Mga Artikulo

Ang Paniniwala sa Allah


Nararapat na paniwalaan na Siya ay umiiral, at Siya ay Nag-iisang Diyos lamang, wala Siyang katambal sa Kanyang mga Gawa, sa Kanyang pagiging Diyos at sa Kanyang mga Pangalan at mga Katangian, sa Kanya ay walang makatutulad at walang kawangis. At Siya lamang ang tanging lumikha ng lahat ng nilalang at Tagapangasiwa nito, walang bagay na maipatupad maliban kung ninais Niya ito, at wala ring magaganap maliban kung ipinagkaloob Niya ito, at walang ibang karapat-dapat pagukulan ng pagsamba maliban sa Kanya.





Ang Dakilang Allah ay nagsabi:





{Sabihin [O Muhammad]: Siya ang Allah ay Nag-iisa, ang Allah ang Siyang sandigan ng lahat, Siya ay hindi nagkaanak at hindi  ipinanganak, at sa Kanya ay walang makatutulad}





Qur’an 112:01-04





Ang Paniniwala sa Mga Anghel





Ito ay ang paniniwala na ang Allah ay mayroong napakaraming mga Anghel, walang nakakaalam sa kanilang bilang maliban sa Allah, sila ay nilikha ng Allah upang sumamba sa Kanya lamang. 





Ang Dakilang Allah ay nagsabi:





{Hindi kailanman ipagkakaila ni Mesias Isa [o Hesus] ang pagiging alipin ng Allah sa kanya at hindi rin [ipagkakaila] ng malalapit na mga Anghel}.





Qur’an 4:172





Ang mga Anghel na ito ay hindi mga kawangis ng Allah at hindi rin Niya mga anak. Bagkus nilikha sila ng Allah upang ipatupad ang kanilang mga tungkulin na ipinag-utos sa kanila. 





Ang Dakilang Allah ay nagsabi:





{At sila ay nagsabi: “Ang Mahabaging [Allah] ay nagtalaga ng anak [na mga anghel].” Kaluwalhatian sa Kanya, bagkus sila [ang mga Anghel] ay marangal na mga alipin. Siya [ang Allah] ay hindi nila pinangungunahan sa salita, bagkus sila ay gumagawa [lamang] ayon sa Kanyang pag-uutos}. 





Qur’an 21:26-27





Ang Paniniwala sa Mga Kasulatan





Ito ay ang paniniwala na ang Allah ay tunay ngang nagpadala sa Kanyang mga Sugo ng pangkalangitang mga kasulatan mula sa Kanya, upang maipahayag ang mga ito sa sangkatauhan, upang Kanyang maipaliwanag sa kanila ang mga alituntunin ng pagsamba nila sa Kanya, at sa pamamagitan nito ay maisasaayos ang mga kalagayan ng kanilang kabuhayan. 





Ang Mga Kasulatang Ito ay Ang Mga Sumusunod:





 1. Ang Suhuf ni Ibrahim [o Kalatas ni Abraham]





 2. Ang Tawrah ni Musa [o ang Torah ni Moises] 





3. Ang Zabur ni Daud [o ang Psalmo ni David] 





4. Ang Injeel ni Isa [o ang Ebanghelyo ni Hesus]





 5. At ang Qur’an ni Muhammad . Ang Huli ay ipinahayag bilang kabuuang mensahe ng lahat ng mga nauna rito, kaya sa pamamagitan nito ay nawalan ng bisa ang mga naunang Kasulatan.



Kamakailang Mga Post

Ang Islām Relihiyon n ...

Ang Islām Relihiyon ng Naturalesa, Isip, at Kaligayahan

Sino ang lumikha ng S ...

Sino ang lumikha ng Sansinukob? Sino ang lumikha sa akin? Bakit?

Ang Islām ay Relihiyo ...

Ang Islām ay Relihiyon ng Panginoon ng mga nilalang

ANG ISLĀM AY RELIHIYO ...

ANG ISLĀM AY RELIHIYON NG PANGINOON NG MGA NILALANG