Mga Artikulo

Ang Pagkatungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at ang Kawalang-pananampalataya ng Sinumang Nagkaila nito.


Akda



 





Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


3


Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain


◆ Ang Panimula


Ang papuri ay ukol kay Allāh, ang Panginoon ng mga nilalang.Ang mabuting kahihinatnan ay para sa mga nangingilag magkasala.Ang pagpapala at ang pangangalaga ay ukol sa Lingkod Niya at Sugo Niya - ang Propeta niyang si Muḥammad, na isinugo bilang awa sa mga nilalang at bilang katwiran sa lahat ng mga tao -at ukol sa mag-anak niya, at mga Kasamahan niya na nagdala sa Aklat ng Panginoon nila - napakamaluwalhati Niya - at Sunnah ng Propeta nila - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa mga dumating matapos nila ayon sa sukdulang pag-iingat, kahusayan, at lubos na pangangalaga sa mga kahulugan at mga pananalita - malugod si Allāh sa kanila at palugurin Niya sila. Gawin Niya nawa tayo na kabilang sa mga tagasunod nila nang may pagpapahusay.


Sa pagpapatuloy:


Nagkaisa nga ang mga nakaaalam sa matanda at makabagong panahon na ang mga batayang isinasaalang-alang sa pagpapatibay sa mga panuntunan at paglilinaw sa ipinahihintulot at ipinagbabawal ay nasa Mahal na Aklat ni Allāh, na hindi nararating ng kabulaanan mula sa harapan nito


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


4


ni sa likuran nito.Pagkatapos ay nasa Sunnah ng Sugo ni Allāh - sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga - na hindi bumibigkas ayon sa pithaya. Walang iba ito kundi isang pagsisiwalat na isiniwalat sa kanya.Pagkatapos ay nasa pagkakaisa ng pahayag ng mga nakaaalam sa Kalipunang Islām. Nagkaiba-iba ang mga nakaaalam sa ibang mga batayan, na ang pinakamahalaga sa mga ito ay ang qiyās (paghahambing). Ang mayoriya ng mga may kaalaman ay sang-ayon na ito ay isang katwiran kapag nalubos ang mga kundisyon nitong isinasaalang-alang.Ang mga patunay sa mga batayang ito ay higit na marami para limitahan at higit na tanyag para banggitin.


◆ Ang mga batayang isinasaalang-alang sa pagpapatibay sa mga panuntunan:


Ang Unang Batayan: Ang Mahal na Aklat ni Allāh.


Hinggil sa unang batayan, ito ay ang Mahal na Aklat ni Allāh.


Nagpatunay nga ang salita ng Panginoon natin - kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan - sa maraming bahagi ng Aklat Niya hinggil sa pagkatungkulin ng pagsunod sa Aklat na ito, pagkapit dito, at pagtigil sa mga hangganan nito.


Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya (Qur'ān 7:3):


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


5


Sumunod kayo sa ibinaba sa inyo mula sa Panginoon ninyo at huwag kayong sumunod sa bukod pa sa Kanya bilang mga katangkilik. Kakaunti ang inaalaala ninyo!


Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya (Qur'ān 6:155):


Ito ay isang Aklat na ibinaba Namin, na pinagpala, kaya sumunod kayo rito at mangilag kayong magkasala nang sa gayon kayo ay kaaawaan,


Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya (Qur'ān 6:155):


O mga May Kasulatan, dumating nga sa inyo ang Sugo Namin na naglilinaw sa inyo sa marami mula sa dating itinatago ninyo mula sa Kasulatan at nagsasaisang-tabi sa marami. May dumating nga sa inyo mula kay Allāh na isang liwanag at isang Aklat na naglilinaw,


Nagpapatnubay si Allāh sa pamamagitan nito sa sinumang sumunod sa kaluguran Niya sa mga landas ng kapayapaan, nagpapalabas Siya sa kanila mula sa mga kadiliman tungo sa liwanag ayon sa kapahintulutan Niya, at nagpapatnubay Siya sa kanila tungo sa landasing tuwid.


Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya (Qur'ān 6:155):


Tunay na ang mga tumangging sumampalataya sa paalaala noong dumating ito sa kanila [ay parurusahan.] Tunay na ito ay talagang isang Mahal na Aklat.


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


6


Hindi nakararating dito ang kabulaanan mula sa harapan nito ni sa likuran nito. [Ito ay] isang pagpapababa mula sa Marunong, Kapuri-puri.


Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya (Qur'ān 6:155):


Isiniwalat sa akin ang Qur’ān na ito upang magbabala ako sa inyo nito at sa sinumang naabot nito.


Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya (Qur'ān 6:155):


Ito ay isang pagpapaabot para sa mga tao, at upang mapagbalaan sila sa pamamagitan nito,


Ang mga talata hinggil sa kahulugang nito ay marami. Nasaad nga ang mga tumpak na ḥadīth buhat sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - bilang mga nag-uutos sa pagkapit sa Qur'ān. Ang pangungunyapit dito ay nagpapatunay na ang sinumang kumapit dito ay nasa patnubay; at ang sinumang umiwan nito ay nasa pagkaligaw.


Kabilang doon ang napagtibay buhat sa kanya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na nagsabi siya sa talumpati niya sa ḥajj ng pamamaalam:


Tunay na ako ay mag-iiwan sa inyo ng bagay na hindi kayo maliligaw kung mangungunyapit kayo rito: ang Aklat ni Allāh.


Isinaysay ito ni Imām Muslim sa Ṣaḥīḥ Niya


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


7


Nasaad sa Ṣaḥīḥ Muslim din ayon kay Zayd bin Arqam - malugod si Allāh sa kanya - ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay nagsabi:


Tunay na ako ay mag-iiwan sa inyo ng dalawang mabigat. Ang una sa dalawang ito ay ang Aklat ni Allāh. Nasa loob nito ang patnubay at ang liwanag. Kaya kunin ninyo ang Aklat ni Allāh at kumapit kayo rito.


Kaya hinimok Niya [sila] sa Aklat ni Allāh at pinaibig dito. Pagkatapos ay nagsabi siya:


Ang sambahayan ko, ipinapaalaala ko sa inyo si Allāh kaugnay sa sambahayan ko, ipinapaalaala ko sa inyo si Allāh kaugnay sa sambahayan ko.


Sa ibang pananalita, nagsabi siya hinggil sa Qur'ān:


Ito ay lubid ni Allāh. Ang sinumang humawak dito, siya ay nasa patnubay; at ang sinumang umiwan dito, siya ay nasa pagkaligaw.


Ang mga ḥadīth kaugnay sa kahulugang ito ay marami.Ang mga may kaalaman at pananampalataya kabilang sa mga Kasamahan at mga dumating matapos nila ay nagkaisa sa pahayag hinggil sa pagkatungkulin ng pagkapit sa Aklat ni Allāh, ng paghahatol ayon dito, at ng pagpapahatol dito, kasama ng Sunnah ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


8


pangalagaan. Ito ay nakasasapat at nakatutugon sa pagpapahaba ng pagbanggit ng mga patunay na nasasaad sa usaping ito.


Ang Ikalawang Batayan: Ang nasaad na tumpak buhat sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa mga Kasamahan niya, at sa mga dumating matapos nila kabilang sa mga may kaalaman at pananampalataya.


Tungkol naman sa ikalawang batayan mula sa ikatlong mga batayan na napagkaisahan, ito ay ang nasaad na tumpak buhat sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa mga Kasamahan ng Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at sa mga dumating matapos nila kabilang sa mga may kaalaman at pananampalataya. Sumasampalataya sila sa tunay na batayang ito, ipinangangatwiran nila ito, at itinuturo nila ito sa Kalipunang Islām.Umakda nga sila hinggil doon ng maraming akda.Ipinaliwanag nila iyon sa mga aklat ng Uṣul al-Fiqh wa al-Muṣṭalaḥ (Mga Batayan ng Fiqh at mga Terminolohiya).Ang mga patunay roon ay hindi mabilang sa dami.Kabilang doon ang nasaad sa Mahal na Aklat ni Allāh na pag-uutos sa pagsunod sa Kanya at pagtalima sa Kanya.Iyon ay nakatuon sa mga tao ng panahon niya at sinumang dumating matapos nila dahil siya ay Sugo ni Allāh sa lahat,dahil sa sila ay mga inuutusan ng pagsunod sa kanya at pagtalima sa kanya


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


9


hanggang sa sumapit ang Huling Sandali,at dahil siya - sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga - ay ang tagapagpakahulugan sa Aklat ni Allāh at ang tagapaglinaw sa nakabuod dito sa pamamagitan ng mga sabi niya, mga gawa, niya, at pagsang-ayon niya.Kung hindi dahil sa Sunnah ay hindi nalaman ng mga Muslim ang bilang ng rak`ah ng mga dasal, ang mga katangian nito, at kung ano ang kinakailangan dito;hindi nila nalaman ang mga detalye ng mga patakaran sa pag-aayuno, zakāh, ḥajj, pakikibaka, at pag-utos sa nakabubuti at pagsaway sa nakasasama;hindi nila nalaman ang mga detalye ng mga panuntunan ng mga pakikitungo, mga ipinagbabawal, at kung ano ang isinatungkulin ni Allāh sa mga ito na mga takdang parusa at mga pangkalahatang parusa.


Kabilang sa Nasaad Hinggil Doon na mga Talata ng Qur'ān


Kabilang sa nasaad hinggil doon na mga talata ng Qur'ān ay ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - sa Kabanata Āl `Imrān, [Talata 132:]


Tumalima kayo kay Allāh at sa Sugo nang sa gayon kayo ay kaaawaan.


Ang sabi pa Niya - pagkataas-taas Niya - sa Kabanata An-Nisā', [Talata 59:]


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


10


O mga sumampalataya, tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo at sa mga may kapamahalaan sa inyo. Kaya kung naghidwaan kayo sa isang bagay ay isangguni ninyo ito kay Allāh at sa Sugo, kung kayo ay sumasampalataya kay Allāh at sa Huling Araw. Iyon ay pinakamainam at pinakamagaling na kinauuwian.


Nagsabi Siya - pagkataas-taas Niya - sa Kabanata ng An-Nisā' din, [Talata 80:]


Ang sinumang tumatalima sa Sugo ay tumalima nga kay Allāh. Ang sinumang tumalikod, hindi Kami nagsugo sa iyo bilang isang tagapag-ingat sa kanila.


Papaanong maaari ang pagtalima sa Kanya at ang pagsangguni sa Aklat ni Allāh at Sunnah ng Sugo Niya ng pinaghidwaan ng mga tao kapag ang Sunnah ng Sugo ay hindi ipinangangatwiran o ang lahat na ito ay hindi napangalagaan?Ayon sa pahayag na ito, si Allāh ay magtatalaga nga sa mga lingkod Niya sa isang bagay na walang kairalan.Ito ay pinakabulaang kabulaanan at kabilang sa pinakamabigat na kawalang-pananampalataya kay Allāh at kasagwaan ng palagay sa Kanya.


Nagsabi pa Siya - kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan - sa Kabanata An-Naḥl, [Talata 44:]


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


11


[Isinugo sila] kalakip ng mga malinaw na patunay at mga kalatas. Ibinaba Namin sa iyo ang [Qur’ān na] paalaala upang linawin mo sa mga tao ang pinababa sa kanila at nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip.


Nagsabi rin Siya kaugnay rito ng isang talata (Qur'ān 16:64):


Hindi Namin ibinaba sa iyo ang Aklat kundi upang linawin mo sa kanila ang nagkaiba-iba sila hinggil doon, at bilang patnubay at awa para sa mga taong sumasampalataya.


Kaya papaanong ipinagkakatiwala ni Allāh - napakamaluwalhati Niya - sa Sugo Niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ang paglilinaw ng [Qur'ān na] ibinaba sa kanila samantalang ang Sunnah niya ay walang kairalan o walang maipangangatwiran dito?


Ang halimbawa niyon ay ang sabi Niya - pagkataas-taas Niya - sa Kabanata An-Nūr, [Talata 54:]


Sabihin mo: "Tumalima kayo kay Allāh at tumalima kayo sa Sugo; ngunit kung tumalikod kayo, tungkulin niya lamang ang iniatang sa kanya at tungkulin ninyo ay ang iniatang sa inyo. Kung tatalima kayo sa kanya ay mapapatnubayan kayo. Walang tungkulin ang Sugo kundi ang pagpapaabot na malinaw."


Nagsabi pa Siya - pagkataas-taas Niya - sa mismong Kabanata An-Nūr, [Talata 56:]


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


12


Magpanatili kayo ng pagdarasal, magbigay kayo ng zakāh, at tumalima kayo sa Sugo nang sa gayon kayo ay kaaawaan.


Nagsabi Siya sa Kabanata Al-A`rāf, [Talata 7:158]


Sabihin mo: "O mga tao, tunay na ako ay Sugo ni Allāh sa inyo sa kalahatan, Siya na ukol sa Kanya ang paghahari sa mga langit at lupa. Walang Diyos kundi Siya; nagbibigay-buhay Siya at bumabawi Siya ng buhay. Kaya sumampalataya kayo kay Allāh at sa Sugo Niya, ang Propeta na hindi nakababasa’t nakasusulat, na sumasampalataya kay Allāh at sa mga salita Niya, at sundin ninyo ito nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan."


Nasa mga talatang ito ng Qur'ān ang patunay na maliwanag na ang patnubay at ang awa ay nasa pagsunod sa kanya - sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga. Papaanong maaari iyon kasabay ng kawalan ng paggawa ayon sa Sunnah niya o pagsabi na walang katumpakan dito o hindi mapananaligan ito?


Nagsabi Siya - kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan - sa Kabanata An-Nūr, [Talata 63:]


Kaya mag-ingat ang mga sumasalungat sa utos niya na baka dapuan sila ng isang pagsubok o dapuan sila ng isang pagdurusang masakit.


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


13


Nagsabi Siya sa Kabanata Al-Ḥashr, [Talata 7:]


Ang anumang ibinigay sa inyo ng Sugo ay kunin ninyo at ang anumang sinaway niya sa inyo ay tigilan ninyo.


Ang mga talata [ng Qur'ān] ayon sa kahulugang ito ay marami at ang lahat nito ay nagpapatunay sa pagkatungkulin ng pagtalima sa kanya - sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga - at pagsunod sa anumang inihatid niya gaya ng naunang mga patunay sa pagkatungkulin ng pagsunod sa Aklat ni Allāh, pagkapit dito, at pagtalima sa mga ipinag-uutos Niya at sinasaway Niya.Ang dalawang ito ay dalawang batayang magkasama. Ang sinumang nagkaila sa isa sa dalawang ito ay nagkaila nga sa isa pa at nagpasinungaling dito. Iyo ay isang kawalang-pananampalataya, pagkaligaw, at paglabas sa bakuran ng Islām ayon sa napagkaisahang pahayag ng mga may kaalaman at pananampalataya,


kabilang sa nasaad hinggil doon mula sa mga ḥadīth ayon sa Sugo ni Allāh -pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.


Lumaganap nga ang mga ḥadīth ayon sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - hinggil sa pagkatungkulin ng pagtalima sa kanya at pagsunod sa inihatid niya, at sa pagbabawal sa pagsuway sa kanya. Iyon ay sa panig ng sinumang nasa panahon niya at sa panig ng sinumang


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


14


darating matapos niya hanggang sa Araw ng Pagbangon.Kabilang doon ang napagtibay mula sa kanya sa Dalawang Ṣāḥīḥ mula sa ḥadīth ayon kay Abū Hurayrah - malugod si Allāh sa kanya - na ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay nagsabi:


Ang sinumang tumalima sa akin ay tumalima nga kay Allāh at ang sinumang sumuway sa akin ay sumaway nga kay Allāh.


Nasaad sa Ṣāḥīḥ Al-Bukhārīy, ayon sa kanya - malugod si Allāh sa kanya - ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay nagsabi:


Ang buong Kalipunan ko ay papasok sa Paraiso, maliban sa sinumang tumanggi. Sinabi: "O Sugo ni Allāh, at sino po naman ang tatanggi?" Nagsabi siya: "Ang sinumang tumalima sa akin ay papasok sa Paraiso at ang sinumang sumuway sa akin ay tumanggi nga."


Isinadokumento nina Imām Aḥmad, Imām Abū Dāwud at Imām Al-Ḥākim sa isang tumpak na kawing ng pagkasanaysay ayon kay Al-Miqdām bin Ma`diyakrib ayon sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na siya ay nagsabi:


Pakatandaan, tunay na ako ay binigyan ng Aklat at tulad nito kasama nito. Pakatandaan, halos may isang lalaking busog na nakaupo sa sopa niya na nagsasabi: Kumapit kayo sa Qur'ān na


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


15


ito at ang anumang natagpuan ninyo rito na ipinahihintulot ay ipahintulot ninyo at ang anumang natagpuan ninyo rito na ipinagbawal ay ipagbawal ninyo.


Isinadokumento nina Imām Abū Dāwud at Imām Ibnu Ma`jah sa isang tumpak na kawing ng pagkasanaysay ayon kay Abū Rāfi` ayon sa ama nito ayon sa Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na nagsabi siya:


Huwag Ko ngang masusumpungan ang isa sa inyo na nakasandal sa sopa niya, na dinadatnan siya ng utos kabilang sa utos Ko kabilang sa anumang ipinag-utos Ko o sinaway Ko, at magsasabi siya: Hindi namin nalalaman; ang anumang natagpuan Namin sa Aklat ni Allāh ay sinunod namin.


Ayon kay Al-Ḥasan bin Jābir na nagsabi: Narinig ko si Al-Miqdām bin Ma`diyakrib - malugod si Allāh sa kanya - na nagsasabi:


Nagbawal ang sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa Araw ng Khaybar ng mga bagay, pagkatapos ay nagsabi siya: "Ang isa sa inyo ay muntik nang magpasinungaling sa akin habang siya ay nakasandal, na nagsasalita hinggil sa ḥadīth ko at nagsasabi: "Sa pagitan namin at ninyo ay ang Aklat ni Allāh. Kaya ang anumang natagpuan namin dito na ipinahintulot ay ituturing naming ipinahihintulot


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


16


ito at ang anumang natagpuan namin dito na ipinagbabawal ay ipagbabawal namin ito. Pakatandaan, ang ipinagbawal ng Sugo ni Allāh ay tulad ng ipinagbawal ni Allāh."


Isinadokumento ito nina Imām Al-Ḥākim, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Ibnu Mājah sa isang tumpak na kawing ng pagkasanaysay.


Lumaganap nga ang mga ḥadīth ayon sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na siya noon ay nagtatagubilin sa mga Kasamahan niya sa talumpati niya na magpaabot ang nakasasaksi sa kanila sa nakaliban sa kanila habang nagsasabi sa kanilang kay raming nagpapaabot na higit na nakatatalos kaysa sa nakaririnig.


Kabilang doon ang nakasaad sa Dalawang Ṣāḥīḥ na ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - noong nagtalumpati siya sa mga tao sa ḥajj ng pamamaalam sa Araw ng `Arafah sa araw ng pagkatay, ay nagsabi sa kanila:


Kaya magpaabot ang nakasasaksi sa nakaliban sapagkat kay raming nagpapaabot nito na higit na nakatatalos dito kaysa sa nakarinig nito.


Kaya kung hindi dahil sa ang Sunnah niya ay isang katwiran laban sa sinumang nakarinig nito at sa sinumang nagpaabot nito, at kung hindi dahil sa ito ay mananatili hanggang sa Araw


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


17


ng Pagbangon, hindi sana Siya nag-utos sa kanila ng pagpapaabot nito. Kaya nalaman sa pamamagitan niyon na ang katwiran sa pamamagitan ng Sunnah ay mananatili sa sinumang nakarinig nito mula sa bibig ng Propeta - sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga - at sa sinumang nahatiran nito ayon sa mga tumpak na kawing ng pagkasanaysay.


Naisaulo nga ng mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ang Sunnah niyang sinasabi at ginagawa. Ipinaabot ito matapos nila ng kabilang sa mga tagasunod. Pagkatapos ay ipinaabot ito ng mga tagasunod matapos nila.Gayon inihatid ang mga ito ng mga nakaaalam na mapagkakatiwalaan sa isang salinlahi matapos ng isang salinlahi, at sa isang siglo matapos ng isang siglo.Kinalap nila ang mga ito sa mga aklat nila at ipinaliwanag nila ang tumpak sa mga ito sa mali sa mga ito.Naglagay sila para sa kaalaman niyon ng mga batas at mga panuntunang nalalaman sa kanila, na nalalaman sa pamamagitan ng mga ito ang tumpak na sunnah at mahina rito.Ipinalaganap ng mga alagad ng kaalaman ang mga aklat ng Sunnah gaya ng dalawang Ṣāḥīḥ at iba pa. Pinangalagaan nila ito nang lubos na pangangalaga gaya ng pangangalaga ni Allāh sa Mahal na Aklat Niya laban sa katunggakan ng mga tunggak, ateismo ng mga Ateista, at paglilihis ng mga tagapagpabula bilang pagsasakatuparan sa


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


18


ipinahiwatig ng sabi Niya - napakamaluwalhati Niya (Qur'ān 15:9):


Tunay na Kami ay nagpababa sa Paalaala, at tunay na Kami rito ay talagang mag-iingat.


Walang duda na ang Sunnah ng sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay pagsisiwalat na ibinabasapagkat iningatan nga ito ni Allāh gaya ng pag-iingat niya sa Aklat Niya. Nagtalaga si Allāh para rito ng mga nakaaalam na mapanuri na nagkakaila para rito sa panlilihis ng mga tagapagpabula at pagpapakahulugan ng mga mangmang, at nagtatanggol dito sa lahat ng ikinapit dito ng mga mangmang, mga palasinungaling, at mga ateistadahil si Allāh - napakamaluwalhati Niya - ay gumawa rito bilang isang pagpapaliwanag sa Marangal na Aklat Niya at bilang isang paglilinaw sa binuod dito na mga patakaran at nilaman nitong mga iba pang mga patakarang hindi tinukoy ng Mahal na Aklat gaya ng pagdedetalye ng mga patakaran sa pagpapasuso, ng ilan sa mga patakaran ng mga pagpapamana, ng pagbabawal sa pagsasama sa isang babae at tiyahin nito sa ama at ina para maging kapwa maybahay, at ng iba pa ritong mga patakaran na inihatid ng tumpak na Sunnah at hindi nabanggit sa mahal na Aklat ni Allāh.


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


19


Kabilang sa Nasaad Hinggil Doon Ayon sa mga Kasamahan, mga Tagasunod, at mga Dumating Matapos Nila Kabilang sa mga May Kaalaman


Ang pagbanggit sa ilan sa nasaad ayon sa mga Kasamahan, mga tagasunod, at mga dumating matapos nila kabilang sa mga may kaalaman hinggil sa pagdakila sa Sunnah at paggawa ayon dito.


Nasaad sa Dalawang Ṣāḥīḥ ayon kay Abū Hurayrah - malugod si Allāh sa kanya - na nagsabi:


Noong pumanaw ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at tumalikod sa Islām ang tumalikod kabilang sa mga Arabe ay nagsabi si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq - malugod si Allāh sa kanya:


Sumpa man kay Allāh, talagang kakalabanin ko ang ang sinumang magpapahiwalay sa ṣalāh at zakāh.


Kaya nagsabi sa kanya si `Umar - malugod si Allāh sa kanya:


Papaano mo silang kakalabanin gayong nagsabi nga ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan:


Napag-utusan ako na makipaglaban sa mga tao hanggang sa magsabi sila na walang Diyos kundi si Allāh. Kaya kapag nagsabi sila nito, mapangangalagaan sila laban sa akin sa mga buhay


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


20


nila at mga ari-arian nila malibang ayon sa karapatan ng mga ito.


Kaya nagsabi si Abū Bakr Aṣ-Ṣiddīq - malugod si Allāh sa kanya:


Ang zakāh ba ay hindi bahagi ng karapatan ni Allāh? Sumpa man kay Allāh, kung sakaling magkakait sila sa akin ng isang batang kambing na ibinibigay nila noon sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - talagang kakalabanin ko sila dahil sa pagkakait nito.


Nagsabi si `Umar - malugod si Allāh sa kanya:Kaya hindi ito naglaon nang napag-alaman ko na si Allāh ay nagbukas nga sa dibdib ni Abū Bakr sa pakikipaglaban kaya napag-alaman ko na siya ay ang nasa katotohanan.Sinundan nga siya ng mga Kasamahan - malugod si Allāh sa kanila - doon kaya nakipaglaban sila sa mga tumalikod sa Islām hanggang sa naibalik nila ang mga iyon sa Islām at napatay nila ang nagpumilit sa pagtalikod doon.Sa kuwentong ito ay may higit na maliwanag ng patunay sa pagdakila sa Sunnah at pagkatungkulin ng paggawa ayon dito.Dumating ang isang lola kay Aṣ-Ṣiddīq - malugod si Allāh sa kanya - na nagtatanong sa kanya hinggil sa mana nito kaya nagsabi si Abū Bakr dito:Walang ukol sa iyo sa Aklat ni Allāh na anuman, at hindi ko nalalaman na ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay humatol para sa iyo ng anuman.


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


21


Magtatanong ako sa mga tao. Pagkatapos ay nagtanong siya - malugod si Allāh sa kanya - sa mga Kasamahan at sumaksi sa kanya ang ilan sa kanila na ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay nakapagbigay sa isang lola ng ikaanim na bahagi ng mana kaya humusga siya para rito ayon doon.Si `Umar - malugod si Allāh sa kanya - ay nagtatagubilin noon sa mga gobernador niya na humusga sa pagitan ng mga tao ayon Aklat ni Allāh ngunit kung hindi sila nakatagpo ng kaso sa Aklat ni Allāh ay [humatol sila] ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.Noong humirap kay `Umar ang kahatulan sa pagkakunan ng babae, ang pagkalaglag nito ng isang patay na fetus dahil sa pangangaway ng isang tao rito, ay tinanong niya ang mga Kasamahan - malugod si Allāh sa kanila - tungkol doon. Sumaksi sa kanya sina Muḥammad bin Musallamah at Al-Mughīrah bin Shu`bah - malugod si Allāh sa kanilang dalawa - na ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay humatol kaugnay roon ng kawalang-ingat ng isang lalaking alipin o isang babaing alipin. Kaya humatol naman siya ayon doon - malugod si Allāh sa kanya.


Noong naging suliranin kay `Uthmān - malugod si Allāh sa kanya - ang patakaran ng pagsasagawa ng `iddah ng babae sa bahay nito matapos ng pagyao ng asawa nito at ipinabatid naman dito ni Farī`ah bint Mālik bin Sinān na babaing kapatid


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


22


ni Abū Sa`īd - malugod si Allāh dito - na ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay nag-utos dito matapos ng pagyao ng asawa nito na manatili ito sa bahay ng asawa hanggang sa umabot ang panahon sa taning nito, humusga naman siya - malugod si Allāh - ng gayon.


Gayon siya humusga ng ayon sa Sunnah sa pagpapatupad Al-Walīd bin `Uqbah ng takdang parusa sa pag-inom [ng alak].Noong nakarating kay `Alīy - malugod si Allāh sa kanya - na si `Uthmān - malugod si Allāh sa kanya - ay nagbawal sa ḥajj na tamattu`, nagtaas si Alīy - malugod si Allāh sa kanya - ng tinig sa talbiyah sa ḥajj at `umrah na magkasama.Nagsabi siya: Hindi ako magpapabaya sa Sunnah ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - dahil sa sabi ng isa sa mga tao.Noong nangatwiran ang ilan sa mga tao kay Ibnu `Abbas hinggil sa ḥajj na tamattu` sa pamamagitan ng sabi nina Abū Bakr at `Umar - malugod si Allāh sa kanilang dalawa - hinggil sa pagmamagaling sa ḥajj na ifrād, nagsabi si Ibnu `AbbasHalos may bumaba sa inyo na mga bato mula sa langit. Nagsasabi ako: Nagsabi ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - samantalang nagsasabi naman kayong nagsabi sina Abū Bakr at `Umar.Kaya kapag ang sumalungat sa Sunnah dahil sa sabi nina Abū Bakr at `Umar ay kinatatakutan sa kanya ang kaparusahan, papaano pa kaya sa kalagayan ng


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


23


sumalungat nito dahil sa sabi ng mababa pa sa kanilang dalawa o dahil sa payak na opinyon niya o pagsisikap niya?Noong nakipaghidwaan ang isa sa mga tao kay `Abdullāh bin `Umar - malugod si Allāh sa kanilang dalawa - hinggil sa ilan sa Sunnah ay nagsabi rito si `Abdullāh: Tayo ba ay mga inuutusan ng pagsunod kay `Umar o ng pagsunod sa Sunnah?


Noong nagsabi ang isang lalaki kay `Imrān bin Ḥuṣayn - malugod si Allāh sa kanilang dalawa: "Magsalita ka sa amin tungkol sa Aklat ni Allāh," samantalang siya ay nagsasalita sa kanila tungkol sa Sunnah, ay nagalit siya - malugod si Allāh sa kanya - at nagsabi: "Tunay na ang Sunnah ay pagpapakahulugan sa Aklat ni Allāh. Kung hindi dahil sa Sunnah ay hindi natin nalaman na ang dhuhr ay apat [na rak`ah], ang maghrib ay tatlong [rak`ah], at ang fajr ay dalawang [rak`ah], at hindi natin nalaman ang detalye ng mga patakaran sa zakāh at iba pa roon kabilang sa inihatid ng Sunnah na detalye sa mga patakaran."


Ang mga ulat buhat sa mga Kasamahan - malugod si Allāh sa kanila - hinggil sa pagdakila sa Sunnah, sa pagkatungkulin ng pagsasagawa nito, at sa pagbibigay-babala laban sa pagsalungat nito ay lubhang marami.Kabilang din doon na si `Abdullāh bin `Umar - malugod si Allāh sa kanilang dalawa - noong nagsalita siya ng sabi ng Propeta - pagpalain siya ni Allāh


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


24


at pangalagaan:Huwag ninyong pipigilin ang mga babaing alipin ni Allāh sa mga masjid ni Allāh.Nagsabi ang isa sa mga anak nito: "Sumpa man kay Allāh, talagang pipigilin namin sila." Kaya nagalit sa kanya si `Abdullāh at nilait niya ito ng isang matinding panlalait at nagsabi: "Nagsasabi ako: Sinabi ng Sugo ni Allāh, samantalang nagsasabi ka naman: Sumpa man kay Allāh, talagang pipigilin namin sila."Noong nakita ni `Abdullāh bin Al-Mughaffal Al-Muznīy - malugod si Allāh sa kanya - at siya ay kabilang sa mga Kasamahan ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ang isa sa mga kamag-anak niya habang namumukol ito ay sinaway niya ito laban doon.Nagsabi siya rito: "Tunay na ang Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan -ay sumaway sa pamumukol at nagsabi: Tunay na ito ay hindi nakahuhuli ng hayop at hindi pumipili ng kaaway subalit ito ay nakababasag ng ngipin at nakatutuklap ng mata."Pagkatapos ay nakita niya ito matapos niyon na namumukol kaya nagsabi siya: "Sumpa man kay Allāh, hindi ako magsasalita sa iyo kailanman; ipinababatid ko sa iyo na ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay sumaway sa pamumukol, pagkatapos ay nanumbalik ka?"


Isinadokumento ni Imām Al-Bayhaqīy ayon kay Ayyūb As-Sukhtiyanīy, ang kapita-pitagang Tab`īy, na siya ay nagsabi:


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


25


Kapag nagsalita ako sa isang lalaki hinggil sa Sunnah at nagsabi ito: "Hayaan mo na kami dito at magbalita ka sa amin tungkol sa Qur'ān," alamin mong tunay na siya ay naliligaw.


Nagsabi si Al-Awzā`īy - kaawaan siya ni Allāh - ang Sunnah ay humuhusga sa Aklat ni Allāh o paglilimita sa pinalawak nito nito o may mga patakarang hindi binabanggit sa Aklat gaya ng sabi ni Allāh - napakamaluwalhati Niya (Qur'ān 16:44):


Ibinaba Namin sa iyo ang [Qur’ān na] paalaala upang linawin mo sa mga tao ang pinababa sa kanila at nang sa gayon sila ay mag-iisip-isip.


Nauna na ang sabi niya - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan:


Pakatandaan, tunay na ako ay binigyan ng Aklat at katulad nito kasama nito


Isinadokumento ni Al-Bayhaqīy ayon kay`Āmir Al-Sha`bīy - kaawaan siya ni Allāh - na siya ay nagsabi sa ilan sa mga tao:Nasawi lamang kayo sa sandaling iniwan ninyo ang mga ulat [ng mga Kasamahan].Tinutukoy niya roon ang mga ḥadīth na tumpak.Isinadokumento ni Al-Bayhaqīy rin ayon kay Al-Awzā`īy - kaawaan siya ni Allāh - na siya ay nagsabi sa ilan sa mga kasamahan niya: "Kapag may dumating sa iyo buhat sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na isang


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


26


ḥadīth ay kaingat kang magsabi ng iba pa roon sapagkat tunay na ang Sugo ni Allāh ay nagpapaabot buhat kay Allāh - pagkataas-taas Niya."


Isinadokumento ni Al-Bayhaqīy rin ayon kay Al-Awzā`īy - kaawaan siya ni Allāh - na siya ay nagsabi sa ilan sa mga kasamahan niya: "Kapag may dumating sa iyo buhat sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na isang ḥadīth ay kaingat kang magsabi ng iba pa roon sapagkat tunay na ang Sugo ni Allāh ay nagpapaabot buhat kay Allāh - pagkataas-taas Niya."


Isinadokumento ni Imām Al-Bayhaqīy ayon sa Kapita-pitagang Imām Sufyān bin Sa`īd Ath-Thawrīy - kaawaan siya ni Allāh - siya ay nagsabi: "Ang kaalaman sa kabuuan nito ay ang kaalaman sa mga ulat lamang."


Nagsabi si Imām Mālik - kaawaan siya ni Allāh: "Walang kabilang sa atin malibang isang tumatanggi at isang tinatanggihan maliban sa may-ari ng puntod na ito," at itinuro niya ang puntod ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan.


Nagsabi si Imām Abū Ḥanīfah - kaawaan siya ni Allāh:


Kapag dumating ang ḥadīth buhat sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ay malugod at magalak.


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


27


Nagsabi si Imām Abū Ash-Shāfi`īy - kaawaan siya ni Allāh:


Kapag may isinaysay buhat sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na isang tumpak na ḥadīth at hindi ko tinanggap iyon, sumasaksi ako sa inyo na ang isip ko ay nawala na.


Nagsabi pa rin siya - kaawaan siya ni Allāh:


Kapag nagsabi ako ng isang sabi at dumating ang ḥadīth buhat sa Sugo ni Allāh -pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - ayon sa kasalungatan nito, ihambalos ninyo ang sabi ko sa pader.


Nagsabi si Imām Aḥmad bin Ḥanbal - kaawaan siya ni Allāh - sa isa mga kasamahan niya:


Huwag mo akong gayahin at huwag mong gayahin si Mālik ni si Ash-Shāfi`īy ngunit kumuha ka mula sa kung saan kami kumuha.


Nagsabi pa rin siya - kaawaan siya ni Allāh:


Nagtaka ako sa mga taong nalaman ang kawing ng pagkasanaysay at ang katumpakan nito buhat sa Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na pumupunta pa kay Sufyān gayong si Allāh - napakamaluwalhati Niya - ay nagsasabi (Qur'ān 24:63):


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


28


Kaya mag-ingat ang mga sumasalungat sa utos niya na baka dapuan sila ng isang fitnah dapuan sila ng isang pagdurusang masakit.


Nagsabi siya: "Nalalaman mo ba ang fitnah?"


Ang fitnah ay ang shirk. Marahil, kapag tinanggihan nito ang ilan sa sabi niya - sumakanya ang pagpapala at ang pangangalaga - ay may magaganap sa puso niya na isang kaunting paglihis kaya mapapahamak siya.


Isinadokumento ni Imām Al-Bayhaqīy ayon kay Mujāhid bin Jabr, ang kapita-pitagang Tābi`īy na ito ay nagsabi hinggil sa sabi Niya - napakamaluwalhati Niya (Qur'ān 4:59):


Kaya kung naghidwaan kayo sa isang bagay ay isangguni ninyo ito kay Allāh at sa Sugo


Nagsabi siya: "Ang pagsangguni kay Allāh ay sa Aklat Niya at ang pagsangguni sa Sugo ay ang pagsangguni sa Sunnah."


Isinadokumento ni Imām Al-Bayhaqīy ayon kay Az-Zuhrīy - kaawaan siya ni Allāh - na siya ay nagsabi:


Ang sinumang yumao sa mga maalam natin ay nagsasabing ang pangungunyapit sa Sunnah ay kaligtasan.


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


29


Nagsabi si Muwaffaquddīn bin Qudāmah - kaawaan siya ni Allāh - sa aklat niya na Rawḍah An-Nādhir hinggil sa paglilinaw sa mga patakaran ang tekstong sumusunod:


Ang ikalawang batayan sa mga patunay: Ang Sunnah ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at ang sabi ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya at pangalagaan - ay isang katwiran para sa pagpapatunay sa himala sa katapatan niya. Nag-utos si Allāh ng pagtalima rito at pagbabala laban sa pagsalungat sa kautusan nito.


Nagwakas ang pagsisipi.


Nagsabi si Ḥāfidh Ibnu Kathīr - kaawaan siya ni Allāh - sa pagpapakahulugan ng sabi Niya - pagkataas-taas Niya (Qur'ān 24:63):


Kaya mag-ingat ang mga sumasalungat sa utos niya na baka dapuan sila ng isang fitnah o dapuan sila ng isang pagdurusang masakit.


Ibig sabihin: sa utos ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan. Ito ay landas niya, metodolohiya niya, paraan niya, kalakaran niya, at batas niya. Kaya tinitimbang ang mga pananalita at ang mga gawa ayon sa mga pananalita niya at mga gawa niya at ang anumang sumang-ayon doon ay


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


30


tatanggapin at ang anumang sumalungat doon, iyon ay ibabalik sa nagsasabi niyon at gumagawa niyon, maging sino man siya.


Gaya ng napagtibay mula sa Dalawang Ṣāḥīḥ at iba pa ayon sa Sugo ni Allāh -pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - na siya ay nagsabi:


Ang sinumang gumawa ng isang gawaing hindi ayon dito ang utos Namin, ito ay tatanggihan.


Ibig sabihin; Kaya matakot at mag-ingat ang sinumang sumalungat sa Batas ng Sugo ni Allāh nang palihim at hayagan:


na baka dapuan sila ng isang fitnah.


Ibig sabihin: sa mga puso niya gaya ng kawalang-pananampalataya o pagpapaimbabaw o bid`ah.


o dapuan sila ng isang pagdurusang masakit.


Ibig sabihin: sa mundo sa pamamagitan ng pagkapatay o takdang kaparusahan o pagkakulong o tulad nito.


Gaya ng isinaysay ni Imām Aḥmad: Isinalaysay sa amin ni `Abdurrazzāq, isinalaysay sa amin ni Mu`ammar ayon kay Hammām bin Munabbih, na nagsabi:


Ito ang isinalaysay sa amin ni Abū Hurayrah, na nagsabi:


Nagsabi ang Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan:


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


31


Ang paghahalintulad sa akin at ang paghahalintulad sa inyo ay kahalintulad ng isang lalaking nagparikit ng apoy. Noong lumiwanag ang nasa paligid niya ay nagsimula ang mga gamugamo at ang mga kulisap na ito na bumabagsak sa apoy na bumagsak dito. Nagsimula naman siyang pigilan sila ngunit napananaigan nila siya at lumulusot sila rito. Nagsabi siya: Kaya iyon ay paghahalintulad sa akin at paghahalintulad sa inyo. Ako ay nagsisimulang pumigil sa inyo sa apoy: Halikayo palayo sa apoy, ngunit napanaigan ninyo ako at lumusot kayo roon.


Isinadokumento ito nilang dalawa mula sa ḥadīth ni `Abdurrazzāq.


Sinabi ni As-Suyūṭīy - kaawaan siya ni Allāh - sa pasugo niyang pinamagatang: Ang Susi ng Paraiso hinggil paggamit sa Sunnah bilang katwiran ang tekstong sumusunod:


Alamin ninyo - kaawaan kayo ni Allāh - na ang sinumang nagkaila sa pagiging katwiran ang ḥadīth ng Propeta - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - sa salita man o sa gawa batay sa kundisyon nitong nalalaman ay tumangging sumampalataya, lumabas sa bakuran ng Islām, at titipunin kasama ng mga Hudyo at mga Kristiyano, o kasama ng sinumang niloob ni Allāh kabilang sa mga sekta ng mga tumatangging sumampalataya.


Nagwakas ang pagsisipi.


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


32


Ang mga ulat mula sa mga Kasamahan [ng Propeta], mga Tagasunod [nila], at kabilang sa mga dumating matapos nila kabilang sa mga may kaalaman hinggil sa pagdakila sa Sunnah, pagkatungkulin ng pagsagawa nito, at pagbabala laban sa pagsalungat dito ay lubhang marami.


Umaasa akong sa nabanggit naming mga talata [ng Qur'ān], mga ḥadīth, at mga ulat [mula sa mga Kasamahan ng Propeta] ay may kasapatan at kapani-paniwala sa naghahanap ng katotohanan.


Hinihiling natin kay Allāh para sa atin at para sa lahat ng mga Muslim ang pagtutuon sa ikinalulugod Niya at ang kaligtasan sa mga kadahilanan ng galit Niya,at na napatnubayan Niya tayong lahat sa landasin Niyang tuwid. Tunay na Siya ay Madinigin, Malapit.


at na napatnubayan Niya tayong lahat sa landasin Niyang tuwid. Tunay na Siya ay Madinigin, Malapit.


Pagpalain ni Allāh at pangalagaan ang Lingkod Niya, Sugo Niya, ang Propeta nating si Muḥammad sampu ng mag-anak niya, mga Kasamahan niya, at mga tagasunod niya ayon sa pagpapakahusay.


`Abdul`azīz bin `Abdullāh bin Bāz


Kaawaan siya ni Allāh.


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


33


Ang Pagkatungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh - pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan - at ang Kawalang-pananampalataya ng Sinumang Nagkaila nito. ...... 1


Ang Panimula ....................................................................... 3


Ang mga batayang isinasaalang-alang sa pagpapatibay sa mga panuntunan: ................................................................ 4


Ang Pagka tungkulin ng Paggawa Ayon sa Sunnah ng Sugo ni Allāh


34



 



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG