
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam V
Subali't nabigo silang gawin ito. Ang hamon ay binawa-san
sa sampung kabanata katulad ng malinaw na ipina-hayag sa
talata 11: 13, na nagsasaad :
"O sinasabi ha nila: 'Hinuwad niya ito (Qur'an).' Sabihin:
'Magdaia magkagayon ng sampung hinuwad na Surah
(kabanata) na katulad nito (Qur'an), at tawagin kahit
sinuman ang inyong nais maliban sa Allah, kung nagsasabi
nga kayo ng totoo!'"
Nguni't nabigo pa rin silang gawin ito. Sa bandang huli'y
binawasan pa ito sa iisang kabanata. Ipinababatid sa atin ng
talata 2:23-24:
"At kung kayo (mga paganong Arabo, Hudyo at Kristiyano)
ay nag-aalinlangan tungkol sa Arning ipinahayag ( ang
Qur'an) sa Arning alipin (na si Muhammad), kung gayo'y
gumawa kayo ng isang Surah (kabanata) na katulad nito at
tawagin ninyo ang inyong mga saksi maliban sa Allah kung
kayo ay nagsasabi ng totoo. Subali't kung hindi ninyo ito
magagawa at kailanma 'y hindi ninyo ito magagawa; inyong
katakutan ang Apoy (lmpiyerno) na ang panggatong nito ay
mga tao at mga bato, na siyang inihanda sa mga hindi
sumasampalataya."
Ang talata 10:38 ay nagsasabi: "O sinasabi ba nila: 'Siya
(Muhammad) ay hinuwad lamang niya ito (Ang Qur'an)?'
Sabihin: 'Magkagayo'y magdala ng isang Surah (kabanata)
na katulad nito at tawagin ninyo kung sinuman ang inyong
kayang tawagin bukod sa Allah, kung kayo ay nagsasabi ng
totoo!'"
w Y Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
Nabigo pa rin silang gawin ito. Pinatotohanan lamang nito na
ang mga kaaway ng Islam, bagama' t mga batikang
mananalumpati, mga mahuhusay magsalita at napakahusay sa
Arabik, ay nabigong kumatha ng isa man lamang kabanatang
katulad ng nasa Qur' an. Kung sakaling nagkaroon lamang
sila ng kakayahan na tapatan ang paghamon na ito, hindi na
sana nasayang ang marami nilang oras na ginugol at pagod sa
pagtatangkang wakasan ang Islam nang sapilitan. Di~tulad ng
Bibliya, ang Qur' an ay malaya sa lahat ng uri ng kamalian,
pagkakaiba-iba, pagsasalungatan o paglaban sa katwiran at agham.
Mababasa natin sa Qur'an, talata 4:82: Magkagayon ba'y
hindi nila binibigyan ng masusing pagsaalang-alang ang
Qur'an? Kung ito'y nagmula sa iba bukod sa Allah,
katiyakang natagpuan na nila rito ang napakaraming
pagkakasalungatan.
Ang Qur' an, na ipinahayag 14 na dantaon na ang nakalilipas,
ay nagsasaad ng mga katotohanang kamakailan
lamang natuklasan o napatunayan ng mga siyentipiko sa
tulong ng mga moderno o makabagong kasangkapan at
mauunlad na siyentipikong pananaliksik. Halimbawa, ang
Allah ay malinaw na nagpahayag ng mga yugtu-yugto ng
pagbuo o paglaki ng punla o bilig (embryo) ng tao sa
sinapupunan:
"At katotohanan, nilikha Namin ang tao (Adam) mula sa
isang luwad (alabok at tubig). Pagkaraan nito'y ginawa
Namin siya (mga lahi ni Adam) bilang isang Nutfah
(magkahalong semilya ng lalake at babae) sa isang ligtas na
lagakan (sinapupunan ng ina). Pagkaraa'y ginawa Namin
ang Nutfah sa isang namumuong dugo, pagkaraa'y ginawa
Q
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam 'v
Namin ang namumuong dugo sa isang pirasong Zaman, at
ginawa Namin muZa sa isang pirasong Laman ang mga buto,
pagkaraa'y binihisan Namin ang mga buto ng Zaman, at
pagkatapos pinangyari Naming iluwaZ ito bilang ibang
nilikha. Kaya, kaluwaZhatian sa Allah, ang Mahusay sa
Paglikha." (Q 23:12-14)
Ang Qur'an ay tumutukoy din sa paglikha ng sanlibutan.
Ang talata 21:30 ay nagsasaad: "Hindi ba batid ng mga disumasampaZataya
na magkasamang magkadugtong ang mga
kalangitan at ang mundo bilang isang magkaisang bahagi,
pagkaraa'y pinaghiwaZay Namin ang mga ito? At ginawa
Namin ang lahat ng nabubuhay na bagay mula sa tubig.
Sumakatwid ba'y hindi sila maniniwala?"
Ang paksa ng talatang ito ay siyang paksa ng Nobel Prize ng
1973. Ang makabagong agham ay nagpatunay ding 80% ng
cytoplasm ng buhay na selula ay tubig. Para makarating ang
gayong ganap na kaalaman sa Sugo ng Allah na si Propeta
Muhammad ( $ ), isang taong hindi nakapag-aral na hindi
marunong bumasa't sumulat, 18 sa mahigit na 14 na dantaon
ang nakalilipas, ito ay isang malinaw na patibay na ang
Qur' an ay Salita ng Allah, at si Muhammad ( $) ay Kanyang
Sugo.
18Sa Qur'an, talata 29:48, sinasabi ng Diyos, "Hindi ka (0 Muhammad)
nakabasa ng anumang aklat bago ito (ang Qur'an), ni hindi ka nakasulat
ng anumang uri ng aklat sa iyong kanang kamay. Katotohanan, (kung
marunong kang bumasa at sumulat bago ipinahayag ang Qu'ran sa iyo),
ang mga tagasunod ng kasinungalinangan ay maaaring mag-alinlangan,
at kanilang sasabihin: 'Napag-aralan niya ito mula sa mga naunang aklat
o di kaya 'y kinopya niya ito mula roon. '"
Q
'v Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
V. Ang Buhay at Misyon ni Hesus
Sadyang kaunti ang kaalaman tungkol sa mga unang taon ng
buhay ni Hesus. Si Birheng Maria ay nagsilang sa kanya sa
Palestine. Labat ng mga Muslim ay pinanini-walaan at
iginagalang si Hesus dahil sa mga pagbanggit sa kanya sa
Qur'an at sa mga Hadith (Propetikong salaysay) bilang isa sa
mga pinakadakilang Propeta ng Allah.
Ang buod ng kanyang mga turo ay batay sa paniniwala sa
Natatanging Diyos at ang pag-iwas sa pagsamba kaninuman
bukod pa sa Kanya. Nangaral din siya ng pag-ibig at
kapayapaan. Nagsagawa siya ng maraming himala nang dikailanman
iniugnay ang mga iyon sa kanyang sarili, kundi
ipinamumulat lagi niya na ang mga iyon ay sa kalooban ng
Diyos.19
Sa Juan 5:30, si Hesus ay binanggit na nagsabing: "Hindi ako
makagagawa ng anuman mula sa aking sarili ... " Ang Lucas
11 :20 ay nagsasaad: "Subalit, kung sa pamama-gitan ng
daliri ng Diyos, ay nagpapalayas ako ng mga demonyo ... "
19Sa kabila nito, nakikita natin ang mga Kristiyanong tagapangaral ay
iginigiit ang pagsalungat sa mga turo ni Hesus at ang pagturing sa kanyang
mga himala bilang sariling pagnanais ni Hesus bilang dahilan ng kanyang
pagkadiyos. Maaari, kung gayon, na itanong sa kanila, "Bakit hindi ninyo
itinuturing na Diyos si Moises yayamang hinampas niya ang dagat ng
kanyang tungkod at hinati ito?" (Exodo 14:16-29). Ang kanyang tungkod
ay nagpalit-anyo rin bilang ahas (Exodo 4:2-5). "Bakit hindi ninyo
itinuring na Diyos si Josue bagama't inutusan niyang tumigil ang araw at
ang buwan, at sila ay tumalima sa kanyang utos?" (Josue 10:12-13). "Bakit
hindi itinuring na Diyos si Elias gayong pinadali niya ang kamatayan?"(I
Mga Hari 17:20°22).At paano si Elisha na nagpabalik din ng buhay sa
namatay (II Mga Hari 4:32-35). Maging ang mga buto ni Elisha
pagkatapos niyang mamatay ay nagpabangon sa patay (II Mga Hari 13:20-
21). Sa ganang kay Ezekiel (37:7-10), ibinalik niya ang buhay ng buong
hukbo ng libu-libong tao. Gayunpaman, walang sinuman sa kanila ang
kinilalang Diyos o kaya'y isang diyos.
w
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam 'v
Si Hesus ay nakaugaliang magsumamo sa Diyos - ang
Lumikha ng mga kalangitan at kalupaan. Pagkaraang ibalik
ang buhay si Lazaro, isinasaad ng Juan 11 :41-42,
" ... Tumingin si Hesus sa itaas at sinabi, Ama,
nagpapasalamat ako sa iyo na ako'y iyong pinakinggan. At
alam kong ako'y lagi mong pinakikinggan. Ngunit ito'y
sinabi ko alang-alang sa maraming taong nasa palibot,
upang sila'y sumampalataya na ako ay isinugo mo."
Si Simon (Pedro), isang pangunahing disipulo, ay nagsabi:
"Kayong mga Israelita, pakinggan ninyo ang mga salitang
ito: Si Hesus na taga-Nazaret, isang lalaking pinatunayan ng
Diyos sa inyo sa pamamagitan ng mga gawang
makapangyarihan, mga kababalaghan at mga tanda na
ginawa ng Diyos sa pamamagitan niya sa gitna ninyo, gaya
ng nalalaman ninyo." (Mga Gawa 2:22)
Maging ang mga taong nakasaksi sa mga himalang iyon ay
nababatid na ang mga ito ay pinagtibay ng Diyos bilang
. patotoo na si Hesus ay isang propeta ng Diyos. Hinggil sa
anak na lalaki ng balong babae, na ang buhay ay ibinalik
muli ni Hesus, ang mga naroroon ay nagsabi:
" .. . Lumitaw sa gitna natin ang isang dakilang propeta at
dinalaw ng Diyos ang kanyang sambayanan."(Lucas 7:16).
Sa Qur' an, ang dakilang Propetang ito ng Diyos ay tinutukoy
na "Hesus, anak ni Maria nang 25 ulit, saman-talang ang
pangalan ni Propeta Muhammad ( £1\,) mismo ay limang beses
lamang. .
Sa Kabanata 3 ng Qur' an, tinatawag na Ale '/mran (Ang
Pamilya ni 'Imran), talata 42 hanggang 62, nababasa natin:
(Salin ng kahulugan):
w 'v Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid·sa Akin sa Islam
42: At (tandaa.n) nang sabihin ng mga anghel: 'O Maryam
(Maria)/20 Katotohanan, pinili ka ng Allah, pinadalisay ka
[mula sa Shirk (pagbibigay katambal sa Allah)] at pinili ka
nang higit sa mga kababaihan ng Alamin (lahat na nilikha).'
43: 0 Maryam (Maria)! "Gawing wagas ang iyong
pagsamba sa iyong Rabb (Panginoon). At magpatirapa at
yumuko kasama ng mga yumuyuko (sa Salah [pagdarasal])."
44: Bahagi yaon ng mga ulat tungkol sa Al-Ghaib (mga dinakikita)
na Arning inihahayag sa iyo (0 Muhammad). At
hindi ka nila kasama noong nagsihagis sila ng kanilang mga
panulat (upang mapagpasiyahan) kung sino sa kanila ang
mag-aaruga kay Maryam (Maria). Ni hindi ka (rin nila)
kasama noong magtalo-talo sila.
45: (Tandaan!) Nang sabihin ng mga anghel: "O Maryam
(Maria)! Katotohanan nagbibigay sa iyo ang Allah ng
magandang balita ng isang Salita ("Maging! at nagkagayon")
mula sa Kanya. Ang kanyang pangalan ay Messiah
'Isa (Hesus), ang anak ni Maryam (Maria). At (siya ay) may.
marangal na antas sa daigdig na ito at sa Kabilang Buhay.
At (siya'y) mabibilang sa mga malalapit (saAllah).
20Si Maryam (Maria), angina ni Propeta 'Isa (Hesus) ang tanging babaeng
binanggit ang pangalan sa Qur' an. Ang pangalan niya ay lumitaw nang 34
na beses. Bukod dito, walang isa mang kabanata sa Bibliya na nagtataglay
ng kanyang pangalan, samantalang isang buong kabanata sa Qur'an ang
nakapangalan sa kanya. Sa katotohanan, walang kabanata sa Qur' an ang
bumabanggit sa pangalan ng ina ni Muhammad( .. ),o mga anak na babae o
mga asawa.At dahil sa reputasyon o katayuan ni Maryam (Maria) sa Islam
at ng malaking pagmamahal ng mga Muslim para sa kanya, ipinapangalan
nila ang kanilang mga anak na babae katulad ng kanyang pangalanMaryam
(Maria)
Q
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam V
46: At magsasalita siya sa tao (sa panahon ng kanyang
pagkasanggol) mula sa duyan at sa (panahong siya ay nasa)
tamang gulang, at (siya'y) mabibilang sa mga matutuwid.
47: Siya (si Maryam [Maria]) ay nagsabi: "O aking Rabbi
Paano ako magkakaroon ng anak gayong walang taong
sumaling sa akin." Siya'y nagsabi: "Ganoon ang Allah,
nililikha Niya ang anumang Kanyang naisin. Kapag itinakda
Niya ang isang bagay, Kanya lamang sasabihin: Kun
(Magingl) Fayakun (at nangyari na).
48: At ituturo (ng Allah) sa kanya ('Isa [Hesus]) ang Aklat
at ang Hikmah ( ang ganap na kaalaman bilang isang
Propeta), ang Tawrah (Batas) at ang Injeel (Ebanghelyo).
49: At (gagawin siyang) isang Sugo sa mga angkan ni Israel
(na nagsasabi): "Katotohanan! Dumating ako sa inyo na
may dalang Ayah (Tanda) mula sa inyong Panginoon.
Huhubog ako para sa inyo mula sa luwad (putik) ng animo 'y
hugis ibon, at hihipan ko ito, at magiging ibon ito sa
kapahintulutan ng Allah. At pagagalingin ko ang
ipinanganak na bulag, at ang may ketong, at bubuhayin ko
ang patay sa kapahintulutan ng Allah. At ipababatid ko sa
inyo kung ano ang inyong kinakain at kung ano ang itinatabi
ninyo sa inyong mga bahay. Katotohanan! Naririto ang Ayah
(Tanda) sa inyo kung tunay nga kayong mananampalataya."
50: "At (ako'y pumarito upang) magpatunay sa Tawrah
(Batas) na nauna sa akin, at upang ipahintulot ang ilang
ipinagbawal sa inyo. At dumating ako sa inyo nang may
dalang Ayah (Tanda) mu/a sa inyong Panginoon.
Samakatuwid matakot saAllah at sumunod (sa akin)."
51: "Katotohanan! Ang Allah ang aking Panginoon at
inyong Panginoon, samakatuwid Siya lamang ang sambahin.
Ito ang matuwid na landas. "
52: At nang maramdaman ni 'Isa (Hesus) sa kanila ang
kawalang-paniniwala, siya ay nagsabi: "Sino ang aking mga
w
'(:;t Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
tagatulong sa (pagpapalaganap sa Salita ng) Allah?" AlHawariyyun
(Ang mga tagasunod niya) ay nagsabi: "Kami
ang mga tagatulong ( sa pagpapalaganap sa Salita) ng Allah;
naniwala kami sa Allah, at magbigay-saksi na kami'y mga
Muslim (sumusunod sa kalooban ng Allah)."
53: 0 aming Panginoon! Naniniwala kami sa anumang
Iyong ipinababa, at sumusunod kami sa Sugo ('Isa [Hesus]);
kaya itala Mo kami (0 Allah) na kasama ng mga AsShaheedin
(Sumasaksi).
54: At nagbalak sila (mga Hudyo na patayin si 'Isa [Hesus])
at nagbalak din ang Allah (Laban sa kanila). At higit na
mahusay ang Allah (sa lahat) ng mga nagbabalak.
55: (At tandaan!) Nang sabihin ng Allah: "O 'Isa (Hesus!)
Katotohanan, Ako ang kukuha sa iyo at magtataas sa iyo21 sa
Akin at magpapadalisay sa iyo sa mga hindi nananampalataya.
At (Aking) gagawin ang mga sumusunod sa iyo
nang may kahigtan sa mga hindi nananampalataya
hanggang sa Araw ng Pagbabangong-Muli. Pagkatapos sa
Akin ang inyong pagbabalik, at maghahatol Ako sa pagitan
ninyo sa anumang dati ninyong pinagtatalunan. "
56: Kaya yaong mga hindi nananampalataya, paruru-sahan
Ko sila nang may matinding parusa sa daigdig na ito at sa
Kabilang Buhay, at wala silang magiging mga tagatulong
(na pipigil sa parusang ipapataw sa kanila).
57: At tungkol naman sa mga naniwala (sa kaisahan ng
Allah) at gumawa ng mga kabutihan, ipagkakaloob sa kanila
(ng Allah) ang kanilang mga gantimpala. At hindi
minamahal ng Allah ang mga Zalimun ( ang mga hindi
makatarungan ).
21 Iniligtas ng Allah si Hesus at itinaas siya sa langit nang buhay, sa
katawan at kaluluwa nang walang pinsala at hapdi.
Go}
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam V
58: !tong isinasalaysay Namin sa iyo (0 Muhammad) ay
kabilang sa Ayaat (mga Tanda) at Ganap na Paalaala
(Banal na Qur' an).
59: Katotohanan! Ang katulad ni 'Isa (Hesus) sa (pananaw
ng) Allah ay katulad ni Adam. Nilikha siya mula sa alabok.
Kapag-daka'y sinabi (ng Allah) sa kanya: Kun (Maging!)
Fayakun (at naroon na siya).
60: (Ito) Ang katotohanan mula sa iyong Panginoon, kaya
huwag mabilang sa mga nag-aalinlangan.
61: Kaya sinumang makipagtalo sa iyo tungkol sa kanya
('Isa [Hesus]) pagkatapos dumating sa iyo ang kaalaman,
sabihin mo (0 Muhammad): "Halina kayo, tawagin natin
ang aming mga anak at inyong mga anak, ang aming
kababaihan at inyong kababaihan, ang aming mga sarili at
inyong mga sarili, at pagkatapos marubdob nating hilingin
ang Sumpa ng Allah na (ito'y) ipataw sa mga
nagsisinungaling."
62: Katotohanan! Ito ang tunay na kasaysayan (tungkol kay
'Isa [Hesus], at walang diyos (na dapat sambahin) maliban
sa Allah. At katotohanan, ang Allah ay Al 'Aziz (Ang May
Lubos na Kapangyarihan), Al-Hakim (Ang Nagtataglay ng
Walang-hanggang Karunungan).
At sa Kabanata 19, na may pamagat na Maryam (Maria),
mga talata 16 hanggang 36, ipinahayag ng Allah:
16: At banggitin (mo O Muhammad) ang hinggil kay
Maryam (Maria) na nakasaad sa Aklat, nang siya'y lumisan
sa pamilya tungo sa pag-iisa sa isang pook na nakaharap sa
silangan.
17. At naglagay siya ng tabing sa pagitan nila; pagkaraa 'y
ipinadala Namin sa kanya ang Arning Ruh (Anghel Gabriel),
c;;)
V Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
at lumitaw sa kanya sa isang ganap na lalaking anyo sa
lahat ng bagay.
18: Siya (si Maria) ay nagsabi: "Katotohanan, nagpapakupkop
ako sa Al-Rahman (Allah) laban sa iyo, kung may
takot ka sa Allah. "
19: (Ang anghel ay) Nagsabi: "Ako'y isang sugo lamang
mu/a sa iyong Panginoon, (upang ipahayag) sa iyo ang
handog - isang makadiyos na anak na lalaki. "
20: Siya (si Maria) ay nagsabi: "Paano ako magkakaroon ng
anak samantalang walang lalaking sumaling sa akin, ni hindi
ako mahalay na babae?"
21: Siya(ang anghel)ay nagsabi: "Sa ganito nagsasabi ang
iyong Panginoon: '/yon ay madali para sa Akin.At upang
italaga siya bilang isang tanda sa sangkatauhan at isang
habag mu/a sa Amin, at isang bagay na itinakda (ng
Allah)'."
22: Kaya kanyang ipinaglihi siya, at siya'y lumayong
kasama niya sa isang malayong pook.
23: At ang sakit ng panganganak ang nagdala sa kanya sa
isang puno ng palmerang datiles. Kanyang sinabi: "Sana'y
namatay na ako bago pa (dumating) ito, at nabaon na ako sa
limot at wala na sa paningin!"
24: At may tumawag sa kanya mu/a sa kanyang ibaba na
nagsasabi: "Huwag malungkot, nagkaloob ang iyong
Panginoon ng isang batis sa ibaba mo.".
25: "At yugyugin ang puno ng palmerang datiles patungo sa
iyo,ilalaglag nito ang sariwang hinog na datilies sa iyo."
26: "Kaya kumain at uminom at magdiwang. At kung
makakita ka ng tao, sabihin · sa pagsenyas: 'Katotohanan,
sumumpa ako ng isang pag-aayuno para sa Al-Rahman
(Allah) kaya hindi ako makikipag-usap sa kaninuman sa
araw na ito '. "
w
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesns Ang Naghatid sa Akin sa Islam '\,:1/
27: Pangko niya ang bata at kanyang dinala siya sa kanyang
angkan. Sila'y nagsabi: "O Maria! Katotoha-nang nagdala
ka ng isang (kagimbal-gimbal at) napaka-lubhang bagay."
28: "O kapatid ni Harun! Ang iyong ama ay isang taong
hindi gumawa ng pangangalunya, ni hindi mahalay ang
iyong ina. "
29: Pagkaraa'y kanyang itinuro siya (si Hesus). Sinabi nila:
"Paano kami makikipag-usap sa isang sanggol na nasa
aluyan?"
30: Tumugon ang sanggol: "Katotohanan, ako ay alipin ng
Allah, at ako'y Kanyang binigyan ng kasulatan (Ebanghelyo
), at ginawa Niya akong isang Propeta. "
31: "At pinagpala Niya ako saan man ako naroroon, at ipinagutos
sa akin ang Salah at Zakah, 22 habang ako'y nabubuhay."
32: "At maging masunurin sa aking ina, at hindi ako
ginawang palalo, o pinagkaitan ng pagpapala. "
33: "At Salam (kapayapaan) sa akin sa araw na ako'y
isinilang, at sa araw na ako 'y mamatay, at sa araw ng ako 'y
bubuhaying muli!"
34: Ganito si 'Isa (Hesus), ang anak ni Maria. Ito ay isang
pahayag ng katotohanang pinag-aalinlangan nila ( o
pinagtatalunan).
35: Hindi marapat sa (Kamaharlikaan ng) Allah ang
magkaroon Siya ng anak. Kaluwalhatian sa Kanya. Kapag
ipinasiya Niya ang isang bagay, sasabihin lamang Niya dito:
"Maging!" At mangyayari na.
22 Ang Zakah ay isa sa mga haligi ng Islam. Ito ay isang takdang bahagdan
o porsiyento (fixed percentage) na 2.5 mula sa kabuuan ng kayamanan ng
isang mariwasang Muslim na kanyang dapat ipamahagi minsan sa isang
taon sa mga maralita at nangangailangang Muslim.
Q
\/ Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesns Ang Naghatid sa Akin sa Islam
36: (Sinabi ni Hesus): "At katotohanan, ang Allah ay aking
Panginoon at ang inyong Panginoon. Kaya sambahin Siya.
Ito ang matuwid na landas."
Dagdag pa rito, ang mga salita ni Propeta Muhammad(~) ay
nagsasaad din ng mga pagbanggit kay Hesus. Sinabi niya sa
isang salaysay:
"Ako ang pinakamalapit kay Hesus, anak ni Maria dito sa
daigdig at sa Kabilang-Buhay. Ang mga Propeta ay
magkakapatid sa ama; iba-iba ang kanilang mga ina nguni' t
iisa ang kani/ang relihiyon." (Al-Bukhari 3370)
Saisa pang hadith, sinabi ni Propeta Muhammad( .,)ji. ):
"Kapag isinilang ang sinumang tao, kakantiin siya ni
Satanas sa bawa't tagiliran niya ng kanyang dalawang daliri
maliban kay Hesus, ang anak ni Maria." Sinubukan ni
Satanas na kantiin subalit nabigo siya, kaya 'y sa halip
kinanti niya ang placenta nito. (Naitala ni Imam Bukhari 3216).
Ito ang katugunan sa panalangin ng kanyang Iola, "ang
maybahay ni '/mran," na ayon sa salaysay sa Qur' an na siya
ay nagsabi: "O aking Panginoon! Nagsilang ako ng isang
batang babae. "... at pinangalanan ko siyang Maryam
(Maria). At katotohanan, pinakupkop ko siya sa Iyo (0 Allah)
at ang magiging supling niya Laban kay Satanas, ang
isinumpa" (Pagkakasalin ng kahulugan, Qur'an, 3:36).23
ltinuturing ng Qur' an ang pagkatao nina Hesus at
Muhammad ( ~) na magkatulad na dalisay, walang dungis at
marangal, dahil kapwa sila mga Sugo mula sa iisang
Makapangyarihang Allah.
23Ang Qur'an at si Propeta Muhammad( .. ) ay kapwa nagparangal kay
Hesus sa pagsasabing siya ay pinangalagaan ng Allah laban sa kasamaan
ni Shaytan. Katotohanan, ito ay pagsalungat o pagpapabulaan sa pagaangkin
ng Bibliya sa Lucas 4:2 na si Hesus ay tinukso ng demonyo."
w
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam '\)'
VI. Si Propeta Muhammad( li!J>)
Sinabi ni Hesus sa mga Hudyo na wala ng propetang lilitaw
pa mula sa kanilang lahi pagkatapos niya, at ang Kaharian ng
Diyos ay aalisin sa kanila at ibibigay sa isang bansang higit
na karapat-dapat (Mateo 21:43). Ang bansang ito ay ang
lahing mula kay Ishmael na itinatwa (tinanggihan) ng mga
Hudyo.24
Ang Qur'an (61:6) ay nagsasaad: "At (alalahanin) nang si
Hesus, anak ni Maria ay nagsabi: "O angkan ni Israel! Ako
ay Sugo ng Allah sa inyo na nagpapatunay sa Taurat na
unang dumating sa akin, at nagbibigay ng magandang balita
sa isang Sugo na darating pagkatapos ko, na ang kanyang
pangalan ay Ahmad. Subali't nang siya'y dumating sa kanila
nang may malinaw na mga katibayan, sila ay nagsabi: "Ito
ay isang malinaw na salamangka."
Sa Bagong Tipan, si Hesus ay nagbigay hula sa pagdating ni
Muhammad ( ~) sa mga salitang ito: "Gayunma'y sinasabi
24Sa kabila ng pagtatatwang ito ng mga Hudyo sa mga Arabo at ang
kanilang maliwanag na pagtanggi sa Propeta ng Islam, makikita ng
mambabasa ng Qur'an na binukod-tangi ng Allah ang Angkan ni Isra'il
nang ilang panahon (Qur'an 2:47). Maraming salaysay sa Qur'an ang
nagsasaysay tungkol sa kanila at sa kanilang mga Propeta, lalung-lalo na ni
Moises, na binanggit ang pangalan nang 136 beses sa Qur' an. Hindi
lamang iyon, hinimok ni Propeta Muhammad(•) ang mga Muslim na magayuno
sa ika-9 at ika-10 ng Muharram ( ang unang bu wan ng kalendaryong
Islamiko) sa· bawa't taon bilang pasasalamat sa Allah sa pagliligtas kay
. Moises at sa mga Angkan ni Israel laban sa hukbo ng Pharaoh sa
pamamagitan ng paghati sa Pulang Dagat (Red Sea). Ang mga Muslim ay
patuloy na nagsisipag-ayuno bilang paggunita sa kaganapang ito sa
nakaraang mahigit 14 na dantaon. Nagtatangan din ang mga Muslim ng
dakilang paggalang at pagmamahal sa lahat ng mga Propeta ng Angkan ni
Israel. Kaya naman, maraming pamilyang Muslim ang nagpapangalan sa
kanilang mga anak hango sa mga pangalan ng mga Propetang yaon.
Q
\/ Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
ko sa inyo ang katotohanan. Makabubuti sa inyo na ako'y
umalis, sapagkat kung hindi ako aalis, ang Mang-aaliw ay
hindi darating sa inyo. Ngunit kung ako'y umalis, siya'y
susuguin ko sa inyo. At pagdating niya, kanyang susumbatan
ang sanlibutan tungkol sa kasalanan, sa katuwiran, at sa
kahatulan ... mayroon pa akong maraming bagay na sasabihin
sa inyo, ngunit hindi ninyo kayang dalhin sa ngayon. Subalit
kapag dumating na ang Espiritu ng katotohanan,
papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan. Sapagkat
hindi siya magsasalita nang mula sa kanyang sarili, kundi
ang anumang bagay na kanyang marinig, iyon ang kanyang
sasabihin at kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na
darating. Luluwalhatiin niya ako ... " (Juan 16:7-14). Mula
noon, sino ang nakapagluwalhati kay Hesus na katulad ng
ginawa ni Muhammad(~ )?25
Sa Ebanghelyo ni Barnabas, isa sa mga Ebanghelyong dikinikilala
ng Simbahan, sinabi ni Hesus: "Yayamang ang
tao'y tinawag akong 'Diyos' at 'Anak ng Diyos', niloob ng
Diyos, upang hindi ako kutyain ng mga demonyo sa A raw ng
Paghuhukom, na ako ay kutyain ng tao sa mundong ito sa
pamamagitan ng pagkamatay ni Hudas,26 sa pagpa-paniwala
25Maraming tao ang nagmalabis tungkol sa pagkatao ni Hesukristo. Ang
ilan ay itinatwa siya at hindi siya binigyan ng halaga, habang ang iba'y
pinabulaanan ang kanyang paglitaw sa pamamagitan ng pagturing sa kanya
bilang isang taong likhang-isip, at iba naman sa kanila ay sumalungat sa
tunay niyang katuruan na pagsamba sa Iisang Tunay na Diyos, ang
kanyang di-umano'y mga tagasunod ay nagsitungo sa ibang direksyon.
Tanging ang Islam lamang ang nagpatotoo ng kanyang pagka-Propeta at
nagtanggol sa kanyang pagkatao at ipinahayag ang kanyang aral hinggil sa
r,agsamba sa nag-iisang Diyos lamang.
6Ayon sa mga Ebanghelyo, si Hesus ay ipinagkanulo (pinagtaksilan) sa
pamamagitan ng 30 pirasong pilak ng kanyang ingat-yaman (tesorero).
Subali't si Ibn Kathir, sa kanyang pakahulugan sa Qur'an (4:157) at ang
iba pa ay nagsasabing ang disipulong di-umano'y nagkanulo kay Kristo ay
hindi tunay na ginawa iyon; sa halip ay isinakripisyo niya ang kanyang
...
w
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Nagbatid sa Akin sa Islam V
sa mga taong ako ay namatay sa krus. At ang pangungutyang
ito ay magpapatuloy hanggang sa pagda-ting ni Muhammad,
ang Sugo ng Diyos, na kapag siya ay dumating ay ihahayag
niya ang panlilinlang na ito sa mga naniniwala sa batas ng
Diyos." (Barnabas 220).
Binanggit din ang hinggil kay Propeta Muhammad(.~) nang
maraming beses sa maraming bahagi ng Lumang Tipan na
nananatili hanggang sa mga araw na ito sa kabila ng
pagbabago na dinanas nito. Halimbawa, sa Deutero-nomio
18:18-19, nababasa natin:
"Ako'y hihirang para sa kanila ng isang propeta na katulad
mo mula sa kanilang mga kapatid at Aking ilalagay ang
aking mga salita sa bibig niya at kanyang sasabihin sa kanila
ang lahat ng Aking iuutos sa kanya. At sinumang hindi
makikinig sa Aking mga salita na kanyang bibigkasin sa
Aking pangalan ay ipananagot Ko ito sa kanya."
Ang Makkah (Bakkah), kung saan unang tinanggap ni
Propeta Muhammad(.'#>) ang mga pahayag ng Diyos sa
kanya, ay binanggit sa Mga Awit 84:6: "Sa kanilang
pagdaan sa libis ng Baca, ay ginawaan nila ito ( dako ng
mga) bukal; pinuno din ito ng mga (pagpapala ng) ulan."
sarili para kay Kristo. Pagkatapos niyang marinig na sinabi ni Kristo, "Sa
araw ng panganib, sino ang magnanais na makamukha ko, at siya ay
makakasama ko sa Paraiso?" ang disipulong iyon ay nagpahayag ng
kanyang kagustuhang maging kamukha niya, at ito nga ay nangyari. Ang
gayong gawaing di-makasarili ay karapat-dapat sa mga disipulo ni
Hesukristo. Sa kabilang dako, ang pagkakanulo ni Hudas, ayon sa mga
Ebanghelyo, ay salungat sa ibang mga salaysay ng ebangbelyo gaya ng
Mateo 19:28, " .. . kapag uupo na ang Anak ng Tao sa kanyang
maluwalhating trono, kayong mga sumunod sa akin ay uupo rin sa
labindalawang trono na naghuhukom sa labindalawang lipi ng Israel."
Kaya't kung si Hudas ay isang traydor, sinabi sana ni Hesus na "labingisang
trono" at hindi "labindalawang trono."
w
'\;/ Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus AngNaghatid sa Akin sa Islam
Ang Qur' an ay nagsasaad sa 3:96, "Katotohanan, ang
pinakaunang Bahay (Dalanginan) na itinalaga para sa
sangkatauhan ay yaong sa Bakkah (Makkah), na puno ng
pagpapala at isang patnubay sa Alamin ( sangkatauhan, jinn
at lahat ng nilikha). " Si Abraham ay binanggit din sa gayunding
lugar kung saan <loon niya itinatag ang pundasyon ng Banal na
Tahanan ng Allah (ang Ka'bah), nagpapahiwatig na ito'y nasa
tuyong lambak. Ating mababasa sa Qur'an 14:37:
"O aming Panginoon! Ginawa kong manahanan ang ilan sa
aking mga supling sa tigang na lambak na malapit sa Iyong
Banal na Bahay (ang Ka'bah sa Makkah) .. . "
Karagd_agan pa, mababasa sa Bibliya: "Ang pahayag mula sa
Arabia ... " Isaias 21:13
Sa katunayan na si Propeta Muhammad(~) na hindi
makabasa't makasulat ay binanggit sa Isaias 29:12, "At nang
ibinibigay nila ang aklat sa isang hindi marunong bumasa,
na nagsasab_i, "Basahin mo ito," kanyang sina-sabi, "Hindi
ako marunong bumasa. "
Sa Hadith Big. 3 ng Sahib Al-Bukhari, makikita natin ang
hinggil sa unang Rebelasyon sa Propeta ng Islam, ang
sumusunod:
" ... Siya (Muhammad) ay pumupunta sa yungib ng Hira (sa
Makkah) hanggang sa dumating sa kanya sa yungib ang
katotohanan nang biglang dumating sa kanya ang Anghel
(Gabriel). Ang Anghel ay nagsabi sa kanya, 'lqra! (Basahin
mo!) Tugon niya, 'Hindi ako makabasa.' Isinasalaysay niya
(Muhammad), 'Kaya't niyapos niya ako nang napakahigpit
na nakapagpahina sa · akin, at pagkatapos ay binitiwan niya
ako at nagsabi, 'lqra!' Sinabi kong muli, 'Hindi ako
makabasa.' Niyapos niya akong muli nang napakahigpit at
ako ay nanghina, pagkatapos ay binitiwan niya ako at
sinabing muli, 'lqra!' Sinabi ko, 'Hindi ako makabasa.'
c.:;)
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam V
Kaya' t niyapos niya ako sa ikatlong pagkakataon nang
napakahigpit, at pagkatapos ay binitiwan ako at sinabi: 'Iqra
bis-mi-rab-bi-kal la-dhee kha-laq (Basahin mo sa Ngalan
ng iyong Panginoon na Tagapaglikha.) Kha-la-qal in-sa-na
min 'a-laq (lumikha sa tao mula sa namuong dugo.). lq-ra
wa rab-bu-kal ak-ram (Basahin mo at ang iyong 'Rabb' na
Tagapaglikha ay Lubos na Mapagkaloob).
Sa kabanata 7, talata bilang 157, " ... at yaong sumu-sunod
sa Sugo, ang Propetang hindi marunong bumasa' t sumulat
na kanilang matatagpuang nakasulat sa Torah at
Ebanghelyo."
Noong taong 571 CE, sa Arabia, ang hula ni Hesus at ng
kanyang mga sinundan (naunang mga Propeta) ay natupad.
Ang "Mang-aaliw" ay isinitang sa lipon ng mga Anak ni
Ishmael27 na naging mga politiyesta at sumasamba sa mga
rebulto. Si Muhammad (~) ay mabunyi at kilala sa kanyang
sambayanan dahil sa kawagasan ng kanyang pagkatao, sa
kanyang pagmamahal sa katotohanan at sa kanyang
pagkahabag sa mga dukha at mahihina. Nakilala siya bilang
"As-Sadiq Al-Ameen" (Ang matapat na Mapagkatiwalaan) sa
kanyang sambayanan. Sa ika-40 taong gulang nang siya ay
hinirang ng Allah na maging Kanyang holing Sugo at
Propeta sa sangkatauhan. lpinangaral niya ang kaisahan ng
Allah - ang Lumikha, ang Bukod-Tanging may karapatan sa
27Sa kabila ng katotohanang si Ishmael ang panganay na anak na lalaki ni
Propeta Abraham na malinaw sa Genesis 16:16: "Si Abraham ay
walumpu't anim na taon nang ipanganak ni Hagar si Ismael sa kanya," at
sa Genesis 21:5, "Si Abraham ay isandaang taong gulang nang ipanganak
si Isaac na kanyang anak," ang Bibliya ay sinasalungat ang sarili sa pagaangkin
ng kabaligtaran sa Genesis 22:2, "At kanyang sinabi, Kunin mo
ngayon ang iyong anak, ang iyong kaisa-isang anak na si Isaac.:."
G;)
'v Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
pagsamba ng lahat ng nilalang, at ang Bukod- Tanging
Makapangyarihan at ang Sandigan ng lahat.
ltinaguyod ng Allah si Propeta Muhammad(~) sa
pamamagitan ng maraming himalang pinatotohanan ng mga
saksing nakakita mismo bilang patotoo sa kanyang pagiging
Propeta katulad ng pagkahati ng buwan (Q. 54:1), at ng
matinding unos na ipinadala Niya upang hadlangan ang isang
malawakang pagsalakay ng kaaway sa Madinah (Q. 33:9) at
marami pang iba. Ang gayong mga himala ay binanggit sa
Qur' an pagkatapos maganap ang mga ito, at ang mga disumasampalataya
nang panahong iyon, na nananabik
makakita ng isang kamalian sa Qur'an ay hindi nakakita ng
anumang salungatan sa salaysay nito at sa aktuwal na mga
pangyayari. Bunga nito, marami ang yumakap sa Islam nang
buong puso. Sa ganang mga mananampalataya, ang mga
himalang iyon ay nagpatibay ng kanilang pananampalataya at
paniniwala sa Allah at sa Kanyang Sugo. Marami pang ibang
himala ang binanggit din sa mga hadith, katulad ng pagdaloy
ng tubig sa pagitan ng mga daliri ni Propeta Muhammad ( ~ ),
ang pagdami ng pagkaih, ang pagsasabi ng mga bagay · na
magaganap, at pagsasabi ng mga bagay na hindi pa nababatid
na inihayag ng Allah sa kanya. Gayunpaman, ang buhay at
nananatiling himalang iginawad ng Allah sa Propeta ( ~) ay
ang Qur'an. Matatagpuan dito ang mga mahimalang lihim na
pangwika, pang-agham, at pambatas na kalagayan.
N amuhay si Propeta Muhammad(~) sa piling ng kanyang
mga kasamahan, pamilya at asawa. W alang anumang tungkol
sa kanya ang hindi batid. Ang buhay niya ay isang bukas na
aklat. Ang pinakadetalye tungkol sa kanyang buong buhay ay
batid ng lahat ng mga naniwala sa kanya na siya ang Sugo ng
Allah. Isinakripisyo nila ang kanilang sariling buhay dahil sa
kanilang marubdob na paniniwala at pagsamba sa nag-iisang
Cc;)
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang N aghatid sa Akin sa Islam V
Allah - ang pangunahing turo na ipinangaral ni Propeta
Muhammad (.;{,Jo) sa sangka-tauhan. W alang maipagkaloob
ang Propeta maliban sa mga pahayag na nagmula sa
Panginoon ng lahat ng nilalang.
Ipinangaral niya ang mensahe ng pagkakapatiran sa ilalim ng
bandila ng Islam, kung saan ay walang pagtatangi-tangi batay
sa lahi, kulay, wika, yaman o kasarian. Ito ay pinatutunayan
ng mga salita ng Diyos sa Qur'an (49:13):
"O sangkatauhan! Nilikha Namin kayo mula sa lalaki at
babae, at ginawa kayong sa maraming bansa (pama-yanan)
at mga tribo upang makilala ninyo ang isa't isa.
, Kototohanan, ang pinakamarangal sa inyo sa paningin ng
Allah ay yaong may takot sa Allah. Katotohanan, ang Allah
ay Ganap na Maalam at Lubos na Nakakabatid ng lahat ng
bagay."
Biriigyang-diin ng Propeta na ang lahi ay walang halaga sa
harap ng Allah. 28
Sinabi niya: "Ang inyong Panginoon ay lisa, at ang inyong
ama (si Adan) ay iisa. Ang isang Arabo ay hindi nakahihigit
sa isang di-Arabo, at ang isang di-Arabo ay di-nakahihigit sa
isang Arabo, at ang isang taong pula ay hindi nakahihigit sa
isang taong itim at ang isang taong itim ay hindi nakahihigit
sa isang taong pula, maliban sa pagiging maka-Diyos at
pagkamatuwid."(Imam Ahmad 23105).
28S i Abu Lahab, ang tiyuhin ni Propeta Muhammad(~), ay tumanggi sa
mensahe ng Allah, kinalaban niya ang Sugo ng Allah at pinagmalupitan
ang mga mananampalataya. Bunga nito, inihayag sa kabanata 111 ng
Qur'an na ang Impiyernong Apoy ang kanyang magiging hantungan sa
kabilang buhay. Ang kanyang relasyon sa Propeta ay hindi nagdulot ng
proteksyon sa kanya laban sa walang-hanggang kaparusahan.
\
GVJ Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
Ito ay nangangahulugan na ang kabanalan at pagkama-tuwid
ang siyang pamantayan ng Allah sa paghatol sa tao, anuman
ang kulay o lahi.
Ang pang-aalipin ay laganap sa buong daigdig at
pinahintulutan ng mga relihiyong likhang-tao nang kapanahunang
iyon at ng Bibliya mismo, katulad ng nakasulat sa
Genesis 9:25-27, Exodo 21:2-12 at Mga Efeso 6:5.
Nang ipinadala ng Allah si Muhammad ( /411,) na dala ang
pinakahuli sa Kanyang mga mensahe, ang pagpapalaya ng
mga alipin ay naging isa sa pinakadakilang mga gawain ng
kabutihang makapagpapalapit sa isang tao sa Allah. Gayundin,
ito ay naging kapuri-puring paraan ng pagkakamit ng
Kanyang pagsang-ayon, kaluguran at pagpawi ng mga
kasalanan at kamalian. Ipinahayag ng Allah:
"Datapuwa't siya (ang tao) ay hindi nagsikap dumaan sa
matarik na landas ( tun go sa kabutihan at tagumpay)? At ano
ang pagkakaalam mo sa matarik na landas? (Ito ang)
Pagpapalaya sa isang leeg (alipin)." (Q 90:11-13)
Si Propeta Muhammad( /411,) ay ipinadala bilang " .. .isang
habag sa lahat ng mga nilikha."(Q 21:107). Sinabi ni
Propeta Muhammad( .i,jj!;. ): "Ang mga maawain ay kinaawaan
sila ng Allah na Ganap na Maawain. Kung kayo'y magbigay
ng habag sa mga nandito sa lupa, Siya na nasa langit ay
magbibigay ng habag sa inyo." (At-Tirmidhi 1928).
Isinasaad ng isang Hadith: "Sinumang hindi mahabag sa mga
tao ay hindi magkakamit ng habag mula sa Allah." (Muslim 5983)
Si Propeta Mohammad(.~) ay isang buhay na halimbawa ng
awa. Ating mababasa sa kabanata 3: 159:
"At dahil sa Habag mula sa Allah, naging mahinahon ka ( 0
Muhammad) sa (pakikitungo sa) kanila. At kung naging
mabagsik ka at naging matigas ang puso, katiyakang
G")
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam V
humiwalay ( at nagsipaglisan) sila sa iyong paligid. Kaya
magpaumanhin sa kanila at hingin ang kapatawaran (ng
Allah) para sa kanila, at sumangguni sa kanila sa mga
kaganapan ... "
Ang Propeta( .0!>) ay mahabagin maging sa kanyang mga
kaaway. Ang isang malinaw na halimbawa ng kanyang
pagkamahabagin ay naihayag nang masakop niya ang
Makkah. Ang mga paganong taga-Makkah ay nagsipag-akala
na maghihiganti siya laban sa kanila. Subali't nang tumindig
siya sa pintuan ng Ka 'bah at sinabi sa kanila:
"Ano sa palagay ninyo ang gagawin ko sa inyo?" "Nang may
kabaitan, mapagpala at maawaing kapatid," tugon nila ng
tatlong beses. "Magkagayon nga," pahayag ng Propeta.
"Sasabihin ko sa inyo ang katulad ng sinabi ni Propeta Yusuf
sa kanyang mga kapatid: "Walang anumang ganti ang
mapapasainyo sa araw na ito; nawa 'y patawarin kayo ng
Allah, at Siya ang Pinakamahabagin sa lahat ng nagpapakita
ng habag. " (Qur'an 12:92) At pagkatapos ay sinabi niya sa
kanila: "Humayo na kayo, sapagka' t kayo ay malaya na." (AlBayhaqi
18647-18648)
Kung ninais lamang niya, madali sa kanya ang maghiganti sa
lahat ng pahirap at dinanas niya at ng kanyang mga
tagasunod sa kanilang mga kamay na naging sanhi ng
kamatayan ng ilan, subali't pinatawad niya silang lahat. Ito
ay malinaw na nagpapatunay na siya ay tunay na isang awa
sa sangkatauhan. Sa pagsagawa nito, sinusunod niya ang
tagubilin sa Qur'an: " ... yaong nagpipigil ng galit, at
nagpapatawad sa tao; tunay, kinalulugdan ng Allah ang mga
Al-Muhsinun (gumagawa ng kabutihan)." (3:134).
Ipinahayag din ng Allah: "At hindi magkatulad ang mabuting
gawa at masamang gawa. Itaboy ang masama sa
Q
V Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
pamamagitan ng higit na mahusay (maging matiisin kapag
galit) pagkaraa'y siya, na kung kanino ka nagkaroon ng
hidwaan, ay magiging tila dati na siyang malapit na
kaibigan. Subali't walang ginawaran ng ganito (katangian)
maliban sa mga matiisin (mapagtimpi) - at walang
ginawaran nito maliban sa pinagkalooban ng dakilang
bahagi (ng ligaya sa Kabilang-Buhay - ang Paraiso)."
(41:34-35).
Nang ang kanyang mga kasamahan ay nagsumamo sa kanya
upang hilinging pababain ng Allah ang galit sa kanyang mga
kaaway pagkatapos nilang sirain ang kanyang ngipin at
sugatan ang kanyang ulo, tumanggi siya at sinabi: "O Allah,
ang Panginoon na Tagapaglikha, kaawaan mo ang aking
sambayanan sapagka' t hindi nila nalalaman ang kanilang
ginagawa." (lbn Hibban 949)
Kailanma'y hindi siya nagalit para sa kanyang sariling
kapakanan. Ang lahat ng kanyang galit ay alang-alang sa
Allah. Kinaugalian niyang sabihin: "Ang taong tunay na
malakas ay hindi yaong lumalaban sa iba at tumatalo sa
kanila, kundi yaong pinipigil ang sarili kapag nagagalit."
(Muslim 6595)
Siya ay isang huwaran ng kababaang-loob. Minsan, isang
lalaki ang lumapit sa kanya na nanginginig sa takot, sa pagaakalang
ang makakaharap niya ay isang hari. Nilapitan siya
ng Propeta nang buong kapakumbabaan at sinabi sa kanya:
"Pumanatag ka, hindi ako isang hari. Ako'y anak ng isang
babae na kumakain ng binilad na karne." (lbn Maj ah 3391)
Sa isang Hadith, sinabi ng Propeta ( !®' ): "Hindi makapapasok
sa Paraiso ang sinumang mayroong pagma-mataas
sa kanyang puso kahit ang sukat ay katiting na katiting."
(Muslim 225)
Q
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang N aghatid sa Akin sa Islam V
Nang maganap ang isang eklipse ng araw sa oras ng
pagkamatay ni Ibrahim, ang anak ng Propeta( ~ ), ang mga
tao ay nagsimulang magsabing ang eklipse ay sanhi ng
pagkamatay ng kanyang anak. Subali't tinawag niya sila at
nagsabi, "Ang araw at ang buwan ay dalawa sa mga tanda
ng Allah. Hindi nag-eeklipse ang mga ito dahil sa pagsilang
o pagpanaw ng sinuman." (Al-Bukhari 1044)
Sa isang Hadith, tinagubilinan ng Propeta( ~) ang kanyang
mga tagasunod: "Huwag ninyo akong purihin nang labis na
katulad ng ginawang pagpuri ng mga Kristiyano sa anak ni
Maria (na si Hesus). Ako ay isang alipin lamang ng Allah.
Kaya't tawagin ninyo akong alipin ng Allah at Kanyang
Sugo." (Al-Bukhari 3372) ·
!sang kasamahan niya ang minsa'y nagsabi sa kanya: "Ikaw
ay aming Panginoon (Master) at may higit na kapangyarihan
kaysa sa aming lahat." Ang Propeta ay tumugon, "Tanging
ang Allah lamang ang Pangindon! Hindi Ako panginoon
ninuman. Huwag ninyong hayaang linlangin kayo ng
demonyo. Ako ay isa lamang alipin ng Allah at Kanyang
Sugo. Hindi ko gustong itaas ninyo ako nang higit sa
pinaglagyan sa akin ng Allah." (Ahmad 12295)
Ang Shari'ah (batas ng Allah) na dinala ni Propeta
Muhammad ( ~ ), ay ginawang pangunahing bahagi ng Islam
ang pangangalaga sa mga mahihina, maralita, nagigipit at
ulila.
Ipinahayag ng Allah sa kabanata 107:1-3:, "Nakita mo ba
ang nagtatakwil sa Pagbabayad (Pagkabuhay na Mag-uli)?
Na siya ay matinding nagtataboy sa mga ulila. At hindi siya
naghihimok sa pagpapakain ng mahihirap ?"
Ang pagpapabaya sa mga nangangailangan ay maaaring
maghatid din sa isang tao sa Impiyernong-apoy. Ipina-hayag
G,;)
'\l' Ang Dakllang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Nagbatid sa Akin sa Islam
ng Allah: "Katotohanan, hindi siya naniniwala sa Allah -
ang Dakila, at hindi siya nanghihikayat na pakainin ang
mga mahihirap." (69:33-34)
Isinusumpa ng Islam ang lahat ng uri ng kawalangkatarungan,
pananalakay at panliligalig laban sa mga walang
kasalanan. Sinasabi ng Allah: " ... at huwag labagin ang mga
hangganan. Katiyakan, hindi naiibigan ng Allah ang mga
lumalabag." (2:190)
Mababasa rin sa Qur'an: " ... ipinag-utos Namin saAngkan ni
Israel na sinuman ang pumatay (ng tao) hindi bilang ganti (o I
kabayaran) sa salang pamamaslang (ng tao), o di kaya ay j
maghasik ng kasamaan sa kalupaan - ay para na rin niyang
pinatay ang buong sangkatauhan. At sinuman ang magligtas
ng isang buhay, ay para na rin niyang iniligtas ang buhay ng 1
buong sangkatauhan ... " (5:32)
Sa Islam, sadyang napakasama ang gawaing pagpatay ng tao.
bukod pa rito, pinapayuhan ang mga Muslim na maging
mabait sa mga hayop at pinagbabawalang saktan ang mga ito.
Sa isang pangyayari, sinabi ng Propeta ( ~ ):
"Ang isang babae ay pinarusahan sapagka' t ikinulong niya
ang isang pusa hang gang sa mamatay ito. Dahil dito 'y
itinalaga siya sa Impiyemong-Apoy. Ikinulong niya ito, nang
hindi pinakain o pinainom, ni hindi niya pinakawalan upang
kumain ng mga gumagapang sa lupa." (Muslim 5804)
Isinalaysay diri niya ang nangyari sa isang mahalay na babae
(prostitute) na nagpainom sa isang asong halos mamatay sa
uhaw, na dahil doo'y pinatawad ng Allah ang kanyang mga
kasalanan. (Al-Bukhari 3392)
Minsa'y tinanong ang Propeta( ~ ): "O Sugo ng Allah, tayo
ba 'y gagantimpalaan dahil sa kabaitan sa mga hayop ?"
Sumagot siya: "May gantimpala para sa kabaitang
ipinakikita sa bawa' t may buhay." (Al-Bukhari 2323)
!
G")
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Nagbatid sa Akin sa Islam '\7
Ang mensahe ng Islam ay nagpapalaganap ng pagpapaubaya
at paggalang sa mga karapatan ng lahat ng tao - Muslim man
o hindi. Sa isang hadith, sinabi ni Propeta Muhammad(~):
"Sinumang gumawa ng kawa-lang-katarungan sa mga diMuslim
na mayroon silang sinumpaang kasunduan ng
pangangalaga, o magkulang sa pagkakaloob sa karapatan
nila, o magpapasan nang higit sa makakayanan nito, o
kumuha ng anumang bagay nang labag sa kagustuhan nila, .
ako ay kanyang magzgmg kalaban sa Araw ng
Paghuhukom." (Abu Dawood 3054)
Ang mensahe ng Islam ay nananawagan sa pagtupad sa mga
tiwala at pag-iwas sa lahat ng mga gawaing pag-tataksil.
Isinasaad ng isang Hadith: "Isauli ninyo ang anumang
ipinagkatiwala sa inyo sa mga nagmamay-ari nito na
nagtiwala niyon sa inyo, at huwag pagtaksilan ang sinumang
nagtaksil sa inyo." (At-Tinnidhi 1261)
Ang Islam ay mahigpit ding tinututulan ang karamutan o ang
pagiging makasarili at nananawagan sa taong naisin para sa
kapwa ang anumang ninanais para sa sarili. Sinabi ng
Propeta ( ~ ), "Hindi maituturing na tunay na
mananampalataya ang sinuman sa inyo hanggang hindi niya
naisin sa kanyang kapatid ang kung ano ang naiibigan niya
para sa kanyang sarili." (Al-Bukhari-13)
Ang mabuting asal at paggalang sa kababaihan ay·bahagi rin
ng mensahe ng Islam. Sinabi ng Propeta: "Ang mananampalatayang
may ganap na pananalig ay yaong may
pinakamabuting asal. At ang pinakamabuti sa mga mananampalataya
ay yaong pinakamabuting makitungo sa
kanilang kababaihan." (Ahmad 7374)
Gayundin, may lalaking lumapit sa Propeta ( ~) at nagsabi,
"O Sugo ng Allah, sino ang nakahihigit sa lahat na karapatdapat
kong pakitunguhan nang mabuti ?" Sinabi ng Propeta,
9 Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Nagbatid sa Akin sa Islam
"Ang iyong ina." Itinanong ng lalaki, "Sino ang susunod?"
Tumugon ang Propeta, "Ang iyong ina." Muling nagtanong
ang lalaki, "Sino ang susunod?" Muling tumugon ang
Propeta, "Ang iyong ina." Nang magtanong ang lalaki sa
pang-apat na pagkakataon, sumagot ang Propeta, "Ang
iyong ama." (Muslim 6452)
Ayon sa mga turo ng Islam, ang gantimpala sa.paglilingkod
at pangangalaga ng isang tao sa kanyang ina ay Paraiso.
Tinagubilinan ng Propeta ( ~) ang isang lala-king
. sumangguni sa kanya tungkol sa pagnanais niyang sumama
sa digmaan samantalang mayroon siyang maiiwa-nang ina na j
nasa kanyang pangangalaga. Ang Propeta( ~) ay nagsabi:
"Manatili ka sa kanya sapagka't ang Paraiso ay nasa
kanyang paanan." (An-Nasa'i 3106)
Sinabi rin ng Propeta ( ~ ): "Sinuman ang may anak na
babae at hindi niya ito ikinahihiya o hindi siya nagbibigay ng
pagkiling sa mga anak niyang lalaki kaysa kanya, ipapasok
siya ng Allah sa Paraiso dahil dito."(Ahmad 1966)
Sinabi rin ng Propeta ( ~ ): "Sinuman ang may dalawang anak o
kapatid na babae at pinakikitunguhan silang mabuti, ako at siya
ay katulad ng dalawang ito. (at pinagdikit niya ang kanyang
hintuturo at gitnang daliri)" (Ibn Abi Shaibah 21179)
Samakatwid, malinaw na ang kabaitan sa kababaihan · ay
mahigpit na binibigyang-diin sa mga turo ng Islam at isang
pangunahing mabuting gawa na magdadala sa isang tao sa
Paraiso. Ayon sa Shari'ah, ang mga kalalakihan ay may
pananagutan sa kalagayan ng kababaihan, siya man ay isang
ama, anak, kapatid asawa o maging isang pinuno. Ang babae
ay may karapatan sa kanyang bahagi ng pamana, sa dote sa
oras ng kasal, sa pagpili ng kanyang pakakasalan, at mayroon
siyang karapatang mag-asawang muli pagkatapos ng
Q
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Nagbatid sa Akin sa Islam V
diborsyo at iba pang katulad nito na sadyang taliwas sa
sinasabi ng Bibliya.29 Sa kabilang dako, mababasa sa Qur'an:
29Sa Levitico 15:19-30, ating mababasa: "Kapag ang isang babae ay
nilalabasan ng dugo na kanyang buwanang pagdurugo mula sa kanyang
katawan, siya ay marumi sa loob ng pitong araw; at sinumang humipo sa
kanya ay magiging marumi hanggang sa paglubog ng araw. Anumang
kanyang mahigaan sa panahon ng kanyang karumihan ay magiging
marumi; at anumang maupuan niya ay magiging marumi. Sinumang
humipo ng kanyang higaan ay maglalaba ng kanyang mga damit, at
maliligo sa tubig, at magiging marumi hanggang sa paglubog ng araw. At
ang sinumang humipo ng alinmang bagay na kanyang maupuan ay
maglalaba ng kanyang mga damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging
marumi hanggang sa paglubog ng araw. Maging ito ay nasa ibabaw ng
higaan o nasa anumang bagay na inupuan niya, kapag kanyang hinipo,
siya ay magiging marumi hanggang sa paglubog ng araw. Kung ang
sinumang lalaki ay sumiping sa kanya, at mapasa lalaki ang karumihan
niya, ang lalaki ay magiging marumi sa loob ng pitong araw; at bawat
higaan na kanyang higaan ay magiging marumi. Kung ang isang babae ay
labasan ng dugo sa loob ng maraming araw sa hindi kapanahunan ng
kanyang karumihan, o kung labasan ng dugo sa lampas sa panahon ng
kanyang karumihan; siya ay marumi . sa buong panahon ng kanyang
karumihan. Bawat higaan na kanyang hinihigan sa buong panahon ng
kanyang pagdurugo, ay magiging sa kanya'y gaya ng higaan ng kanyang
karumihan; at bawat bagay na kanyang maupuan ay magiging marumi, na
gaya ng pagiging marumi ng kanyang karumihan. Sinumang humipo ng
mga bagay na iyon ay magiging marumi, at maglalaba ng kanyang mga
damit, at maliligo siya sa tubig, at magiging marumi hanggang sa
paglubog ng araw. Subalit kapag siya'y gumaling sa kanyang pagdurugo,
bibilang siya ng pitong araw, at pagkatapos niyon ay magiging malinis
siya. Sa ikawalong araw ay kukuha siya ng dalawang batu-bato o ng
dalawang batang kalapati, at dadalhin niya sa pari sa pintuan ng toldang
tipanan. Ihahandog ng pari ang isa bilang handog pangkasalanan, at ang
isa'y handog na sinusunog; at itutubos sa kanya ng pari sa harap ng
PANG/NOON, dahil sa kanyang maruming pagdurugo." Hindi lamang
isinusumpa ng Bibliya ang babae sa habambuhay na karumihan at
itinuturing siyang pinagmumulan ng karumihan; itinuturing oin siyang
isang makasalanang nakagawa ng isang krimeng nangangailangan ng
pagsisisi na para bang iyon ay kanyang pinili. Inilalarawan ng Bibliya ang
babae sa isang pinakaaba at pinakadustang kaparaanan. Sa I Timoteo 5:10,
itinuturing na "isang mabuting gawa" para sa isang biyudang hugasan ang
Q
V Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Naghatid sa Akin sa Islam
" ... At sila (mga kababihan) ay may karapatan (sa kanilang
mga asawa) katulad din ng mga karapatan ng kanilang mga
asawa sa kanila, kung ano ang makatwiran .. . " (2:228)
Ipinapayo rin ng Islam ang kabaitan sa mga magulang at
pagkikitungo sa kanila nang may pagkahabag kahit
nagkataong sila ay tutol sa Islam. Ipinahayag ng Allah:
"At ipinag-utos Namin sa tao na maging mabuti sa kanyang
mga magulang. Dinala siya sa sinapupunan ng kanyang ina
nang may panghihina at paghihirap, at ang pag-awat sa
kanya sa pagpapasuso ay pagkaraan ng dalawang taon.
Magpasalamat ka sa Allah at sa iyong mga magulang dahil
sa Akin ang iyong huling hantungan. Subali' t kapag pinipilit
ka nilang magtambal ng iba sa pagsamba sa Akin na hinggil
dito'y wala kang kaalaman, huwag mo silang sundin;
magkagayunma'y pakitunguhan mo pa rin sila nang may
kabutihan dito sa daigdig" (31:14-15).
Ang Islam ay nananawagan din na maging maamo at
mahabagin sa pakikitungo sa kapwa. Nasasaad sa isang Hadith:
"Ang Apoy (Impiyerno) ay ipinagbabawal sa sinumang
nakikitungo sa tao nang may kabaitan, pang-unawa at
habag, at siya ay malapit sa tao." (Imam Ahmad 3937)
Hinggil naman sa mga mabalasik, mapagmataas at walang
pakundangan, ibinilang sila ng Propeta ( ~) sa mga manana-hanan
sa Impiyemong-Apoy. (Muslim, bilang 7136)
mga paa ng isang banal. Siya ay masama (Zacarias 5:8) at marapat piliting
ipakasal sa kapatid ng kanyang namatay na asawa (Deuteronomio 25:5).
Hindi siya karapat-dapat sa manahan kung may mga kamag-anak na lalaki
(Deuteronomio 21:15-17 at Mga Bilang 27:1-11), at ang isang lalaki ay
may angking karapatang ipagbili ang kanyang anak na babae (Exodo
21:7). Bukod dito, ang babaeng diniborsyo ay pinagbabawalang magasawang
muli (Mateo 5:32).
Gc0
Ang Dakilang Pag-ibig Ko Kay Hesus Ang Nagbatid sa Akin sa Islam 'v
Ang Islam ay nagbibigay-dangal at gumagalang sa mga
karapatang pantao, at kung ilalapat lang ng tao ang mga batas ng
Shari'ah, tiyak na sila ay mamumuhay sa kapayapaan,
pagkakasundo at kasiyahan. Sinabi ni Propeta Muhammad ( ~ ):
"Ang nalugi mula sa aking sambayanan ay siya na darating
sa Araw ng Muling Pagkabuhay na may mga pagdarasal at
pag-aayuno at pagbibigay ng kawanggawa. Subali' t daladala
rin niya ang mga (masasamang gawa) dahil siya ay
nanghamak, nagsamantala o nang-abuso, nagnakaw,
nanakit, o pumatay ng kapwa. Kaya't lahat ng kanyang
pininsala o biktima ay kukunin sa kanya ang mga kabutihang • . ginawa niya upang ipambayad sa kasalanan kanyang ginawa
sa kanila. Kapag naubos na ang kanyang mabuting gawa at
may pagkakautang pa siya, ang kanilang mga masasamang
gawa ay idaragdag pa sa kanya hanggang sa siya ay itapon
sa Apoy ng lmpiyemo." (Muslim 6531)
Ang Islam ay nananawagan para sa katarungan at
pagpapaubaya maging sa kaaway. Ipinahayag ng Allah:
"O kayong mga mananampalataya! Maging matatag para sa
Allah bilang mga makatarungang saksi; at huwag hayaan na
ang poot at galit sa iba ang maging .sanhi ng paghadlang
ninyo sa katarungan. Maging makatarungan, ito ang higit na
malapit sa Taqwa (takot); at magkaroon ng Taqwa sa Allah ..
Katotohanan, Ang Allah ang Lubos na Nakababatid sa
inyong mga ginagawa." (Qur'an 5:8)
Ang Islam ay isang malawakang relihiyong tumutugon sa
mga pangangailangan ng isip, katawan at kaluluwa, at
naaangkop sa lahat ng tao sa lahat ng panahon at lugar. Ito ay