Ang Kainaman ng Islām
3
Paksa: Ang Pagkakailangan ng Islām
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya):
{Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga malulugi.}1(Qur'ān 3:85)
Ang sabi pa ni Allāh (napakataas Siya):
{Na ito ay ang landasin Ko, tuwid, kaya sumunod kayo rito. Huwag kayong sumunod sa mga [ibang] landas para magpahiwa-hiwalay ang mga ito sa inyo palayo sa landas Niya.}2(Qur'ān 6:153)
Nagsabi si Mujāhid: "Ang mga [ibang] landas ay ang mga bid`ah at ang mga maling akala."
Ayon kay `Ā'is̆ah (malugod si Allāh sa kanya), ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: {"Ang sinumang nagpauso kaugnay sa nauukol sa aming ito ng hindi bahagi nito, ito ay
1 QUR'ĀN 3:85)
2 QUR'ĀN 6:153)
4
tatanggihan."}3Sa isang pananalita: {"Ang sinumang gumawa ng isang gawaing hindi ayon dito ang nauukol sa amin, ito ay tatanggihan."}4
Batay kay Al-Buk̆ārīy, ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {"Lahat ng kalipunan ko ay papasok sa Paraiso maliban sa sinumang umayaw." Sinabi: "At sino po ang aayaw?" Nagsabi siya: "Ang sinumang tumalima sa akin ay papasok sa Paraiso at ang sinumang sumuway sa akin ay umayaw nga."}5
Nasaad sa Ṣaḥīḥ, ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: {"Ang pinakakasuklam-suklam sa mga tao kay Allāh ay tatlo: isang naglalapastangan sa Pinagbabanalan, isang naghahangad sa Islām ng kalakaran ng Kamangmangan, at isang humihiling sa dugo ng isang taong Muslim nang walang karapatan upang padanakin ang dugo nito."}6(Nagsalaysay nito si Imām Al-Buk̆arīy.) Napabibilang dito ang bawat kamangmangang walang-takda o tinakdaan, na nasa isang tao na wala sa isa pang tao; o [kamangmangang] Hudyo-Kristiyano o pagano o iba sa dalawang ito kabilang sa lahat ng tagasalungat sa inihatid ng mga isinugo.
3 AL-BUK̆ĀRĪY, AṢ-ṢULḤ (2550); MUSLIM, AL-AQḌIYAH (1718); ABŪ DĀWUD, AS-SUNNAH (4606); IBNU MĀJAH, AL-MUQADDIMAH (14); AḤMAD (6/256).
4 AL-BUK̆ĀRĪY, AṢ-ṢULḤ (2550); MUSLIM, AL-AQḌIYAH (1718); ABŪ DĀWUD, AS-SUNNAH (4606); IBNU MĀJAH, AL-MUQADDIMAH (14); AḤMAD (6/256).
5 AL-BUK̆ĀRĪY, AL-I`TIṢĀM BI AL-KITĀB WA AS-SUNNAH (6851); MUSLIM, AL-IMĀRAH (1835); AḤMAD (2/361).
6 AL-BUK̆ĀRĪY, AD-DIYĀT (6488).
5
Nasaad sa Ṣaḥīḥ, ayon kay Ḥud̆ayfah (malugod si Allāh sa kanya), na nagsabi [ang Sugo]: "O katipunan ng mga tagabasa, magpakatuwid kayo, mangunguna nga kayo nang isang pangungunang malayo; ngunit kung lumiko kayo sa kanan at sa kaliwa, maliligaw nga kayo nang pagkaligaw na malayo."
Ayon kay Muḥammad bin Waḍḍāḥ: {Siya noon ay pumasok sa masjid saka tumindig sa mga umpukan saka nagsabi ng isang pagpapaalaala. Nagsabi siya: "Nagbalita sa amin si Ibnu `Uyaynah ayon kay Mujālid ayon kay As̆-S̆a`bīy ayon kay Masrūq." Nagsabi si `Abdullāh – tumutukoy siya kay Ibnu Mas`ūd: "Walang taon, malibang ang matapos nito ay higit na masama kaysa rito. Hindi ako nagsasabing may isang taon na higit na mabunga kaysa sa isang taon ni may isang pinuno na higit na mabuti kaysa sa isang pinuno; subalit ang paglaho ng mga maaalam ninyo at mga mabuti ninyo [ay higit na masama]. Pagkatapos may nagsasanaysay na mga tao na sumusukat sa mga usapin ayon sa mga pananaw nila para mawasak ang Islām at madurog ito."}
6
Paksa: Ang Pagpapakahulugan sa Islām
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya):
{Kaya kung nangatwiran sila sa iyo ay sabihin mo: "Nagpasakop ako ng mukha ko kay Allāh at ang sinumang sumunod sa akin."}7(Qur'ān 3:20)
Nasaad sa Ṣaḥīḥ, ayon kay Ibnu `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa), ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: {Ang Islām ay na sumaksi ka na walang Diyos kundi si Allāh at na si Muḥammad ay Sugo ni Allāh, magpanatili ka ng pagdarasal, magbigay ka ng zakāh, mag-ayuno ka sa Ramaḍān, at magsagawa ka ng ḥajj sa Bahay [ni Allāh] kung nakaya mong [magkaroon] patungo roon ng isang *landas.}8
Kaugnay rito, ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) batay sa ḥadīth na marfū`: "Ang Muslim ay ang sinumang naligtas ang mga Muslim mula sa dila niya at kamay niya."9
7 QUR'ĀN 3:20)
8 MUSLIM, AL-ĪMĀN (8); AT-TIRMID̆ĪY, AL-ĪMĀN (2610); AN-NASĀ'ĪY, AL-ĪMĀN WA S̆ARĀ’I`UHU (4990); ABŪ DĀWUD, AS-SUNNAH (4695); IBNU MĀJAH, AL-MUQADDIMAH (63); AḤMAD (1/52).
9 AT-TIRMID̆ĪY, AL-ĪMĀN (2627); AN-NASĀ'ĪY, AL-ĪMĀN WA S̆ARĀ’I`UHU (4995); AḤMAD (2/379).
7
Ayon kay Bahz bin Ḥakīm, ayon sa ama nito, ayon sa lolo nito: Na iyon ay nagtanong sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: {"[Ang Islām ay] na magpasakop ka ng puso mo kay Allāh, na magbaling ka ng mukha mo tungo kay Allāh, na magdasal ka ng iniatas na dasal, at magbigay ka ng isinatungkuling zakāh."}10Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.
Ayon kay Abū Qilābah, ayon kay `Amr bin `Abasah, ayon sa isang lalaking kabilang sa mga mamamayan ng Shām, ayon sa ama nito: {Iyon ay nagtanong sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kung ano ang Islām. Nagsabi siya: "Na magpasakop ka ng puso mo kay Allāh at maligtas ang mga Muslim mula sa dila mo at kamay mo." Nagsabi pa iyon: "Alin pong Islām ang pinakamainam?" Nagsabi siya: "Ang pananampalataya." Nagsabi iyon: "At ano po ang pananampalataya?" Nagsabi siya: "Na sumampalataya ka kay Allāh, sa mga anghel Niya, mga kasulatan Niya, mga sugo Niya, at pagbubuhay matapos ng kamatayan."}11
10 AN-NASĀ'ĪY, AZ-ZAKĀH (2436); AḤMAD (5/3).
11 AḤMAD (4/114).
8
Paksa: Ang Sabi ni Allāh (napakataas Siya): "Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya..." (Qur'ān 3:85)
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): Darating ang mga gawain sa Araw ng Pagbangon kaya darating ang pagdarasal saka magsasabi ito: "O Panginoon ko, ako ay ang pagdarasal." Kaya magsasabi Siya: "Tunay na ikaw ay nasa isang kabutihan." Pagkatapos darating ang pag-aayuno saka magsasabi Siya: "Tunay na ikaw ay nasa isang kabutihan." Pagkatapos darating ang mga gawain doon saka magsasabi Siya: "Tunay na ikaw ay nasa isang kabutihan." Pagkatapos darating ang Islām saka magsasabi ito: "O Panginoon ko, tunay na Ikaw ay ang Salām at ako ay ang Islām." Kaya magsasabi Siya: "Tunay na ikaw ay nasa isang kabutihan; dahil sa iyo, ngayong araw, kukuha Ako, at dahil sa iyo, magbibigay Ako." Nagsabi si Allāh (napakataas Siya):
"Ang sinumang naghahangad ng iba pa sa Islām bilang relihiyon ay hindi ito matatanggap mula sa kanya at siya sa Kabilang-buhay ay kabilang sa mga malulugi."}12(Qur'ān 3:85) Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.
12 QUR'ĀN 3:85)
9
Nasaad sa Ṣaḥīḥ, ayon kay `Ā'is̆ah (malugod si Allāh sa kanya), ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang sinumang gumawa ng isang gawaing hindi ayon dito ang nauukol sa amin, ito ay tatanggihan."13Nagsalaysay nito si Imām Aḥmad.
13 AL-BUK̆ĀRĪY, AṢ-ṢULḤ (2550); MUSLIM, AL-AQḌIYAH (1718); ABŪ DĀWUD, AS-SUNNAH (4606); IBNU MĀJAH, AL-MUQADDIMAH (14); AḤMAD (6/256).
10
Paksa: Ang Pagkakailangan ng Pagkakasya sa Pagsunod sa Kanya (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan) Palayo sa Bawat Iba sa Kanya
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya):
{Nagbaba Kami sa iyo ng Aklat bilang pagpapalinaw para sa bawat bagay,}14(Qur'ān 16:89)
Nagsalaysay si Imām An-Nasā'īy at ang iba pa sa kanya ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): {Siya ay nakakita sa kamay ni `Umar bin Al-K̆aṭṭāb (malugod si Allāh sa kanya) ng isang pahina mula sa Torah kaya nagsabi siya: "Kung sakaling si Moises ay buhay, wala siyang magagawa kundi ang sumunod sa akin."15Kaya nagsabi si `Umar: "Nalugod ako kay Allāh bilang Panginoon, sa Islām bilang Relihiyon, at kay Muḥammad bilang Propeta."}
14 QUR'ĀN 16:89)
15 AḤMAD (3/387); AD-DĀRIMĪY, AL-MUQADDIMAH (435).
11
Paksa: Ang Nasaad Kaugnay sa Paglabas sa Panawagan ng Islām
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya):
{Siya ay nagpangalan sa inyo na mga Muslim bago pa niyan at sa [ Qur’ān na] ito...}16(Qur'ān 22:78)
Ayon kay Al-Ḥārith Al-Ash`arīy (malugod si Allāh sa kanya), ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: {"Nag-uutos ako sa inyo ng lima, na si Allāh ay nag-utos sa akin ng mga ito: ang pagdinig, ang pagtalima, ang pakikibaka, ang paglikas, at ang bukluran sapagkat tunay na ang sinumang nakipaghiwalay sa bukluran nang kasukat ng isang dangkal ay naghubad nga ng bigkis ng Islām mula sa leeg niya maliban na bumalik siya. Ang sinumang nanawagan ng panawagan ng Kamangmangan, tunay na siya ay kabilang sa bunton ng Impiyerno." Kaya may nagsabing isang lalaki: "O Sugo ni Allāh, kahit pa po nagdasal siya at nag-ayuno siya?" Nagsabi siya: "Kahit pa nagdasal siya at nag-ayuno siya. Kaya dumalangin kayo kay Allāh na nagpangalan sa inyo na mga Muslim at mga mananampalataya na mga lingkod ni Allāh."}17Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad (6/256) at Imām At-Tirmid̆īy at nagsabing maganda na tumpak ito.
16 QUR'ĀN 27:78)
17 AT-TIRMID̆ĪY, AL-AMT̆ĀL (2863); AḤMAD (4/130).
12
Nasaad sa Ṣaḥīḥ: {"ang sinumang nakipaghiwalay sa bukluran nang isang dangkal, ang pagkamatay niya ay kamangmangan"}18at kaugnay rito: {"Kayo ay nanawagan] ba ng panawagan ng Kamangmangan samantalang ako nasa pagitan ng mga likod ninyo?"} {Nagsabi si Abul`abbās: "Ang bawat lumalabas palayo sa panawagan ng Islām at Qur'ān gaya ng [panawagan ng] isang kaangkanan o isang bayan o isang lahi o isang ideyolohiya o isang pamamaraan, ito ay kabilang sa pag-alo ng Kamangmangan; bagkus noong may nagkahidwaan na isang Tagalikas at isang Tagaadya, nagsabi ang Tagalikas: "O talagang ang mga Tagalikas!" at nagsabi ang Tagaadya: "O talagang ang mga Tagaadya!" Nagsabi naman siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "[Kayo ay nanawagan] ba ng panawagan ng Kamangmangan samantalang ako ay nasa pagitan ng mga likod ninyo?"} Nagalit siya dahil doon nang matinding pagkagalit. Nagwakas ang pananalita niya.
18 AL-BUK̆ĀRĪY, AL-FITAN (6646); MUSLIM, AL-IMĀRAH (1849); AḤMAD (1/297); AD-DĀRIMĪY, AS-SAYR (2519).
13
Paksa: Ang Pagkakailangan ng Pagpasok sa Islām sa Kabuuan Nito at ang Pag-iwan ng Iba Rito
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya):
{O mga sumampalataya, magsipasok kayo sa Islām nang lubusan...}19(Qur'ān 2:208)
Ang sabi pa ni Allāh (napakataas Siya):
{Hindi ka ba nakaalam sa mga nag-aangkin na sila ay sumampalataya raw sa pinababa sa iyo at pinababa bago mo pa?}20(Qur'ān 4:60)
Ang sabi pa ni Allāh (napakataas Siya):
19 QUR'ĀN 2:208)
20 QUR'ĀN 4:60)
14
{Sa Araw na may mamumuting mga mukha at mangingitim na mga mukha.}21(Qur'ān 3:106)
Nagsabi si Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanya): "Mamumuti ang mga mukha ng mga alagad ng sunnah at pagkakasundo at mangingitim ang mga mukha ng mga alagad ng mga bid`ah at pagkakaiba-iba."
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Talagang pupunta nga sa kalipunan ko ang pumunta sa mga anak ni Israel nang kahugis ng sandalyas sa sandalyas hanggang sa kung naging mayroon sa kanila na makikipagtalik sa ina niya nang hayagan, magiging mayroon sa Kalipunan ko na gagawa niyon. Tunay na ang mga anak ni Israel ay nagkahati-hati sa pitumpu't dalawang kapaniwalaan."}22Ang kalubusan ng ḥadīth ay ang sabi niya: {"Magkakahati-hati naman ang Kalipunang ito sa pitumpu't tatlong pangkat, na lahat sila ay sa Apoy maliban sa nag-iisang kapaniwalaan." Nagsabi sila: "Ano po iyon, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Ang anumang ako ay nakabatay roon at ang mga Kasamahan ko."}23Kay gandang pangaral na sumang-ayon mula sa mga puso ang isang buhay! Nagsalaysay nito si Imām At-Tirmid̆īy at nagsalaysay rin nito siya mula sa ḥadīth ni Mu`āwiyah sa ganang kina Imām Aḥmad at Imām Abūh Dāwud. Kaugnay rito: "Tunay na may lalabas sa Kalipunan ko na mga taong magdadaluyan sa kanila ang mga pithayang iyon kung
21 QUR'ĀN 3:106)
22 AT-TIRMID̆ĪY, AL-ĪMĀN (2641).
23 AT-TIRMID̆ĪY, AL-ĪMĀN (2641).
15
paanong nagdadaluyan ang kamandag ng aso sa nagtataglay nito kaya walang natitira mula roon na isang ugat ni isang kasukasuan malibang nakapasok ito roon." Nauna na ang sabi niya: "isang naghahangad sa Islām ng kalakaran ng Kamangmangan"
16
Paksa: Ang Nasaad na ang Bid`ah ay Higit na Matindi Kaysa sa Malalaking Kasalanan
Batay sa sabi Niya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan):
{Tunay na si Allāh ay hindi *nagpapatawad na tambalan Siya at magpapatawad naman Siya sa anumang mababa pa roon sa sinumang loloobin Niya.}24(Qur'ān 4:48)
Ang sabi pa Niya (napakataas Siya):
{...upang magbuhat sila ng mga pasanin nila nang buo sa Araw ng Pagbangon at ng bahagi ng mga pasanin ng mga pinaliligaw nila nang walang kaalaman. Pansinin, kay sagwa ang pinapasan nila!}25(Qur'ān 16:25)
24 QUR'ĀN 4:48)
25 QUR'ĀN 16:25)
17
Nasaad sa Ṣaḥīḥ na siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi kaugnay sa Khawārij: "Saanman kayo nakatagpo sa kanila, patayin ninyo sila."26
Kaugnay rito, siya ay sumaway laban sa pagpatay sa mga pinuno ng pang-aapi hanggat nagdarasal sila.
Ayon kay Jarīr, ayon kay `Abdullāh: {May isang lalaking nagkawanggawa ng isang kawanggawa, pagkatapos nagsunuran ang mga tao kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Ang sinumang nagsakalakaran sa Islām ng isang magandang kalakaran, ukol sa kanya ang pabuya nito at ang pabuya ng sinumang gumawa ayon dito nang matapos niya nang walang nabawas mula sa mga pabuya nila na anuman. Ang sinumang nagsakalakaran sa Islām ng isang masagwang kalakaran, laban sa kanya ang pabigat nito at ang pabigat ng sinumang gumawa ayon dito nang walang nabawas mula sa mga pabigat nila na anuman."}27Nagsalaysay nito si Imām Muslim.
Batay sa kanya mula sa ḥadīth ni Abū Hurayrah at sa isang pagkakasalita: "Ang sinumang nag-aanyaya tungo sa patnubay...Ang sinumang nag-anyaya tungo sa kaligawan..."28
26 AL-BUK̆ĀRĪY, AL-MANĀQIB (3415); MUSLIM, AZ-ZAKĀH (1066); AN-NASĀ'ĪY, TAḤRĪM AD-DAM (4102); ABŪ DĀWUD, AS-SUNNAH (4767); AḤMAD (1/131).
27 MUSLIM, AZ-ZAKĀH (1017); AT-TIRMID̆ĪY, AL-`ILM (2675); AN-NASĀ'ĪY, AZ-ZAKĀH (2554); IBNU MĀJAH, AL-MUQADDIMAH (203); AḤMAD (4/359); AD-DĀRIMĪY, AL-MUQADDIMAH (514).
28 MUSLIM, AL-`ILM (2674); AT-TIRMID̆ĪY, AL-`ILM (2674); ABŪ DĀWUD, AS-SUNNAH (4609); AḤMAD (2/397); AD-DĀRIMĪY, AL-MUQADDIMAH (513).
18
Paksa: Ang Nasaad na Si Allāh ay Nagpigil ng Pagbabalik-loob sa Tagagawa ng Bid`ah
Ito ay naisalaysay mula sa ḥadīth ni Anas mula sa mga ipinamensahe ni Al-Ḥasan:
Bumanggit si Ibnu Waḍḍāḥ ayon kay Ayyūb na nagsabi: {Sa piling namin noon ay may isang lalaking nag-oopinyon ng isang opinyon saka umiwan siya nito. Kaya pumunta ako kay Muḥammad bin Sīrīn saka nagsabi ako: "Nakaramdam ka ba na si Polano ay nag-iwan ng opinyon niya?" Nagsabi siya: "Tumingin ka sa ano? Tunay na ang kahuli-hulihan sa pag-uusap ay higit na matindi sa kanila kaysa kauna-unahan nito: Lalampas sila mula sa Islām, pagkatapos hindi sila manunumbalik doon.}29Tinanong si Aḥmad bin Ḥanbal tungkol sa kahulugan niyon, kaya nagsabi siya: "Hindi siya maitutuon sa pagbabalik-loob."
29 AL-BUK̆ĀRĪY, AT-TAWḤĪD (6995); MUSLIM, AZ-ZAKĀH (1064); AN-NASĀ'ĪY, AZ-ZAKĀH (2578); ABŪ DĀWUD, AS-SUNNAH (4764); AḤMAD (3/68).
19
Paksa: Ang Sabi ni Allāh (Napakataas Siya): {O mga May Kasulatan, bakit kayo nakikipagkatwiran hinggil kay Abraham...}
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya):
{O mga May Kasulatan, bakit kayo nakikipagkatwiran hinggil kay Abraham...}30(Qur'ān 3:65)
hanggang sa sabi Niya:
{at hindi siya naging kabilang sa mga tagapagtambal [kay Allāh].}31(Qur'ān 3:67)
Ang sabi pa Niya:
30 QUR'ĀN 3:65)
31 QUR'ĀN 3:67)
20
{Sino ang nasusuya sa kapaniwalaan ni Abraham kundi ang nagpahangal sa sarili niya? Talaga ngang humirang Kami sa kanya sa Mundo. Tunay na siya sa Kabilang-buhay ay talagang kabilang sa mga maayos.}32(Qur’an 2:130)
Kaugnay rito ang ḥadīth tungkol sa Khawārij at nauna nang nabanggit. Nasaad dito na siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ang angkan ng ama ko," tumutukoy siya kay Polano, "ay hindi para sa akin mga katangkilik; tanging ang mga katangkilik ko ay ang mga tagapangilag magkasala."33
Kaugnay rito rin, ayon kay Anas: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay binanggitan na ang isa sa mga Kasamahan ay nagsabi: "Hinggil sa akin, hindi ako kakain ng karne." Nagsabi ang isa pa: "Hinggil sa akin, magdarasal ako [sa buong gabi] at hindi ako matutulog." Nagsabi ang iba pa: "Hinggil sa akin, mag-aayuno ako at hindi ako titigil-ayuno." Kaya naman nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Subalit ako ay nagdarasal sa gabi at natutulog, nag-aayuno at tumitigil-ayuno, at nag-aasawa ng mga babae at kumakain ng karne. Kaya ang sinumang umayaw sa sunnah ko, siya ay hindi kabilang sa akin."}34 Kaya magnilay-nilay ka. Nang ang ilan sa mga Kasamahan ay nagnais ng pagpapakasakit para sa pagsamba, sinabi kaugnay rito ang matigas na pananalitang ito at tinawag ang paggawa niyon na
32 QUR'ĀN 2:130)
33 AL-BUK̆ĀRĪY, AL-ADAB (5644); MUSLIM, AL-ĪMĀN (215); AḤMAD (4/203).
34 AL-BUK̆ĀRĪY, AN-NIKĀḤ (4776); MUSLIM, AN-NIKĀḤ (1401); AN-NASĀ'ĪY, AN-NIKĀḤ (3217); AḤMAD (3/285).
21
isang pag-ayaw sa sunnah. Kaya ano ang palagay mo sa iba pa rito na mga bid`ah at ano ang palagay mo sa iba pa sa mga Kasamahan?
22
Paksa: Ang Sabi ni Allāh (Napakataas Siya): {Kaya magpanatili ka ng mukha mo para sa Relihiyon bilang makatotoo.}
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya):
{Kaya magpanatili ka ng mukha mo para sa Relihiyon bilang makatotoo. [Mamalagi sa] naturalesa ni Allāh na nilalang Niya ang mga tao ayon dito. Walang pagpapalit para sa pagkakalikha ni Allāh. Iyon ay ang Relihiyong matuwid, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi nakaaalam.}35(Qur'ān 30:30)
Ang sabi pa Niya (napakataas Siya): {Nagtagubilin niyon si Abraham sa mga anak niya, at si Jacob:
"O mga anak ko, tunay na si Allāh ay humirang para sa inyo ng relihiyon kaya huwag nga kayong mamamatay malibang
35 QUR'ĀN 30:30)
23
habang kayo ay mga tagapagpasakop [sa Kanya]."}36(Qur'ān 2:132)
Ang sabi pa Niya:
{Pagkatapos nagkasi Kami sa iyo na sumunod ka sa kapaniwalaan ni Abraham bilang makatotoo. Hindi siya noon kabilang sa mga tagapagtambal.}37(Qur'ān 16:123)
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya), ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Tunay na bawat propeta ay may mga kalapit mula sa mga propeta at tunay na ang kalapit ko mula sa kanila ay ang ama kong si Abraham at ang matalik na kaibigan ng Panginoon ko."38Pagkatapos bumigkas siya [mula sa Qur'ān]:
{Tunay na ang pinakamalapit sa mga tao kay Abraham ay talagang ang mga sumunod sa kanya, ang Propetang ito, at ang mga sumampalataya. Si Allāh ay ang Katangkilik ng mga
36 QUR'ĀN 2:132)
37 QUR'ĀN 16:123)
38 AT-TIRMID̆ĪY, TAFSĪR AL-QUR'ĀN (2995); AḤMAD (1/430).
24
mananampalataya.}39(Qur'ān 3:68) Nagsalaysay nito si At-Tirmid̆īy.
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na si Allāh ay hindi tumitingin sa mga katawan ninyo ni sa mga anyo ninyo subalit tumitingin Siya sa mga puso ninyo at mga gawa ninyo."}40
Batay sa kanilang dalawa, ayon kay Ibnu Mas`ūd na nagsabi na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Ako ay pauna sa inyo sa Lawa at talagang may iaangat nga tungo sa akin na mga lalaking kabilang sa Kalipunan ko; hanggang sa kapag nag-abot ako [ng tubig] upang magpasa ako sa kanila [nito] ay hahatakin sila palayo sa akin, kaya magsasabi ako: O Panginoon ko, mga Kasamahan ko [sila]. Kaya sasabihin: Tunay na ikaw ay hindi nakaaalam ng ipauuso nila matapos mo."41
Batay sa kanilang dalawa, ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi: "Nagmithi ako na tayo ay nakakita nga sa mga kapatid natin." Nagsabi sila: "At hindi po ba kami ay mga kapatid mo, O Sugo ni Allāh?" Nagsabi siya: "Kayo ay mga Kasamahan ko at ang mga kapatid ko ay ang mga hindi pa dumating." Nagsabi sila: "Ngunit papaano ka pong makakikilala sa hindi pa dumating kabilang sa Kalipunan mo?"
39 QUR'ĀN 3:68)
40 MUSLIM, AL-BIRR WA AṢ-ṢILAH WA AL-ĀDĀB (2564).
41 AL-BUK̆ĀRĪY, AL-FITAN (6642); MUSLIM, AL-FAḌĀ'IL (2297); IBNU MĀJAH, AL-MANĀSIK (3057); AḤMAD (5/383).
25
Nagsabi siya: "Sa tingin ba ninyo kung sakaling may isang lalaking mayroong mga kabayong mapuputi ang mga noo na mapuputi ang mga paa sa gitna ng mga kabayong lantay na itim, hindi ba siya makakikilala sa mga kabayo niya?" Nagsabi sila: "Siya nga po." Nagsabi siya: "Kaya tunay na sila ay darating na mapuputi ang mga mukha na mapuputi ang mga kamay at mga paa dahil sa wuḍū'. Ako ay ang pauna sa kanila sa Lawa. Pansinin, talagang may ipagtutulakan ngang mga lalaki sa Araw ng Pagbangon palayo sa Lawa ko kung paanong ipinagtutulakan ang mga kamelyong naliligaw. Mananawagan ako sa kanila: 'Pansinin, halikayo,' ngunit sasabihin: 'Tunay na sila ay nagpalit matapos mo,' kaya magsasabi ako: 'Magpakalayu-layo! Magpakalayu-layo!'"}42
Batay kay Al-Buk̆ārīy: {Samantalang ako ay nakatayo, biglang may isang pangkat [na inilalapit]; hanggang sa nang nakakilala ako sa kanila ay may lumabas na isang lalaki sa pagitan ko at nila saka nagsabi iyon: "Halika!" Kaya nagsabi ako: "Saan?" Nagsabi iyon: "Tungo sa Apoy, sumpa man kay Allāh." Nagsabi ako: "Ano ang pumapatungkol sa kanila?" Nagsabi iyon: "Tunay na sila ay bumalik, matapos mo, sa mga tinalikdan nila, nang paurong." Pagkatapos biglang may isang pangkat [na inilalapit] saka bumanggit siya ng tulad sa una. Nagsabi siya: "Kaya hindi ako nakakikita niyon na nakatatakas mula sa kanila malibang tulad ng mga pinabayaang mga kamelyo."}43
Batay sa kanilang dalawa, mula sa ḥadīth ni Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Kaya magsasabi ako gaya ng sinabi ng maayos na lingkod:
42 AL-BUK̆ĀRĪY, AL-MUSĀQĀH (2238); MUSLIM, AṬ-ṬAHĀRAH (249); AN-NASĀ'ĪY, AṬ-ṬAHĀRAH (150); ABŪ DĀWUD, AL-JANĀ'IZ (3237); IBNU MĀJAH, AZ-ZUHD (4306); AḤMAD (2/300); MĀLIK, AṬ-ṬAHĀRAH (60).
43 AL-BUK̆ĀRĪY, AR-RIQĀQ (6215).
26
"Ako noon sa kanila ay isang saksi hanggat nananatili ako sa piling nila; ngunit noong nagpapanaw Ka sa akin, laging Ikaw ay ang Mapagmasid sa kanila at Ikaw sa bawat bagay ay Saksi."}44(Qur'ān 5:117)
Batay sa kanilang dalawa, ayon sa kanya batay sa ḥadīth na marfū`: "Walang anumang sanggol na ipinanganganak malibang nasa naturalesa saka ang mga magulang niya ay nagpapahudyo sa kanya o nagpapakristiyano sa kanya o nagpapamago sa kanya, gaya ng pagsisilang ng hayupan ng isang hayupang buo. Nakadarama kaya kayo rito ng anumang naputulan hanggang sa kayo mismo ay pumuputol dito?"45Pagkatapos bumigkas si Abū Hurayrah [mula sa Qur'ān]:
{[Mamalagi sa] naturalesa ni Allāh na nilalang Niya ang mga tao ayon dito.}46(Qur'ān 30:30) Napagkaisahan ang katumpakan nito.
Ayon kay Ḥud̆ayfah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Ang mga tao noon ay nagtatanong sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni
44 QUR'ĀN 5:117)
45 AL-BUK̆ĀRĪY, AL-JANĀ'IZ (1292); MUSLIM, AL-QADR (2658); AT-TIRMID̆ĪY, AL-QADR (2138); ABŪ DĀWUD, AS-SUNNAH (4714); AḤMAD (2/315); MĀLIK, AL-JANĀ'IZ (569).
46 QUR'ĀN 30:30)
27
Allāh at pangalagaan) tungkol sa kabutihan samantalang ako ay nagtatanong sa kanya tungkol sa kasamaan dala ng pangamba na umabot ito sa akin. Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, tunay na kami noon ay nasa isang kamangmangan at isang kasamaan, saka naghatid sa amin si Allāh ng kabutihang ito, kaya matapos po kaya ng kabutihang ito ay may anumang kasamaan?" Nagsabi siya: "Oo." Kaya nagsabi ako: "At matapos po kaya ng kasamaang iyon ay may anumang kabutihan?" Nagsabi siya: "Oo at doon ay may bahid na." Nagsabi ako: "At ano po ang bahid niyon?" Nagsabi siya: "May mga taong magsasakalakaran ng iba pa sa sunnah ko at magpapatnubay ng iba pa sa patnubay ko, na magmamabuti ka sa ilan sa kanila at magmamasama ka." Nagsabi ako: "Kaya matapos po kaya ng kabutihang iyon ay may anumang kasamaan?" Nagsabi siya: "Oo; may isang bulag na sigalot at may mga tagapag-anyaya sa tabi ng mga pinto ng Impiyerno, na ang sinumang tumugon sa kanila roon ay magtatapon sila sa kanya roon." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, maglarawan ka po sa kanila sa amin." Nagsabi siya: "Mga taong kabilang sa mga kabalat natin at nagsasalita ng mga wika natin." Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, ano po ang ipag-uutos mo sa akin kung nakaabot sa akin iyon?" Nagsabi siya: "Mananatili ka sa bukluran ng mga Muslim at pinuno nila." Nagsabi ako: "At kung hindi po nagkaroon ng isang bukluran ni isang pinuno?" Nagsabi siya: "Humiwalay ka sa mga pangkat na iyon sa kabuuan ng mga iyon kahit pa man kumagat ka sa ugat ng isang punong-kahoy hanggang sa dumating sa iyo ang kamatayan habang ikaw ay nasa gayon."}47Nagtala nito ang Dalawang Imām at nagdagdag si Imām Muslim: {[Nagsabi ako:] "Pagkatapos ano pa po?" Nagsabi siya: "Lalabas ang Bulaan (Dajjāl) nang may kasamang ilog at apoy; saka ang sinumang bumagsak sa apoy niyon, matitiyak ang pabuya sa kanya." Nagsabi ako: "Pagkatapos ano pa po?"
47 AL-BUK̆ĀRĪY, AL-MANĀQIB (3411); MUSLIM, AL-IMĀRAH (1847); ABŪ DĀWUD, AL-FITAN WA AL-MALĀḤIM (4244); IBNU MĀJAH, AL-FITAN (3979); AḤMAD (5/387).
28
Nagsabi siya: "Iyon na ang pagsapit ng Huling Sandali."}48Nagsabi naman si Abul`āliyah: "Matuto kayo ng Islām, saka kapag natuto kayo nito ay huwag kayong umayaw rito. Manatili kayo sa Landasing Tuwid sapagkat tunay na ito ay ang Islām. Huwag kayong kumilus-kilos palayo sa Landasin sa kanan ni sa kaliwa. Manatili kayo sa Sunnah ng Propeta ninyo. Kaingat kayo sa mga pithayang ito." Nagwakas.
Magnilay-nilay ka sa salita ni Abul`āliyah na ito. Anong kapita-pitagan nito! Alamin mo: ang panahon niya na nagbibigay-babala siya kaugnay rito laban sa mga pithaya na ang sinumang sumunod sa mga iyon ay umayaw nga sa Islām, ang pagpapakahulugan ng Islām ay sa pamamagitan ng Sunnah, at ang pangamba niya ay para sa mga prominenteng tao ng mga Tagasunod at mga maalam nila ng paglabas palayo sa Sunnah at Qur'ān, lilinaw sa iyo ang kahulugan ng sabi ni Allāh (napakataas Siya):
{[Banggitin] noong nagsabi sa kanya ang Panginoon niya: "Magpasakop ka"...}49(Qur'ān 2:131)
Ang sabi pa Niya:
48 AL-BUK̆ĀRĪY, AL-MANĀQIB (3411); MUSLIM, AL-IMĀRAH (1847); ABŪ DĀWUD, AL-FITAN WA AL-MALĀḤIM (4244); IBNU MĀJAH, AL-FITAN (3979); AḤMAD (5/404).
49 QUR'ĀN 2:131)
29
{Nagtagubilin niyon si Abraham sa mga anak niya, at si Jacob: "O mga anak ko, tunay na si Allāh ay humirang para sa inyo ng relihiyon kaya huwag nga kayong mamamatay malibang habang kayo ay mga tagapagpasakop [sa Kanya]."}50(Qur'ān 2:132)
Ang sabi pa Niya (napakataas Siya):
{Sino ang nasusuya sa kapaniwalaan ni Abraham kundi ang nagpahangal sa sarili niya?}51(Qur’an 2:130)
Ang mga pagkakawangis ng malalaking saligang ito – na siyang saligan ng mga saligan samantalang ang mga tao naman sa mga ito ay nasa isang pagkalingat – at sa pamamagitan ng pagkakaalam rito ay naglilinaw sa kahulugan ng mga ḥadīth sa paksang ito at mga tulad ng mga iyon. Hinggil naman sa tao na nagbabasa ng mga iyon at mga pagkakawangis ng mga iyon habang siya ay napapanatag na hindi aabot sa kanya ang mga ito at nagpapalagay na ang mga iyon ay nasa mga taong natiwasay noon sa pakana ni Allāh, hindi siya matitiwasay sa pakana ni Allāh [at walang natitiwasay rito] kundi ang mga taong lugi.
Ayon kay Ibnu Mas`ūd (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Gumuhit para sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at
50 QUR'ĀN 2:132)
51 QUR'ĀN 2:130)
30
pangalagaan) ng isang guhit. Pagkatapos nagsabi siya: "Ito ay landas ni Allāh." Pagkatapos gumuhit siya ng maraming guhit sa dakong kanan niyon at dakong kaliwa niyon. Pagkatapos nagsabi siya: "Ang mga ito ay mga landas, na sa bawat landas mula sa mga ito ay may demonyong nag-aanyaya tungo rito." Bumigkas siya [ng Qur'ān]:
"Na ito ay ang landasin Ko, tuwid, kaya sumunod kayo rito. Huwag kayong sumunod sa mga [ibang] landas para magpahiwa-hiwalay ang mga ito sa inyo palayo sa landas Niya."}52(Qur'ān 6:153) Nagsalaysay nito sina Imām Aḥmad at Imām An-Nasā'īy.
52 QUR'ĀN 6:153)
31
Paksa: Ang Nasaad Kaugnay sa Pagkakakaiba ng Islām at ang Kainaman ng mga Kakaiba
Ang sabi ni Allāh (napakataas Siya):
{Kaya bakit kasi hindi nagkaroon mula sa mga salinlahi bago pa ninyo ng mga may tirang [kabutihang] sumasaway sa kaguluhan sa lupa, maliban sa kaunti kabilang sa pinaligtas Namin kabilang sa kanila?}53(Qur'ān 11:116)
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) bilang ḥadīth na marfū`: {Nagsimula ang Islām bilang kakaiba at manunumbalik ito bilang kakaiba kung paanong nagsimula ito, kaya kagalakan ay ukol sa mga kakaiba.}54Nagsalaysay nito si Imām Muslim at nagsalaysay nito si Imām Aḥmad mula sa ḥadīth ni Ibnu Mas`ūd kaugnay rito: {"Sino ang mga kakaiba?" Nagsabi siya: "Ang mga nawawalay mula sa mga lipi at ang mga nagsasaayos kapag nagulo ang mga tao."}55
53 QUR'ĀN 11:116)
54 MUSLIM, AL-ĪMĀN (145); IBNU MĀJAH, AL-FITAN (3986); AḤMAD (2/389).
55 AḤMAD (4/74).
32
Batay sa Al-Tirmid̆īy mula sa ḥad̆īth ni Kathīr bin `Abdillāh ayon sa ama niya, ayon sa lolo niya: {Kaya kagalakan ay ukol sa mga kakaiba na nagsasaayos ng ginulo ng mga tao mula sa sunnah ko.}56
Ayon kay Abū Umayyah na nagsabi:
{Nagtanong ako kay Abū Tha`labah: "Papaano ang masasabi mo sa talatang ito: {O mga sumampalataya, mangalaga kayo sa mga sarili ninyo. Hindi makapipinsala sa inyo ang sinumang naligaw kapag napatnubayan kayo.}?"57(Qur'ān 5:105)
Nagsabi siya: "Hinggil dito, sumpa man kay Allāh, talaga ngang nagtanong ako tungkol doon sa isang mapagbatid? Nagtanong ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kaya nagsabi siya: 'Bagkus magpautos kayo sa nakabubuti at magpasaway kayo sa nakasasama; hanggang sa kapag nakakita kayo ng kasakimang tinatalima, pithayang sinusunod, kamunduhang minamagaling, at isang paghanga ng bawat may pananaw sa pananaw niya; manatili ka sa sarili mo at mag-iwan ka palayo sa iyo ng mga karaniwang tao. Tunay na mula sa likuran ninyo ay may mga araw [na parating] na ang magtitiis sa mga [araw na] iyon ay tulad ng humahawak sa baga, na ukol sa tagagawa [ng mabuti] sa mga [araw na] iyon ay pabuya ng limampung tao na gumagawa ng tulad ng gawain ninyo.'" Nagsabi kami: "Kabilang sa amin o kabilang sa kanila?"
56 AT-TIRMID̆ĪY, AL-ĪMĀN (2630).
57 QUR'ĀN 5:105)
33
Nagsabi siya: "Bagkus kabilang sa inyo."}58Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud at Imām At-Tirmid̆īy.
Nagsalaysay si Ibnu Waḍḍāḥ ng kahulugan nito mula sa ḥadīth ni Ibnu `Umar. Ang pananalita nito: {Tunay na mula sa matapos ninyo ay may mga araw [na parating] na ang mga magtitiis sa mga [araw na] iyon ay ang kumakapit sa relihiyon niya tulad ng lagay ninyo sa araw na ito, na ukol sa kanya ay pabuya ng limampung [tao] kabilang sa inyo.}59Pagkatapos nagsabi siya: {Nagbalita sa amin si Muḥammad bin Sa`īd. Nagbalita sa amin si Asad. Nagsabi si Sufyān bin `Uyaynah ayon kay Al-Baṣrīy, ayon kay Sa`īd na kapatid ni Al-Ḥasan. Nagsabi ito: "Tunay na kayo sa araw na ito ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ninyo. Nag-uutos kayo ng nakabubuti, sumasaway kayo ng nakasasama, nakikibaka kayo sa landas ni Allāh, at hindi lumitaw sa inyo ang dalawang kalasingan: ang kalasingan ng pagkamangmang at ang kalasingan ng pag-ibig sa pamumuhay. Malilipat kayo palayo roon. Kaya ang kumakapit sa araw na iyon sa Qur'ān at Sunnah ay ukol sa kanya ang pabuya ng limampung [tao]." Sinabi: "Kabilang sa kanila?" Nagsabi siya: "Bagkus kabilang sa inyo."} Batay sa kanya, ayon kay Al-Mu`āfirīy na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Kaya kagalakan ay ukol sa mga kakaiba na kumakapit sa Qur'ān nang iniiwan ito at gumagawa ayon sa Sunnah nang inaapula ito."}60
58 AT-TIRMID̆ĪY, TAFSĪR AL-QUR'ĀN (3058); IBNU MĀJAH, AL-FITAN (4014).
59 AT-TIRMID̆ĪY, TAFSĪR AL-QUR'ĀN (3058); IBNU MĀJAH, AL-FITAN (4014).
60 AḤMAD (2/222).
34
Paksa: Ang Pagbibigay-babala Laban sa mga Bid`ah
Ayon kay Al-`Irbāḍ bin Sāriyah na nagsabi: {Nangaral sa amin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang masidhing pangaral. Nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, para bang iyon ay isang pangaral na namamaalam kaya magtagubilin ka sa amin." Nagsabi siya: "Nagtatagubilin ako sa inyo ng pangingilag magkasala kay Allāh (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan), pagdinig, at pagtalima, kahit pa namuno sa inyo ang isang alipin. Tunay na ang sinumang mamumuhay [nang matagal] kabilang sa inyo ay makakikita ng maraming pagkakaiba-iba. Kaya naman manatili kayo sa sunnah ko at sunnah ng mga Matinong Nagabayang Khalīfah at kumagat kayo rito ng mga bagang [ninyo]. Kaingat kayo sa mga pinauso sa mga bagay-bagay sapagkat tunay na ang bawat bid`ah ay pagkaligaw."}61Nagsabi si Imām At-Tirmid̆īy na magandang tumpak na ḥadīth ito.
Ayon kay Ḥud̆ayfah na nagsabi: "Ang bawat pagsambang hindi nagpapakamananamba nito ang mga Kasamahan ni Muḥammad ay huwag ninyong ipangsamba sapagkat tunay na ang una ay hindi nag-iwan para sa huli ng isang masasabi. Kaya mangilag kayong magkasala kay Allāh, O katipunan ng mga tagabigkas at sumunod kayo sa daan ng bago sa inyo." Nagsalaysay nito si Imām Abū Dāwud. Nagsabi si Imām Ad-Dārimīy: {Nagpabatid sa amin si Al-Ḥakam bin Al-Mubārak. Nagbalita sa amin si `Amr bin Yaḥyā. Nagsabi siya: Nakarinig ako sa ama ko na nagsasanaysay ayon sa
61 AT-TIRMID̆ĪY, AL-`ILM (2676); ABŪ DĀWUD, AS-SUNNAH (4607); IBNU MĀJAH, AL-MUQADDIMAH (44); AḤMAD (4/126); AD-DĀRIMĪY, AL-MUQADDIMAH (95).
35
ama niya. Nagsabi siya: "Kami minsan ay umuupo sa tabi ng pinto ni `Abdullāh bin Mas`ūd bago ng dasal sa madaling-araw. Nang lumabas siya, naglakad kami kasama niya patungo sa masjid saka dumating sa amin si Abū Mūsā Al-As̆`arīy saka nagsabi ito: 'Lumabas na ba si Abū `Abdirraḥmān?' Nagsabi kami: 'Hindi pa.' Kaya umupo siya kasama namin. Noong lumabas iyon, nagsabi siya: 'O Abū `Abdirraḥmān, tunay na ako ay nakakita sa masjid ng isang bagay na minasama ko samantalang wala akong nakita, at ang papuri ay ukol kay Allāh, kundi isang kabutihan.' Nagsabi iyon: 'Kaya ano ba iyon?' Nagsabi siya: 'Kung mabubuhay ka [nang matagal] ay makikita mo iyon.' Nagsabi siya: 'Nakakita ako sa masjid ng mga taong nakaumpok na nakaupo, na naghihintay ng pagdarasal. Sa bawat umpukan ay may isang lalaki, habang sa mga kamay nila ay may mga bato, saka nagsasabi iyon: Magsabi kayo ng Allāhu 'akbar nang isang daang ulit, saka nagsasabi naman sila ng Allāhu 'akbar nang isang daang ulit. Kaya ano ang masasabi mo sa kanila?' Nagsabi iyon: 'Wala akong masasabi sa kanila na anuman. Maghihintay ako ng utos mo' Nagsabi siya: 'Kaya hindi ka ba nag-utos sa kanila na magbilang sila ng mga masagwang gawa nila at naggarantiya ka sa kanila na walang mawala mula sa mga magandang gawa nila na anuman?' Pagkatapos humayo iyon hanggang sa dumating sa isang umpukan, saka nagsabi: 'Ano ito?' Nagsabi sila roon: 'Mga bato na nagbibilang kami sa pamamagitan ng mga ito ng takbīr, tahlīl, at tasbīḥ.' Nagsabi iyon: 'Kaya magbilang kayo ng mga masagwang gawa ninyo sapagkat ako ay gumagarantiya na walang mawala mula sa mga magandang gawa ninyo na anuman. Kapintasan sa inyo, O Kalipunan ni Muḥammad! Anong bilis ng pagkasawi ninyo! Ang mga ito, ang mga Kasamahan ng Propeta ninyo na Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), ay mga naririyan. Ang mga
36
ito, ang mga damit niya, ay hindi pa naluma. Ang mga sisidlan niya ay hindi pa nabasag. Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na kayo ay talagang nasa isang kapaniwalaang higit na napatnubayan kaysa sa kapaniwalaan ni Muḥammad o mga tagapagbukas ng pinto ng kaligawan.' Nagsabi sila: 'Sumpa man kay Allāh, O Abū `Abdirraḥmān, hindi kami nagnais kundi ng kabutihan.' Nagsabi iyon: 'Kay raming tagapagnais ng kabutihan na hindi nagtamo niyon! Tunay na ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsanaysay sa amin na may mga tao na magbabasa ng Qur'ān nang hindi lumalampas ito sa balagat nila. Panunumpa kay Allāh, marahil ang higit na marami sa kanila ay [walang iba] kundi kabilang sa inyo.' Kaya nagsabi si `Amr bin Salamah: 'Nakakita kami sa madla ng mga iyon habang nakikipagsaksakan sa amin sa araw ng Nahrawān kasama ng Khawārij.'"}