Mga Artikulo

Ang himala ay ang nagpapatunay sa pag-aangking isang propeta ni Allah. May ilang bilang ng mga himala ang itinanghal ni Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at pagpapala ni Allah ay sumakanya, upang itatag ang patunay ng kanyang pagiging propeta.





Ang Propeta ng Islam ay nagsabi,





"Bawat propeta ay pinagkalooban ng 'mga palatandaan' na sa dahilang ito ang mga tao ay naniwala sa kanya. Katiyakan, pinagkalooban ako ng Banal na Kapahayagang pinukaw ni Allah sa akin. Kaya, umaasa akong magkaroon ng pinakamaraming tagasunod sa  lahat ng mga propeta sa Araw ng Pagkabuhay Muli." [1]





Ang Himala ng Qur'an


Sa madaling sabi, ang himala ng Qur'an ay nasa mga sumusunod na aspeto:





A.  Himala ng Wika





B.  Himala ng Panghinaharap na mga Propesiya





C.  Himala ng Panloob na Kapanatilihan





A.  Himala ng Wika


Ang kataas-taasang wika ng Quran ay hindi maaaring maging lubos na maipahahayag o mauunawaan sa ibang wika dahil ang Ingles ay kulang  ng mga parallels (pagkapantay ng salita) at ng kadalisayan o sopistikasyon  ng klasikal na Arabe. Katiyakan na sa ganitong kadahilanan na ang salin ng  Qur'an ay hindi ang Qur'an mismo. Ang isang pagsasalin ay inihahatid ang kahulugan sa ilang bahagi, subalit hindi kailanman maaaring matularan ang lingguwistikang pangingibabaw ng orihinal na Qur'an. Kaya naman, tayo ay mapipilitang limitahan ang ating talakayan sa ilang mga aspeto lamang.





·       Di-mapapantayang mga salita at kahulugan





Ang lahat ng balarilang Arabe, hurisprudensya, karunungan, at pilolohiya ay batay sa Qur'an. Halimbawa, ang mga manunula pagkatapos ng Islam ay hihiram ng mga salita sa Qur'an upang gawing malakas  ang kanilang mga akda sapagkat ang Qur'an ay itinuturing na hindi madadaig sa retorika. Ang lalim, karunungan, at kagandahan ng nilalaman nito ay hindi matutumbasan. Ang kaibahan ay makikita ng sinumang maghahambing ng nilalaman ng bibliya  at iba pang mga tekstong pangrelihiyon   sa teksto ng Qur'an.





·       Di-mapapantayang estilo (aslub)





Ang Qur'an ay hindi sumusunod sa mga alituntunin ng mala-tulang mga tugmaan ng mga sinaunang Arabo, subalit ang ligayang nalilikha nito ay mas matamis kaysa sa mga tula. Ang lihim ay namamalagi sa pagkakaisang nalilikha ng pagkaka-ayos ng mga salita.  





Kapag ang mga pangkaraniwang tao ay inuulit ang isang bagay, nawawalan ito ng lakas at epekto. Sa kabilang dako, ang Qur'anikong pag-uulit ay magkasing-lakas at magkasing-kahulugan na hindi nawawala ang pagiging kaaya-aya  nito.





B.  Himala ng Panghinaharap na mga Propesiya


Ang Qur'an ay gumawa ng maraming propesiyang nagkatotoo. Lilimitahan natin ang ating mga sarili sa tatlo sa talakayang ito.





Ang unang dalawang propesiya ay kapansin-pansin: hindi katulad ng anumang ibang banal na kasulatan sa mundo, ang Qur'an ay nagpropesiya ng sarili nitong pagpapanatili sa ilalim ng banal na pangangalaga.





·       Pangangalaga ng Qur'an mula sa katiwalian





Ang Qur'an ay gumagawa ng isang pag-aangking walang iba pang mga relihiyosong teksto ang nakagawa: Si Allah ay nagsabi,





“Katiyakan, Kami ang Siyang nagbaba ng Qur'an at katiyakan, pangangalagaan Namin ito [mula sa katiwalian]." (Qur'an 15:9)





·       Kagaanan sa Pagsasaulo ng Qur'an





Si Allah ay ginawa ang Qur'an na madaling masaulo,





“At sa katotohanan ginawa Namin ang Qur'an na madaling matandaan; sino, magkagayun, ang nagnanais na taglayin ito sa puso?" (Qur'an 54;17)





Ang kagaanan  kung saan ang Qur'an ay naisasaulo ay walang kapantay. Walang ni isang banal na kasulatan o tekstong pangrelihiyon sa mundo na madaling masaulo; kahit na ang mga di-Arabo ay madaling naipapasok ito sa memorya.





Hindi lamang ang mga salita ng Qur'an ang napanatili, subalit  ang mga orihinal na tunog ng mga salita nito ay napanatili din. Walang iba pang mga tekstong pangrelehiyon ang napanatili sa katulad na paraan - isang pag-angking sinumang naghahangad na mambabasa ay maaaring mapatunayan sa kanilang mga sarili. Sa gayon, ang Qur'an ay nananatiling walang kapantay sa paraan ng pangangalaga sa paglipas ng mga siglo bilang ipinropesiya at ipinangako ni Allah mismo.





·       Dalawang Propesiya





Bago ang paglitaw ng Islam, ang mga Romano at ang mga Persiyano ay ang dalawang nagtatagisang mga makapangyarihan. Ang Roma ay pinamumunuan ni Heraclius (610-641 CE), isang Kristiyanong Emperador, samantalang ang mga Persiyano ay mga Zoroastrianong pinamumunuan ni Khosrow Parviz (nagharing 590-628 CE), na sa ilalim niya ang imperyo ay nakamit ang lubos na pagpapalawak.  





Noong 614, ang mga Persiyano ay sinakop ang Sirya at Palestina, kinuha ang Herusalem at pinaniniwalaang Krus ni Kristo, at noong 619 ay sinakop ang Ehipto at Libya. Sa pagsisikap na paamuhin ang mga Abaro, si Heraclius ay hinarap ang mga ito sa Thracian Heraclea (617 o 619). Hinangad nila na hulihin siya, at siya ay lumulan na galit  pabalik sa Konstantinopla, na masidhing  tinugis. [2]





Ang mga Muslim ay nalungkot sa pagkatalo ng Roma dahil dama nila ang higit na espirituwal na pagkamalapit sa Kristiyanong Roma kaysa sa Zoroastrianong Persiya, subalit ang mga taga Makkah ay karaniwang ikinagalak ang tagumpay ng paganong Persiya. Sa mga taga-Makkah, ang pagkapahiya ng Romano ay isang masamang pangitain ng pagkatalo ng mga Muslim sa mga kamay ng pagano. Sa panahong yaon ang propesiya ni Allah ay hinarap ang mga matatapat,





"Ang mga Romano ay natalo - sa kalapit na lupain; subalit sila (kahit) pagkatapos (nitong) ng pagkatalo nila, ay nalalapit nang maging matagumpay-sa loob ng sampung taon. Kay Allah ay ang Pagpapasya, sa nakaraan at sa hinaharap. At sa araw na yaon ang mga mananampalataya ay magagalak sa tulong ni Allah. Siya ay tumutulong sa sinumang naisin Niya, Siya ang Makapangyarihan, ang Pinaka-Maawain.' (Qur'an 30:2-4)





Ang Qur'an ay gumawa ng propesiya ng dalawang pagtatagumpay:





(i) Pagtatagumpay ng Roma sa hinaharap sa loob ng sampung taon sa mga Persiyano, bagay na hindi lubos maisip sa panahong yaon.





(ii) Ang kagalakan ng mga matatapat sa kanilang sariling pagtatagumpay sa mga pagano.





At nangyari nga.





Sa salita ng isang Indiyanong iskolar,,





      ‘…isang linya ng propesiya ay may kaugnayan sa apat na mga bansa at ang kapalaran ng dalawang malalaking mga imperyo. Lahat ng mga ito ay pagpapatunay sa Banal na Qur'an sa pagiging Aklat ni Allah.'





C.  Himala ng Panloob na Kapanatilihan


Si Allah ay nagtatanghal ng panloob na kapanatilihan ng Qur'an bilang katunayan ng banal na pinagmulan nito,





“Magkagayun hindi ba nila pinagtutuunan ang Qur'an? Kung ito ay mula [kanino man] maliban kay Allah, matatagpuan nila sa loob nito ang maraming pagkakasalungatan." (Qur'an 4:82)





Ang isang taong pamilyar sa mga panloob na pagkakaiba-iba sa Bibliya, halimbawa, ay maaaring mapahalagahan ang buong isinusulong ng argumentong ito. Hindi tulad ng iba pang mga tekstong pangrelihiyon, ang mga turo ng Qur'an tungol kay Allah, pagka-propeta, Moises, Hesus, kasamaan, Satanas, at kabilang buhay ay nagkakaisa at may panloob na kapanatilihan.





Mga Layunin





·       Upang matutunan ang tungkol sa 8 iba't ibang uring napatunayang mga himala ng Propeta Muhammad.





Bukod sa pinakadakilang himalang ipinagkaloob sa kanya, ang Qur'an, ang Propeta Muhammad, nawa'y ang awa at mga pagpapala ni Allah ay sumakanya, ay nagtanghal ng maraming pisikal na himala na nasaksihan ng kanyang mga nakasabayan na  umaabot  sa daan-daan, at  libbu-libo sa ilang mga kaso.





Sa bahaging ito ay tatalakayin natin ang ilan sa mga pisikal na himalang itinanghal ng Propeta Muhammad.





Paghahati ng Buwan


Miracles-of-Prophet-Muhammad-Part-2.jpgIsa sa mga panahong si Allah ay nagtanghal ng mga himala sa kamay ng Propeta ay nang ang mga taga Makkah ay humiling na makakita ng isang himala mula sa Propeta Muhammad upang ipakita ang kanyang pagkatotoo. Si Allah ay hinati ang buwan sa dalawang hiwalay na mga bahagi at pagkatapos ay muli itong pinagsama. Itinala ng Qur'an ang kaganapan:





 "Ang Huling Oras ay malapit na, at ang buwan ay nahati sa dalawang bahagi! At kung nakakakita sila ng isang himala, tumatalikod sila palayo at nagsasabi, "nagdaang  salamangka." At tinanggihan nila at sinunod ang kanilang mga hilig. Subalit para sa bawat bagay o gawain ay may karampatan na katapat." (Qur'an 54:1-3)





Paglalakbay sa Gabi at Pag-akyat sa Langit


Ilang buwan bago ang paglipat mula sa Makkah patungong Madina, dinala ni Allah ang Propeta Muhammad isang gabi mula sa Dakilang Moske sa Makkah hanggang sa Moske al-Aqsa sa Herusalem, ilang buwang paglalakbay ng 1230 km para sa isang karaban. Mula sa Herusalem, umakyat siya sa kalangitan, na dumaraan sa mga hangganan ng pisikal na sansinukob upang makarating sa harapan ng banal,  makaharap si Allah, at saksihan ang mga Dakilang Tanda (al-Ayat ul-Kubra). Ang Kanyang katotohanan ay naging maliwanag sa dalawang paraan.





Una, ang Propeta ay inilarawan ang mga karaban na kanyang nalampasan pabalik ng bahay at sinabi kung saan sila at tungkol sa kung kailan sila inaasahang makararating sa Makkah; at ang bawat isa ay dumating gaya ng pagkakahula, at ang mga detalye ay tulad ng inilarawan niya.





Ikalawa, hindi siya kailanman nakikilalang nakarating na sa Herusalem, gayunpaman inilarawan niya ang Moske al-Aqsa sa mga nag-aalinlangang katulad ng isang saksi.





Ang paglalakbay ay binanggit sa Qur'an:





"Kataas-taasan sa Kanya na nagdala sa Kanyang Lingkod [ang Propeta Muhammad] sa gabi mula sa Moske al-Haram patungo sa Moske al-Aqsa, na yaong mga kapaligiran ay pinagpala Namin, upang ipakita sa kanya ang Aming mga tanda. Katiyakan, Siya ang Nakaririnig, ang Nakakakita."(Quran 17:1)





"Kaya makikipagtalo ka ba sa kanya sa kung anong nakita niya? At siya ay katiyakang nakita siya sa isa pang pagpanaog  sa Puno ng Lote sa  Pinakadulong Hangganan - malapit dito ang Hardin ng Kanlungan (Paraiso) - kapag natakpan na ang Puno ng Lote ng anumang nakatatakip  (nito). Ang paningin (ng Propeta) ay hindi lumihis, ni lumabag man (sa limitasyon nito). Siya ay katiyakang nakita ang pinakadakilang palatandaan ng kanyang Panginoon." (Quran 53:12-18)





Ang Puno ng Kahoy


Sa Madinah, si Propeta Muhammad ay naghahatid ng mga sermong nakahilig sa isang tuod ng puno. Nang ang bilang ng mga mananamba ay nadagdagan, isang tao ang nagmungkahing isang pulpito ang itayo upang magamit niya itong maihatid ang sermon. Nang itinayo ang pulpito, nilisan niya ang punung kahoy. Si Abdullah ibn Umar, isa sa mga kasamahan, ay nagbigay ng saksing testimonya sa kung ano ang nangyari. Ang punung kahoy  ay narinig na tumatangis, ang Propeta ng awa ay nagpunta patungo dito at inalo ito ng kanyang kamay.[1]





Ang Pagdaloy ng Tubig


Sa higit na isang pagkakataon kapag ang mga tao ay nasa matinding pangangailangan ng tubig, ang pagpapala ng Propeta ay inililigtas sila. Sa ika-anim na taon matapos siyang lumipat mula sa Makkah patungo sa Madinah, ang Propeta ay tumungo sa Makkah para sa pilgrimahe. Sa mahabang paglalakbay sa disyerto, ang mga tao ay naubusan lahat ng tubig, tanging ang Propeta ang natirahan ng isang sisidlan na kanyang ginagamit para sa paghuhugas para sa pagdarasal. Inilagay niya ang kanyang kamay sa sisidlan, ang tubig ay nagsimulang dumaloy mula sa pagitan ng kanyang mga daliri. Si Jabir ibn Abdullah, na nakasaksi ng himala, ay nagsabing sa labinlimang daang kalalakihan, 'Kami ay uminom at naghugas dito.'[2]





Pagpapala ng  Pagkain


Sa higit na isang pagkakataon, ang Propeta ay pinagpapala ang pagkain alinman sa pamamagitan ng pagdarasal o paghawak nito upang ang lahat ng naroroon ay makakain at mabusog. Ito ay nangyari sa mga panahong kapag ang kakulangan sa pagkain at inumin ay nagpapahirap sa mga Muslim (Bukhari). Ang mga himalang ito ay naganap sa harapan ng isang malaking bilang ng mga tao, kung sa  gayon, hindi maaaring itanggi.





Pagpapagaling sa may Karamdaman


Si Abdullah ibn Ateek ay nabali ang kanyang binti at ang Propeta Muhammad ay pinagaling ito sa pamamagitan ng pagpahid ng kanyang kamay sa ibabaw nito. Sinabi ni Abdullah na parang walang nangyari dito! Ang taong nakasaksi sa himala ay isa pang kasamahang, si Bara 'ibn Azib. [3]





Sa panahon ng pandarayuhan ng Khyber, ang Propeta Muhammad ay pinagaling ang masakit na mga mata ni Ali ibn Abi Talib sa harap ng isang buong hukbo. Si Ali, pagkatapos ng maraming taon, ay naging ikaapat na Kalipa (pinuno) ng mga Muslim (Bukhari, Muslim).





Pagpapalayas ng mga Diyablo


Ang Propeta Muhammad ay pinalayas ang diyablo palabas sa isang batang lalaking dinala ng kanyang ina para mapagaling ito sa pagsasabing, 'Lumabas ka! Ako si Muhammad, ang Sugo ni Allah!' Ang babae ay nagsabi, 'Sa pamamagitan Niya na  nagpadala sa iyo ng katotohanan, hindi na kami nakakita ng anumang nakitang kakaiba sa kanya(bata) simula noon.' 





Mga Pagdarasal na Tinugon


(1)  Ang ina ni Abu Hurayrah, isang malapit na kasamahan ng Propeta Muhammad, ay nagsasalita ng masasama sa Islam at sa Propeta nito. Isang araw, si Abu Hurayrah ay dumating na tumatangis sa Propeta Muhammad at hiniling sa kanyang manalangin para sa kanyang ina upang maligtas. Ang Propeta Muhammad ay nagdasal at nang nagbalik si Abu Hurayrah sa bahay, naabutan niya ang kanyang inang nakahanda nang tanggapin ang Islam. Sinambit niya ang Patotoo ng Pananampalataya sa harap ng kanyang anak at pumasok sa Islam (Muslim).





(2)  Si Jarir ibn Abdullah ay inatasan ng Propeta upang alisin sa isang lupain  ang  isang anito (idol) na sinasamba bukod pa kay Allah, subalit dumaing siyang hindi siya maaaring makasakay sa kabayo ng maayos! Ang Propeta ay nagdasal para sa kanya, 'O Allah, gawin siyang malakas na kabalyero at gawin siyang isang gumagabay at ginabayan.' Si Jarir ay nagpatotoong hindi na siya nahulog sa kanyang kabayo matapos magdasal ang Propeta para sa kanya.[4]



Kamakailang Mga Post

Isang mensahe mula sa ...

Isang mensahe mula sa isang Muslim na mangangaral sa isang Kristiyanong

BIYAYA NG PAG-AAYUNO ...

BIYAYA NG PAG-AAYUNO NG ANIM NA ARAW NG SHAWAL

KINIKILALA NG MGA KRI ...

KINIKILALA NG MGA KRISTIYANONG ISKOLAR ANG MGA PAGKAKASALUNGAT SA BIBLIYA