Mga Artikulo

Ano ang Kanyang Kalikasan? 1


Ang Diyos sa Kristiyanismo…


Ano ang Kanyang Kalikasan?


Ni


Dr. Naji I. Al-Arfaj


Seeking the Truth Series


Ano ang Kanyang Kalikasan? 2


Paghahandog


Para sa mga tapat, bukas ang isipan at taos pusong naghahanap ng katotohanan.


Ano ang Kanyang Kalikasan? 3


Mga Nilalaman


Mga Katanungan Bago Magbasa


Panimula


Ang Diyos ba ay Isa o Tatlo?


Si Hesus ba ay Diyos o Bahagi ng Diyos


Sila ba ay Pantay?


Si Hesus ba ay Anak ng Diyos?


Kung Gayon, Sino si Hesus?


Pagbubuod


Ano ang Kanyang Kalikasan? 4


Basahin po natin ang mga sumusunod ng maingat at maayos.


Mga Katanungan Bago Magbasa:


1. Ano ang kalikasan ng Diyos sa Kristiya- nismo?


2. Ang Diyos ba ay isa o tatlo (Trinidad)?


3. Si Hesus ba ay kapantay ng Diyos?


4. Si Hesus ba ay Diyos o kapantay ng Diyos?


5. Si Hesus ba ay anak ng tao o anak ng Diyos?


6. Kung gayon, sino ba talaga si Hesus?


7. Ano ang iyong opinyon?


Ano ang Kanyang Kalikasan? 5


Malalaman ninyo ang katotohanan at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.


Bilang mananalikisik ng katotohanan at mag-aaral ng buhay, at pagkaraan ng maraming pagsusuri at pagsisiyasat, lumantad sa akin na malimit na ibinabase ng tao ang kanilang mga paniniwala at mga pagpapasiya sa isang mahina at mala-buhanging batayan, imbes na sa saligang matibay na bato na intinagubilin ni Hesus.


Aking napansin ang malaking pagkakaiba sa pagitan ng karaniwang naiintindihan at nalalaman ng tao sa kung ano mismo ang sinasabi sa Bibliya.


Ano ang Kanyang Kalikasan? 6


Aking ibabahagi sa inyo sa maliit na aklat na ito – nang taos puso at malasakit – kung ano ang aking natutunan sa aking patuloy na paglalakbay sa pagsasaliksik ng katotohanan, pagsusuri at pag-aaral.


Ang layunin ng gawaing ito ay tapat at dalisay na paglalahad ng katotohanang aking natagpuan, at hindi upang masaktan ang damdamin ng iba.


Atin ngayong simulan ang ilan sa mga paksa at mga katanungan na may kinalaman sa kalikasan ng Diyos sa Kristiyanismo, ang Trinidad at pagka-diyos ni Hesus.


Ano ang Kanyang Kalikasan? 7


Ano sa palagay mo?


Ano ang iyong sagot?


❖ Ang Diyos ba ay Isa o Tatlo?


❖ Si Hesus ba ay Diyos o Bahagi ng


Diyos?


Ating kunin ang kasagutan sa Bibliya:


Ano ang Kanyang Kalikasan? 8


Narito, may isang lalaking lumapit sa kaniya at sinabi: Mabuting guro, anong mabuting bagay na dapat kong gawin upang magkaroon ako ng buhay na walang hanggan? Sinabi niya sa kaniya: Bakit tinatawag mo akong mabuti? Walang mabuti kundi isa lamang at iyon ay ang Diyos. Ngunit yamang ibig mong pumasok sa buhay, sundin mo ang mga utos.


(Mateo 19:16-17)


Ano ang Kanyang Kalikasan? 9


Ilang katanungan ang maaaring maitanong sa bersong nabanggit. Ilan dito’y:


➢ “Bakit tinatawag mo akong mabuti?” Bakit kinukuwesttiyon mismo ni Hesus ang kanyang kabutihan?


➢ Mariing sinabi ni Hesus na “Walang mabuti kundi isa lamang at iyon ay ang Diyos.” Bakit niya tinukoy?


➢ Bakit hindi niya ibinilang ang kanyang sarili bilang mabuti, kung siya nga ang Diyos?


➢ Malinaw na binanggit ni Hesus Ngunit yamang ibig mong pumasok sa buhay,


Ano ang Kanyang Kalikasan? 10


sundin mo ang mga utos.” Bakit hindi siya inutusan ni Hesus na maniwala sa kanya bilang Diyos para makamit niya ang buhay na walang hanggan?


➢ Ayon sa testimonya ni Hesus, hindi ba sapat na ang pagsunod sa mga utos para makamtan ang buhay na walang hanggan?


Ating basahing muli ang nabanggit sa Mateo (19: 16-17) ng King James version at ang katulad nitong berso na nakasulat sa New International Version ng Bibliya.


Ano ang Kanyang Kalikasan? 11


Narito, may isang lalaking lumapit sa kaniya at sinabi, “Mabuting guro, anong mabuting bagay na dapat kong gawin upang magkaroon ako ng buhay na walang hanggan?” Sinabi niya sa kaniya, “Bakit tinatawag mo akong mabuti? Walang mabuti kundi isa lamang at iyon ay ang Diyos.”


(King James Version)


May isa namang lalaking lumapit sa kanya at nagtanong, “Guro, ano pong kabutihan ang kailangan kong gawin upang magkamit ng buhay na walang hanggan?” Sumagot si Hesus, “Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti? Iisa lang ang mabuti. Kung ibig mong magkamit ng buhay, sundin mo ang mga utos.”


(New International Version)


Ano ang Kanyang Kalikasan? 12


Para madaling paghmabingin narito ang pagkakaiba ng dalawang nabanggit na sinabi ni Hesus:


Ayon sa King James Version (KJV), si Hesus ay nagtanong:


• Bakit tinatawag mo akong mabuti?


Subalit, ayon sa New International Version (NIV), ang sabi ni Hesus:


• Bakit mo ako tinatanong kung ano ang mabuti?


Atin pong paghambingin ng mabuti ang tanong ni Hesus sa King James Version at ang kanyang tanong sa New International Version. Magkaparehas ba ang kanilang kahulugan? Maaari bang pareho silang maging wasto?


Ano ang Kanyang Kalikasan? 13


Balikan natin ang mahalagang tanong na ito, Si Hesus ba ay Diyos? Sa aking palagay kung si Hesus ay Diyos o bahagi ng Diyos, ang kanyang magiging makatwiran na kasagutan ay ang pagsang-ayon doon sa pagtawag sa kanya ng lalake bilang “Mabuting Guro”.


Ang makatwirang pagdadahilan ay nagsasabi sa atin na ang Diyos ay mabuti. At kung si Hesus ay Diyos o bahagi ng Diyos (bahagi ng Trinidad) kailangang siya rin ay MABUTI! Sang-ayon ka ba?


Maaaring ilan sa mga posibilidad na inaasahang isagot ni Hesus doon sa lalakeng tumawag sa kanya na “Mabuting Guro” ay ang mga ito:


Ano ang Kanyang Kalikasan? 14


 “Katotohanang ako ay mabuti, dahil ako ang Diyos.”


 “Ikaw ay tama. Ako ay mabuti.”


 O di kaya’y, dahil alam niya siya ay mabuti, bilang Diyos o di kaya’y katawang-tao ng Diyos, maaari rin namang hindi na sana pinansin pa ni Hesus ang binanggit ng lalake at sagutin na lang nito ng diretso ang kanyang katanungan sa pagsasabing:


 “Ngunit yamang ibig mong pumasok sa buhay, sundin mo ang mga utos.”


Subalit kataka-takang pinuna ni Hesus ang pagtawag sa kanya bilang “Mabuting Guro” nang hindi inaasahan! Kanyang itinanggi na siya ay mabuti sa pagsasabing, “Bakit tinatawag mo akong mabuti?”


Ano ang Kanyang Kalikasan? 15


Kaya naman, imbes na itanggi ni Hesus ang kanyang kabutihan, hindi ba’t mas may katwiran kung pinalampas na laang niya ito at tanggapin na siya ay mabuti, tutal siya naman ay Diyos o katawang-tao ng Diyos, kung iyon nga ba talaga? Bakit ibinaling niya doon sa iisang Diyos, at hindi niya ibinunyag ang kanyang pagka-Diyos? Inililihim ba niya ang katotohanan tungkol sa kanya doon sa nagtanong?


 Ito ang buhay na walang hanggan: Ang makilala ka nila, ang tanging Diyos na totoo at si Jesucristo na iyong sinugo. (Juan 17: 3)


Sa bersong ito ay muling ibinukod ni Hesus ang kanyang sarili mula sa natatanging iisang Diyos! Ang tunay at iisang Diyos na ito ang naglikha kay Hesus at sumugo sa kanya. Kung gayon, sino ang may ganap na karapatan na mag-utos at magsugo? Ang tunay


at nag-iisang Diyos o si Hesus? Sino ang mas


Ano ang Kanyang Kalikasan? 16


nakakahigit, ang siyang nag-uutos at nag- susugo o ang napag-utusan at isinugo?


 Ito ay sapagkat may iisang Diyos at iisang Tagapamagitan sa pagitan ng Diyos at ng mga tao. Siya ay ang taong si Cristo Jesus. (1 Kay Timoteo 2: 5)


Dalawang bagay ang binibigyang- diin ng bersong ito: (1) isang Diyos, at (2) isang tagapamagitan (Hesus)! Si Hesus ay isinalarawan bilang “tao”. Hindi siya tinawag na “ang Diyos Cristo Jesus” sa bersong ito. Sa katotohanan, hindi matatagpuan sa Bibliya na si Hesus ay tinawag na Diyos!


Para lalo pang maging malinaw ang sagot sa tanong na, Si Hesus ba ay Diyos o bahagi ng Diyos?, ating suriing mabuti at maingat ang sumusunod na mga berso sa Mateo 4: 1-10.


Ano ang Kanyang Kalikasan? 17


Ang mga berso bang ito ay naglabas ng mga katanungan sa iyong isip?


 Nang magkagayon, pinatnubayan ng Banal na Espiritu si Jesus sa ilang upang tuksuhin ng diyablo.


 Nang siya ay makapag-ayuno na ng apatnapung araw at apatnapung gabi, nagutom siya.


 Muli siyang dinala ng diyablo sa isang napakataas na bundok. Ipinakita sa kaniya ang lahat ng paghahari sa sanlibutan at ang kaluwalhatian nito.


 Sinabi ng diyablo sa kaniya: Lahat ng mga bagay na iyon ay ibibigay ko sa iyo kung magpatirapa ka at sambahin ako.


Ano ang Kanyang Kalikasan? 18


Hayaan ninyong ibahagi ko sa inyo ang ilang mga katanungan at opinyon na pumasok sa aking isipan pagkatapos kong mabasa ang mga nabanggit na berso sa itaas:


1) Ang Bibliya ay nagsabi, “pinatnubayan ng Banal na Espiritu si Jesus sa ilang…” Ako’y nagtataka sino ang higit na makapangyarihan, si Hesus ba o ang Banal na Espiritu? Bakit hindi mismo si Hesus ang pumatnubay sa kanyang sarili papunta sa ilang kung siya nga ay Diyos? Nangangailangan ba ang Diyos ng iba upang pumatnubay sa Kanya?


2) Ayon sa testimonya sa mga berso sa itaas, tinukso ng diyablo si Hesus na kinikilalang Diyos ng ilang mga Kristiyano. Ang simple at makatwirang tanong na maaaring lumitaw dito ay: Ang Diyos ba ay natutukso?


Ano ang Kanyang Kalikasan? 19


Ang Bibliya rin mismo ang nagsasabi na ang Diyos ay hindi natutukso! Ang katotohanang ito ay binanggit mismo sa Bibliya ni Santiago:


 “Ang Diyos ay hindi maaaring matukso ng mga kasamaan at hindi niya tinutukso ang sinuman.” (James 1: 13)


3) Binanggit sa Bibliya na, “Nang siya ay makapag-ayuno na ng apatnapung araw at apatnapung gabi, nagutom siya.” Kung pag-iisipang mabuti ang bersong ito, maaari nating maitanong:


➢ Ang Diyos ba ay nag-aayuno?


➢ Para kanino at si Hesus ay nag-aayuno? Para sa kanya bilang Diyos o para sa isang mas nakahihigit sa kanya?


➢ Nagugutom ba o nauuhaw ang Diyos?


Ano ang Kanyang Kalikasan? 20


4) Sa kuwento ng ‘Tinukso ng Diyablo si Jesus’ (makikita ang pamagat na ito sa ibang salin ng Bibliya), ating matutuklasan na si Hesus ay dinala at kinontrol ng diyablo! Ito ba ay ginawa ng diyablo kay Hesus na tao o kay Hesus na Diyos? Kung ginawa ito ng diyablo kay Hesus na tao, ano ang punto? At kung kay Hesus na Diyos niya ito ginawa, ang Diyos ba ay maaaring subukin at kontrolin? Tandaan natin ang mga salita ni Santiago, “Ang Diyos ay hindi maaaring matukso ng mga kasamaan…”


Sa dulo ng kanilang pag-uusap at pagkatapos na utusan ng diyablo si Hesus na “magpatirapa ka at sambahin ako”, sinabi ni Hesus sa diyablo:


 “Sambahin mo ang Panginoon mong Diyos at Siya lamang ang iyong paglingkuran.” (Mateo 4: 10)


Ano ang Kanyang Kalikasan? 21


Sa aking palagay, kung si Hesus ay Diyos na nagkatawang tao, madali niyang maisasagot na, “Hindi, O diyablo. Ikaw ang dapat na magpatirapa at sumamba sa akin, ang iyong Diyos! Ngunit ang tinuring niya ay ang pagsamba sa tunay at nag-iisang Diyos LAMANG.


Sa isang banda, ating natutunan sa kuwento na:


➢ NAKITA ng diyablo si Hesus.


➢ SINABI ng diyablo kay Hesus.


➢ NARINIG ng diyablo si Hesus.


➢ DINALA ng diyablo si Hesus.


➢ IPINAKITA ng diyablo kay Hesus.


➢ NAKAUSAP ng diyablo si Hesus.


(Mababasa ang buong kuwento ng panunukso kay Hesus sa Mateo 4: 1-10).


Ano ang Kanyang Kalikasan? 22


Subalit, mariing sinabi sa Bibliya na ang DIYOS AY HINDI NAKIKITA O NARIRINIG.


 Walang sinumang nakakita sa kaniya ni makakakita sa kaniya.


(1 Kay Timoteo 6: 16)


 Kailanman ay hindi ninyo narinig ang kaniyang tinig o nakita man ang kaniyang anyo. (Juan 5: 37)


 Ngayon, sa Haring walang hanggan at walang pagkabulok, at hindi nakikita, at tanging matalinong Diyos, sumakaniya ang karangalan at kaluwalhatian magpakailan pa man. Siya nawa. (1 Kay Timoteo 1: 17)


Bago ko tapusin ang bahaging ito, hayaan ninyo akong magtanong: Hindi ba’t sa panahon ng pamumuhay ni Hesus dito sa


Ano ang Kanyang Kalikasan? 23


mundo ay nakita siya at narinig ng kanyang pamilya, ng mga tao at ng kanyang mga tagasunod?


Kung gayon, hindi maaaring maging Diyos si Hesus ayon sa pagsasalarawan ng Bibliya sa Diyos. Hindi ba’t ito ay makatwiran? Ano ba ang katotohanan? Pag-isipan mo itong mabuti!


Ngayon tayo ng tumungo sa upang pag-usapan ang isa pang mahalagang katanungan!


Ano ang Kanyang Kalikasan? 24


Diyos Ama


Diyos Anak


Diyos Espiritu Santo


❖ Ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo ba ay MAGKAKAPANTAY?


❖ Ang Diyos Anak (Hesus) ba ay KAPANTAY ng Diyos Ama?


❖ Ang Diyos Anak (Hesus) ba ay KAPANTAY ng Diyos Espiritu Santo?


Let us see what Jesus himself says:


Are


They


Equal?


Ano ang Kanyang Kalikasan? 25


 Ang aking Ama ay higit na dakila kaysa sa akin (Hesus). (Juan 10: 29)


 Ibinigay sila sa akin ng aking Ama. Siya ay higit na dakila sa lahat.


(Juan 10: 29)


 Ang aking turo ay hindi sa akin kundi sa Kaniya na nagsugo sa akin.


(Juan 7: 16)


 Hindi ako makakagawa ng anuman na mula sa aking sarili. Ako ay humahatol ayon sa naririnig ko. Ang aking hatol ay matuwid sapagkat hindi ko hinahanap ang aking kalooban kundi ang kalooban ng Ama na nagsugo sa akin.. (Juan 5: 30)


Ano ang Kanyang Kalikasan? 26


 Ngunit patungkol sa araw o oras na iyon walang nakakaalam, kahit na ang mga anghel sa langit, kahit na ang Anak kundi ang Ama lamang ang nakakaalam. (Marcos 13: 32)


 Ang sinumang mamusong laban sa Anak ng Tao ay ipatatawad sa kaniya. Ngunit ang sinumang magsalita laban sa Banal na Espiritu ay hindi siya mapapatawad sa kapanahunang ito, maging sa darating pa. (Mateo 12: 32)


Pagkatapos nating mabasa ang mga napakalinaw na pahayag na ito na binanggit mismo ni Hesus, ano na ang ating magiging pasya?


Ano ang Kanyang Kalikasan? 27


Ayon sa tapat at tahasang testimonya ni Hesus, ang tanging tunay na Diyos (ang Ama) ay nakahihigit sa kanya at sa Espiritu Santo, na anumang itinuturo niya ay hindi galling sa kanya, na siya at ang Espiritu Santo ay walang nalalaman sa huling araw, na wala siyang magagawaanuman sa kanyang sarili. Kailangang tanggapin ng isang tapat na naghahanap ng katotohanan kung ano ang sinabi mismo ni Hesus tungkol sa kanyang sarili, at hindi ang gawin siyang diyos o kapantay ng Diyos!


Hayaan ninyong aking talakayin ang isa pang mahalagang katanungan.


❖ Si Hesus lang ba ang tanging anak ng Diyos?


Ano ang Kanyang Kalikasan? 28


Sangguniin natin ang Bibliya para sa kasagutan:


 Si Adan ay anak ng Diyos. (Lucas 3: 38)


 Ang Israel ay aking anak na panganay.


(Exodo 4: 22)


 Aking sasaysayin ang tungkol sa pasiya: Sinabi ng Panginoon sa akin, Ikaw ay aking anak; Sa araw na ito ay ipinanganak kita. (Mga Awit 2: 7)


Ayon sa Bibliya, at binanggit mismo ng Ama, si David ay isa ring ipinanganak na anak.


 Pinagpala ang mga mapagpayapa sapagkat tatawagin silang mga anak ng Diyos. (Mateo 5:9)


Ano ang Kanyang Kalikasan? 29


Sa pagtalunton sa titulong “anak ng Diyos” sa Bibliya, matatagpuan natin ang maraming “mga anak ng Diyos” at hindi lamang si Hesus.


Maaaring sabihin na ginamit ng Bibliya ang katagang “anak ng Diyos” bilang pagsasalarawan sa mga matutuwid, mga pinili, at mga maka-Diyos.


ITO AY NAGDADALA SA ATIN SA MAHALAGANG KATANUNGAN NA DAPAT NATING ITANONG!


❖ Kung gayon, sino si Hesus?


Ano ang Kanyang Kalikasan? 30


Pagkatapos nating matalakay mula sa Bibliya na ang Diyos ay iisa, at HINDI TATLO, na si Hesus ay hindi Diyos o bahagi ng Diyos, na siya ay hindi kapantay ng Diyos, dapat nating itanong: Kung gayon, sino si Hesus?


❑ Si Hesus Bilang Tao


Maraming beses na binanggit sa Bibliya na si Hesus ay “tao” o “anak ng tao”. Ilan lamang dito ay ang mga sumusunod:


 Mga lalaking taga-Israel, pakinggan ninyo ang mga salitang ito: Si Jesus na taga-Nazaret ay isang lalaking pinagtibay ng Diyos sa inyo sa pamamagitan ng mga himala at mga kamangha-manghang gawa at mga tanda. (Mga Gawa 2: 22)


Ano ang Kanyang Kalikasan? 31


Ang mga katagang ito ay binanggit ni Pedro, isang malapit na kaibigan at tagasunod ni Hesus, at nasaksihan niya ang mga bagay ng malapitan.


 Dumating ang Anak ng Tao na kumakain at umiinom.. (Mateo 11: 19)


 Totoong ito na nga ang propeta.


(Juan 7: 40)


 Ngunit ngayon ay naghahanap kayo ng pagkakataon upang ako ay patayin. Ako ang taong nagsabi sa inyo ng katotohanang narinig ko mula sa Diyos. (Juan 8: 40)


Sa kritikal na sandaling ito ng kanyang buhay, sinabi ni Hesus mismo na siya ay “tao”. Bakit hindi niya malinaw at hayagang sinabing:


Ano ang Kanyang Kalikasan? 32


“Ngayon ay naghahanap kayo ng pagkakataon upang ako ay patayin. Ang Diyos ay nagkatawang tao na nagsabi sa inyo ng katotohanan.” Posible bang inililihim niya ang katotohanan?


❑ Si Hesus Bilang Propeta


 Siya ay si Jesus, ang propeta na taga-Nazaret. (Mateo 21: 11)


 Sinabi niya (Hesus): “Totoong sinasabi ko sa inyo, walang propetang tinatanggap sa kaniyang sariling bayan.” (Lucas 4: 24)


 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang alipin ay hindi higit na dakila kaysa sa kaniyang panginoon. Ang sinugo ay hindi rin higit na dakila kaysa sa nagsugo sa kaniya.


(Juan 13: 16)


Ano ang Kanyang Kalikasan? 33


 Totoong ito na nga ang propeta na darating sa sanlibutan. (Juan 6: 14)


 Siya ay isang propeta. (Lucas 24: 19)


Ilan lamang ito sa napakaraming berso ng Bibliya na nagsasabing si Hesus ay isang sugo at propeta ng nag-iisang Diyos! At hindi matatagpuan sa Bibliya na siya ay tinawag na Diyos.


Isang napakalagang impormasyon tungkol kay Hesus!


Ano ang Kanyang Kalikasan? 34


➢ Ano ang ipinahihiwatig ng bersong mula sa Bibliya na nasa itaas?


“Siya, nang nabubuhay pa sa laman, ay kapwa humiling at dumalangin na may malakas na iyak at pagluha sa kaniya na makakapagligtas sa kaniya mula sa kamatayan. At dahil siya ay may banal na pagkatakot, siya ay dininig.”


(Hebreo 5:7)


Ano ang Kanyang Kalikasan? 35


Pagbubuod:


Ang nabanggit sa taas na mula sa Bibliya ay nagbubuo ng matibay na mensaheng iisa lamang ang Diyos. “ … I am the only God. Besides me there is no other god; there never was and never will be. I alone am the LORD, the only one who can save you” (Isaiah 43: 10-11). “I am the Lord your God and I tolerate no partners.” (Exodus 20: 5)


Daan-daang magkakatulad na pahayag ang nabanggit sa Bibliya kumpara sa iilan lamang na sumasalungat dito.*


*Basahin ang paalala sa susunod na pahina.


Ano ang Kanyang Kalikasan? 36


Si Hesus ay propeta lamang ng nag-iisang tunay na Diyos, na Siyang naglikha kay Hesus, sa atin at sa lahat ng bagay.


Ako’y mag-iiwan ng ilang mga katanungan na nararapat din naming inyong pag-isipan ng mabuti.


 Hindi ba’t panahon na para mailagay ang bawat bagay sa dapat nitong kinalalagyan?


 Hindi ba’t panahon na para mailagay si Hesus sa tama at kagalang-galang nitong posisyon bilang isang tao lamang at propeta ng nag-iisang tunay na Diyos?


 Hindi ba’t panahon na upang magbalik-loob sa ating nag-iisang tunay na Diyos, ang Tagapaglikha, at sambahin Siya lamang bago pa mahuli ang lahat (bago ang kamatayan!)?


Ano ang Kanyang Kalikasan? 37


Paalala:


* Pinaniniwalaan ng dumaraming bilang ng mga pantas ng Bibliya na si Pablo (ipinanganak noong 5 A. D.!) ang siyang nagbago sa mga malalaking doktrina ng Kristiyanismo, kabilang na ang Trinidad, pagka-diyos ni Hesus, orihinal na kasalanan, pagkapako, kaligtasan sa pamamagitan ng dugo ni Hesus atbp.


Maliban pa roon, tanggap ng mga pantas na ito na naunang naisulat ni Pablo ang kanyang liham bago pa ang apat na ebanghelyo, na naimpluwensiyuhan ng mga katuruan at paniniwala ni Pablo. Ang pagkakaiba ng katuruan ni Pablo at ng orihinal na katuruan ni Hesus ay sa kalikasan ng Diyos.


Ano ang Kanyang Kalikasan? 38


Bilang panghuli…


Ang mga katanungang ito at iba pa ay sasagutin sa mga susunod na lathalain,


sa pahintulot ni Allah.


Pagkatapos mabasa ng maayos ang buklet na ito, maaaring lumabas ang mga katanungang tulad nito:


 Ano ang totoo?


 Sino ang tunay na Diyos?


 Ano ang Kanyang tunay na mensahe?


 Ano ang pagkakamali?


Ano ang Kanyang Kalikasan? 39


MGA NAISULAT AT IBANG MGA GAWAIN NG MAY-AKDA


Para sa karagdagang impormasyon, mga katanungan, mga mungkahi at puna, huwag pong mag-atubiling ipaalam sa may-akda:


Dr. Naji Arfaj


Mga kapaki-pakinabang na website sa Islam:


www.sultan.org


www.al-sunnah.com


Una: Pagkakahanay ng pagsasaliksik tungkol sa katotohanan. (Pagsasaliksik ng kaalaman tungkol sa "Comparative Religion" at paglalahad ng mga kagandahan ng Islam)


1. Sino Siya?


2. Ang Dios sa Kristiyanismo, Ano ang Kanyang Likas?


3. Iisang Mensahe Lamang.


4. Ano ang Katotohanan?


5. Ano ang Kamalian?


Malugod naming tatanggapin ang inyong opinyon, matapos ninyong mabasa ang buklet na ito!


Ano ang Kanyang Kalikasan? 40


6. Kagandahan ng Islam!


7. Alpabeto ng Islam.


Pangalawa: Mga susunod na Isusulat:


➢ Mga Susi sa Tagumpay at Walang Hanggang Kasiyahan.


➢ Liham kay Janet!


➢ Bakit "Tayo"?


➢ Bakit TAYO Narito?


Pangatlo: Mga Ibang Gawain: Lingguhang Palatuntunan sa Telebisyon. T.V. Episodyo sa "Video" at "Audio tapes". Pampublikong mga panayam tungkol sa Islam.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG