Mga Artikulo

Ang mga iskolar ay inuri ang iba't ibang mga gawain at sawikain ng pagdarasal sa mahahalagang mga haligi (arkan), ubligadong gawain (wajibaat), at mga minungkahi.





Prayers-Advanced.jpgAng pagkakaiba sa pagitan ng isang rukn (mahalagang haligi) at isang wajib (ubligadong gawain) ay ang isang rukn ay hindi maaaring talikdan, maging ito ay nilaktawan niya nang sadya o sa pagkakamali, sa halip ito ay dapat isagawa. Ang isang wajib (ubligadong gawain) ay tatalikdan kung siya ay nakalimot, at ito ay maaaring punuan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng "pagpapatirapa ng pagkalimot" (tatalakayin sa maya-maya).





Sa araling ito atin munang matututunan ang arkan (mahalagang mga haligi).





Mahalagang mga Haligi (Arkan) ng Salah


1. Pagbigkas ng ‘Allahu Akbar’ sa simula


Ang Propeta ay nagsabi sa isang taong nagdasal ng hindi wasto, "magkagayun ay humarap sa qiblah at bigkasin ang Allahu Akbar."[1]





2. Pagbabasa ng Surah al-Fatihah


Ang Propeta ay nagsabi, "Walang pagdarasal para sa kanyang hindi nagbasa ng Pambungad ng Aklat (Surah al-Fatihah).[2]





3. Pagtindig habang nasa obligadong mga pagdarasal kung makakaya niyang isagawa


Batay sa talata, "at tumindig para kay Allah ng may debosyon." (Qur'an 2:238)





Gayundin, ang Propeta ay nagsabi, "Magdasal na nakatindig; kung hindi mo makakaya; magdasal nang nakaupo, kung hindi mo makakaya; magdasal (habang nakahiga) sa iyong tagiliran."[3]





4. Pagyukod


Ito ay batay sa sawikain ng Propeta sa isang taong nagdasal ng hindi wasto, "magkagayun ay mapanatag hanggang ikaw ay mapanatag sa pagyukod."[4]





At ang pananatili sa kalagayang yaon hanggang matamo ang "kahinahunan."





Yamang napag-uusapan ang tungkol sa kahalagahan ng bagay na ito, siya ay nagsabi, "Ang pinakamasamang tao ay ang mga magnanakaw na ninanakaw ang bahagi ng pagdarasal." Siya ay tinanong kung paano ito ginagawa, at siya ay tumugon, "Hindi niya binubuo ang kanyang mga pagyukod at mga pagpapatirapa, "o siya ay nagsabi, "Hindi niya itinutuwid ang kanyang likod sa kanyang mga pagyukod at mga pagpapatirapa."[5]





“Ang pagdarasal niyang hindi itinutuwid ang kanyang likod sa kanyang mga pagyukod at mga pagpapatirapa ay hindi nagampanan."[6]





5. Pagbangon mula sa pagyukod


Ito ay batay sa hadith, "magkagayun ay magbangon hanggang ikaw ay makatindig ng tuwid." (Bukhari, Muslim)





6. Pagpapatirapa


Ito ay batay sa hadith, "magkagayun ay magpatirapa hanggang ikaw ay mapanatag sa pagpapatirapa."





7. Pag-upo sa pagitan ng dalawang mga pagpapatirapa


Ito ay batay sa hadith, "magkagayun ay magbangon hanggang ikaw ay mapanatag sa pagkakaupo."





8. Pagtatamo ng kahinahunan


Ang isang taong nagdasal ng masyadong mabilis na hindi natatamo ang kahinahunan. Ang Propeta ay tinanggihan ang kanyang bilis at nagsabi, "ikaw ay hindi nagdasal."





Ang pagtatamo ng kahinahunan ay nangangahulugang ang bawat bahagi ng katawan ay nagagampanan ang nararapat na kalagayan bago siya lumipat mula sa isang kalagayan  hanggang sa isa pa.





9. Pagbabasa ng huling tashahud


Ito ay maisasagawa sa huling pag-upo ng pagdarasal. Ang mga salita ng tashahhud ay itinuro ng Propeta mismo. Si Ibn Mas'ud ay nagsabi, isang kasamahan ng Propeta, na nagsabi, "Bago ginawang ubligadong sabihin ang tashahhud, kami ay nagsasabi, ' Ang kapayapaan ay mapasakay Allah, at ang kapayapaan ay mapasa kina Gabriel at Miguel.' Pagkatapos ang Sugo ni Allah ay nagsabi, 'Huwag mong sabihin iyan bagkus sabihing,' Ang lahat ng mga papuri ay para kay Allah ... '"[7].





10.   Pag-upo upang basahin ang huling tashahud


Ito ang magiging huling pag-upo sa pagdarasal.





11. Paghahatid ng mga pagpapala sa Propeta pagkatapos ng huling tashahud


Ito ay isasagawa pagkatapos ng pagbabasa ng huling tashahud.





12. Pagbigkas ng ‘As-Salamu ’Alaikum wa-Rahmatullah’ upang tapusin ang pagdarasal


Sa isang obligadong pagdarasal ito ay dapat binibigkas ng dalawang beses, gayunpaman sa pagdarasal sa paglilibing ay sapat nang bigkasin ito ng isang beses.





13. Pagkakasunod-sunod


Lahat ng "mahalagang mga haligi" ng salah ay kailangang isagawa sa tamang pagkakasunod-sunod.





Mga Gawaing Nakapagpapawalang-bisa ng Pagdarasal


May natatanging mga gawain na kapag nagawa, ay makapagpapawalang-bisa ng pagdarasal. Ang ibig sabihin nito ay ang taong yaon ay kailangang ulitin ang pagdarasal mula sa umpisa.





1. Pagiging tiyak na nasira mo ang wudoo


Isang tao ay sumangguni sa Sugo ni Allah tungkol sa nararamdamang isang bagay (sa kanyang tiyan) sa pagdarasal. Ang Propeta ay nagsabi, "Huwag tumalikod (mula sa salah) maliban kung narinig mo ang tunog o napansin ang amoy."[8]





Hindi ito nangangahulugang ikaw ay tatalikod lamang sa salah kapag narinig mo ang tunog o napansin ang amoy. Hangga't ikaw ay nakatitiyak na lumabas  ang hangin at naglabas ng gaas, ang iyong wudoo ay nasira at dapat mong gawin itong muli at simulan ang pagdarasal mula sa umpisa.





2. Sinasadyang hindi pagsasagawa ng isang rukn o mga pangangailagan ng pagdarasal nang walang makatuwirang dahilan


Ito ay batay sa sawikain ng Propetang nagsabi sa isang taong hindi nagdasal ng maayos, "Magbalik ka at magdasal sapagkat ikaw ay hindi nagdasal."[9]





Katulad nito, ang Propeta ay sinabi sa isang taong hindi nahugasan ang isang bahagi ng ibabaw ng kanyang mga paang ulitin ang wudoo at ang pagdarasal.[10]





3. Sinasadyang pagkain o pag-inom habang nasa pagdarasal


Ang Muslim na mga iskolar ay sumang-ayon na ang isang taong kumain o uminom ng sinasadya habang nasa isang pagdarasal ay dapat ulitin ito.





4. Sinasadyang pagsasalita habang nasa pagdarasal


Ang mga Kasamahan ni Zaid ibn al-Arqam ay nagsabi, "Kami ay nagsasalita habang nasa pagdarasal. Ang isang taong makikipag-usap sa taong nasa kanyang tabi habang nasa pagdarasal. Ito ay hanggang sa, 'Tumindig sa harap ni Allah na may pagsunod.' (2: 238) ay naipahayag. Pagkatapos kami  ay inutusang manatiling tahimik at pinagbawalang magsalita."[11]





5. Pagtawa habang nasa pagdarasal.


Ang Muslim na mga iskolar ay sumang-ayong ang pagtawa ay nakapagpapawalang-bisa ng pagdarasal.





Wajibaat (Mga Obligadong gawain) sa Salah


Ang mga ito ang dapat na isinasagawa sa isang pagdarasal. Kung ang wajib na gawain ay iniwang-sadya, ang pagdarasal ay walang bisa. Ngunit kung ang pag-iwan ay di-sinasadya, ang "dalawang pagpapatirapa sa pagkalimot" ay dapat na isagawa para kapalit nito.  Ito ay kasama sa mga lilinawin sa mga susunod na aralin.





Ang mga sumusunod ay ang mga obligado sa pagdarasal:





1.  Magsabi ng  ‘Allahu Akbar’ kung magpapalit ng posisyon mula sa isang posisyon


Ang Propeta ay laging nagsasabi ng  Allahu Akbar  kung siya ay uupo o tatayo.[1]





2.  Mga salitang binabanggit habang nakayuko (ruku’)


Ang magsabi ng: ‘Subha-na Rabbi al-’Adheem’ (Kaluwalahatian sa aking Dakilang Panginoon) isang beses.  Ang pagsasabi ng mga ito ay isang rekomendadong gawain.





3. Mga salitang binabanggit kung tatayo mula sa  ruku' o pagyuko


Ang propeta ay nagsabi, “kung siya  (ang  imam) ay magsabi:





Sami’-Allahu li-man hamidah (Dinirinig ng Allah ang sinuman na nagbibigay papuri sa Kanya),





kayo  ay magsabi:





Rabba-na wa lakal-hamd (Panginoon namin ang papuri ay Sa Iyo lamang).“ (Napagkasunduan)





Ang dalawang ito ay dapat na mabanggit kung nagdarasal ng mag-isa. Subalit kung nagdarasal sa likuran ng isang  imam ay magsabi lamang ng  ‘Rabba-na wa lakal-hamd’.





4.  Mga binabanggit habang nakapatirapa


Ang magsabi ng: ‘Subha-na Rabbi al-A’la’ (Kaluwalhatian sa aking Panginoon, ang kataas taasan ) isang beses.  Ang pagbanggit sa mga ito ay isang rekomendadong gawain.





5.  Panalangin sa pagitan ng dalawang pagpapatirapa


Sabihin ang  ‘Rabbig-fir lee’ isang beses.  Ang pagbanggit sa mga ito ay rekomendadong gawain.





6.  Unang Tashahhud


Ang pagbigkas ng unang  tashahhud.  Ito ay ginagawa sa unang “mahabang pag-upo” sa mga pagdarasal na may higit sa dalawang bilang.  





Minsan  nakalimutan ng Propeta ang unang  tashahhud, ngunit hindi niya inulit ang pagdarasal, sa halip ay isinasagawa niya ang  “pagpapatirapa ng pagkalimot.”  nagpapatunay na ito ay  wajib na gawain; kung ito ay isang “mahalagang bahagi”,  ang  “pagpapatirapa ng pagkalimot" ay hindi makasasapat.





7.  Ang pag-upo at pagbigkas ng unang  Tashahhud


Pag-upo at pagbigkas ng unang tashahhud.   





Rekomendadong Gawain sa Pagdarasal


Ang mga sumusunod ay ang mga rekomendadong gawain sa Pagdarasal:





1.  Pambungad na Panalangin


Ito ay binabanggit lamang sa unang  rakah.





Ang palagiang binabanggit na panalangin ay ang mga sumusunod:





“Subhaana-kallaa-humma wa biham-dika, wa tabaa-ra-kasmu-ka, wa ta’aa-laa jad-du-ka, wa laa ilaa-ha ghay-ruk.”





(Ikaw ay aming Niluluwalhati, O Allah, at Pinupuri:  Purihin ang Ngalan Mo at Dakilain ang Iyong Kataasan, at walang karapat-dapat na sambahin maliban Sayo).  (Abu Daud). 





2.  Ang pagpapakup-kop sa  Allah


Kailangan itong bigkasin sa unang  rakah sa pamamagitan  ng pagsasabi ng,





“Aa’oodhu billahi min ash-Shaitan nir-rajim”





‘Ako ay nagpapakup-kop sa Allah laban sa isinumpang si Satanas.’





3.  Ang pagsasabi ng  ‘Ameen’


Ang salitang ‘Ameen’ ay hindi bahagi ng Surah al-Fatihah, kundi ito ay isang panalangin na ang ibig sabihin ay, “O Allah, dinggin mo ang aming panalangin.”





Ito ay kailangang bigkasin pagkatapos ng  Surah al-Fatihah.





Ang Propeta ay nagsabi, “Kung ang imam ay magsabi ng  Ameen, kayo ay magsabi din ng  Ameen.  Kung sa pagbigkas nito ay sumabay sa pagbigkas ng mga anghel, samakatuwid ang inyong  mga kasalanang nakalipas ay patatawarin ng Allah.”[2]





4.    Ang pagbigkas ng ilang bahagi ng Qur'an pagkatapos bigkasin ang Surah al-Fatiha sa dalawang unang bahagi ng rakkah


Maari kang bumigkas ng anumang bahagi ng  Qur'an.  Halimbawa  maari kang bumigkas ng maiikling kabanata gaya ng  Surah al-Ikhlas, Surah al-Falaq, o Surah an-Naas.





5.  Manalangin pagkatapos magbigay ng pagpupugay sa Propeta sa pang-huling bahagi ng pagdarasal 


Bigkasin ng mahina ang:





“Allaahumma innee ’a’oothu bika min ’athaabil-qabr, wa min ’athaabi jahannama, wa min fitnatil-mahyaa wal-mamaati, wa min sharri fitna-til-masee-hid-dajjaal.”





(O Allah!  ako ay nagsusumamo sa Iyo na iligtas Mo ako sa dusa ng Impiyerno, at sa dusa ng hukay, at sa mga  pagsubok sa buhay (pagsubok sa buhay na kinakaharap) at kamatayan (sa hukay), at sa mapanlinlang na Masihid-Dajal o Anti-Christ).[3]





6.  Ang pagtataas ng kamay


Ang pagtaas ng kamay kung magsasabi ng pambungad na  takbir, kung yuyuko, at kung tatayo mula sa pagyuko at kung tatayo mula sa  “Mahabang pag-upo” (kung saan binabanggit ang unang  tashahhud).





7.  Ang paglagay ng kanang kamay sa ibabaw ng kaliwang  kamay sa tapat ng dibdib 


Ilagay ang kanang kamay sa ibabaw ng kaliwang kamay sa tapat ng dibdib.[4]





8.  Ang pagtingin sa lugar ng pagpapatirapaan


Ituon ang paningin sa lugar ng pagpapatirapaan.[5]





9.  Ang pagbaling ng mukha sa kanan at sa kaliwa sa pagtatapos ng pagdarasal


Ibaling ang mukha sa kanan habang binabanggit ang  ‘As-Salamu ’Alaikum wa-Rahmatullah’ at ganun din sa kaliwa. 





Ano ang hindi Kanais-nais sa Salah?


Ang hindi katanggap-tanggap  na gawain  ay ang mga di kanais-nais. Hindi ito nagpapawalang bisa sa pagdarasal ngunit, itoy dapat iwasan sa abot ng makakaya ng isang tao upang hindi mabawasan ang gantimpala niya sa kanyang pagdarasal. 





1.   Pagpabaling-baling ng tingin  sa paligid habang nagdarasal kahit hindi ito kinakailangan 


Ang paglingon lingon sa paligid habang nagdarasal ng walang kadahilanan ay nakakabawas sa konsentrasyon at kataimtiman. Kung ito ay kinakailangan ito naman ay pinahihitulutan, halimbawa ang isang ginang na lilingunin ang umiiyak na sanggol.





2.  Ang paglalagay ng kamay sa baywang


“Ang Sugo ng Allah ay nagbabawal sa isang tao na nagdarasal na ang kanyang kamay ay nasa kanyang baywang”[6]





3. Ang magdasal kung ang pagkain ay dumating o nakahanda na o ang pagpipigil ng pangangailangan sa pag-ihi o pag-dumi.


 Ang dahilan  ay mawawala sa konsentrasyon ang isang tao sa pagsa salah sa ganuong kalagayan.





5.  Hindi mapakali 


      Ang paggagalaw-galaw ng hindi kinakailangan ay hindi kanais-nais  sa kadahilanang nakakasira ito sa konsentrasyon at sa  pagdarasal ng iba.


6.  Pagpikit ng mata 


Maari mong ipikit ang iyong mga mata kung mas nakakatulong sayo ito para di makita ang mga bagay na nagpapawala sa iyong konsentrasyon.





7.  Ang paglapat ng iyong braso sa sahig 


Ito  ay sa kalagayan ng pagpapatirapa.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG