Mga Artikulo




Ang Paglilibing ng mga Patay sa mga


Masjid


Akda ng Kanyang Kabunyian:  


Shaykh`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz


Ang Ikalabing-isang Mensahe:  


Ang Paglilibing ng mga Patay sa mga Masjid


Sa ngalan ni Allāh. Ang papuri ay ukol kay Allāh.


Ang basbas at ang pangangalaga ay ukol sa Sugo ni


Allāh, mag-anak niya, at sinumang napatnubayan sa


pamamagitan ng patnubay niya. Sa pagpapatuloy:


Napag-alaman ko nga sa diyaryong Al-Khurṭūm sa


isyu na 17/4/1410 Hijrah (15/11/1989 CE) saka


natagpuan ko rito na nailathala nga rito ang isang


pahayag hinggil sa paglibing kay Ginoong Muḥammad


Al-Ḥasan Al-Idrīsīy sa tabi ng ama niya sa Masjid nila


sa Lungsod ng Umm Durman at iba pa.


Yayamang nag-obliga si Allāh ng pagpapayo sa mga


Muslim at paglilinaw ng pagmamasama sa


nakasasama, isinaalang-alang ko ang pagtawag


pansin na ang paglilibing sa mga masjid ay isang


bagay na hindi pinapayagan; bagkus ito ay kabilang sa


mga kaparaanan ng Shirk at kabilang sa mga gawain


ng mga Hudyo at mga Kristiyano, na pumula sa kanila


si Allāh sa mga ito at sumumpa sa kanila ang Sugo


Niya (basbasan Niya ito at pangalagaan), gaya ng


nasaad sa Ṣaḥīḥayn ayon kay `Ā'ishah (malugod si


Allāh sa kanya), ayon sa Propeta (basbasan siya ni


Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Isinusumpa ni


Allāh ang mga Hudyo at ang mga Kristiyano; ginawa


nila ang mga libingan ng mga propeta nila bilang


mga sambahan."} Nasaad sa Ṣaḥīḥ ayon kay Jundub


bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa


1


Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na


nagsabi: "Pansinin at tunay na ang mga bago pa


ninyo noon ay gumagawa sa mga libingan ng mga


propeta nila at mga maayos na tao nila bilang mga


sambahan. Pansinin, kaya huwag kayong gumawa sa


mga libingan bilang mga masjid sapagkat tunay na


ako ay sumasaway sa inyo laban doon."} Ang mga


ḥadīth kaugnay sa kahulugang ito ay marami.


Kaya naman ang kinakailangan sa mga Muslim sa


bawat lugar, sa mga pamahalaan at mga mamamayan,


na mangilag silang magkasala kay Allāh, na magbigay


babala sila sa anumang sinaway Niya, at maglibing


sila ng mga patay nila sa labas ng mga masjid, kung


paanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at


pangalagaan) at ang mga Kasamahan niya (malugod


si Allāh sa kanila) ay naglilibing noon ng mga patay sa


labas ng mga masjid at gayundin ang mga tagasunod


nila sa paggawa ng maganda.


Hinggil naman sa pagkakalagak ng libingan ng


Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at


dalawang Kasamahan niyang sina Abū Bakr at `Umar


(malugod si Allāh sa kanilang dalawa) sa Masjid niya


(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), walang


katwiran dahil dito sa paglilibing ng mga patay sa mga


masjid dahil siya (basbasan siya ni Allāh at


pangalagaan) ay inilibing sa bahay niya, sa silid ni


`Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya), pagkatapos


inilibing ang dalawang Kasamahan niya sa tabi niya.


Noong nagpaluwang si Al-Walīd bin `Abdilmalik ng


Masjid, ipinasok ang kuwarto sa Masjid noong simula


2


ng unang ikaisang-daang taon mula ng paglikas.


Minasama nga sa kanya iyon ng mga alagad ng


kaalaman subalit siya ay nagturing na iyon ay hindi


makahahadlang sa pagpapaluwang ng Masjid at na


ang usapin ay maliwanag na hindi napaghihinalaan.


Dahil doon, lumiliwanag para sa bawat Muslim na


siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at ang


dalawang Kasamahan niya (malugod si Allāh sa


kanilang dalawa) ay hindi inilibing sa masjid. Ang


pagkapasok nila sa Masjid dahilan sa pagpapaluwang


ay hindi isang katwiran sa pagpayag sa paglilibing sa


mga masjid dahil sila ay hindi nasa masjid. Sila lamang


ay nasa bahay niya (sumakanya ang basbas at ang


pangangalaga) at dahil ang ginawa ni Al-Walīd ay


hindi nababagay na maging katwiran ng sinuman


doon. Ang katwiran ay nasa Qur'ān at Sunnah lamang


at nasa Ijmā` ng Kanunuan ng Kalipunang Islām.


Malugod nawa si Allāh sa kanila at gumawa nawa Siya


sa atin na maging kabilang sa mga tagasunod nila sa


paggawa ng maganda.


Para sa pagpapayo at pagkawala ng maisisisi,


naganap ang pagsulat nito noong 14/5/1415 Hijrah


(19/10/1994).


Si Allāh ay ang Katangkilik sa pagtutuon. Basbasan


ni Allāh at pangalagaan Niya ang Propeta nating si


Muḥammad, ang mag-anak niya, at ang mga


Kasamahan niya, at ang mga tagasunod nila sa


paggawa ng maganda.


3



Kamakailang Mga Post

Ang Paglilinaw sa Kaw ...

Ang Paglilinaw sa Kawalang-Pananampalataya at Pagkaligaw ng Sinumang Nag-akala na Pinapayagan sa Isang Tao ang Paglabas sa Sharī`ah ni Muḥammad

Ang Kahatulan sa Pang ...

Ang Kahatulan sa Panggagaway at Panghuhula at ang Nauugnay Rito

Ang Paglilibing ng mg ...

Ang Paglilibing ng mga Patay sa mga Masjid

Pagpapaliwanag sa Kah ...

Pagpapaliwanag sa Kahulugan ng Adhan