Mga Artikulo

1


ANG PANINIGARILYO


KASALANAN BA?


Sadyang nakalulungkot isipin na ang paninigarilyo, isang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng kanser sa bibig, lalamunan at baga, ay laganap na sa lipunan. Hindi maitatatwa na may mga Muslim na biktima rin ng bisyong ito. Kanilang ikinakatwiran na ang paninigarilyo ay Makrooh1


Noong ika-17 siglo, nang unang nakarating ang sigarilyo at tabako sa mga Muslim ng Emperong Ottoman (Ottoman Muslim Empire), karamihan sa mga paham (iskolar) sa Islam ay nagbigay pasiya (alituntunin) sa pamamagitan ng Qiyaas2 na ang paninigarilyo ay Makrooh, sapagka’t ang tanging alam nilang masamang bunga nito, sa mga panahong iyon, ay ang pagkakaroon ng mabahong hininga3. Ang pasiya ay batay sa isang Hadith na ang Propeta (ang pagpapala at kapayapaan ay sumakanya nawa)4 ay


1Makrooh: Isang bagay o gawaing hindi kanais-nais sa pananaw ng Islam, bagama’t wala itong kaparusahan sa mga gumagawa nito.


2Qiyaas: Mga pasiya o alituntuning batay sa mga Batas Islamiko na may magkatulad na usapin at layunin.


3 Islamic Studies Book 1, by Abu Aminah Philips, page 115-116.


4(SAW) Sallallahu Alaihi Wasallam. Isang pangungusap na binabanggit sa tuwing sasabihin o maririnig ang pangalan ni Propeta Mohammad, na nangangahulugan ng “Nawa’y itampok ng Allah ang pagbanggit sa kanya at ilayo siya sa anumang kamalian (imperfection) at iligtas siya sa anumang masama (evil).”


2


nagsabi: “Sinumang kumain ng masangsang na halamang ito (bawang) ay hindi dapat pumunta sa Masjid.” Ang mga tao ay nagsabi: “Ito (bawang) ay ipinagbawal! Ito ay ipinagbawal!” Nang ito ay nakarating sa Propeta (ang pagpapala at kapayapaan ay sumakanya nawa), siya ay nagsabi “Hindi ko maaaring ipagbawal ang pinahihintulutan ng Allah. Ang tanging amoy lamang nitong halaman (bawang) ang hindi ko nais.” Sa mga sumunod na panahon, kanya ring isinama ang sibuyas at leek sa mga bagay na masangsang (offensive)5. Katulad ng pagkain ng bawang at sibuyas, ang taong naninigarilyo ay may masamang amoy din na makaaabala sa ibang nasa Masjid. Bagama’t hindi namamalayan ng isang taong naninigarilyo, kadalasa’y ang kanyang hininga, damit, sasakyan at pamamahay ay may masamang amoy.


Sa panahon natin ngayon, napatunayan ng mga dalubhasa sa medisina na ang paninigarilyo ay nagiging sanhi ng kanser, bukod pa sa mabahong hininga at iba pang mga karamdaman. Sa pakete pa lamang ay may babalang nakasulat na ang paninigarilyo ay nagbibigay panganib sa kalusugan. Ayon sa mga lathalaing pang-medisina6, ang usok ng sigarilyo o tabako ay kinapapalooban ng 4,000 kemikal, karamihan sa mga ito ay kilalang nagdudulot ng kanser. Ang ilan sa mga


5Islamic Studies Book 1, By Abu Aminah Bilal Philips, Page 115-116.


6Pharm AssistTM Encyclopedia


3


nakapipinsalang kemikal na ito ay tar, carbon monoxide at nicotine. Ang tar ay may libo-libong kemikal kasama na rito ang nitrogen oxide at hydrogen cyanide na pinanggagalingan ng kanser. Ang carbon monoxide naman ay katulad ng usok na lumalabas sa tambutso ng sasakyan. Ang kemikal na ito kapag nahalo sa hemoglobin sa daloy ng dugo ay nagbibigay balakid sa kakayahan ng katawan upang makakuha at makagamit ng oxygen, isang pangunahing sangkap na kailangan ng katawan. Ang paninigarilyo ay nagdudulot sa naninigarilyo at sa lagi nang nakalalanghap ng usok nito ng kawalan ng gana sa pagkain, kanser sa baga, emphysema, asthma, bronchitis, myocardial infraction (atake sa puso), coronary heart disease, at ang laganap na pagtigas ng mga arteries (punong daluyang ugat). Sa dahilang ang kanser ay kadalasang nakamamatay, ang mga paham o iskolar sa Islam ang nagbigay pasiya sa pamamagitan ng Qiyaas na ang paninigarilyo ay Haraam (kasalanan).


وَأَ نََفِقُوا فىِ سَبِيلِ اللهِ وَ لاَتُلْقوا بِأَيْدٍيكُمْ إِلَى التَّهْلُكَهِ وَأَحْسِنُوا إِنَّ اللهَ يُحِبُّ ا لمُُحْسِني


At huwag itapon ang inyong mga sarili sa kapahamakan at gumawa ng mabuti. Katotohanan, minamahal ng Allah ang mga Muhsinun7 (Al Baqarah - 2:195)


7Muhsinun: mapaggawa ng mabuti.


4


Nilikha tayo ng Allah sa pinakamagandang hubog sa lahat ng kanyang mga nilalang. Hindi ba dapat pasalamatan natin Siya ukol dito at ilayo ang sarili sa paggawa ng anumang magiging sanhi ng pagkakasakit at kamatayan? Isang pag-iingat ba sa sarili ang paghitit ng sigarilyo sa kabila ng mga katibayang ito ay pinanggagalingan ng kanser at iba pang karamdaman? Ano ang kaibhan ng unti-unting paglason sa sarili sa pamamagitan ng paghitit ng sigarilyo sa pag-inom ng isang boteng lason nang minsanan? Ito ay magkatulad na pagpapatiwakal. Isang kasalanang may masidhing kaparusahan---maging anuman ang kaparaanan ng pagpapatiwakal.


وَ لاَ تَقْتُلوا أنْفُسَكُمْ


.... at huwag patayin ang inyong mga sarili. (An-Nisa’ - 4:29)


Si Propeta Muhammad(ang pagpapala at kapayapaan ay sumakanya nawa) ay nagsabi: Sinumang magpatihulog sa bangin at napatay ang sarili ay itatapon sa naglalagablab na Apoy ng Impiyerno, at siya’y mananatili doon magpakailanman. Sinumang uminom ng lason at napatay ang sarili ay mananatiling hawak ang lason sa kanyang kamay at iinumin ito magpakailanman sa naglalagablab na Apoy ng Impiyerno. At sinumang magsaksak sa sarili sa pamamagitan


5


ng kapirasong bakal ay mananatiling hawak ang patalim sa kanyang kamay at patuloy itong isasaksak sa sarili sa naglalagablab na Apoy ng Impiyerno magpakailanman. 1(Bukhari at Muslim)


Masasabi bang ang pagbili ng sigarilyo, na nagbibigay sakit sa katawan, ay tamang paggugol ng yaman para sa landas ng Allah? Hindi ba ito ay isang paglustay sa yamang ipinagkatiwala Niya sa atin?


…وَلاَ تُبَذِّرْ تَبْذِير ا


إِنَّ المُُبَذِّرِي كَانُوا إِخْوَنَ الشَّيَطِي وَ كَانَ الشَّيطَ لِرَبِّهِ كَفُور ا


.... at huwag maglustay sa paggugol.


Katotohanan, ang mga mapaglustay ay mga kapatid ng mga demonyo,


at si Satanas ay lagi nang walang pasasalamat sa kanyang Rabb8. (Al-Israil - 17:26-27)


Ang naninigarilyo ay walang katarungan sa sarili maging sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagsunog ng kanyang yaman at baga! Hindi lamang siya nagdudulot ng panganib sa sarili kundi pati na rin


8Rabb: Ang Tagapaglikha at nagbibigay panustos sa lahat ng nakikita at di-nakikita. Ang lahat ay umaasa sa Kanya. Siya ay may kasapatan at Siya ay walang kailangan sa Kanyang mga nilikha. Siya ay nagbibigay buhay at bumabawi nito. Siya ang nagpadala ng mga Sugo at Propeta sa daigdig upang ituro sa tao kung sino Siya at kung papaano Siya sambahin. Ang ilan sa mga Sugo at Propetang ito ay sina Noah, Abraham, Ismael, Isaac, Solomon, David, Moses, Jesus, at ang panghuli sa mga kawing ng Propetang ipinadala dito sa daigdig ay si Propeta Muhammad(SAW).


6


sa mga taong nakapaligid sa kanya. Kadalasan, ang mga anak ng isang naninigarilyo, ay nagkakaroon ng sakit na asthma o iba pang sakit na may kinalaman sa paghinga.


Ang Propeta (ang pagpapala at kapayapaan ay sumakanya nawa) ay nagsabi: “Walang dapat manakit ng kapuwa o gumanti ng pananakit.” (Saheeh Al-Jami’# 7517)


Alalahanin na ang mismong katawan ang magbibigay saksi laban sa atin sa mga masasa-mang gawaing ating ginawa sa mundong ito.


بَلِ الإِنْسَ عَلَى نَفْسِهِ بَصِيرَة


Walang pagsala! Ang katawan ay magiging saksi laban sa kanyang sarili (mga bahagi ng katawan ay magsasalita ukol sa kanyang mga gawa) (Al Qiyamah - 75:14)


يَوْمَ تَشْهَدُ عَلَيْهِمْ أَلْسِنَتُهُمْ وَأَيْدِيهِم وأَرْجُلُهُمْ بِمَُا كَانُوا يَعْمَُلُونَ


Sa Araw na yaon, kapag ang kanilang dila, kamay at paa ay magbibigay saksi laban sa kanila sa mga bagay na dati nilang ginagawa. (An Nur - 24:24)


Ang paninigarilyo ay nabibilang sa mga bisyong nagbibigay ng di magandang bunga sa gumagawa nito. Katulad ng sugal at alak, ito ay naghahatid sa tao sa


7


pagkagumon --- hinahanap-hanap at hindi maiwaksi nang ganoon na lamang. Mga gawaing pakana ni Satanas upang mailayo ang tao sa tamang landas. Tandaan natin na si Satanas ay mortal na kaaway ng tao.


إِنَّ الشَيْطَانَ لَكُمْ عَدُ و فَاتَّخِذُوهُ عَدُ وا إِنَّمَُا يَدْعُواْ حِزْبَهُ لِيَكُونُوُاْ مِ أَصْحَبِ السَّعِيرِ


Tunay! Si Satanas ay isang kalaban sa inyo, kaya’t ituring siyang isang kaaway.Kanya lamang inaanyayahan ang kanyang mga tagasunod upang sila’y humantong at manatili sa naglalagablab na Apoy. (Fatir - 35:6)


Lahat ng patibong ay gagawin ni Satanas upang unti-unti niyang ilayo ang tao sa tamang landas. Ipadadama at ipalalasap niya sa tao na ang mga bisyong ito ay kabigha-bighani at kasiya-siya hanggang sa ang tao ay malulong at tuluyan nang makaligtaan ang paggunita sa Allah.


فَزَيَّ لَهُمُ الشَّيْطَانُ أَعْمَُالَهُم فَهُوَ وَلِيُّهُمُ اليَوْمَ وَلَهُمْ عَذَا ب أَلِي م


....subali’t ipinadama ni Satanas na kasiya-siya sa kanila ang kanilang mga gawa, kaya’t si Satanas ang kanilang Wali (katulong) sa mundong ito, at mapapasakanila ang napakasakit na parusa. (An Nahl - 16:63)


8


Kaya naman, ang Allah ay nagtakda ng limang haligi ng Islam bilang pundasyon ng pananampalataya at gayundin isang paraan sa pagsasanay upang maisakatuparan ang iba pang bahagi ng katuruan ng Islam ayon sa Sunnah ng Propeta (ang pagpapala at kapayapaan ay sumakanya nawa).


Isa sa mga haligi ng Islam ay ang Sawm (pag-aayuno). Ang pagsunod sa Allah ay siyang pangunahing dahilan ng pag-aayuno. Ito rin ay nagtuturo ng pagtitiis at pagtitimpi upang mamayani ang sarili katawan sa mga likas na kailangan nito (hal: pagkain, pag-inom at pakikipagtalik sa asawa).


يَأَيُّهَا الَّذِي ءَامَنُواْ كُتِبَ عَلَيْكُمُ الصِيَامُ كَمَُا كُتِبَ عَلَى الَّذِي مِ قَبْلِكُمْ لَعَلَّكُمْ تَتَّقُونَ


O kayong nananampalataya! Ang pag-aayuno ay ipinag-uutos sa inyo katulad ng ipinag-utos sa mga nauna sa iyon upang kayo ay maging Al-Muttaqun9 (Al Baqarah - 2:183)


Ang pag-aayuno ay isa ring pagsasanay upang magkaroon ng lakas laban sa mga kapritso at bisyong nakapaligid sa atin. Nararapat na ang sarili na rin ng tao ang siyang mamayani at hindi ang pagnanais o pagnanasa ng katawan ang mangibabaw sa kanya.


9Al Muttaqun: Mga taong maka-diyos at matutuwid na labis ang takot sa Allah (kaya’t umiiwas sa lahat ng uri ng kasalanan at masasamang gawain na Kanyang ipinagbawal), at labis na minamahal ang Allah (kaya’t nagsasagawa ng lahat ng uri ng mabubuting gawa na Kanyang ipinag-utos).


9


Huwag hayaang manguna ang mga masamang bisyo kaysa pagsunod sa Allah, sapagka’t ang pagiging alipin ng pagnanasa o pagnanais ay isang pagbibigay katambal sa Allah.


أَرَءَيْتَ مَ اتَّخَذَ إِلَهَهُ, هوه أَفَأَنْتَ تَكُونُ عَلَيْهِ وَكِيلا


Hindi mo ba nakikita ang taong ginawang ilah (diyos) ang kanyang mga pagnanasa (kapritso o pagnanais)? (Al Furqan - 25:43)


Kung kayang iwasan ng nag-aayuno ang mga Halal (mabubuting bagay), higit siyang may kakayahang iwasan ang mga Haram (masasamang bagay). Subali’t kung ang Muslim ay nanumbalik sa masamang bisyo pagkatapos ng kanyang pag-aayuno, masasabi ba nating nagkaroon ng magandang bunga ang sakripisyo at pagtitimping kanyang ginawa? Hindi kaya sumasabay lamang siya sa tradisyon o rituwal na kanyang kinagisnan o kanyang kinaroroonan? Hindi kaya pagkagutom at pagka-uhaw lamang ang kanyang ginawa?


Si Propeta Muhammad (ang pagpapala at kapayapaan ay sumakanya nawa) ay nagsabi: “Hindi kailangan ng Allah ang inyong pag-iwas sa pagkain at inumin kung hindi naman kayo umiiwas sa masasamang gawain.”2 (Bukhari at Muslim)


10


Ang naninigarilyo ay hindi kinalulugdan ang pag-aayuno at pagdarasal sapagka’t wala siyang pagtitiis. Lagi nang naghahangad na humitit ng sigarilyo. Sila ay katulad ng mga gumon sa alak at bawal na gamot. Mga bagay na ginawang kalugod-lugod ni Satanas sa kanyang mga tagasunod. Nais ba ninyong sumunod sa kanyang mga yapak?


يَأَيُّها الَّذِي ءَ امَنُواْ لاَ تَتَّبِعُواْ خُطُوَاتِ الشَّيْطَان


O kayong nananampalataya! Huwag sundan ang mga yapak ni Satanas. (An Nur - 24:21)


Alalahanin natin na tayong mga Muslim ay ang pinakamahusay na nilikha sa balat ng lupa. Hahayaan ba nating mawala ang katangiang ito na ibinigay sa atin na Allah?


كُنْتُمْ خَيْرَ أُمَّةٍ أُخْرِجَتْ لِلنَّاسِ تَأْمُرُونَ بِالْمَُعْرُوفِ وَتَنْهَوْنَ عَ الْمُُنْكَرِ وتُؤْمِنُونَ بِالل Kayo (mga tagasunod ni Propeta Muhammad (ang pagpapala at kapayapaan ay sumakanya nawa)) ang pinakamahusay na tao na itinayo sa sangkatauhan; ipinag-uutos ang mabuti at ipinagbabawal ang masama, at kayo ay naniniwala sa Allah. (Al ‘Imran -3:110)


Bagama’t nasa kamay lamang ng Allah ang ating buhay at kamatayan, ang pag-iingat sa katawan na Kanyang ipinagtiwala sa atin ay may nakalaang gantimpala mula


11


sa Kanya. Subali’t ang paglapit sa mga bagay na nakapagbibigay pinsala sa sarili o ang hindi pag-iwas sa bisyong nakapagdudulot ng sakit sa katawan ay tunay na may pananagutan at kaparusahan, maging ito man ang naging sanhi ng kamatayan o hindi. Higit na mahalaga ang buong pusong pagsunod sa Allah anuman ang magiging bunga nito sapagka’t ang kahihinatnan ng gawain ay mananatiling nasa Kanyang kamay lamang.


مَ اهْتَدَى فَإِنَّمَُا يَهْتَدِى لِنَفْسِهِ وَمَ ضَّلَ فَإِنَّمَُا يَضِلُّ عَلَيْهَا


Sinumang tumungo sa (gawaing) matuwid, magkagayon ito ay sa sariling kapakanan. At sinumang tumungo sa (gawaing) pagkaligaw, magkagayon ito ay sa sariling pagkalugi (pagkapahamak). (Ai Isra’ - 17:15)


Bilang mga Muslim na sumasaksi na walang tunay na Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah at sumasaksi na si Muhammad ay Sugo ng Allah, ang bawa’t isa ay may tungkuling tanggapin ang mga batas at panuntunang itinakda ng Allah at ng Kanyang Sugo. Ang Islam ay isang ganap na panuntunan ng buhay. Nagsasaad ito kung ano ang mabuti at kung ano ang masama.


12


وَ هَدَيْنَهُ النَّجْدَيْ At ipinakita Namin sa kanya (Tao)ang dalawang landas (ang masama at mabuti)


(Al Balad -90:10)


يُحِلُّ لَهُمُ الطَّيِّبَتِ وَيُحَرِّمُ عَلَيْهِمُ الْخَبَئِثَ


Kanyang pinahintulutan sa kanila ang At-Tayyibat10,at ipinagbawal sa kanila ang lahat ng Al-Khaba’ith11. (Al A’raf - 7:157)


Bagama’t ang Islam ay may maliwanag na alituntunin sa bawa’t aspeto o bahagi ng buhay, marami pa rin sa mga Muslim ang nalululong sa masamang bisyo. Ang iba ay nagsimula sa paninigarilyo at humantong sa paghitit ng marijuana, at ang iba’y tuluyan nang gumamit ng iba’t ibang bawal na gamot (drugs)--- isang pangunahing suliranin ng lipunan sa ngayon na pinagmumulan ng maraming uri ng krimen. Malaki ang impluwensiya ng magulang sa kanyang mga anak. Kadalasan, kapag naninigarilyo ang magulang, mayroon sa mga anak ang naninigarilyo rin. Hahayaan bang tularan ng sariling pamilya ang masamang bisyong ito na maaaring humantong sa iba’t ibang uri ng bisyo?


10 At-Tayyibat: Lahat ng mabuti (at lawful) na nauukol sa mga bagay, gawain, pananampalataya, tao, pagkain, atbp..


11 Al-Khaba’ith: Lahat ng masama (at unlawful) na nauukol sa mga bagay, gawain, pananampalataya, tao, pagkain, atbp..


13


Nagpapalaganap ang naninigarilyo ng kasamaan. Sila’y naninigarilyo nang hayagan at ito’y nagbibigay-anyaya sa iba upang siya ay tularan. Ang anumang gawain, maging mabuti man o masama, ay madaling tularan ng iba. Nais ba ninyong tularan kayo sa inyong paninigarilyo at magtipon ng kasalanan habang ginagawa nila ito?


Si Propeta Muhammad (ang pagpapala at kapayapaan ay sumakanya nawa) ay nagsabi: “Sinumang mag-anyaya sa iba upang sumunod sa tamang patnubay, ang kanyang gantimpala ay katumbas ng gantimpala sa mga sumunod sa kanya, na hindi naman makababawas sa gantimpala ng mga nagsisunod. At kung sinuman ang mag-anyaya sa iba upang sumunod sa kasamaan, ang kasalanang kanyang pananagutan ay katumbas ng kasalanan ng mga sumunod sa kanya, na hindi naman makababawas sa kasalanan ng mga nagsisunod.” 3 (Muslim)


Sa mga nailahad na batayan mula sa Banal ng Qur’an at mga Hadith ni Propeta Muhammad (ang pagpapala at kapayapaan ay sumakanya nawa), tunay na maliwanag na ang paninigarilyo ay masama---kaya’t ito ay Haram (kasalanan). Kung kayo man ay biktima ng bisyong ito, sikaping alisin ito sa pamamagitan ng mataimtim na pangako sa sarili kaalinsabay ng


14


paghingi ng tulong ng Allah. Alalahanin na ang Allah ay laging nakamasid sa lahat ng ating ginagawa. Isa-isip na ang sigarilyo ay katulad ng isang ahas na handang magpunla ng kanyang kamandag. Kung kayo man ay nasa anumang pagkabalisa, huwag magsindi ng sigarilyo, bagkus tumawag sa Allah, magbasa ng Qur’an, at makisama lamang sa mga di-naninigarilyo. Hanapin ang tulong ng Allah at huwag maging alipin ng isang bagay na sumusunog sa inyong katawan, yaman at kaluluwa. Ang Allah ay laging naghihintay ng inyong pagbabalik.


وَإِذَا سَأَلَكَ عِبَادِى عَنِّى فَإِنِّى قَرِي ب أُجِيبُ دَعْوَةَ الدَّاعِ إِذا دَعَانِ فَلْيَسْتَجِيبُوا لِى وليُؤْمِنُوا بِي


لَعَلَّهُم يَرْشُدُون


Didinggin Ko ang pagsusumamo ng nananalangin kapag tumawag sa Akin.Kaya’t hayaan silang sumunod sa Akin at maniwala sa Akin,upang sila’y mapatnubayan sa matuwid. (Al Baqarah – 2:186)


Sadyang napakaikli ng buhay dito sa mundo. Hindi natin alam kung kailan tayo babawian ng buhay. Ang kamatayan ay isang masakit at nakatatakot na katotohanang haharapin ng bawa’t isang nabubuhay. Sisuman sa atin ay walang kakayahang iwasan o pigilan ito. Ito ay nangyayari sa bawa’t sandali, at ito ay nararanasan ng kapwa matanda at bata, mayaman at mahirap, malakas at mahina. Sila ay magkakatulad sapagka’t wala silang magagawa upang iwasan o


15


ipagpaliban ito---na nagpapatunay lamang na ito ay nagmumula sa Isang may pambihirang Kapangyarihan, kaya’t ang tao ay walang magawa kundi harapin at isuko ang sarili sa katiyakang ito.


كُلُ نَفْسِ ذَآئِقَةُ اْلمَُوْتِ وَإن مَُا تُوَف وْنَ أُجُ ورَكُمْ يَوْمَ القِيَمَُةِ فَمَُ زُحْزِحَ عَ النَّارِ وَأُدْخِلَ اْلْجَنَّةَ


فَقَدْ فَازَ ومَا الحَيوةُ الدُّنيَا إلاَّ مَتَعُ الغُرُور


(Note: Arabic need to be changed)


Ang bawa’t isa ay makararanas ng kamatayan. (Surah Aali-Imram - 3:185)


فَمَُ يَعْمَُلْ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ خَيْرا يَرَهُ )( وَمَ يَعْمَُلْ مِثْقَالَ ذَرَّةٍ شَ را يَرَه قُلْ إنَّ اْلْمَُوْتَ اْلَّذِى تَفِرُّونَ مِنْهُ فَإنَّهُ مُلَقِيكُمْ ثُمَّ تُرَّدُّونَ إلَى عَلِمِ اْلغَيْبِ وَاْلشَّهَدَ ةِ فَيُنَبِئُكُم بِمَُا


كُنتُمْ تَعْ مَُلُونَ


Sabihin (O Mohammad): Katotohanan, ang kamatayan na inyong tinatakasan ay katiyakang masusumpungan ninyo, at kayo’y ibabalik (sa Allah), ang Nakababatid ng Lahat ng di-nakikita at nakikita, at sasabihin Niya sa inyo ang dati ninyong ginagawa. (Surah Al Jumuah - 62:8)


Magkagayon, habang tayo’y nabubuhay pa, kinakailangang gumawa ng mabuti sa bawa’t pagkakataong dumating sa atin. Huwag isipin na ang


16


gawain, gaano man ito kaliit ay walang saysay sapagka’t sa Araw ng Paghuhukom, ang bawa’t nagawa natin, masama man o mabuti, gaano man ito kaliit sa ating pananaw ay ipakikita sa atin.


Note: Arabic text to be inserted here.


Kaya’t sinuman ang gumawa ng katiting na timbang ng kabutihan ay makikita niya ito, At sinuman ang gumawa ng katiting na timbang ng kasamaan ay makikita niya ito. (Surah Al-Zalzalah –99:7-8)


Higit na mabuti ang umiwas ang mga masasamang bisyong makapagpapahamak sa sariling kaluluwa, bagkus harapin ang paggawa ng mabuti na makapagbibigay kasiyahan sa Allah---ang tanging paraan upang matamo ang Kanyang Habag at ang Kanyang ipinangakong Paraiso.


Alhamdu lillahi Rabbil Aalameen


Para sa karagdagang impormasyon sa Islam, mangyaring kamipag-ugnayan sa:


(ISCAG - Philippines)


17


Islamic Studies, Call & Guidance-Philippines


Congressional Road, Salitran I,


Dasmarinas, Cavite


Philippines


Tel. (0063) (46) 416 3371 / Fax (0063) (46) 540-5346


Email: Iscag@cav.pworld.net.ph


ISLAMIC PROPAGATION


OFFICE IN RABWAH


P.O. BOX 29465 RIYADH 11457


TEL 4454900 – 4916065


FAX 4970126 – KSA


E-Mail : fil@islamhouse.com



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG