
Ang Kahatulan sa Panggagaway at
Panghuhula at ang Nauugnay Rito
Wikang Tagalog
Ang Kahatulan sa Panggagaway at
Panghuhula at ang Nauugnay Rito
Akda ng Kanyang Kabunyian:
Shaykh`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz
Ang Ikasiyam na Mensahe:
Ang Kahatulan sa Panggagaway at Panghuhula
at ang Nauugnay Rito1
Ang papuri ay ukol kay Allāh – tanging sa Kanya.
Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa kanya na
wala nang propeta matapos niya. Sa pagpapatuloy:
Dahil sa pagsasaalang-alang sa dami ng mga
salamangkero sa mga huling panahon, kabilang sa
mga nag-aangkin ng panggagamot at lumulunas sa
pamamagitan ng panggagaway o panghuhula dahil sa
pagkalaganap nila sa ilan sa mga bayan, at dahil sa
pagsasamantala nila sa mga utu-uto sa mga tao
kabilang sa mga napananaigan ng pagkamangmang,
nagturing ako bilang pagpapayo alang-alang kay Allāh
at sa mga lingkod Niya na maglinaw ako ng kaugnay
roon na isang mabigat na panganib sa Islām at mga
Muslim dahil sa dulot nito na pagkakaugnay sa iba pa
kay Allāh (napakataas Siya) at pakikipagsalungatan
sa utos Niya at utos ng Sugo Niya (basbasan Niya ito
at pangalagaan).
Nasasabi ko, habang nagpapatulong kay Allāh
(napakataas
Siya),
na
pinapayagan
ang
pagpapagamot ayon sa napagkasunduang hatol.
Maaari sa Muslim na pumunta sa isang doktor ng mga
karamdamang panloob o pang-operasyon o
pangnerbiyo o tulad niyon upang magsuri ito sa kanya
ng karamdaman niya at lumunas ito niyon sa
1Qur'ān 2:102.
1
pamamagitan ng naaangkop sa kanya na mga gamot
na pinapayagan ayon sa batas alinsunod sa nalalaman
nito sa kaalaman sa medisina dahil iyon ay bahagi ng
pagsasagawa ng mga karaniwang kadahilanan at
hindi sumasalungat sa pananalig kay Allāh.
Nagpababa nga si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at
napakataas Siya) ng karamdaman at nagpababa Siya
kasama nito ng gamot. Nalalaman iyon ng sinumang
nakaalam at namangmang doon ang sinumang
namangmang. Subalit si Allāh (kaluwalhatian sa
Kanya) ay hindi naglagay ng kagalingan sa mga
lingkod Niya sa anumang ipinagbawal Niya sa kanila.
Kaya hindi pinapayagan sa maysakit na pumunta sa
mga manghuhula na nag-aangkin ng pagkakaalam ng
mga bagay na nakalingid upang makaalam mula sa
kanila ng sakit niya. Hindi rin pinapayagan para sa
kanya na maniwala sa kanila sa anumang
ipinababatid nila sa kanya sapagkat tunay na sila ay
nagsasalita ng pala-palagay sa nakalingid o
nagpapadalo sa mga jinn upang magpatulong sila sa
mga ito sa ninanais nila. Ang hatol sa mga ito ay ang
kawalang-pananampalataya at ang pagkaligaw kapag
nag-angkin sila ng kaalaman sa nakalingid.
Nagsalaysay nga si Imā m Muslim sa Ṣ aḥ īḥ niya na
ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)
ay nagsabi:
{Ang sinumang pumunta sa isang manghuhula saka
nagtanong doon tungkol sa isang bagay, hindi
tatanggapin sa kanya ang pagdarasal ng
apatnapung araw.}
2
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa
kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at
pangalagaan) na nagsabi:
"Ang sinumang pumunta sa isang panghinaharap
na manghuhula saka naniniwala roon sa sinasabi
niyon ay tumanggi ngang sumampalataya sa
pinababa kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at
pangalagaan)."}
Nagsalaysay nito si Abū Dā wud. Nagsadokumento
nito ang Apat na May mga Sunnah. Sumang-ayon sa
katumpakan nito si Imā m Al-Ḥ ā kim ayon sa Propeta
(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) nang may
pananalitang:
{Ang sinumang pumunta sa isang panghinaharap na
manghuhula saka naniniwala roon sa sinasabi niyon
ay tumanggi ngang sumampalataya sa pinababa kay
Muhammad (s).}
Ayon kay `Imrā n bin Ḥ uṣayn (malugod si Allāh sa
kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh
(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
{Hindi kabilang sa atin ang sinumang naniwala sa
masamang pangitain o nagpahanap ng masamang
pangitain, o nanghula o nagpahula, o nanggaway o
nagpagaway. Ang sinumang pumunta sa isang
panghinaharap na manghuhula saka naniwala sa
sinasabi nito ay tumanggi ngang sumampalataya sa
pinababa kay Muḥammad (basbasan siya ni Allāh at
batiin ng kapayapaan).}
Nagsalaysay nito si Al-Bazzār nang may kawing ng
pagpapaabot na mahusay.
3
Nasaad sa mga marangal na ḥadīth na ito ang
pagsaway laban sa pagpunta sa mga pangnakaraang
manghuhula, mga panghinaharap na manghuhula,
mga manggagaway, at mga tulad nila; at sa
pagtatanong sa kanila, paniniwala sa kanila. Nasaad
sa mga ito ang banta laban doon.
Hindi pinapayagan na magpalinlang sa katapatan
nila sa ilan sa mga bagay ni dahil sa dami ng
pumupunta sa kanila na mga tao sapagkat tunay na
ang mga ito ay mga mangmang, na hindi pinapayagan
ang magpalinlang ang mga tao sa kanila dahil ang
Sugo (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay
sumaway nga sa pagpunta sa kanila, pagtatanong sa
kanila, at paniniwala sa kanila dahil sa dulot niyon na
nakasasamang mabigat, panganib na malaki, at mga
kahila-hilakbot na kahihinatnan dahil sila ay mga
sinungaling na masasamang-loob.
May nasaad din sa mga ḥadīth na ito na isang
patunay
sa
kawalang-pananampalataya
ng
manghuhula at manggagaway dahil sila ay nag
aangkin ng kaalaman ng nakalingid – at iyon ay
kawalang-pananampalataya – at dahil sila ay hindi
umaabot sa pakay nila malibang sa pamamagitan ng
paglilingkod sa mga jinn at pagsamba sa mga ito
bukod pa kay Allāh. Iyon ay kawalang
pananampalataya kay Allāh at pagtatambal sa Kanya
(kaluwalhatian sa Kanya). Ang naniniwala sa kanila sa
pag-aangkin nila ng kaalaman sa nakalingid ay
nagiging tulad nila. Ang bawat nakatatanggap ng mga
bagay na ito buhat sa nagsasagawa ng mga ito ay
4
nawalang-kaugnayan nga sa kanya ang Sugo ni Allāh
(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).
Hindi rin pinapayagan sa Muslim na sumailalim sa
anumang inaangkin nila bilang panggagamot gaya ng
pagpapalamuti nila ng mga talisman o pagbubuhos ng
tingga at tulad niyan na mga pamahiin na ginagawa
nila sapagkat tunay na ito ay kabilang sa panghuhula
at panloloko sa mga tao. Ang sinumang nalugod doon
ay umalalay nga sa kanila sa kabulaanan nila at
kawalang-pananampalataya nila.
Hindi rin pinapayagan para sa isa man sa mga
Muslim na pumunta sa kanila upang magtanong sa
kanila tungkol sa kung sino ang mapangangasawa ng
anak niya o kamag-anak niya o tungkol sa kung ano
ang namamagitan sa mag-asawa at mga pamilya ng
mga ito na pag-ibig at katapatan o pagkamuhi at
pagkalayo ng loob at tulad niyan
at pagkalayo ng loob at tulad niyan dahil ito ay
kabilang sa nakalingid na walang nakaaalam kundi si
Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya).
Kaya ang kinakailangan sa mga nanunungkulan sa
mga tungkulin, mga alagad ng batas, at iba pa sa kanila
kabilang sa mga may kapangyarihan at kapamahalaan
ang pagmamasama sa pagpunta sa mga
panghinaharap na manghuhula, mga pangnakaraang
manghuhula, at tulad nila; ang pagpigil sa sinumang
nagsasagawa ng anuman kabilang doon sa mga
pampublikong lugar at iba pa sa mga iyon; ang
pagmamasama sa kanila nang matinding
5
pagmamasama; at ang pagmamasama sa sinumang
pumupunta sa kanila.
Ganito ang panggagaway sapagkat tunay na ito ay
kabilang sa mga ipinagbabawal na pangkawalang
pananampalataya, gaya ng sinabi ni Allāh (kamahal
mahalan Siya at kapita-pitagan) hinggil sa
pumapatungkol sa dalawang anghel:
{Hindi nagtuturo silang dalawa sa isa man
hanggang sa magsabi silang dalawa: "Kami ay tukso
lamang, kaya huwag kang tumangging
sumampalataya." Kaya natututo sila mula sa kanilang
dalawa ng nagpapahihiwalay sa pagitan ng lalaki at
maybahay nito. Sila ay hindi mga nakapipinsala sa
pamamagitan nito sa isa man malibang ayon sa
pahintulot ni Allāh. Natututo sila ng nakapipinsala sa
kanila at hindi nagpapakinabang sa kanila. Talaga
ngang nakaalam sila na talagang ang sinumang bumili
nito ay walang ukol sa kanya sa Kabilang-buhay na
anumang bahagi. Talagang kay saklap ng pinagbilihan
nila sa mga sarili nila, kung sakaling sila noon ay
nakaaalam.}1
1 Qur'ān 2:255.
Kaya nagpatunay ang mga marangal na talatang ito
na ang panggagaway ay kawalang-pananampalataya
at na ang mga manggagaway ay nagpapahiwalay sa
lalaki at maybahay nito. Nagpatunay rin ito na ang
panggagaway ay hindi isang tagapag-epekto mismo
ng pakinabang ni ng pinsala. Nakaaapekto lamang ito
ayon sa pahintulot ni Allāh na pansansinukob na
pampagtatakda dahil si Allāh (kaluwalhatian sa
Kanya at napakataas Siya) ay ang lumikha ng
kabutihan at kasamaan.
Nagpatunay rin ang mga marangal na talata na ang
mga natututo ng panggagaway ay natututo lamang ng
nakapipinsala sa kanila at hindi nagpapakinabang sa
kanila at na walang ukol sa kanila sa ganang kay Allāh
na anumang bahagi. Ito ay isang mabigat na banta, na
nagpapatunay sa tindi ng kalugihan nila sa Mundo at
Kabilang-buhay at na sila ay nagbenta ng mga sarili
nila kapalit ng pinakahamak sa mga halaga. Dahil dito,
pumula sa kanila si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya at
napakataas Siya) doon sa sabi Niya:
{Talagang kay saklap ng pinagbilihan nila sa mga
sarili nila, kung sakaling sila noon ay nakaaalam.}1
Ang "pinagbilihan" dito ay nangangahulugang
pagtitinda.
Talagang bumigat ang pinsala at tumindi ang
kalagayan sa mga gumagawa-gawa na ito na nagmana
1Qur'ān 112:1-4.
7
ng mga kaalamang ito buhat sa mga tagapagtambal at
nanloko sila sa pamamagitan ng mga ito sa mahihina
ang mga isip. Tunay na tayo ay kay Allāh at tunay na
tayo ay tungo sa Kanya mga babalik. Kasapatan sa atin
si Allāh at kay inam ang Pinananaligan.
Hinihiling natin kay Allāh ang kagalingan at ang
kaligtasan laban sa kasamaan ng mga manggagaway,
mga manghuhula, at nalalabi sa mga salamangkero.
Hinihiling natin sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) na
ipagsanggalang Niya ang mga Muslim sa kasamaan
nila, na ituon Niya ang mga tagapamahala ng mga
Muslim sa pag-iingat laban sa kanila at pagpapatupad
ng kahatulan Niya sa kanila upang makapagpahinga
ang mga tao sa pinsala nila at mga karima-rimarim na
gawain nila; tunay na Siya ay Galante, Mapagbigay.
Talaga ngang nagsabatas si Allāh (kaluwalhatian sa
Kanya) para sa mga lingkod Niya ng
ipinanananggalang nila sa kasamaan ng panggagaway
bago ng pagkaganap nito. Nagbigay-liwanag Siya sa
kanila (kaluwalhatian sa Kanya) ng maipanlulunas
nila matapos ng pagkaganap nito bilang awa mula sa
Kanya sa kanila, bilang paggawa ng maganda mula sa
Kanya sa kanila, at bilang paglulubos ng biyaya Niya
sa kanila.
Sa sumusunod ay may isang paglilinaw para sa mga
bagay na maipanananggalang sa panganib ng
panggagaway bago ng pagkaganap nito. Ang mga
bagay na ipinanlulunas matapos ng pagkaganap nito
ay kabilang sa mga bagay-bagay na pinahihintulutan
sa Batas. Ang paglilinaw niyon ay gaya ng sumusunod:
8
9
A. Ang maipanananggalang sa panganib ng
panggagaway bago ng pagkaganap nito. Ang
pinakamahalaga roon at ang pinakakapaki
pakinabang niyon ay ang pagpapatanggol sa
pamamagitan ng mga dhikr na legal, mga panalangin,
at mga ipinarating na dalangin ng pagpapakupkop.
Kabilang doon ang pagbigkas ng āyatulkursīy, na
pinakadakilang talata sa Marangal na Qur'an,
matapos ng bawat isinatungkuling ṣalāh matapos ng
mga dhikr na isinabatas matapos ng salām. Ito ay ang
sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):
{Allāhu lā ilāha illā huwa -lḥayyu -lqayyūm, lā
ta'khudhuhū sinatuw wa lā nawm, lahū mā fi
ssamāwāti wa mā fi -l'arḍ; man dhā -lladhī yashfa`u
`indahū illā bi'idhnih, ya`lamu mā bayna aydīhim wa
mā khalfahum: wa lā yuḥīṭūna bishay'im min `ilmihī
illā bimā shā', wasi'a kursīyuhu -ssamāwāti wa -l'arḍ:
wa lā ya'ūduhū hifđuhumā, wa huwa -l`alīyu -l`ađīm.
(Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang
Mapagpanatili. Walang nakatatangay sa Kanya na
isang antok ni isang pagkatulog. Sa Kanya ang
anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa.
Sino itong mamamagitan sa piling Niya malibang ayon
sa pahintulot Niya? Nakaaalam Siya sa anumang nasa
harapan nila at anumang nasa likuran nila. Hindi sila
nakapapaligid sa anuman mula sa kaalaman Niya
malibang ayon sa niloob Niya. Sumakop ang silya Niya
sa mga langit at lupa at hindi nakabibigat sa Kanya
ang pangangalaga sa mga ito. Siya ay ang Mataas, ang
Sukdulan.)}1
Kabilang doon ang pagbigkas din nito bago
matulog. Natumpak nga [ang ḥadīth] ayon sa Sugo ni
Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Na
siya ay nagsabi:
{Ang sinumang bumigkas ng āyatulkursīy sa gabi ay
hindi matitigil sa kanya na may isang tagapag-ingat
mula kay Allāh at walang lalapit sa kanya na isang
demonyo hanggang sa magmadaling-araw.}
Kabilang doon ang pagbigkas:
Sūrah An-Nās;12
Matapos ng bawat isinatungkuling ṣalāh, bibigkasin
ang tatlong sūrah na ito nang tatlong ulit sa simula ng
maghapon matapos ng ṣalāh na fajr, sa simula ng gabi
matapos ng ṣalāh na maghrib.
Kabilang din doon ang pagbigkas ng dalawang
talata mula sa huling bahagi ng Sūrah Al-Baqarah sa
simula ng gabi. Ang dalawang ito ay ang sabi Niya
(napakataas Siya):
{Āmana -rrasūlu bimā unzila ilayhi mir rabbihi wa
lmu'minūn, kullun āmana bi-llāhi wa-malā'ikatihi wa
kutubihi wa-rusulih, lā nafarriqu bayna aḥadim mir
rusulih, wa-qālū sami`nā wa-aṭa`nā ghufrānaka
rabbanā wa-ilayka -lmaṣīr. (Sumampalataya ang Sugo
sa anumang pinababa sa kanya mula sa Panginoon
niya at ang mga mananampalataya [ay gayon din].
Bawat [isa] ay sumampalataya kay Allāh, sa mga
anghel Niya, sa mga kasulatan Niya, at sa mga sugo
Niya. [Sinabi:] "Hindi kami nagtatangi-tangi sa isa
man sa mga sugo Niya." Nagsabi sila: "Nakarinig kami
at tumalima kami. [Humihingi kami ng]
1 Qur'ān 109:1-6.
2 Qur'ān 2:285.
pagpapatawad Mo, Panginoon namin. Tungo sa Iyo
ang kahahantungan.")}1
Bibigkasin
ang
nabanggit
hanggang
sa
pinakawakas ng kabanata.
Natumpak [ang ḥadīth] ayon sa Propeta (pagpalain
siya ni Allāh at pangalagaan) na siya ay nagsabi:
"Ang sinumang bumigkas sa dalawang talata mula
sa hulihan ng Kabanatang Al-Baqarah sa isang gabi
ay makakasapat ang dalawang ito sa kanya."}
Ang kahulugan, at si Allāh ay higit na maalam:
makasasapat ang dalawang ito sa kanya laban sa
bawat kasamaan. Kabilang doon ang pagpaparami ng
panalangin ng pagpapakupkop sa pamamagitan ng
pagsabi ng: "A`ū dhu bi-kalimā ti -llā hi -ttā mmā ti min
sharri mā khalaq (Nagpapakupkop ako sa mga ganap
na salita ni Allā h laban sa kasamaan ng nilikha Niya)"
sa gabi at maghapon at sa sandali ng pagtuloy sa
alinmang tuluyan sa estruktura o disyerto o
himpapawid o dagat batay sa sabi ng Propeta
(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang tumuloy sa isang tuluyan saka
nagsabi: "A`ūdhu bi-kalimāti -llāhi -ttāmmāti min
sharri mā khalaq (Nagpapakupkop ako sa mga
ganap na salita ni Allāh laban sa kasamaan ng
anumang nilikha Niya)," walang pipinsala sa kanya
na anuman hanggang sa lumisan siya mula sa
tinuluyan niyang iyon."
1Qur'ān 112:1-4.
12
Kabilang din doon na magsabi ang Muslim sa
simula ng maghapon at simula ng gabi nang tatlong
ulit:
"Bismi -llāhi -lladhī lā yaḍurru ma`a -smihi shay'un
fi -l'arḍi wa lā fi -ssamā'i, wa huwa -ssamī`u -l`alīm.
(Sa ngalan ni Allāh na walang makapipinsala sa
pangalan Niya na anuman sa lupa ni sa langit at Siya
ay ang Nakaririnig, ang Nakaaalam.)"
Ito ay dahil sa katumpakan ng paghimok kaugnay
roon buhat sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at
pangalagaan) at na iyon ay isang kadahilanan para sa
kaligtasan sa bawat kasamaan.
B. Ang maipanlulunas sa panggagaway matapos ng
pagkaganap nito. Ito rin ay sa pamamagitan ng ilang
bagay:
1. Ang pagpaparami ng pagsusumamo kay Allāh at
paghiling sa Kanya (kaluwalhatian sa Kanya) na
pawiin ang kapinsalaan at alisin ang kasiraan.
2. Ang pag-uukol ng mga pagsisikap sa pag-alam sa
kinalalagyan ng panggagaway sa lupa o bundok o iba
pa riyan. Kaya kapag nalaman ito, nailabas ito, at
nasira ito, mawawalang-saysay ang panggagaway. Ito
ay kabilang sa pinakakapaki-pakinabang na paglunas
sa panggagaway.
3.Ang ruqyah sa pamamagitan ng mga dhikr at mga
sambiting legal. Ang mga ito ay marami, na kabilang
doon:
13
Ang napagtibay sa sabi ng Sugo ni Allāh (basbasan
siya ni Allāh at pangalagaan):
"Allāhumma, rabba -nnāsi, adhhibi -lba'sa, wa-shfi
anta -shshāfī lā shifā'a illā shifā'uka shifā'an lā
yughādiru saqamā (O Allāh, Panginoon ng mga tao,
mag-alis Ka ng kasiraan at magpagaling Ka; Ikaw ay
ang Tagapagpagaling: walang pagpapagaling kundi
ang pagpapagaling Mo bilang pagpapagaling na
hindi nag-iiwan ng karamdaman)."
Magsasabi nito nang tatlong ulit.
Kabilang
din
doon
ang
panalanging
ipinandadalangin ni Anghel Gabriel sa Propeta
(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Ito ay ang
pagsabi ng:
"Bismi -llāhi arqīka min kulli shay'in yu'dhīka wa
min sharri kulli nafsin aw `aynin ḥāsidin; Allāhu
yashfīka, bismi -llāhi arqīk.(Sa ngalan ni Allāh,
bumibigkas ako ng ruqyah sa iyo laban sa bawat
bagay na pumipinsala sa iyo at laban sa bawat
kaluluwa o matang naiinggit; si Allāh ay
magpagaling nawa sa iyo; sa ngalan ni Allāh,
bumibigkas ako ng ruqyah sa iyo.)"
Mag-uulit siya niyon nang tatlong ulit.
Kabilang doon – ito ay lunas na kapaki-pakinabang
para sa lalaki kapag nawalang-kakayahan siya sa
pakikipagtalik sa maybahay niya – na kumuha siya ng
pitong dahon ng berdeng sidr saka durugin niya ang
mga ito ng bato o tulad nito, ilagay niya ito sa isang
lalagyan, buhusan niya ito ng tubig na sasapat para sa
paligo, at bigkasin niya rito:
14
15
Ang Āyatul kursīy
Ang Sūrah Al-Kāfirūn.1
Ang Sūrah Al-Ikhlāṣ.2
Ang Sūrah Al-Falaq.3
Ang Sūrah An-Nās.4
[Kabilang din] ang mga talata na panlaban sa
panggagaway na nasa Sūrah Al-A`rāf. Ang mga ito ay
ang sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):
"Wa-awḥaynā ilā mūsā an alqi `aṣāka fa-idhā hiya
talqafu mā ya'fikūna, fa-waqa`a -lḥaqqu wa-baṭala mā
kānū ya`malūn, fa-ghulibū hunālika wa-nqalabū
ṣāghirīn. {Nagkasi Kami kay Moises, na [nagsasabi]:
"Pumukol ka ng tungkod mo," kaya biglang ito ay
lumalamon sa ipinanlilinlang nila. Kaya napagtibay
1 Qur'ān 113:1-5.
2 Qur'ān 114:1-6.
3 Qur'ān 7:117-119.
4 Qur'ān 10:79-82.
16
ang katotohanan at napawalang-saysay ang dati
nilang ginagawa. Kaya nadaig sila roon at umuwi na
mga nanliliit.}"1
[Kabilang din] ang mga talata sa ika-10 kabanata ng
Qur'ān, ang sabi Niya (kaluwalhatian sa Kanya):
"Wa-qāla fir`awnu -'tūnī bi-kulli sāḥirin `alīm, fa
lammā jā'a -ssaḥaratu qāla lahum mūsā alqaw mā
antum mulqūn, fa-lammā alqaw qāla mūsā mā ji'tum
bihi -ssiḥru inna -llāha sayubṭiluhu inna -llāha lā
yuṣliḥu `amala -lmufsidīn, wa-yuḥiqqu -llāhu -lḥaqqa
bi-kalimātihi wa-law kariha -lmujrimūn. {Nagsabi si
Paraon: "Magdala kayo sa akin ng bawat
manggagaway na maalam." Kaya noong dumating ang
mga manggagaway ay nagsabi sa kanila si Moises:
"Pumukol kayo ng anumang kayo ay mga pupukol."
Kaya noong pumukol sila ay nagsabi si Moises: "Ang
inihatid ninyo ay ang panggagaway. Tunay na si Allāh
ay magpapawalang-saysay rito. Tunay na si Allāh ay
hindi nagsasaayos sa gawa ng mga tagatiwali.
Nagsasakatotohanan si Allāh sa katotohanan sa
pamamagitan ng mga salita Niya kahit pa man
nasuklam ang mga salarin.}"
1 Qur'ān 20:65-69.
[Kabilang din] ang mga talata sa Sūrah Ṭāha:
"Qālū yā mūsā immā an tulqiya wa-immā an nakūna
awwala man alqā, qāla bal alqū fa-idhā ḥibāluhum wa
`iṣīyuhum yukhayyalu ilayhi min siḥrihim annahā tas`ā,
fa-awjasa fī nafsihi khīfatam mūsā, qulnā lā takhaf
innaka anta -l-a`lā, wa-alqi mā fī yamīnika talqaf mā
ṣana`ū innamā ṣana`ū kaydu sāḥirin wa-lā yufliḥu
ssāḥiru ḥaythu atā. {Nagsabi sila: "O Moises, maaari na
pumukol ka at maaari na maging kami ay kauna
unahan sa sinumang pupukol." Nagsabi siya: "Bagkus
pumukol kayo." Kaya biglang ang mga lubid nila at ang
mga tungkod nila ay ginuniguni sa kanya, dahil sa
panggagaway nila, na ang mga ito ay sumisibad. Kaya
nakadama sa sarili niya ng isang pangangamba si
Moises. Nagsabi Kami: "Huwag kang mangamba;
tunay na ikaw ay ang pinakamataas." Magpukol ka ng
nasa kanang kamay mo, lalamon ito sa niyari nila.
Tunay na ang niyari nila ay isang panlalansi ng isang
manggagaway at hindi nagtatagumpay ang
manggagaway saanman siya pumunta.}"
Matapos bigkasin sa tubig ang nabanggit, iinom
mula rito ng tatlong higop at ipaliligo ang natitira. Sa
pamamagitan niyon, maglalaho ang sakit kung
17
loloobin ni Allāh. Kung hiniling ng pangangailangan
para gamitin ito ng dalawang ulit o higit, walang
masama [na gawin iyon] hanggang sa maglaho ang
sakit.
Ang mga dhikr at ang mga panalangin ng
pagpapakupkop na ito ay kabilang sa pinakadakila sa
mga kadahilanan sa pagkakasanggalang sa kasamaan
ng panggagaway at iba pa rito na mga kasamaan. Ang
mga ito rin ay kabilang sa pinakadakilang sandata
para sa pag-aalis ng epekto ng panggagaway matapos
ng pagkaganap nito sa sinumang nagpanatili sa mga
ito
nang may katapatan, pananampalataya,
pagtitiwala kay Allāh, pagsandal sa Kanya, at
pagkabukas ng dibdib sa ipinahiwatig nito.
Ito ay ang naging madali ang paglilinaw kabilang sa
mga nauukol na ipinananggalang sa panggagaway at
ipinanggagamot dito. Si Allāh ay ang Karapat-dapat sa
pagtutuon.
ay
Dito ay may darating na isang mahalagang usapin.
Ito
ang paglulunas sa panggagaway sa
pamamagitan ng gawain ng mga manggagaway na
naisasagawa sa pamamagitan ng pagpapakalapit-loob
sa mga jinn sa pamamagitan ng pag-aalay ng hayop o
iba pa rito kabilang sa mga pampalapit-loob. Ito ay
hindi pinapayagan dahil ito ay kabilang sa gawain ng
demonyo, bagkus kabilang sa Malaking Shirk.
Hindi rin pinapayagan ang paggamot nito sa
pamamagitan ng pagtatanong sa mga panghinaharap
na manghuhula, mga pangnakaraang manghuhula, at
mga salamangkero; at ng paggamit ng sinasabi nila
18
dahil sila ay hindi sumasampalataya at dahil sila ay
mga sinungaling na masasamang-loob, na nag
aangkin ng kaalaman sa nakalingid, at nanlilinlang sa
mga tao. Nagbigay-babala nga ang Sugo (basbasan
siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa pagpunta sa
kanila, pagtatanong sa kanila, at paniniwala sa kanila,
gaya ng naunang paglilinaw roon sa unang bahagi ng
mensaheng ito.
Kaya ang kinakailangan ay ang pag-iingat laban
doon. Natumpak nga [ang ḥadīth] ayon sa Sugo ni
Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na siya
ay tinanong tungkol sa nushrah kaya nagsabi siya:
"Ito ay kabilang sa gawain ng demonyo."
Nagsalaysay nito sina Imā m Aḥ mad at Imā m Abū
Dā wud nang may kawing ng pagpapaabot na
mahusay.
Ang Nushrah ay ang paglulunas sa panggagaway
para sa ginaway. Ang tinutukoy ng Propeta (basbasan
siya ni Allāh at pangalagaan) sa pananalita niyang ito
ay ang nushrah na ginagawa ng mga kampon ng
Kamangmangan. Ito ay ang paghiling sa
manggagaway upang lunasan nito ang panggagaway
o ang paglunas nito sa pamamagitan ng isang
panggagaway na tulad nito mula sa ibang
manggagaway.
Hinggil naman sa paglunas nito sa pamamagitan ng
ruqyah, mga legal na panalangin ng pagpapakupkop,
at mga ipinahihintulot na gamot, walang masama
roon gaya ng naunang nabanggit.
19
Nagsateksto niyon ang Paham na si Ibnu Al-Qayyim
at si Shaykh `Abdurraḥ mā n bin Ḥ asan sa [aklat na]
Fatḥ Al-Majīd (ang awa ni Allā h ay sumakanilang
dalawa). Nagsateksto rin niyon ang iba pa sa kanilang
dalawa kabilang sa mga may kaalaman.
Si Allāh ay ang hinihilingan na magtuon sa mga
Muslim para sa kagalingan laban sa bawat kasamaan
at na mangalaga sa kanila ng Relihiyon nila at
magtustos sa kanila ng pagkaunawa rito at kagalingan
laban sa bawat anumang sumasalungat sa Batas Niya.
Basbasan ni Allāh at pangalagaan Niya ang Lingkod
Niya at Sugo Niyang si Muḥammad, ang mag-anak
nito, at ang mga Kasamahan nito.
20