Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 1
ARAW NG JUMU-AH
Kahigtan at mga Alituntunin nito
Inihanda ng
Tanggapan ng Pananaliksik
At Pagsasaibang-wika
AL-AHSA ISLAMIC CENTER
Isinalin ni
Saminodin Manshawie
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 2
PAUNANG SALITA NG TAGAPAGSALING-WIKA
Purihin at pasalamatan natin si Alláh , ang
Panginoon ng lahat ng nilikha, nawa'y ang
pinakamainam na pagpapala at pinakaganap na
kapayapaan ay matamo ni Propeta Muhammad,
ang kahuli-hulihang Propeta at Sugo para sa
sangkatauhan.
Ang araw ng Jumu-ah at mga alituntunin nito ay
bagay na kailangang malaman at maunawaan ng
lahat ng Muslim, kaya’t pinagsikapang maisalin
ito sa wikang Tagalog mula sa wikang Arabe, sa
tulong ni Allah at pagkatapos ay sa tulong ng mga
kapatid na nagrepaso nito (gantimpalaan nawa
silang lahat ni Allah) ay naihanda ito sa madali at
magaang pamamaraan. Hangad natin mula kay
Allah na gawin Niya itong kapaki-pakinabang at
lubos na para lamang sa Kanya, Ameen……
Saminodin P. Manshawie
Rajab 7, 1427H - August 2, 2006 CE
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 3
Sa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain,
Ang Pinakamahabagin
Ang lahat ng papuri ay kay Allah lamang,
nawa'y ang pagpapala at kapayapaan ay matamo
ng Sugo ni Allah at sa kanyang mga pamilya at
mga kasamahan at sa sinumang sumunod sa
kanyang mga aral, ang mga sumusunod:
Tunay na itinaas ni Allah ang kahigtan ng
ibang mga lugar at pinili naman Niya ang ibang
mga panahon at hinigit Niya sa mga buwan ay ang
buwan ng Ramadan at sa mga araw ay ang araw
ng Arafah1, dalawang Eid2 at ang araw ng Jumuah.
Ang araw ng Jumu-ah ay may mataas na
puwesto at katayuan sa Islam, tulad ng mga
nabanggit na Hadith ni Propeta Muhammad
1 Ang pananatili ng mga peregrino sa lugar ng Arafah na malapit sa
Makkah, ito'y sa ikasiyam na araw ng buwan ng Dhul-Hijja.
2 Ito'y pista ng mga Muslim sa buong mundo bawat taon at ipinagdiriwang
ito hanggang tatlong araw. Eidul-Fitr; bilang pagtatapos ng pag-aayuno sa
buwan ng Ramadan at ito'y ginaganap sa unang araw ng buwan ng
Shawwal. Eidul-Ad-ha; araw ng pag-aalay, ito ang pagsasakripisyo ng hayop
para kay Allah , ginaganap ito sa ikasampung araw ng buwan ng Dhul-
Hijja.
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 4
kung saan nagtutukoy na ito’y di-pangkaraniwan
at natatangi sa ibang mga araw, kasama na rito
ang mga sumusunod:
1. ANG JUMU-AH AY PANGUNAHIN SA MGA ARAW:
Sinabi ni Propeta Muhammad : "Tunay na
ang araw ng Jumu-ah ay pangunahin sa mga
araw at ito ang pinakadakilang araw kay Allah,
bagkos ito'y mas dakila kay Allah, kaysa sa araw
ng Eidul-Adh-ha at Eidul-Fitr" (Sahih Ibnu Májah)
At sinabi pa niya : "Ang pinakamabuting
araw na sinikatan ng Araw ay sa araw ng Jumuah,
dito nilikha si Ádam, dito siya pinapasok sa
paraiso at dito rin siya ay pinalabas mula rito."
(Sahih Muslim)
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 5
2. ANG ARAW ITO AY PISTA NG MGA MUSLIM:
Kapag tumapat ang Eidul-Fitr o di-kaya'y
Eidul-Ad-ha sa araw ng Jumu-ah, magiging dalawa
ang pista o pagdiriwang sa araw na ito, sinuman
ang magsagawa ng Salátul-Eid, ay maaari na
siyang hindi magsagawa ng Salátul-Jumu-ah
dahil ito'y hindi na sapilitan para sa kanya3.
Noong binasa ni ibnu Abbas ang Ayáh:
"Sa araw na ito ay Aking ginanap para sa inyo ang
inyong Deen4…" (5:3)
At naroroon ang isang Hudyo na nagsabi sa
kanya: kung ang Ayah na iyan ay saamin
ipinahayag, ito’y ituturing naming pista. Sinabi ni
ibnu Abbas: Tunay na ito ay ipinahayag at tumapat
sa dalawang pista ng mga Muslim, sa araw ng
Jumu-ah at araw ng Arafah". (Sahih Al-Tirmidhi)
3 Ngunit kailangan niyang magsagawa ng Salá tul-Dhuhr.
4 Batas, sistema o pamamaraan ng pamumuhay.
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 6
3. ANG ARAW NA ITO AY NAGIGING
KAPATAWARAN SA MGA KASALANAN:
Sinabi ni Propeta Muhammad: "Ang
Jumu-ah hanggang sa ikalawang Jumu-ah ay
kapatawaran para sa mga nagawang kasalanan
sa pagitan nito, huwag lang makagawa ng mga
Sinabi ni Propeta Muhammad : "Sinuman
ang naligo at pagkatapos ay pumunta sa Masjid
upang isagawa ang Salatul-Jumu-ah at siya ay
nagsagawa ng Sunnah5 na pagdarasal sa abot ng
kanyang makakayang bilang na Rak-ah at
pagkatapos ay nanahimik hanggang sa matapos
5 Kusang-loob na karagdagang dasal.
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 7
ang Imám sa kanyang sermon at pagkatapos ay
nagsagawa ng Salátul-Jumu-ah kasama ng Imam,
ipapatawad sa kanya ang mga kasalanang
nagawa niya sa pagitan ng dalawang Jumu-ah at
karagdagan pang tatlong araw". (Sahih Muslim)
4. ANG NAGLALAKAD PATUNGONG MASJID SA
ARAW NG JUMU-AH:
Sa bawat hakbang niya ay may nakalaang
gantimpala na ang katumbas ay isang taon na
pagsamba na may mga pag-aayuno at
pagsasagawa ng Saláh sa gabi.
Sinabi ng Sugo ni Allah: "Sinuman ang
naligo sa araw ng Jumu-ah at hinugasan ang ulo
at maagang pumunta sa Masjid at inabot ang
unang sermon at lumapit sa lugar ng Imám at
nakinig at nanahimik sa sermon, ang bawat
hakbang na inilalakad niya ay gagantimpalaan at
ang katumbas ay isang taon na may mga pagaayuno
at pagsasagawa ng Saláh sa gabi". (Sahih
Al-Tirmidhi at Sahih Al-Nasa-i)
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 8
5. SA ARAW NG JUMU-AH AY MAY ISANG ORAS NA
KATANGGAP-TANGGAP RITO ANG PANALANGIN:
Sinabi ni Propeta Muhammad : "Tunay na
nasa araw ng Jumu-ah ang isang oras na kapag
matiyempuhan ng isang Muslim na siya ay
nanalangin kay Allah sa oras na ito ng mga
kabutihan, maliban na ibigay sa kanya ni Allah
ang kanyang panalangin', at kanyang sinabi: 'At
ito'y saglit na oras."' (Muttafaqun Alayhi)
At ang pananaw ng karamihang Pantas sa Islam
tungkol sa oras na kung saan hinahangad ritong
tanggapin ang panalangin, ay nasa pagkatapos ng
Salátul-Asr at ganoon din na hinahangad mula sa
pagkatapos ng tanghaling tapat. Kaya
kinakailangan sa isang Muslim na paramihin ang
panalangin niya sa oras na ito para sa kanyang
sarili at sa kanyang mga kapatid na Muslim.
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 9
6. INILAAN NI ALLAH ANG ARAW NG JUMU-AH
SA UMMAH6 NA ITO AT HINDI IPINAGKALOOB SA
MGA ANGKAN NG KASULATAN:
Sinabi ni Propeta Muhammad : "Hindi
pinatnubayan ni Allah sa Jumu-ah ang mga taong
nauna sa atin, kaya naging kaarawan ng mga
Hudyo, ay araw ng Sabado at sa mga Kristiano ay
araw ng Linggo. At ipinagkaloob sa atin ni Allah at
tayo'y Kanyang pinatnubayan sa araw ng Jumuah,
at isinunod Niya sa araw ng Jumu-ah ang
Sabado at ang Linggo at sila'y sumusunod sa atin
sa araw ng paghuhukom. Tayo ang mga taong
huli sa mundong ito ngunit mga pangunahing
Ummah sa kabilang buhay at unang bibigyan ng
paghuhukom bago isunod ang ibang mga nilikha".
(Muttafaqun Alayhi)
6 Mga tagasunod ni Propeta Muhammad .
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 10
7. ANG ARAW NG PAGHUHUKOM AY HINDI
MAGAGANAP MALIBAN SA ARAW NG JUMU-AH.
Sinabi ni Propeta Muhammad :"Hindi
magaganap ang araw ng paghuhukom maliban
sa araw ng Jumu-ah". (Sahih Muslim)
8. ANG PAGKAMATAY SA ARAW NG JUMU-AH AY
KASAMA SA MGA PANGITAIN NG MAGANDANG
KAMATAYAN:
Sinabi ni Propeta Muhammad : "Walang
sinumang Muslim na mamamatay sa araw ng
Jumu-ah o di-kaya'y sa gabi ng Jumu-ah, maliban
na siya'y pangalagaan ni Allah mula sa
mangyayaring pagsubok sa libingan". (Ahmad at Al-
Tirmidhi)
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 11
Ang nabanggit na kahigtan sa Hadith na ito ay
para lamang sa tao na ang tanyag sa kanyang
mga gawain ay ang pagiging matuwid at mabuting
Muslim.
9. ANG PAGPAPABAYA NG SALATUL-JUMU-AH AY
KASAMA SA MGA MALALAKING KASALANAN:
Tunay na si Propeta Muhammad ay
nagbigay ng mahigpit na babala para sa mga
taong nagpapabaya ng Salátul-Jumu-ah, sinabi
niya:
"Magsitigil na ang mga grupo sa kanilang
pagpapabaya ng mga Salátul-Jumu-ah at kung
hindi ay seselyuhan ni Allah ang kanilang mga
puso at sila ay magiging kabilang sa mga taong
pabaya". (Sahih Muslim)
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 12
Sinabi pa niya: "Sinuman ang magpaliban
ng tatlong Jumu-ah sanhi ng katamaran sa
pagsasagawa nito, seselyuhan ni Allah ang
kanyang puso". (Al-Tirmidhi at Al-Nasa-i)
Sinabi pa niya: "Tunay na nilayon kong
pag-utusan ang isang lalaki para pangunahan
ang mga tao sa Saláh at aking susunugin ang
mga tahanan ng mga kalalakihang hindi
nagsasagawa ng Jumu-ah". (Sahih Muslim)
Malinaw sa mga Hadith na ito na binibigyan ng
kahalagahan ang Salátul-Jumu-ah at hindi ito
nangangahulugan na ang Fardh7 na Saláh lamang
ay ang Salátul-Jumu-ah bagkos ipinag-uutos ang
Saláh sa Jumu-ah at ang mga Saláh na limang
beses sa bawat araw nang sama-sama sa Masjid.
7 Itinakdang Tungkuling Dasal.
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 13
MGA ALITUNTUNIN SA ARAW NG JUMU-AH
? Mga Kautusan sa Araw ng Jumu-ah:
1. Ang Pananahimik para makinig ng pangaral at
ang pag-iwas na makapagsalita at magkamali:
Sinabi ni Propeta Muhammad : "Kapag
sinabi mo sa iyong kasama sa araw ng Jumu-ah
na manahimik ka! habang ang Imam ay
nangangaral, tunay na ikaw ay nakagawa ng
kamalian sa Jumu-ah". (Muttafaqun Alayhi)
2. Ang pagsasagawa ng dalawang Rak-ah na
Saláh bago umupo, kahit na sa kanyang
pagpasok ay nasa kasalukuyang pangangaral ang
Imám:
Ayon kay Jabir sinabi niya: Pumasok ang
isang lalaki sa Masjid sa araw ng Jumu-ah habang
si Propeta Muhammad ay nangangaral at
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 14
kanyang sinabi: ikaw ba ay nakapagsagawa ng
Saláh? Sabi ng lalaki hindi po, sabi niya: tumayo
ka at magsagawa ka ng dalawang Rak-ah".
(Muttafaqun Alayhi)
At kanya ring sinabi: dumating si Saleek Al-
Ghatfani sa araw ng Jumu-ah habang si Propeta
Muhammad ay nangangaral at siya ay umupo
at sinabi niya sa kanya: O Saleek! Tumayo ka at
magsagawa ka ng dalawang Rak-ah at pagaanin
mo ito". At kanyang sinabi:
"Kapag dumating ang isaman sa inyo sa
araw ng Jumu-ah at ang Imám ay nangangaral,
magsagawa muna ng dalawang Rak-ah na
Sunnah at pagaanin ito". (Muslim)
3. Ang Salátul-Jumu-ah:
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 15
Sinabi ni Propeta Muhammad: "Ang
Salátul-Jumu-ah ay itinakdang tungkulin ng bawat
Muslim na isagawa ito nang sama-sama maliban
sa apat: aliping may nagmamay-ari, babae, bata
at maysakit". (Abu Dawud Sahhahu Albani)
MGA MAIINAM NA GAWAIN SA ARAW NG JUMU-AH
May mga maiinam na gawain sa araw na ito, at
kasama na rito:
1. Ang pagbabasa ng Súrah Al-Sajdah (Kabanata
32) sa unang Rak-ah at Súrah Al-Insán (Kabanata
76) sa ikalawang Rak-ah ng Salátul-Fajr". (ito'y nasa
Hadith na Muttafaqun Alayhi)
2. Ang pagpaparami ng pagbati kay Propeta
Muhammad . Sinabi niya:
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 16
"Ang pinakamainam sa inyong mga araw
ay ang araw ng Jumu-ah, dito nilikha si Adam
at dito rin siya binawian ng buhay at dito rin ang
araw ng pag-ihip (ni anghel Israfeel sa trompeta)
at dito rin ang malakas na sigaw (na siyang
ikagugulat ng mga nilikhang nasa mga kalangitan
at mga kalupaan) at paramihin ninyo rito ang
pagbati sa akin sapagka't ang inyong pagbati ay
ipinapakita sa akin', Sinabi ng kanyang mga
kasamahan: O Sugo ni Allah! paano ipapakita sa
iyo ang aming mga pagbati kung sumapi na sa
lupa ang iyong katawan? –ibig sabihin kanilang
sinasabi: kinain na ng lupa ang iyong katawan? -
sinabi niya: Tunay na si Allah ay nagbawal sa
lupa na huwag kainin ang katawan ng mga
propeta sumakanila nawa ang kapayapaan ni
Allah "'. (Al-Nasa-i at Abu Dawud)
3. Pagbabasa ng Súrah Al-Kahf (Kabanata 18)
Sinabi ni Propeta : Sinuman ang bumasa
ng Súrah Al-Kahf sa araw ng Jumu-ah ay
liliwanagan sa kanya ang pagitan ng dalawang
Jumu-ah ". (Al-Hakim at Sahhahu Al-Bani)
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 17
4. Paliligo:
Sinabi ni Propeta : "Kapag sumapit ang
araw ng Jumu-ah sa isa sa inyo, ay maligo siya".
(Muttafaqun Alayhi)
Ipinag-utos ni Propeta Muhammad na maligo sa
araw ng Jumu-ah na kung saan ito'y pagpipilian at
hindi sapilitan, at ang patunay rito ay ang sinabi ni
Propeta Muhammad :
"Sinuman ang magsagawa ng Wudu sa araw
ng Jumu-ah, sa pamamagitan nito’y pagpapalain
siya at sinuman ang maligo, ang paliligo ay mas
mainam". (Sahih Al-Tirmidhi at Sahih Al-Nasa-i)
5. Paggamit ng Siwak at Pabango:
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 18
Sinabi ni Propeta Muhammad: "Ang
paliligo sa araw ng Jumu-ah ay dapat isagawa ng
lahat ng nasa tamang gulang, ganoon rin ang
paggamit ng Siwak at pabango (sa lalaki) sa abot
ng kanyang makakaya". (Muslim)
6. Magsuot ng pinakamagandang damit na
mayroon:
Sinabi ni Propeta Muhammad : "Sinuman
ang naligo sa araw ng Jumu-ah at gumamit ng
pabango kung mayroon nito at isinuot ang
pinakamagandang damit at pagkatapos ay
lumabas nang mahinahon sa paglalakad
hanggang sa makarating sa Masjid at pagkatapos
ay nagsagawa ng Sunnah na Salah kung
magagawa niya at hindi manggambala nang
isaman (sa mga nakaupo) at pagkatapos ay
nanahimik sa paglabas ng Imám hanggang sa
naisagawa ang Salátul-Jumu-ah, magiging
kapatawaran ito sa kanya para sa nagawang
kasalanan sa pagitan ng dalawang Jumu-ah".
(Musnad Ahmad)
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 19
Sinabi ni Propeta Muhammad : "Nasa isa
sa inyo, kung makakayang magkaroon ng
dalawang damit na para lamang sa araw ng Jumuah
bukod sa damit na kanyang pangtrabaho".
(Sunan Abi Dawud at Ibnu Majah)
7. Ang Maagang pagpunta sa Masjid:
Sinabi ni Propeta Muhammad : "Sinuman
ang naligo sa araw ng Jumu-ah na tulad ng
pamamaraan ng paliligo sa Janábah at pumunta
sa Masjid sa unang oras nito, ay parang nag-alay
ng isang kamelyo at sinuman ang dumating sa
ikalawang oras nito, ay parang nag-alay ng isang
baka at sinuman ang dumating sa ikatlong oras
nito, ay parang nag-alay ng isang lalaking tupa at
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 20
sinuman ang dumating sa ikaapat na oras nito, ay
parang nag-alay ng isang manok at sinuman ang
dumating sa ikalimang oras nito, ay parang nagalay
ng isang Itlog at kapag lumabas na ang
Imam (para mangaral), ay papasok ang mga
anghel (na nagtatala) para makinig ng pagpuri
kay Allah." (Muttafaqun Alayhi)
8. Maging abala sa pagbati kay Propeta
Muhammad at paggunita kay Allah hanggang
sa makalabas ang Imám:
Sinabi ni Propeta Muhammad : "Sinuman
ang naligo at pagkatapos ay pumunta sa Masjid
para magsagawa ng Salátul-Jumu-ah at
nagsagawa ng makakayang Sunnah na Saláh (sa
pagpasok niya sa Masjid) at pagkatapos ay
nanahimik hanggang sa matapos ang Imám sa
kanyang sermon at pagkatapos ay nagsagawa ng
Saláh kasama ng Imám, ipapatawad sa kanya
ang nagawa niyang kasalanan sa pagitan ng
dalawang Jumu-ah at karagdagan pang tatlong
araw. (Sahih Muslim)
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 21
9. Ang Maagang pagsasagawa ng Jumu-ah kapag
nawala na ang tanghaling-tapat:
Sinabi ni Anas bin Malik: Si Propeta Muhammad
ay nagsasagawa ng Salatul-Jumu-ah kapag ang
araw ay pumanig na sa kanluran, sinabi rin niya:
maaga namin isinasagawa ang Jumu-ah at kami
ay natutulog pagkatapos ng Salah. (Sahih Al-Bukhari)
Sinabi ni Salamah bni Al-Akwa': Kami ay
nagtitipon-tipon kay Propeta Muhammad kapag
pumanig na ang araw sa kanluran pagkatapos ay
umuuwi kami at sinusundan namin ang Al-Fay-a8.
(Sahih Muslim)
10. Pagbabasa ng Súrah Al-A'lá (Kabanata 87) at
Súrah Al-Ghásiyah (Kabanata 88) o di-kaya'y
Surah Al-Jumu-ah (Kabanata 62) at Súrah Al-
Munafiqun (Kabanata 63) sa dalawang Rak-ah ng
Jumu-ah:
Ayon kay Al-Nu'man bin Bashir sinabi niya:
Binabasa ni Propeta Muhammad sa dalawang
Salátul-Eid at Salátul-Jumu-ah ang Súrah Al-A'la at
Súrah Al-Ghásiyah (Sahih Muslim).
8 Ang anino kapag nawala na ang tanghaling tapat.
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 22
Ayon kay ibnu Abbas kalugdan nawa sila ni Allah
. Binabasa ni Propeta Muhammad sa Salátul-
Jumu-ah ang Súrah Al-Jumu-ah at Súrah Al-
Munáfiqun. (Sahih Muslim)
11. Saláh na dalawang Rak-ah o di-kaya'y apat na
Rak-ah pagkatapos ng Salátul-Jumu-ah:
Sinuman ang isagawa ito sa Masjid, ay gawin
itong apat na Rak-ah at sinuman ang isagawa ito
sa bahay, ay gawin itong dalawang Rak-ah.
Sinabi ni Abdullah ibnu Omar kalugdan nawa sila
ni Allah: si Propeta Muhammad ay hindi
nagsasagawa ng Saláh na Sunnah pagkatapos ng
Salátul-Jumu-ah hangga't sa siya’y makauwi ng
bahay at dito'y nagsasagawa siya ng dalawang
Rak-ah bilang Sunnah. (Muttafaqun Alayhi)
Ayon naman kay Abi Hurayrah sinabi niya:
Sinabi ni Propeta Muhammad:
"Kapag isinagawa ng isa sa inyo ang Salátul-
Jumu-ah ay magdasal pagkatapos nito ng apat na
Rak-ah na Sunnah." (Sahih Muslim)
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 23
MGA IPINAGBABAWAL SA ARAW NG
JUMU-AH
May mga gawaing ipinagbabawal sa araw ng
Jumu-ah at kasama na rito ang mga sumusunod:
1. Ang magbenta at mamili pagkatapos ng
ikalawang Adhan: Sinabi ni Allah :
(O kayong mga nanampalataya! Kapag
naipanawagan ang Salah sa araw ng Jumu-ah, ay
agad kayong tumungo sa paggunita kay Allah (sa
sermon ng Imam at pagsasagawa ng Salah sa
Masjid) at iwanan ninyo ang pagtitinda sapagka't
iyan ang mas mainam para sa inyo, kung ito'y
inyong nalalaman". (Al-Jumu-ah 9)
2. Ang manggambala sa mga nakaupong
nakikinig sa pangaral ng Imám at ang
paghiwalayin ang magkatabi para umupo sa
pagitan nila:
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 24
Ayon kay Abdullah bni Busrin sinabi
niya: Dumating ang isang lalaki at puwersahan
niyang pinapatabi ang mga nakaupo upang
pumunta sa unahan habang si Propeta
Muhammad ay nangangaral at kanyang sinabi
sa lalaking iyon: "Umupo ka sapagka't
nakagambala ka sa mga tao at nagpakahuli ka ng
pagdating."' (Abu Dawud at Sahih Al-Nasa-i at Ahmad)
3. Ang patayuin ng isang lalaki ang kanyang
kapatid mula sa kinauupuan niya pagkatapos ay
umupo siya rito:
Sinabi ni ibnu Omar (kalugdan nawa sila ni
Allah) ipinagbawal ni Propeta Muhammad na
patayuin ng isang lalaki ang kanyang kapatid
mula sa kinauupuan niya at pagkatapos ay
umupo siya rito.
Itinanong kay Nafi' na kasamahan ni ibnu
Omar: Kung sa Jumu-ah lang ba ipinagbabawal?
Sabi niya: Sa Jumu-ah at sa iba pang mga araw.
(Bukhari)
4. Ang pagtitipon-tipon sa loob ng Masjid bago
isagawa ang Salatul-Jumu-ah:
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 25
Ayon kay Amr bin Shu'ayb, ayon sa tatay
niya, ayon sa lolo niya, si Propeta Muhammad
ay nagbawal sa loob ng Masjid na mamili at
magbenta at kumanta ng lunggati at tula,
ipinagbawal rin niya ang pagtitipon-tipon bago
magsagawa ng Saláh sa araw ng Jumu-ah. (Abu
Dawud)
5. Pagtaas ng dalawang kamay para manalangin
sa sermon ng Jumu-ah, maging siya man ang
Imam9 o Ma'mum10,
Maliban kung para sa Istisqa11, tulad ng
nabanggit ni Anas bin Malik ayon kay Propeta
Muhammad sa Sahih Al-Bukhari, napagtibay na
siya ay humingi ng ulan habang siya'y
nangangaral sa Jumu-ah at itinaas niya ang
kanyang dalawang kamay at itinaas rin ng mga
tao ang kanilang mga kamay (sila'y nanalangin).
(Sahih Bukhari)
6. Ang ibukod-tangi ang Araw ng Jumu-ah para
pag-ayunuhan at piliin ang gabi nito para isagawa
ang mga kusang-loob na Saláh:
9 Ang nangunguna sa mga tao para isagawa ang Salá h.
10 Mga pinangungunahan ng Imam sa Salah.
11 Para humingi ng ulan.
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 26
Sinabi ni Propeta Muhammad : "Huwag
ninyong ibukod-tangi ang gabi ng Jumu-ah sa
pagsasagawa ng Qiyám12, at huwag ninyo itong
piliin sa mga araw na ito lamang ang pinagaayunuhan
ninyo maliban sa isa sa inyo na dati
nang nag –aayuno".13 (Sahih Muslim)
At sinabi pa ni Propeta Muhammad:
"Huwag pag-aayunuhan ng isa sa inyo ang araw
ng Jumu-ah maliban kung pag-aayunuhan ang
araw bago ang araw ng Jumu-ah o ang araw
pagkatapos nito". (Muttafaqun Alayhi)
12 Paggising sa ikatlong bahagi ng gabi para magsagawa ng Qiyámul-Layl o
tinatawag na Tahajjúd, ito ay labing-tatlong Rak-ah bilang Sunnah na Saláh.
13 Isang tao na gawain na niyang mag-ayuno at tumapat lamang sa arawng
Jumu-ah ang kanyang pag-aayuno. Ang Jumu-ah ay pista ng Muslim na mas
mainam kung magkainan at magkaroon ng mga kasiyahang ipinapahintulot sa
Islam.
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 27
IBA PANG MGA ALITUNTUNIN
1. Sinuman ang umabot ng isang Rak-ah sa
Salátul-Jumu-ah, ay umabot ng Saláh at kailangan
niyang isagawa ang kulang na Rak-ah, ngunit
sinuman ang umabot ng mas mababa pa sa isang
Rak-ah ng Salátul-Jumu-ah, ay kailangang
magsagawa ng Salátul-Dhu'hr.
Sinabi ni ibnu Mas-ud : Kapag naabutan mo ang
isang Rak-ah ng Jumu-ah, ay idagdag mo lang ang
ikalawang Rak-ah at kung hindi mo naabutan ang
Rukú'14 ay magsagawa ka ng apat na Rak-ah
bilang Salátul-Dhu'hr. (Al-Bani Al-Irwa 3/81)
2. Ang paglipat ng ibang lugar mula sa
kinauupuan kapag siya'y natalo ng antok:
14 Pinakahuling pagyuko sa tuhod sa Salátul-Jumu-ah.
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 28
Sinabi ni Propeta Muhammad : "Kapag
dinatnan ng antok ang isa sa inyo sa araw ng
Jumu-ah15, ay lumipat ng upuan. (Sahih Al-Tirmidhi) 1/295
Abu Dawud H1119)
3. Sinuman ang hindi dumalo sa Salátul-Jumu-ah
kasama ng mga Muslim sanhi ng tanggap na
kadahilanan sa Islam, dahil sa karamdaman o iba
pang tulad nito ay kailangang magsagawa siya ng
Salatul-Dhu'hr at ganiyan rin ang babae,
naglalakbay at mga nakatira sa disyerto, tulad ng
gabay na turo ni Propeta Muhammad na siyang
pananaw ng mga Pantas sa Islam. (Majmu' Fatawa ni
Shaykh Bin Baz)
4. Ang sinumang nasa paglalakbay, ay hindi
inuubligang magsagawa ng Salátul-Jumu-ah
sapagka't si Propeta Muhammad sa kanyang
paglalakbay ay hindi nagsagawa ng Salatul-Jumuah
at noong isagawa niya ang kahuli-hulihang Hajj
niya na nasa Arafah at araw ng Jumu-ah ay
nagsagawa ng Salah para sa Dhu'hr at Asr at
pinagsama niya ito sa oras ng Dhu'hr at hindi
nagsagawa ng Salatul-Jumu-ah at ganoon din na
ito'y sinunod ng mga Al-Khulafa16 at iba pang mga
tulad nila.
15 Habang ang Imam ay nagbibigay ng sermon.
16 Sila Abu Bakr, Omar, Uthman at Ali. Kalugdan nawa silang lahat ni Allah.
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 29
5. Naisasagawa ang Salatul-Jumu-ah sa baryo at
lungsod.
Sinabi ni ibnu Abbas (kalugdan nawa sila ni Allah)
ang unang Jumu-ah na itinayo pagkatapos ng
Jumu-ah sa Masjid ni Propeta Muhammad ay sa
Masjid ni Abdul-Qays sa Jawathi Bahrain. (Bukhari,
Kitabul-Jumu-ah pintuang 11)
Sinabi ni Uthman Bin Abi Shaybah: ito ay sa baryo
na isa sa mga nayon ni Abdul-Qays. (Abu Dawud H 1068)
Araw ng Jumu-ah, Kahigtan at mga Alituntunin nito 30