Mga Artikulo

Ang Sansinukob na ito sampu ng mga langit nito, lupa nito, mga bituin nito, mga galaxy nito, mga dagat nito, mga kahoy nito at lahat ng hayop nito ay nilikha ni Allah mula sa wala.





Nagsabi si Allah:





Sabihin mo: “Tunay na kayo ba ay talagang tumatangging sumam-palataya sa lumikha sa lupa sa dalawang araw at gumagawa sa Kanya ng mga kaagaw? Iyan ay ang Panginoon ng mga nilalang.” Naglagay Siya sa lupa na ito ng mga matatag na bundok magmula sa ibabaw nito, nagpala Siya rito at nagtakda Siya rito ng mga pagkain ng mga naninirahan dito sa loob ng apat na araw — magkapantay para sa mga nagtatanong. Pagkatapos ay bumaling Siya sa langit nang ito ay usok pa at sinabi Niya rito at sa lupa: “Pumarito kayo sa pagtalima o sapilitan.” Nagsabi ang dalawa: “Pupunta kami na mga tumatalima.” Pagkadaka ay tinapos Niya ang mga ito bilang pitong langit sa dalawang araw at isiniwalat Niya sa bawat langit ang kapakanan nito. Ginayakan Niya ang pinakamababang langit ng mga lampara at bilang  pangangalaga. Iyan ay ang pagtatakda ng Nakapangyayari, Maalam.





Qur’an 41:9-12.





Nagsabi pa Siya:





Hindi ba napag-alaman ng mga tumangging sumampalataya na ang mga langit at ang lupa ay magkasanib noon, pagkadaka ay pinaghiwalay Namin ang mga ito? Ginawa Namin mula sa tubig ang bawat bagay na buhay. Kaya hindi ba sila sasampalataya? Naglagay Kami sa lupa ng mga matatag na bundok nang hindi gumalaw-galaw kasama nila at naglagay Kami sa mga ito ng mga daanang maluwang bilang mga landas nang harinawa sila ay mapatnubayan. Ginawa Namin ang langit na isang bubong na pinangangalagaan, samantalang sila, sa mga tanda nito, ay mga umiiwas.





Qur’an 21:30-32.





Ang Sansinukob na ito ay nilikha ni Allah dahil sa mga dakilang kadahilanan na napa-karami para bilangin. Bawat bahagi nito ay may mga dakilang kadahilanan at mga kagilas-gilas na tanda. Kung sakaling nagnilay-nilay ka sa iisang tanda mula sa mga ito ay talagang makatatagpo ka rito ng isang paghanga.





Kaya tingnan mo ang mga kahanga-hangang gawa ni Allah sa mga halaman na hindi halos nawawalan ang dahon ng mga ito ni ang ugat ni ang bunga ng mga kapakinabangan na nagpaparalisa sa mga isip ng tao sa pagtalos sa mga ito at sa mga detalye ng mga ito.





Tingnan mo ang mga daluyan ng tubig sa mga ugat na napakaliit, payat at mahina na iyon na hindi halos matalos ng paningin ang mga ito malibang matapos titigan. Papaanong naka-kaya ng mga ito na humatak ng tubig mula sa ibaba papunta sa itaas? Pagkatapos ay magpa-palipat-lipat ang tubig na ito sa mga daluyang iyon ayon sa pagtanggap ng mga iyon at luwang ng mga iyon. Pagkatapos ay magkakahati-hati ang mga daluyang iyon, magsanga-sanga at liliit sa sukdulang hindi na naaarok ang mga iyon ng paningin.





Pagkatapos ay tingnan mo ang pagbuo ng bunga ng punong-kahoy at ang paglipat nito mula sa isang kalagayan tungo sa isang kalagayan gaya ng paglipat-lipat ng mga kalagayan ng fetus na nakalingid sa mga paningin. Habang nakikita mo ito na isang kahoy na hubad na walang damit, walang anu-ano ay dinadamitan ito ng Panginoon nito ng mga dahon na napakagandang damit.





Pagkatapos ay pinatubo Niya rito ang bunga nito na mahina at payat matapos na pinalabas Niya ang dahon nito bilang pangangalaga sa bungang iyon at bilang kasuutan sa mahinang bungang iyon upang ipanakip laban sa init, lamig at mga peste.





Pagkatapos ay ipadadala Niya sa mga bungang iyon ang panustos sa mga iyon at pagkain ng mga iyon sa mga ugat at mga daluyan na iyan at kakainin ito ng mga iyon gaya ng pag-inom ng bata sa gatas ng ina niya. Pagkatapos ay palalaguin Niya ang mga iyon at palala-kihin Niya ang mga iyon hanggang sa mahinog, malubos at matapos ang kahinugan ng mga iyon. Lumabas ang masarap na malambot na bungang iyon mula sa matigas na kahoy na iyon.





Kapag tiningnan mo ang lupa kung paanong nilikha ito ay makikita mo ito na kabilang sa napakadakilang mga tanda ng Tagapaglalang nito at Tagapagpasimula nito. Nilikha Niya ito bilang higaan at himlayan. Pinasakop Niya ito sa mga lingkod Niya. Naglagay Siya rito ng mga panustos nila, mga pagkain nila at mga ikinabubuhay nila. Naglagay Siya rito ng mga landas upang makagalaw sila rito sa mga pangangailangan nila at mga pagkilos nila.





Pinatatag Niya ito sa pamamagitan ng mga bundok na ginawa Niya na mga tulos na mangangalaga rito upang hindi ito gumalaw-galaw. Nilawakan Niya ang mga dako nito at hinugis-itlog Niya ito. Pagkatapos ay binanat Niya ito at inilatag Niya ito. Ginawa Niya ito na ipunan para sa mga buhay na magtitipon sa kanila sa ibabaw nito at ipunan para sa mga patay na magtitipon sa kanila sa ilalim nito kapag namatay sila. Ang ibabaw nito ay bayan ng mga buhay at ang ilalim nito ay bayan ng mga patay.





Pagkatapos ay tingnan mo ang mga makalangit na bagay na lumiligid sampu ng araw nito, buwan nito, mga bituin nito at mga konstelasyon nito. Papaanong lumiligid sa Sandaigdigan na ito ang ganitong palaging pagligid hanggang sa katapusan ng panahon ayon sa ganitong pagkakaayos at sistema; ang kalakip niyon na pagsasalitan ng gabi at maghapon, mga panahon, at init at lamig; at ang napaloob doon na mga kapakanan ng nasa ibabaw ng lupa na mga uri ng hayop at halaman.





Pagkatapos ay pagmasdan mo ang pagkalikha ng langit. Ibalik mo ang paningin mo roon nang paulit-ulit, makikita mo na ito ay kabilang sa napakalaking mga tanda dahil sa taas nito, lawak nito at tatag nito. Walang haligi sa ilalim nito at walang nakaugnay sa ibabaw nito. Bagkus ito ay napipigilan dahil sa kapangyarihan ni Allah na pumipigil sa mga langit at lupa na lumipat.





Kapag tiningnan mo ang Sansinukob na ito, ang pagkakabuo ng mga bahagi nito, ang pagkakaayos nito ayon sa magandang kaayusan na nagpapatunay sa kalubusan ng kapang-yarihan ng Tagapaglikha nito, kalubusan ng kaalaman Niya, kalubusan ng karunungan Niya at kalubusan ng kabaitan Niya ay masusumpungan mo ito na gaya ng isang bahay na ipinatayo.





Inihanda sa loob nito ang lahat ng kasangkapan nito at mga kapakanan nito at lahat ng kinakailangan nito. Ang langit ay bubungan nito na nakaangat sa ibabaw nito. Ang lupa naman ay himlayan, nakalatag at higaan na tuluyan ng nananahan. Ang araw at ang buwan ay mga sulo na nagniningning dito. Ang mga bituin ay mga lampara nito, gayak nito at gumagabay sa naglalakbay sa mga daan ng tahanang ito. Ang mga hiyas at ang mga metal ay nakaimbak dito gaya ng nakalaang itinagong kayamanan.





Bawat bagay sa mga iyon ay para sa kinauukulan nito na naaangkop dito. Ang mga uri ng halaman ay nakalaan para sa mga layunin nito. Ang mga uri ng hayop ay ibinaling sa mga kapakanan nito. Kabilang sa mga iyon ang sinasakyan. Kabilang sa mga iyon ang ginagatasan. Kabilang sa mga iyon ang pagkain. Kabilang sa mga iyon ang idinadamit. Kabilang sa mga iyon ang bantay. Ginawa ang tao na gaya ng hari na itinalaga roon, na namamahala rito sa pamamagitan ng gawa niya at utos niya.





Kung sakaling napagmasdan mo ang buong Sansinukob na ito o ang isang bahagi o mula sa mga bahagi nito ay talagang nakatagpo ka sana rito ng isang kahanga-hanga. Kung saka-ling namalas mo ito nang buong pagmalas, naging makatarungan ka sa sarili mo at iwinaksi mo ang silo ng pithaya at paggaya-gaya ay talagang natiyak mo na sana nang lubos na pagkatiyak na ang Sansinukob na ito ay nilikha.





Nilikha ito ng Marunong, Makapangyarihan, Maalam. Tinakdaan Niya ito nang pinakama-gandang pagtatakda. Isinaayos Niya ito nang napakagandang pagsasaayos. Ang Tagapaglikha ay imposible na maging dalawa, bagkus ang Diyos ay nag-iisa: walang Diyos kundi Siya. Kung sakaling sa mga langit at lupa ay may diyos na iba pa kay Allah ay nagulo na sana ang kalagayan ng mga ito, nabulabog ang pagkaayos ng mga ito at nasira ang mga kapa-kanan ng mga ito.





Kung aayaw ka na iugnay ang pagkalikha sa tagapaglikha nito ay ano ang sasabihin mo sa isang waterwheel (1) sa ilog, na mahusay ang mga instrumento, mahusay ang pagkabuo at sinukat ang mga kagamitan nang napakahusay at napakagaling na pagsukat? Hindi naka-kikita ang nagmamasid dito ng mga depekto sa materyales nito ni sa anyo nito.





Pagkatapos ay inilagay ito sa isang malaking hardin na naglalaman ng mga uri ng mga bunga. Dinidiligan nito ang pangangailangan niyon. Sa hardin na iyon ay may nagtitipon ng mga kalat. Hinuhusayan ang pangangalaga roon, ang pag-aasikaso at ang pagsasagawa sa lahat ng kapakanan niyon. Kaya naman walang nabubulabog doon na anuman at walang nasisira sa mga bunga niyon. Pagkatapos ay hinahati ang kita niyon sa mga namimitas na nasa lahat ng labasan ayon sa mga pangangailangan nila at mga kinakailangan nila. Ukol sa bawat kategorya ang naaangkop dito. Hinahati ito nang ganoon palagi.





Sa tingin mo ba ito ay nangyari dala ng pagkakataon lamang, nang walang gumagawa, walang namimili at walang nangangasiwa? Bagkus nagkataon lamang ang pagkakaroon ng waterwheel at hardin? Lahat ng iyon ay nagkataong lamang nang walang gumagawa at walang nangangasiwa? Sa tingin mo ba ano ang sasabihin sa iyo ng isip mo hinggil doon kung sakaling nangyari ito? Ano ang ihahatol mo roon? Ano ang gumabay sa iyo sa hatol na iyon?(2)





Ang Kadahilanan Niyon





Matapos ang paglilibot at ang pagmamasid na ito sa pagkalikha ng Sansinukob na ito, makabubuti sa atin na banggitin natin ang ilan sa mga kadahilanan na dahil sa mga ito ay nilikha ni Allah ang mga dakilang nilalang, at ang ilan sa mga nakasisilaw na tanda na ito. Kabilang dito:





Ang Pagpapasunud-sunuran Para sa Tao. Noong itinadhana ni Allah na maglagay sa lupa na ito ng isang kahalili na sasamba sa Kanya at maninirahan sa lupa ay nilikha Niya alang-alang sa kanya ang lahat ng iyon upang maging maaayos ang buhay niya at umangkop sa kanya ang lagay ng pamumuhay niya at darating na buhay niya. Nagsabi si Allah:





Pinasunud-sunuran Niya para sa inyo ang anumang nasa mga langit at ang anumang nasa lupa — lahat mula sa Kanya.





Qur’an 45:13.





Sinabi pa Niya:





Si Allah ang lumikha ng mga langit at lupa at nagbaba mula sa langit ng tubig kaya nagpaluwal Siya sa pama-magitan nito ng mga bunga bilang panustos sa inyo. Pinasunud-sunuran Niya para sa inyo ang mga daong upang maglayag sa dagat ayon sa utos Niya. Pinasunud-sunuran Niya para sa inyo ang mga ilog. Pinasunud-sunuran Niya para sa inyo ang araw at ang buwan, na mga nagpapatuloy sa pag-inog. Pinasunud-sunuran Niya para sa inyo ang gabi at ang maghapon. Nagbigay Siya sa inyo ng bawat hiningi ninyo. Kung bibilangin ninyo ang biyaya ni Allah ay hindi ninyo maiisa-isa ang mga ito. Tunay na ang tao ay mapaglabag sa katarungan, palatangging sumampalataya.





Qur’an 14:32-34.





Na ang mga langit, ang lupa at ang lahat ng nasa Sansinukob ay mga patotoo sa pagka-panginoon ni Allah at mga tanda ng pagkaiisa Niya. Iyan ay dahil sa ang pinakadakilang utos sa buhay na ito ay ang pagkilala sa pagkapanginoon Niya at ang pananampalataya sa pagkaiisa Niya. Dahil ito ay pinakadakilang utos, inilahad Niya rito ang pinakadakilang mga patotoo, itinanghal Niya rito ang pinakamalaking mga tanda, at ipinangatuwiran Niya rito ang pinakamalalim na mga katwiran. Pinanatili Niya ang mga langit, lupa at lahat ng umiiral upang maging patotoo doon. Dahil dito, madalas banggitin sa Qur’an ang ganito: Kabilang sa mga tanda Niya, gaya ng nasaad sa sabi Niya:





“Kabilang sa mga tanda Niya ang pagkalikha sa mga langit at lupa,” “Kabilang sa mga tanda Niya ang pagtulog ninyo sa gabi at maghapon,” “Kabilang sa mga tanda Niya ay ipinakikita Niya sa inyo ang kidlat na nagdudulot ng pangamba at paghahangad” at “Kabilang sa mga tanda Niya ay na mananatili ang langit at lupa ayon sa utos Niya.”





Qur’an 30:22-25.





Na ang buhay ay patotoo sa pagbubuhay, yamang ang buhay ay dalawang buhay: buhay sa mundo at buhay sa tahanang pangkabilang-buhay. Ang buhay sa tahanang pangkabilang-buhay ay ang tunay na buhay. Nagsabi Siya:





Walang iba ang buhay pangmundo na ito kundi isang paglilibang at isang laro. Tunay na ang tahanang pangkabilang-buhay ay talagang iyon ang lubusang buhay, kung sakaling nalalaman nila.





Qur’an 29:64.





Ito ay dahil sa iyon ang tahanan ng pagganti at pagtutuos at dahil sa naroon ang pananatiling magpakailanman sa paraisong lugod para sa karapat-dapat doon at ang pananatiling magpakailanman sa pagdurusa para sa karapat-dapat doon.





Yamang ang tahanang ito ay hindi mararating ng tao malibang matapos mamatay at buhayin matapos ang kamatayan, ikinaila iyon ng bawat sinumang nalagot ang kaugnayan sa Panginoon niya, napinsala ang kalikasan ng pagkalalang sa kanya at nagulo ang isip ni.





Kaya alang-alang doon ay itinanghal ni Allah ang mga katwiran at inilahad Niya ang mga katibayan. Ito ay nang sa gayon ay sumampalataya sa pagbubuhay ang mga kaluluwa at makatiyak dito ang mga puso dahil ang pag-ulit sa paglikha ay higit na madali kaysa sa pagsasagawa niyon sa unang pagkakataon. Bagkus ang pagkalikha sa mga langit at lupa ay higit na mabigat kaysa sa pag-uulit sa paglikha sa tao.





Nagsabi si Allah:





Siya ang nagpapasimula ng paglikha at pagkatapos ay uulitin Niya ito. Ito ay higit na madali sa Kanya.





Qur’an 30:27.





Sinabi rin Niya:





Talagang ang pagkalikha sa mga langit at lupa ay higit na malaki kaysa sa pagkalikha sa mga tao,





Qur’an 40:57.





Sinabi pa Niya:





Si Allah ang nag-angat sa mga langit nang walang mga haligi na nakikita ninyo. Pagka-tapos ay lumuklok Siya sa Trono. Pinasunud-sunuran Niya ang araw at ang buwan; bawat isa ay tumatakbo sa takdang taning. Pinangangasiwaan Niya ang kapakanan; sinari-sari Niya ang mga tanda, nang harinawa kayo sa pakikipagtagpo sa Panginoon ninyo ay makatiyak.





Qur’an 13:2.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG