Mga Artikulo

Ang libingan ay ang tahanan ng katawan pagkatapos ng kamatayan at ang kamatayan ay isang bagay na lahat tayo ay makararanas. Walang makakatanggi nito o makakapagtago mula rito. Ang kamatayan ay darating sa bawat isa sa atin. Ang ilan ay mamamatay ng mas maaga  kaysa sa iba, alinsunod sa kalooban ng Allah ngunit lahat ng nabubuhay ay mamamatay sa kanyang takdang panahon, kahit na siya man ay kabilang sa mga banal o masama. Samakatuwid, mahalaga na ang bawat isa sa atin ay nauunawaan kung ano ang mangyayari pagkamatay natin. mamamatay tayo at ililibing ngunit hindi iyon ang wakas,  sa katotohanan ito ay ang kabaligtaran  dahil   ito ay simula pa lamang.





“Lahat ng may kaluluwa ay makakalasap ng kamatayan...” (Quran 3:185)





Tinawag ng mga propeta ng Allah ang kanilang mga tao upang sambahin ang iisang Diyos, ang Allah na Makapangyarihan sa lahat, at tinuruan din nila ang mga tao na maniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan. Ito ay itinuturing na isang napakahalagang konsepto, sa sobrang halaga na ang kabiguang maniwala dito ay halintulad ng paniniwala na walang kabuluhan. Alinsunod dito, ang isa sa 'mga haligi ng pananampalataya' ay ang paniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan. Ang buhay na ito ay madalas na tinutukoy bilang ang Kabilang Buhay, at ang unang yugto ng Kabilang Buhay ay buhay sa libingan.





Sa isang tunay (authentic) na hadith, sinabi ni Propeta Muhammad, "Ang libingan ay ang unang yugto ng Kabilang Buhay…”[1]  Sa pagsasa-isip nito mahalaga na tandaan na ang makamundong buhay na ito ay isang serye ng mga pagsubok at mga pagsubok na nagpapasiya sa ating lugar sa Kabilang Buhay. Ang lahat ng mga gawain  ay itinatala  at binubuo nito  ang batayan ng anumang kaparusahan o gantimpala ng isang tao na nakatakdang matanggap.





“ Ito’y dahil sa gayong (kasamaan) na ginawa  ng inyong mga kamay . At katiyakang ang Allah ay hindi kailanman naging di-makatarungan sa (Kanyang) mga alipin.” (Quran 3:182)





“Ito ang Paraiso na itinakda  sa inyo upang manahin dahil sa inyong mga gawa (mabubuti) na inyong ginawa  ( buhay  sa mundo)."(Quran 43:72)





Ang buhay sa libingan ay madalas na tinutukoy bilang buhay sa Barzakh. Ang Barzakh ay literal na nangangahulugan na isang harang, hadlang o isang bagay na naghihiwalay sa isang bagay mula sa iba pang tulad ng sumusunod na paglalarawan sa Quran:





“Malayang pinagtagpo ng Allâh ang tubig ang dalawang bahagi ng dagat  (tabang at maalat)   na ito ay nagtatagpo na mayroong itong harang (Barzakh) na wala sakanila ang maaaring lumabag rito” (Quran 55:19-20)





   Kaya't ito ay isang harang na hindi maaaring tawirin maliban sa pahintulot ng Allah. Sa konteksto ng buhay at kamatayan, ang Barzakh ay ang panahon sa pagitan ng kamatayan ng isang tao at ng kanyang pagkabuhay muli sa Araw ng Paghuhukom. Ang likas na katangian ng buhay sa Barzakh ay isang bagay ng ghayb at kaya ang mga detalye nito ay ang Allah lamang ang nakakaalam. Subalit ang Allah ay nagbunyag ng ilang mga bagay ng ghayb kay Propeta Muhammad at siya naman ay nagpahayag ng mga bagay na ito sa atin.





Pagkatapos ng anumang libing si Propeta Muhammad ay nagpapaalala sa kanyang mga kasamahan upang humingi ng kapatawaran para sa kanilang mga kapatid na lalaki o babae, at hilingin sa Allah na manatiling matatag sila sa panahon ng pagtatanong.[2] Ito ay dahil sinabi ni Propeta Muhammad na kung ano ang darating pagkatapos ng libing ay maaaring maging lubhang mahirap talaga. Matapos ipaalam sa kanyang sahabi (kasamahan) na ang libingan ay ang unang yugto ng Kabilang Buhay, sinabi ni Propeta Muhammad, "Kung ang isang tao ay makatagpo  ng kaligtasan (sa yugtong ito) ang mga kasunod (mga yugto) ay magiging madali para sa kanya, at kung hindi niya matagpuan ang kaligtasan sa loob nito,  ang susunod sa yugtong ito ay magiging napakahirap sa kanya. "Ang minamahal na asawa ni Propeta Muhammad na si Aisha ay naaalala na ang Propeta ay madalas na nagpapakupkop sa Allah mula sa paghihirap at kapighatian ng libingan.[3]  At ito ay naiintindihan ng mga iskolar ng Islam na ang mga kapighatian ay tumutukoy sa pagtatanong.





Kaya't ito ay may kinalaman sa atin upang sundin ang kanyang halimbawa at magpakupkop sa Allah mula sa pagpaparusa sa libingan. Si Propeta Muhammad mismo, sa isang hindi gaano kahaba ngunit napaka maliwanag at maraming matututunan na hadith na nagpapaliwanag ng napakalinaw kung ano ang mangyayari bago ang pagtatanong. Ito ay isang paksa na ang sahabah ay sobrang interesado at inilarawan nila ang kanilang mga sarili na parang nakaupong mga ibon, ibig sabihin sila ay tahimik at di gumagalaw, kapag nakikinig sa Propeta Muhammad  na nagkekwento  tungkol sa buhay sa libingan.[4]





“Kapag ang mananampalatayang alipin ay malapit nang umalis sa mundong ito at pumasok sa Kabilang Buhay, bumababa sa kanya ang mga anghel na may puting mga mukha tulad ng araw, at nakaupo sila sa paligid niya sa abot ng kanyang tanaw. Nagdadala sila ng mga tela na pambalot mula sa Jannah (Paraiso) at pabango mula sa Jannah. Pagkatapos ay darating ang Anghel ng Kamatayan at uupo sa pagitan ng kanyang ulo, at sinasabi niya, 'O mabuting kaluluwa, lumabas ka sa kapatawaran mula sa Allah at sa Kanyang kaluguran.' At ito ay madaling lalabas tulad ng isang patak ng tubig mula sa bibig ng baso . Kapag nakuha niya ito(ang kaluluwa), hindi nagtatagal sa kanyang kamay at agad-agad itong binabalot ng tela na may pabango, at may nanggagaling rito na halimuyak tulad ng pinaka mabango na musko sa ibabaw ng lupa. Pagkatapos ay aakyat sila at hindi sila dadaan sa anumang grupo ng mga anghel malibang sinasabi nila, 'Sino ang mabuting kaluluwa na ito?' At sinasabi nila, 'Ito ay Si... na Si... na anak ni... at ni...', tinatawag siya sa pamamagitan ng pinaka mabuti na mga pangalan na kung saan siya ay kilala sa mundo, hanggang sa maabot nila ang pinakamababang langit. Hihilingin na sila ay  pagbuksan sila  at bubuksan ito, at (ang kaluluwa) ay tinatanggap at sinasamahan ng mga pinaka malalapit sa Allah sa susunod na langit, hanggang sa maabot nila ang ikapitong langit. Pagkatapos ay sasabihin ng Allah: 'Itala ang kanyang lugar sa aklat, at ibalik siya sa lupa, sapagkat mula dito nilikha Ko sila, dito ay ibabalik ko sila at mula roon ay bubuhayin ko sila muli.' Kaya ang kanyang kaluluwa ay muling magbabalik sa kanyang katawan at may darating sa kanyang dalawang anghel na magpapaupo sakanya.”





Ang eksena para sa mga hindi mananampalataya ay ibang-iba. Ang mga anghel ay dumarating sa isang di-mananampalataya "... na may madidilim na mga mukha, nagdadala ng tela na sako, at umuupo sila sa paligid niya sa abot tanaw ng kanyang mga mata. Pagkatapos ay darating ang Anghel ng Kamatayan at uupo sa pamamagitan ng kanyang ulo, at sasabihin niya, 'O masamang kaluluwa, lumabas ka sa galit ng Allah at sa Kanyang poot.' Pagkatapos ang kanyang kaluluwa ay magwawala sa loob ng kanyang katawan, at pagkatapos ay lalabas na tila napuputol ang mga ugat at nerbiyo(nerve) , tulad ng isang alambre na dumadaan sa basang tela. Kapag nakuha na niya ito, hindi nagtatagal sa  kanyang kamay ni isang segundo  at agad-agad sinasako, at may nanggagaling rito na isang mabahong amoy tulad ng pinaka mabahong amoy ng isang patay na katawan sa ibabaw ng lupa. Pagkatapos ay aakyat sila at hindi sila dadaan sa anumang grupo ng mga anghel na di  nagsasabi  sa kanila, 'Sino ang masamang kaluluwa na ito?' At sasabihin nila, 'Ito ay Si... na Si... na anak ni... at ni...', tinatawag siya sa pamamagitan ng pinaka masama na mga pangalan na kung saan siya ay kilala sa mundo, hanggang sa maabot nila ang pinakamababang langit. Hihilingin  nila ito na pagbuksan sa kanila subalit ay  hindi ito bubuksan. "Pagkatapos ay itatala ng Allah ang kanyang lugar sa pinakamalalim na kalaliman ng impiyerno.





      Sa sandaling ang kaluluwa ay muling nakabalaik  sa katawan nito, ang patay na tao ay binibisita sa kanilang libingan ng dalawang anghel. Sa isang tunay na hadith ni Propeta Muhammad na nagsasabi sa atin na ang mga anghel ay kulay itim at asul at pinangalanan Munkar at Nakeer. Ang mga anghel ay magtatanong ng tatlong katanungan na magtutukoy sa pananampalataya ng isang tao at sa parehong oras ay ilalabas ang kanilang kabaitan o kasamaan. Ito ay isang napakahalagang yugto dahil itinatakda nito ang buong buhay ng isang tao sa Kabilang Buhay. Ang mga anghel ay magtatanong kung sino ang iyong Panginoon, ano ang iyong relihiyon at sino ang iyong Propeta? O tulad sa ilang mga ahadith na sinabi na ang tanong ay 'sino ang taong ito na ipinadala sainyo'? Makikita mo na ang mga tanong na ito ay tungkol sa pananalig ng pananampalataya. Kung ang isang tao ay sumagot, ang aking Panginoon ay ang Allah, ang aking relihiyon ay Islam, ang aking propeta ay si Muhammad ... isang tinig na manggagaling mula sa langit, "Ang aking alipin ay nagsasalita ng katotohanan, kaya maghanda para sa kanya ng isang higaan mula sa Paraiso at bihisan siya ng mula sa Paraiso, at buksan para sa kanya ang isang pintuan sa Paraiso. "Kung ang namatay ay hindi alam ang tamang sagot sa mga tanong,  ay isang tinig ang maririnig  na manggagaling mula sa langit," Maghanda para sa kanya ng isang kama mula sa Impiyerno at bihisan siya ng mula sa Impiyerno, at buksan para sa kanya ang isang pintuan sa Impiyerno. "





Ang pagtatanong ay nagpapatunay kung ano mismo ang naiintindihan ng isang tao mula noong sandali ng kamatayan. Ang kabutihan ay tunay na  gagantimpalaan at ang kasamaan ay parurusahan. At sa gayon ang mananampalataya ay agad na gagantimpalaan ng isang butas  o bintana (magpapakita ng paraiso) na lilitaw sa kanyang libingan. Sa pagbubukas, makikita ng tao ang kadakilaan at mga gantimpala na naghihintay sa kanya sa Paraiso. Ang kanyang mabubuting gawa ay darating sa kanya sa anyo ng isang nakabihis ng maayos, guwapo, napaka bangong tao. Ang libingan ay mapapalawak hanggang sa abot ng mga mata, ito ay malinis at puno ng halaman; mananabik siya sabihin sa kanyang pamilya ang kanyang magandang kapalaran. Ang mananampalataya ay matutulog nang mahimbing sa kanyang libingan. Ang Propeta Muhammad ay nagbanggit sa isang hadith na ang mananampalataya ay sasabihan na tingnan ang kanyang lugar sa Impiyerno at mauunawaan niya na ito ay ipinagpalit para sa isang lugar sa Paraiso. "Kaya't titingnan niya sila pareho. Pagkatapos ang kanyang libingan ay mapapalawak sa kanya sa distansya na pitumpu't siko, at mapupuno ng halaman hanggang sa Araw ng Pagkabuhay Muli ".





Sa kabaligtaran, ang libingan ng mga suwail (tumanggi sa kaisahan ng Allah at masasama ang gawain habang nabubuhay pa) ay mapupuno ng kadiliman. Ang kaparusahan ng hindi mananampalataya ay magsisimula sa kanyang masasamang gawa na mag-aanyo bilang isang napaka pangit na tao at sa pamamagitan nito ay makikita niya ang kapangitan ng Impiyerno.





Ang gantimpala at parusa ay pinakamalakas na panghimok at ang pag-iisip ng pananatili ng di-tiyak na dami ng oras sa kaparusahan bago dumating ang Araw ng Paghuhukom ay isang nakakatakot na bagay.





Sinabi ng Propeta "Kapag ang sinuman sa inyo ay namatay, ipinapakita ang kanyang walang hanggang hantungan tuwing umaga at gabi. Kung siya ay isa sa mga tao ng Paraiso, kung gayon siya ay isa sa mga tao ng Paraiso, at kung siya ay isa sa mga tao ng Impiyerno, kung gayon siya ay isa sa mga tao ng Impiyerno, at sasabihin sa kanya, 'Ito ang iyong hantungan hanggang buhayin ka ng Allah sa Araw ng Pagkabuhay. "





   Ipalagay mo sa sarili mo na naririnig mo ang mga salitang iyon. Ito ang iyong tahanan hanggang sa bubuhayin ka ng Allah sa Araw ng Pagkabuhay Muli. Ito ay isang sandali na maaaring puno ng kagalakan o kawalan ng pag-asa dahil ang oras ay maaaring mahaba o maikli, kung anuman ang loobin ng Allah. Tayo ay binigyan ng babala at ang mga pangyayari sa araw na iyon ay malinaw na itinakda para sa atin. Yaong mga wais ay uunawain ito.





Ang Pamamagitan sa Araw ng Paghuhukom





Kahulugan


Sa pinaikling salita,  "ang pamamagitan" ay nangangahulugang magsisilbing  tagapamagitan para sa sinuman upang makamit nila ang kanilang inaasam, o maiiwas ang kapamahakan sa kanila.





Ang Pamamagitan sa Araw ng Pagbabangong muli ay may dalawang uri:





1.      Ang katanggap-tanggap na Pamamagitan: Ang pamamamagitan na ito na kung saan ay pinatutunayan sa mga kasulatan ng shariah. Ang ilan pang mga detalye ay naitala sa ibaba.





2.     Hindi tinatanggap na Tagapamagitan:  Ang pamamagitan na ito ayun sa mga talata ng Quran at sunnah ay walang bisa, at walang silbi, at ipapaliwanag ito sa ikalawang bahagi .





May dalawang  uri ng tanggap na  Pamamagitan na magaganap sa Kabilang buhay:





A. Pamamagitang nakalaan lamang sa Propeta 


   Ang unang uri ay ang eksklusibong pamamagitan na ipapahintulot lamang kay                    Propeta Muhammad at walang sinumang pagkakalooban nito. Ito ay may ibat-                    ibang uri. 





1.     Ang pinakadakilang Pamamagitan na kilala ding  maqam-mahmood o ang 'lugar ng Papuri at kaluwalhatian,'  Ang mga nauna at mga nakaraang pamayanan ay makikiusap  sa Propeta na mamagitan sa kanila sa kanilang Panginoon upang sa ganoon ay matakasan  nila ang kakila-kilabot na kaganapan sa araw ng paghuhukom. Ito ang 'lugar ng papuri at pagluwalhati'  na siyang ipingako sa kanya ng Allah sa Quran:





“At mula sa ilang bahagi ng gabi (ganun din ) ikaw ay mag-alay ng panalangin  kasama nito {halimbawa ang  pagbigkas ng Quran sa panalangin} bilang iyong karagdagang pagsamba (O Muhammad).  At mangyaring baka ikaw ay itaas  ng iyong Panginoon sa  maqam-mahmood.” (Quran 17:79)





Si  Propeta  Muhammad ay mamamagitan sa lahat ng sangkatauhan upang ang pagtutuos ay makapag-umpisa. Sa isang salaysay isinasaad na ang sangkatauhan ay balisa at nababahala at darating sa punto na hindi na nila makakayanan ang tagal ng paghihintay at sila'y magsasabi,  "Sino ang mamamagitan sa amin sa aming Panginoon upang Siya (Allah ) ay makapagsagawa ng paghuhukom  sa Kanyang mga alipin?"  Kayat ang mga tao ay lalapit sa mga Propeta  at bawat isa sa kanila ay magsasabi,  "Hindi ako  angkop sa ganitong posisyon (pamamagitan) hanggang sila'y lalapit sa ating Propeta (Muhammad) at magsasabi siyang "kaya ko itong gawin. "Kayat siya'y mamamagitan sa kanila upang ang paghuhukom ay mangyari na.





Ang Pamamagitan na ito ay para lamang kay Propeta Muhammad.





Marami pang ibang ulat kaugnay sa pamamagitan na ito: "Ang mga tao'y maninikluhod sa araw ng pagbabangong muli, bawat pamayanan ay susunod sa kanilang Propeta na nagsasabing, O ganito o ganyan, mamagitan kayo! hanggang ang pamamagitan ay ipahintulot kay Propeta muhammad (sumakanya ang habag at pagpapala ng Allah). Sa araw na yaon ay ibabangon siya ng Allah sa katayuan ng pagsamba at kaluwalhatian.”[1]





2.    Ang pamamagitan ng Propeta Muhammad na ibibigay ay sa  mga  mananampalataya na ipahintulot sa kanila  na makapasok sa  Paraiso.





Ang Sugo ng Allah ay nagsabi: Ako ay pupunta sa pintuan ng Paraiso sa araw ng paghuhukom at aking hihilingin na ito ay buksan.  At ang anghel na tagabantay ay magsasabi:  "Sino ka ?' at sasabihin ko 'Muhammad.'  At sasabihin ng tagabantay, ako ay napag-utusan na huwag itong bubuksan sa sinuman bago  sayo. [2]





Ayon sa ibang ulat na isinalaysay ayon kay Muslim, "Ako (Muhammad) ang pinakaunang mamamagitan patungkol sa Paraiso."





3.     Ang pamamagitan ni propeta Muhammad sa kanyang Tiyuhin na si Abu Talib, upang ang pagdurusa sa apoy ay mabawasan para sa kanya. Ito ay mangyayari lamang sa sitwasyon ni Propeta Muhammad at ng kanyang Tiyuhin na si Abu Talib.





Minsan, si Abu Talib ay pinangalanan sa presensya ng sugo ni Allah. Siya ay nagsabi, marahil ang aking pamamagitan ay kanyang mapapakinabangan  sa araw ng Pagbabangong Muli. At siya ay ilalagay sa isang maliit na bahagi ng apoy na ito'y aabot sa kanyang paanan at magpapakulo ng  kanyang utak.”[3]





4.    Ang pamamagitan na ang ilan sa kanyang Ummah ay papasok sa paraiso na hindi magdadaan sa pagsusulit.





Ang uri ng pamamagitan na ito ay binabanggit ng ilang pantas, na nagwika bilang ibedensya sa mahabang hadith na nagsasalaysay:





At ito ay sasabihin:  'O Muhammad,  itaas mo ang iyong ulo, humingi,  at itoy mapapasayo, mamagitan at ang iyong pamamagitan ay tatanggapin sayo. ' At aking itatas ang aking ulo at ako'y magsasabi "aking pamayanan, Panginoon; aking pamayanan, Panginoon; aking pamayanan, Panginoon; at sasabihin ng Allah tanggapin sila na nasasakop ng iyong ummah na hindi dadaan sa pagsusulit doon sa kanang bahagi ng pintuan ng Paraiso. Silay papasok sa ibang  pintuan kasama ng mga taong mula sa ibang nasyon.’”[4]





B. Pangkalahatang Pamamagitan


 Ang isang uri ng pamamagitan  para sa kanila na mga nagkasala ay ipapahintulot  kay Propeta Muhammad at sa ibang Propeta,  ganun din sa mga anghel,  sa mga mapag-tiis, mga pantas, at mga matutuwid na tao. Kahit na ang kabutihang ginawa ng isang tao ay maaring tumayo bilang tagapamagitan para sa kanya, ngunit ang Propeta Muhammad ang siyang may pinakamalaking bahagi  sa pamamagitan.





Ito ay may iba-ibang uri:





1.     Pamamagitan para sa mga naniniwala, na nakagawa ng malalaking kasalanan, na hahanguin mula sa impyerno.





Ang Mensahero ng Allah ay nagsabi: " Ang aking pamamagitan ay para sa aking Ummah na nakagawa ng malalaking kasalanan.”[5]





“Sa kanya na may tangan ng aking kaluluwa,  walang sinuman sa inyo ang makakapag pumilit na humiling kay Allah  na baguhin niya ang kanyang karapatan laban sa kanyang mga kaaway  maliban sa mga mananampalataya  na hihiling sa Allah sa araw ng pagbabangong muli (na pahintulutan Niya sila ng kapangyarihan ng pamamagitan) para sa kanilang mga kapatid  na nasa apoy. Sila ay magsasabi, 'O aming Panginoon, sila ay nag-aayuno na kasama namin, at silay nagsasagawa ng pagdarasal at  nagsagawa ng hajj. 'At sasabihin sa kanila: 'Iahon niyo ang mga nakikilala niyo mula sa kanila, dahil ang apoy ay pinagbawalang sila'y tupukin. 'Kayat sila ay maghahango ng maraming tao.... at ang Allah ay magsasabi:  Ang mga Anghel ay namagitan, ang mga Propeta ay namagitan, at ang mga may paniniwala ay namagitan. At wala ng pamamagitan na naiiwan iligtas yaong mga napapabilang sa Pinaka-Mahabagin.' At Siya ay dadakot ng mga nananahan sa Impyerno na walang nagawang kabutihan '”[6]





2.     Pamamagitan para sa mga taong nararapat  sa Impyerno, na huwag silang makapasok dito.





Ang propeta ay nagsabi: Pag ang isang Muslim ay binawian ng Buhay at  ang apatnapung kalalakihan na hindi nagtambal ng anuman sa Allah, ay nagsagawa ng pagdarasal para sa kanya, tatangapin ng Allah ang kanilang pamamagitan para sa kanya.”[7]





Ang pamamagitan na ito ay mangyayari bago ang namatay ay papasok sa  Impyerno dahil tatanggapin ng Allah ang kanilang pamamagitan.





3.     Pamamagitan para sa mga may paniniwala na nararapat sa Paraiso dahil ang kanilang istado ay nararapat na iangat sa Paraiso. Gaya halimbawa, ang Propeta ay  nanalangin para kay Abu Salamah:  "O Allah  patawarin mo si Abu Salamah  at itaas  mo ang kanyang kalagayan kasama ng mga napatnubayan, at pangalagaan mo ang kanyang pamilya na kanyang naiwan. Patawarin mo kami at siya , O Panginoon ng mga Mundo, gawin mong maluwag ang  libingan para sa kanya at maging maliwanag para sa kanya.”[8] 





Mga Kundisyon ng Pamamagitan


  Isa sa mga pinaka importanteng bagay na dapat maintindihan ay ang Allah at ang Allah lamang "ang nagmamayari" ng pamamagitan. Walang sinumang tao ang nagmamay- ari ng pamamagitan.





Ang pamamagitan sa kabilang buhay ay mangyayari lamang kung ang mga sumusunod na kundisyon ay mapupunan:





 1. Dapat ay pinahintulutan ng Allah ang isang tao na kung saan nangangailangan ng pamamagitan.


“…at silay hindi makakapamagitan maliban sa kanya na kinalugdan ng Allah” (Quran 21:28)





Sinuman na siyang naghahangad  ng pamamagitan ay nararapat na naniniwala sa  Tawheed  dahil ang Allah ay hindi nalulugod sa mga  mushrikoon (mga mapagtambal).  . 





At nabanggit , ‘O Sugo ng Allah, sino ang pinaka pinagpalang tao na pagkakalooban mo ng pamamagitan sa  araw ng pagbabangong muli? ang Sugo ng Allah ay nagsabi :





“O Abu Hurayrah, akala ko wala ng magtatanong sa akin kaugnay sa hadith na ito bago sa iyo, dahil nakita ko kung gaano ka kasigasig para matuto ng  hadith.  Ang mga tao na pagpapalain ng aking pamamagitan sa Araw ng Muling Pagkabuhay ay sila na mga nagsasabi ng  La ilaha illa Allah ng buong sinsiridad sa kanilang puso.’”





2.  Ang Allah dapat ang magbibigay ng pahintulot sa pamamagitan.


“Sino siya na makakapagbigay ng pamamagitan maliban na kanyang pahitulutan?” (Quran 2:255)





3.  Ang Allah ang dapat magpahintulot ng  pamamagitan.


“…kaninong pamamagitan ang mangyayari, wala malibang pagkalooban ng pahintulot  ng Allah ayon sa kanyang nais  at mga kinalulugdan niya” (Quran 53:26)





Hindi tatanggaping Pamamagitan


Ang hindi tatanggaping pamamagitan  ay yaong hindi nakatupad sa mga kundisyon na kinakailangan para sa kapahintulutan ng Allah o kayay nalugod Siya( doon sa namamagitan  o doon sa nangangailangan ng pamamagitan), gaya ng pamamagitan ng mga sumasamba ng iba maliban kay Allah na naniniwala na ang kanilang diyos  ay magagawang mamagitan sa kanila. marami sa kanila ay sumasamba lamang sa kanilang diyos dahil naniniwala silang makakapamagitan ito sa kanila mula kay Allah, at sila ay mga taong tagapagitan lamang sa pagitan nila at ng Allah . Si  Allah ay nagsabi: 





“ Katiyakan, ang relihiyon ay kay Allah lamang. At sila na nagkakaroon ng  mga protektor  maliban sa kanya (ay magsasabi) Sinasamba lang namin sila para ilapit kami  kay Allah.' Katotohanan, ang Allah ay huhusgahan sila sa kung ano ang mga bagay  na kanilang pinag didibatihan. Katotohanan, si Allah ay hindi namamatnubay sa  kanya na sinungaling, at isang walang paniniwala " (Quran 39:3) 





 Sinabi sa atin ng Allah na ang pamamagitan na ito ay  walang kabuluhan  at walang             kapakinabangan: 





“kayat walang pamamagitan o tagapamagitan  ang magkakaroon ng pakinabang sa kanila” (Quran 74:48) 





“At katakutan ang araw  (paghuhukom) kung saan ay walang taong  makikinabang sa kapwa niya o kaya ay may tatanggaping pamamagitan galing sa kanya o kaya ay kabayarang  mula sa kanya o kaya ay makakatulong sa kanila.” (Quran 2:48)





“O kayong mga naniniwala ! Gugulin niyo ang anumang ibinigay namin sa inyo,  bago dumating ang araw na  kung saan wala ng kasunduan, o kaya'y pagkakaibigan, o kayay pamamagitan. At sila na mga walang paniniwala  ang siyang mga gumagawa ng kamalian.” (Quran 2:254)





Kaya naman, si Allah ay hindi tinanggap ang pamamagitan ng kanyang  Khaleel[1] Na  si Ibrahim sa kanyang amang si  Azar na isang pagano.  Ang propeta ay nagsabi::





“Makakatagpo ni Ibrahim ang kanyang ama sa araw ng pagbabangong muli, at ang mukha ni  Azar ay magiging itim at punong puno ng alikabok. At sasabihin ni Ibrahim sa Kanya, di bat sinabi ko sayo na wag mo akong susuwayin? at ang kanya ama ay magsasabi,' 'Ngayon ay di na kita susuwayin" at magsasabi si Ibrahim,  O Panginoon ko! ipinangako mo na hindi mo ako bibiguin sa araw ng paghuhukom; at anu pa kaya ang mas hihigit na kabiguan sa akin na makitang isinumpa at winalang karangalan ang aking ama? at sasabihin ng Allah, ipinagkait ko ang paraiso sa mga walang paniniwala  at sasabihin sa kanya ng Allah"  O ibrahim, ano ang nasa ilalim ng iyong mga paa? Siya ay titingin  at makikita niya ang dhabh ( isang hayop)  na puno ng dugo at huhulihin sa kanyang mga paa at  itatapon sa impyerno.”[2]





Kaalaman sa Pamamagitan


Ang punto ng pamamagitan ay upang bigyan ng karangalan ang taong namamagitan.   Ito ang paraan ng Allah upang bigyang  karangalan ang  isang tao na tumayo sa harapan ng kanyang mga nilikha. Yun ang dahilan kung bakit ang Propeta Muhammad at ang mga ibang mga Propeta  ay papayagang mamagitan gaya ng ipinaliwanag sa itaas.





At karagdagan, ang pamamagitan ay hindi gagawin upang ang tao ay maging kampante sa kanyang mga nagawang  kasalananan.   Ang isang tao ay di dapat magisip at umasa sa pamamagitan at gagawa ng mga kasalanan na kanyang naisin! dahil hindi siya nakasisiguro na ang Allah ay magbibigay pahintulot sa sinuman na mamagitan sa kanya. At karagdagan pa ,ang kanyang kasalanan  ay maaring magdala sa kanya sa  kawalan ng paniniwala  na kung saan walang pamamagitan ang magiging kapakipakinabang sa kanya. At panghuli maaring siya ay tumanggap na  ng kaparusahan bago pa may mamagitan sa kanya  at mapakawalan. 



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG