Mga Artikulo

Terminong Arabik





·       Hijrah - ang paglipat mula sa isang lugar patungo sa ibang lugar. Sa Islam, ang Hijrah ay tumutukoy sa mga Muslim na lumipat mula sa Mecca patungo sa Medina at ito din ay palatandaan nang pag-uumpisa ng kalendaryo sa Islam.





·       Riba - patubo/interes.





·       Riba an-Nasiah - “riba ng pagpapaliban”.





·       Riba al-Fadl - “riba ng pagpapalabis”.





·       Shariah - Batas ng Islam.





·       Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan depende sa sangay ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinatanggap, ay kahit anuman na iniulat na sinabi, ginawa, o sinang ayunan ng Propeta.





·       Surah – kabanata ng Quran.





InterestinIslam1.jpg





 Ang patubo ay tungkol sa pagtitipon ng  mas maraming pera nang walang panganib na humahantong sa isang walang patas na pamamahagi ng kita. Ang patubo ay naglalagay sa mga mahihirap na nababaon  sa utang sa isang sitwasyon kung saan hindi sila maaaring umusbong sa lipunan o sa ekonomiya. Maraming beses ang isang indibidwal ay hindi kayang mapanatili ang mga pagbabayad ng interes na dapat bayaran mula sa kanyang utang. Ang Riba ay lumilikha ng mga linta(nabubuhay sa pagsipsip sa iba o pagpapayaman gamit ang ibang tao) sa lipunan dahil dito  ang agwat sa pagitan ng mayayaman at mahihirap ay napapanatiling malawak.





Ang pangunahing layunin ng pagbabawal ng riba ay upang harangan ang mga paraan na humantong sa pag-iipon ng kayamanan sa mga kamay ng iilan, maging ang mga ito ay mga bangko o mga indibidwal. Halimbawa ang US. Ang pinaka nasa taas na 1% na mga Amerikano ay kontrolado ang 40% na yaman ng bansa.





Sa internasyonal na antas, ang mga kinahihinatnan ng patubo ay mas malala. Ang patubo na binabayaran ng mga pamahalaan ng mahihirap na bansa ay napakalaki na halos isakripisyo nila ang mahahalagang pangangailangan sa kalusugan at nutrisyon. Ang ilang mga pamahalaan ng Aprika ay napipilitan gumastos ng higit sa pagbabayad ng interes kaysa sa gastusin nila sa kalusugan o edukasyon. [1] Sa madaling sabi, ang interes ay pumapatay. Sinabi ni Ken Livingston, Mayor ng London, na ang pandaigdigang kapitalismo ay pumapatay ng mas maraming tao bawat taon kaysa sa pinatay ni Adolf Hitler. Sinisi niya ang IMF at World Bank para sa mga milyun-milyong pagkamatay dahil sa kanilang pagtanggi na mabawasan ang pasanin sa utang. Sinabi ni Susan George na bawat taon mula noong 1981 sa pagitan ng 15 at 20 milyong katao ang namatay nang hindi karapat-dapat dahil sa pasanin ng utang "dahil ang mga pamahalaan ng Third World ay kinailangan na magbawas sa malinis na tubig at mga programang pangkalusugan upang matugunan ang kanilang mga pagbabayad." [2]





   Bukod pa rito, sa kabuuan, ang socio-economic at pantay na katarungan, intergenerational na pagkamakatao, kawalang katatagan ng ekonomiya, at pagkawasak ng ekolohiya ay dahilan din na batayan sa pagbabawal nito. [3] Ang pagbabawal sa riba ay ang pagpigil sa pag-iimbak, at humahantong sa malawak na pag-unlad. Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring sumangguni sa sumusunod na link:





Bakit lahat tayo ay may utang?





Kahulugan ng Riba


Ang 'Riba' ay ang salitang ginagamit ng Allah sa Quran at ni Propeta Muhammad, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, sa Sunnah. "Ang literal na kahulugan ng 'riba' ay labis at sa terminolohiya ng Shariah, ay nangangahulugang isang karagdagan, gaano man ka  kaunti, humigit pa at mas mataas sa  tunay na halaga ng matagalang pautang  o utang."[4]





   Ang karaniwang mga halimbawa na kinasasangkutan ng riba ay ang pagsulong ng pera sa interes, pagpapanatili ng mga deposito sa isang bangko para sa pagkita ng  dahil  sa interes, at interes na binabayaran sa utang ng credit card.





Ang pinaka karaniwang gawain ng riba ay ang mga pautang at kredito. Halimbawa: Ang isang nagpapahiram ay nagbigay ng P1000 sa isang may nangungutang na may kasunduan na ang may utang ay ibabalik ito ng $ 1200 sa isang tukoy na petsa. Ang dagdag na $ 200 ay riba sa Shariah.





      Upang maging tumpak, ang riba ay dalawang uri, isa mula sa Quran (riba an-nasiah, "riba ng pagpapaliban") at isa pang mula sa Sunnah (riba al-fadl, "riba ng pagpapalabis").





Mga Uri ng Riba


1. Riba an-Nasiah (riba ng pagpapaliban):


     Ito ay isang pagpapaliban (nasiah) sa pagbabayad ng mga utang na may kinalaman na mas malaking pera kaysa sa tunay na halaga o di kaya ay pagbabayad lang ng isa mula sa dalawang utang. Ito ang riba na naiipon sa isang pautang. Ito ay ang mas laganap na anyo ng riba ngayon at ang tatalakayin natin sa araling ito.





2. Riba al-Fadl (riba ng pagpapalabis)


      Ito ay isang labis (fadl) sa presyo ng isang halaga mula sa iba pa sa mga barter(palitan) na transaksyon ng mga partikular na mga kalakal (hindi-pera ngunit napapalitan na bagay). Hindi natin pag-uusapan ito sa mga aralin na ito.





Ang Riba ay Ipinagbawal sa mga Naunang Kasulatan


    Ang Islam ay hindi lamang ang relihiyon na pinagbawalan ang interes. Ang pagbabawal ng interes ay isang kilalang batas sa Luma at Bagong Tipan ng Biblia. Isaalang-alang ang sumusunod na mga talata:





“Huwag kang magpapahiram na may tubo sa iyong kapatid; tubo ng salapi, tubo ng kakanin, tubo ng anomang bagay na ipinahihiram na may tubo. Sa isang taga ibang lupa o ibansa na dimo kilala ay makapagpapahiram ka na may tubo; nguni't sa iyong kapatid ay huwag kang magpapahiram na may tubo: upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng mga bagay  o negosyo na iyong papasukin na magkakaroon ka ng kita o pag aari.” (Deuteronomy 23:19-20)





   Gayundin, tingnan ang Exodo 22:25, Levitico 25:37, Jeremias 15:10, at Ezekiel 18:13. Ang mga naunang konseho ng simbahan ay nagbabawal sa interes at mga Katoliko na pinagbawalan ito nang mahabang panahon.





Riba sa Quran


     Mayroong maraming talata sa Quran na nagpapaliwanag sa pagbabawal ng interes o riba. Sinasabi ng dalawang talata na ang riba ay ipinagbabawal sa mga Tao ng Aklat, lalo na ang mga Hudyo (4: 160-161).





    Ang mga talata tungkol sa interes ay ipinahayag kay Propeta Muhammad sa buong tungkulin niya bilang sugo. Ang unang talata ng Quran sa interes ay itinuturing na nasa Surah ar-Room, 30:39 na inihayag sa ika-6 na taon ng pagkapropeta sa Mecca. Ang talatang 3: 130 ay ipinahayag sa ika-3 taon pagkatapos ng paglipat ng Propeta Muhammad sa Madina. Ang Surah an-Nisa, 4: 160-161 ay inihayag sa ika-5 taon ng Hijrah. Ang surah al-Baqarah, 2: 275-276 ay ipinahayag sa ika-9 na taon ng Hijrah.





Karagdagang paliwanag sa bahagi na ito ay nasa susunod na aralin.





Mga Terminolohiyang  Arabik:





·       Riba - patubo/interes.





·       Shariah – Batas ng Islam.





·       Shirk – isang salita na nagpapahiwatig ng pagkakaroon ng kasosyo sa Allah, o nagpapahiwatig ng mga katangiang banal sa iba kaysa sa Allah, o naniniwala na ang pinagmumulan ng kapangyarihan, pinsala at pagpapala ay nagmumula sa iba bukod sa Allah.





·       Sunnah - Ang salitang Sunnah ay may ilang kahulugan depende sa sangay ng pag-aaral gayunpaman ang kahulugan na karaniwang tinatanggap, ay kahit anuman na iniulat na sinabi, ginawa, o sinang ayunan ng Propeta.





·       Zakah - obligadong kawang-gawa





Riba sa Quran (pagpapatuloy)


Interes Laban sa Zakah


InterestinIslam2.jpg“At anuman ang inyong ibinigay bilang pautang na ang layunin ay ‘Ribâ’; upang kumita mula sa pagmamay-ari ng mga tao ay wala ritong nairagdag na anumang kabutihan sa paningin ng Allâh subali’t ang anumang ibinigay ninyo bilang ‘Zakâh’ bilang paghahangad ng Kanyang gantimpala,papalakihin at paparamihin niya ito sainyo." (30:39)





Ang Interes ay Kinakain ang mga Kayamanan ng Tao ng Di-makatarungan





“ At dahil sa katampalasanan ng mga Hudyo ay Aming ginawa na bawal sa kanila  ang ilang piling pagkain (na mabuti), na noon ay hindi bawal (pinapayagan) sa kanila, at sa kanilang paghadlang ng marami sa Landas ng Allah; At sa kanilang pagtanggap ng Riba, bagama’t sila ay pinagbawalan at sa kanilang pagkamkam ng walang katarungan sa yaman ng mga tao. At Aming inihanda sa mga hindi sumasampalataya sa lipon nila ang kasakit-sakit na kaparusahan..  (Quran 4:160-161)





Pagbabawal ng Pagiipon ng Kayamanan sa Pamamagitan ng Interes


“O! kayong nagsisisampalataya! Huwag kayong kumain ng Riba, ng dalawang ulit at patong-patong, datapuwa’t pangambahan (ninyo) ang Allah upang kayo ay maging matagumpay.” (Quran 3:130)





Interes Laban sa Kawang-gawa, Mga Kumakain ng Riba sa Araw ng Paghuhukom


“Ang mga nagpapakasasa sa Riba, ay hindi titindig (sa Araw ng Muling Pagkabuhay) maliban sa pagtindig ng isang tao na hinataw ni Satanas, na nagdulot sa kanya ng pagkabaliw. Ito’y sa dahilang sila ay nagsasabi: “Ang pangangalakal ay tulad din ng Riba”, datapuwa’t ang Allah ay nagpahintulot ng pangangalakal at nagbawal ng Riba . Kaya’t sinuman ang tumanggap ng paala-ala mula sa kanyang Panginoon at tumigil sa pagpapasasa sa Riba ay hindi parurusahan sa anumang nakaraan; ang kanyang usapin ay na sa Allah; datapuwa’t kung sinuman ang magbalik (sa hanapbuhay) na may Riba , sila ang magsisipanahan sa Apoy, mananatili sila rito magpakailanman. Ang Allah ay hindi magkakaloob ng anumang biyaya sa Riba, datapuwa’t magbibigay (Siya) ng higit pang (biyaya) sa mga gawa ng pagkakawanggawa sapagkat Siya ay hindi nagmamahal sa mga walang damdamin ng utang na loob ng pasasalamat at makasalanan.” (2:275-276)





Itigil ang Pagpapasasa sa Interes  Kaagad Kapag Dumating na Sainyo ang Patnubay ng Allah, Pahayag ng Allah ng Digmaan sa mga Gumagawa ng Riba


“O kayong nagsisisampalataya! Pangambahan ninyo ang Allah, at inyong ipagparaya ang anumang natira sa tubo ng inyong pautang, kung kayo ay tunay na sumasampalataya. At kung ito ay hindi ninyo gawin, dapat ninyong  alamin  na kayo ay binigyang babala ng  digmaan mula sa Allah at ng Kanyang Sugo (sa madaling sabi, ang isang nagpapatubo ng salapi ay nakikipaglaban sa Allah at sa Kanyang Sugong si Muhammad), datapuwa’t kung kayo ay magsisi, sasainyo ang halaga na inyong ipinautang. Huwag kayong makitungo ng walang katarungan at kayo rin naman ay hindi pakikitunguhan ng kawalang katarungan. At kung ang nagkakautang ay nasa kahirapan (o gipit), inyong gawaran siya ng palugit hanggang sa maging madali sa kanya ang pagbabayad. Datapuwa’t kung ipatawad ninyo ito at ibigay sa kanya bilang kawanggawa, ito ay higit na mainam sa inyo kung inyo lamang nalalaman. At pangambahan ninyo ang Araw na kayo ay ibabalik sa Allah. Sa gayon, ang bawat kaluluwa ay babayaran ng ayon sa kanyang kinita at sinuman ay hindi pakikitunguhan ng kawalang katarungan.” (Quran 2:278-281)





Pahayag ni Propeta Muhammad Patungkol sa Riba


1.  Sinabi ng Propeta:





“Huling gabi nakita ko (sa isang panaginip) may dalawang lalaki na dumating sa akin at dinala ako sa isang banal na lupain. Nagpatuloy kami hanggang sa dumating kami sa isang ilog ng dugo kung saan nakatayo ang isang lalaki, at sa tabing-ilog ay may isa pang lalaki at sa harapan ng mga ito ay ilang mga bato. Ang lalaking nasa ilog ay tumungo sa kanya, at kapag gusto niyang lumabas, ang isa pang lalaki ay nagtatapon ng isang bato sa kanyang bibig at ipinapadala siya pabalik sa kung saan siya nagsimula. Bawat oras na sinubukan niyang lumabas, hinahagis ng isang tao ang isang bato sa kanyang bibig at ipinapadala siya pabalik. Sinabi ko, 'Ano ito?' Sabi nila, 'Ang nakita mo sa ilog ay ang gumagawa ng riba.’”[1]





2 .  Sinabi ng Propeta:





‘Iwasan ang pitong nakakapinsalang kasalanan’





Sinabi nila: O Sugo ng Allah, ano sila? 'Sabi niya:





‘Shirk, pangkukulam, pagpatay ng isang kaluluwa na ipinagbabawal sa atin ng Allah na patayin, pagpapasasa sa riba (interes), pag-aangkin ng mga kayamanan ng mga ulila, pagtakas mula sa labanan, at paninirang puri sa mga dalisay at walang-sala na mananampalatayang kababaihan.’[2]





3 .  Sinumpa ng Sugo ng Allah ang sampung tao:





“Ang kumakain ng riba, ang nagbabayad ng riba, ang nagsusulat nito, ang dalawa na nakasaksi nito, ang nagpapahintulot sa batas, ang nagpahintulot  nito, ang taong pinipigilan ang pagka-kawang-gawa, ang mga tao na naglalagay ng tato at mga nilalagyan nito”[3]





Samakatuwid, ang lahat ng pakikitungo na may interes ay ipinagbabawal.





Ano Ang Gagawin Mo?


1 .  Iwasan ang direktang paglahok sa anumang transaksyon batay sa interes lalo na sa trabaho.





Kalutasan: Kung ang iyong trabaho ay nangangailangan ng iyong pakikitungo sa interes, maghanap ng iba.





2 .  Lumayo mula sa pagmamay-ari ng checking account sa isang bangko o isang credit union.





Kalutasan: Ang mga bangko sa pangkalahatan ay nagbibigay ng isang maliit na halaga ng interes sa mga checking at savings na mga account. Ang mga natamo na interes ay dapat ibigay sa kawang-gawa para sa mga mahihirap, nang hindi nagbabalak ng anumang gantimpala, ngunit para lamang mapawi ang iyong sarili sa labag sa batas na yaman. Maaari ka rin makipag-ugnayan sa iyong lokal na moske at bumili ng pamunas, atbp. para sa kanila sa pamamagitan ng pera.





3 .  Huwag kumuha ng pautang mula sa isang bangko sa pamamagitan ng interes para sa negosyo.  





Kalutasan: Maggalugad ng mga pagpipiliang Islamic financing na naibigay sa baba.





4 .  Umiwas sa pagkakautang ng credit card  





Kalutasan: Bayaran mo ang kumpletong balanse na iyong nautang sa iyong credit card ng agad-agad tuwing nakukuha mo ang buwanang statement upang hindi mo kailangang magbayad ng interes dito. Maaari ka ring mamili kung kukuha ng pre-paid credit card, na inaalok ng karamihan sa mga pangunahing bangko.





5 .  Iwasan ang pagbili ng bahay o kotse sa interes. Huwag kumuha ng auto o house mortgage kung saan kailangan mong magbayad ng interes.





Kalutasan: Isa, maaari kang magrenta, makatipid ng pera, at bumili ng bahay na foreclosure. Dalawa, maaari mong isaalang-alang ang mga pagpipilian sa financing ng Islam na ibinigay sa ibaba. Tatlo, kung minsan may isang gumagawa ng bahay na direktang nagbebenta sa iyo ng isang bahay na walang interes Maaari kang umarkila ng bago o di kaya bagong kotse. Maaari ka ring bumili ng ginamit na kotse. Kung naghahanap ka ng isang sasakyan maaari mo ring isaalang-alang ang isang 'in-house finance' na nakatakda sa 0%. Palaging basahin ang nakasulat at huwag magmadali habang sinusuri mo ang mga kontrata na ito.





6 .  Iwasan ang mga pautang sa mag-aaral.





Kalutasan: Kumuha ng karagdagang mga scholarship at bursaries, mag alay ng isang semestro upang magtrabaho, o kumuha ng isang mas maliit na kurso at magtrabaho habang pumapasok sa paaralan. Kung nahihirapan ka sa paggawa nito, mangyaring kumunsulta sa isang scholar sa iyong gusto.





Mga Pagpipiliang Islamic Financing


UK Islamic Home Financing


Manzil House Financing programa na inaalok ng Islamic Investment Bank Unit (IIBU) na bahagi ng Kuwait Bank.





HSBC’s Amanah sa pagtutustos ng bahay.





US Islamic Home & Business Financing


www.guidanceresidential.com: ay isa sa pinakamalaking tagapagbigay ng US ng financing ng bahay na sumusunod sa Shariah na ipinagkaloob ang higit na $ 3 bilyon sa home financing sa mga American-Muslim na may-ari na mga bahay sa nakalipas na 10 taon.





www.devonbank.com: tagapagkaloob ng pananalapi na nakabatay sa pananampalataya at komersyal sa US. Ang kanilang mga produkto ay binubuo ng real estate financing na sumasaklaw sa pagbili ng real estate, refinance, konstruksiyon, at mga linya ng kredito, pati na rin ang financing ng negosyo at kalakalan. Kasalukuyan silang nag-aalok ng mga produkto sa Illinois, Indiana, Wisconsin, Minnesota, California, North Carolina at Texas.





www.myuif.com: Nagsisilbi ang UIF sa mga pangangailangan ng komunidad ng mga Muslim sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga savings account na alinsunod sa Shariah sa pamamagitan ng University Bank at Mortgage Alternative na mga produkto, pati na rin ang alinsunod sa Shariah na komersyal na real-estate at home financing sa pamamagitan ng mga programang Murabaha at Ijara.



Kamakailang Mga Post

Isang mensahe mula sa ...

Isang mensahe mula sa isang Muslim na mangangaral sa isang Kristiyanong

BIYAYA NG PAG-AAYUNO ...

BIYAYA NG PAG-AAYUNO NG ANIM NA ARAW NG SHAWAL

KINIKILALA NG MGA KRI ...

KINIKILALA NG MGA KRISTIYANONG ISKOLAR ANG MGA PAGKAKASALUNGAT SA BIBLIYA