buhay ng mag-asawa. Ang lalaki ay dapat
maghanap ng kaakit-akit na asawa na mayroong mabuti at
magandang asal upang ang ugnayan ng mag-asawa ay maging
panghabang buhay. Kaya naman, pinahihintulutan sa Islam na
magkita ang dalawa.
May isang lalaki ang lumapit at nagsabi sa Propeta() na nais
niyang pakasalan ang isang babaeng ‘Ansar’ (mga tumulong sa
mga lumikas at nanirahan sa Madinah). Iniulat na sinabi ng
Propeta();
“Nakita mo na ba siya? Ang lalaki ay sumagot ng;
‘Hindi’; at sinabi ng Propeta ng Allah(); pagmasdan
mo muna siya; dahil mayroong nakakasiyang katangian
sa mata ng mga babaeng Ansar.” (Muslim)
Binanggit ng Propeta() na mahalagang makita ang isang
babae bago ito pakasalan. Kaugnay nito, si Anas ay nag-ulat na
si Al-Mughira b. Shu’bah () ay mayroong ugnayan sa isang
babae at ang Propeta() ay nagsabi sa kanya;
15 Dapat isaalang-alang ninuman ang mga sumusunod:
a) Hindi pinahihintulutan ang isang lalaki na makasama ang babae sa isang tagong
lugar, ang Propeta ay nagsabi; ‘Siya (lalaki) na naniniwala sa Allah at sa
Huling Araw ay hindi dapat manatili sa pribadong lugar na kasama ang isang
babae (hindi kilala) maliban kung siya (babae) ay may Mahram (lalaking
katiwala) magkagayon, si Satanas ang kanilang ikatlo.” (Ahmed)
b) Siya na tumitingin sa karaniwang nakikita sa babae, ang mukha, kamay, paa
atbp.
c) Nararapat na mayroong matapat na layunin sa pakikipagkasundo sa babae.
d) Hindi niya dapat ipamalita ang mga makikitang di-magandang katangian ng
babae.
35
“Puntahan at tingnan mo siya, dahil sa paraang ito
kapwa kayo magiging malapit at mapagmahal sa isa’t
isa.” (Ibn Majah)
Ang Islamikong pamayanan ay isang lugar na malaya sa
anumang panganib at suliranin. Ang pagmamahal at pag-ibig
ng mag-asawa ay likas sa damdamin ng bawat isa (sa Islam).
Samakatuwid, hangga’t ang pagmamahalan nila ay dalisay at
wagas, alinsunod sa batas, ito ay ikinasisiya at inaayunan ng
Islam. May isang taong nagtanong sa Propeta();
“O Propeta ng Allah()! Mayroon akong babaeng
ampon (ulilang lubos). May dalawang lalaking
nagpahayag na pakakasalan siya. Ang isa ay mayaman
at ang isa ay mahirap. Gusto namin ang mayaman
nguni't gusto niya yaong mahirap. Kanino namin siya
ipakakasal? Ang Propeta ng Allah() ay nagsabi; ‘Wala
ng ibang higit na maganda sa dalawang taong
nagmamahalan kundi ang pagpapakasal.” (Haakim)
Hinihikayat sa Islam na may mamagitan sa isang mabuting
lalaki na magpakasal sa isang mabuting babae na
nagmamahalan sa isa’t isa.
Sinabi ni Ibn Abbas () na ang asawa ni Bareerah (kalugdan
nawa siya ng Allah) na isang alipin na ang pangalan ay
Mugeeth, ay lagi ng sumusunod na naglalakad sa likod ni
Bareerah na umiiyak, habang ang luha ay tumutulo sa kanyang
balbas. Ang Propeta() ay nagsabi kay Abbas ();
“O Abbas! Hindi kaba nagtataka kung gaano kamahal
ni Mugeeth si Bareerah na hindi naman siya gusto!”
Pagkatapos ay sinabi kay Bareerah; ‘Bakit hindi ka
bumalik sa kanya? Sinabi ni Bareerah, Inuutusan mo
36
bang gawin ko? At sinabi sa kanya; ‘Ako ay
namamagitan lamang para sa kanyang kapakanan.’
Nguni't sinabi ni Bareerah, hindi ko na siya kailangan.”
(Bukhari)
Hinihikayat din ng Islam ang lalaking tagapangalaga na
ipakasal ang babaeng nasa kanilang pamamahala sa isang
nararapat, maginoo at mabait na lalaki pagkatapos ibigay ang
kanilang pahintulot. Ang tagapangalaga ay dapat maging
maingat sa paghahanap ng mabuting asawa ng kanilang
nasasakupan (mga babaeng nasa kanyang pangangalaga). Ang
Allah() ay nagsabi;
At nang siya ay nakarating sa tabi ng balon ng Madyan
(Midian) kanyang natagpuan doon ang isang pangkat ng
mga kalalakihang nagpapainom (ng kanilang kawan ng
hayop), at sa tabi ng mga ito ay kanyang nakita ang
dalawang babae na nangangasiwa (ng kanilang kawan
ng hayop). Siya ay nagsabi: "Ano ba ang nangyayari sa
inyo?" Sila ay nagsabi: Hindi namin mapapainom (ang
aming mga hayop) hangga't hindi kunin ng mga pastol
(ang kanilang mga hayop). At ang aming ama ay
lubhang matanda na. Kaya kanyang pinainom (ang
kanilang mga hayop) para sa kanila, pagkaraan ay
muling bumalik sa lilim, at nagsabi: "Aking Panginoon!
Katotohanang ako ay nangangailangan ng anumang
mabuti na Inyong maigagawad sa akin!" Pagkaraan,
lumapit sa kanya ang isa sa dalawang babae, na
nahihiyang naglalakad. Siya ay nagsabi: "Katotohanan,
ikaw ay tinatawag ng aking ama upang ikaw ay
gantimpalaan sa pagpapainom (ng aming mga hayop)
para sa amin." Kaya nang siya ay lumapit sa kanya (sa
ama ng dalawang babae) at isinalaysay ang nangyari sa
kanya, siya ay nagsabi: "Huwag kang matakot. Ikaw ay
nakatakas mula sa mga mamamayan ng Dhalimun (mga