Abraham
Si Propeta Abraham, na kilala bilang Ibrahim sa Arabik, ay isinilang mga 2,000 taon bago ang kapanahunan ni Jesus, sa lugar malapit sa Ur, 200 milya mula sa Baghdad. Bata pa lang si Ibrahim ay tinatanong na niya ang relihiyon ng mga nakapalibot sa kanya.
Tulad ng mga nakapaligid sa kanya, ang kanyang amang si Azar ay isang sumasamba sa rebulto, na marahil ay isa sa mga iskultor ng mga ito; kaya ang unang pa-anyaya ni Abraham ay sa kanya. Batang ipinanganak na may di-nadungisang paniniwala na ang mundo ay may Panginoon, likas na batid ni Abraham ang katotohanan tungkol sa kanyang ama.
“At ipahayag mo mula sa Qur'an ang kwento hinggil kay Abraham, katotohanang dakila ang kanyang katapatan, at siya ay kabilang sa mga propeta ng Allah.”
Sinimulan ni Abraham na tanungin ang kanyang ama sa pagsamba nito sa mga idolo,
“Noong sinabi niya sa kanyang ama na si Azar: "O aking ama! Paano mo sinasamba ang mga (rebultong) hindi nakakarinig at hindi nakakakita, at walang maidudulot na pakinabang sayo sa kahit anumang bagay? O aking ama! dumating sa akin ang kaalamang hindi dumating sayo, kaya't sundin mo ako tungo sa paanyaya ko sayo, dahil ginagabayan kita tungo sa Matuwid na Landas ng ikaw ay di-maliligaw. O aking ama! Huwag mong sambahin si 'Shaytan', katiyakang nilabag niya ang Pinakamahabaging Allah. O aking ama! Ako ay nangangamba na dadatnan ka ng parusa mula sa Pinakamahabaging Allah, at ikaw ay maging kasama ni 'Shaytan' sa Impiyerno.”[1] (Qur'an 19:41-45) (Salin ng kahulugan)
“Ituturing mo ba ang mga rebulto bilang mga diyos?” (Quran 6:74) (salin ng kahulugan)
Ang tugon ng kanyang ama ay natural na pagtanggi sa isang hamon na nagmula sa hindi lamang mas bata kaysa sa kanya, ito pa ay sarili niyang anak, isang hamon laban sa kinasanayan na nilang pamantayan at tradisyong pinaglumaan na ng panahon.
Kanyang sinabi: “Tinatanggihan mo ba ang pagsamba sa aking mga diyos Abraham? Kung hindi ka titigil sa iyong pag-aalipusta ay pagbabatuhin kita! Kung kaya, lumayas ka at lumayo ka sa akin.” (Quran 19:46) (saling ng kahulugan)
Si Abraham ay nanatiling matatag sa kanyang katayuan na mali ang pagsamba ng kanyang ama at mga nakapaligid sa kanya. Sa pagsalungat niya sa pagsamba sa mga diyus-diyusan nagsimula si Abraham sa kanyang pangkaluluwang paglalakbay tungo sa Panginoon ng Sansinukob. Ang pagbubulay-bulay sa sansinukob ay nagdala sa kanya na pagmatyagan niya ang mga nilikha tungo sa Tagapaglikha, at sa ganito nagkaroon ng pagkakataon na pag-igihin pa niya ang kanyang panawagan na ang tanging Diyos na nararapat sambahin ay ang Pinaka-Makapangyarihang Tagapaglikha lamang. Sinabi sa atin ng Qur'an: (ayon sa salin ng kahulugan)
“(Upang patunayan niya ng paunti-unti sa kanyang sambayanan) Noong makulimlim na ang gabi, at nang nakita ni Ibrahim ang bituin ay sinabi niya: "ito ang aking panginoon" Subalit noong naglaho na ang bituin ay kanyang sinabi: "Hindi ko gustong sumamba sa mga naglalaho.’” (Quran 6:76)
Ginawang halimbawa ni Abraham ang mga bituin sa kanila, mahirap maunawaan sa kanila na makita ang isang bagay na mas dakila kaysa sa tao na may mga katangian ng iba't ibang kapangyarihan na hindi kanya. Ngunit sa paglaho ng mga bituin ay ipinakita ni Abraham ang kanilang kawalan ng kakayahan na lumabas ayon sa inaakala nila, na sa halip ay pang-gabi lamang.
Isa pang halimbawa ay ang bagay na mas kahanga-hanga at nasa kalangitan na mas maganda, at mas malaki, na pati sa umaga man ay nakikita rin! Gayunpaman, pinutol ng kanluran ang taglay nitong kamaharlikaan:
“At nang makita niya ang bilog na buwan na lumitaw, siya ay sumigaw: 'Ito ang aking Panginoon.' Ngunit nang ito'y lumubog, sinabi niya: 'Kung hindi ako gagabayan ng aking Panginoon, tiyak na ako ay magiging isa sa mga taong naliligaw.’” (Quran 6:77) (salin ng kahulugan)
At bilang panghuling halimbawa, siya ay naglahad ng mas matinding pagmumuni-munihan, isa pa sa mga pinaka-dakilang bagay na nilikha, na kung ito ay wala ang buhay din mismo ay hindi maaari.
At nang makita niyang sumikat ang araw, siya'y sumigaw: "Ito ang aking Panginoon! Ito ay mas malaki! "Ngunit nang ito'y lumubog, sinabi niya," O aking sambayanan! Tunay na ako'y walang pananagutan sa inyong pagtambal ng mga diyus-diyusan. Katiyakan, ihaharap ko ang aking mukha sa pagsamba sa Kanya lamang na Siyang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan, dalisay na pagsamba sa bukod tanging tunay na Pinaka-Makapangyarihan, malayo sa idolatriya, at hindi ako kabilang sa mga sumamba ng iba bukod sa Allah.” (Quran 6:78) (salin ng kahulugan)
Sa gayon ay matibay na pinatunayan ni Abraham, na ikinasindak at bumagabag sa kanyang sambayanan, na ang Panginoon ng mga sanlibutan ay wala sa mga nilalang na kinakatawan ng kanilang mga diyus-diyusan, ngunit sa halip, ang Siyang lumikha sa kanila at lahat ng bagay na nakikita at nadama nila; ay ang Panginoon na hindi kinakailangang nasa harap nila upang sambahin. Siya ang Panginoong Lubos na Pinaka-Maykakayanan sa lahat, hindi nakagapos sa mga hangganan tulad ng mga umiiral sa mga nilikha na matatagpuan sa mundong ito.
“At katiyakan, ipinagkaloob Namin noon kay Ibrahim ang gabay.”[2]
Gayunpaman, sa kabila ng mga katibayan na ito ay nakipagtalo pa rin sa kanya ang kanyang sambayanan.[3] Sila ay nagsabi:
“...ngunit natagpuan namin ang aming mga ninuno na kumikilos sa ganitong paraan.”[4]
Ipinaliwanag niya na maling pag-unawa na ang mga ninuno ay palaging tama, o ang pag-alipin sa sarili na sumunod sa kanilang mga nakasanayan, sa kanyang sinabi: (ayon sa salin ng kahulugan)
“Katotohanang kayo at ang inyong mga ninuno ay nasa malinaw na pagkakamali.”
Ang kanyang mensahe ay simple:
“Sambahin ninyo nang bukod-tangi ang Allah, at magtaglay kayo ng takot sa Kanya, iyan ang mas makabubuti sa inyo kung batid lamang ninyo. Tunay na ang sinasamba ninyo bukod sa Allah ay mga rebulto at nag-iimbento kayo ng malaking kasinungalian. Tunay na ang mga sinasamba ninyo maliban sa Allah, ay hindi nagtataglay ng biyayang ipagkakaloob sa inyo, mithiin ninyo mula sa Allah ang biyaya, siya lamang ang tanging sambahin niyo, at Siya lamang ang inyong pasasalamatan, dahil tungo sa Kanya lamang din kayo magbabalik kapag kayo na ay binawian ng buhay.”[5]
At nang humantong sa punto na ang pangangaral ay kailangan nang samahan ng pisikal na pagkilos. Nagplano si Ibrahim ng isang malupit at mahigpit na hampas sa pagsambang pagano, isang plano na kasangkot ang kanilang mga rebulto,
“At sumusumpa ako sa Allah, na ako ay gagawa ng paraan upang wasakin ko ang inyong mga rebulto pagkatapos ninyong tumalikod at umalis.” (Quran 21:57) (salin ng kahulugan)
Dumating ang panahon ng isang pangrelihiyong pagdiriwang, na kung saan ang lahat ay aalis ng bayan, at si Ibrahim ay inanyayahang dumalo. Kaya, siya'y napatingala sa bituin at nag-isip, at nagdahilan sa pagsabing;
“Masama ang aking pakiramdam!” (Quran 37:89) (salin ng kahulugan)
Umalis ang buong sambayanan at naiwan siyang mag-isa. Walang katao-tao sa templong simbahan nila, naging pagkakataon ito. Nagpunta siya roon, nagtungo sa mga ginintuang mga rebulto, na may mga pagkaing iniwan ng mga pari sa harap ng mga ito. At kanyang sinabi bilang panlalait:
“Hindi ba kayo kakain nitong mga inialay sa inyo? Bakit hindi kayo nagsasalita?’” (Quran 37:91-2 ) (salin ng kahulugan)
At sa kabila ng lahat, ano ang makapaglinlang sa tao na sumamba sa mga diyus-diyusang estatwa na siya rin mismo ang nag-ukit?
“Sinugod niya ang mga ito ng malakas na paghampas gamit ang kanyang kanang kamay.” (Quran 37:93) (salin ng kahulugan)
Sabi sa Qur'an,
“pinagwawasak niya ang mga ito na naging pira-pirasong maliliit maliban sa isa na pinakamalaki sa mga ito.” (Quran 21:58) (salin ng kahulugan)
At nang bumalik ang mga pari sa templo, sila ay nasindak nang makita ang sa kanila ay kalapastanganan, ang pagkawasak ng templo. Nagtataka sila kung sino ang maaaring makagawa nito sa kanilang mga rebulto. At nang may nagbanggit tungkol sa isang batang nagngangalang Ibrahim, na siya raw ay nagsasalita ng masama laban sa mga ito. At nang siya ay kanilang pinatawag, matatag na sumalubong si Ibrahim at ibinulalas sa kanila ang kanilang kamangmangan,
“Sinabi niya: sinasamba ba ninyo itong mga hinugis at inukit ninyo, samantalang ang Allah naman ang naglikha sa inyo at sa inyong mga ginawa?” (Quran 37:95) (salin ng kahulugan)
Ang kanilang galit ay nangibabaw; bingi nang makinig ng pangangaral, sila ay dumeritso sa usapan:
“Ikaw ba ang gumawa nito sa aming mga diyos, O Ibrahim?” (Quran 21:62) (salin ng kahulugan)
Ngunit sadyang iniwan ni Ibraham ang malaking rebulto na hindi winasak para sa isang dahilan:
“Sinabi niya: ang nagwasak ay iyang malaking rebulto na yan, kung kaya’t tanungin ninyo iyang mga rebulto na iyan kung sila ay may kakayahang sumagot!’”(Quran 21:63) (salin ng kahulugan)
Nang hamunin sila ni Ibrahim, sila ay nataranta. Sinisi nila ang bawat isa bakit hindi nagguwardiya sa mga rebulto, iniiwasan nilang salubungin ang kanyang mga mata, kanilang sinabi:
“Paano namin tatanungin ang mga ito samantalang alam mo naman na ang mga ito ay hindi nakapagsasalita!”(Quran 21:65) (salin ng kahulugan)
Kaya idiniin ni Ibrahim ang kalagayan (o nangatwiran).
“Sinabi Niya: 'Sa halip na ang Allah lamang ang sambahin ay sumasamba kayo sa mga diyus-diyusang hindi nakakapagdudulot sa inyo ng pakinabang at hindi din makakapagpanakit sa inyo? Napakasama ninyo at ng inyong mga diyus-diyusan, na sinasamba maliban sa Allah, hindi ba ninyo ito naiisip at napag-aalaman na napakasama ng inyong kalagayan?’”(Quran 21:66-67) (salin ng kahulugan)
Ang mga nagsasakdal ay silang naging inakusahan. Sila ay inakusahan ng lohikal na pagkakasalungat, at sa gayon ay walang maisagot kay Ibrahim. Dahil ang pangangatuwiran ni Ibrahim ay hindi nila masagot, ang kanilang pagtugon ay galit at kabangisan, at isinumpa nila si Ibrahim upang sunuging buhay,
“Gumawa ng pugon at itapon siya sa naglalagablab na apoy!.” (Quran 37:97) (salin ng kahulugan)
Ang buong sambayanan ay tumulong sa pagtitipon ng kahoy para sa apoy, hanggang sa ito ay ang naging pinakamalaking sunog na kanilang nakita. Ang batang si Ibrahim ay nagsumiti sa kahihinatnan na pinili para sa kanya ng Panginoon ng Sanlibutan. Hindi siya nawalan ng pananampalataya, sa halip ang pagsubok ay nagpalakas sa kanya. Si Ibrahim ay hindi nahintakutan sa harap ng isang maapoy na kamatayan kahit sa murang edad niya na ito; sa halip ang kanyang mga huling salita bago ipinasok dito ay,
“Sapat na ang Allah para sa akin at Siya ang pinakamahusay na Tagapagsaayos ng mga suliranin.” (Saheeh Al-Bukhari) (salin ng kahulugan)
Narito muli ang pagiging huwaran ni Abraham na nagpapatunay sa kanyang tunay na pagkamatatag sa mga pagsubok na kinakaharap. Ang kanyang paniniwala sa Totoong Diyos ay nasubok dito, at pinatunayan niya na siya rin ay handa na isuko pati ang kanyang buhay sa panawagan ng Diyos. Ang kanyang paniniwala ay napatunayan sa kanyang pagkilos.
Hindi ginusto ng Allah na ito ang kahihinatnan ni Ibrahim, sapagkat siya ay may isang dakilang misyon sa kanyang hinaharap. Kaya iniligtas Niya si Ibrahim bilang tanda para sa kanya at sa kanyang sambayanan..
“Sinabi namin: 'O apoy, ikaw ay maging malamig at mangalaga kay Ibrahim. At ninais nila na saktan siya , datapuwa't Aming ginawa sila na pinakamasamang talunan.” (Qur'an 21:69-70) (salin ng kahulugan)
Si Ibrahim ay nakaligtas sa apoy na walang naging pinsala.
Matapos ang mga taon ng pag-uusig, si Ibrahim at ang kanyang pamilya ay nalamang lumipat sa Harran sa timog-silangan ng Turkey upang magpatuloy sa pangangaral ng katotohanan. Habang nasa Harran, patuloy ang pangangaral ni Ibrahim sa kanyang ama, ngunit ang kanyang ama ay patuloy pa rin sa kanyang pagtanggi. Sa huli, sinabi niya,
“Kung hindi ka titigil sa iyong pag-aalipusta ay pagbabatuhin kita! kung kaya, lumayas ka at lumayo ka sa akin!” (Quran 19:46) (saling ng kahulugan)
Sa pagtaboy ng kanyang ama, lumisan si Ibrahim at nag-iwan ng mabuting salita,
“Kapayapaan ay sumainyo mula sa akin! Idadalangin ko sa aking Panginoon ang iyong gabay at kapatawaran. Katiyakan, ang Allah na aking Panginoon ang Ganap na Mapagmahal at Maawain sa akin. At ako ay lalayo mula sayo at sa iyong mga diyos-diyosan na mga sinasamba bukod sa Allah, at ako ay nananalangin sa aking Panginoon nang taimtim, na nawa ay hindi maging bigo ang aking panalangin sa aking Panginoon.” (Qur'an 19:47-48) (salin ng kahulugan)
Matapos ang mga taon ng tinatanggihang pangangaral, at pagdadalamhati sa posibleng kahahantungan ng kanyang ama sa Kabilang buhay, ang malambot na kalooban ni Ibraham ay matatag sa kanyang pangako na manalangin para sa kanyang ama. Ito ay isang pangako na nagtapos nang ito ay tinanggihan ng Allah (Quran 9: 113-114). Nang iwan ni Ibrahim ang Harran at ang mga sumasamba sa mga diyos-diyosan, nagbigay siya ng halimbawa para sa atin. Itinagubilin ni Allah na sundin ang bahagi at papag-ingatin naman sa isang bahagi ng kanyang inihayag:
“Tunay na para sa inyo may napakagandang halimbawa kay Ibrahim at sa mga naniniwala sa Allah na kasama niya, nang kanilang sinabi sa kanilang sambayanan na hindi naniniwala sa Allah: "Katiyakan, kami ay walang pananagutan sa inyo at anuman na inyong sinasamba bukod sa Allah, tinanggihan namin ang inyong pagsamba, at lumantad sa pagitan namin at sa inyo ang paglaban-laban at pagkapoot magpakailanman, hanggang sa magbalik-loob kayo at sumamba sa Allah na tanging Siya lamang ang sasambahin". Ngunit hindi rito kabilang sa pagiging halimbawa ni Ibrahim ang kanyang sinasabi sa kanyang ama, "tiyak na hihingi ako ng kapatawaran para sa iyo, ngunit hindi ko pinagmamay-ari para ipagkaloob sayo ang anumang pagmamay-ari ng Allah.’”[1] (salin ng kahulugan)
Nangibang-bayan si Ibrahim tungo sa Ehipto, kung saan nakilala niya ang Paraon. Si Sarah, isang maganda at kahali-halina na babae, ay napansin ng Paraon. Nang tanungin ang tungkol sa kanyang relasyon kay Sarah, sinabi ni Ibrahim na siya ay kanyang kapatid na babae - ang ibig niyang sabihin ay kapatid na babae sa pananampalataya. Sa pamamagitan niya, isang malaking pahayag ang malapit nang isagawa para sa mga Taga-ehipto upang sumamba sa Allah. Sa pag-aakala ng Paraon na maaari niyang magamit si Sarah, mabilis niyang pinatawag si Sarah, na sa tagubilin ni Ibrahim, pinanatili niyang tahimik sa kanyang relasyon sa kanya. Si Sarah, gayunpaman, ay isang malinis na babae, at bumaling siya kay Allah sa panalangin. Nang sandaling hahawakan na ng Paraon si Sarah, ang itaas na bahagi ng katawan ng Paraon ay naging paralisado. Siya ay sumigaw kay Sarah ng tulong, nangako na papalayain niya kung tutulungan siya! At gayon, nanalangin si Sarah sa Allah para sa kanyang tulong, upang ipakita na Siya lamang ang may kapangyarihan, kung Kanyang ninanais, upang protektahan siya. At sa wakas ay pinalaya din si Sarah matapos ang tatlong bigong pagtatangka. Si Sarah ay bumalik kay Ibrahim, pinasamahan siya kay Hagar, isang regalo mula sa Paraon na ipagkaloob para sa ikalulugod ng isang taong pinoprotektahan ng Allah. Nagbigay siya ng isang makapangyarihang mensahe sa mga paganong taga-Ehipto, gayunpaman ang Paraon ay ligaw din sa paggawa ng ikakalugod, na dapat sana ay nakadirekta sa Allah.
Puno ng mga regalo, bumalik si Ibrahim sa Palestine. Ngunit si Sarah at Ibrahim ay nanatiling walang anak, sa kabila ng mga pangako ng Diyos na magkakaroon siya ng maraming mga inapo. Sa pangingibabaw ng pagiging hindi makasarili, iminungkahi ni Sarah na tanggapin ni Ibrahim si Hagar, ang kanyang tagapaglingkod, bilang ikalawang asawa na siyang magsilang ng bata para sa kanya. Habang nasa Palestine, isinama ni Ibrahim si Hagar na nagsilang sa kanya ng isang anak na lalaki, si Ismael.
Habang si Ismael ay sumususo pa lamang, si Ibrahim ay inutusan ng Allah na dalhin si Hagar at Ismael sa isang pagang o walang buhay na lambak ng Bakka, 700 milya sa timog-silangan ng Hebron. Na sa kalaunan ay tinawag bilang Makkah (o Mecca). Iniwan sila ni Ibrahim doon na may isang punong tubig sa lagayang balat at sisidlang balat na puno ng mga datiles. Habang nagsimulang umalis si Ibrahim upang sila ay iiwan, si Hagar ay nababalisa tungkol sa nangyayari. Hindi tumingin pabalik si Ibrahim. Hinabol siya ni Hagar, 'O Ibrahim, saan ka pupunta, iiwan mo kami sa lambak na ito na walang katao-tao na magiging kasama namin, at wala dito kahit anumang bagay?' Binilisan si Ibrahim ang kanyang paglakad. Sa huli, nagtanong si Hagar, 'Sinabihan ka ba ng Allah na gawin mo ito?' Biglang tumigil si Ibrahim, at tumalikod at nagsabi, 'Oo!' Nakadama ng isang antas ng kaginhawaan sa sagot na ito, nagtanong si Hagar, 'O Ibrahim, kanino mo kami iiwan? '' Iniiwan ko kayo sa pangangalaga ni Allah,' sagot si Ibrahim. Nagsumiti si Hagar sa kanyang Panginoon, 'Nasisiyahan ako na makasama si Allah!'[2] Sinundan niya ang kanyang dinaanan pabalik sa maliit na si Ismael. Umalis si Ibrahim na nananalangin para sa kanyang asawa at anak, na kanyang idinalangin noong di na siya abot ng pananaw o mag isa na siya.
Di-nagtagal, naubos din ang tubig at ang datiles at nadaragdagan ang desperasyon ni Hagar. Hindi na mapawi ang kanyang uhaw o mapasuso ang kanyang maliit na sanggol, nagsimulang maghanap si Hagar ng tubig. Nagsimula siyang umakyat sa mabatong gilid ng isang kalapit na burol. 'Siguro may isang caravan na dumaraan,' naisip niya sa sarili. Tumakbo siya sa pagitan ng dalawang burol ng Safa at Marwa pitong beses na naghahanap ng mga palatandaan ng tubig, at narinig niya ang isang tinig. Tumingin siya sa lambak, nakita niya na may isang nakatayo sa tabi ni Ismael. Ito ang anghel na si Gabriel, na bumitak sa lupa sa tabi ng sanggol na pinatamaan ng kanyang sakong, habang si Hagar ay nagmamadaling bumaba sa burol, at ang tubig ay bumubulwak. Ito ay isang himala! Sinubukan ni Hagar na maghugis ng palanggana sa paligid nito upang mapigilan ang pag-agos at mapuno ang kanyang lagayang balat. 'Huwag matakot na mapabayaan, 'sinabi ng anghel,' sapagkat ito ang Bahay-dasalan ng Allah na itatayo ng batang ito at ng kanyang ama, at hindi kailanman pinababayaan ng Allah ang kanyang mga tao.’[3] Hindi nagtagal kalaunan, na ang tribo ng Jurham, na lumilipat-lipat at nangingibang-bayan na karaniwan na kinaugalian nito mula sa timog ng Arabia, ay tumigil nang sila ay napadaan sa lambak ng Makkah. Hindi karaniwan na makakakita sila ng mga ibon na lumilipad sa direksyon nito, dahil ito ay kilala na tuyong pagang at walang buhay, kaya nagtungo sila upang makita kung saan itong mga 'to pumupunta. Nang makita nila ang masaganang tubig, tinanong nila ang ina at ang bata kung ibabahagi ba nila ito sa kanila. Sa kalaunan, sila ay nanirahan sa Makkah at si Ismael ay lumaki na kasama sila.
Sa isang muling pagkakita-kita kasama ang kanyang pamilya sa Makkah pagkatapos ng mga taon na sila'y magkahiwalay, inatasan ni Allah si Ibrahim sa isang panaginip na i-alay sa pagkatay ang kanyang anak; ang anak na lalaki na kamakailan lang niya nakasama pagkatapos ng isang dekada ng mga panalangin at pagiging magkahiwalay. Kinonsulta ni Ibrahim ang kanyang anak upang makita kung nauunawaan niya, "Siya ay nagsabi: 'O mahal kong anak, nakita ko sa isang panaginip na dapat kong katayin ka bilang pag-aalay. Kung kaya, ano ang masasabi mo? 'Sabi niya:' O kagalang-galang kong ama! Gawin mo kung ano ang iniutos sa iyo. Sa kapahintulutan ng Allah, makikita mo ako na mapagpasensya para sa Kanyang ikalulugod.’”[4] Ang maka-diyos na anak ng isang maka-diyos na ama ay nagpasya na sumuko sa Allah at kusang-loob na sumang-ayon na katayin bilang pag-aalay. Inatasan si Ibrahim na dalhin ang kanyang anak sa Mina, mga apat na milya sa silangan ng Makkah, kung saan inilatag niya siya para sa pagkatay. At nang ang kutsilyo ni Ibrahim ay kinikilos na niya pababa, may tinig na nagpatigil sa kanya, "Tinawag namin siya: 'O Ibrahim: Naisagawa mo na ang ipinag-utos sayo, naisakatuparan mo na ang panaginip, Sa gayo'y ginagantimpalaan namin ang mga mabuti. Tunay na ito ay malinaw na isang malaking pagsubok.”[5] Si Ibrahim ay ginabayan upang gawin ang panghalili kay Ismael ng isang malaking tupa, 'Kung gayon ay tinubos Namin siya ng isang dakilang pag-aalay ng pagkatay.’
Pagbalik ni Ibrahim sa Palestine, binisita siya ng mga anghel, na nagbigay sa kanya at kay Sarah ng mabuting balita tungkol sa isang anak na lalaki, na si Isaac, na sinabing "Dala namin para sayo ang mabuting balita na pagkakaroon ng sanggol na batang lalaki na maalam sa pagsamba.”[6]
Sa isa sa kanyang mga sumunod na paglalakbay sa Makkah ang mag-ama ay nagtayo ng Ka'bah sa utos ni Allah. Habang itinayo ng ama at anak ang Ka'bah, sila'y nanalangin:
“O aming Panginoon! Tanggapin Mo po mula sa amin ang paglilingkod na ito. Tunay na Ikaw lamang ang Nakakarining sa lahat at Nakakaalam sa lahat. O aming Panginoon! Gawin Mo po kaming mga Muslim (mga tumatalima Sayo) at gayundin mula sa aming mga salinlahi na maging bansang Muslim (mga tumatalima Sayo) at ituro Mo po sa amin ang mga pamamaraan ng pagsamba Sayo at patawarin Mo po kami sa aming mga pagkakamali, tunay na Ikaw ang Pinaka-nagbibigay kapatawaran at ang Pinakamaawain. O aming Panginoon! Padalhan Mo po ang sambayanang ito ng Sugo mula sa angkan ni Ismael na bibigkas sa kanila ng Iyong mga talata, at tuturuan sila ng Iyong Salita at Sunnah (pamamaraan ng pagsamba Sayo ayon sa pamamaraan ng Iyong Sugo) at linisin sila sa kanilang mga kasalanan. Tunay na Ikaw ang Pinakamakapangyarihan at ganap na Pinakamaalam.” (Quran 2:127-129) (salin ng kahulugan)
Bago umalis sa Mecca, nanalangin si Ibrahim ng espesyal na panalangin kay Allah. Siya ay humiling para sa Makkah na maging mabiyaya, proteksyon para sa kanyang pamilya mula sa maling pagsamba, biyaya para kay Ismael at sa kanyang mga salinlahi, palagian na pagdarasal para sa kanyang mga salinlahi, at kapatawaran para sa kanyang sarili, kanyang mga magulang, at lahat ng mga mananampalataya (Quran 14: 35-41). Ang panalangin ni Ibrahim para sa isang Sugo, at para sa mga salinlahi ni Ismael, ay sinagot ng Allah ilang libong taon ang nakalipas nang hinirang mula sa mga arabo ang Propetang si Muhammad, ang Kapayapaan at Pagpapala ng Allah ay mapasakanya.
At sa panahon na yaon siya ay nagpahayag ng isang obligasyon na pagsamahin ang bawat tagapagsamba sa Isang Diyos na maglakbay sa Hajj tungo sa Ka'bah (Quran 22:27). Kung bakit hindi ito nabanggit sa Judaismo at Kristiyanismo sa kasalukuyan ay palaisipan, ngunit maaaring dahil sa mga paunti-unting pagkaltas mula sa kanilang katuruang pangrelihiyon habang hinahawi nito ang pokus ng kanilang paniniwala mula sa 'Lupang Pangako' tungo sa lupain kung saan 'ang mga taong pinili ng 'Bani Israel' ay hindi naisaayos.
Ibrahim at ang Hajj
Ang ilang mga gawaing pagsamba sa Hajj ay gumugunita sa mga pangyayari kay Ibrahim at ng kanyang pamilya. Pagkatapos libutin ang paligid ng Ka'bah, ang isang Muslim ay nagdarasal ng dalawang raka'ah na salah sa likod ng Puwesto ni Ibrahim, ang bato kung saan siya tumatayo noong binubuo ang Ka'bah. Matapos ang mga pagdarasal, ang isang Muslim ay iinom mula sa zamzam, ang himala ng tubig na ibinigay (sa pamamagitan) ni Anghel Gabriel na nagligtas sa buhay ni Hagar at Ismael. Ang gawaing pagsamba na sa'ee - ang baybayin ang pagitan ng Safa at Marwa - ay naggu-gunita sa desperadong paghahanap ni Hagar ng tubig noong sila pa lamang dalawa ng kanyang sanggol ang nasa Makkah. Ang pag-alay ng pagkatay ng isang hayop sa Mina na pagsunod sa kusang-loob na pag-alay ni Ibrahim sa kanyang anak bilang pagsamba kay Allah. Panghuli, ang pagbato sa tatlong lugar ng pagbabato - jamaraat - sa Mina ay naging halimbawa ng pagtanggi ni Ibrahim sa mga tukso ng satanas upang pigilan siya sa pag-alay kay Ismael.
Si Ibrahim, 'Ang hinirang ng Allah para sa Kanyang espesyal na pagmamahal' - khaleel-ullah - at patungkol sa kanya ang sinabi ng Allah, "gagawin kitang pinuno ng mga bansa.”[7] siya ay nagbalik sa Palestine at doon na rin siya binawian ng buhay.
Si Propeta Abraham ay isang Propeta ng Allah at siya ay pinarangalan sa paglalarawan ng Allah bilang isang Khalil-Allah na ang ibig sabihin ay ang pinili ng Allah para sa Kanyang pagmamahal.
Sa lahat ng bahagi ng iba't-ibang mga kabanata sa Quran si Ibrahim ay pinuri at itinaas bilang isang magandang halimbawa ng pagiging makatarungan. Siya ay isang tao na ang katangian ay isang mabuting halimbawa sa lahat ng mga mananampalataya; siya ay mabait, matiisin, matapang at mapagkakatiwalaan, at inilarawan siya ng Allah tulad ng mga ito. Kanyang sinabi:
Sa katunayan, si Abraham ay isang [komprehensibong] pinuno, tapat na tagasunod ng Allah, pumapanig sa katotohanan, at hindi siya kaisa ng mga taong ini-uugnay ang Allah sa iba. (Siya ay) nagpapasalamat sa Kanyang (Allah) mga biyaya. Pinili siya ng Allah at ginabayan sa Tuwid na Landas. At ibinigay Namin sa kanya ang mabuti sa mundong ito, at sa katunayan, sa Kabilang Buhay siya ay magiging kabilang sa mga matuwid. (Quran 16: 120-122)
Aralin1
Ang mga magulang ay maaaring matuto mula sa kanilang mga anak at ang mga matatanda ay maaaring matuto mula sa mga kabataan.
Ang kaalaman at pang-unawa ay hindi kinakailangang isang bagay na nanggaling sa may edad at dahil sa ang isang tao ay mas matanda, hindi nangangahulugan na siya ay isang tao na dapat tularan. Ang paraan ng pakikisalamuha ni Propeta Abraham sa kanyang ama ay isang napakagandang halimbawa para sa isang bata na may paggalang sa kanyang magulang subalit tinanggihan ang kanyang (ang magulang) mga pamamaraan at pamumuhay.
At (alalahanin) nang sinabi ni Abraham sa kanyang ama, si Azar: "Tinanggap mo ba ang mga idolo bilang mga diyos? Katotohanan, nakita kita at ang iyong mga tao sa hayagang pagkakamali! "(Qur'an 6: 74)
Ang ama ni Abraham na si Azar ay isang manlililok ng mga idolo, kaya mula sa kanyang pagkabata ay batid ni Abraham na ang mga idolo ay walang iba kungdi mga piraso ng kahoy o bato - walang buhay na mga bagay na hindi makapagbibigay ng anumang pakinabang o pinsala. Nakita niya ito na kakaiba, na ang mga tao ay sasamba sa kanila bilang mga Diyos!
Sinubukan ni Abraham na kumbinsihin ang kanyang ama na ang kinaugalian na pagsamba sa idolo ay mali at sa huli ay walang saysay. Kinausap niya ang kanyang ama sa isang malumanay na tinig, gamit ang mga mabubuting salita, at sinubukan niyang paalalahanan tungkol sa mga angking panganib sa pagsamba sa mga idolo, ngunit ang kanyang ama ay nainis lamang at pagkatapos ay nagalit.
Nang sabihin niya sa kanyang ama: "O aking ama! Bakit mo sinasamba ang hindi nakakarinig o nakikita at hindi nakapagbibigay sa iyo ng anumang bagay? O aking ama! Katotonan! Nakatanggap ako ng kaalaman na hindi mo natanggap, kaya sumunod ka sa akin. Gagabayan kita sa isang Tuwid na Landas. O aking ama, huwag sambahin si Satanas, sa katunayan si Satanas kailanman ay suwail, sa pinaka-Mahabagin. O aking ama, tunay na ako ay natatakot na ikaw ay parurusahan ng Pinaka-Maawain at maging kasama ni Satanas sa Impiyerno." Siya (ang ama) ay nagsabi: "Tinatanggihan mo ba ang aking mga diyos, O Abraham? Kung hindi mo ito ititigil, tiyak na ikaw ay aking babatuhin, kaya't lumayo ka mula sa akin ng maayos bago kita maparusahan." (Quran 19: 42-46)
Ang bata ay natakot na maligaw ang kanyang ama at mahulog sa mga kamay ng Shaytan. Siya ay matalino sa kabila ng kanyang edad ngunit ang ama ni Abraham ay hindi nakinig, marahil ang pagtanggi sa katotohanan na ang kanyang anak ay maaaring gumabay at magturo sa kanya. Si Abraham ay hindi nagalit, sa halip ay tumugon sa pagbabanta ng kanyang ama na may paggalang at karunungan.
Sinabi [ni Abraham], "Sumaiyo ang kapayapaan. Ako ay magsusumamo sa aking Nag-iisang Panginoon upang patawarin ka. Tunay na Siya (Allah) ay nagmamahal sa akin. At ako ay lalayo mula sa iyo at mula sa mga sinasamba ninyo maliban sa Allah. Mananawagan ako sa aking Nag-iisang Panginoon at nawa ito ay maging maayos, sa pagtawag sa aking Nag-iisang Panginoon, hindi ako mabibigo. "(Quran 19: 47-48)
Aralin 2
Ang Islam ay Makatwiran
Mula sa pananaw ng Islam si Propeta Abraham ay hindi itinuturing na alinman sa mga Hudyo o isang Kristiyano; siya ay isang Propeta na nagpasakop sa Allah at samakatuwid ay isang Muslim. Sinabi sa atin ng Allah sa Quran na mula sa murang edad si Propeta Abraham ay nakaramdam ng pagmamadali na hanapin ang Nag-iisang Diyos na karapat-dapat na sambahin. Napagtanto niya na ang mga idolo na sinasamba ng kanyang mga tao, na inukit at nililok ng kanyang ama ay bagay na walang halaga kundi isang kahoy at bato. Alam niya sa pamamagitan ng kanyang pakiramdam na ang araw, buwan at mga bituin ay hindi mga diyos sa anumang uri. Sinasabi sa atin ng Islam na ang pagsamba sa Allah ay ang tanging makatwirang pagpapasya na ang isang taong nagsisiyasat sa katibayan, ay maaaring pumasok dito. Ito ang eksaktong ginawa ni Abraham. Una ay tinanong niya ang mga idolo na yari sa kahoy na tumugon kapag sila ay kanyang kinausap at pagkatapos ay sinira niya ang mga ito. Hindi sila nakakapagsasalita o maipagtanggol ang kanilang sarili. Sumunod ay tumingin siya sa kalangitan at sinubukang makahanap ng kasagutan.
Kaya nang balutin siya ng gabi [sa kadiliman], nakakita siya ng isang bituin. Sinabi niya, "Ito ang aking Panginoon!" Ngunit nang hindi na ito nakikita, ay kanyang sinabi, "Hindi ko gusto ang mga nawawala!" Nang makita niya ang pagsikat ng buwan, ay kanyang sinabi : "Ito ang aking Panginoon." Ngunit nang hindi na ito nakikita, ay kanyang sinabi: "Maliban na lamang kung ako ay gagabayan ng aking Panginoon, tiyak na ako ay magiging kasama ng mga taong naliligaw." Nang makita niya ang pagsikat ng araw, ay kanyang sinabi: "Ito ang aking Panginoon. Ito ay mas malaki." Ngunit nang ito ay lumubog, ay kanyang sinabi: "O aking mga kasama! Tinatakwil ko ang lahat ng inyong sinasamba maliban sa Allah. Sa katunayan, ay ibinaling ko ang aking sarili bilang isang tunay na nananampalataya sa Kanya na siyang lumikha ng langit at lupa, at hindi ako kabilang sa mga taong sumasamba sa iba maliban sa Allah. " (Qur'an 6: 76-79)
May mahalagang aral na dapat na matutunan mula sa pangyayaring ito sa buhay ni Propeta Abraham. Sa pamamagitan ng paggamit ng pag-iisip, ay madaling makikita ng isang tao ang mga palatandaan na magtuturo sa pagkakaroon ng Nag-iisang Panginoon at Siya lamang ang nararapat na sambahin. Ang araw, buwan at mga bituin ay hindi mga diyos sa kanilang sarili kundi mga tanda ng Kanyang Pagka-Panginoon at Kadakilaan. Sa pamamagitan ng kanyang pagmumuni-muni, pinanghawakan ni Abraham ang pagkakaroon at ang kahanga-hangang katangian ng Allah.
Aralin 3
Ang tunay na mananampalataya ay handang isuko ang anumang bagay o sinuman para sa ikalulugod ng Allah.
Ayon sa Islam, si Propeta Ismael ang pinakamatandang anak na lalaki ni Propeta Abraham. Noong siya ay nasa tamang edad na upang makasama sa kanyang ama at kausapin siya bilang isang lalaki tulad ng ginagawa sa isang lalaki, ipinaliwanag ni Abraham sa kanya na nakita niya sa isang panaginip kung saan siya ay pinapatay ng kanyang ama. Ang mga panaginip ng mga Propeta ay mga anyo ng paghahayag; kaya ipinagpapalagay nila na ito ay isang kautusan mula sa Allah. Tunay na kung ang isang tao ay sinabihan ng kanilang ama na sila ay papatayin sa isang panaginip, pagdudahan nila ang panaginip pati na rin ang katinuan ng taong iyon! Nguni't alam ni Ismael ang katayuan ng kanyang ama. Siya ay tunay na isang maka-Diyos na tao, ang anak ng isang relihiyosong ama na parehong tapat sa pagpapasakop sa Allah. Dinala ni Propeta Abraham ang kanyang anak sa lugar kung saan siya ay iaalay at inilatag siya ng nakadapa. Dahil dito, inilarawan sila ng Allah sa pinakamagandang salita, naglalarawan sa diwa ng pagpapasakop; isang halimbawa na nagdudulot ng pagluha sa mga mata.
At nang sila ay kapwa magpasakop (sa kautusan ng Allah), at inilatag niya (si Abraham) ang anak (si Ismael) ng nakadapa (upang isakripisyo) (Quran 37: 103)
Nang ang kutsilyo ni Abraham ay akmang bababa na, isang tinig ang pumigil sa kanya.
Tinawag namin siya: "O Abraham! Natupad mo ang panaginip! "Tunay, na ginagantimpalaan Namin ang mga gumagawa ng mabuti. Katotohanan, ito ay isang tunay na pagsubok. (Qur'an 37: 104-106)
Sa katunayan, ito ang pinaka-malaking pagsubok sa lahat, ang pagsasakripisyo sa kanyang minamahal na anak, isa na ipinanganak mula kanya, pagkatapos na siya ay dumating sa katandaan at mga taon ng pananabik sa mga supling. Dito, ipinakita ni Abraham ang kanyang kahandaan na isakripisyo ang anumang bagay para sa Allah, at dahil dito, ay itinalaga Siya bilang pinuno sa lahat ng sangkatauhan, ang isa na pinagpala ng Allah na binigyan ng mga anak na Propeta. Itinuturo sa atin ng napakahalagang pangyayari ito na ang buhay ng isang tao ay walang kahulugan o halaga maliban na lamang kung ito ay gagamitin sa ikasisiya ng Allah.