Ang nakikitang pagsamba ay sumasaklaw sa mga gawa
katulad ng pagsasabi ng Shahada, pag-aalay ng Salah
(pagdarasal), pagbibigay ng Zakat (itinakdang taunang
kawanggawa, pagsasagawa ng Hajj, pagbabasa ng
Banal na Quran, panalangin at pagsumamo sa Allah,
pagbibigay papuri sa kanya, paglilinis ng katawan bago
magdasal, atbp. Ang ganitong uri ng pagsamba ay
nangangailangan ng paggalaw o pagkilos ng bahagi ng
katawan ng tao.
Ang hindi nakikitang pagsamba ay ang paniniwala sa
Allah, sa araw ng Paghuhukom, sa Kabilang buhay, sa
mga Anghael, sa mga Aklat ng Allah, At sa banal na
itinakdang Kahihinatnan (mabuti man o masama). Ang
ganitong uri ng pagsamba ay hindi nangangailangan
ng pagkilos ng mga bahagi ng katawan ng tao, subalit
ito ay may tunay na kaugnayan sa puso ng bawa’t isa
na sa dakong huli’y makakabuti sa pamamaraan ng
kanyang pamumuhay (paniniwala).
Dapat nating isaisip na ang anumang pagsamba na
hindi inaalay sa Allah ay hindi tatanggapin, sa dahilang
ito ay isang uri ng shirk (pagtatambal) ayon sa pananaw
ng Islam.
Ang susunod na hakbang ng isang bagong Muslim
(matapos magpahayag ng Shahada) ay padalisayin
ang sarili sa pamamagitan ng pagligo. Kasunod nito
ay ang pagpapasiya sa sarili na sumunod sa lahat ng
panuntunan at alituntunin ng Islam sa kabuuan nito.
Dapat niyang talikuran ang lahat ng uri ng politeismo
(pagsamba sa mga Diyos-diyusan) at huwad na paniniwala.
Kinakailangan itakwil ang kasamaan at marapat na
maging matuwid. Ang ganitong pagtatakwil ng kasamaan
at pagiging matuwid ay isa sa mga kinakailangan sa
kasabihan sa Islam na La Ilaha Illa Allah..
Ang sabi ng Allah sa banal na Quran:
“Sinumang magtakwil sa mga diyos-diyusan at maniwala
lamang sa Allah ay humawak sa mapagkakatiwalaang
hawakan na hindi mapapatid kailanman…” (Al-Baqarah).
Dapat nating isaalang-alang na ang taos-pusong
pagpapahayag ng “Walang diyos na karapatdapat
sambahin maliban sa Allah”, ay nangangahulugan ng
pagmamahal, katapatan, pananalig, at pag-sunod sa mga
alituntunin ng Islam na sumasaklaw sa lahat ng Muslim.
Isang kinakailangan sa Shahada ay ang magmahal
nang dahil sa Allah. Ito ang pinakamatatag na haligi
ng pananampalataya na nagpapatupad sa kahulugan
ng “Al-Wala at Al-Bara”. Ito ay nangangahulugan
na ang Muslim ay dapat niyang mahalin nang may
katapatan ang Kapuwa Muslim. Nararapat sa kanya,
bilang pagganap sa Islam na ilayo nang lubusan ang
sarili sa mga kaugalian ng mga di-nanampalataya
at tumangging mahikayat ng mga ito, (sa anumang
gawain at paniniwalang salungat sa Islam) maging
ito ay hinggil sa pang-materyal o pang-ispirituwal na
bagay.
Bilang pagtatapos, idinadalangin namin sa Allah na
nawa’y linisin Niya ang puso at kaluluwa ng mga
taong tunay na naghahanap ng katotohanan, at
nawa’y pagpalain Niya ang pamayanan ng mga
sumasampalataya sa Kanya. Ameen!
Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa Islam,
mangyari lamang makipag-ugnayan sa:
Sa Pilipinas
Ang lahat ng papuri ay sa Allah lamang, ang
Panginoon ng sandaigdigan. Nawa’y igawad ng Allah
ang kanyang kapayapaan at pagpapala sa Kanyang
huling Propeta na si Muhammad.
Ang layunin ng munting babasahing ito ay upang
ituwid ang maling haka-haka na lumalaganap sa
mga nagnanais yumakap ng Islam bilang kanilang
pananampalataya. Ang ibang tao ay nahaharap sa
isang suliranin dahil sa maling pag-aakala na ang
taong nais yumakap ng Islam ay kailangan pa
niyang ihayag ang kanyang pagtanggap ng Islam
sa kinauukulan o sa isang iskolar na may mataas
na katungkulan o sa isang Shiekh o di kaya’y
ipaalam muna ito sa husgado o sa isang sangay
ng pamahalaan. Isang pag-aakala rin na ang
pagtanggap ng Islam ay may kondisyong magkaroon
ng sertipiko o kasulatang pinagtibay ng mga
awtoridad bilang pagpapatunay ng pagpasok sa
Islam.
Nais naming linawin na ang lahat ng bagay hinggil
dito (pagpasok sa islam) ay napakadali at isa man
sa mga naturang kondisyon o obligasyon ay hindi
kailangan sapagkat taglay ng dakilang Allah ang
lahat ng pang-unawa at lubusan Niyang batid
ang lihim ng bawa’t puso. Bagkus, ipinapayo sa
sinumang nagnanais tumanggap ng Islam, bilang
kanyang pananampalataya, na iparehistro ang sarili
sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan. Ito ay
maaring makatulong sa maraming bagay kasama
na rito ang posibilidad ng pagsasagawa ng Umrah
at Hajj sa hinaharap.
Sinuman ang may tunay na hangaring maging isang
Muslim, at may ganap na pananalig at matatag
na paniniwala na ang Islam ay siyang tunay na
relihiyong itinakda ng Allah sa lahat ng sangkatauhan,
magkagayun, siya ay dapat magpahayag lamang
ng kanyang “Shahada” (ang pagpapahayag ng
pananampalataya) nang walang pagliliban: “Walang
tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa
Allah at si Muhammad ay Kanyang alipin at huling
Sugo”. Binibigyang linaw sa Banal na Qur’an ang tungkol
dito. Ang Allah (SWT) ay nagsabi:
“Katotohanan, ang relihiyon sa paningin ng Allah ay
Islam.” (Al Imran).
Sa ibang talata ng Banal na Quran, ipinahayag ng Allah:
“At sinumang maghangad ng relihiyon maliban sa Islam,
kailanman hindi ito tatanggapin sa kanya, at sa kabilang
buhay siya ay mabibilang sa mga taong talunan.” (Al
Imran).
Gayon din ang Islam ang tanging relihiyon na mananaig
sa lahat ng ibang relihiyon. Ang Allah ay nagpapahayag
sa Banal na Quran:
“At aming inihayag sa iyo (O Muhammad) ang Aklat (Banal
na Quran) nang may katotohanan ,na nagpapatotoo sa
mga kasulatang nauna rito, at isang saksi sa mga ito.”
(Al Maida).
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Ang Islam ay nakabatay sa limang haligi: Ang pagsaksi
na walang tunay na diyos na dapat sambahin maliban
kay Allah, at si Muhammad ay kanyang Sugo at alipin,
ang pag-aalay ng Salah (pagdarasal), ang pagbibigay ng
Zakat (itinakdang taunang kawanggawa), ang pagaayuno
sa buwan ng Ramadan, at ang pagsasagawa ng Hajj.”
Ang Shahada ay binibigkas katulad ng sumusunod:
ASH-HADU AN LA ILAHA ILLA ALLAH, WA ASH-HADU
ANNA MUHAMMADAN ABDUHU WA RASULUH”.
Ang kahulugan sa wikang Pilipino ay:
“AKO AY SUMASAKSI NA WALANG TUNAY NA DIYOS
NA DAPAT SAMBAHIN MALIBAN SA ALLAH, AT AKO AY
SUMASAKSI NA SI MUHAMMAD AY ALIPIN AT SUGO
NIYA”.
Gayunman, hindi sapat sa sinuman na bigkasin lamang
ang Shahada sa bibig maging sa lihim o hayagan, bagkus
dapat niya itong paniwalaan nang buong puso at may
matibay na pananalig at matatag na pananampalataya.
Kung siya ay tunay at tapat na tumutupad sa mga
katuruan ng Islam sa kanyang buhay, matatagpuan niya
ang kanyang sarili na katulad ng isang bagong silang na
sanggol.
Ito ang magdadala sa kanya sa higit pang pagpupunyagi
at pagsisikap na paghusayin ang kanyang pag-uugali na
siyang maglalapit sa kanya sa ganap na katiwasayan. Ang
liwanag ng kanyang pananampalataya ang magpupuno
sa kanyang puso hanggang siya ay maging huwaran ng
pananampalatayang ito.
Ano ang susunod pagkatapos ng pagpapahayag ng
pananampalataya (Shahada) at maging isang Muslim?
Dapat niyang malaman ang tunay na konsepto o diwa na
napapaloob sa pagpapatotoong ito na nangangahulugan
ng Kaisahan ng Allah at Pagtanggap na si Propeta
Muhammad bilang huli sa mga Propeta at Sugong
ipinadala ng Allah, at ang pagtugon sa mga kinakailangan
nito. Nararapat siyang kumilos nang tama at isagawa ang
mga alituntunin ng Islam maging sa salita at sa gawa.
Ano ang ibig sabihin ng mga katagang napapaloob sa
Shahada? Ang pinakamahalagang dapat malaman
ng bawat Muslim ay ang katotohanang walang Diyos
maliban sa Allah (Luwalhati sa kanya). Siya ang Nagiisang
Tunay na Diyos, at Siya lamang ang karapat-dapat
sambahin sapagka’t Siya ang Nagbibigay ng buhay, ang
Tagapanustos, at ang Tagapangalaga ng sangkatauhan
at ng lahat ng nilikha mula sa Kanyang walang
hanggang biyaya. Tanging Siya ang dapat pag-ukulan ng
pagsamba.
Ang ikalawang bahagi ng Shahada: ASH-HADU
ANNA MUHAMMADAN ABDUHU WA RASULUH, ay
nangangahulugan na si Propeta Muhammad ay alipin at
Sugo ng Allah. Walang sinuman ang dapat magkaroon ng
pag-aalinlangan sa bagay na ito. Sa katunayan, ang mga
Muslim ay nararapat na sumunod sa mga kautusan ng
Propeta, paniwalaan siya sa lahat ng kanyang mga sinabi,
sundin ang kanyang mga katuruan, iwasan ang anumang
kanyang mga ipinagbawal, at sambahin lamang ang Allah
nang ayon sa mensaheng ipinahayag sa kanya.
Ano ang kahulugan ng pagsamba? Ito ay nangangahulugan
ng tapat na paglilingkod at pagmamahal sa Allah. Sa
malalim na kahulugan nito, itinagubilin ang buong pagsuko
at ganap na pagsunod sa mga kautusan ng Allah sa salita
at sa gawa maging ito ay lantad man o lihim.
Ang pagsamba ay may dalawang uri:
1) Nakikita (hayagan o panlabas)
2) Hindi nakikita (lihim o panloob)