Ang Paniniwala sa Araw ng Paghuhukom (na kilala rin bilang Araw ng Pagkabuhay at Huling Araw at sa Arabik na Yom al-Qiyyamah) ay isa sa anim na haligi ng pananampalatayang Islamiko. Nangangahulugan na ito ay isang konsepto na kinakailangan ng isang Muslim na paniwalaan at maintindihan. Tunay na ang mga Muslim ay naniniwala na magkakaroon ng araw kung kailan ang sanlibutan ay wawasakin at gigibain at ang mga patay ay bubuhaying muli upang humarap sa Allah, ang Allah (ang Makapangyarihan ) ay hahatulan niya sila base at ayon sa kanilang mga ginawa. Ang tunay na dapat na maging layunin ay maging katanggap-tanggap sa walang hangang buhay (ang paraiso).
At yaong mga naniniwala at gumagawa ng matuwid (mabuti), sila yaong maninirahan sa Paraiso, at silay mananatili roon ng walang hangan. (Quran 2:82)
Marami sa mga tao ang naghihintay at inaasahan ang napakahalagang Araw na ito na may pinaghalong takot at pag-asa. Ang iba ay naniniwala na ito ay malayong mangyari kaya naman wala lang sa kanila ito at ang iba naman ay naghahanap ng mga palatandaan ng pagdating ng Araw na ito. Ang Banal na Qur'an Surah 21 ay ipinagbigay alam na marami ang hindi ito inaalala at wala silang pakialam hangat sa ito'y magsimula na, “Ang (Oras ng) pagtutuos ay papalapit na para sa sangkatuhan habang sila ay nagsisilayo at nagpapabaya.” (Quran 21:1)
Napakarami ng mga aklat at mga artikulo ang naisulat at mga video na nagawa patungkol sa mga palatandaan ng Araw ng Paghuhukom ngunit ito'y sa punto kung saan walang kasiguraduhan kung saan ba ang paniniwalaan at kung saan ba ang hindi. Ang layunin ng mga ito at ang mga sumusunod na aralin ay upang talakayin ang mga palatandaan ng Araw ng Paghuhukom sa isang impormal at madaling maunawaan na paraan. Dalawang mahalagang punto na dapat tandaan kapag nagbabasa o nagsisiyasat tungkol sa Araw ng Paghuhukom ito ay ang mga sumusunod. Una, ang kaalaman sa mga palatandaan, ang mga pagsubok at mga kapighatian na kaugnay sa Araw ng Paghuhukom ay dapat na nagmula sa Quran at tunay na Sunnah ng Propeta Muhammad. At pangalawa, walang may alam kung kailan ang paggunaw ng mundo[1] kailan mangyayari. “Katotohanan (taging) ang Allah lamang ang nakakaalam sa natakdang Oras…” (Quran 31:34) Taging ang mga palatandaan lamang ang kayang makita ng mga tao.
Ang Propeta (SAW) ay nagsabi, “Darating ang Araw ng Paghuhukom na kung saan ang mga pinuno ang siyang mapang-api, kapag ang tao ay maniniwala sa mga bituin at kanilang tatangihan ang al-Qadr (Ang Banal na Pasya o Tadhana)[2], kapag ang tiwala'y ginawang pinag-kakakitaan, kapag ang mga tao'y nagbibigay Sadaqah (kawanggawa) ng may pag-aatubili, kapag ang pangangalunya ay naging laganap - sa puntong ito kayo ay malilipol.“
Ang mga Maliliit na Palatandaan
Ang mga maliliit na palatandaan ng Araw ng Paghuhukom ay ang mga palatandaan na maaaring mangyari ng matagal bago ang aktuwal na Araw. Ang mga ito ay nangyayari sa araw-araw na pangyayari sa mundong ito, at sila ang marami at kadalasang nangyayari ng hindi napapansin, kahit na paulit-ulit na nagaganap. Nagpahayag ang ilang sa mga komentarista na may mahigit isang daan na Maliliit na mga palatandaan ang Araw ng Paghuhukom . Ang pag-alaala sa mga maliliit na palatandaan ng Araw ng Paghuhukom ay dapat magsilbi upang ipaalala sa mga mananampalataya na ang Allah ang siyang may kaalaman sa lahat ng nangyayari o mangyayari sa hinaharap. Ang kaalaman ng Allah ay malawak at higit na mataas at alam Niya ang lahat ng ating ginagawa, nakikita o iniisip. Itatala natin ang mangilan-ngilan sa mga mas kilalang maliliit na palatandaan at hihilingin namin sa iyo na ito'y isaalang-alang kung ang mga palatandaang ito ay nangyayari sa paligid mo o nangyari sa nakaraan.
· Ang panahon ay bibilis sa paglipas nito, ang paggawa ng mabuti ay kokonti (iilan na lamang ang gagawa nito), ang paggawa ng kasalan ay mangingibabaw (sa mga puso ng mga tao), ang mga paghihirap ay lilitaw at magkakaroon ng maraming 'Al-Harj. "Sinabi nila," O Apostol ng Allahl! Ano ang "Al-Harj?" Sinabi niya, "Pagpatay! Pagpatay! "
· Ang karaniwang mukha ng pag-gawa ng masama, ay nagdudulot ng masamang gawain, ang pagputol ng mga ugnayan at ang pagtitiwala sa mga mandaraya.
· Ang pagkawala ng kaalaman at ang pangingibabaw ng kamangmangan.
· Ang kayamanan ay magiging masagana't darami; kaya naman mag-aalala ang tao na baka wala ng tatanggap sa kanyang zakah, na kanyang pagbibigyan nito, na ang taong iyon (ang bibigyan ng Zakah) ay magsasabi, ‘Hindi ako nangangailangan nito.’
· Ang mga tao'y mag-uunahan sa pag-gawa ng matataas na mga gusali.
· Na ang tao'y daraan sa libingan , at magsasabi ; "sana'y ako nalang ang nasa lugar niya’.
· Ang pagsasagupaan ng mga Muslim at ito'y magbubunga ng malaking patayan sa pagitan ng bawat isa at mag-aangkin ng pareho.
· Ang mga tao ay magtatatag ng mga relasyon sa mga estranghero (dahuyan sa kanila) at hindi magandang relasyon sa kanilang mga malapit at mahal sa buhay.
· Ang pagdami ng mga paglindol.
· Ang mga kapakipakinabang ay ibabahagi lamang sa mga mayayaman, at wala para sa mahihirap.
· At ang tiwala ay gagawing pagkakakitaan.
· Ang pagbibigay ng Zakah ay magiging pabigat.
· Ang pagsunod ng mga kalalakihan sa kanilang mga asawa at pagsuway sa kanilang mga magulang; at tatratuhin ang mga kaibigan ng mabuti samantalang lalayuan ang kanyang mga magulang.
· Ang mga boses ay mag-sisitaasan sa mga Masjid.
· Ang pinuno ang siyang pinaka suwail sa mga tao.
· Ang mga tao ay magbibigay respeto sa isang tao dahilan sa takot nila sa kanya na baka may gawin siyang masama.
· Ang malawakang paggamit ng alkohol at mga nakakalasing.
· Ang mga babaeng mang-aawit at mga instrumentong pang-musika ay magiging popular.[3]
Kapag tinitingnan natin ang kalagayan ng mundo ngayon madali nating mai-uugnay ang mga menor na palatandaan sa kasalukuyan at nakalipas na estado ng mga pangyayari sa daigdig. Ang paggamit ng alak at pangangalunya ay madaling maisip at hindi nangangailangan ng paliwanag o labis na pag-iisip. Ang ilang mga palatandaan gayunpaman ay pupukaw sa kuryusidad at pagmumuni-muni tulad ng kumpetisyon upang magtayo ng matataas na mga gusali. Hinihikayat kang magsaliksik nang higit pa upang mapalawak ang listahan at maunawaan ang mga palatandaan nang lubusan.
Sa susunod na aralin ay titingnan natin ang mga pangunahing Malalaking tanda ng Araw ng Paghuhukom. Ang mga ito ay mga palatandaan na magaganap kapag ang Araw na iyon ay halos nasa sa atin na at para bang ang lahat ay hindi pangkaraniwan at kamangha-mangha ang pagmumulan .
Ang Malalaking Tanda ng Araw ng Paghuhukom ay ang mga pangyayari na mangyayari na panandalian bago magsimula ang Araw na iyon (Araw ng Paghuhukom). Ang mga ito ay hindi pangkaraniwan at napakamahimala na mga pangyayari at hindi nagaganap nang paulit-ulit . Ang mga kaganapang ito ay ang pasimula sa aktuwal na pag-ihip sa trumpeta kapag ang buhay na alam natin ay tuluyan ng mawawala.
Ang paglitaw ng Mahdi
Isang tao mula sa mga inapo ng Propeta Muhammad ang lilitaw at ang relihiyon ng Allah ay mananaig. Ang Mahdi ay mamamahala sa lupa (o sa Mundo) at mapupuno ito ng katarungan, Ang paggawa ng mali at pang-aapi ay tuluyan ng mawawala. At nabanggit sa isang tunay na hadith na ang pangalan ng Mahdi ay magiging tulad ng pangalan ni Propeta Muhammad at ang pangalan ng kanyang ama ay magiging tulad ng pangalan ng ama ng Propeta. Siya ay magiging isang inapo ni Fatimah, ang anak na babae ni Propeta Muhammad (SAW) at siya'y lalabas sa Silangan.
Ang Dajjaal (Ang Antikristo)
Siya'y isang lalaki na mula sa angkan ni Adam. Ang kanyang mga katangian ay binanggit sa tunay na ahadith; Siya ay may mamula- mulang kutis at kulot na buhok, at mayroong isang mata, na ang kanyang kanang mata ay parang isang nakalitaw na ubas. Sa pagitan ng kanyang mga mata ay may nakasulat na mga titik na "kaaf-fa-ra" (sa hindi magkakatabing mga titik) o "kaafir" (hindi naniniwala), na kung saan ang bawat Muslim, edukado o hindi maalam, ay makakabasa. Siya rin ang magiging huli sa kanyang angkan, baog walang mga anak.
Ang fitnah (Pagsubok, kapighatian) ng Dajjal ang pinakamalaking Fitnah sa lahat dahil sa kapangyarihan na ibibigay o ipapahintulot sa kanya ng Allah. Gagawa siya ng malalaking mga himala na nakakamangha at nakalilito. Magkakaroon siya ng isang paraiso at impiyerno, ngunit ang kanyang paraiso ay sa katunayan ay isang impiyerno, at ang impyerno ay paraiso. Magkakaroon siya ng mga ilog ng tubig at mga bundok ng tinapay. Uutusan niya ang kalangitan upang umulan, at ito ay uulan, at kaniyang uutosan ang kalupaan na ilabas ang kung anong meron dito, at ito ay maglalabas ng kung anong meron ito.
Ang pagkawasak (katapusan) ni Dajjaal ay darating sa mga kamay ni Isa ibn Maryam (Jesus), “Ang Dajjaal ay magmumula sa aking umma (nasyon) ... at si Allah ay kanyang ipapadala si Isa ibn Maryam ... at hahabulin siya (si Dajjal) at pupuksain .”[1]
Ang pinagmulan ni Isa ibn Maryam (si Jesus, anak ni Maria)
Pagkatapos na lumitaw ni Dajjaal at magdulot ng fitnah sa buong kalupaan, si Allah ay magpapadala kay Isa ibn Maryam, na bababa sa lupa sa puting minarete sa Silangan ng Damascus, Syria, na nakapatong ang kanyang mga kamay sa mga pakpak ng dalawang anghel. Siya ay bababa sa panahon kung kailan itatawag ang iqamah para sa pagdarasal, at siya ay magdarasal sa likod ng pinuno ng grupong iyon. Ang komentarista ng Koran na Si Ibn Kathir ay kaniyang nilikom ang ilang hadith tungkol sa pagbaba ni Isa ibn Maryam nang sabihin niyang "si Isa ibn Maryam ay bababa bago ang kaganapan ng Araw ng Paghuhukom bilang isang makatarungang pinuno at patas na pinuno”.
Ang Yajooj at Majooj (Gog and Magog)
Ang Yajooj at Majooj ay mga tao, na nagmula kay Adam at Hawa (Eva). Ayon sa mga paglalarawan sa sunnah ay sila'y lalabas sa lahi ng Turkic-Mongol, na may maliliit na mga mata , pangong pag-iilong at malapad na pagmumukha. Ang kanilang paglitaw sa katapusan ng panahon ay isa sa mga palatandaan ng Oras , “Hangang sa, kapag ang Yajooj at Majooj ay nakawala (mula sa kanilang kinaroronan), at mabilis silang kukuyog sa bawat tambak (mound) At ang tunay na pinangako (Araw ng Pagkabuhay na muli) ay nalalapit na (magaganap na)…” (Quran 21: 96 & 97)
Ang paglamon ng lupa
Ang ibig sabihin nito na ang isang ay lugar lalamunin ng Lupa at ito'y maglalaho, tulad sa nabanggit sa banal na Quran, "Kaya Aming pinangyaring siya at ang kanyang pamamahay ay lulunin ng lupa,…” (Quran 28:81) Tatlo sa mga kaganapang ito ang mangyayari.
Nabanggit na tatlong malalaking pag guho ng lupa o lindol (tsunami) ang mangyayari, isa sa Silangan, isa sa Kanluran at isa sa Peninsula ng Arabia.
Ang Usok
Isa pang malaking pangunahing palatandaan ng Oras (Araw ng paghuhukom) ay ang paglitaw ng "Usok". “Kaya ikaw ay maghintay [O Muhammad sa mga hindi naniniwala] sa araw na ang kalangitan ay magpadala ng makapal na usok. Ito ay lalaganap o babalot sa buong sangkatauhan: ito ay isang masakit na parusa .” (Quran 44:10 & 11)
Ang usok ay makakaapekto sa parehong mga mananampalataya at mga hindi mananampalataya. Ang mga mananampalataya ay maaapektuhan gaya ng paghihirap mula sipon habang ang mga di-mananampalataya ay mabibigyan ng mawawalan ng malay.
Ang Pagsikat ng Araw sa Kanluran
“Ang Takdang Araw (ang Paggunaw ng Mundo) ay hindi magsisimula hanga't ang araw ay hindi sumisikat sa kanluran, Kapag ito'y sumikat na at ang mga tao'y kanilang makikita, lahat sila'y maniniwala, ngunit yan ay mangyayari kung saan ang paniniwala nila ay wala ng saysay ( di na tatanggapin), kung di siya naniniwala dati, at nag ipon ng marami (mga nagawang kabutihan) dahil sa kanyang paniniwala (relihiyon)2]
Ang pagsikat ng araw sa kanluran ay gagawa ng matinding suliranin sa Lupa. Ito'y lilitaw na kasalungat sa likas ng Mundo at ito ay nagpapakita at nagpapatunay sa dakilang kapangyarihan ng Allah. At sa mga Oras na iyon ang pinto ng pagbabalik loob ay nakasara na. Ang paniniwala at pagsisisi bago paman ang kababalaghang pangyayaring ito ay napakahalaga.
Ang paglitaw ng Halimaw sa Lupa
“May tatlong bagay kung saan, kapag ito'y nangyari na, hindi na makakabuti ang kanyang paniniwala, kung siya'y hindi naniniwala dati, nag ipon ng marami (sa paggawa niya ng mabubuting gawain) dahil sa kanyang paniniwala: Ang pagsikat ng Araw sa Kanluran, ang Dajjaal, at ang halimaw sa kalupaan.”[3]
Maraming mga opinyon tungkol sa kung saan darating ang halimaw at anong hitsura nito. Gayunpaman ang lahat ay sumasang-ayon na ang hayop na ito ay isang malaking nilalang na lilitaw mula sa Lupa, hindi tao. kanyang makilala ang mga tao at kanyang ipapahayag kung sino ang isang mananampalataya at sino ang isang di-mananampalataya.
Ang Apoy na magtitipon sa mga Tao para magsama-sama
Ang huling palatandaan sa ating talakayan ay ang malaking apoy na lilitaw mula sa direksyon ng Yemen. Ito ay isang napakalaking Apoy na maghahatid sa mga tao sa lugar ng pagtitipon. Ang trumpeta ay hihipan at ang dakilang Araw (Araw ng Paghuhukom) kung saan ay walang makakatakas ay magsisimula na.
Mga Kaganapan sa Araw ng Paghuhukom
Bago natin masuri ang mga pangyayari na sinabi ng Allah na mangyayari sa Araw ng Paghuhukom ay dapat nating itanong sa ating sarili kung kailan ang Araw na iyon. At hindi tayo ang unang henerasyon na nagtanong sa katanungan na iyon. Si Propeta Muhammad ay maraming beses na tinanong ng maraming tao kung kailan darating ang Araw na ito. Ang kasagutan ngayon, kahit na nakagawa tayo ng mga kahanga-hangang pag-unlad sa lahat ng sangay ng kaalaman, lalo na sa teknolohiya at agham, ay ganoon pa rin. Ang Allah lamang ang nakakaalam kung kailan ang oras ng pagsisimula ng Araw ng Paghuhukom mangyayari. Nang ang anghel Gabriel ay dumating sa Propeta naka balat-kayo na isang na tao na may matiwasay na pananamit, isa sa mga tanong na kanyang tinanong ay tungkol sa Oras. Sinabi ni Propeta Muhammad na, "Ang tinanong ay walang mas higit na kaalaman kaysa sa nagtanong."
“Ang mga tao ay nagtatanong sa iyo patungkol sa Oras, Sabihin ang kaalaman tungkol dito ay sa Allah lamang, at paano mo mababatid, maaaring ang Oras ay malapit na.” (Quran 33:63)
“Katotohanang darating ang Oras at ang Aking Kagustuhan ay itago ito...” (Quran 20:15)
Ang Allah ay itinatago ang petsa ng Araw ng Paghuhukom mula sa atin. Ang talatang ito lamang ay ipinapahiwatig sa atin na ito ay katulad ng isang napakalaking okasyon ng mga katakut-takot na pangyayari. Kahit na hindi natin alam kung kailan ang Araw ng Paghuhukom, ang Allah at ang Kanyang Sugo na si Muhammad (ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya) ay inilarawan nang detalyado kung ano ang mangyayari sa Araw na iyon. Mula rito at sa mga susunod na dalawang aralin ay ilalarawan natin ang mga kaganapan ng Araw ng Paghuhukom tulad ng inilarawan sa atin sa Quran at ng tunay na ahadith.
Pag-ihip ng Trumpeta.
Ang Araw ng Paghuhukom ay biglang darating sa sangkatauhan. Hindi mahalaga kung gaano kahusay ang kaalaman o interesado ang isang tao sa mga palatandaan na mauuna sa kanya, ang pagsisimula nito ay darating ng biglaan. Ang trumpeta ay hihipan at ang mga tao ay makakarinig ng isang tunog na nakakasindak na ang mga bundok at ang lupa mismo ay guguho at magiging alabok.
“At kapag hinipan na ng anghel ang trumpeta ng isang ihip, at aalisin ang kalupaan at ang kabundukan mula sa kinaroroonan nito, at wawasakin at yayanigin ito ng isang pagyanig na napakatindi. At sa mga oras na yaon ay mangyayari ang pagkagunaw ng daigdig” (Quran 69:13-15)
Sinasabi ng Allah na ito ay magiging isang sigaw, isang matagal na patuloy na tunog na hindi titigil hangga't ang lahat ay masawi (Qur'an 38:15). Pagkatapos ay susundan ito ng pangalawang pag-ihip ng trumpeta. Dito, sinasabi sa atin ng Allah na ang lahat ng nabuhay ay matatagpuang, nakatayo, nakatitig, at gulat sa mga pangyayari.
“At ang trumpeta ay hihipan, at ang sinumang nasa kalangitan at ang sinumang nasa ibabaw ng lupa ay masasawi maliban sa kung sino ang naisin ng Allah. magkagayo'y hihipan muli, at kaagad sila'y nakatayo, nakatingin!” (Quran 39:68)
Ang Pagtayo
Ang trumpeta ay hinipan, ang lupa ay natiklop na parang isang kalatas at ang mga patay ay bumangon. Ang mga buto at mga bahagi ng katawan ay pagdudugtungin, ang mga utak ay magsisimulang gumana. Tunay na ang mga tao ay ibinalik sa Allah. Ang lahat ng mga tao ay patay na, ang mga namatay bago ang pag-ihip ng trumpeta at yaong mga namatay sa matitinding kaganapan ng pinantay ang lupa na patag. Nagsimula na ang Araw ng Paghuhukom. Ang mga tao ay nakatayo ng pangkat-pangkat, nakatingin sa harapan.
“Lahat ng kaluluwa ay makakalasap ng kamatayan, matapos ay sa amin ang inyong pagbabalik” (Quran 29:57) Katunayan
“ Iniisip ba ng tao na hindi Namin kayang ipuning muli ang kanyang buto(pagkatapos magkadurug-durog nito at kumalat?) Bagkus! Katotohanan kaya naming buuin kahit dulo ng mga daliri niya” (Quran 75:3-4)
Sa sandaling ang unang sindak ng pagkabuhay muli ay nagsisimulang humupa na, ang katotohanan sa kalagayan na iyon ay nagsisimulang matanggap. Ang takip ng pisikal na mundo ay inalis. Ang mga gawaing nagawa natin ay itinakda para ating makita. "Kaya ang sinumang gumagawa ng na katiting na kabutihan ay makikita ito. At ang sinumang gumagawa ng katiting na kasamaan ay makikita ito. "(Qur'an 99: 7, 8) Isa mula sa mga pangako ng Allah ay natupad. Ang ilang mga tao ay masaya sa kanilang kalagayan at ang iba ay nagsisimulang manginig sa takot.
Ang mga gawa ng isang tao ang tutukoy kung gaano katagal ang pagtayo niya ngunit ang lahat ng taong naghihintay ay nakayapak, hubad, at hindi tuli. Sinasabi sa atin ng Ahadith na ang pagkatayo sa takot at sindak ay maaaring maging hanggang 50,000 na taon [1] ngunit para sa isang mabuting tao maaaring itong katulad ng oras na kinakailangan upang magdasal ng dalawang rakah ng pagdarasal. Ang mga taong naghihintay ay matatakot, ang kanilang mga puso'y tumitibok na parang dram sa kanilang mga dibdib at mga tainga. Sila ay magtatakbuhan na parang mga lasing at wala silang sinumang iisipin kundi ang kanilang mga sarili. Ang mga magulang, asawa at mga anak ay kakalimutan. Nababalot sa takot magsisimula silang tanungin ang kanilang sitwasyon.
“Sasabihin Niya: 'O Panginoon ko! Bakit mo ako binuhay na bulag, Samantalang ako ay may paningin (dati)? '[Ang Allah] ay sasabihin,' Ganito ito: Ang aming mga tanda ay dumating sa iyo, ngunit iyong binabalewala sila, at sa gayon ikaw ay malilimutan sa Araw na ito. '” (Quran 20:125)
Ipinaalam sa atin ni Propeta Muhammad na sa Araw ng Paghuhukom ay ilalagay ang araw na malapit sa sangkatauhan. Ang araw ay magiging isang milya lamang ang layo at ang mga tao ay pagpapawisan ayon sa antas ng kanilang mga gawa. [2] Para sa ilan, hindi na kailangan matakot, sila ay pasisilungin ng Allah. Ang pitong uri ng mga tao na pasisilungin sa Araw na walang lilim. Ang mga ito ay, isang makatarungang pinuno, isang tao na ang puso ay malapit sa moske, isang tao na pinalaki sa pagsamba sa Allah, dalawang taong nagmamahalan sa isa't isa para lamang sa Allah, isang tao na kapag inaalala ang Allah ay umiiyak, isang tao na nagbibigay ng kawang-gawa sa kapwa ng lihim at isang tao na tinukso upang gumawa ng kasalanan sa kasalungat na kasarian ngunit napigilan at sinabi na siya ay natatakot sa Allah. [3]
Ang mga tao ay maiiwang nakatayo, doon sa isang malawak na patag, at magsisimula silang tumawag. "Nasaan ang Allah upang hatulan tayo?"
Paghihintay sa kung anuman ang parating.
Sa Araw ng Paghuhukom, pagkatapos ng pag-ihip ng trumpeta at ang mga katawan ng buong sangkatauhan ay nabuhay muli. Ang mga tao ay nakatayo sa isang malawak na patag at naghihintay magsimula ang paghatol. Sila ay nababagabag at ang kanilang mga puso ay mananatiling puno ng takot at pagsisisi. Sila ay malilito at hindi makapaniwala. Sinasabi ng Allah sa atin na ito na ang panahon, “kapag naging malamlam na ang paningin, at mawawalan na ng liwanag ang buwan (itinago mula sa paningin), at kapag pinagsama ang buwan at araw” (Quran 75:7-9). Ang mga tao ay natipon sa ilalim ng isang nakatatakot na ilaw at paghihintayin. Ito ay isang araw kung kailan ang mga langit ay aalisin at ang “…at ang mga anghel ay pabababain, ng kagalang-galang na pagbaba.” (Quran 25:25)
Ang mga anghel ay bababa ng mga nakahilera, isang kagalang-galang na pagbaba gaya ng inilalarawan ng Quran rito. Ang parehong mga tao at mga anghel ay nakatayo at nakahanay naghihintay para sa paghatol at ang oras ay hindi tumatakbo tulad ng inaasahan ng mga tao. Ang pagtayo ay tila walang katapusan, magtatapos pa ba ito?
“at ang mga anghel ay nandoroon sa mga dulo ng mga kalangitang yaon, at bubuhatin ng walong mga dakilang anghel ang ‘`Arsh’ ng Allâh na nasa ibabaw nila. At sa Araw na yaon ay ilalantad kayo sa Allâh na walang anumang naitatago sa Kanya sa inyong mga lihim” (Quran 69: 17-18)
Sa Araw na ito kahit na ang mga yaong may liwanag at nagniningning ang kanilang mga mukha ay natatakot na tumayo sa harap ng Allah at ang mga nasisilungan sa pamamagitan ng biyaya ng Allah ay nananatiling natatakot sa napakahalagang okasyon. Ang pagkabalisa ng tao sa Araw ng Pagkabuhay ay magiging napakatindi na sila ay tatakbo sa iba't ibang mga propeta na nagmamakaawa para sa kanilang pamamagitan at paghiling sa Allah na simulan na ang paghatol.
Ang Mga Propeta[1]
Ang mga tao ay titipunin na magkakasama sa mga pangkat o kanya-kanya, walang pakialam sa mga nasa paligid nila. "Sino ang tutulong sa amin!" Sila ay sumisigaw at babaling sa mga propeta. Sila ay nagmadali papunta kay Adan, ang ama ng sangkatauhan at humingi ng kanyang panalangin para sa kanila ngunit si Adan ay natatakot din. Sasabihin nila, "Pakisuyo Adan, ikaw ang tao na kung saan nagpatirapa ang mga anghel", ngunit si Adan, ang kapayapaan ay mapasakanya, ay sasabihin"Aking sarili, Aking sarili" at sinasabi niya sa mga tao na ang kanyang Panginoon ay galit ng hindi tulad kailanman, pumunta kayo kay Propeta Abraham .
Ang mga tao ay pupunta kay Abraham at hihingi, "Ikaw ang minamahal ng Allah, mangyaring hilingin mo sa Kanya na simulan ang paghatol". Sasagot si Abraham tulad ni Adan, "Aking sarili, aking sarili. Ngayon ang aking Panginoon ay galit ng hindi tulad kailanman, pumunta kayo kay Propeta Moises, pupunta sila kay Propeta Moises, nagmamakaawa para magsimula ang paghuhukom. Sa pangkaisipan at pisikal na sakit, ang pawis na dumadaloy sa kanilang mga katawan, mga puso na kumakalabog, ang mga tao ay magpapatuloy sa parehong pangyayari at ituturo sila ni Moises kay Propeta Hesus. Ang bawat Propeta ay natatakot sa Allah at nag-aalala tungkol sa kanyang sariling kaparusahan.
Ang mga tao ay darating ulit kay Propeta Hesus na nagmamakaawa para sa kanyang tulong. "Ikaw ay nilikha ng salita ng Allah; nakipag-usap ka sa mga tao mula sa duyan, mamagitan ka para sa amin sa harapan ng iyong Panginoon! "Ang Propeta Hesus ay tutugon sa eksaktong paraan katulad ng iba. Kahit na siya ay alipin ng Allah, at kahit na umakyat siya sa Allah matapos ang kanyang panahon sa mundo, si Propeta Hesus ay nababahala rin sa kanyang sariling paghahatol. "Aking sarili, Aking sarili. Ngayon ang aking Panginoon ay galit ng hindi tulad kailanman, pumunta kayo kay Propeta Muhammad, ang huling propeta."
Ang mga tao ay magmamadali pupunta kay Propeta Muhammad, at sabihin sa kanya, "ikaw ang huli sa mga propeta at ang aming huling pag-asa, mangyaring hilingin mo sa Allah na simulan ang paghahatol!" Tutugon siya, "Pupunta ako, pupunta ako".
Ang susunod na mangyayari ay matatagpuan sa isang tunay na hadith. Si Propeta Muhammad ay pupunta sa kanyang Panginoon, Allah. "Pagkatapos ay hihilingin ko sa aking Panginoon ang pahintulot at bibigyan Niya ako ng pahintulot, at Siya ay magbibigay inspirasyon sa akin ng mga salita ng papuri kung saan pupuri ako sa Kanya, ng mga salita na hindi ko nalalaman ngayon. Kaya't pupuri ako sa Kanya ng mga salitang papuri at ako ay magpapatirapa sa harap Niya. Sasabihin Niya, 'O Muhammad! Itaas mo ang iyong ulo; humiling, at ito ay ibibigay sa iyo, at mamagitan, dahil ang iyong pamamagitan ay tatanggapin. 'Aking itataas ang aking ulo at sabihin,' Ang Aking Ummah, O Panginoon! Ang Aking Ummah, O Panginoon! '... "[2]
Ito ang tinatawag na pinakadakilang pamamagitan, ito ay ang al-maqaam al-mahmood, ang Propeta Muhammad ay mamamagitan para sa mga tao at ang Allah ay maaaring pawiin ang mga kilabot at simulan ang paghatol.
“... upang maitaas ka ng iyong Panginoon sa Maqaam Mahmood (isang kalagayan ng papuri at kaluwalhatian, ibig sabihin, ang karangalan ng pamamagitan sa Araw ng Pagkabuhay Muli)” (Quran 17:79)
Ang impyerno at Paraiso ay inilapit.
Bago magsimula ang Paghuhukom, ang Impiyerno ay dapat madala (malapit sa mga tao). Ang mga anghel at ang lahat ng sangkatauhan ay nakatayo, naghihintay, nagiging lalong balisa, nag-aalala sa kanilang mga sarili, nagsusumamo para sa tulong at ang Impiyerno ay pinalapit. Ang mga tao ay nahihirapan hanggang sa punto na sila ay nag-iisteriko ngunit ang mga nagsisimulang mapagtanto kung gaano karami ang mga kasalanan na kanilang ginawa ay mahihimatay sa mga makikita at sa tunog na nagmula mula sa apoy ng Impiyerno.
“At ang Impiyerno ay dadalhin malapit sa Araw na iyon. Sa araw na yaon ay maaalaala ng tao, ngunit papaano ang ala-ala niya makatutulong sakanya?” (Quran 89:23)
Sinabi ng Propeta, "Ang Impiyerno ay madadala sa Araw na iyon sa harapan ng mga tao na may pitumpung libong mga tali, na ang bawat isa ay hinahawakan ng pitumpu't libong mga anghel."[3]
“At ang (Impyerno) Apoy ay ilalagay sa paningin ng mga nagkasala. At sasabihin sa kanila, 'Nasaan ang mga inyong(ang huwad na mga diyos) ginamit upang sumamba sa halip sa Allah? Matutulungan ba kayo nila o (kahit) tulungan ang kanilang mga sarili? '” (Quran 26:91-93)
Upang humupa ang takot sa mga walang dapat ikatakot, ang matutuwid na mananampalataya, iniutos ng Allah na ang Paraiso ay ilapit. Lapit na sapat para makita at marinig ng mga tao ang mga tunog at mga pasyalan na naghihintay na pasiyahin ang mga karapat dapat sa pamamagitan ng walang hanggang kaligayahan.
“At ang Paraiso ay dadalhin malapit sa mga mabubuti, hindi ganoon kalayo. (Ito ay sasabihin): "Ito ang ipinangako sa inyo - (ito ay) para sa mga madalas na nagbabalik (sa Allah) ng tapat na pagsisisi, at yaong nag-iingat ng kanilang pangako sa Allah.” (Quran 50:31-32)
Ang iyong magpakailanmang buhay ay malapit nang magsimula. Ito ang Araw ng Paghuhukom. Ang lahat ng sangkatauhan ay hahatulan ng Allah ayon sa kanilang mga paniniwala at gawa. Ito ang pagtatapos ng mensahe ng lahat ng mga propeta. Sumamba sa Isang Diyos at malaman na balang araw ay mananagot ka sa lahat ng iyong sinasabi at ginagawa. Dumating na ang araw na ito. Ito ay nakakagulat, ang lahat ng sangkatauhan ay nakatayo magkakasama sa pagkamangha. Ano na ang mangyayari ngayon?
“Katotohanang, Kami ay nagbabala sa inyo ng isang malapit na parusa, ang Araw kung kailan makikita ng tao ang (mga gawa) ginawa ng kanyang mga kamay, at ang hindi nanampalataya ay magsasabi: 'Kasawian sa akin! Sana ako na lamang ay alabok!’" (Quran 78:40)
Ang Timbangan ng Hustisya
Ang mga timbangan ng katarungan kung minsan ay tinutukoy na ang mga balanse o ang sukatan ng mga gawa ay itatatag at ang bawat gawa ay titimbangin at bibilangin.
Wala ni katiting na gawa ang palalagpasin kahit ito man ay ang panlilibak na nakalimutan o ang mabuti na salita na sinabi nang hindi napansin.
“Sinuman ang gumawa ng isang kabutihan ay gagantimpalaan ng sampung beses na tulad nito, at siya naman na gumagawa ng kasamaan ay gagantimpalaan ng katulad nito, at hindi sila dadayain” (Quran 6:160).
Si Propeta Muhammad, ang awa at pagpapala ng Allah ay mapasakanya, ay nagpapaalala rin sa atin ng habag ng Allah. Sinabi niya, 'Walang anuman na ilalagay sa Timbangan na may mas mabigat na timbang kaysa sa isang mabuting paguugali. Ang taong may mabuting pag-uugali ay magkakamit ng gaya ng katayuan ng isang nag-aayuno at nagdarasal (isang magandang panukala). '[1]
Ang Libro ng mga Gawa
"‘…“Kasawian sa amin, anong uri ng talaan ito na walang anumang kinaligtaan na kahit na maliit mula sa aming mga nagawa, ganoon din ang mga malalaki kundi naitalang lahat?” At matatagpuan nila na ang lahat ng nagawa nila rito sa daigdig ay ihaharap sa kanila roon. At ang iyong Panginoon ay walang sinuman ang dadayain . (Quran 18:49)
Ang bawat tao ay bibigyan ng isang libro sa alinman sa kanilang kanan o kaliwang kamay. Ang lahat ng ginagawa natin sa mundong ito ay naitala ng mga anghel. Ang mabuti at masama, mga bagay na nakalimutan natin o hindi kailanman naisip, naitala na lahat at maaaring piliin ng Allah na tanungin tayo tungkol sa bawat salita. Ang mga bibigyan ng libro sa kanilang kanang kamay ay magsisimula na huminahon at sumaya at mapaparangalan.
“ At para sa kanya na ibinigay ang talaan ng mga gawa niya sa kanang kamay, kaseguraduhan, mapapadali sa kanya ang pagtutuos (sa Allah) at magtutungo siya sa pamilya niya ng masaya!” Ngunit kung sinuman ang makatanggap ng talaan ng mga gawa mula sa kanyang likod ay mananalangin siya ng kanyang kasawian, at papasok siya sa naglalagablab na Apoy"(Quran 84:7-12)
Nakakalungkot man, marami ang tatanggap ng kanilang libro sa kanilang kaliwang kamay o sa likod nila. At lalo silang matatakot.
Ang Pagbibilang
Ang unang bagay na tatanungin sa bawat tao ay ang kanyang pagdarasal. Ang pagdarasal ay tinatawag na isa sa mga karapatan na utang natin sa Allah. Ang bawat tao ay tatanungin tungkol sa kalidad ng kanilang mga pagdarasal. Ito ay sinigurado at pinagtibay ng mga salita ni Propeta Muhammad.
Ito ay naitala sa isang tunay na hadith na sinabi ni Propeta Muhammad, "Ang unang bagay na gagawing pananagutan sa mga tao sa Araw ng Paghuhukom ay ang pagdarasal, sasabihin ng Allah sa Kanyang mga anghel (kahit na alam Niya), 'Tingnan mo ang pagdarasal ng aking alipin. Ito ba ay kumpleto o hindi? 'Kung ito ay kumpleto ito ay isusulat na kumpleto. Kung hindi sila ganap na kumpleto sasabihin ng Allah: 'Tingnan kung ang aking alipin ay may boluntaryong pagdarasal', kung siya ay meron sasabihin ng Allah, 'Kumpletuhin ang kakulangan sa kanyang obligadong pagdarasal sa kanyang boluntaryong pagdarasal.' Pagkatapos ang natitirang bahagi ng kanyang mga gawa ay sa ganitong parehong paraan din gagawin. "[2]
Ang mga salita ni Propeta Muhammad ay tumulong sa atin na ipinta ang isang napakalinaw na larawan sa ating isipan kung ano ang mangyayari sa atin kapag tumayo tayo sa harap ng Allah sa Araw ng Pagbibilang. Sinabi rin niya, "Ang anak ni Adan ay tatanungin ng Allah tungkol sa limang bagay: kung paano siya nabuhay, at kung paano niya ginamit ang kanyang kabataan, sa anong paraan siya kumita ng kanyang kayamanan, paano niya ginugol ang kanyang kayamanan, at ano ang ginawa niya sa kanyang kaalaman. "[3]
Dapat tayong magpasalamat na nakakapaghanda tayo nang sapat bago ang dakilang Araw ay mangyari, dahil alam natin ang uri ng mga tanong na itatanong sa atin at ang mga uri ng pag-uugali na itatanong. Ang mabuting mananampalataya ay naghahanda para sa mahirap na pangyayaring ito, upang siya ay hindi maging kabilang sa mga tao na ang bahagi ng katawan nila ay magiging saksi laban sa kanila.
" Sa Araw na ang kanilang mga dila, kamay, at mga paa ay magiging saksi laban sa kanila kung ano ang kanilang mga ginawa” (Quran 24:24)
“ At sasabihin nila sa kanilang mga balat, 'Bakit kayo naging saksi laban sa amin?' Sasabihin nila "Kami ay pinagsalita ng Allah, gaya na pinagsalita NIya ang lahat ng bagay..."(Quran 41: 21)
Pagtawid sa Sirat
Matapos ang pagtatanong at pagbibilang lahat ng mga tao ay dadaan sa sirat. Ang tulay na mas matalas kaysa sa isang tabak at mas manipis kaysa sa isang buhok.[4] Walang magiging likas na liwanag ngunit ang bawat tao ay igagabay ng kanilang sariling liwanag. Ang liwanag ay magliliwanag ng maninigning depende sa kabanalan at kabutihan ng isang tao.
Ang ilan ay tatawid dito sa isang kisap-mata; ang ilan, tulad ng kidlat; ang ilan, tulad ng bumabagsak na bituin; ang ilan, tulad ng isang kabayong tumatakbo. Siya na may napakaliit na liwanag ay gagapang. Ang kanyang mga kamay at mga paa ay dudulas, at siya ay kakapit muli. Sa wakas, siya ay lalaya mula dito sa pamamagitan ng pag-gapang at pag-gapang.[5]
Ang tulay ay may mga kawit na kakalmot at dadagit ng mga tao na magdudulot sa kanila upang mahulog sa Impiyerno. Ang mga matagumpay na nakatawid sa tulay ay papasok sa Paraiso. Ang Araw ng Paghuhukom ay patapos na dahil sa ang mga tao ay nahusgahan at dumaan na sa tulay. Bilang mga mananampalataya kailangan nating alalahanin na binigyan tayo ng Allah ng mapa ng daan patungo sa Paraiso, ipinakita Niya sa atin ang mga piligro. Ang Araw ng Paghuhukom ay maaaring maging isang madaling pagsubok para sa isang mananampalataya kung susundin nila ang patnubay na ibinigay sa Quran at ang tunay na sunnah ng Propeta Muhammad.