Mga Artikulo

Mga Layunin





·       Upang matutunan ang mga kahulugan ng 'Islamikong Agham'. 





·       Nang mapahalagahan ang mga naging kontribusyon sa  kasaysayan ng mga Muslim sa sibilisasyon.





·       Upang matutunan ang mga naging kotribusyon ng mga Muslim sa larangan ng medisina.





 Panimula


‘Kapag mayroong higit na hindi pagkakaintindihan sa Kanluran tungkol sa katangian ng Islam, magkakaroon din ng kamangmangan sa pagkakautang ng ating kultura at sibilisasyon sa mundo ng Islam. Ito ay isang pagbagsak na ang ugat, sa aking palagay, ay nagmula sa kasaysayan ng pagpigil sa kalayaan ng pagkilos na siya nating minana.’ - Prince Charles sa isang pananalita sa Oxford University, 27 October 1993





Ang Islam ay hindi tumututol sa mga pag-aaral at sa mga aligasyon na hindi pa natatagpuan. Walang dudang pinatunayan ng kasaysayan na walang ibang relihiyon ang nakapagpaliwanag sa agham kundi ang Islam lamang. Hindi kailanman naging hadlang ang Islam sa agham at sa pag-unlad nito. Ang terminolohiyang Islamikong Agham ay gumawa ng mahahalagang kontribusyon sa larangan ng Matematika, Astronomiya, Heograpiya, Pisika at Medisina. 





Kasaysayan


Ang kasaysayan ng Agham sa Europa at sa Kanluran ay kinikilala ang gawa ng mga Griyego at Romanong iskolar hanggang 300 CE at pagkatapos ay kinuha  ang mga palatandaan sa 1500 CE, ang  simula ng Renaissance, ngunit madali nitong nilalaktawan ang panlipunan, politikal, at tagumpay na pang-agham sa pagitan ng 300-1500 CE na nagkataong naglalaman ng 'Golden Age' ng Islamikong Agham mula sa 700-1500 CE. 





Sa panahong ito, ang mga artist, enhinyero, skolar, manunula, philosophers, geographers at negosyante sa mundo ng Islam ay nag ambag sa agrikultura, sining, ekonomiks, industriya, batas, panitikan, nabigasyon, pilosopiya, siyensiya, sosyolohiya, at teknolohiya, at sa pamamagitan ng pagpapanatili sa mga unang tradisyon at sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga imbensyon at kanilang sariling makabagong ideya. At sa panahong ito, ang mundo ng mga Muslim ang naging pangunahing sentro ng intelektwal para sa agham, pilosopiya, medisina at edukasyon. Nagpatayo sila sa Baghdad ng "Bahay ng Karunungan" kung saan naghahanap at  isinasalin ng mga Muslim at hindi Muslim ang mga kaalaman sa mundo sa Arabik sa Translation Movement. Maraming mga klasikong gawa noong unang panahon na maari nang nakalimutan ay isinalin sa salitang Arabik at di naglaon ay naisalin din sa salitang Tulko, Sindhi, Persyano, Hebreo at Latin. Ang mga karunungan ay  pinagsama mula sa mga gawa magmula sa sinaunang panahon ng Mesopotamya, sinaunang Roma, Tsina, India, Persya, sinaunang Ehipto, Hilagang Aprika, sinaunang Gresya at sibilisasyon ng Byzantine. Ang mga magkakaribal na mga dinastiya ng kamusliman gaya ng Fatimids mula sa Ehipto at Umayyads ng al-Andalus ay naging pangunahing sentro ng karunungan kasama ang mga lungsod ng Cairo at Córdoba na karibal ng Baghdad. Ang Islamikong emperyo ay ang unang tunay na pandaigdigang sibilisasyon na nagbunsod ng  pagkakaisa sa unang pagkakataon sa mag kaka-ibang mga tao gaya ng Tsino, Indiyano, at ang mga tao sa  gitnang silangan at kanlurang Aprika, mga Itim na Aprikano at mga Puting Europeans. Ang pinaka malaking naimbento ng kapanahunan na ito ay ang papel - Orihinal na pinaka tago-tagong sekreto ng mga Tsino. Ang paggawa ng papel ay nakuha mula sa mga priso na dinala mula sa digmaan ng Talas (751 AD), at ito ay kumalat sa mga Islamikong lungsod ng Samarkand at Baghdad. Ang mga Arabo ay pinaganda ito mula sa teknik ng mga Tsino gamit ang Balat ng mulbery at paggamit ng arina upang matugunan ang nakasanayan ng mga arabo na paggamit ng panulat kontra sa nakasanayan ng mga Tsino na mga bras. Noong 900 AD, daan-daang mga pagawaan ay naghahanap ng mga manunulat at taga-binder  ng mga aklat  sa Baghdad at ang mga pampublikong bahay-aklatan ay nagsimulang  maipatayo. Dito nagsimula  ang paggawa ng papel at kumalat sa Morocco papuntang Espanya at magmula  dito papuntang Europa noong ika-13 siglo. Isa sa mga pinaka-dakilang kontribusyon ng mga Muslim ay sa larangan ng Medisina.             





Medisina





Ang mga sinaunang mga Arabo ay nakipag-ugnayan sa mga Griyego, Iranian at mga Indiyanong sistemang medikal. Inaral ito ng mga Muslim at kanila itong pinanatili. Si Caliph al-Mamoon ay mayroong mga librong medikal na naisalin sa salitang Arabik. Di naglaon, gumamit nang mga makabagong librong medikal sa buong Islamikong kapuluan. Sila ay nagsulat ng mga manwal sa medisina gayundin sa pag-oopera at kanilang inilatag ang mga pundasyon sa European renaissance.  





Ilan sa mga nakamit nila:   





·       Noong 1168 siglo, mayroon nang 60 na institusyong pang-medikal sa Baghdad.





·       Ang Mustansiriyya Medical College of Baghdad ay nakatayo sa kahanga-hangang mga  gusali, ang silid aklatan nito ay may mga kakaiba o bihirang uri na seyintipikong mga aklat, at may malawak na bulwagan para mapaglingkuran ang mga mag-aaral. Pinag-lilingkuran din mga nars ang mga may sakit at mga pasyente. Bawat ospital ay mayroong hiwalay na silid para sa mga kalalakihan at kababaihan. 





·       Si Abdul-Lateef ay isang tanyag na Muslim na isang manunulat ng anatomya. Kanyang sinuri ang katawan ng tao noong ika-11 siglo upang makakuha pa ng kaalaman sa anatomya ng tao.





·       Sa pisyolohiya, isinulat ni Burhan ud-Din na ang dugo ay may glucose o sugar 300 taon bago ang kay Sir William Harvey.





·       Si Ibn an-Nafees ang kauna-unahang naglarawan sa dalawang daluyan ng dugo sa katawan, aortic at pulmonary (aorta at sa baga), tatlong siglo bago pa man nadiskobre ni William Harvey ng Pransiya. 





·       Ipinaliwanag ng masinsinan ni Ibn Abi Hazm ng Damascus ang teorya ng sirkulasyon ng dugo at pinatunayan niya na ang pagkain ang nagpapanatili sa init ng katawan. 





·       Si Ar-Razi, kilala bilang Rhazes ng mga taga-Europa, ay isa sa mga pinakatanyag na medikong Muslim na nakadiskubre sa asido sa tiyan. Siya ay sinabi na unang gumamit ng alkohol bilang antiseptiko. 





·       Sa Gitnang Kapanahunan, ikaw ay makakabili ng tanyag na pamahid sa Pransiya. Ito ay sinsabi nilang nakakagamot ng halos lahat na sa katotohanan ay hindi naman. Ito ay kilala bilang Blanc de Rhazes na hango sa pangalan ng medikong Muslim na si Ar-Razi. Ang pinaka nakakawili ay hindi ang pamahid kundi ang pangalan nito. Alam ng mga Pranses na nagbebenta na sa pangalan ni Razi, paniguradong bibilhin ito ng mga tao. Ipinapakita lamang nito na higit na pinagkatiwalaan ng mga taga-Europa ang mga gamot na galing sa mga bansang Muslim. 





·       Isinulat ni Ar-Razi ang sinaunang libro sa nakakahawang mga sakit kung saan niya ipinaliwanag ang pagkakaiba ng tigdas at bulutong. Dalawa sa kanyang iba pang libro ay isinalin sa Latin at ginamit bilang karaniwang aklat sa Kanlurang bahagi ng Europa sa Gitnang kapanahunan. Isinulat ni Ar-Razi ang 175 na mga aklat. Ang kanyang 23 na kabuuan ng medikong ensiklopediya ay nanatiling isang karaniwang pamantayang medikal sa Europa sa loob ng maraming siglo. 





·       Ipinaliwanag ni Ibn Sina (Avicenna sa taga-Europa) ang proseso ng digestion  o panunaw at nadiskubre niya ang na ang mga sekrisyon na  lumalabas  sa bunganga ay nahahalo at natutunaw. Lahat ng ito ay nadiskubre nya bago pa nadiskubre sa kanluran. Ang teorya na  ang mga mikrobyo ay nagiging sanhi ng mga sakit ay hinubog ng mga siyentipikong Arabo. Nangingibabaw sa bakterhiyolohiya si Ibn Sina, na siyang basehan ng modernong siyentipiko ng mikrobyo.         





·       Sa unang pagkakataon, iminungkahi ni Ibn Sina na ang mga apektadong mga ugat ay dapat alisin sa isang operasyon para sa pag-gamot ng cancer. Nadiskobre niya  ang meningitis at ang paraan ng pagkalat ng mga epidemya.  





·       Ang mga gawa ni Ibn Sina ay ang mga pinakatanyag at nasa rurok ng  tagumpay sa sinaunang panahon ng Islamikong medisina. Ang tawag sa kanya sa kanluran ay ang 'Prinsipe ng mga Doktor'. Ang kanyang aklat na pinamagatang Qanun fit-Tibb, o The Canon ay walang dudang pinakatanyag na aklat sa lahat ng mga medikong aklat sa kasaysayan ng Medisina. Ito ay itinuro ng ilang daang taon sa kanluran. Ang pagsasalin nito sa latin ay naipakita nong ika-15 at ika-16 siglo na higit pa sa maraming mga modernong medikong aklat.  





·       Nadiskubre ni Abul-Faraj ang daluyan  sa mga  ugat na nagdadala ng mga sensasyon.





·       Ginagamot ng mga Muslim sa Turkey ang isang di pangkaraniwang sakit na bulutong sa pamamagitan ng bakuna noong 1679. Ang asawa ng isang Briton na Ambasador sa Turkey na si Lady Montague ay dinala ito sa Europa.  





·       Nadiskubre ni Baha ud-Dawla ang hay fever o ang allergy sa alikabok noong 1507, madaming siglo na  ang nakalipas bago madiskubre ng mga taga-Europa.





·       Si Abul-Hasan at-Tabari ang kauna-unahang doktor na nagturo ng tungkol sa scabies  (galis) o ang isang sakit sa balat. Siya din ang kauna-unahang nakadiskubre na ang tuberculosis ay isang impeksyon. 





·       Abul-Qasim az-Zahrawi, kilala sa kanluran bilang Abulcasis ay lumikha ng  ilang mga  instrumento na pang-opera kagaya ng pantanggal sa katarata at pinirpekto ang mga pamamaraan sa  pag-oopera.





·       Ibn Zuhr, kilala bilang Avenzoar sa Kanluran ay ipinanganak sa Seville, ang unang nagtahi ng mga sugat gamit ang sutlang sinulid. 





·       Naglagay din ng anestesya o pang-pamanhid ang mga Doktor na Muslim upang mapanatiling kalmado at walang malay  ang pasyente na aabot sa pitong araw habang nagsasagawa ng mahahalagang operasyon.





·       Ang operasyon sa mata ay kanila ding nilinang ng husto. Si Ar-Razi ang kauna-unahang nagsaalang-alang sa operasyon para sa katarata sa mata. 





·       Nagpayo o nagbigay  ang mga Doktor na Muslim ng mga salamin na may iba'-ibang grado para sa malabong paningin.


Quotation (sipi) tungkol sa kontribusyon at sa sibilisasyon ng mga Muslim 


  “…ang sinasabi kong sibilisasyon ay tungkol sa mundo ng Islam mula sa taong 800 hanggang sa 1600, kasama na rito ang Ottoman Empire at ang hukuman ng Baghdad, Damascus at Cairo, at mga naliwanagang (enlightened) mga namumuno kagaya nila Suleiman ang kahanga-hanga. Kahit na madalas tayong walang kamalayan sa mga utang na loob  sa ibang sibilisasyon, ang mga handog o kapakinabangan nito   ay malaking parte ng ating namana. Ang industriya ng teknolohiya ay hindi iiral nang wala ang mga kontribusyon ng mga Arabong matematisyans. Sufi, isang makatang pilosopo gaya ni Rumi ang humamon sa ating paniniwala sa sarili at sa katotohanan. Ang mga namumuno gaya ni Suleiman ay nag-ambag sa paniniwala sa pagpapahintulot at sibil na pamumuno. At marahil tayo ay matututo sa kanyang mga halimbawa: Ito ay ang pamumuno na base sa meritocracy, hindi namana. Ito ay ang pamumuno na hango sa buong kakayahan ng magkakaibang populasyon--kabilang dito ang Kristiyanismo, Islam, at Jewish traditions. Ang ganitong uri ng pamumuno--pamumuno na nagpapalago ng kultura, pagpapanatili, pagkakaiba-iba at tapang -- humantong sa 800 taon ng paglikha at kasaganaan”. - Carly Fiorina, former CEO ng HP, sa isang talumpati sa Minneapolis, Minnesota noong Sep 26, 2001 “Technology, Business, and Our Way of Life: What’s Next”.


Mga Institusyon


islamic-goden-age-part-2.jpgAng bilang ng mahahalagang pang-edukasyon at siyentipikong mga institusyon na dating hindi kilala sa sinaunang mundo ay nagmula sa sinaunang mundo ng Islam, kabilang na dito ang mga kilalang halimbawa: ang pampublikong ospital (na nagpabago sa uri  panggagamot sa mga templo at sleep temples) at psychiatric na ospital, ang pampublikong sild-aklatan at hiramang silid-aklatan, ang academic degree-granting na unibersidad, at ang astronomical observatory bilang isang institusyon sa pananaliksik laban sa mga pribadong posteng pang obserba. 





Edukasyon


Ang unang unibersidad na namigay  ng mga diploma ay ang Bimaristan Medical University at Hospitals of the Medieval Islamic world, kung saan ang mga medikong diploma ay napamigay  mula ika-9 siglo sa mga estudyante ng Islamikong medisina na kwalipikado na gumanap  bilang doktor ng medisina. Kinilala ng Guinnes Book of World Records ang University of Al-Karaouine sa Fez, Morocco bilang pinakamatandang unibersidad na nagbibigay ng degree or katibayan sa buong mundo na itinatag noong 859 siglo. Ang Al-Azhar University na itinatag sa Cairo, Egypt noong 975 CE, ay nag alok ng ibat-ibang akademikong mga  antas kasama na rito ang postgraduate degrees, at kadalasang kinokonsidera na  unang full-pledged na unibersidad. Ang pinagmulan ng mga doctorate ay sa panahon ng ijazah at-tadris wa al-ifta ( "lisensya upang magturo at magbigay ng mga legal na opinyon") sa medieval Madrasahs (medieval na mga paaralan) na siyang nagturo ng Islamikong batas.





Silid-Aklatan


Ang silid-aklatan ng Tripoli ay sinasabing may tatlong milyong mga libro bago ito sinira  ng mga krusada. Ang bilang ng mga mahahalaga at orihinal na medieval na gawa ng mga Arabo sa siyensang matematika ay higit sa pinagsamang kabuuan na gawa ng medieval Latin at Griyego sa pagkukumpara sa kahalagahan, bagamat may maliit na bahagi ng mga nakaligtas na siyentipikong gawa ng mga Arabo na pina-aralan sa modernong panahon.     





Environmentalism (pang-kalikasan)


Ang mga sinaunang proto-environmentalist na mga kasunduan ay isinulat sa Arabik ni al-Kindi, ar-Razi, Ibn al-Jazzar, at-Tamimi, al-Masihi, Avicenna, Ali ibn Ridwan, Abd-el-latif, at Ibn al-Nafis. Ang kanilang mga gawa ay sakop ang ilang paksa na may kaugnayan sa polusyon, gaya ng polusyon sa hangin, tubig, at kontaminasyon sa lupa, at maling pamamahala sa mga basura. Sa Cordoba, al-Andalus ang unang  may mga lalagyan ng mga basura at pasilidad ng pagtatapon ng mga nakolektang mga basura.





Ang mga Muslim na iskolar ay hindi lamang nagtuon ng pansin sa isang paksa gaya ng ginagawa ng nakararami sa ngayon. Si Abu Rayhaan al-Bairuni (ipinanganak sa 973 CE), ay isang astronomer,mathematician at isang estudyante ng life sciences mula ika-11 siglo Uzbekistan, pati na rin ang kanyang paglalakbay sa buong mundo.   





Heograpiya (Geography)


Si Al-Mas'oodi, ang ika-10 siglong Muslim na  geographer at isang mananalaysay,  ay naglakbay sa Baghdad, India, Tsina, at ibang mga  bansa sa mundo, na naglalarawan sa mga tao, klima, heograpiya, at kasaysayan ng mga lugar na kanyang binisita.





Inimbento ng mga Muslim ang compass at al-Fargaani, kilala bilang Alfraganus sa Kanluran, tinatantya ang sukat ng mundo  na  24,000 milya. Ang mga Muslim din ang naunang gumamit ng pendulum at nagpatayo ng mga obserbatoryo.    





Mathematics


Inilipat ng mga Muslim ang numerong "zero" mula sa India hanggang sa buong mundo.





Isinulat ni Al-Khawarizmi ang kauna-unahang libro sa linear at quadratic equations na tinatawag na Algebra. 





Kimika (Chemistry)


Pinayabong ng mga Muslim ang kimika bilang ibang bahagi ng siyensya. Ang mundo ng kimika ay hango sa salitang Arabo na al-keemya. Kilala bilang 'ama ng kimika' si Jabir ibn Hayyan. Nadiskubre nya na ilan sa mga mineral at prepared acids gaya ng sulphuric acid sa unang pagkakataon.





Ang pagpapabaya ng mga Muslim hindi ang kakulangan ng mga turo sa Islam ang sanhi ng pagkabulok o pagkalugmok ng ating lipunan sa ngayon.





Magkaroon dapat tayo ng kagustuhang matuto at umunlad  upang magkaroon tayo ng sapat na kaalaman sa siyensa at ukol sa kabuhayan. Ngunit, ang pinakamahalagang bagay ay manatili tayong mga Muslim. Hindi natin dapat  ipagapalit sa mga materyal na bagay mula sa kanluran ang ating ispiritwal na sibilisasyon ng Islam.





Nararapat na tayo, minsan man lang, ay ating ipagmalaki na tayo ay parte ng Ummah o komunidad ng mga Muslim at mayaman na pamana. Pangalawa, dapat nating sundan ang  yapak ng mga dakilang siyentipikong Muslim at iskolar at pamunuan muli ang mundo.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG