Mga Artikulo

Ang isa sa mga sahabah ay minsa'y nagtanong kay Propeta Muhammad kung ano ang pinakaunang masjid na itinayo sa mundo. Sumagot siya, "Ang Banal na Masjid sa Mecca". "Alin ang sumunod?" tanong ng sahabi at sumagot ang Propeta "Ang Masjid Al-Aqsa sa Jerusalem".[1]





Pinayuhan ni Propeta Muhammad ang kanyang mga tagasunod na huwag maghanda para sa isang panrelihiyong paglalakbay maliban sa tatlong masjid.[2]





Ang tatlong masjid na ito ay ang tatlong pinakabanal na lugar sa Islam at matatagpuan sa tatlong banal na lungsod, ang Mecca, Medina at Jerusalem. Lahat ng tatlong lungsod na ito ay nasa Gitnang Silangan, dalawa dito ay  kasalukuyang nasa Saudi Arabia at ang isa ay nasa Banal na Lupain, na kilala ngayon bilang Palestine o Israel. Sa dalawang aralin ay titingnan natin ang kahalagahan ng tatlong lungsod at tatalakayin ang kahalagahan nito sa mga Muslim sa buong mundo.





Mecca


Ang Mecca ay tahanan ng pinakamalaking masjid sa buong mundo, ang Masjid Al-Haraam (Ang Sagradong Mosque). Pinapalibutan nito ang Kabah, isang bloke na istraktura na pinaniniwalaan ng mga Muslim ay ang unang bahay ng pagsamba sa buong mundo. Sa ika-21 siglo ang masjid ay may malaking panlabas na beranda na may puting marmol na sahig na sumasalamin sa maliwanag na sikat ng araw at umaapaw na liwanag sa gabi. Ito ay isang malawak na espasyo  na nagbibigay-daan para sa pag-dagsa ng hanggang sa 4 na milyong tao sa panahon ng Hajj. Ito ay isang espasyo na laging gising at kung saan ang mga tao mula sa iba't-ibang panig ng mundo ay nagtitipon upang gugulin ang kanilang mga araw at gabi sa pagsamba at pagmumuni-muni. Ang Mecca ngayon ay malayong malayo na ang hitsura sa kung pano ito sa umpisa.





Ang lugar kung saan nakatayo ang Mecca ay ang mga paksa ng mga kuwento na umaabot pabalik sa pinakadulong  simula nito. Ang parehong Quran at ang Bibliya ay unang nagbanggit ng pangalan ng Becca bilang isang lugar ng pagsamba. "... Mapalad yaong  mga may lakas sa Inyo na inihanda ang kanilang mga puso sa peregrinasyon. Habang dumaraan sila sa lambak ng Becca, ginagawa nila itong isang lugar ng mga bukal ... "[3]





“Katotohanan ang unang bahay-dalanginan na itinatag para sa sangkatauhan ay ang nasa Becca …” (Quran 3:96)





Ang unang mga  Muslim ay nanalangin paharap sa Masjid Al-Aqsa sa Jerusalem. Habang nasa pagpapatapon (exile) sa Medina si Propeta  Muhammad ay nakatanggap siya   ng rebelasyon mula sa Diyos na nagtuturo sa kanya na bumaling patungo sa Kabah. Sa gayon ito ang naging qibla para sa mga Muslim sa buong mundo. Ang mga mananalaysay at iskolar ng Islam ay nagtatalo sa kung sino ang nagtayo ng Kabah. Sinasabi ng ilan na itinayo ito ng mga anghel. Sinasabi ng iba na si Adam, ang ama ng sangkatauhan ang siyang nagtayo ng Kabah, ngunit sa paglipas ng maraming mga siglo ito ay nahulog sa pagkawasak lamang na itinayong muli ni Propeta Ibrahim at ng kanyang anak na si Ishmael. Ang lahat ay sumasang-ayon na ang Kabah ay itinayo o itinayong muli ni Propeta Ibrahim.





“At (banggitin mo) nang itayo nina Ibrahim at nang kanyang anak na si Ishmael ang haligi ng sagradong bahay-dalanginan (ang Kabah sa Mecca ) at sila ay nananalangin, "Aming Panginoon, tanggapin Mo po ang paglilingkod na ito mula sa amin. Katotohanan, Ikaw ang lubos na Nakaririnig, ang Maalam’” (Quran 2:127)





  Si Propeta Muhammad ay isinilang sa lungsod ng Mecca noong 570 BCE. Sa oras na iyon, ang Mecca ay isang oasis (mayamang lupa sa disyerto) na ruta ng kalakalan sa pagitan ng Yemen at ng Dagat Mediteraneo. Mayroong makasaysayang katibayan na nagpapahiwatig na ang mga kalakal mula sa lahat ng kilalang bansa ay dumadaloy sa mga pamilihan ng Mecca. At ang mga manlalakbay ay madalas dumalaw sa Kabah. Sa makasaysayang panahon sa mga oras na iyon, napuno ito ng mga rebulto at mga idolo.





Taon-taon ang mga perigrino ay naglalakbay patungong Mecca at ang tribo ni Propeta Muhammad, ang Quraish[4] ay nagkaroon ng napakahusay na pamumuhay sa pamamagitan ng pangangalakal sa mga peregrino. Ang pagka-propeta ni Muhammad ay nagbigay ng panganib sa kanilang mga mahalagang kabuhayan at ito ay isa sa mga kumplikado at katakut-takot na dahilan kung bakit sila gumawa ng pagkasira o ikasisira   ng mga Muslim at sa huli ay pinalayas sila mula sa lungsod.  





Si Propeta Muhammad ay minsan nagsabi tungkol sa Mecca, "Sa ngalan ni Allah, ikaw ang pinakamabuti at pinakamamahal sa lahat ng lupain ni Allah para sa Kanya. Kung hindi ako pinalayas mula sa iyo, ay hindi kita nilisan. ”[5] At, napagmasdan o napagtanto  niya isang beses, "Si Allah, at hindi ang mga tao, ang gumawa sa Mecca bilang santuwaryo; samakatuwid, ang sinumang tao na naniniwala kay Allah at sa Huling Araw ay hindi dapat magpadanak ng dugo doon o ang magputol ng mga puno dito”[6] 





Nang bumalik si Propeta Muhammad sa Mecca, kinuha niya ang pamamahala sa lungsod ng may mahusay na diplomasya, at mayroong walang hanggan na pagpapala para sa mga naninirahan nito. Nalinis niya ang Kabah ng mga idolo at ang Peninsula ng Arabia sa anumang pagsamba maliban kay Allah. At sa kasaysayan ay naging espirituwal na sentro ng Islam ang Mecca.





Medina


Sacred-Cities-Part-1_b.jpgAng Medina, na naroon din sa  Saudi Arabia, ito ay ang ikalawang pinaka-banal na lungsod sa Islam. Ang kahalagahan nito ay dahil  sa kinalalagyan ito  ng Masjid Al-Nabawi (tinatawag ding Masjid ng Propeta). Nasa lugar na ito ang tahanan ni Propeta Muhammad sa Medina at ito rin ang lugar kung saan siya inilibing. Naglalaman din ang Medina ng dalawang iba pang makabuluhang mga masjid; Ang Masjid Al-Quba na unang masjid na binuo nang tumakas papuntang Medina ang Propeta at ang mga sahabah , na kilala din bilang Yathrib, at ang Masjid Al-Qiblatain na binuo sa lugar kung saan natanggap ni Propetang Muhammad ang rebelasyon upang baguhin ang direksyon ng qibla mula sa Jerusalem patungong Mecca. Ang Al-Baqi, na isang sementeryo kung saan inilibing ang marami sa mga miyembro ng pamilya ni Propeta Muhammad, mga Caliph at iskolar, ay nasa loob din ng mga presinto ng Medina.





Medina (pagpapatuloy)


Sacred-Cities-part-2.jpgAng ikalawang pinaka-banal na lungsod sa Islam ay ang Medina. Ito ay nasa kanlurang rehiyon ng Saudi Arabia sa lugar na kilala bilang Hejaz. Ang Medina ay ang salitang Arabe ng lungsod at ito ay kilala bilang "ang lungsod" na nangangahulugang ito ay ang lungsod ni Propeta Muhammad.  Paminsan-minsan ito rin ay kilala bilang Medina Munawwarah na ang ibig sabihin ay ang lungsod ng kaliwanagan. Ito ay orihinal na tinatawag na Yathrib, ang Medina ay ang lungsod kung saan lumipat si Propeta Muhammad at ang itinakdang komunidad ng mga Muslim nang naging mahirap ang buhay sa Mecca.





Ang orihinal na masjid ng Propeta  ay isang bukas na gusali na may isang nakataas na plataporma para sa mga sermon. Ito ay isang parisukat na pader na humigit-kumulang na 30 sa 35 metro at itinayo mula sa mga puno ng niyog na may mga pader na gawa sa putik. Ito ay maaaring pasukin sa pamamagitan ng tatlong mga pinto at ang mga pangunahing plano na ito noon ay kinuha sa pagtatayo ng marami pang mga masjid sa buong mundo.





Ang Masjid ay naglalaman din ng isang may lilim na lugar pa- timog at isang lugar ng dasalan na nakaharap sa hilaga papuntang Jerusalem. Nang ang qiblah ay nabago ng Mecca, ang Masjid ay muling inayos upang humarap sa Mecca. Ang lugar ding ito ay nagsilbi rin bilang sentro ng komunidad, hukuman, at paaralan. Sa loob lamang ng pitong taon ang lugar ng Masjid ay nadoble upang mapaunlakan ang patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Muslim.





Sa Masjid na ito ay matatagpuan ang libingan ni Propeta Muhammad. Dahil ang mga propeta ay karaniwang inilibing kung saan sila namatay, si Propeta Muhammad ay inilibing sa tahanan ng kanyang asawa na si Aisha. Ito ay orihinal na naka-dugtong sa Masjid ngunit sa pagitan ng mga siglo ang Masjid ay pinalawak hanggang sa umabot na sa kahit na ang sementeryo na kilala bilang Al-Baqi, na noon ay nasa labas ng lungsod, ay ngayon ay naging marka ng panlabas na presinto ng Masjid. Ang mga libingan ng ilan sa mga miyembro ng pamilya ni  Propeta Muhammad at ng maraming mga sahabah at ng mga unang henerasyon ng mga iskolar ay matatagpuan dito.





Isa sa mga pinakamakabuluhan at pinakaimportanteng mga dahilan kung bakit ang mga Muslim sa buong mundo ay lubos na nagnanais upang bisitahin ang lungsod na ito na puno ng liwanag at kaalaman na sa katunayan na ito ay maraming mga pagpapala.





""Ang taong nag-aalay ng 40 na pagdarasal nang sunud-sunod sa aking Masjid, nang hindi nawawala ang isang pagdarasal sa pagitan nito, ay ligtas  mula sa apoy ng Impiyerno at iba pang mga pagdurusa at gayundin sa pagkukunwari."[1] 





Sinabi ni Propeta Muhammad, "Ako ay inutusan na lumipat sa isang bayan na lulunukin  (lulupigin) ang iba pang mga bayan at tinatawag  na Yathrib at iyan ay ang Medina, at binabago niya ang (masamang)  tao na katulad ng pugon na nagtatanggal ng mga dumi ng bakal." At sinabi rin niya, "May mga anghel na nagbabantay sa mga pasukan (o mga kalsada) ng Medina, ni ang salot o ang Dajjaal (Antikristo) ay di  maaaring makapasok dito.”[2]





Ang Medina at ang mga paligid nito ay puno ng mga lugar at tanawin may kinalaman  sa kasaysayan ng Islam. Ang lugar ng Labanan ng Badr ay humigit-kumulang 20 milya sa timog kanluran ng Medina, at apat na milya sa hilaga ang lugar ng Labanan ng Uhud. Gayundin sa  maikling distansya ay ang lugar kung saan ang Labanan ng Ditch ay naganap. Ang Masjid Al-Quba na unang masjid na itinayo sa Islam at ang pundasyon ng bato nito ay inilagay ni Propeta Muhammad mismo ay matatagpuan dito sa Medina, gayundin ang Masjid Al-Qiblatain, na isang masjid na binuo sa lugar kung saan ang rebelasyon upang baguhin ang direksyon ng qiblah ay ipinahayag . Bago ang rebelasyon na ito, ang mga unang Muslim ay nagdarasal na nakaharap sa Jerusalem.





Jerusalem


Ang lungsod ng Jerusalem ay ang ikatlong pinaka-sagradong lugar sa Islam. Ayon sa kasaysayan ng Islam, si Propeta Jacob, ay nagtayo ng isang masjid sa lugar ng Al-Aqsa mga 40 taon pagkatapos ng kanyang lolo na si Propeta Abraham ay nagtayo ng Kabah sa Mecca. Ito ay itinayong muli o pinalawak ni Haring Solomon, isang lalaking itinuturing ng Islam na isang naging Propeta.





"Luwalhati sa Kanya na Siyang nagpalakbay sa kanyang alipin sa gabi mula sa Masjid Al-Haraam patungong Masjid Al-Aqsa, na ang mga kapaligiran nito ay Aming pinagpala upang ipakita sa kanya ang aming mga palatandaan. Katotohanan, Siya ang lubos na nakakarinig, ang Lubos na Nakakakita." (Quran 17:1)





Ang mga Muslim ay mas napalapit sa Jerusalem sapagkat tinutukoy ito ng Diyos sa Quran bilang "ang kalapit-pook na pinagpala natin". Ang isang lugar na tinatawag na Masjid Al-Aqsa ay nasa loob ng lungsod ng Jerusalem. Ang pangalang Al-Aqsa ay isinalin na pinakamalayong masjid. Subalit mayroong napakaraming masjid at mga  sentro ng pag-aaral sa 144,000 square meter na lugar kabilang na dito  ang pinaka-kilalang gusali sa Jerusalem, ang Dome of the Rock.





Ang kumikinang na malagintong dome  na ito ay nakatayo sa pinakamataas na lugar ng Jerusalem at maaaring makilala ng mga Muslim at mga hindi Muslim. Sa isang pangyayari na kilala bilang Gabi ng Paglalakbay at Pag-akyat (Night Journey and Ascension), si Propeta Muhammad ay umakyat sa pinakamababang langit mula sa isang bato na matatagpuan ngayon sa pinakasikat na simbolo na ito. Sa parehong paglalakbay ay pinangunahan ni Propeta Muhammad ang mga nakaraang propeta sa pagdarasal at ang lugar na iyon ay nasa kabilang panig ng Al-Aqsa. Ang mga karagdagang kaalaman hinggil sa  Gabi ng Paglalakbay at Pag-akyat (Night Journey at Ascension) ay matatagpuan dito.http://www.islamreligion.com/articles/1511/





Nang ang direksyon ng pagdarasal ay binago mula sa Jerusalem patungo sa Mecca ang kabuluhan ng Jerusalem ay hindi napawi; ang pagbabago ay kumakatawan lamang sa isa pang hakbang sa pagtatatag ng mensahe ng Islam. Ang napakalawak na halaga ng Jerusalem sa mga mata ng mga Muslim ay nagpatuloy noon, magpahanggang ngayon.





Ang isang pagdarasal sa Masjid Al-Aqsa ay katumbas ng 250 na  pagdarasal sa ibang lugar, hindi kabilang ang sa Masjid ng Propeta sa Medina kung saan ang isang pagdarasal ay katumbas ng 1,000 pagdarasal at ang Banal na Masjid sa Mecca kung saan ang isang pagdarasal ay naglalaman ng gantimpala ng 100,000 na pagdarasal[3]



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG