BAKIT ISLAM?
34
Ang Islam ay naglalagay ng mataas na kahalagahan ng
edukasyon nang walang anumang diskriminasyon. Ang
unang salita ng ipahayag ang Qur'an ay "Basahin."
“Basahin sa ngalan ng iyong Panginoon na lumikha.”
(Qur’an 96:1)
“Ang mga nakakaalam ba ay katulad ng mga hindi
nakakaalam?” (Qur’an 39:9)
“…, ang mga may kaalaman lamang sa Kanyang mga
alipin ang may takot sa Diyos.” (Qur’an 35:28)
“…, Si Allah ang mag-aangat ng antas sa inyo na
sumasampalataya at sa mga pinagkalooban ng
karunungan.” (Qur’an 58:11)
“Kapag namatay ang tao, ang kanyang mga gawain ay
natatapos maliban sa tatlo, ang patuloy na kawanggawa,
ang kaalaman na kapakipakinabang, o ang mabuting anak
na nananalangin para sa kanya (para sa namatay).” 14
“Pinapadali ng Diyos ang daan papuntang Kalangitan
(Paraiso) para sa tumatahak sa landas ng kaalaman.” 15
________________________
14 Sahih Muslim.
15 Sahih Muslim.
BAKIT ISLAM?
35
6. Inalis ng Islam ang pasanin ng orihinal na
kasalanan
“Ang Propeta Muhammad ay nagsabi, “Ang bawat
sanggol ay ipinanganak ng may tunay na
pananampalatayang Islam (bilang Monotheist,
sumasamba lamang sa kanyang Tagapaglikha na walang
tagapamagitang pari, santo, rebulto, propeta). Ang
kanyang mga magulang ang gumawa sa kanyang Judio, o
Kristiyano, o Magian (pagano).” 16
Ang bawat sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan.
Ang aral para sa sangkatauhan ay ang unang halimbawa ng
pagpapatawad noong tinanggap ng Diyos ang pagsisisi ni
Adan dahil sa pagkain ng ipinagbabawal na prutas.
1. Ang bawat kaluluwa ay nagdadala ng pasanin ng sarili
nitong kasalanan. Ipinapakita nito ang katarungan ng
Diyos. Ang mga tao ay hindi masisisi sa mga kasalanan
na hindi nila nagawa, at hindi rin sila makakakuha ng
kaligtasan kung sila ay mga gumagawa ng masama sa
mundo.
_________________________
16 Sahih Bukhari.
BAKIT ISLAM?
36
2. Walang pinahirapan para sa isang kasalanan na hindi
niya ginawa. Hindi mo isasakripisyo ang isang bata
upang mapatawad ang kasalanan ng iba. Ang buhay ay
isang pagsubok at ang bawat kaluluwa ay may
pananagutan sa kanyang sariling mga gawa.
"At walang sinumang may sala ang maaaring magdala
ng sala ng iba. At kung sinuman ang nabibigatan at
tumawag siya ng iba (upang dalhin) ang kanyang pasan,
kahit na ang isang maliit na bahagi nito ay hindi
maaaring dalhin (ng iba), maging ito man ay malapit sa
kanya (kamag-anak). Ikaw (O Muhammad) ay
makapagbabala lamang sa kanila na nangangamba sa
kanilang Panginoon na hindi (nila) nakikita at
nagsasagawa ng Salah (takdang pagdarasal). At
sinuman ang nagpapadalisay sa kanyang sarili (sa lahat
ng mga kasalanan) ay nagpapadalisay lamang sa
kanyang sarili (para sa kapakanan) ng kanyang
kaluluwa; at ang Huling Hantungan ng lahat ay kay
Allah." (Qur'an 35:18)17
________________________
17 "Hindi dapat parusahan ng kamatayan ang mga magulang dahil sa
krimeng nagawa ng anak ni ang anak dahil sa krimeng nagawa ng
magulang; ang mismong may sala lamang ang siyang dapat patayin."
(Deuteronomio 24:16, MBBTAG)
BAKIT ISLAM?
37
7. Inilalagay ng Islam ang tao sa pagkakaisa sa
sansinukob (universe)
Ang Islam na mayroong tuwirang koneksyon sa Lumikha ay
ang likas na relihiyon ng lahat ng nilikha. Ang lahat ng
nilikha sa araw at gabi ay pumupuri sa Lumikha.
"Sila ba ay naghahanap ng iba pang relihiyon maliban sa
Relihiyon ni Allah, samantalang sa Kanya ay tumatalima
ang lahat ng mga nilikha sa kalangitan at kalupaan nang
bukal sa kalooban at hindi bukal sa kalooban, at silang
lahat sa Kanya ay magbabalik?" (Qur'an 3:83)
"At kay Allah lamang nagpapatirapa ang sinumang nasa
kalangitan at kalupaan, nang maluwag sa kalooban o
hindi bukal sa kalooban, at gayundin ang kanilang mga
anino sa umaga at hapon." (Qur'an 13:15)
BAKIT ISLAM?
38
8. Ang Islam ay nag-aanyaya sa kahinhinan at
kalinisang-puri
Sa mundo na dumadami ang kawalan ng moralidad at
pagkasira ng mga kabutihang-asal ng pamilya, ang mga
talata ng Banal na Aklat na Qur'an ay dumating upang
malutas ang mga problema.
“O Angkan ni Adan! Kami ay nagkaloob ng saplot sa inyo
upang inyong takpan ang inyong sarili at bilang isang
palamuti. Datapuwa’t ang saplot ng kabutihan ang higit
na mainam. Ito ay ilan sa Ayat (mga katibayan, aral,
kapahayagan, tanda, atbp.) ni Allah, upang sila ay
makaala-ala (alalaong baga, iwanan ang Kabulaanan at
sundin ang Katotohanan).” (Qur’an 7:26)
“Ipahayag sa mga sumasampalatayang lalaki na ibaba
nila ang kanilang paningin (umiwas sa pagtingin sa mga
ipinagbabawal), at pangalagaan ang kanilang pribadong
bahagi (ng katawan, sa mga ipinagbabawal na relasyong
seksuwal, atbp.). Ito ay higit na dalisay para sa kanila.
Katotohanang si Allah ang Ganap na Nakakaalam ng
kanilang ginagawa.
BAKIT ISLAM?
39
At ipahayag sa mga sumasampalatayang babae na ibaba
nila ang kanilang paningin (sa pagtingin sa mga
ipinagbabawal na bagay) at pangalagaan ang kanilang
pribadong bahagi (ng katawan, sa mga ipinagbabawal
na relasyong seksuwal, atbp.) at huwag ilantad ang
kanilang mga palamuti maliban (lamang) kung ano ang
sadyang nakalitaw (katulad ng palad, o mata o dalawang
mata upang makita ang daan, o ang panglabas na
kasuutan katulad ng belo o takip ng ulo, guwantes, atbp.)
at iladlad ang kanilang belo sa buong Juyubihinna
(alalaong baga, sa kanilang katawan, mukha, leeg,
dibdib, atbp.) at huwag ilantad ang kanilang palamuti
maliban lamang sa kanilang asawa, sa kanilang ama, sa
ama ng kanilang asawa, sa kanilang anak na lalaki, sa
anak na lalaki ng kanilang asawa, sa kanilang kapatid na
lalaki at sa mga anak na lalaki ng kanilang kapatid, o sa
mga anak na lalaki ng kanilang kapatid na babae, o sa
mga kababaihang [Muslim], (alalaong baga, sa kanilang
mga kapatid na babae sa Islam), o sa mga (babaeng)
alipin na angkin ng kanilang kanang kamay, o mga
katulong na matatandang lalaki na hindi na mapusok, o
maliliit na batang (lalaki) na wala pang muwang sa
kahihiyan sa bagay na seksuwal. At huwag hayaan na
ipadyak nila ang kanilang paa upang malantad ang
BAKIT ISLAM?
40
anumang natatago nilang palamuti. Magbalik-loob kayo
kay Allah sa pagsisisi, lahat kayo, o mga
sumasampalataya, upang kayo ay magtagumpay.”
(Qur’an 24:30-31)
“O Propeta! Sabihin mo sa iyong mga asawa at mga anak
na babae at sa mga sumasampalatayang babae na hindi
nila dapat hubarin ang kanilang panglabas na kasuutan
sa kanilang katawan (alalaong baga, ganap nilang
balutin ang kanilang sarili ng kulambong at balabal
maliban lamang sa mga mata upang kanilang makita
ang daan, kung sila ay lumalabas ng bahay). Ito ay higit
na mainam at magaan na sila ay malaman (bilang mga
malaya at kagalang-galang na kababaihan), upang sila
ay hindi abusuhin. At si Allah ay Laging Nagpapatawad,
ang Pinakamaawain.”
(Qur’an 33:59)
BAKIT ISLAM?
41
9. Ang Islam ay batay sa balanse, katamtaman,
pamamagitan at pagpapaubaya
“Kaya’t Aming ginawa kayo na isang makatarungan at
pinakamainam na Pamayanan upang kayo ay maging
mga saksi sa sangkatauhan, at ang Tagapagbalita
(Muhammad) ay maging saksi sa inyong sarili.” (Qur’an
2:143)
“Sa inyo ang inyong pananampalataya at sa akin ang
tunay na Daan ng Pananampalataya (pagsamba kay
Allah at sa Kanyang Kaisahan, ang nag-iisang tunay na
Diyos).” (Qur’an 109:6)
“…., Katotohanang sila ay lagi nang maagap sa paggawa
ng mabubuti, at sila ay laging tumatawag sa Amin ng
may pag-asa at pangangamba, at sila ay lagi nang
nagpapakumbaba sa Aming harapan.” (Qur’an 21:90)
“O Angkan ni Adan! Maglagay kayo ng palamuti (sa
pamamagitan ng pagsusuot ng malinis na damit),
habang nagdarasal at lumalakad nang palibot (ang
Tawaf) sa Ka’ba, at (kayo) ay kumain at uminom,
datapuwa’t huwag mag-aksaya sa pagiging maluho,
katiyakang Siya (Allah) ay hindi nalulugod sa mga
maluluho (aksayado).” (Qur’an 7:31)
BAKIT ISLAM?
42
“Sa bawat bansa (pamayanan) ay itinakda Namin ang
mga pangrelihiyong seremonya (alalaong baga, ang
pagsasakripisyo ng hayop sa panahon ng Pilgrimahe sa
tatlong araw nang pananatili sa Mina sa Makkah), na
dapat nilang sundin, kaya’t huwag hayaan sila (mga
pagano) na makipagtalo sa inyo sa mga bagay (na
katulad nang pagkain ng inialay na hayop at hindi ng
hayop na pinatay ni Allah sa natural na kamatayan),
datapuwa’t inyong anyayahan sila sa inyong Panginoon.
Katotohanan! Ikaw (O Muhammad) ay tunay na nasa
Matuwid na Landas (alalaong baga, sa tunay na
Relihiyon ng Islam at Kaisahan ni Allah). At kung sila ay
makipagtalo sa iyo (tungkol sa pagkakatay ng mga
sakripisyo), inyong sabihin: “Si Allah ang ganap na
nakakaalam ng inyong ginagawa.” “Si Allah ang hahatol
sa pagitan ninyo sa Araw ng Muling Pagkabuhay, tungkol
sa mga bagay na hindi ninyo pinagkakasunduan.”
(Qur’an 22:67-69)
“Kahabagan nawa ni Allah ang taong mapagparaya kung
nagtitinda, bumibili, at naniningil ng bayad.”18
________________________
18 Sahih Bukhari
BAKIT ISLAM?
43
10. Ang Islam ay Relihiyon ng habag, awa at
kapatawaran
“Sa Ngalan ni Allah, ang Pinakamahabagin, ang
Pinakamaawain” (Qur’an 1:1)
“Ipagbadya, O Aking mga alipin na nagkasala laban sa
kanilang sarili (sa pamamagitan nang paggawa nang
masasamang asal at kasalanan)! Huwag kayong
mawalan ng pag-asa sa Habag ni Allah; sapagkat
katotohanang si Allah ay nagpapatawad ng lahat ng
kasalanan. Katotohanang Siya ay Lagi nang
Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.” (Qur’an 39:53)
“Mayroon pa bang ibang ganti ang kabutihan maliban sa
kabutihan?” (Qur’an 55:60)
“At huwag gumawa ng kabuktutan sa kalupaan,
matapos na ito ay maitalaga sa ayos, at inyong
panikluhuran Siya ng may pangangamba at pag-asa.
Katiyakan, ang Habag ni Allah ay (laging) malapit sa mga
gumagawa ng kabutihan.” (Qur’an 7:56)
BAKIT ISLAM?
44
“Hindi isang kasalanan sa kanila, na mga mahihina o may
karamdaman o sila na walang kakayahan at walang
mapagkukunan upang gumugol (sa banal na digmaan
[Jihad]), kung sila ay matapat (sa kanilang tungkulin) kay
Allah at sa Kanyang Sugo. Walang anumang batayan (ng
hinaing) ang maaaring isumbat sa Muhsinun (mga
mapaggawa ng kabutihan). At si Allah ay Laging
Nagpapatawad, ang Pinakamaawain.” (Qur’an 9:91)
“At kung ang mga sumasampalataya sa Aming Ayat
(mga kapahayagan, aral, katibayan, tanda, atbp.) ay
lumapit sa iyo, sabihin: “Salamun alaikum (ang
kapayapaan ay sumainyo); ang inyong Panginoon ay
nagpasya ng Habag sa Kanyang Sarili.” (Qur’an 6:54)
“Nang ipasiya ng Diyos ang paglikha, sumulat Siya sa
Kanyang aklat na kasama Niya sa Kanyang Trono, Ang
Aking awa ay nangingibabaw sa Aking poot.” 19
_________________________
19 Sahih Sunan Ibn Majah
BAKIT ISLAM?
45
11. Ang Islam ay nananawagan para sa
pagkakapantay-pantay, pagkakaisa at nilabanan
ang diskriminasyon sa lahi
Pinarangalan ng Islam ang lahat ng tao anuman ang lahi,
kulay, kasarian o relihiyon.
“At katotohanang Aming pinarangalan ang mga anak ni
Adan, at Aming isinakay sila sa kalupaan at karagatan,
at Aming ginawaran sila ng At-Tayyibat (mga
pinahihintulutan at mabubuting bagay), at Aming
itinampok sila ng higit sa karamihan sa Aming mga
nilikha.” (Qur’an 17:70)
Sinusubukan ng Diyos ang bawat indibidwal batay sa
kanilang kabanalan at pagkamakatarungan, kabutihan.
“O sangkatauhan! Aming nilikha kayo mula sa isang
pares ng lalaki at babae, at Aming ginawa kayo sa
maraming bansa (pamayanan) at mga tribo upang
makilala ninyo ang isa't isa. Katotohanan, ang
pinakamarangal sa inyo sa paningin ni Allah ay (yaong
sumasampalataya) na may At-Taqwa (katangian ng
isang tunay na mananamlataya na may pag-aala-ala at
pagkatakot kay Allah, kabanalan at kabutihan).
BAKIT ISLAM?
46
Katotohanang si Allah ay Tigib ng Kaalaman at Lubos na
Nakababatid ng lahat ng bagay.” (Qur’an 49:13)
“Sinabi ni Propeta Muhammad, ‘Mga tao, ang inyong
Panginoon ay iisa at ang inyong ama ay iisa. Walang
kalamangan ang isang Arabo sa isang hindi Arabo, o isang
hindi Arabo sa isang Arabo, at ni ang maputi sa maitim, o
ang maitim sa maputi, maliban sa kabutihan, takot sa
Diyos. Hindi ko ba naihatid ang mensahe?’”20
Ang pagkakaisa at pagkakapantay-pantay ay binigyang diin
sa maraming ritual ng mga Muslim:
1. Sa pagdarasal, ang Muslim ay humahanay ayon sa
unang dumating ang unang paglingkuran. Walang
espesyal na lugar para sa mga dignitaryo at lahi ng hari.
2. Ang pagpapalaya ng alipin ay isang kabayaran sa mga
kasalanan sa Islam.
3. Sa Hajj o paglalakbay sa banal na lugar sa Makkah, ang
lahat ng mga lalaking Muslim, anuman ang antas o
katayuan, ay parehong nagsusuot ng simpleng puting tela
at nakikihalubilo na walang kaibahan sa pagsasagawa sa
mga ritual ng Hajj.
_________________________
20 Musnad Ahmad (Sahih)
BAKIT ISLAM?
47
Naniniwala ang mga Muslim na ang Ka’aba21 ang unang
lugar ng pagsamba na ginawa ng unang tao at propeta na
si Adam. Ito ay ginawa ulit sa parehas na pundasyon ni
Abraham at anak niyang si Ishmael na nagsimulang umikot
sa palibot ng Ka’aba sa pakaliwang direksyon.
Ang paggalaw na ito ay tumutugma o nagkakaisa sa
paggalaw ng mga planeta sa palibot ng araw, ang mga
electrons sa palibot ng nucleus, at ang sirkulasyon ng dugo
sa katawan ng tao.
__________________________
21Ang Ka’aba ay isang gusali na natatakpan ng itim na tela, na nasa
siyudad ng Makkah sa Saudi Arabia. Ito ay mayroong pinto ngunit
walang bintana. Walang nakalibing sa Ka'aba, ito ay silid dasalan hindi
libingan. Ang Muslim na nagdarasal sa loob ng Ka'aba ay maaaring
magdasal sa anumang direksiyon. Ang Ka'aba ay binuo o itinayo ng
ilang ulit. Ang mga Muslim ay naniniwala na ang pinakaimportanteng
tao na muling nagtayo ng Ka'aba ay si Propeta Abraham kasama ang
kanyang anak na si Ismael. Isang orihinal na bahagi ng panlabas na
pader ng Ka'aba ay ang itim na bato na pinaniniwalaan ng mga Muslim
na dumating sa mundo na kasabay ni Adan. Ang mga Muslim ay hindi
naniniwala na ang batong ito ay banal o nakakapagpagaling o espesyal
na kapangyarihan.
BAKIT ISLAM?
48
Naniniwala ang mga Muslim na ang sansinukob o universe,
ay pinupuri rin ang Lumikha. Ipinapakita nito ang
pagkakaisa sa paglikha ng sansinukob. Kapag nagsagawa
ng Hajj o Umrah, ginagawa ng mga Muslim ang Tawaf,
umiikot sila sa paligid ng Ka'aba tulad ni Propeta Abraham.
Bukod dito, kapag ang mga Muslim mula sa ilang bahagi ng
mundo ay nanalangin sa Lumikha sa direksyon ng Makkah
sumasama sila sa kanilang mga kapwa Muslim na
nananalangin sa ibang lugar sa mundo sa mga konsetriko,
concentric, mga pabilog na nakapalibot na mga tao,
sinasamba nila ang Diyos patungo sa parehong ispiritwal
na sentro.
Nangangahulugan ito na ang mga Muslim ay nananalangin
sa kanilang Lumikha sa lahat ng oras. Sa madaling salita,
kapag natapos ng ilang Muslim ang kanilang 5 minuto na
panalangin sa isang lugar, sinisimulan naman ng ibang
Muslim ang kanilang 5 minuto sa ibang lugar. Ang mga oras
ng pagdarasal ay nakasalalay sa pagsikat ng araw at
paglubog ng araw at kasabay na nangyayari sa mga
paggalaw ng mga peregrino sa Makkah, na naaayon din sa
paggalaw ng uniberso.
BAKIT ISLAM?
49
12. Ang Islam ay Relihiyon ng Kalayaan
➢ Kalayaan sa Pagpili ng Relihiyon
Isa sa pangunahing karapatan sa Islam ay ang kalayaan ng
bawat isa na pumili ng relihiyon ayon sa kanyang nais
yakapin.
“Walang sapilitan sa [pagtanggap ng] relihiyon.
Katotohanan, ang matuwid [na landas] ay malinaw
kaysa sa lihis [maling landas]. Kaya, sinuman ang dimaniwala
sa mga taaghoot (lahat ng sinasamba bukod
sa Allah) at maniwala sa Allah, tunay na siya ay
tumangan sa matibay na hawakan [o sa
pananampalatayang] kailanman ay hindi mapuputol. At
si Allah ay Lubos na Nakaririnig, Maalam.” (Qur'an 2:256)
➢ Pagsugpo sa Pang-aalipin
Sa panahong bago ang Islam, ang mga alipin ay mga
produktong pangkalakal at ito ay isang matatag na sistema.
Ito ay pinanggagalingan ng kabuhayan para sa libu-libo. Sa
mga Aristokrasya, ang bilang ng alipin ay simbolo ng
katayuan sa lipunan. Sa Islam, maaaring gamitan ito ng
pwersa upang matupad ang nais nito subalit ito ay walang
dudang makakapagdulot ng galit o poot. Ang paglaban ng
BAKIT ISLAM?
50
Islam sa Pang-aalipin ay naglayon na mabago ang paguugali
at pananaw ng buong lipunan, sakaling malagpasan
niya ito, ang isang alipin ay maaaring maging isang ganap
na tagasunod na walang anumang banta ng
demonstrasyon, pagwewelga, pagtanggi sa pagsunod sa
batas, pag-aaklas ng lahi, upang sabihin na ang Islam ay
nagsagawa ng isang digmaan laban sa pagkaalipin kung
saan ang tabak ay hindi ginamit, o ang dugo ay dumaloy.
Islam laban sa Pang-aalipin ay gumamit ng tabak, o dugong
dumaloy. Ang mithiin ng Islam ay masupil ang pinaguugatan
ng kalaban at makapagsimula ng isang alyansa sa
pamamagitan ng pagpukaw sa likas na hilig ng kanyang
tagasunod.
Bago dumating ang Islam, ang Pang-aalipin ay walang
paghihigpit. Ang sinumang di makabayad ng kanyang
pagkakautang ay maaaring maging alipin; ang mga
mahuhuli sa labanan ay maaaring mamatay o alipinin. Ang
mga tumakas na alipin ay maaaring hanapin tulad ng isang
hayop, patayin o mahuli. Sa Islam ay ipinagbawal sa mga
tagasunod nito ang pag-aalipin ng tao sa kahit anumang
sitwasyon.
BAKIT ISLAM?
51
Ang Pinagmulan ng mga Alipin Bago dumating ang Islam
ay ang mga sumusunod:
➢ Ang mga mananakop ay maaari nilang gawin anuman
ang kanilang nais sa mga nalupig na kaaway. Ang mga
naarestong sundalo ay maaari nilang patayin,
maparusahan sa pamamagitan ng pang-aalipin o kung
hindi naman ay panatilihin ito sa ilalim ng kanilang
awtoridad.
➢ Ang pinuno ay maaaring mang alipin, depende sa
kanyang di mahamon na nais, sa sinumang
naninirahan sa ilalim ng kanyang nasasakupan.
➢ Ang ama o lolo ay may kapangyarihan sa kanyang mga
anak. Maaari niyang ipagbili o ipang-alay sila; isangla
sa kaninuman, o ipagpalit sa ibang anak na lalaki o
babae.
Sa panahon ng Islam, tuluyang naalis ang huling dalawang
dahilan ng Pang-aalipin. Walang namumuno ang
pinahintulutang tratuhin ang kanyang mga sakop o supling
na maging alipin niya. Bawat indibidwal ay pinagkalooban
ng maayos na karapatan; para sa namumuno at
pinamumunuan, ang kanyang ninuno at mga supling nito
BAKIT ISLAM?
52
ay mamumuhay ayon sa itinakda ng relihiyon; at walang
sinumang susuway o lalabag ayon sa itinakdang limitasyon.
Hinigpitan ang unang dahilan kung saan ang
pinahihintulutan lamang ang pagkaalipin sa digmaang
laban sa hindi naniniwala na kaaway. Sa parehas na
pagkakataon, itinaas ng Islam ang estado ng isang alipin
bilang isang malayang mamamayan at binibigyan ng
maraming pamamaraan para makalaya ang mga alipin.
Bago sinimulan ng taga Kanluran ang kalakalan ng mga
alipin sa malakihang proporsyon (nang nagsimula ang
kolonisasyon), ang digmaan ang pangunahing
pinagkukunan ng mga alipin. Hindi pinahintulutan ng Islam
ang mga digmaang pagsalakay. Lahat ng mga labanan sa
panahon ni Propeta Muhammad ay pawang digmaan na
pagtatanggol.
Sa mga labanang pinilit ang mga Muslim, iniutos ni Propeta
Muhammad ang maayos na pagtrato sa mga bilanggo.
Maaaring silang magbayad ng maliit na halaga bilang tubos
sa kanilang kalayaan at sa walang pantubos (ang iba ay
nagtuturo sa mga kabataang Muslim kung paano magbasa
at magsulat bilang pantubos). May mga istriktong
kondisyon na dapat sundin: ang mga ina ay hindi dapat
BAKIT ISLAM?
53
ihiwalay sa kanilang mga anak, ang kapatid sa kapatid o
ang asawang lalaki sa kanyang asawa.
Matapos ito, ang Islam ay nagsimula ng aktibong
pangangampanya para palayain ang mga alipin, ang
gawaing pagpapalaya sa mga alipin ay paraan sa kabayaran
o kaparusahan sa maraming kasalanan. Kung ang isang tao
ay hindi nakapag-ayuno ng walang dahilan sa panahon ng
Ramadan, halimbawa, kinakailangan niyang magpalaya ng
isang alipin kada araw, bilang kabayaran sa kanyang pagaayuno.
Gayundin, ang isang alipin ay kailangang palayain kung
may paglabag sa mga panata, hindi sinasadyang pagpatay,
o hindi sinasadya sa pagkakasawi ng isang Muslim at iba
pang pagkakasala.
Ang layunin ng Islam dito ay maalis ang kasuklam-suklam
na sistema ng lipunan. Kung kaya, ang sinuma ng aliping
babae na magsilang ng anak sa kanyang among lalaki, ang
kanilang anak ay hindi maaaring ipagbili, at kung ang
kanyang amo ay mamatay, ang babaeng alipin ay magiging
ganap na malaya na sa pagka-alipin. Kabaligtaran sa lahat
ng nakaraang kaugalian, itinalaga ng Islam na ang anak ng
amo sa kanyang aliping babae ay dapat sundin ang
BAKIT ISLAM?
54
katayuan ng kanyang ama. Ang mga alipin ay binigyan ng
karapatan na tubusin ang kanyang sarili sa pamamagitan
ng pagbabayad ayon sa halagang napagkasunduan o
manilbihan ayon sa napagkasunduang takdang panahon.
“…At yaong mga humahanap ng kasunduan [ng paglaya]
mula sa sinumang [aliping] taglay ng inyong kanang
kamay – samakatuwid, gumawa ng kasunduan sa kanila
kung inyong nalalaman na taglay nila ang mabuting
kalooban at sila ay inyong bahaginan mula sa yaman ni
Allah na Kanyang ipinagkaloob sa inyo.” (Qur'an 24:33)
Kung ang alipin ay manghingi ng kopya ng kanilang
napagkasunduang kontrata, ito ay dapat tanggapin ng
kanyang amo. Itinakda ng Diyos ito bilang tungkulin ng
mga Muslim ng sa gayon ay matulungan nila ang mga alipin
upang matamo ang kalayaan.
Ipinag-uutos sa Islam na ang mga alipin na nagnanais ng
kalayaan ay mabigyan ng tulong mula sa kaban ng publiko.
Si Propeta Muhammad at ang kanyang mga kasamahan ay
nagbibigay ng pantubos sa mga alipin na mula sa
pananalapi ng estado. Kinikilala ng Qur'an ang kalayaan ng
mga alipin na isa sa mga pinapayagang gastusan ng limos
at kawanggawa. Kung ang alipin ay humingi ng kalayaan,
BAKIT ISLAM?
55
ang amo ay dapat pumayag at inutusan na bigyan ng
tulong ang alipin mula sa kanyang kayamanan. Ang alipin
ay dapat mamuhay ng marangal matapos makamit ang
kanyang kalayaan. Sa kabila ng kultura na nabatay sa pangaalipin,
ang Islam ay naglatag ng mga pamamaraan at
batas na pinakaepektibong paraan upang maalis ang
kasuklam-suklam na kaugalian.
BAKIT ISLAM?
56
13. Ang Islam ay Relihiyon ng Katarungan
Ang Islam ay nagdeklara ng prinsipyo ng katarungan sa
pakikitungo sa iba at mapanatili ang kanilang karapatan.
Ang di-makatarungan ay ipinahayag bilang katiwalian sa
mundo.
“… kaya inyong tuparin o ibigay ang tamang sukat at
tamang timbang at huwag bawasan sa mga tao ang mga
bagay na nararapat para sa kanila, at huwag kayong
gumawa ng katiwalian sa kalupaan pagkaraang ito ay
ginawang maayos. Iyan ay nakabubuti para sa inyo kung
tunay nga na kayo ay mga [tapat na] naniniwala.”
(Qur'an 7:85).
“O kayong mga naniwala, maging matatag kayo para sa
Allah, [bilang] mga saksi sa katarungan at huwag
ninyong hayaang ang suklam ng isang mamamayan ay
pumigil sa inyo mula sa pagiging makatarungan. Maging
makatarungan: Iyan ay higit na malapit sa pagkakaroon
ng takot [kay Allah] at matakot kayo si Allah.
Katotohanan si Allah ay Ganap na Nakababatid sa
anumang inyong mga ginagawa." (Qur'an 5:8)
BAKIT ISLAM?
57
" Katotohanan, si Allah ay nag-utos sa inyo na isauli ang
mga ipinagkatiwala sa mga kinauukulan [o nagmamayari]
nito; at kung kayo ay maghahatol sa pagitan ng mga
tao, kayo ay humatol nang makatarungan. Sadyang
pinagpapala ni Allah ang anumang itinagubilin sa inyo.
Katotohanan, si Allah ay Lagi nang Nakaririnig, Lubos na
Nakakikita." (Qur'an 4:58)
" Katotohanan, si Allah ay nag-uutos ng katarungan at
mabuting asal at pagbibigay [ng tulong at
pagmamalasakit] sa mga kamag-anak at nagbabawal ng
kahalayan at masamang asal at pang-aapi. Kayo ay
Kanyang pinagpapayuhan upang sakali kayo ay
mapaalalahanan." (Qur'an 16:90)
BAKIT ISLAM?
58
14. Ang Islam ay Pumoprotekta sa mga
Karapatan
- Karapatang Panlipunan ng Iba
Itinuturo ng Islam ang tungkulin sa lipunan alinsunod sa
kabutihan at pagsasaalang-alang sa ibang tao. Binigyang
diin sa Qur'an ang tiyak na asal ng kabutihan at
ipinaliwanag ang tungkulin at karapatan sa ibat-ibang
pakikipag-ugnayan.
Ipinahayag ni Propeta Muhammad, “Walang sinuman sa
inyo ang magkakaroon ng pananampalataya kung hindi
ninyo mamahalin ang inyong mga kapatid tulad ng
pagmamahal sa inyong sarili."22
"O kayong nagsisisampalataya! Kung kayo ay
pinagsabihan na maglaan ng lugar sa mga pagtitipon,
(magsikalat kayo) at magbigay ng puwang. Si Allah ang
magkakaloob ng (sapat) na lugar sa inyo (mula sa
Kanyang Habag). At kung kayo ay pagsabihan na
tumindig, magsitindig kayo. Si Allah ang mag-aangat ng
(akmang) hanay (at antas) sa inyo na sumasampalataya
at sila na pinagkalooban ng karunungan. At si Allah ang
Ganap na Nakababatid nang lahat ninyong ginagawa.”
(Qur'an 58:11)
__________________________
22 Sahih (Bukhari & Muslim)
BAKIT ISLAM?
59
"At kayo ay [dapat] mamuhay sa kanila nang may
kabaitan. Sapagka’t kung sila ay inyong kinamumuhian
marahil inyong kinamumuhian ang isang bagay at
ginagawa ni Allah dito ang maraming [kaakibat na]
kabutihan." (Qur'an 4:19)
"Sambahin ninyo si Allah at huwag kayong magtambal
ng anupaman sa Kanya. At gumawa ng mabuti sa inyong
mga magulang, at sa mga kamag-anakan, sa mga ulila,
sa mga mahihirap, sa mga malalapit na kapitbahay, sa
mga malalayong kapitbahay, sa inyong mga kasamahan,
sa mga manlalakbay, at sa mga [aliping] taglay ng
inyong kanang kamay [sa ilalim ng inyong
pangangasiwa]. Katotohanan, si Allah ay hindi
nagmamahal sa mga mapagmagaling [sa kapwa-tao] at
mapagyabang," (Qur'an 4:36)
"O kayong mga naniwala, huwag kayong pumasok sa
mga bahay na hindi ninyo [sariling] pamamahay
hanggang inyong matiyak ang kapahintulutan at inyong
mabati ang mga naninirahan [sa loob nito]. Iyan ay
nakabubuti para sa inyo; upang sakali kayo ay
mapaalalahanan." (Qur'an 24:27)
BAKIT ISLAM?
60
"At kung wala kayong matagpuang sinupaman sa loob,
huwag kayong pumasok hanggang maipagkaloob sa
inyo ang kapahintulutan. At kung sinabi sa inyo na, “Kayo
ay magsibalik,” samakatuwid, kayo ay magsibalik; ito ay
higit na dalisay para sa inyo. At si Allah ay Maalam sa
anumang inyong mga ginagawa." (Qur'an 24:28)
"O kayong sumasampalataya! Kung ang isang
mapaghimagsik at makasalanang tao ay dumatal sa inyo
na may hatid na anumang balita, inyong tiyakin ang
katotohanan, baka kayo ay makapinsala sa inyong
kapwa dahilan sa kawalan ng kaalaman, at sa bandang
huli ay mapuno kayo ng pagsisisi sa inyong nagawa."
(Qur'an 49:6)
"At kung ang dalawang pangkat sa lipon ng mga
sumasampalataya ay humantong sa isang tunggalian,
kung gayon, inyong pagkasunduin sila sa isa't isa,
datapuwa't kung ang isa sa kanila ay lumampas sa
hangganan ng pagmamalabis laban sa isa, kung gayon,
inyong labanan ang nagmamalabis hanggang sa ito ay
magbalik (sa pagsunod) sa kautusan ni Allah. Subali't
kung sila ay sumunod, kung gayon, kayo ay
makipagkasundo sa pagitan nila ng may katarungan at
maging pantay sa katarungan, sapagkat katotohanang si
BAKIT ISLAM?
61
Allah ay nagmamahal sa kanila na makatarungan."
(Qur'an 49:9)
"Katotohanan, ang mga sumasampalataya ay wala ng
iba maliban na isang pagkakapatiran (sa
Pananampalatayang Islam), kaya't makipagkasundo sa
pagitan ng inyong nagtutunggaliang mga kapatid, at
pangambahan ninyo si Allah upang kayo ay magkamit ng
Habag." (Qur'an 49:10)
"O kayong sumasampalataya! Huwag hayaan ang isang
pangkat sa inyong kalalakihan ay mangutya sa ibang
pangkat. Maaaring ang huli ay higit na mainam kaysa sa
una at huwag din namang hayaan na ang ilan sa inyong
kababaihan ay mangutya sa ibang kababaihan,
maaaring ang kinukutya ay higit na mainam kaysa sa
nangungutya. At huwag ninyong siraan ang bawat isa, at
huwag magtawagan sa nakasasakit na mga palayaw.
Napakasama ng pangalan [na nagpapahiwatig] ng
pagsuway pagkaraan ng [kanyang] paniniwala. At
sinuman ang hindi magsisisi – magkagayon, sila yaong
mga Dhalimun (mapaggawa ng kamalian, buktot,
buhong, atbp.). (Qur'an 49:11)
BAKIT ISLAM?
62
"O kayong sumasampalataya! Inyong iwasan ang
maraming pagdududa, katiyakang ang ilang pagdududa
(sa ilang katatayuan) ay mga kasalanan. At huwag
kayong magpamalas ng paninira (sa talikuran). Mayroon
bang isa sa inyo ang ibig na kumain ng laman ng patay
niyang kapatid? Tunay ngang kasusuklaman ninyo ito
(kaya't kamuhian ninyo ang panlalait sa talikuran),
datapuwa't inyong pangambahan si Allah, katotohanang
si Allah ang Tanging Isa na tumatanggap ng pagsisisi,
ang Pinakamaawain." (Qur'an 49:12)
BAKIT ISLAM?
63
- Pagpaparangal/Pagmamahal sa Magulang
"At ang iyong Panginoon ay nagtakda na wala kang
sasambahin maliban sa Kanya, at maging mabuti [sa
pakikitungo] sa mga magulang. Maging ang isa sa kanila
o silang dalawa ay kapwa umabot na sa katandaang
gulang. [Habang sila ay] nasa iyong piling, huwag kang
mangusap sa kanila ng [salitang kawalang-galang tulad
ng] “Uff,” at huwag mo silang hiyawan [o sigawan]
bagkus mangusap sa kanila ng salitang kapita-pitagan.
At iyong ibaba para sa kanilang dalawa ang diwa ng
kababaang-loob bilang habag, at [ikaw ay] magsabing:
“O aking Panginoon, kahabagan Mo po silang dalawa
tulad ng kanilang pag-aruga sa akin [nang ako ay]
musmos pa.” (Qur'an 17:23-24)
"At Aming itinagubilin sa tao ang magpakita ng
kabutihan at pagkamasunurin sa kanyang magulang. Sa
pagbabata ng sakit, ang kanyang ina ay nagdalang-tao
sa kanya, at sa hirap ay (kanyang) isinilang siya. Ang
pagpapalaki (pagpapasuso) sa kanya (bata) sa loob ng
tatlumpung buwan, at sa kalaunan, kung siya ay sumapit
BAKIT ISLAM?
64
na sa gulang ng hustong lakas at dumating na sa
apatnapung taon, siya ay nagsasabi: " O aking
Panginoon! Ako ay gawaran Ninyo ng lakas at
kakayahan upang ako ay magkaroon ng pasasalamat sa
Inyong mga biyaya na Inyong iginawad sa akin at sa
aking magulang, at upang ako ay makagawa ng
kabutihan, na magiging kalugod-lugod sa Inyo, at
gayundin naman, na ang aking mga anak ay maging
mabuti. Katotohanan, ako ay nagbabalik-loob sa Iyo [sa
pagsisisi] at katotohanan, ako ay kabilang sa mga
tumatalima [sa Iyo bilang Muslim)." (Qur'an 46:15)
- Mga Karapatan ng mga Kamag-anak
"At ibigay sa kamag-anak ang kanyang karapatan at sa
mga dukha at sa mga manlalakbay [na kinapos ng baon].
At huwag maglustay ng [walang kabuluhang]
paglustay." (Qur'an 17:26)
BAKIT ISLAM?
65
- Mga Karapatan ng mga Kapitbahay
"Hindi siya naniniwala, siya na ang kanyang kapitbahay
ay hindi ligtas sa kanyang nakakapinsalang ugali." 23
"Ang kapitbahay ay higit ang karapatan sa malapit na ariarian."
24
"Kapag gagawa kayo ng sabaw ay dagdagan ang tubig at
bigyan ninyo ang kapitbahay ninyo." 25
"Sinuman ang may lupa at gusto niyang ibenta, alukin
niya ang kanyang kapitbahay." 26
_________________________
23 Sahih Bukhari
24 Sunan Ibn Majah
25 Sunan Ibn Majah
26 Sunan Ibn Majah
BAKIT ISLAM?
66
➢ Mga Karapatan ng mga Ulila
"Kaya para sa ulila, huwag ninyo siyang apihin."
(Qur'an 93:9)
"At sila ay nagtatanong sa iyo tungkol sa mga ulila.
Sabihin: “Ang pagpapaunlad [tapat na pangangasiwa]
para sa kanila ay siyang pinakamabuti. At kung inyong
pagsasamahin ang inyong mga gawain [at yaman] sa
kanilang [yaman], [alalahaning] sila ay inyong mga
kapatid. At si Allah ay Nakababatid kung sino ang may
layon ng kasamaan at kung sino ang may layon ng
kabutihan. Kung nais lamang ng Allah, kayo ay Kanyang
magagawang isadlak sa kahirapan. Katotohanan, si
Allah ay Ganap na Makapangyarihan, Tigib ng
Karunungan.” (Qur'an 2:220)
"At kapag [sa oras ng pamamahagi o paghahatian ay]
naroroon ang [ibang] mga kamag-anak at mga ulila at
mga mahihirap, sila ay inyong bahaginan [ng anuman]
nito, at mangusap sa kanila ng mga pananalitang may
kabaitan." (Qur'an 4:8)
BAKIT ISLAM?
67
➢ Mga Karapatan ng mga Hayop
"Walang anumang [hayop na] umuusad sa lupa ni ibong
lumilipad sa pamamagitan ng mga pakpak nito malibang
mga kapisanang mga tulad ninyo. Wala Kaming
pinabayaan sa Aklat na anumang bagay. Pagkatapos ay
tungo sa kanilang Panginoon sila ay titipunin." (Qur'an
6:38)
"Isang babae ang pinarusahan noon (sa libingan)
pagkamatay niya dahil sa pusa na ikinulong niya
hanggang namatay at dahil dito siya ay nakapasok sa
impiyerno. Siya ay hindi nagbigay ng pagkain o inumin
habang ikinulong niya iyon, ni hindi niya pinalaya para
kumain ng mga nilalang sa lupa."27
"Isang lalake ang minsang pinatawad. Siya ay napadaan
sa isang humihingal na aso malapit sa balon. Malapit na
siyang mamatay dahil sa pagkauhaw, kaya hinubad niya
ang kanyang sapatos at kumuha ng tubig. Pinatawad ng
Diyos ang kanyang mga kasalanan dahil doon."28
_________________________
27 Sahih Bukhari
28 Sahih Bukhari & Muslim