Mga Artikulo

Mga Layunin:





• Upang magbigay ng mas malalim na pag-unawa sa konsepto ng Ikhlas at maghandog ng payo sa kung paano ito maisasagawa o maipapatupad sa ating buhay.





Mga Terminolohiyang Arabik





• Ihsan- perpekto o kagalingan. Sa Islamikong pagpapaliwanag, ang konsepto ng Ikhlas ay upang sambahin ang Allah na para bang nasisilayan mo Siya. At habang hindi nakikita ng tao ang Allah, nababatid niya na ang Allah ang siyang nakakakita ng lahat.





• Ikhlas- katapatan, kadalisayan o paghihiwalay. Sa Islamikong pagpapaliwanag, isinasaad dito ang paglilinis ng mga layunin at intensyon sa paghahangad sa kagalakan ng Allah. Ito din ang pangalan sa ika-112 na kabanata ng Banal na Quran.





• Riyaa- ito ay hango sa salitang ra’aa na ang ibig sabihin ay upang makita, mamasdan, masulyapan. Kaya naman, ang kahulugan ng salitang riyaa ay ang pagsasakatuparan ng mga kilos na naaayon sa kagustuhan ng Allah.





• Sharia- Islamikong batas





• Shirk- ang salitang nagpapahiwatig sa pagtatambal o pagtutulad kay Allah o pagpapahiwatig ng banal na katangian sa ibang diyos maliban kay Allah o paniniwala na nagmumula ang kapangyarihan, pinsala at pagpapala mula sa iba liban kay Allah.





• Sunnah- ang salitang Sunnah ay mayroong ilang kahulugan depende sa larangan ng pag aaral gayunpaman ang karaniwang kahulugan nito ay anumang sinabi, ginawa o pinahintulutan   ni Propeta Muhammad.





• Surah- kabanata sa Banal na Quran.





• Zakah- obligadong pagkakawanggawa.





   Mula sa lenguaheng Arabe na isinalin sa Ingles, and salitang Ikhlas ay nangangahulugan ng katapatan, kadalisayan o paghihiwalay. Ang salitang Ikhlas ay hango sa salitang Arabe na akh-la-sa na ang ibig sabihin ay ang gawa na walang halong riyaa o pagpapakitang tao na  walang ibang iniisip  kundi ang Allah lamang. Habang ating isinasaalang-alang ito sa ating kaisipan, sa Islamikong pagpapakahulugan madalas bigyang kahulugan ang salitang ikhlas bilang isang gawa na may dalisay na hangarin o intensyon upang ang maging pangunahing layunin ng bawat kilos ay magawa nang may paghahangad ng kagalakan ng Allah. Kapag ating pagsasamahin ang mga kahulugan ng sinsiredad sa Ingles na diksyunaryo- pagiging malaya sa pagkukunwari, panlilinlang o pagbabalatkayo- mula rito, ating masisimulang maintindihan kung ano nga ba ang Ikhlas.





Ang Ikhlas ay paglilinis sa gawa ng isang tao mula sa maduduming gawain dahil sa shirk  nang sa gayon ating masamba ang Allah sa tamang pamamaraan. Upang malinang at mapanatili ng isang tao ang ikhlas, nararapat lamang na iwasan niya ang mga bagay na magdudulot ng pagkalinlang sa pagsamba kay Allah bilang nag-iisang Panginoon. Ang kabanata bilang 112 ay tinatawag na Al-Ikhlas at malinaw na ipinapaliwanag dito ang kaisahan ng Allah. Marami pang mas detalyadong kaalaman ang ating makukuha dito, http://www.newmuslims.com/lessons/253/





“Sabihin (mo O Muhammad), “Siya ang Allah, ang Nag-iisa. Ang Walang Hanggan ( ang may Sariling Kasapatan; ang kailangan ng lahat ng nilikha sa mga panahon ng pangangailangan; hindi kumakain at di  umiinom). Hindi Siya nagkaanak at hindi Siya ipinanganak; at walang makakapantay o maihahalintulad sa Kanya.” (Quran 112)





Ang Ikhlas ay pagiging tapat kay Allah, at pagsamba sa Kanya nang may ihsan o ganap na pagsamba. Ang ikhlas ay nahahalintulad sa ihsan. Kapag ang isang tao ay patuloy na nababatid na ang Allah ang maalam ng lahat, mas higit nyang naaalala ang kahalagahan ng ikhlas. Kung ang isang tao ay gumawa ng isang bagay na may katapatan sa Allah, hindi na siya maghahangad na makatanggap ng papuri at gantimpala mula sa ibang tao kundi mula sa Allah lamang. Hindi mahalaga kung sino ang nakakakita o hindi nakakakita sa iyo. Minsan ang isang gawain ay ginagawa para kay Allah ngunit ang intensyon ay upang makapagyabang at magpakitang tao; ito ay riyaa o pagpapanggap at maari nitong mapawalang bisa ang gantimpala na hinahangad ng isang mananampalataya. Mas madaming impormasyon tungkol sa riyaa ang ating makukuha sa http://www.newmuslims.com/lessons/96/ at matatalakay pa sa ikalawang bahagi.





“At kahit na iyong ikubli o ilantad kung ano ang nasa puso mo, ang Allah ang higit na Maalam…” (Quran 3:29)





“…Kung ikaw ay magtatambal (ng iba pang diyus-diyosan kay Allah), katotohanang walang magiging saysay ang iyong mga gawa (sa buhay na ito), at walang pag aalinlangan na ikaw ay kasama sa mga talunan (mapapariwara)." (Quran 39:65)





   Upang ang mga gawain ng isang mananampalataya ay tanggapin ng Allah, nararapat na gawin ang mga ito ng may ikhlas , nararapat din na mas pangunuhan niya ng nararapat na intensyon at dapat na isagawa ito nang naaayon sa shariah o batas sa Islam.





“At sila ay hindi nautusan maliban sa  sumamba kay Allah, na maging tapat sa Kanya sa relihiyon, at isagawa ang dasal at bayaran ang katungkulang kawanggawa. At iyan ang tuwid na relihiyon.” (Quran 98:5)





Binigyang-diin ng Propeta Muhammad na, “ Ang Allah ay dalisay at Kanyang tinatanggap lamang ang mga bagay na busilak.”[1] sa gayon ang Sunnah ay nagbigay ng katanyagan sa katotohanan na ang Allah ay tumatanggap lamang ng dalisay na bagay at para lamang sa kagalakan ng Allah. Halimbawa, si Khalid ibn al-Walid, nang napalitan sa kanyang pwesto bilang kumander ng kanilang hukbo ni Caliph Umar, imbes na sya ay magalit at tumangging lumaban, kanya itong tinanggap at higit pang nakipaglaban. Nang sya ay tinanong, kanyang sinabi, “ Ako ay nakipaglaban para kay Allah at hindi para kay Umar.”





Sabihin, “Sa katunayan, ang aking dasal, aking mga handog na pagsasakripisyo at ang aking pagkamatay ay para kay Allah lamang, Ang Panginoon ng buong mundo. “ (Quran 6:162)





   Ang pagtanggap ni Allah sa mga gawain ng tao ay nakadepende sa kadalisayan at katapatan neto; dahil ito ay nararapat na may ikhlas nang makamtan ng tao ang pinakamataas na antas sa paningin ng Allah. Katotohanan na ang  tamang intensyon at ang busilak na puso ay gagantimpalaan sa mga gawain na hindi pa nito nagagawa. Ang Propeta Muhammad ay nagsabing, “Katotohanan; naitala na ng Allah ang mabubuti at masasamang gawain. ”At kanyang ipinahayag sa mga nakapaligid sa kanya, “Sinuman ang magtangkang gumawa ng kabutihan ngunit hindi ito nagawa, itatala pa din ng Allah ito bilang isang ganap na mabuting gawain…”[2]





  Ang pang araw-araw nating buhay ay nagdudulot sa antas ng ating ikhlas na lumawig o manghina; tumaas o bumaba. Napakaraming paraan upang matamo o madagdagan ang ating ikhlas. Kasama rito;





• Paggawa ng matuwid na gawain. Mas maraming mabubuting gawa, mas mapapadali ang mga ito, at mas higit pa tayong mapapalapit sa Allah at ang ating mga puso ay magiging dalisay at tapat.





• Paghahanap ng Kaalaman. Kapag ating naiintindihan ang ating mga ginagawa at bakit natin ito ginagawa, lahat ng ating kilos ay ating maisasagawa alinsunod sa batas ng Islam o ang shariah.





• Palaging Pagsusuri sa Ating mga Intensyon. Sinabi ni  Imam Ahmad na nararapat na tanungin muna natin ang ating mga sarili bago gumawa ng isang aksyon, “Ito ba ay para sa kagalakan ng Allah?”





Ang Ikhlas ay sinasabing pundasyon na mula sa ating mga gawain at aksyon. At kapag ang pundasyong ito ay mula sa masasama, madali itong masisira. Ang pagbabantay ng ating ikhlas ay napakahalaga at ito ay higit pang matatalakay sa ikalawang bahagi.





 Ang Ikhlas ay nangangahulugang na ang isang  ang puso ay dalisay at siya ay sumasamba kay Allah upang kaluguran siya ni Allah. Sa unang  pag aaral ay ating itinatag o bingyang diin  na upang ang mga gawa ng mananampalataya ay tanggapin ni Allah dapat sila ay gumanap nang may ikhlas, dapat na mauna sa tamang layunin at dapat itong isagawa ayon sa Shariah. Ipagpapatuloy natin ang ating mga aralin sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga bagay na maaaring sumalungat o masira ang ating ikhlas; i-e, riyaa. Ang Riyaa sa katunayan ay isang maliit na shirk, ito ay ang  pagbibigay halaga sa paghanga  mula sa tao imbes na hangarin natin ang pagkalugod ng Allah. 





Ang isang mahusay na iskolar ng Islam ay minsa'y nagsabi , "Sa katunayan ang pinakamahirap  makamit sa mundong ito ay ang ikhlas. Ilang ulit na ako ay nahirapan upang puksain ang riyaa (pagpapakitang-tao) mula sa aking puso subalit  ito ay lumitaw muli sa ibang kaparaanan "?[1] Ito ay malinaw mula sa pahayag na ito na kahit na ang pinaka edukadong tao ay nagpupumilit na manatiling may  taos na puso at maiwasan ang riyaa. Ngunit sa katunayan ito ay isang bagay na dapat nating iwasan. Sinabi ni Propeta Muhammad na ito ang bagay na pinaka-kinatakutan niya para sa kanyang Ummah."Sa katunayan ang bagay na pinaka natatakot ko para sa inyo ay ang maliit na shirk," sabi niya. Ang sahabah ay nagtanong, "At ano ang maliit na shirk, Oh Sugo ni Allah?" Na kung saan siya ay sumagot, "Ito ay Riyaa. Sasabihin ni Allah sa mga tao ng ang riyaa sa Araw ng Paghuhukom - kapag ang mga tao ay pagbabayaran ang kanilang mga gawa - 'Pumunta ka sa mga taong ipinakita mo ang iyong mga gawa sa mundo, at tingnan mo kung makakakuha ka ng gantimpala mula sa kanila ! '" [2]





 Mayroon ding hadith qudsi kung saan sinabi ni Allah, "Ako ay di nangangailangan ng mga katambal  (na itinambal sa akin). Sinuman ang nagsagawa ng pagtatambal sa akin , iiwan ko siya at ang kanyang shirk. "[3] Ang Riyaa ay maaaring tumukoy na pagganap ng isang gawa na may intensyon ng pagkalugod ng isang tao o isang bagay maliban kay Allah. Ito ay isang uri ng shirk at isang bagay na dapat katakutan dahil madali itong mahulog sa riyaa nang hindi namamalayan.





Ang ating mabubuting gawa at pagkilos ay maaaring mapawalang-saysay dahil  riyaa. Tignan natin ang halimbawa ng isang taong may $ 100 na nais niyang ibigay sa kawang-gawa. Sinimulan niya ang kanyang-gawa sa kapwa na may dalisay at taos-puso  at nagbigay ng $ 50 ngunit pumasok sa kanya ang ideya ng pagpapakita kung gaano siya kayaman  kaya ginawa niyang lubos ang pagganap ng pagbibigay ng isa pang $ 50. Maaaring hindi tatanggapin ni Allah ang ikalawang $ 50 bilang isang kawang-gawa sa kapwa dahil ito ay may halong pagpapakitang-tao. Kung ang ideya ng pagpapakitang-tao ay nangyari pagkatapos na maabot ang kabuuang $ 100 ay hindi ito makakaapekto o magpapawalang-saysay sa kanyang kawang-gawa.





 Sa  mga nabanggit na  mahalagang tandaan na  hindi pagpapakitang-tao kapag ang   isang tao ay nakakaramdam ng kasiyahan pagkatapos niyang  magsagawa ng isang gawaing pagsamba. Ito ay tanda ng pananampalataya. Si Propeta Muhammad,  sumakanya nawa ang awa at pagpapala ni Allah, ay nagsabi: "Ang sinumang nakadarama ng kasiyahan dahil sa kanyang mabubuting gawa at kalungkutan dahil sa kanyang masasamang gawa, ay isang mananampalataya." [4] Bilang karagdagan, kung pupurihin kayo ng mga tao para sa isang mabuting gawa ay walang dapat ikahiya  o ikatakot , ito ay isang bahagi ng masayang balita ng Kabilang Buhay. Si Propeta Muhammad ay tinanong, "Ano sa palagay mo kung ang isang tao ay gumagawa ng mabuting gawa at pinupuri siya ng mga tao dahil dito?" Sinabi niya: "Iyan ang bahagi ng masayang balita para sa mananampalataya na ibinigay sa mundong ito." [5]





Mayroong maraming mga bagay na nais mong bigyan ng  higit na pansin upang hindi magawa ang anumang riyaa na maaaring nasasama sa iyong pagsamba.  





·       Sikaping isipin ang konsepto ng ihsan. Ang Allah ay palaging nakamasid..





·       Itago mo ang iyong pagsamba o pagsumikapan na huwag itong ipakita sa tao o sa iyong sarili.





·       Pagnilay-nilayan ang iyong mga pagkukulang at ang iyong mga napagtagumpayan. Alalahanin na si Allah lamang ang pinagmumulan ng ating mga napagtagumpayan.





·      Humingi ng tulong kay Allah upang malabanan ang anumang riyaa sa iyong pagsamba.





·       Pagnilay-nilayan ang ayah na sinasabi natin ng maraming beses sa isang araw sa ating mga pagdarasal. "Ikaw (lamang) ang aming sinasamba, at Ikaw (lamang) ay aming hinihingan ng tulong  (sa lahat-lahat)" (Quran 1: 5)





Isa pang mahalagang punto na dapat tandaan ay ang hindi tayo dapat huminto sa paggawa ng mabubuting gawa dahil sa takot na makagawa ng riyaa . Ito ay isa sa mga paraan ng Shaytan. Sinisikap niyang pahinain ang pagpapasiya ng mga tao upang maiwasan ang paggawa ng mga bagay na minamahal at ikinalulugod ni Allah. Kung maingat nating gagawin ang intensyon na para lamang sa kaluguran ni Allah makatitiyak na ang riyaa ay hindi maisasama sa ating pagsamba.





Sa konklusyon dapat nating tandaan na ang sinseredad sa pagsamba ay mahalaga. Ang mga mananampalataya ay dapat maghangad na magkaroon ng isang dalisay na puso at ang layunin na malugod si Allah sa lahat ng kanilang ginagawa.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG