Mga Artikulo




Mga Tanong at mga Sagot


Tungkol sa Buwan ng Ramaḍān


Para sa mga Nakababata at


Hindi Maiiwasan ng mga


Nakatatanda


2


3


Mga Tanong at mga Sagot Tungkol sa


Buwan ng Ramaḍān Para sa mga


Nakababata at Hindi Maiiwasan ng mga


Nakatatanda


Kapisanan ng Serbisyo ng Nilalamang Islāmiko sa


Maraming Wika


Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang


Maawain


Panimula


Ang papuri ay ukol kay Allāh na gumawa sa


buwan ng Ramaḍān at nagtangi rito ng maraming


kainaman higit sa nalalabi sa mga buwan at mga


araw. Dumadalangin tayo ng basbas at


pangangalaga kay Muḥammad bin `Abdullāh:


basbasan siya ni Allāh sampu ng mag-anak niya


at mga Kasamahan niya at pangalagaan. Sa


pagsisimula:


Ang mga ito ay mga tanong at mga sagot tungkol


sa buwan ng Ramaḍān para sa mga nakababata at


hindi maiiwasan ng mga nakatatanda. Sa mga ito


ay may pagbanggit ng kinakailangan, isinakaibig-


ibig, at nararapat tungo sa pinagpalang buwan ng


Ramaḍān. Pipili ang edukador mula sa mga ito ng


loloobin niya at nababagay sa bata at edad nito.


Ang mga Kasamahang mararangal (malugod si


Allāh sa kanila) ay nagpapaayuno sa mga anak


4


nila sa pagkabata ng mga ito bilang pagpapahirati


sa mga ito sa pagtalimang ito.


Nasaad sa ḥadīth ayon kay Ar-Rubayyi` bint


Mu`awwidh bin `Afrā' (malugod si Allāh sa


kanya) na nagsabi: {Nagpasugo ang Sugo ni Allāh


(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa umaga


ng `Āshūrā' sa mga nayon ng Anṣār na nasa


paligid ng Madīnah:1 "Ang sinumang inumaga na


nag-aayuno, lubusin niya ang ayuno niya; at ang


sinumang inumaga na nakatigil-ayuno, lubusin


niya [ang ayuno] sa nalalabi sa araw niya." Kaya


kami matapos niyon ay nag-aayuno at


nagpapaayuno sa mga paslit naming nakababata


kabilang sa kanila kung niloob ni Allāh.


Pumupunta kami sa masjid saka gumagawa kami


para sa kanila ng laruan mula sa lanang


nahimulmol. Kaya kapag umiyak ang isa sa kanila


dahil sa pagkain, nagbibigay kami nito sa kanya


sa hanggang sa bago ng pagtigil-ayuno.}


(Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1960


at Imām Muslim: 1136 at ang pananalita ay kay


Imām Muslim.)


Nasaad sa ḥadīth na ito na sila noon ay gumagawa


para sa mga bata ng nilalaro ng mga ito yari sa


lanang nahimulmol. Ito ay ang lana na tinina.


Kapag umiyak ang isa sa mga ito dahil sa gutom,


ibinibigay nila sa kanya ang laruang ito upang


1 Ang Anṣār (mga Tagaadya) ay ang mga orihinal na taga-Madīnah, na nag-


adya at tumulong sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).


5


malibang siya nito hanggang sa dumating ang


oras ng pagtigil-ayuno. Ito ay bilang


pagpapatibay-loob at pagsasanay sa mga bata sa


pagsamba.


Nararapat ang pagsasaalang-alang na kapag


umabot ang hirap sa bata sa katindihan nito,


hindi ipipilit sa kanya na kumpletuhin niya ang


pag-aayuno nang sa gayon hindi magdahilan iyon


ng pagkamuhi niya sa pag-aayuno o magdahilan


sa kanya sa pagsisinungaling o sa mga paglalang


pangkaramdaman. Ang bata ay hindi kabilang sa


mga naaatangan ng tungkulin kaya nararapat ang


pagsasaalang-alang nito at ang hindi


pagpapakahigpit sa nauukol sa pag-aayuno.


Bilang bahagi ng paglubos sa benepisyo,


babanggitin natin ang mga usapin na nararapat


malaman ng mga nakatatanda at iwasan sa


sandali ng pagtuturo sa mga nakababata.


Tumawag-pansin nga tayo ng mga ito sa


pamamagitan ng pagkakalagay na mga ito sa


pagitan ng mga panaklong na ganito: (Para sa


mga nakatatanda).


Dito, si Allāh ay hinihilingan natin na


magpakinabang sa pamamagitan ng mga


gawaing ito at tumatanggap ng mga ito.


6


Ang mga Tanong at ang mga Sagot


T: Ano ang buwan ng Ramaḍān?


S: Ang buwan ng Ramaḍān ay ang pinakamainam


sa mga buwan ng taon. Ito ang ikasiyam na


buwan mula sa mga buwan ng lunar na taon. Ang


pag-aayuno rito ay isang haligi kabilang sa


Limang Haligi ng Islām.


Ayon sa Anak ni `Umar (malugod si Allāh sa


kanilang dalawa) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo


ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):


"Itinayo ang Islām sa lima: pagsaksi na walang


Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni


Allāh, pagpapanatili ng ṣalāh, pagbibigay ng


zakāh, [pagsasagawa ng] ḥajj, at pag-aayuno sa


Ramaḍān."} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-


Bukhārīy: 8 at Imām Muslim: 16.)


T: Kinakailangan ba ang pag-aayuno sa buwan


ng Ramaḍān?


S: Oo. Kinakailangan ang pag-aayuno sa buwan


ng Ramaḍān. Ito ay isang haligi kabilang sa mga


Haligi ng Islām.


Ang patunay ay ang sabi ni Allāh:





{O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo


ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito


7


sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay


mangingilag magkasala.} (Qur'ān 2:183)





{isinatungkulin sa inyo}


Ibig sabihin: isinaobligasyon sa inyo.


Ang sabi pa ni Allāh:





{Kaya ang sinumang nakasaksi kabilang sa inyo


sa buwan [ng Ramaḍān] ay mag-ayuno siya rito}


(Qur'ān 2:185)


T: Ano ang pag-aayuno?


S: Ito ay ang pagpapakamananamba kay Allāh


(kaluwalhatian sa Kanya at napakataas Siya) sa


pamamagitan ng paghinto sa pagkain, pag-inom,


at lahat ng mga tagapagpatigil-ayuno mula sa


pagsapit ng madaling-araw hanggang sa


paglubog ng araw, kalakip ng layunin.


Ang patunay ay ang sabi ni Allāh:





{Kumain kayo at uminom kayo hanggang sa


luminaw para sa inyo ang puting sinulid sa itim na


sinulid mula sa madaling-araw. Pagkatapos


lubusin ninyo ang pag-aayuno hanggang sa gabi.}


(Qur'ān 2:187)


8


Ibig sabihin: Kumain kayo at uminom kayo sa


gabi sa kabuuan nito hanggang sa luminaw para


sa inyo ang pagsapit ng totoong madaling-araw


sa pamamagitan ng kaputian ng madaling-araw


at pagkahiwalay nito sa kadiliman ng gabi.


Pagkatapos kumpletuhin ninyo ang pag-aayuno


sa pamamagitan ng paghinto sa mga


tagapagpatigil-ayuno mula sa pagsapit ng


madaling-araw hanggang sa lumubog ang araw.


T: Ano ang mga kainaman ng buwan ng


Ramaḍān?


S: Ang mga kainaman nito ay marami, na kabilang


sa mga ito ang sumusunod:


1. Na ang buwang ito ay pinagbabaan ng Qur'ān.


Nagsabi si Allāh:





{Ang buwan ng Ramaḍān ay ang [buwang]


pinababa rito ang Qur’ān bilang patnubay para sa


mga tao at bilang mga malinaw na patunay mula


sa patnubay at saligan.} (Qur'ān 2:185)


2. Na pinagbubuksan dito ang mga pintuan ng


Paraiso.


3. Na pinagsasara rito ang mga pintuan ng


Impiyerno.


4. Na tinatanikalaan dito ang mga demonyo at


pinuposasan kaya hindi sila humantong sa


9


pagtukso sa mga Muslim gaya ng pagkahantong


nila tungo roon sa ibang buwan.


Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa


kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh


(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag


pumasok ang Ramaḍān, pinagbubuksan ang mga


pintuan ng Paraiso, pinagsasara ang mga pintuan


ng Impiyerno, at itinatanikala ang mga


demonyo."} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-


Bukhārīy: 3277 at Imām Muslim: 1079).


5. Narito ang Laylatulqadr (Gabi ng Pagtatakda)


na higit na mabuti kaysa sa isang libong buwan


para sa sinumang nagdasal sa gabi rito dala ng


pananampalataya at paghahangad ng


gantimpala. Nagsabi si Allāh:





{Ang Gabi ng Pagtatakda ay higit na mabuti


kaysa sa isang libong buwan.} (Qur'ān 97:3)


8. Na si Allāh ay nagtangi nito sa


pagsasatungkulin ng pag-aayuno na kabilang sa


pinakadakila at pinakakapita-pitagan sa mga


gawaing nagpapalapit-loob kay Allāh


(napakataas Siya).


Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa


kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni


Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na


nagsasabi: "Nagsabi si Allāh (kamahal-mahalan


Siya at kapita-pitagan): 'Ang bawat gawain ng


anak ni Adan ay para sa kanya maliban sa pag-


10


aayuno; ito ay para sa Akin at Ako ay gaganti sa


Kanya rito.' Kaya sumpa man sa Kanya na ang


kaluluwa ni Muḥammad ay nasa kamay Niya,


talagang ang amoy ng bibig ng tagapag-ayuno ay


higit na mabango sa ganang kay Allāh kaysa sa


halimuyak ng musk."} (Isinalaysay ito nina Imām


Al-Bukhārīy: 1904 at Imām Muslim:1151.)


Ang "talagang ang amoy ng bibig ng tagapag-


ayuno" ay nangangahulugang: ang pag-iiba ng


amoy ng bibig niya.


7. Na ang sinumang nag-ayuno rito at nagdasal sa


gabi nito para kay Allāh, patatawarin sa kanya


ang nauuna sa pagkakasala niya.


Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa


kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh


(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang


sinumang nag-ayuno sa Ramaḍān dala ng


pananampalataya at dala ng pag-asang


gagantimpalaan, patatawarin sa kanya ang


nauna na pagkakasala niya."} (Nagsalaysay nito


sina Imām Al-Bukhārīy: 38 at Imām Muslim:


760.)


Sa isa pang ḥadīth: "Ang sinumang nagdasal sa


gabi ng Ramaḍān dala ng pananampalataya at


dala ng pag-asang gagantimpalaan, patatawarin


sa kanya ang nauna na pagkakasala niya."}


(Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 37 at


Imām Muslim: 759.)


Ang "dala ng pananampalataya" ay


nangangahulugang: pananampalataya kay Allāh


11


at na ito ay isang tungkulin mula sa Kanya


(kaluwalhatian sa Kanya).


Ang "dala ng pag-asang gagantimpalaan" ay


nangangahulugang: dala ng paghiling ng pabuya


at gantimpala mula kay Allāh (napakataas Siya),


hindi dala ng pakitang-tao ni iba pa rito kabilang


sa anumang sumasalungat sa pagpapakawagas.


8. Na ang pagsasagawa ng `umrah sa Ramaḍān ay


may gantimpalang gaya ng gantimpala ng ḥajj.


Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa


kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan


siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "... isang


`umrah sa Ramaḍān ay tumutumbas sa isang ḥajj


o isang ḥajj kasama ko."} Nagsalaysay nito sina


Imām Al-Bukhārīy: 1863 at Imām Muslim: 1256.


Ang "tumutumbas sa isang ḥajj" ay


nangangahulugang: nakatutumbas ang


gantimpala nila sa gantimpala ng isang ḥajj.


9. Na ang sinumang nagbigay ng pantigil-ayuno


sa isang tagapag-ayuno sa oras ng pagtigil-ayuno,


magkakaroon siya ng tulad sa pabuya rito.


Ayon kay Zayd bin Khālid Al-Juhanīy (malugod si


Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni


Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):


"Ang sinumang nagbigay ng pantigil-ayuno sa


isang tagapag-ayuno, magkakaroon siya ng tulad


ng pabuya rito, gayon pa man, ito ay hindi


nagbabawas ng anuman mula sa pabuya sa


12


tagapag-ayuno."} (Nagsalaysay nito sina Imām


At-Tirmidhīy: 807 at Imām Ibnu Mājah: 1746.)


10. Na si Allāh, sa bawat gabi nito, ay may mga


pinalalaya mula sa Impiyerno.


Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa


kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan


siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi: "Tunay


na si Allāh, sa sandali ng bawat pagtigil-ayuno, ay


may mga pinalalaya. Iyon ay sa bawat gabi."}


(Nagsalaysay nito si Imām Ibnu Mājah:1643.)


11. Na ang pag-aayuno sa Ramaḍān ay isang


kadahilanan ng pagtatakip-sala sa mga


pagkakasala na nauna sa kanya mula sa Ramaḍān


na bago nito kapag umiwas siya sa malalaking


kasalanan.


Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa


kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni


Allāh at pangalagaan) ay nagsasabi: "Ang limang


dasal, ang Biyernes hanggang sa Biyernes, at ang


Ramaḍān hanggang sa Ramaḍān ay mga


tagatakip-sala sa pagitan ng mga ito kapag


umiwas sa malalaking kasalanan."} (Nagsalaysay


nito si Imām Muslim: 233.)


Ang malalaking kasalanan ay walang pag-iwas sa


pagbabalik-loob (tawbah).


Sa pangkalahatan, nagpatunay nga ang mga


teksto na ang buwan ng Ramaḍān ay buwan ng


pagsamba, pagsasamabuting-loob, pagkagalante,


13


pagkaawa, pagpapatawad, at pagpapalaya mula


sa Impiyerno.


T: Ano ang mga kainaman ng pag-aayuno?


S: Ang mga kainaman ng pag-aayuno ay ang


sumusunod:


1. Na si Allāh ay gumaganti dahil dito ng isang


pagganting natatangi mula sa ganang Kanya sa


nalalabi sa mga gawain.


Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa


kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh


at pangalagaan) na nagsabi: "Ang bawat gawain


ng anak ni Adan ay para sa kanya maliban sa pag-


aayuno sapagkat tunay na ito ay para sa Akin at


Ako ay gaganti sa kanya."} (Nagsalaysay nito sina


Imām Al-Bukhārīy: 1904 at Imām Muslim: 1151.)


2. Na ito ay isang kalasag, ibig sabihin: panakip at


pananggalang laban sa Apoy.


Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa


kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh


at pangalagaan) na nagsabi: "Ang pag-aayuno ay


isang kalasag."} (Nagsalaysay nito sina Imām Al-


Bukhārīy: 1904 at Imām Muslim: 1151.)


2. Na ang amoy ng bibig ng tagapag-ayuno, na


nagiging kabilang sa mabahong amoy ng bibig, ay


higit na mabango sa ganang kay Allāh kaysa sa


amoy ng musk.


Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa


kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh


at pangalagaan) na nagsabi: "Kaya sumpa man sa


14


Kanya na ang kaluluwa ni Muḥammad ay nasa


kamay Niya, talagang ang amoy ng bibig ng


tagapag-ayuno ay higit na mabango sa ganang


kay Allāh kaysa sa halimuyak ng musk."}


(Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1894


at Imām Muslim: 1151.)


4. Ang tagapag-ayuno ay may dalawang tuwa.


Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa


kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh


at pangalagaan) na nagsabi: "Ang tagapag-ayuno


ay may dalawang tuwa: tuwa kapag magtitigil-


ayuno siya at tuwa kapag makikitagpo siya sa


Panginoon niya."} (Nagsalaysay nito sina Imām


Al-Bukhārīy: 1904 at Imām Muslim: 1151.)


5. Sa Paraiso ay may isang pintuan na walang


nakapapasok doon kundi ang mga tagapag-


ayuno.


Ayon kay Sahl (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon


sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at


pangalagaan) na nagsabi: "Tunay na sa Paraiso ay


may isang pintuang tinatawag na Ar-Rayyān.


Papasok doon ang mga tagapag-ayuno sa Araw ng


Pagbangon. Walang nakakapasok doon na isang


iba pa sa kanila. Sasabihin: Nasaan ang mga


tagapag-ayuno? Kaya tatayo sila. Walang


nakakapasok doon na isang iba pa sa kanila.


Kapag nakapasok sila, isasara ito kaya walang


papasok doon na isa man."} (Nagsalaysay nito sina


Imām Al-Bukhārīy: 1896 at Imām Muslim: 1152.)


15


6. Na ang tagapag-ayuno ay hindi tinatanggihan


ang panalangin niya.


Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa


kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh


(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "May


tatlong hindi tinatanggihan ang panalangin nila –


at kabilang sa kanila ang tagapag-ayuno


hanggang sa tumigil-ayuno siya."} Nagsalaysay


nito si Imām At-Tirmidhīy: 3598.


T: Ano ang kasanhian at ang katuturan ng pag-


aayuno?


S: Ang pag-aayuno ay may kasanhiang marami at


kapita-pitagan, na kabilang sa mga ito ang


sumusunod:


1. Kabilang sa pinakadakila sa mga kasanhian


nito na bumanggit ng mga ito si Allāh


(napakataas Siya), na ito ay isang kaparaanan


para sa pagsasakatotohanan ng taqwā


(pangingilag magkasala), na paggawa ng pag-


utos ni Allāh (napakataas Siya) at pagwaksi sa


sinaway Niya.


Nagsabi si Allāh:





{O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo


ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito


16


sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay


mangingilag magkasala.} (Qur'ān 2:183)


2. Ang pag-aayuno ay nagpapahirati sa tao sa


pagtitiis na kinasasalalayan ng gawain sa


kabuuan nito. Ang pagtitiis ay tatlong uri:


pagtitiis sa pagtalima kay Allāh nang sa gayon


magampanan ito, pagtitiis laban sa pagsuway kay


Allāh nang sa gayon maiwaksi ito, at pagtitiis sa


mga itinakda.


3. Kabilang sa mga katuturan ng pag-aayuno sa


Ramaḍān na dito ay may paghahayag ng


pagsamba kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at


kapita-pitagan) sa lipunan sa kabuuan nito kaya


nakatatagpo ka sa lahat ng mga Muslim mula sa


silangan hanggang sa kanluran na nagtitipon sa


pag-aayuno sa buwang ito.


4. Ang pagpapakahirati sa pagtalima at


pagsamba, na ang pinakanatatangi sa mga ito ay


ang pag-aayuno.


5. Ang pagpapakahirati sa pag-iwan sa mga bagay


alang-alang kay Allāh (napakataas Siya).


6. Ang tagapag-ayuno ay nakararamdam ng


biyaya ni Allāh sa kanya, na kabilang sa mga ito


ang biyaya ng pagkain at inumin.


7. Ang pag-aayuno ay gumagawa sa tagapag-


ayuno na makadama sa mga mahina, mga


maralita, at mga dukha at magsimpatiya sa kanila


dahil siya ay nakararamdam ng hapdi ng gutom.


17


8. Ang pag-aayuno ay nagpapahina sa pag-


impluwensiya ng demonyo at panunulsol nito.


9. Ang pag-aayuno ay may dulot na edukasyon sa


pagpapakawagas at pagsasaalang-alang kay


Allāh sapagkat walang isa na pumipigil sa


tagapag-ayuno sa pagkain o pag-inom kundi ang


pagsasaalang-alang kay Allāh (napakataas Siya).


10. Ang pag-aayuno ay nagpapatamo sa katawan


ng kalusugan at lakas, na napagtibay sa ganang


mga manggagamot.


T: Ano ang mga tagasira ng pag-aayuno?


S: 1. Ang pagkain o ang pag-inom nang sadyaan


sa maghapon ng Ramaḍān batay sa sabi ni Allāh:





{Pagkatapos lubusin ninyo ang pag-aayuno


hanggang sa gabi.} (Qur'ān 2:187)


Hinggil naman sa sinumang kumain o uminom


habang nakalimot, ang pag-aayuno niya ay


tumpak. Kinakailangan sa kanya ang pagtigil


kapag nakaalaala siya o napaalalahanan siya na


siya ay nag-aayuno, batay sa sabi ng Propeta


(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang


sinumang nakalimot habang siya ay nag-aayuno


kaya nakakain siya o nakainom siya, maglulubos


siya ng pag-aayuno niya sapagkat nagpakain


lamang sa kanya si Allāh at nagpainom sa kanya."}


(Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1933


at Imām Muslim: 1155.)


18


2. Ang pagsuka nang sadyaan, na pagpapalabas


ng nasa bituka ng pagkain o inumin sa


pamamagitan ng bibig nang sadyaan. Hinggil


naman sa kapag nanaig sa kanya ang pagsusuka


at lumabas sa kanya nang walang pagkukusa


niya, hindi nakaaapekto ito sa pag-aayuno niya.


Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni


Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang


nangibabaw sa kanya ang pagsusuka, walang


kailangan sa kanya na pag-uulit; at ang sinumang


nagsuka nang sadyaan, umulit siya nito."}


(Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy: 720.)


Ang "nangibabaw sa kanya ang pagsusuka" ay


nangangahulugang: nakauna sa kanya at nanaig


sa kanya sa paglabas nang walang pagkukusa


niya.


3. Ang riddah (pagtalikod sa Islām) at ang kufr


(kawalang-pananampalataya) dahil sa


pagpapaimbabaw sa pagsamba, batay sa sabi ni


Allāh:





{talagang kung nagtambal ka [kay Allāh] ay


talagang mawawalang-kabuluhan nga ang gawa


mo} (Qur'ān 39:65)


4. Ang ḥijāmah, na pagpapalabas ng dugo mula sa


balat.


Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni


Allāh at pangalagaan): "Tumigil-ayuno ang


tagapagsagawa ng ḥijāmah at ang


19


pinagsasagawaan ng ḥijāmah." (Nagsalaysay nito


si Imām Abū Dāwud: 2367.)


Tulad ng ḥijāmah ang pag-aabuloy ng dugo.


Hinggil naman sa paglabas ng dugo dahil sa


pagkasugat o pagkabunot ng ngipin o


balinguyngoy (nosebleed), hindi makapipinsala


ito dahil ito ay hindi ḥijāmah ni ayon sa


kahulugan nito.


5. (Para sa mga nakatatanda). Nawawalang-


saysay ang pag-aayuno dahil sa pakikipagtalik o


masturbasyon.


6. (Para sa mga nakatatanda). Ang paglabas ng


dugo ng regla o nifās sapagkat kapag nakakita


ang babae ng dugo ng regla o nifās, natitigil-


ayuno siya at kinakailangan sa kanya ang muling


pagsasagawa, batay sa sabi ng Propeta (basbasan


siya ni Allāh at pangalagaan) kaugnay sa babae:2


"Hindi ba kapag nagregla siya ay hindi siya


magdarasal at hindi siya mag-aayuno?"


(Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy: 304.)


7. Ang anumang ayon sa kahulugan ng pagkain at


pag-inom tulad ng paggamit ng dextrose o


intravenous feeding.


2 Ang nifās ay pagdurugo ng mga ilang araw bago o matapos magsilang ng


sanggol.


20


T: Ano ang mga isinakaibig-ibig sa pag-aayuno?


S: Isinakaibig-ibig at itinuturing na sunnah para


sa tagapag-ayuno na isaalang-alang niya sa pag-


aayuno ang mga sumusunod:


1. Ang saḥūr batay sa sabi ng Propeta (basbasan


siya ni Allāh at pangalagaan): "Kumain kayo ng


saḥūr sapagkat tunay na sa saḥūr ay may


pagpapala." (Nagsalaysay nito sina Imām Al-


Bukhārīy: 1923 at Imām Muslim: 1095.)


Naisasakatuparan ang saḥūr sa marami o


kaunting pagkain, kahit pa man isang lagok ng


tubig. Ang oras ng saḥūr ay mula sa hatinggabi


hanggang sa bago ng pagsapit ng madaling-araw.


2. Ang pagpapahuli ng saḥūr, batay sa ḥadīth ni


Zayd bin Thābit (malugod si Allāh sa kanya) na


nagsabi: {Kumain kami ng saḥūr kasama ng Sugo


ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan).


Pagkatapos tumayo kami patungo sa pagdarasal.


Nagsabi ako: "Ilan ang tagal sa pagitan ng


dalawang ito?" Nagsabi siya: "Limāmpung


talata."} Nagsalaysay nito sina Imām Al-


Bukhārīy: 575 at Imām Muslim: 1097).


Ang "limampung talata" ay nangangahulugang:


nasa pagitan ng saḥūr at adhān ng madaling-


araw na tagal ng pagbigkas ng limampung talata


ng Qur'ān. Nasaad dito ang paghimok sa


pagpapahuli ng saḥūr hanggang sa malapit bago


magmadaling-araw.


21


3. Ang pagmamadali sa pagtigil-ayuno sapagkat


isinakaibig-ibig para sa tagapag-ayuno ang


pagmamadali sa pagtigil-ayuno kapag natiyak


ang paglubog ng araw.


Batay ito sa ḥadīth na Sahl bin Sa`d (malugod si


Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan


siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Hindi


natitigil ang mga tao sa pagiging nasa kabutihan


hanggat nagmamadali sila sa pag-ayuno."}


(Nagsalaysay nito sina Imām Al-Bukhārīy: 1957


at Imām Muslim: 1098.)


4. Ang pagtigil-ayuno sa pagkain ng mga


manibalang na datiles ngunit kung hindi


nakatagpo ay pagkain ng mga hinog na datiles


ngunit kung hindi nakatagpo ay sa mga lagok ng


tubig.


Batay ito sa ḥadīth ni Anas bin Mālik (malugod si


Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh noon


(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay


tumitigil-ayuno sa mga manibalang na datiles


bago siya magdasal ngunit kung hindi nagkaroon


ng mga manibalang na datiles ay sa mga hinog na


datiles ngunit kung hindi nagkaroon ay humihigop


siya ng mga higop ng tubig.} (Nagsalaysay nito si


Imām Abū Dāwud: 2356.)


Ang "humihigop siya ng mga higop ng tubig" ay


nangangahulugang: umiinom siya nang tatlong


ulit.


22


Kung siya ay nasa isang lugar at naabutan siya ng


pagtigil-ayuno at hindi siya nakatagpo ng


anumang maipantitigil-ayuno niya, naglalayon


siya ng pagtigil-ayuno sa puso niya at


nakasasapat sa kanya iyon.


5. Ang panalangin sa sandali ng pagtigil-ayuno at


sa sandali ng pag-aayuno.


Batay ito sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni


Allāh at pangalagaan): "May tatlong hindi


tinatanggihan ang panalangin nila: ang pinunong


makatarungan, ang tagapag-ayuno kapag


tumitigil-ayuno siya, at ang panalangin ng


naaapi." Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmidhīy:


3598.


6.Ang pagpapadalas ng pagbibigay ng


kawanggawa, pagbigkas ng Qur'ān, pagpapakain


sa pagtigil-ayuno ng mga tagapag-ayuno, at


nalalabi sa mga gawain ng pagsasamabuting-


loob.


Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa


kanilang dalawa) na nagsabi: {Ang Sugo ni Allāh


noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay


ang pinakagalante sa mga tao. Siya noon ay ang


pinakagalante sa magiging anuman sa Ramaḍān


kapag nakikipagtagpo sa kanya si Anghel Gabriel.


Siya noon ay nakikipagtagpo rito sa bawat gabi ng


Ramaḍān saka nakikipag-aralan siya rito ng


Qur'ān. Kaya talagang ang Sugo ni Allāh


(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay ang


pinakagalante sa kabutihan kaysa sa hanging



Kamakailang Mga Post

Mga Tanong at mga Sag ...

Mga Tanong at mga Sagot Tungkol sa Buwan ng Ramaḍān Para sa mga Nakababata at Hindi Maiiwasan ng mga Nakatatanda 2

Mga Tanong at mga Sag ...

Mga Tanong at mga Sagot Tungkol sa Buwan ng Ramaḍān Para sa mga Nakababata at Hindi Maiiwasan ng mga Nakatatanda 1

Ilan sa mga Patakaran ...

Ilan sa mga Patakaran ng Pag-aayuno

SI RAPHAEL NARBAEZ, J ...

SI RAPHAEL NARBAEZ, JR., MINISTRO NG SAKSI NI JEHOVAH, ESTADOS UNIDOS