Mga Artikulo




Ilan sa mga Patakaran ng Pag-


aayuno


2


3


Ilan sa mga Patakaran ng Pag-aayuno


Ang Unang Paksa


Ang Kahulugan ng Ayuno at ang


Pagkakinakailangan ng Pag-aayuno sa


Ramaḍān


A. Ang Kahulugan ng Ayuno


Ang pag-aayuno ay ang pagpapakamananamba


kay Allāh (napakataas Siya) sa pamamagitan ng


pagpigil sa mga tagapagpatigil-ayuno mula sa


pagsapit ng madaling-araw hanggang sa


paglubog ng araw.


B. Ang Pagkakinakailangan ng Pag-aayuno sa


Ramaḍān


Ang pag-aayuno sa Ramaḍān ay isang haliging


kabilang sa mga Haligi ng Islām na hindi umiiral


ang Relihiyon ng Muslim kundi dahil sa mga ito.


Ang pag-aayuno ay isang tungkulin sa lahat ng


mga kalipunan kahit pa nagkaiba-iba ang


pamamaraan nito at ang oras nito, gaya ng sinabi


ni Allāh:





{O mga sumampalataya, isinatungkulin sa inyo


ang pag-aayuno kung paanong isinatungkulin ito


sa mga bago pa ninyo, nang sa gayon kayo ay


4


mangingilag magkasala.} (Qur'ān 2:183) Ang


"isinatungkulin" ay nangangahulugang: inobliga.


Nagpatunay sa pagkakinakailangan nito ang


Qur'ān, ang Sunnah, at ang Ijmā` (pagkakabuklod


ng kahatulan).


* Hinggil sa Qur'ān, ang sabi ni Allāh:





{183. O mga sumampalataya, isinatungkulin sa


inyo ang pag-aayuno kung paanong


isinatungkulin ito sa mga bago pa ninyo, nang sa


gayon kayo ay mangingilag magkasala.


184. [Mag-ayuno ng] mga araw na binilang; ...}


(Qur'ān 2:183-184)


* Hinggil sa Sunnah, ang sabi ng Propeta


(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Itinayo


ang Islām sa lima: pagsaksi na walang Diyos kundi


si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh,


pagpapanatili ng ṣalāh, pagbibigay ng zakāh, pag-


aayuno sa Ramaḍān, [pagsasagawa ng] ḥajj sa


Bahay [ni Allāh]."]1


* Hinggil sa Ijmā`, nagkabuklod nga sa kahatulan


ang mga Muslim sa pagkakinakailangan ng pag-


aayuno at na ang sinumang nagkaila ng


pagkakinakailangan ng pag-aayuno, siya ay isang


tagatangging sumampalataya.


1 (Napagkasunduan ang katumpakan. Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy


sa numero 8 (1/11) at Imām Muslim sa numero 16 (1/34).)


5


Ang Ikalawang Paksa


Ang mga Kainaman ng Buwan ng


Ramaḍān


Ang dakilang buwang ito ay may mga dakilang


ikinatatangi at mga kalamangang nagtatangi rito


sa nalalabi sa mga buwan sapagkat kabilang sa


mga ito ang sumusunod:


1. Ang pagpapababa ng Marangal na Qur'ān dito


gaya ng sinabi ni Allāh:





{Ang buwan ng Ramaḍān ay ang [buwang]


pinababa rito ang Qur’ān} (Qur'ān 2:185)


2. Pinagbubuksan dito ang mga pintuan ng


Paraiso at iyon ay dahil sa dami ng mga maayos


na gawain dito.


3. Ang pagpipinid sa mga pintuan ng Impiyerno


sa buwang ito at iyon ay dahil sa kakauntian ng


mga pagsuway.


Nasaad nga iyon sa sabi ng Propeta (basbasan


siya ni Allāh at pangalagaan): "Kapag dumating


ang Ramaḍān, binubuksan ang mga pintuan ng


Paraiso, ipinipinid ang mga pintuan ng Impiyerno,


at pinuposasan ang mga demonyo."2


4. Kabilang sa mga kalamangan nito ang sabi ng


Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):


2 (Napagkasunduan ang katumpakan. nito sina Imām Al-Bukhārīy sa


numero 1898 (3/25) at Imām Muslim sa numero 1079 (2/758).)


6


"Walang anumang magandang gawang ginagawa


ng anak ni Adan malibang nagtatala para sa


kanya ng sampung mabuting gawa hanggang sa


pitong daang ibayo. Nagsabi si Allāh: {... maliban


sa pag-aayuno sapagkat tunay na ito ay para sa


Akin at Ako ay gaganti sa Kanya rito. Nag-iwan


siya ng pagnanasa niya, pagkain niya, at inumin


niya alang-alang sa Akin. Ang pag-aayuno ay


kalasag. Ang tagapag-ayuno ay may dalawang


tuwa: tuwa sa sandali ng pagtigil-ayuno niya at


tuwa sa sandali ng pakikipagkita sa Panginoon


niya. Talagang ang amoy ng bibig ng tagapag-


ayuno ay higit na mabango sa ganang kay Allāh


kaysa sa halimuyak ng musk.}"3 Ang pagpapaibayo


ng pag-aayuno ay hindi nalilimitahan ng bilang.


5. Ang pagpapakawagas sa pag-aayuno ay higit


kaysa sa iba rito batay sa sabi Niya: "Iniwan niya


ang pagnanasa niya, ang pagkain niya, at ang


inumin niya alang-alang sa Akin."4


6. Si Allāh ay nagtangi sa mga tagapag-ayuno ng


isang pintuan mula sa mga pintuan ng Paraiso,


ang Ar-Rayyān, na walang nakapapasok doon na


iba pa sa kanila.


7. Ang tagapag-ayuno ay may panalanging


tinutugon batay sa sabi ng Propeta (basbasan


siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang tagapag-


3 (Nagtala nito si Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā sa numero 2536 (3/131).)


4 Tingnan ang pagsasadokumentong nauna.


7


ayuno sa sandali ng pagtigil-ayuno niya ay may


isang panalanging hindi tinatanggihan."5


8. Ang sabi ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at


pangalagaan): "Ang sinumang nag-ayuno sa


Ramaḍān dala ng pananampalataya at dala ng


pag-asang gagantimpalaan, patatawarin sa kanya


ang nauna na pagkakasala niya."6


Kaya nararapat sa Muslim na mag-ayuno nito


dahil sa pananampalataya at pag-asang


gagantimpalaan nang sa gayon magtamo siya ng


pabuya at kapatawaran ng mga pagkakasala.


Ang Ikatlong Paksa


Ang Napagtitibay Dahil Dito ang


Pagpasok ng Buwan ng Ramaḍān


Napagtitibay ang pagpasok ng buwan ng


Ramaḍān dahil sa isa dalawang bagay:


1. Dahil sa pagkakita ng bagong buwan nito batay


sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at


pangalagaan): "Kapag nakita ninyo ang bagong


buwan, mag-ayuno kayo; kapag nakita ninyo ito,


tumigil-ayuno kayo; ngunit kung lumabo sa inyo,


magtaya kayo."7 at batay sa sabi niya rin: "Huwag


kayong mag-ayuno hanggang sa makita ninyo ang


5 (Nagtala nito si Imām Ibnu Mājah sa numero 1753 (1/775).)


6 (Napagkasunduan ang katumpakan. Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy


sa numero 38 (1/16) at Imām Muslim sa numero 760 (1/523).)


7 (Nagtala nito sina Imām Aḥmad sa Al-Musnad sa numero 6323 (10/402)


at Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā sa numero 2446 (3/102).)


8


bagong buwan at huwag kayong tumigil-ayuno


hanggang sa makita ninyo ito."8


2. Kung hindi nila nakita ang bagong buwan,


magkukumpleto sila ng bilang ng Sha`bān sa 30


araw batay sa sabi ng Propeta (basbasan siya ni


Allāh at pangalagaan): "Ang buwan [ng Sha`bān]


ay dalawampu't siyam na gabi. Kaya huwag


kayong mag-ayuno hanggang sa makita ninyo


[ang bagong buwang] ito; ngunit kung lumabo sa


inyo, magkumpleto kayo ng bilang sa tatlumpu."9


Ang Ikaapat na Paksa


Ang Layunin sa Pag-aayuno


Ang layunin ay isang kundisyon sa katumpakan


ng bawat gawain. Hindi makaiiwas na maglayon


ng pag-aayuno sa Ramaḍān sa gabi batay sa sabi


ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at


pangalagaan): "Ang sinumang hindi naglayon sa


magdamag ng pag-aayuno bago ng madaling-


araw ay walang pag-aayuno para sa kanya."0]10


Nagsabi si Shaykhul Islām na si Ibnu Taymīyah


(kaawaan siya ni Allāh): "Ang bawat sinumang


nakaalam na bukas ay Ramadan habang siya ay


nagnanais ng pag-aayuno nito ay naglayon nga ng pag-


aayuno nito, bumigkas man siya ng layunon o hindi


8 (Napagkasunduan ang katumpakan. Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy


sa numero 1906 (3/27) at Imām Muslim sa numero 1080 (2/759).)


9 (Napagkasunduan ang katumpakan. Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy


sa numero 1907 (3/27) at Imām Muslim sa numero 1081 (2/762).)


10 (Nagtala nito si Imām An-Nasā'īy sa Al-Kubrā sa numero 2652 (3/170).)


9


bumigkas. Ito ay gawain ng kamadlaan ng mga Muslim.


Ang kabuuan nila ay naglalayon ng pag-aayuno."11


Ang Ikalimang Paksa


Sa Kanino Kinakailangan ang Pag-


aayuno?


Kinakailangan ang ayuno sa bawat Muslim na


adulto na nakapag-uunawa.


Kung siya ay malusog na residente, may


kakailanganin sa kanya na isang pagganap. Kung


siya ay maysakit, may kakailanganin sa kanya na


isang bayad-pagsasagawa.


Kung siya ay malusog na manlalakbay, makapipili


siya sa pagitan ng pag-aayuno o pagtigil-ayuno.


Ang pagtigil-ayuno ay higit na mainam.


* Hindi kinakailangan ang ayuno sa isang


tagatangging sumampalataya at hindi ito


natutumpak sa kanya. Kung nagbalik-loob siya sa


loob ng buwan [ng Ramaḍān], aayunuhin niya


ang natitira at hindi inoobliga sa kanya ang


pagbabayad-pagsasagawa ng nauna sa kalagayan


ng kawalang-pananampalataya.


* Hindi kinakailangan ang ayuno sa nakababata.


Natutumpak ito sa isang nakababatang


nakatatalos (mumayyiz). Ito sa panig niya ay


magiging isang kusang-loob.


11 (Al-Fatāwā Al-Kubrā (2/469).)


10


* Hindi kinakailangan ang ayuno sa isang baliw;


at kung sakaling nag-ayuno siya sa kalagayan ng


kabaliwan niya, hindi natutumpak ito sa kanya


dahil sa kawalan ng layunin.


Ang Ikaanim na Paksa


Sino ang may prebilihiyo sa Pagtigil ng


Pag-aayuno?


Makapagdadahilan sa pagtigil ng pag-aayuno sa


buwan ng Ramaḍān ang sumusunod:


1. Ang maysakit na hihirap sa kanya ang pag-


aayuno kaya isinakaibig-ibig para sa kanya na


tumigil-ayuno.


2. Ang manlalakbay na sumapit sa kanya ang


Ramaḍān habang siya ay nasa isang paglalakbay


o nagpasimula siya ng isang paglalakbay sa loob


ng buwan [ng Ramaḍān], na umaabot ang


distansiya nito sa 80 kilometro o higit pa.


3. Ang nireregla at ang dinurugo ay


ipinagbabawal sa kanilang dalawa ang pag-


aayuno sa yugto ng pagreregla at pagdurugo


batay sa sabi ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa


kanya): "Dumadapo noon sa amin iyon kaya inuutusan


kami ng pagbabayad-pagsasagawa ng ayuno at hindi


kami inuutusan ng pagbabayad-pagsasagawa ng


salah."2]12


12 (Nagtala nito si Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ Niya sa numero 335 (1/265).)


11


4. Ang maysakit na isang sakit na talamak


(chronic) na hindi naaasahan ang paggaling niya


at nawawalang-kakayahan siya kasabay nito sa


pag-aayuno nang tuluyan, siya ay titigil-ayuno at


magpapakain para sa bawat araw [na hindi


napag-ayunuhan] sa isang dukha ng isang ṣā` ng


bigas o iba pa rito at walang kailangan sa kanya


na isang pagbabayad-pagsasagawa.


5. Ang nakatatandang ulyanin na hindi


nakakakaya ng pag-aayuno ay titigil-ayuno at


magpapakain para sa bawat araw [na hindi


napag-ayunuhan] sa isang dukha at walang


kailangan sa kanya na isang pagbabayad-


pagsasagawa.


6. Ang nagbubuntis at ang nagpapasuso, kapag


nangamba sila para sa mga sarili nila o para sa


mga anak nila sa kapinsalaan ng pag-aayuno, ay


titigil-ayuno at magbabayad-ayuno. Kung ang


pagtigil-ayuno nila ay dala ng pangamba sa anak


nila lamang, tunay na siya ay magbabayad-ayuno


at magpapakain ng isang dukha para sa bawat


araw [na hindi napag-ayunuhan].


Ang Ikapitong Paksa


Ang mga Tagasira sa Ayuno


1. Ang Pakikipagtalik


Kaya kapag nakipagtalik siya sa maghapon ng


Ramaḍān, nawawalang-saysay ang pag-aayuno


niya. Kailangan sa kanya ang magpigil sa natitira


12


sa araw niya. Kailangan sa kanya ang pagbabalik-


loob at ang paghingi ng tawad. Magbabayad-


ayuno siya sa araw na ito na nakipagtalik siya.


Kailangan sa kanya ang panakip-sala (kaffārah).


2. Ang Pagpapalabas ng Punlay Dahilan sa


Paghalik o Pagromansa o Masturbasyon o Pag-


uulit ng Pagtingin


Kapag nagpalabas ang tagapag-ayuno ng punlay


dahil sa isang kadahilanang kabilang sa mga


kadahilanang ito, nasira ang pag-aayuno niya.


Kailangan sa kanya ang pagpipigil. Magbabayad-


ayuno siya para sa araw na ito. Walang panakip-


sala sa kanya subalit kailangan sa kanya ang


pagbabalik-loob, ang pagsisisi, ang paghingi ng


tawad, at ang paglayo sa mga gawaing ito na


tagapukaw ng pagnanasa dahil siya ay nasa isang


dakilang pagsamba.


3. Ang Pagkain at ang Pag-inom Nang Sadyaan


4. Ang Pagpapakuha ng Dugo ng Tagapag-ayuno


sa Pamamagitan ng Ḥijāmah o laboratory testing


o Pagpapakuha ng Dugo Para Mag-abuloy Nito


Ang batayang panuntunan dito ay ang sabi ng


Propeta (s) kaugnay sa ḥijāmah: "Tumigil-ayuno


ang tagapagsagawa ng ḥijāmah at ang


pinagsasagawaan ng ḥijāmah."13


Nagsabi si Shaykhul Islām na si Ibnu Taymīyah


(kaawaan siya ni Allāh): "Ang sabi hinggil sa ang


13 (Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy sa numero 1937 (3/33) at Imām


Aḥmad sa Musnad niya sa numero 26217 (43/278).)


13


ḥijāmah ay nagpapatigil-ayuno ay doktrina ng higit na


marami sa mga hurista ng ḥadīth gaya nina Aḥmad bin


Ḥanbal, Isḥāq bin Rāhawayh, Ibnu Khuzaymah, Ibnu Al-


Mundhir, at iba pa sa kanila."14


Hinggil naman sa paglabas ng dugo sa


pamamagitan ng hindi venesection ng tagapag-


ayuno gaya ng balinguyngoy, dugo ng operasyon,


pagbunot ng ngipin, at tulad nito tunay na iyon ay


hindi nakaaapekto sa pag-aayuno.


5. Ang Pagsusuka


Ito ay ang pagpapalabas ng nasa bituka na nakain


o nainom sa pamamagitan ng pagdaan sa bibig


nang sinasadya. Hinggil naman sa kapag nanaig


sa kanya ang pagsuka at lumabas ito mula sa


kanya nang walang pagpili niya, hindi ito


nakaaapekto sa pag-aayuno niya batay sa sabi ng


Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):


"Ang sinumang nangibabaw sa kanya ang


pagsuka, walang kailangan sa kanya na


pagbabayad-ayuno; at ang sinumang sumuka,


magbayad-ayuno siya."15 Ang kahulugan ng


"nangibabaw sa kanya" ay nanaig sa kanya.


Ang Ikawalong Paksa


Ang mga Isinakaibig-ibig sa Pag-aayuno


1. Ang saḥūr batay sa ḥadīth ni Anas bin Mālik


(malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi


14 (Majmū` Al-Fatāwā (25/252).)


15 (Nagtala nito sina Imām Aḥmad sa Musnad niya sa numero 10463


(16/283) at Imām At-Tirmidhīy sa Al-Jāmi` Al-Kabīr sa numero 720 (2/91).)


14


ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at


pangalagaan): "Kumain kayo ng saḥūr sapagkat


tunay na sa saḥūr ay may pagpapala."16


2. Ang pagpapahuli ng pagkain ng saḥūr hanggat


hindi natatakot sa pagsapit ng madaling-araw.


3. Ang pagmamadali sa pagtigil-ayuno kapag


napatotohanan ang paglubog ng araw. Nagsabi


ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at


pangalagaan): "Hindi matitigil ang Kalipunan ko


sa pagiging nasa kabutihan hanggat nagpapahuli


sila sa pagkain ng saḥūr at nagmamadali sila sa


pagtigil-ayuno."17


4. Isinasakaibig-ibig na tumigil-ayuno sa


manibalang na datiles; ngunit kung hindi siya


nakatagpo nito, sa hinog na datiles; ngunit kung


hindi siya nakatagpo nito, sa tubig, batay sa sabi


ni Anas (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni


Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at


pangalagaan) ay tumitigil-ayuno sa mga


manibalang na datiles bago siya magdasal ngunit


kung nagkaroon ng mga manibalang na datiles ay


sa mga hinog na datiles ngunit kung hindi


nagkaroon ay humihigop siya ng mga higop ng


tubig.}18


16 (Napagkasunduan ang katumpakan. Nagtala nito sina Imām Al-Bukhārīy


sa numero 1923 (3/29) at Imām Muslim sa numero 1095 (2/770).)


17 (Nagtala nito si Imām Aḥmad sa Musnad niya sa numero 12507


(35/399).)


18 (Nagtala nito si Imām Abū Dāwud sa numero 2356 (2/306).)


15


5. Isinakaibig-ibig sa tagapag-ayuno na


manalangin sa sandali ng pagtigil-ayuno niya sa


anumang naibigan niya. Nagsabi ang Propeta


(basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay


na ang tagapag-ayuno sa sandali ng pagtigil-


ayuno niya ay may isang panalanging hindi


tinatanggihan."19


6. Ang pagpaparami ng mga pagsamba ayon sa


mga uri ng mga ito gaya ng pagbabasa ng Qur'ān,


pagsambit ng dhikr kay Allāh, pagdarasal sa gabi,


pagdarasal ng tarāwīḥ, mga ṣalāh na kusang-


loob, pagkakawanggawa, at pagkakaloob sa


landas ng kabutihan sapagkat tunay na ang mga


magandang gawa ay nag-aalis ng mga


masagwang gawa.


Ang Ikasiyam na Paksa


Mga Pagtawag-pansin


* Kinakailangan sa tagapag-ayuno ang pag-iwas


sa pagsisinungaling, panlilibak, at panlalait. Kung


inalipusta siya ng isang tao o nilait siya nito,


magsabi siya: "Ako ay nag-aayuno."


Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at


pangalagaan): "Ang pag-aayuno ay kalasag kaya


huwag siyang magpakahalay at huwag siyang


magpakamangmang. Kung may taong nakipag-


away sa kanya o nakipaglaitan sa kanya, magsabi


19 (Nagtala nito si Imām Ibnu Mājah sa numero 1753 (1/775).)


16


siya: 'Tunay na ako ay nag-aayuno,' nang


dalawang ulit."20


* Kabilang sa sinasaway sa tagapag-ayuno ang


pagpapasobra sa pagmumumog at pagsinghot ng


tubig dahil baka umabot ang tubig sa kaloob-


looban niya.


Nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at


pangalagaan): "Magpasobra ka sa pagsinghot ng


tubig maliban na ikaw ay nag-aayuno."21


* Ang paggamit ng siwāk ay hindi nakaaapekto sa


tagapag-ayuno; bagkus ito ay isinasakaibig-ibig


at naiibigan para sa tagapag-ayuno at iba pa sa


kanya sa simula ng maghapon at katapusan nito


ayon tumpak na pahayag.


Ang Ikasampung Paksa


Ang Pagbabayad-ayuno sa Ramaḍān


Ang sinumang tumigil-ayuno sa Ramaḍān


dahilan sa isang pinahihintulutang bagay gaya ng


mga legal na maidadahilan na nagpapahintulot


ng pagtigil-ayuno o dahilan sa isang


ipinagbabawal na bagay gaya ng sinumang


nagpawalang-saysay ng ayuno niya dahil sa


pakikipagtalik o iba pa rito, kinakailangan sa


kanya ang pagbabayad-ayuno batay sa sabi ni


Allāh:


20 (Nagtala nito si Imām Al-Bukhārīy sa numero 1894 (3/24).)


21 (Nagtala nito sina Imām Abū Dāwud sa numero 2366 (2/308) at Imām


At-Tirmidhīy sa Al-Jāmi` Al-Kabīr sa numero 788 (2/147).)


17





{[mag-aayuno ng mismong] bilang mula sa ibang


mga araw} (Qur'ān 2:184) Isinasakaibig-ibig sa


kanya ang pagdadali-dali sa pagbabayad-ayuno


para sa pagpapawalang-kaugnayan sa pagpula sa


kanya. Isinasakaibig-ibig na ang pagbabayad-


ayuno ay maging nagkakasunuran dahil ang


pagbabayad-ayuno ay gumagaya sa


pagkakaganap. Pinapayagan sa kanya ang


pagpapahuli dahil ang oras nito ay malawak.


Pinapayagan din sa kanya na magbayad-ayuno


nito nang magkakahiwalay; subalit kung walang


natira mula sa Sha`bān kundi isang bilang ng


araw na kailangan sa kanya, tunay na


kinakailangan sa kanya ang pagsusunuran ng


ayuno ayon sa pagkakabuklod ng kahatulan dahil


sa kagahulan ng oras. Hindi pinapayagan ang


pagpapahuli nito hanggang sa matapos ng


kasunod na Ramaḍān dahil sa wala namang


maidadahilan.


* Kaya ang sinumang nagpahuli ng pagbabayad-


ayuno matapos kaagad ng kasunod na Ramaḍān,


mayroon siyang dalawang sitwasyon:


Na magpapahuli siya dahil sa maidadahilang


legal, tulad ng pagpapatuloy sa kanya ng


karamdaman hanggang sa isa pang Ramaḍān


kaya naman ito ay mangangailangan sa kanya ng


pagbabayad-ayuno lamang;


18


Na magpapahuli siya nito dahil sa hindi


maidadahilan kaya naman ito ay


mangangailangan sa kanya, kasama ng


pagbabayad-ayuno, ng pagpapakain sa dukha,


para sa bawat araw [na hindi napag-ayunuhan],


ng kalahating ṣā` ng pangunahing pagkain ng


bayan.


* Ang ayuno ng pagkukusang-loob ng sinumang


may kailangan sa kanya na pagbabayad-ayuno.


Ang sinumang naging may kailangan sa kanya na


pagbabayad-ayuno ng anumang araw ng


Ramaḍān, tunay na ang pinakamainam ay ang


pagdadali-dali rito bago ng pag-aayuno ng


pagkukusang-loob; subalit kapag ang pag-


aayuno ng kusang-loob ay kabilang sa nakaaalpas


ang oras nito gaya ng pag-aayuno sa `Arafah at


`Āshūrā', mag-aayuno siya nito bago ng


pagbabayad-ayuno dahil ang pagbabayad-ayuno


ay may oras na malawak. Hinggil naman sa pag-


aayuno sa `Āshūrā' at `Arafah, nakaaalpas ito


subalit hindi siya mag-aayuno ng anim na ayuno


sa Shawwāl malibang matapos ng pagbabayad-


ayuno.


Ito ang naging madaling tipunin. Basbasan ni


Allāh ang Propeta nating si Muḥammad, ang mag-


anak niya, at ang mga Kasamahan niya at


pangalagaan nang maraming pangangalaga.


19


Index


Ilan sa mga Patakaran ng Pag-aayuno............................................ 3


Ang Unang Paksa ................................................................................... 3


Ang Kahulugan ng Ayuno at ang Pagkakinakailangan ng Pag-


aayuno sa Ramaḍān .............................................................................. 3


Ang Ikalawang Paksa ........................................................................... 5


Ang mga Kainaman ng Buwan ng Ramaḍān................................. 5


Ang Ikatlong Paksa................................................................................ 7


Ang Napagtitibay Dahil Dito ang Pagpasok ng Buwan ng


Ramaḍān................................................................................................... 7


Ang Ikaapat na Paksa ........................................................................... 8


Ang Layunin sa Pag-aayuno ............................................................... 8


Ang Ikalimang Paksa ............................................................................ 9


Sa Kanino Kinakailangan ang Pag-aayuno? .................................. 9


Ang Ikaanim na Paksa ....................................................................... 10


Sino ang may prebilihiyo sa Pagtigil ng Pag-aayuno? ............ 10


Ang Ikapitong Paksa .......................................................................... 11


Ang mga Tagasira sa Ayuno ............................................................ 11


Ang Ikawalong Paksa ........................................................................ 13


Ang mga Isinakaibig-ibig sa Pag-aayuno .................................... 13


Ang Ikasiyam na Paksa ..................................................................... 15


Mga Pagtawag-pansin ....................................................................... 15


Ang Ikasampung Paksa..................................................................... 16


Ang Pagbabayad-ayuno sa Ramaḍān ........................................... 16



Kamakailang Mga Post

Mga Tanong at mga Sag ...

Mga Tanong at mga Sagot Tungkol sa Buwan ng Ramaḍān Para sa mga Nakababata at Hindi Maiiwasan ng mga Nakatatanda 2

Mga Tanong at mga Sag ...

Mga Tanong at mga Sagot Tungkol sa Buwan ng Ramaḍān Para sa mga Nakababata at Hindi Maiiwasan ng mga Nakatatanda 1

Ilan sa mga Patakaran ...

Ilan sa mga Patakaran ng Pag-aayuno

SI RAPHAEL NARBAEZ, J ...

SI RAPHAEL NARBAEZ, JR., MINISTRO NG SAKSI NI JEHOVAH, ESTADOS UNIDOS