Mga Terminolohiyang Arabik
· Awrah – ang mga bahagi ng katawan na dapat takpan.
· Mahram – isang tao, lalaki o babae na may kaugnayan sa isang partikular na indibidwal sa pamamagitan ng dugo, kasal o pagpapasuso. Hindi sila pinapayagang makasal, tulad ng ama, pamangkin, tiyuhin, atbp.
· Haya – natural o likas na pagkamahiyain at pagkadama ng kahinhinan.
· Hijab – Ang salitang hijab ay mayroong maraming iba't ibang kahulugan, kabilang ang pagtatago, takip at tabing. Karaniwang tumutukoy ito sa belo ng isang babae at sa mas malawak na mga termino ay para sa katamtamang pananamit at kayumian ng ugali.
IslamicDress01.jpgAng Islam ay isang kumpletong paraan ng pamumuhay, ang bawat aspeto ay dinisenyo ng ating Lumikha upang maisulong ang maligaya, malusog na mga komunidad at mapadali ang landas sa walang hanggang kaligayahan sa Paraiso. Sa kababaihan ngayon ang kahinhinan ay nakikita bilang tanda ng kahinaan o kawalang-seguridad. Hindi ito ang kalagayan sa Islam, kung saan ang kahinhinan ay nakikita bilang tanda ng paggalang sa sarili at sa iba. Ang haya na ang bawat tao ay isinilang na meron ito ay isang bagay na dapat ingatan. Hanggang ngayon ang Islam ay may pamantayan sa pananamit para sa babae at lalaki. Ang layunin nito ay upang protektahan ang lipunan sa kabuoan at itaguyod ang kayumian sa pananamit at pag-uugali. Lumilikha ito ng harang sa pagitan ng mga kasarian at nagpapahintulot sa atin na mamuhay ng may kahinhinan, dignidad at respeto.
Ang Islam ay nilalagay ang mga kababaihan sa napakataas na pagpapahalaga at ang mga Islamikong panuntunan ng pagtatakip ay inilaan upang protektahan ang kanyang dignidad at karangalan. Ang salitang ginagamit nang madalas sa takip ay hijab. Ang lahat ng kwalipikadong iskolar ng Muslim sa buong kasaysayan ng Islam ay sumang-ayon na ang pagtupad sa mga kondisyon ng pamantayan ng pananamit ay isang obligasyon sa lahat ng mga kalalakihan at kababaihan na Muslim. Ibinatay nila ang mga kondisyong ito sa katibayan na natagpuan sa Quran at sa Sunnah. Ang nasa ibaba ay ang pinaka mahusay na kilala na mga bersikulo sa Quran at ang pinaka-sikat na kasabihan mula sa Propeta Muhammad patungkol sa paksa ng hijab.
“"O Propeta! Sabihin mo sa iyong mga asawa at mga anak na babae at mga kababaihang mananampalataya na ilabas ang kanilang mga damit na pang ibabaw (belo) at takpan ang kanilang katawan. Iyan ay magiging mas mahusay, ng sila ay makilala (bilang mga kapita-pitagang kababaihan) upang hindi kainisan. (Qur'an 33:59)
Sabihin sa mga naniniwalang kababaihan na dapat nilang ibaba ang kanilang paningin at protektahan ang kanilang mga pribadong bahagi (mula sa mga kasalanan); at hindi nila dapat ipakita ang kanilang kagandahan at mga palamuti maliban sa kung ano ang dapat ilitaw dito... (Quran 24:31).
Kapag ang isang batang babae ay umabot na sa edad na datnan na siya ng buwanang dalaw, ay hindi na dapat na hayaang nakalabas ang mga dapat takpan maliban sa mga ito. At itinuro niya ang mukha at mga kamay.
Hijab ng Kababaihan
Ang layunin ng hijab ay upang matakpan ang awrah at ang awrah ay magkaka-iba ng sitwasyon sa pagitan ng magkaka-ibang grupo ng tao.
Magsimula tayo sa mga kondisyon ng hijab para sa isang babae sa publiko at sa harap ng mga di-mahram na lalaki. Hangga't ang mga kundisyong ito ay natutupad ng isang babae ay maaaring magsuot ng anumang kanyang ninanais.
1. Ang hijab (takip) ay dapat itago ang buong katawan maliban sa mukha at mga kamay.
2. Ito ay hindi dapat na manipis o masikip. Ang masikip na kasuotan, kahit na itago nila ang kulay ng balat, ay naglalarawan pa rin ito sa laki at hugis ng katawan o bahagi nito, at lumilikha ng mga matingkad na imahe.
3. Hindi dapat makaagaw pansin sa ibang kasarian; kaya hindi ito dapat maging maluho o labis na magara. Hindi dapat ipakita ang mga alahas at pampaganda.
4. Ito ay hindi dapat isuot dahil sa banidad o makakuha ng kasikatan at makilala. Ang mga babaeng kasamahan (kapanahunan ng Propeta) ay kilala na nagsusuot ng itim at mga di matitingkad na kulay, ang ibang kulay ay pinahintulatan naman; Ang babae ay di nararapat na magsuot ng mga matitingkad na kulay ng mga damit dahil lamang sa pagiging banidosa.
5. Hindi ito dapat lagyan ng pabango. Ang pagbabawal na ito ay parehong sa katawan at mga damit.
6. Hindi ito dapat maging katulad ng damit na isinusuot ng mga kalalakihan.
7. Hindi ito dapat maging katulad ng damit ng mga di-Muslim.
Pananamit ng mga kalalakihan
Sabihin sa mga naniniwalang kalalakihan na dapat nilang ibaba ang kanilang paningin at protektahan ang kanilang mga pribadong bahagi (mula sa mga kasalanan). Iyan ay dalisay para sa kanila. At si Allah ay lubos na nakakaalam sa lahat ng kanilang ginagawa. (Qur'an 24:30)
Bagama't kung minsan ay hindi ito napapansin o hindi naiintindihan nang mabuti ay mayroong mga kondisyon ng pananamit para sa mga kalalakihan. Ang ilan sa mga kondisyon ay katulad ng mga kondisyon para sa babae ngunit ang iba ay may kaugnayan lalo na sa mga lalaki.
1. Ang bahagi ng katawan mula sa pusod hanggang sa mga tuhod ay dapat takpan.
2. Hindi ito dapat maging katulad ng damit ng mga di-Muslim. Ang damit ng taga kanluran na hindi kumakatawan sa isang partikular na grupo o sekta ay karaniwang pinahihintulutan.
3. Hindi ito dapat maging katulad ng damit na isinusuot ng mga babae.
4. Hindi ito dapat maging masikip o manipis.
5. Ang isang lalaki ay hindi pinahihintulutang magsuot ng mga damit na gawa sa sutla, o alahas na gawa sa ginto.
6. Dalawang uri ng palamuti ang ipinagbabawal sa mga lalaki ngunit pinahihintulutan para sa mga kababaihan. Ang mga ito ay, ginto at damit na gawa sa purong sutla.
Lubos na sang-ayon ang mga iskolar ng Islam na para sa mga lalaki ang lahat ng bagay sa pagitan ng pusod at ang mga tuhod (kabilang ang mga tuhod) ay dapat na takpan sa harapan ng sinuman. Ang tanging pagbubukod dito ay isang lalaki sa harapan ng kanyang asawa.
Ang panghuli, ito ay inirerekomenda para sa mga lalaki na huwag magsuot ng mga damit na lagpas sa ibaba ng mga bukong-bukong.
Sa susunod na aralin ay pag-aaralan natin ng mas detalyado ang kahulugan ng awrah at tatalakayin ang katotohanan na ang mga alituntunin ng awrah ay nagbabago depende sa sitwasyon.
Awrah
Ang kahulugan ng awrah ay ang mga bahagi ng katawan na dapat sakop at ito ay nag-iiba sa iba't-ibang mga sitwasyon sa iba't-ibang grupo ng mga tao. Sa aralin 1 nasasakop natin ang mga kondisyon ng pananamit para sa parehong mga kalalakihan at kababaihan at sa gayon ay maunawaan ang awrah o, kung ano ang dapat takpan sa mga pampublikong lugar. Gayunpaman, upang lubos na ipatupad ang Islamikong pananamit mahalaga na maunawaan ang ilang iba pang mga sitwasyon kung saan ang awrah ay nagiging mahalaga.
Ang awrah ng isang babae sa harap ng kanyang asawa:
Walang awrah sa pagitan ng mag-asawa. Kapag ang isang babae ay nag-iisa sa kanyang asawa siya ay pinahihintulutang magsuot ng anumang damit na nakalulugod sa kanilang dalawa.
At kabilang sa Kanyang mga Tanda ay ang paglikha Niya para sa inyo ng mga kasamahan mula sa inyong mga sarili, upang kayo ay manahan ng may katahimikan sa kanila, at Siya ay nagbigay ng pag-ibig at awa sa pagitan ng inyong mga puso. (Qur'an 30:21)
Ang awrah ng isang babae sa harap ng kanyang mahrams:
Sino ang aking mahram? Para mapadali ang pagsulat at pag-unawa ay binalangkas namin ang mahrams para sa isang babae; gayunpaman ang mga relasyon ng mahram ay pareho kung ang taong pinag-uusapan ay babae o lalaki. (Ama / ina anak / anak na babae at iba pa)
Ang isang mahram ay isang tao na hindi pinahihintulutan na maging-asawa, dahil sa isang malapit na relasyon sa dugo, pagpapasuso o pag-aasawa. Ang isang asawa ay isa ring mahram. Ang mahram ay isang tao na pinapayagan na makasama mag-isa (babae at lalaki lang).
· Isang malapit na kaugnayan sa dugo: Para sa isang babae, ang kanyang ama, lolo, anak, apong lalaki, kapatid na lalaki, mga tiyuhin at tiyahin (mga kapatid ng kanyang ama at ina) at mga pamangkin. Gayundin para sa isang lalaki, ang kanyang ina, anak na babae, apong babae, kapatid na babae, mga tiyuhin at tiyahin (mga kapatid ng kanyang ama at ina) at mga pamangkin.
· Pagpapasuso: Kabilang dito ang sinuman, lalaki o babae na pinasuso ng parehong ina o katulong. (at kinabibilangan ng kapatid na lalaki o asawa ng taong nagpasuso sa taong pinag-uusapan)
· Kasal: Ang mga taong naging iyong karelasyon sa pamamagitan ng pag-aasawa tulad halimbawa ng biyenan na lalaki, biyenan na babae, tiyuhin, tiyahin, stepson.
Kapag ang isang babae ay nasa kanyang mga mahrams, ang mga iskolar ng Islam ay sumang-ayon na ang isang babae ay hindi dapat obserbahan ang mahigpit na panuntunan ng pagtatakip na makakapag-pakita ng buhok, mukha, kamay, binti mula sa ibaba ng tuhod, at paa. Gayunpaman, ang isang Muslim na babae ay dapat laging tandaan na siya ay kilala para sa kanyang kahinhinan at haya, samakatuwid hindi siya dapat gumawa ng isang mahalay na pagpapakita ng kanyang sarili.
At sabihin sa mga naniniwalang kababaihan na ibaba ang kanilang paningin (mula sa pagtingin sa mga ipinagbabawal na bagay), at protektahan ang kanilang mga pribadong bahagi (mula sa mga iligal na sekswal na kilos, atbp.) At hindi upang ipakita ang kanilang palamuti maliban lamang kung ano ang nakikita na at mag suot ng kanilang mga belo at huwag ihayag ang kanilang kagandahan maliban sa kanilang mga asawa, kanilang mga ama, mga ama ng kanilang asawa, mga anak na lalaki, mga anak ng kanilang asawa, mga kapatid na lalaki o mga anak ng kanilang kapatid, o mga anak ng kanilang kapatid na babae, o ang kanilang mga babae, o ang (babaeng) mga alipin, na nasasakop nila o matandang tagapag-lingkod na lalaki na wala ng kalakasan, o mga bata na hindi pa nakakaalam ng mga pribadong aspeto ng mga babae ... (Qur'an 24:31)
Ang awrah ng isang babae sa harap ng iba pang (Muslim) na kababaihan:
Ang isang babae ay dapat magdamit nang disente sa harap ng iba pang mga Muslim na kababaihan; maaari niyang ipakita kung ano ang karaniwang pinakikita niya, ang kanyang buhok, mga bisig, mga paa. At tungkol sa iba pang mga bahagi ng kanyang katawan, tulad ng kanyang mga hita, at bandang dibdib, hindi dapat nakikita.
Bagaman pinahihintulutan siyang mag-suot ng mga damit na maganda at nakakabigay-puri, dapat siyang mag-ingat sa pagkilos at magsanay sa isang paraan na angkop sa kanyang katayuan at hindi nakakasakit ng haya (kahinhinan) ng iba pang mga babae.
Kung ang isang babaeng Muslim ay nakikita niya ang kanyang sarili sa isang sitwasyon kung saan may iba pang mga kababaihan na kilala na masama ang moral, dapat siyang magdamit nang naaayon at dapat sundin ang parehong mga alituntunin ng awrah na nararapat kapag nasa publiko. (Ang mga patakaran na natutunan natin bilang mga kondisyon ng hijab.)
Ang awrah ng isang babae sa harap ng mga babaeng hindi Muslim:
Ito ay tungkol sa ilang hindi pagkakasundo sa pagitan ng mga iskolar. Sinasabi ng ilan na ang parehong mga alituntunin ay angkop para sa mga Muslim na kababaihan, ngunit ang iba naman ay nagsasabi na ang isang babae ay dapat obserbahan ang mga mahigpit na alituntunin para sa pagtatakip kung kasama ang mga babaeng hindi Muslim.
Sa panahon ng Propeta, ang mga Hudyong babae at ang mga sumamba sa mga idolo ay madalas na bumibisita sa mga asawa ng Propeta para sa iba't ibang mga kadahilanan. Hindi naisalaysay na ang mga asawa ng Propeta, ang pinakamahuhusay at pinaka-maka-diyos na kababaihan, ay nagtakip sa kanilang sitwasyon ng panahon na iyon.[1]
Kapag ang isang babae ay nagpapasya sa kung anong uri ng pantakip ang kanyang isusuot sa harap ng mga babaeng hindi Muslim dapat na tandaan na ang mga di-Muslim na babae ay maaaring hindi alam na hindi niya dapat ilarawan ang kagandahan ng isang Muslim na babae sa sinumang lalaki.
Kaya mahalaga na gawin niya ang kanyang mga desisyon batay sa iba't ibang sitwasyon. Ang Muslim na kababaihan ay dapat magbihis ng mga damit na naglalarawan ng kanyang kahinhinan at karangalan. Kung may mga hindi kilalang babae sa isang pagtitipon marahil ay mas mahusay na magkaroon ng isang mas maayos na pananamit.
Ang awrah ng isang babae sa harap ng kanyang mga anak:
Kung ang bata ay isang sanggol o hindi pa naiintindihan ang kahulugan ng awrah at sekswalidad siya ay pinapayagan na alisin ang takip sa kanyang sarili na kagaya din pag nasa harap siya ng mga Muslim na kababaihan. Kapag ang anak na lalaki ay dumating na sa edad kung saan siya ay nakaka-unawa na ng kahulugan ng awrah at ang pagkakaiba sa pagitan ng mga kalalakihan at kababaihan kung ganoon ang awrah ng kababaihan ay katulad na ng para sa iba pang mga mahram na lalaki.
Ang lahat ng mga Muslim, lalaki o babae, ay dapat mapanatili ang kahulugan ng haya (kababaang-loob) sa lahat ng oras dahil ang haya ay bahagi ng pananampalataya. Ang damit ng isang tao ay karaniwang isa sa mga tagapag-pahiwatig ng kanilang kahinhinan.
Sinabi ng Propeta, "Ang pananampalataya ay binubuo ng higit sa anim-napung sangay (hal.bahagi) At ang haya ay bahagi ng pananampalataya."[2]
Mga Layunin ng Aralin:
· Maunawaan kung ano ang dapat takpan sa panalangin para sa kalalakihan at kababaihan.
· Maunawaan ang batayang karunungan sa likod ng pamantayan ng pananamit.
Mga Terminolohiyang Arabik:
· Awrah – ang mga bahagi ng katawan na dapat takpan.
· Mahram – isang tao, lalaki o babae na may partikular na kaugnayan sa indibidwal sa pamamagitan ng dugo, kasal o pagpapasuso. Hindi siya pinapayagang maging asawa ang mga ito tulad ng ama, pamangkin, tiyuhin, atbp.
· Haya – natural o likas na pagkamahiyain at isang pakiramdam ng kahinhinan.
· Hijab – ang salitang hijab ay mayroong maraming iba't ibang kahulugan, kabilang ang pagtatago, pagtatakip at tabing. Karaniwang tumutukoy ito sa belo ng isang babae at mas malawak na mga tuntunin sa katamtamang pananamit at pag-uugali.
· Masjid - salitang arabe na moske.
Sa aralin 2, tinalakay namin ang awrah sa iba't ibang grupo ng mga tao. Matutulungan ka ng madaling-gamiting talahanayan na maunawaan mo ang makatwirang, hindi kumplikadong mga panuntunan.
ANG MGA BATAS NG AWRAH ~
(ANO ANG MAARING WALANG TAKIP)
ASAWA
Walang awrah sa pagitan ng mag-asawa.
MAHRAM NA KALALAKIHAN
Iyan na karaniwang nakikita tulad ng kanyang buhok, mukha, leeg, braso, mga binti mula sa ibaba ng tuhod at paa.
DI-MAHRAM NA KALALAKIHAN
Mukha at mga kamay
BABAENG MUSLIM
Iyan na karaniwang nakikita tulad ng kanyang buhok, mukha, leeg, braso, mga binti mula sa ibaba ng tuhod at paa.
BABAENG HINDI-MUSLIM
Ang mga iskolar ay nagkakaiba-iba. Ang ilan ay pinahihintulutan ang parehong pantakip sa kababaihang Muslim; inirerekomenda ng iba na mas mahigpit na ipatupad ang pagtatakip depende sa sitwasyon.
MGA BATANG MALILIIT
Tulad ng para sa mga babaeng Muslim.
MGA MATATANDANG ANAK NA LALAKE
Tulad ng para sa mga mahram na lalaki.
MGA NASA WASTONG EDAD NA BATANG LALAKI (HINDI KAPAMILYA
Tulad ng para sa mga di-mahram na lalaki.
Ang Awrah Habang Nagdarasal
IslamicDress03.jpgSa unang dalawang aralin natutunan natin ang maraming mga bagong salita at sinubukang gayahin ang maraming bagong impormasyon. Pinapalitan natin ngayon ang paksa o pukos sa kung ano ang isusuot kapag nagdarasal. Ang dasal ay isang bagay na ginagawa ng bawat Muslim ng hindi bababa sa limang beses bawat araw. Ito ay higit pa sa ilang mga sandali ng tahimik na pagninilay - ito ay isang panahon kung kailan ang isang indibidwal ay konektado sa Lumikha ng daigdig -ang Allah. Para sa kasiyahan na ito ay makatuwiran na nais nating tingnan at maramdaman ang pinaka kaaya-aya para sa ating sarili.
Kapag ang oras ay dumating para sa isang babae upang manalangin, ang isa sa mga kondisyon na dapat matupad upang ang kanyang panalangin ay balido o katanggap-tanggap ay na siya ay nagtatakip ng kanyang awrah.
"... Kunin ang iyong panggayak (sa pamamagitan ng pagsusuot ng malinis na damit) habang nagdarasal ..." (Quran 7:31)
Sinabi ng Propeta, 'Hindi tinatanggap ng Allah ang panalangin ng isang babae na umabot na sa pagdadalaga maliban kung siya ay nagsusuot ng tabing o takip'.
Ang awrah ng isang babae kapag siya ay nananalangin ay kapareho ng para sa mga di-mahram na lalaki. (Mangyaring sumangguni sa talahanayan sa itaas). Gayunpaman ito ay ganap na katanggap-tanggap para sa isang babae na magsuot ng isang mahabang maluwag na damit sa ibabaw ng kanyang panloob na mga damit, ipagpalagay na siya ay nananalangin na mag-isa sa kanyang tahanan. Kung siya ay nagdarasal sa masjid, siyempre siya ay may suot na damit na katanggap-tanggap sa harap ng mga hindi kakilala.
Upang ang panalangin ng isang lalaki ay tanggapin o maging balido ay dapat din niyang takpan ang kanyang awrah, na mula sa pusod hanggang sa tuhod. Gayunpaman dahil ang Islam ay isang relihiyon na lubhang nag-aalala sa pagkakaisa ng komunidad at paggalang sa iba, ang isang tao ay dapat palaging alam niya kung san siya lulugar. Alinsunod sa diwa ng haya palaging ipinapayo para sa isang Muslim (lalaki o babae) na maging maingat tungkol sa mga bagay na maaaring makaapekto sa kanya o sa mga nakapaligid sa kanya.
Ito ay kanais-nais para sa isang tao na magsuot o maglagay ng pabango kapag siya ay nakatayo sa harap ng kanyang Panginoon para sa panalangin. Ang mga babae ay dapat mag-ingat sa puntong ito. Bagaman ito ay pinapahintulutan, kahit na kanais-nais para sa kanya na magsuot ng pabango sa bahay ay hindi katanggap-tanggap para sa alinman sa kanyang katawan o ang kanyang damit na may pabango kung nais niyang manalangin sa masjid.
"Kung sinuman sa inyo (kababaihan) ang dadalo sa pagdarasal sa gabi, huwag siyang magsuot o hahawak ng pabango."[1]
Ang Karunungan sa Islamikong Pananamit
May mahusay na karunungan sa Islamikong pamantayan ng pananamit. Upang makita at maunawaan ito nang malinaw dapat tandaan ng ilan ang ilang mga pangunahing konsepto. Unang una sa lahat, na ang Islam ay ipinahayag para sa lahat ng mga tao sa lahat ng lugar, sa lahat ng oras. Kaya't kung ano ang nasa o wala sa uso ay hindi nauugnay. Pangalawa, ang Islam ay isang pangkalahatang relihiyon na binibigyang halaga ang pisikal, espirituwal at emosyonal na kalusugan ng tao, at hindi lamang para sa bawat indibidwal kundi para sa komunidad o lipunan sa kabuuan. Kabilang dito ang paggalang; para kay Allah, para sa bawat isa at para sa sarili.
Pangatlo, ang pamantayan ng damit ay kinakailangan para sa parehong kalalakihan at kababaihan, ang Islam ay hindi lubos na naglagay ng buong responsibilidad sa isang kasarian, at sa katunayan ang unang mga talata na inihayag ay pitutungkulan ang mga kalalakihan. Gayunpaman, ang mga kalalakihan at kababaihan ay inutusang pababain ang kanilang paningin at protektahan ang kanilang kahinhinan; at ang parehong mga kalalakihan at kababaihan ay inaasahan na bumuo ng isang malusog na panlipunang kapaligiran na may mapagpalagay (constructive) na moral, kaugalian at mga pagpapahalaga.
Ang salitang hijab, ay higit sa isang belo at higit sa pamantayan ng pananamit. Ito ay isang salita na nagpapahiwatig ng mababang-loob na pananamit at mababang-loob na pag-uugali. Halimbawa, kung ang isang babaeng Muslim ay nakadamit ng tamang kasuotan sa Islam, ngunit gumagamit o nagsasalita naman ng masamang wika, hindi niya ginagampanan ang mga requirements ng hijab. Kung ang isang lalaking Muslim ay natatakpan mula sa pusod hanggang sa tuhod ngunit naglalakad na nakakatawag pansin sa pampublikong lugar o kumikilos nang walang saysay hindi rin siya kumikilos sa angkop na paraan.
Ang mga kababaihan na nagsusuot ng hijab ay nagpapahiwatig ng maraming benepisyo na makukuha mula sa pagsunod sa Islamikong pananamit. Ang ilan ay naglalarawan sa pagsusuot ng hijab bilang "pinalaya" mula sa hindi makatotohanang mga inaasahan ng lipunan. Hindi na sila naiisip na sekswal na mga bagay, ngunit ninanais dahil sa kanilang pag-iisip. Hindi na sila pinahahalagahan para lamang sa kanilang hitsura o hugis ng katawan kundi para sa kanilang pagkatao at katangian. Ang mga babaeng may suot na hijab sa trabaho ay naiulat na nababawasan ang sexual harshment o pang-aabuso sa lugar ng trabaho.
Maraming mga kababaihan ang nag-uulat na ang mga tao (parehong mga Muslim at hindi Muslim) ay mas gusto na magpakita ng mabuting asal sa isang babae na naka-belo. Ang mga lalaki ay nagbubukas ng mga pintuan, nagbibigay ng upuan sa pampublikong transportasyon, humihingi ng tawad para sa masamang wika, at nag-aalok upang magdala ng mga pinamili at maraming iba pang maliliit na kabaitan na dating isang normal na bahagi ng buhay sa karamihan ng mga komunidad sa kanluran.