Stereotyping ng Media
Ang media ay gumagamit ng stereotype upang ipakilala ang mga tao sa mga paraan na madali para sa mga manonood o mga mambabasa na maikategorya. Ang mga stereotype ng media na ito ay bumabago sa mga grupo ng mga tao na maging isang dimensyon na walang tunay na pagkakaiba-iba, lalim o kumplikado. At kapag ang media ay makisali sa patuloy na stereotyping, binabansagan nila ang ilang mga grupo ng tao sa paraan na hindi naglalarawan ng katotohanan. Ang stereotyping sa mga Muslim na lumaganap mula nang nagsimula ang giyera kontra terorismo na kinaladkad ang Islam at mga Muslim sa harap ng pandaigdigang media. Kapansin-pansing dumami ang mga naging pagtutok o pag-uulat at ang Islam at ang mga Muslim ay ipinakita sa napaka pangit na imahe.
Ang retorika na kasama sa giyera kontra terorismo ay nauwi sa karagdagang takot at galit sa Islam na kalaunan ay humantong sa pagtaas ng bilang ng mga pagtutok ng media na kadalasang nagpapakita sa mga Muslim bilang mga paurong at malapit sa gulo, at ang Islam bilang likas na problemado. Ayon sa Islamophobia Roundtable na ginanap sa Stockholm noong 2014, ang madalas na pagsasangkot sa Islam at mga Muslim sa krimen at terorismo sa media at maging sa internet ay nakadagdag sa paglaganap ng Islamophobia[1]. Ang stereotyping ng media ang nagtulak sa mga mambabasa at manonood na mag-akala na ang mga terorista na nag-aangking Muslim ay maaaring kumakatawan sa lahat ng mga Muslim at sa kabubuuan ng pamamaraan ng pamumuhay. Kapag ang mga pagtuturing na ito ay makita sa lahat ng magkakaibang mga kumunidad ng Muslim sa buong mundo ito ay magbubunga ng malawakang anti-Muslim na sentimiyento sa anyo ng masakit na pananalita, krimen bunga ng galit, at diskriminasyon.
Mayroong pagkakaiba sa pagitan ng Islam at mga pagkilos ng ilang mga Muslim, at bilang mga Muslim ay wala kaming kakayahan na makita at maunawaan ito. Gayunpaman, ang mga walang pakikipag-ugnayan o relasyon sa mga Muslim ay hindi makikita ang pagkakaiba lalo na kapag ang media ay ipinapakita ang mga pangyayari sa mundo sa paraan na ang mga salitang terorista at Muslim ay maaaring pagpalitin. Ang mga Muslim ay kadalasang ipinapakita sa lubhang negatibong pagtingin at ang Islam ay inilalarawan bilang marahas na relihiyon.[2] Ang pagpili ng salita ay isang pangunahing aspeto ng media framing at nakapagdaragdag sa pagkalat ng masamang palagay. Ang paggamit ng hindi makatwirang lengguwahe at pagtuon sa masamang reperensiya ay nagpapakita sa atin ng bersyon ng realidad na nagtataglay ng kakaunting pagkakahawig sa katotohanan.
Ano ang magagawa ng hindi Muslim upang maiwasan ang stereotyping ng media?
1. Alamin ang Katotohanan. Huwag paniwalaan ang lahat ng nabasa o narinig. Saliksikin ang katotohanan.
2. Ingatan ang paggamit ng wika. Huwag gumamit ng mga ekspresyon gaya ng terorismong Islamiko o teroristang Muslim.
3. Makialam. Pagsikapang matutunan ang mga pangunahing aral ng Islam.
4. Makipagkita sa isang Muslim. Subukang makipag-ugnayan sa isang Muslim sa iyong pinagtatrabahuhan o sa iyong pamayanan.
5. Labanan ang stereotype. Kapag nakarinig ka ng Islamophobic na mga komento ay tutulan ito.
6. Igalang ang pagkakaiba-iba. Iwasan ang pagpaparatang at hayaan ang tao na ipakita ang kanilang sarili na mayroong sariling kultural na mga kasanayan at mga kaugalian.
Alamin ang tungkol sa paggamit ng wika sa media at kung paanong ang wika ay makakabuo katotohanang panlipunan.
Ano ang magagawa ng mga Muslim upang pigilan ang stereotyping ng media?
1. Mag-alok nang mapagkukunan ng batayan upang turuan ang media at ang pangkalahatang publiko.
2. Ipamahagi ang mga polyeto at mga libro sa mga sentro ng komunidad at mga aklatan.
3. Mag-organisa ng mga pagpupulong kasama ang lokal na pamahalaan at tanggapan ng media.
4. Sumulat ng mga liham at opinyon para sa mga lokal na pahayagan.
5. Tumulong mag-organisa ng open day sa iyong lokal na moske o Islamikong tanggapan.
6. Mag-imbita ng mga di-Muslim sa mga aralin tungkol sa Islam o sa mga pagtitipon ng moske.
7. Anyayahan ang iyong mga di-Muslim na kapitbahay sa iyong tahanan o sa iyong pagdiriwang ng Eid.
8. Sumali sa mga lokal na kawanggawa upang bigyang-diin ang dedikasyon ng Islam sa katarungang panlipunan.
9. Gumamit ng mga social media platform. Isa-publiko ang mga pambihirang bagay na ginagawa ng mga Muslim sa kanilang mga lokal na komunidad.
10. Sanayin ang mga tagapagsalita ng Muslim na makipag-ugnayan sa media upang matiyak na ang mga komento ay hindi sadyang kinuha sa labas ng konteksto.
Mahigit sa 1000 mga batang Muslim edad 15 taon at pataas mula sa UK, USA at Australia ay iniulat sa mga panayam na ang mga masamang balita tungkol sa Islam at mga Muslim ay hindi makatarungan, nakakahiya at nakakabigo.[3] At makatwirang sabihin na ang mga Muslim sa anumang gulang ay nagdurusa kapag patuloy nilang nakikita na ang kanilang paraan ng pamumuhay ay sinisiraan, o nababasa ang pananagutan na ibinibintang sa kanila para sa maraming mga kalupitang nangyayari sa buong mundo. Ang pagiging matatag sa harap ng mga pagsubok ay mas madaling sabihin kaysa gawin. Ang mga mungkahi sa itaas ay makatutulong upang pabulaanan ang mga kumakalat na haka-haka tungkol sa Islam samantalang kinakailangan nating sanayin ang ating mga sarili na magtiis. Maaari nating paigtingin ang ating mental at ispiritwal na kapakanan sa mga sumusunod na mga pamamaraan:
1. Pagpapatibay ng ating koneksyon sa Diyos; manalangin sa takdang oras, magsumamo ng madalas, at pagnilayan ang mga pangalan ng Diyos.
2. Sikaping tularan ang pagtitiis at kahinahunan ng mga Propeta na katiyakang dumanas ng mas matinding mga paghihirap kaysa sa dinaranas natin ngayon.
3. Tanggapin na ang lahat ng kapangyarihan at lakas ay nagmumula lamang sa Diyos; Siya ang Pinaka-Maalam at higit na nakakakita sa mas malaking pangyayari.
4. Maging tiyak na kung ang Propeta Muhammad, sumakanya nawa ang habag at pagpapala ng Diyos, ay kapiling natin ay hindi tayo mahihiya sa ating Islamikong pagkakakilanlan at mga kaugalian.