ThoseShaded01.jpg
Sa Araw ng Paghuhukom ang araw ay ibababa ng malapit. Sinabi sa atin ni Propeta Muhammad na, "Ang araw ay ilalapit sa lupa hanggang sa ang sukat nito ay isang milya nalang ang layo at ang mga tao ay pagpapawisan ng ayon sa kanilang mga gawa ...".[1] Ang mga tao ay nakatayo magkakasama, natatakot at nahihirapan mula sa mga epekto ng init. Para sa masusuwerteng iilan ang paghihirap ay tatagal ng halintulad lamang ng mga segundo, para sa iba ay magsisimula nilang maramdaman na parang nakatayo sila sa nakakapasong sinag ng araw ng kalahati ng buong buhay nila o higit pa. Ang mga aralin na pinamagatang "Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom"[2] nilalarawan nang mas detalyado kung ano ang mararanasan ng mga tao sa Araw na iyon. Pinaliwanag nito ng maigi na mayroong pitong uri ng mga tao na nasa lilim; ang lilim ng Trono ng Allah. Sa mga araling ito, susuriin natin ng mas maigi ang mga grupo ng mga taong ito.
Si Propeta Muhammad ay nakasanayang makipag-usap sa kanyang mga tagasunod tungkol sa Araw ng Paghuhukom. Nais niya sa kanila, at sa atin na sumusunod sa kanya ngayon, na maging handa para sa kung ano ang paparating. Sa isang bantog at maraming salaysay na hadith ipinaalala niya satin ang walang hanggang habag ng Allah at pitong uri ng mga tao na tatayo nang mataimtim sa ilalim ng lilim sa Araw ng Paghuhukom.
"Ang Allah ay magbibigay ng lilim sa pitong [mga tao] sa Araw na walang lilim bukod sa lilim ng kanyang Trono: Ang isang makatarungang pinuno; isang bata na lumaki sa pagsamba sa Allah; isang tao na ang puso ay malapit sa moske; ang dalawang nagmamahalan sa isa't isa para sa kapakanan ng Allah, nagpapupulong para rito(para sa Allah) at naghihiwalay para rito; isang lalaki na inakit ng isang babae na may kagandahan at posisyon (para sa pangangalunya), ngunit tumugon sa pagsasabing, 'natatakot ako sa Allah'; isang tao na nagbibigay ng kawanggawa ng palihim, na kahit ang kanyang kaliwang kamay ay hindi nalalaman ang kung ano ang ibinibigay ng kanyang kanang kamay sa kawanggawa; at sa wakas ay isang lalaki na kapag naalaala ang Allah sa kanyang sarili ay umiiyak. "[3]
Bago tayo magpatuloy, mahalaga na banggitin na sa karamihang sitwasyon kapag ang 'tao' ay nababanggit sa parehong Quran at ahadith ito ay tumutukoy sa parehong kalalakihan at kababaihan; maliban sa kung saan ang mga kababaihan o mga lalaki ay tinutukoy nang hiwalay at partikular.
1. Isang Makatarungang Pinuno.
Ang hustisya ay isang pangunahing konsepto sa Islam, kasama ang pagpapaubaya, pagpapatawad at paggalang. Ang ibig sabihin ng hustisya ay pagbibigay sa bawat tao ng mga karapatan na nararapat sa kanya, mananampalataya o hindi mananampalataya, kamag-anak o hindi-kilala, kaibigan o kaaway. Ito ay isang konsepto na dapat isagawa ng bawat Muslim, hindi lamang ang pinuno. Hinihikayat ng Diyos ang katarungan, at hinahatulan ng Islam ang lahat ng anyo ng kawalang-katarungan at pang-aapi.
“…At huwag magiging hadlang ang iyong galit sa mga tao sa pagiging makatarungan. Maging makatarungan; Ito ay mas malapit sa kabutihan”. (Quran: 5:8)
“…At hindi ninanais ng Diyos ang kawalang katarungan sa mundo” (Quran 3:108)
Ang pagiging makatarungan ay maaaring magpabigat sa pinuno, dapat siya mag-ingat sa kanyang sariling mga layunin at mga gawain at siya din ang mag-aako ng mga pananagutan para sa mga gawa na ginawa sa ilalim ng kanyang pamumuno.
2. Isang bata na lumaki sa pagsamba sa Allah.
Ang mga kabataan ang pinaka masigla at masigasig. Mayroon silang sigasig na mabuhay at tumingin sa hinaharap, pagpaplano at paglalagay ng mga pundasyon para sa isang mahaba at mabiyaya na buhay. Ang kanilang kasiglaan at kasigasigan ay malaking mga pagpapala mula sa Allah at ang mga gumagamit ng oras na ito nang wais para makakuha ng kaalaman sa Allah at pagsasagawa ng mga kilos na hindi nila maaaring magawa sa mga ibang pagkakataon sa buhay ay gagantimpalaan. Kabilang sa mga gantimpala na iyon ay ang paglililim ng Allah sa araw na wala ng lilim. Gayunpaman ang kabataan ay ang panahon na ang isang tao ay pinakamadaling matukso sa mga panlilinlang at tentasyon ng Shaytan. Maraming makamundong bagay na mga nakakaabala bukod tanging kinakalakal sa mga kabataan, kaya dapat nilang panatilihin ang kanilang mga mata sa premyo at hindi malinlang sa lahat ng mga kislap nitong walang halaga.
Pinaaalala satin nito na sa pamamagitan ng isang hadith kung saan sanabi ni Propeta Muhammad, "Samantalahin ang limang bagay bago ang limang iba pang mga bagay: ang iyong kabataan bago ka tumanda; ang iyong kalusugan, bago ka magkasakit; ang iyong kayamanan, bago ka maging mahirap; ang iyong libreng oras bago ka maging abala; at ang iyong buhay, bago ka mamatay. "[4]
3. Ang isang tao na ang puso ay malapit sa mga moske.
Sa sandaling muli, may magagandang gantimpala para sa pagdarasal sa moske. Sa iba't-ibang mga ahadith tayo ay pinaaalalahanan ng mga ito. Para sa isang taong nagdarasal sa moske ay may 27 na ulit na gantimpala kaysa sa pagdarasal sa tahanan.[5] Sinabi ni Propeta Muhammad na ang isang tao ... "ay hindi gumagawa ng isang hakbang patungo sa moske maliban na dahil dito, siya ay itinataas sa pamamagitan ng isang ranggo at isang kasalanan ay inaalis mula sa kanya. At kapag siya ay nagdarasal, ang mga anghel ay hindi tumitigil sa pagdarasal para sa kanya hangga't siya ay nananatili sa kanyang lugar ng pagdarasal at nagsasabi, 'O Allah magpadala ng mga pagpapala para sa kanya, O Allah maawa ka sa kanya' ... " [6]
Hindi nito tinatanggi ang katotohanan na ang buong mundo (maliban sa iilan) ay kanilang lugar ng pagdarasal[7]; gayunpaman ang moske ay ang puso ng komunidad. Ito ay hindi lamang isang lugar ng pagsamba kundi isang lugar ng pulong, isang institusyong pang-edukasyon, isang lugar ng mga gawain sa lipunan at isang lugar ng pahingahan.
4. Ang dalawang nagmamahalan sa isa't isa para sa kapakanan ng Allah, nagpapupulong para rito(para sa Allah) at naghihiwalay para rito
Ang pagmamahal sa isa't isa para sa kapakanan ng Allah ay isa pang paraan ng kalugud-lugod sa Allah, na nagtitipon ng mga gantimpala at isinasabuhay ang mga konsepto na nakadikit sa Islam. Nangangahulugan ito na ang isang tao ay nagmamahal sa ibang tao dahil sa kanyang kabanalan. Hindi mahalaga kung ang tao ay mayaman o mahirap o kung ano ang nasyonalidad nila o kung anong kulay ang kanilang balat. Hindi mahalaga kung ano ang kanilang isinusuot o kung saan sila nakatira, ang mahalaga ay ang kanilang pagiging malapit sa Allah at Islam. Ang mananampalataya ay mapagparaan (tolerant) sa mga pagkakaiba at iginagalang ang iba. Ang pagmamahal sa isang tao dahil minamahal nila ang Allah ay pagmamahal sa kapakanan ng Allah.
5. Isang lalaki na inakit ng isang babae na may kagandahan at posisyon (para sa pangangalunya), ngunit tumugon sa pagsasabing, 'natatakot ako sa Allah'
ThoseShaded02.jpg
Pakitandaan na, gaya ng ipinaliwanag sa aralin 1, ang kaparehong gantimpala ay ibinibigay sa isang babae na tinutukso ng isang tao ngunit sinaway niya sa pagsasabing, "natatakot ako sa Allah". Ang mundo na ito ay puno ng mga tukso at lalo na ngayon, sa ika-21 na siglo tayo ay kadalasang na inaatake. Ang ating pagdepende sa teknolohiya ang nagtutulak sa atin na gumawa ng mahihirap na mga desisyon. Maaari nating piliing magpaakay sa Shaytan at sa kanyang mga kampon o maaari nating piliin ang kabutihan. Ang pagkahumaling sa katapat na kasarian ay matagal ng problema, isang luma nang tukso, at maraming mga tao ang nahihikayat sa pagkasira dahil sa hindi malabanan o maiwasan ang kagandahan. Ito ang dahilan kung bakit nakikita natin ang mga gantimpala para sa pagpigil ay madalas na nababanggit sa aayaat (mga talata) ng Quran at kung bakit binabalaan ni Propeta Muhammad ang kanyang Ummah tungkol sa panganib ng hindi pagtututo ng pagpipigil sa sarili.
“Ngunit para sa kanya na natakot tumayo sa harap ng kanyang Panginoon, at pinigilan ang kanyang sarili mula sa maruming masasamang hangarin, at mga pagnanasa. Katotohanang, ang Paraiso ay ang kanyang magiging tahanan.” (Quran 79:40-41)
Ang mga taong papasok sa Paraiso, na sa pangkalahatan, ay dahil sa kanilang taqwa sa Allah, buong paggalang at pagsunod sa mga utos ng Allah, at nakabatay sa kanilang mabuting pag-uugali. Gayunpaman, karamihan ay nakakapasok sa Impiyerno dahil sa masamang paggamit ng bibig at mga pribadong bahagi ".[1]
Ang isang bagay na sinisiguradong magpapalakas sa ating determinasyon na manatiling malayo mula sa tukso sa katapat na kasarian ay 'takot sa Allah'. Taqwa ay ang salitang madalas ginagamit upang tukuyin ang konsepto ng takot sa Allah. Si Propeta Yusuf (Joseph) ay isang lalaki na may taqwa. Sinasabi na siya ay isa sa magiging pinuno ng mga tao na lililiman ng Allah sa Araw ng Paghuhukom. Ang kanyang paraan ng pakikitungo sa tukso ng nang-aakit na asawa ng kanyang amo ay isang magandang halimbawa para sa ating lahat. Nang makita niya ang kanyang sarili na natutukso sa kanyang kagandahan, siya ay nagpakupkop sa Allah.
“At katiyakan, labis ang kanyang paghahangad sa kanya at matatangay na sana Siya ng kanyang pang-aakit kung hindi lamang sa katotohanan na nakita niya ang tanda mula sa mga palatandaan ng kanyang Panginoon. Upang ilayo Namin sa kanya ang kasalanan at kahalayan Katiyakan, siya ay kabilang sa mga alipin Namin na mga pinili at pinatnubayan” (Quran 12:24)
6. Isang tao na nagbibigay ng kawanggawa ng palihim, na kahit ang kanyang kaliwang kamay ay hindi nalalaman ang kung ano ang ibinibigay ng kanyang kanang kamay sa kawanggawa
Ang kawanggawa sa Islam ay may dalawang anyo: zakah, obligadong pagka-kawanggawa at sadaqah, boluntaryong pagka-kawanggawa. Ang Zakah ay may mataas na kalagayan na kadalasan sa buong Quran ay kaakibat nito ang pagdarasal. Ang Islam ay binigyang diin ang pangangailangan ng pagbibigay ng sadaqah at zakah at ito ay naglalagay ng malaking diin at malaking gantimpala sa pagbibigay ng dalawang anyo nito sa pagka-kawanggawa ng palihim. Ang pagbibigay ng lihim ay nagpapanatili ng dignidad ng mga tumatanggap at pinipigilan din nito ang nagbibigay sa paghingi ng papuri at pagkilala. Ang Islam ay nagsasabi sa atin na ang pagbibigay ng lihim ay ang pinaka mainam na paraan ngunit hindi dapat mapigilan sa pagbibigay sa publiko kung saan ay kanais-nais at kaganti-gantipalang kilos gayunpaman ang pagpapansin para sa kawanggawa ay hindi kanais-nais na katangian.
Ang yaman ay isang bagay na maaaring ibigay ng Allah sa atin anumang oras; gayunpaman maaari din Niya itong alisin nang walang pasabi. Lahat tayo ay may kilalang mga tao na nalubog sa pagkalugi sa isang iglap. Dahil sa mataas na posisyon na pinanghahawakan ng kawanggawa sa Islam mahalaga na gugulin natin ang ating kayamanan sa landas ng Allah bago tayo mawalan ng kakayahang gawin ito.
"Ang nakakatulad nila na gumugugol ng kanilang kayamanan sa Kapakanan ng Allah ay katulad ng mga butil (ng mais); ito ay tumubo (at lumaki) ng pitong busal, at ang bawat busal ay may isang daang butil. Ang Allah ang nagkakaloob ng saganang dagdag sa sinumang Kanyang maibigan. At ang Allah ay may sapat na panustos sa lahat ng pangangailangan ng Kanyang mga nilikha, ang Ganap na Maalam."(Quran 2:261)
7. Isang lalaki na kapag naalaala ang Allah sa kanyang pag iisa ay umiiyak.
Sinabi ni Propeta Muhammad, "May dalawang mata na hindi madadapuan ng apoy, isang mata na umiiyak dahil sa takot sa Allah at isang mata na nananatiling alisto sa buong gabi sa pagbabantay alang-ala sa Allah".[2]
Ang unang uri ay ang mga tao na ang mga mata ay umaapaw ang mga luha kapag naaalala nila ang Allah. Humahagulgol sila kapag nagmumuni-muni sa mga kasalanan na kanilang ginawa o maaaring gagawin kung hindi nila naaalala ang malaking habag ng Allah. Minsan madali magpadala sa damdamin kapag nananalangin ng kongregasyon (sama-sama) at maraming tao ang umiiyak. Bagaman ito ay isang kagalang-galang at kapuri-puri na gawain sa mga taong umiiyak nang palihim, kapag walang sinuman maliban sa Allah na nakakakita sa kanila, ay nasa isang natatangi na kategorya at papasilungin sa ilalim ng lilim ng Allah.