66
sapagkat tunay na ang pagsasabi ng totoo ay pumapatnubay sa
kabutihan at tunay na ang kabutihan ay pumapatnubay sa
Paraiso. Kailangang hindi titigil ang tao na nagsasabi ng
totoo at nagsisikap na magsabi ng totoo hanggang sa isulat
siya kay Allah bilang isang makatotoo. Kaingat kayo sa
pagsisinungaling sapagkat ang pagsisinungaling ay
nagpapatnubay sa kabuktutan at tunay na ang kabuktutan
ay nagpapatnubay sa Impiyerno. Kailangang hindit titigil
ang isang tao nagsisinungaling at nag-sisikap na
magsinungaling hanggang sa isulat siya kay Allah isang
sinungaling.”
Ang pagsisinungaling ay hindi kabilang sa mga katangian
ng isang mananampaltaya, bagkus ito ay kabilang sa mga
katangian ng isang Munáfiq (nagpapanggap na Muslim).
Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS): “Ang tanda ng Munáfiq ay
tatlo: kapag nagsasalita siya, nagsisinungaling siya; kapag
nangako siya, hindi siya tumu-tupad; at kapag
pinagkatiwalaan siya, nagtataksil siya.” Dahil doon ay
naging tatak na ng mararangal na mga Sahábah ang ugaling
pagsasabi ng totoo, anupa’t ang isa sa kanila ay nagsabing:
“Hindi namin nalalaman ang pagsisinungaling noong
kapanahunan ng Sugo ni Allah (SAS).”
2. Ang Pagganap sa Ipinagkatiwalang Tungkulin,
ang Pagtupad sa mga Kasunduan at mga Napagusapan,
at ang Kakatarungan sa mga Tao
Nagsabi si Allah: “Tunay na si Allah ay nag-uutos sa inyo
na gampanan ninyo ang mga ipinagkatiwalang tungkulin sa
mga kinauukulan ng mga ito, at kapag humatol kayo sa
mga tao ay humatol kayo ayon sa katarungan.”(4:58).
Nagsabi pa Siya: “Tuparin ninyo ang kasunduan; tunay na
67
ang kasunduan ay laging pinananagutan. Lubusin ninyo
ang pagtatakal kapag magtatakal kayo at tumimbang kayo
sa pamamagitan ng maayos na timbangan. Iyan ay mainam
at higit na magaling sa kahihi-natnan.”(17:34-35).
Pinapurihan ni Allah ang mga mananampalataya sa pamamagitan
ng sabi Niya: “na mga tumutupad sa kasunduan kay Allah at
hindi sumisira sa tipan,”(13:20).
3. Ang Pagpapakumbaba at ang Hindi
Pagmamalaki
Ang Propeta (SAS) ay ang pinakamapagpakumbaba sa lahat
ng tao. Nauupo siyang kasama ng kanyang mga kasamahan
bilang isa sa kanila. Kinasusuklaman niyang tumayo para sa
kanya ang mga tao kapag siya ay dumarating. Hinahawakan ng
taong may kailangan ang kanyang kamay at dadalhin siya sa kung
saan ngunit hindi niya binabawi ang kanyang kamay kung hindi
natutugunan ang kailangan nito. Inatasan niya ang mga Muslim
na maging mapagpakumbaba at nagsabi siya: “Tunay na si
Allah ay nagkasi sa akin na magpa-kumbaba kayo upang
hindi magyayabang ang isa sa isa pa at hindi mang-api ang
isa sa isa pa.”
4. Ang Pagkamapagbigay at ang Paggugol Para
sa mga Kawanggawa
Nagsabi si Allah: “Ang anumang ginugugol ninyo na
mabuti ay para sa mga sarili ninyo ang gantimpala. Hindi
kayo gugugol kung hindi sa ikapagtatamo ng ikasisiya ng
Mukha ni Allah. Ang anumang ginugugol ninyo na mabuti
ay lulubusin sa inyo ang kabayaran at hindi kayo gagawan
ng kawalang-katarungan.” (2:272). Pinapurihan ni Allah ang
mga mananampalataya sa pama-magitan ng sabi Niya:
“Nagpapakain sila dahil, sa pag-iibig sa Kanya, sa isang
68
dukha, isang ulila, at isang bihag.”(76:8). Ang
pagkamapagbigay at ang kagalantehan ay katangian ng Sugo ni
Allah (SAS) at ng sinumang tumutulad sa kanya na mga
mananampalataya. Walang anumang yaman na natira sa kanya
na hindi niya ginugol para sa kawanggawa. Nagsabi ni Jábir
(RA), isa sa mga Kasamahan ng Propeta (SAS): “Kailanman ay
hindi nahilingan ang Sugo ni Allah (SAS) ng anuman at nagsabi
siya ng hindi.” Hinakayat niya ang mabuting pagtanggap sa
panauhin. Nagsabi siya: “Ang sinumang sumasampalataya kay
Allah at sa Huling Araw ay maging mabuti sa pagtanggap sa
panauhin niya.”
5. Ang Pagtitiis at ang Pagbabata sa Pasakit
Nagsabi si Allah: “magtiis ka sa anumang kasawiang
dumapo sa iyo. Tunay na iyan ay kabilang sa mga mariing
ipinag-utos.” (31:17). Nagsabi pa Siya: “magpatulong kalakip
ang pagtitiis at ang pagdarasal; tunay na si Allah ay kasama
ng mga nagtitiis.” (2:153). Nagsabi pa Siya: “Talagang
gagantihan nga Namin sa mga nagtiis ang kabayaran nila
katumbas sa pinakamaganda sa kanilang ginagawa
noon.”(16:96).
Ang Propeta (SAS) ay ang pinakamatiisin sa lahat ng mga tao
at pinakamatindi ang pagbabata sa pasakit. Hindi siya
gumaganti ng masama. Sinaktan siya ng mga kababayan niya
samantalang siya ay nag-aanyaya sa kanila sa Islam. Binato
nila siya hanggang sa mapaduguan nila siya; pinunasan niya
ang dugo sa kanyang noo at saka nagsabi: “O Allah patawarin
Mo po ang mga kababayan ko sapagkat sila ay hindi
nakaaalam.”
69
6. Ang Pagkakaroon ng Hiya
Ang tunay na Muslim ay mabini at may hiya. Ang
pagkakaroon ng hiya ay isang sangay ng pananampalataya. Ito
ang nagtutulak sa isang Muslim sa lahat ng mabuting kaasalan.
Ang hiya ang pumipigil sa taong may hiya sa kasagwaan at
kahalayan sa salita at gawa. Sinabi ng Propeta (SAS): “Ang hiya ay
walang dinadala kundi kabutihan.”
7. Ang Kabutihan sa mga Magulang
Ang kabutihan sa magulang, ang kabaitan sa kanila, ang
mabuting pakikitungo sa kanila at pagpapakumbaba sa kanila ay
ilan sa mga pangunahing tungkulin sa Relihiyong Islam. Lalong
nagiging mariin ang tungkuling ito kapag sumusulong na ang
katandaan ng mga magulang at kapag kinailangan nila ang
anak nila. Ipinag-utos ni Allah sa Kanyang Aklat na maging
mabuti sa kanila at idiniin niya ang kalakihan ng kanilang
karapatan. Nagsabi Siya: “Itinadhana ng Panginoon mo na
hindi kayo sasamba kundi sa Kanya at na sa mga magulang
ay gumawa ng magaling. Kung inabutan nga sa piling mo
ng katandaan ang isa sa kanila o ang kapwa sa kanilang
dalawa ay huwag kang magsabi sa kanilang dalawa ng
pabalang na salita at huwag mong bulyawan silang dalawa;
magsabi ka sa kanilang dalawa ng marangal na salita. Ibaba
mo para sa kanila ang pakpak ng kababaang-loob bahagi
ng awa. Sabihin mo: “Panginoon ko, kaawaan Mo po sila
yayamang inalagaan nila ako noong bata ako.””(17:23-24).
Nagsabi pa Siya: “Nagtagubilin Kami sa tao na maging
mabuti sa mga magulang niya; ipinagdalang-tao siya ng
ina niya nang nanghina nang nanghina at ang pag-awat sa
kanya ay sa loob ng dalawang taon. Magpasalamat ka sa
70
Akin at sa mga magulang mo; sa Akin ang
hantungan.”(31:14).
May nagtanong na isang lalaki sa Propeta (SAS): “Sino po
ang higit na karapat-dapat sa mga tao sa magandang
pakikisama ko? Nagsabi siya: “Ang ina mo.” Nagsabi ito:
“Pagkatapos ay sino pa po?” Nagsabi siya: “Ang ina mo.”
Nagsabi ito: “Pagkatapos ay sino pa po?” Nagsabi siya: “Ang
ina mo.” Nagsabi ito: “Pagkatapos ay sino pa po?” Nagsabi
siya: “Ang ama mo.”
Samakatuwid, inoobliga ng Islam ang isang Muslim na
maging masunurin sa mga magulang niya sa lahat ng ipinag-uutos
nila maliban sa pagsuway kay Allah sapagkat sa pagkakataong
iyon ay hindi dapat sundin ang isang nilikha para suwayin ang
Tagapaglikha. Sinabi ni Allah: “Ngunit kung magpupunyagi
silang dalawa sa iyo na magtambal ka sa Akin ng anumang
wala kang kaalaman hinggil doon ay huwag kang tumalima
sa kanila, ngunit pakisamahan mo sila sa mundo nang
nakabubuti.”(31:15). Inoobliga rin siya na igalang sila,
magpakumbaba sa kanila, parangalan sila sa salita at sa gawa, at
maging mabuti sa kanila sa pamamagitan ng lahat ng uri ng
kabutihang kayang magawa tulad ng pagpapakain sa kanila,
pagbibigay ng kasuutan nila, pagpapagamot sa karamdaman
nila, pag-aalis ng makapipinsala sa kanila, pananalangin at
paghingi ng patawad para sa kanila, pagtupad ng pangako nila
(na hindi nila nagampanan) at pagpaparangal sa kaibigan nila.
8. Kagandahang Asal sa Kapwa
Nagsabi ang Propeta (SAS): “Ang pinakaganap sa mga
mana-nampalataya sa pananampalataya ay ang
pinakamaganda sa kanila sa kaasalan.” Nagsabi pa siya:
“Tunay na kabilang sa pinakaibig ko sa inyo at
71
pinakamalapit sa inyo sa akin sa upuan sa araw ng
pagkabuhay ay ang mga napakaganda sa inyo sa mga
kaasalan.”
Inilarawan ni Allah ang Propeta Niya (SAS) sa
pamamagitan ng sabi Niya: “Tunay na ikaw ay talagang
nasa isang dakilang kaasalan.”(68:4). Nagsabi naman ang Sugo
(SAS): “Isinugo lamang ako upang lubusin ko ang mga
mararangal sa mga kaasalan.” Samakatuwid tungkulin ng
isang Muslim na maging maganda ang asal sa mga magulang
tanda ng pagiging mabuti sa kanila gaya ng nabanggit na natin.
Tungkulin ding maging maganda ang asal sa mga anak upang
mapalaki ang mga ito sa paraang maganda, maituro sa mga ito
ang mga katuruan ng pananampalataya, at mailayo sila sa lahat
ng makasasama sa kanila sa buhay sa mundo at sa kabilangbuhay.
Tungkulin din niyang gumugol sa kanila mula sa salapi
niya hanggang sa sapitin nila ang gulang na maaari na silang
umasa sa sarili nila at may kakayahan na silang kumita. Kailangan
ding maging maganda ang kaasalan niya sa asawa niya, mga
kapatid niya, mga kamag-anakan niya, mga kapitbahay niya at
sa lahat ng mga tao. Mamahalin niya para sa kanyang kapwa
ang minamahal niya para sa sarili niya; pananatilihin niya ang
kaugnayan niya sa mga kamag-anak niya at mga kapitbahay niya;
igagalang niya ang mga matanda sa kanila at kaaawaan niya
ang mga bata sa kanila; at dadalawin niya at pakikiramayan
ang nasalanta sa kanila bilang pagsunod sa sinabi ni Allah: “Sa
mga magulang ay gumawa ng magaling at sa mga kamaganak,
mga ulila, mga dukha, kapit-bahay na kamag-anak,
kapit-bahay na di-kaanu-ano, kasamahan, dayuhang
manlalakbay,”(4:36). Nagsabi naman ang Propeta (SAS):
“Ang sinumang sumasampalataya kay Allah at sa Huling Araw
ay huwag niyang saktan ang kapitbahay niya.”
72
9. Ang Pakikibaka Alang-alang sa Landas ni
Allah sa Pagsaklolo sa Inaapi, sa
Pagpapangibabaw sa Katotohanan at sa
Pagpapalaganap sa Katarungan
Sinabi ni Allah: “Makipaglaban kayo sa landas ni Allah
sa mga nakikipaglaban sa inyo, ngunit huwag kayong
lumabag; tunay na hindi minamahal ni Allah ang mga
lumalabag.”(2:190). Nagsabi pa Siya: “Ano ang nangyayari sa
inyo, hindi kayo naki-kipaglaban alang-alang sa landas ni
Allah at sa mga sinisiil na mga lalaki, mga babae at mga
bata, na nagsasabing: “Panginoon namin paalpasin Mo po
kami sa bayang ito na lumalabag sa katarungan ang mga
naninirihan dito. Magtalaga Ka po para sa amin mula sa
Iyo ng isang tagatangkilik at magtalaga Ka po para sa amin
mula sa Iyo ng isang tagatulong.””(4:75).
Ang layunin ng pakikibaka sa Islam ay ang pangibabawin
ang katotohan, palaganapin ang katarungan sa mga tao, kalabanin
ang mga nang-aapi at naniniil sa mga tao, at pumipigil sa kanila
na sambahin si Allah at yumakap sa pananampalatayang Islam.
Gayon pa man, inaayawan ng pakikibaka sa Islam ang ideya ng
pamimilit sa mga tao upang pumasok sa pananampalatayang
Islam. Sinabi ni Allah: “Walang pilitan sa
relihiyon.”(2:256). Sa sandali ng labanan ay hindi
ipinahihintulot sa Muslim na pumatay ng isang babae, ng isang
batang munti at ng isang matanda. Sa halip, ang kakalabanin
lamang ay ang mga mapang-aping mandirigma.
Ang sinumang mapatay na nakikipaglaban para kay Allah,
siya ay isang martir at magkakaroon siya ng magandang
kalagayan (sa Kabilang-buhay) at gantimpala mula kay Allah.
Sinabi ni Allah: “Huwag ngang akalain ninyo na ang mga
napatay alang-alang sa landas ni Allah ay mga patay, bagkus
73
mga buhay sa piling ng Panginoon nila, na tinutustusan, na
mga natutuwa sa ibinigay sa kanila ni Allah mula sa
kagandahang-loob niya at nagagalak para sa mga hindi pa
nakasunod sa kanila mula sa naiwan nila na wala nang
pangamba sa mga ito at hindi na ang mga ito
malulungkot.”(3:169-170).
10. Ang Pananalangin, ang Pag-aalaala kay
Allah, at ang Pagbabasa ng Qur’an
Tuwing nadagdagan ang pananampalataya ng
mananampalataya, nadadagdagan ang pagkakaugnay niya kay
Allah, ang pagdalangin niya sa Kanya at ang pagsusumamo
niya sa Kanya na ipagkaloob ang kanyang pangangailangan sa
mundo, na patawarin sa kanyang mga kasalanan at mga
nagawang masama, at na itaas ang kanyang antas sa kabilang
buhay. Si Allah ay mapagbigay at galante. Ibig Niyang may
mga nananalangin sa Kanya: “Kapag tinanong ka ng mga
lingkod Ko hinggil sa Akin ay sabihin mo: “Tunay na Ako
ay malapit: tinutugon Ko ang panalangin ng nananalangin
kapag nanalangin siya sa Akin;”(2:186).
Ilan din sa mga katangian ng isang mananampalataya ang
madalas na pag-aalaala kay Allah sa gabi at araw, palihim at
hayagan. Ipinag-bubunyi niya si Allah sa pamamagitan ng
sarisaring paraan ng mga pagpupuri at pag-aalaala. Halimbawa
ay ang pagsabi ng subhanálláh (Kaluwalhatian kay Allah),
alhamdu lilláh (Ang papuri ay ukol kay Allah), lá iláha
illalláh (Walang Diyos kundi si Allah), alláhu akbar (Si
Allah ay dakila) at iba pang anyo ng paggugunita kay Allah.
Magbubunga ito ng malaking gantimpala at ng masaganang
pabuya mula kay Allah.
74
Sa isang Hadíth ay nagsabi ang Sugo (SAS): “Nauna na
ang mga mufarrid.” May mga nagsabi: “Ano po ang mga
mufarrid, o Sugo ni Allah?” Nagsabi siya: “Ang mga
lalaking nag-aalaala ang mga babaeng nag-aalaala kay
Allah nang madalas.”
Nagsabi si Allah: “O mga sumampalataya, alalahanin
ninyo si Allah nang madalas na pag-aalaala, at luwalhatiin
ninyo Siya sa umaga at gabi.”(33:41). Nagsabi pa Siya:
“Kaya alalahanin ninyo Ako, alalahanin Ko rin kayo.
Magpasalamat kayo sa Akin at huwag kayong tumangging
magpasalamat.” (2:152).
Kabilang din sa pag-aalaala kay Allah ang pagbigkas sa
Aklat ni Allah, ang Banal na Qur’an. Sa tuwing dinadalasan ng
isang tao ang pagbigkas sa Qur’an at pagbubulay-bulay rito,
nadadagdagan ang antas niya para kay Allah. Sasabihin sa
nagbabasa ng Qur’an sa araw ng pagkabuhay ang ganito:
“Basahin mo at bigkasin mo [ang Qur’an] gaya ng pagbigkas mo
sa mundo sapagkat ang tunay na ang antas mo ay nasa huling
talata na babasahin mo.”
11. Ang Pag-aaral ng Islam at ang Pagtuturo Nito
sa mga Tao at ang Pag-aanyaya Para Rito
Sinabi ng Propeta (SAS): “Ang sinumang tumahak ng
isang daan upang maghanap dahil doon ng karunungan,
padadaliin ni Allah para sa kanya ang isang daan patungp sa
paraiso. Ang kalamangan ng nakaaalam sa isang
mananamba ay gaya ng kalamangan ng buwan sa lahat ng
mga tala. Tunay na ang mga anghel ay nagbababa ng mga
pakpak nila sa naghahanap ng karunungan tanda ng
kasiyahan sa ginagawa niya.” Nagsabi pa ang Propeta (SAS):
“Ang pinakamainam sa inyo ay ang nag-aral ng Qur’an at ang
nagtuturo nito.” Sinabi pa niya: “Tunay na ang mga anghel ay
75
nananalangin ng pagpapala para sa nagtuturo sa mga tao ng
kabutihan.” Sinabi pa niya: “Ang sinumang nag-anyaya sa
patnubay, makakamit niya ang tulad sa kabayaran ng mga
gumawa ayon dito nang hindi nababawasan ng anuman ang
mga kabayaran nila.” Nagsabi naman si Allah: “Sino pa ang
higit na magaling sa pananalita kaysa kanya na naganyaya
tungo kay Allah, gumawa ng matuwid at nagsabi:
“Tunay na ako ay kabilang sa mga Muslim.””(41:33).
12. Ang Pagkalugod sa Hatol ni Allah at ng Sugo
Niya
Hindi dapat tumutol sa bagay na isinabatas ni Allah
sapagkat si Allah ang pinakamainam na Tagahatol sa mga
humahatol at ang pinakamaawain sa mga maawain. Walang
anumang lihim sa lupa ni sa langit ang maililihim sa Kanya. Ang
Kanyang kahatulan ay hindi naiimpluwensiya ng mga kapritso
ng mga tao at mga mithiin ng mga maniniil. Bahagi ng awa
Niya na gumawa Siya ng mga alitun-tunin para sa mga lingkod
Niya na makabubuti sa kanila sa mundo at Kabilang-buhay. Hindi
Siya nag-aatang sa kanila ng tungkuling hindi nila makakaya.
Kabilang sa hinihiling ng pagkaalipin kay Allah ang
pagpapahatol sa anumang isinabatas Niya sa lahat ng bagay
kalakip ng taos-pusong pagkalugod doon.
Nagsabi si Allah: “Kaya hindi, sumpa man sa Panginoon
mo, hindi sila sumasampalataya maliban kung pahahatulin ka
nila sa anumang naganap na hidwaan sa pagitan nila,
pagkatapos ay hindi sila nakasusumpong sa mga sarili nila
ng isang pagtutol sa anumang ihinusga mo at
nagpapasakop sila nang totoong pagpapasakop.”(4:65).
“Kaya ang hatol ng kamangmangan ba ay hinahangad
nila? Sino pa ang higit na magaling kaysa kay Allah sa
paghatol para sa mga taong nakatitiyak?”(5:50).
76
Ang mga Ipinagbabawal
1. Ang Shirk
Ang Shirk ay ang pagbabaling ng anumang uri mula sa mga
uri ng pagsamba sa iba pa kay Allah gaya ng pagpapatirapa sa
iba pa kay Allah, o pananalangin sa iba pa kay Allah at
paghiling dito na tugunin ang mga pangangailangan, o pagaalay
ng mga handog na hayop sa iba pa kay Allah, o pag-uukol
ng anumang uri ng pagsamba sa iba pa kay Allah—buhay man o
patay, libingan man o estatwa, bato man o kahoy, propeta man o
anghel, mabuting tao man o hayop, o maging ano pa man ang
dinadalanginan. Lahat ng ito ay kabilang sa Shirk na hindi
patatawarin ni Allah ang nakagawa nito kung hindi ito magsisi at
muling pumasok sa Islam. Nagsabi si Allah: “Tunay na si
Allah ay hindi magpapatawad na tambalan Siya ngunit
magpapatawad Siya sa anumang iba pa roon sa
kaninumang loloobin Niya. Ang sinumang nagtatambal kay
Allah ay nakagawa na ng mabigat na kasalanan.”(4:48).
Kaya ang Muslim ay walang sasambahin kundi si Allah at
walang dadalanginan kundi si Allah. Sinabi ni Allah: “Sabihin
mo: “Tunay na ang dasal ko, ang handog ko, ang buhay ko at
ang kamatayan ko ay para kay Allah, ang Panginoon ng
mga nilalang, wala Siyang katambal. Iyon ay ipinag-utos
sa akin; at ako ay una sa mga Muslim.””(6:162-163).
Bahagi rin ng Shirk ang paniniwala na si Allah ay may
asawa o anak—napakataas ni Allah para doon—o ang
paniniwala na bukod pa kay Allah ay may mga diyos na
nangangasiwa sa sandaigdigang ito. Sinabi ni Allah: “Kung sa
mga Langit at Lupa na ito ay may mga diyos maliban kay
Allah, talagang nasira na sana ang mga ito. Kaya
77
napakamaluwalhati ni Allah, ang Panginoon ng Trono, para
sa mga inilalarawan nila.”(21:22).
2. Ang Panggagaway,12 ang Panghuhula,13 at ang
Pag-aangkin ng Kaalaman sa Nakalingid14
Ang panggagaway at ang panghuhula ay kawalan ng
pananam-palataya. Ang manggagaway ay hindi magiging
manggagaway kundi sa pamamagitan ng kaugnayan niya sa mga
demonyo at pagsamba niya sa kanila sa halip na kay Allah. Dahil
doon, hindi ipinahihintulot sa Muslim na pumunta sa mga
manggagaway at mga manghuhula at hindi rin ipinahihintulot
na paniwalaan sila sa pagsisinungaling nila, gaya ng sinasabi
nilang kaalaman daw hinggil sa Nakalingid, at sa mga
ipinababatid nilang mga pangyayari at mga balitang hinulaan
nilang magaganap sa hinaharap. Nagsabi si Allah: “Sabihin
mo: “Hindi nalalaman ng sinumang nasa mga Langit at
Lupa ang Nakalingid, maliban kay Allah”(27:65). Sinabi pa
Niya: “Siya ang nakaaalam sa Nakalingid; hindi Siya
naghahayag sa Inilingid Niya sa isa man, maliban sa
sinumang kinalugdan Niya na sugo at tunay na Siya ay
nagpapalalakad sa unahan nito at sa likuran nito ng mga
anghel na nag-aabang.”(72:26-27).
12 Ang panggagaway o ang sihr sa wikang Arabe ay ang anumang gawaing
gumagamit ng karunungang itim o nagpapatulong sa mga jinní o mga masamang
espiritu. Ang mga taong maituturing na nagsasagawa ng panggagaway ay ang
mahikero, albularyo, mangkukulam, faithhealer, mangagayuma, manghuhula, at
iba.
13 Ang pagpapahula ay ipinagbabawal din.
14 Ang Nakalingid, o Ghayb sa wikang Arabe, ay ang anumang nakalingid sa
mata o pakiramdam o kaalaman gaya halimbawa ng mga nawawalang bagay,
mga anghel, mga mangyayari sa hinaharap at iba pa.
78
3. Ang Paglabag sa Katarungan
Ang paglabag sa katarungan ay malawak na paksa na
napaloloob dito ang marami sa masasamang mga gawain at
masasagwang mga katangian na nakaaapekto sa tao. Napaloloob
dito ang paglabag ng tao sa katarungan sa sarili niya
(pagpapakasala), ang paglabag niya sa katarungan sa
nakapaligid sa kanya (paggawa ng masama o pang-aapi) at ang
paglabag niya sa katarungan sa lipunan niya. Bagkus pati ang
paglabag niya sa katarungan sa mga kaaway niya. Ipinabatid sa
atin ni Allah na hindi Niya iniibig ang mga lumalabag sa katarungan.
Nagsabi ang Sugo ni Allah (SAS) na si Allah ay nagsabi: “O
mga lingkod Ko, tunay na Aking ipinagbawal sa sarili Ko ang
paglabag sa katarungan at ginawa Ko ito na ipinagbabawal
sa pagitan ninyo, kaya huwag kayong maglabagan sa
katarungan.”
Nagsabi naman ng Propeta (SAS): “Tulungan mo ang
kapatid mo, gumagawa man ng paglabag sa katarungan o
ginagawan ng paglabag sa katarungan.” Nagsabi ang mga tao:
“O Sugo ni Allah, tutulungan namin ito kung ito ang ginawan ng
paglabag sa katarungan ngunit papaano namin siyang tutulungan
kung siya ay gumagawa ng paglabag sa katarungan?” Nagsabi
siya: “Pigilin siya sa paglabag sa katarungan.”
4. Ang Pagkitil sa Buhay na Ipinagbawal ni Allah
na Kitlin Maliban Kung Ayon sa Katarungan
Ito ay malaking krimen sa pananampalatayang Islam.
Nagbanta si Allah laban dito ng masakit na pagdurusa at
naglaan para rito ng pinakamatinding parusa dito sa mundo.
Iyon ay ang kamatayan sa pumatay maliban kung
magpapaumanhin ang pamilya ng napatay. Nagsabi si Allah:
“Alang-alang doon, isinabatas Namin sa mga anak ni Israel
79
na ang sinumang pumatay ng tao, hindi bilang parusa sa
pagpatay ng isang tao o pagggawa ng kaguluhan sa lupa ay
para niyang pinatay ang lahat ng tao; at ang sinumang
magligtas ng buhay ay para niyang iniligtas ang buhay ng
lahat ng tao.”(5:32). “Ang sinumang papatay sa isang
mananampalataya nang sinasadya, ang ganti sa kanya ay
Impiyerno upang manatili roon; magagalit si Allah, isisumpa
siya Nito at maghahanda Ito para sa kanya ng isang
mabigat na pagdurusa.”(4:93).
5. Ang Paglabag sa mga Tao sa mga Ari-arian
Nila
Maging iyon man ay pagnanakaw o pangangagaw o
panunuhol o panunuba o ano pa man iyon. Nagsabi si Allah:
“Ang lalaking magnanakaw at ang babaeng magnanakaw,
putulin ninyo ang mga kamay nila bilang ganti sa nagawa
nila—parusang nagsi-silbing aral mula kay Allah. Si Allah
ay Makapangyarihan, Marunong.”(5:38). Nagsabi pa Siya:
“Huwag gamitin ng ilan sa inyo ang mga ari-arian ng iba sa
inyo sa paraang ipinagbabwal, o ipanuhol ang mga ito sa
mga hukom upang magamit ninyo ang isang bahagi ng
mga ari-arian ng mga tao sa kasalanan samantalang kayo
ay nakaaalam.”(2:188). Sinabi pa Niya: “Tunay na ang mga
kumakain ng mga ari-arian ng mga ulila bilang paglabag
sa katarungan, kumakain lamang sila ng apoy sa mga tiyan
nila at papasok sila sa Apoy na naglalagablab.”(4:10).
Mariing kinakalaban at tinutuligsa ng Islam ang paglabag sa
ari-arian ng ibang mga tao. Nagtakda ito sa lumalabag ng mga
matinding parusa na humahadlang dito at sa mga tulad niyang
mga sumisira sa patakaran o sa katiwasayan sa lipunan.
80
6. Ang Pandaraya, ang Panlilinlang at ang
Pagtataksil
Ipinagbabawal ang mga ito sa lahat ng gawain gaya ng
pagtitinda, pagbili, mga kasunduan, at iba pang mga tulad nito.
Ang mga ito ay kadusta-dustang mga katangian na ipinagbawal at
binigyang-babala ng Islam. Nagsabi si Allah: “Kapighatian sa
mga nandaraya sa pagsukat, na kapag sila ay nagpatakal sa
mga tao ay hinihiling nila ang karampatang sukat; subalit
kung kapag tinatakalan naman nila ang mga ito o
tinitimbangan naman nila ang mga ito ay binabawasan nila.
Hindi ba iniisip ng mga iyon na sila ay muling bubuhayin, Sa
Dakilang Araw, sa araw na tatayo ang mga tao sa harap
ng Panginoon ng mga nilalang.”(83:1-5). Nagsabi ang Sugo
(SAS): “Ang sinumang mandaya mula sa atin ay hindi
kabilang sa atin.” Nagsabi si Allah: “Tunay na si Allah ay hindi
umiibig sa sinumang mapagtaksil na makasalanan.”(4:107).
7. Paggawa ng Masama sa mga Tao
Sa kanilang mga karangalan sa pamamagitan ng
panghahamak, panlalait, panlilibak, paninirang-puri, inggit,
maling akala, paniniktik, panunuya, at iba pang mga katulad
nito. Minimithi ng Islam na magtatag ng isang lipunang
malinis na pinaghaharian ng pag-ibig, kapatiran,
pagkakasunduan at pagtutulungan. Dahil doon ay mariing
kinakalaban ng Islam ang lahat ng mga sakit ng lipunan na
nauuwi sa pagkakawatak-watak ng lipunan at sa paglitaw ng
poot, suklam, at pagiging pagkamakasarili ng bawat kasapi ng
lipunan. Nagsabi ni Allah: “O mga sumampalataya, huwag
mangutya ang ilang mga lalaki sa ibang mga lalaki, baka
ang mga kinukutyang ito ay mabuti pa sa kanila na
nangungutya; at huwag mangutya ang ilang mga babae sa
81
ibang mga babae, baka ang mga kinukutyang ito ay mabuti
pa sa kanila na nangungutya. Huwag ninyong pintasan ang
inyong mga kapwa at huwag kayong magtawagan ng mga
taguring masama. Kaaba-abang pangalan ang kabuhu-ngan
matapos na ang pananampalataya ay nakamtan. Ang mga
hindi nagbalik-loob, ang mga iyon ay ang mga lumalabag
sa katarungan. O mga sumampalataya, iwaksi ninyo ang
maraming paghihinala; tunay na ang ilan sa mga paghihinala
ay kasalanan. Huwag kayong maniktik, huwag libakin ng
ilan sa inyo ang iba sa inyo. May isa ba sa inyo na iibiging
kainin ang laman ng kapatid niya na patay?
Kasusuklaman ninyo ito. Mangilag kayong magkasala kay
Allah, tunay na si Allah ay Palatanggap ng pagsisi,
Maawain.”(49:11-12).
Kinakalaban din ng Islam ang pagtatangi-tangi batay sa lahi
at batay sa uring panlipunan sa pagitan ng mga kasapi ng lipunan.
Ang lahat ay pantay sa tingin ng Islam. Walang kalamangan
ang Arabe sa di-Arabe at ang puti sa itim maliban na lamang sa
laki ng pana-nampalataya at pangingilag sa pagkakasala kay
Allah na dinadala ng sinuman sa kanila sa kanyang puso. Ang
lahat ay pantay-pantay na nagpapaligsahan sa paggawa ng
mabuti. Nagsabi si Allah: “O mga tao, tunay na Kami ay
lumikha sa inyo mula sa isang lalaki at isang babae at
gumawa sa inyo na mga bansa at mga lipi upang
magkakilalahan kayo. Tunay na ang pinakamarangal sa
inyo para kay Allah ay ang pinakamapangilag sa inyo sa
pagkaka-sala.Tunay na si Allah ay Maalam, Nakababatid.”
(49:13).
82
8. Ang Pagsusugal at ang Pag-inom ng Alak at ng
Nakasusugapa
Sinabi ni Allah: “O mga sumampalataya, ang alak, ang
pag-pusta, ang mga dambana at ang mga pagpapahula ay
kasala-ulaan na kabilang sa gawa ni Satanas. Kaya iwaksi
ninyo ito, nang harinawa kayo ay magtatagumpay. Ninanais
lamang ni Satanas na pukawin sa isa’t isa sa inyo ang poot at
ang suklam sa pama-magitan ng alak at sugal, at hadlangan
kayo sa paggunita kay Allah at pagdarasal, kaya
magsisitigil na ba kayo?”(5:90-91).
9. Ang Pagkain ng Karne ng Hayop na Namatay
na Hindi Nakatay, ng Dugo at ng Baboy
Kabilang din dito ang lahat ng marurumi na nakasasama sa
tao at gayon din ang mga hayop na kinatay upang ialay sa iba
pa kay Allah. Nagsabi si Allah: “O mga sumampalataya,
kumain kayo mula sa mga mabubuti na itinustos Namin sa
inyo. Magpasalamat kayo kay Allah, kung kayo ay sa Kanya
sumasamba. Ipinagba-wal Niya lamang sa inyo ang
namatay, ang dugo, ang laman ng baboy, at ang anumang
inialay sa iba pa kay Allah. Subalit ang sinumang napilitan,
hindi dahil sa naghahangad niyon ni lumalampas sa
pagpawi ng gutom, wala siyang pagkakasala. Tunay na si
Allah ay Mapagpatawad, Maawain.”(2:172-173).
10. Ang Pangangalunya at Sodomy
Ang pangangalunya ay gawaing masagwa na nakasisira sa
mga kaasalan at mga lipunan at nagiging sanhi ng pagkakahalohalo
ng talaangkanan (pagkakalituhan kung sino-sino ang mga
kamag-anak ng isang tao) at pagkasira ng mga mag-anak at
pagkawala ng wastong edukasyong moral. Nadarama ng mga
83
anak sa pangangalunya ang kapaitan ng krimen na ito at ang
pagkasuklam ng lipunan. Sinabi ni Allah: “Huwag ninyong
lapitan ang pangangalunya; tunay na ito ay isang
kahalayan at masamang landas.”(17:32).
Ito rin ang dahilan ng paglaganap ng mga karamdaman sa ari
na nagwawasak sa buhay ng lipunan ng lipunan. Sinabi ng Sugo
(SAS): “Kapag kumalat ang kahalayan sa mga tao hanggang
sa harapan nilang ginagawa ito, lalaganap sa kanila ang
salot at ang mga sakit na wala noon sa mga ninuno nila.”
Dahil doon, ipinag-utos ng Islam na hadlangan ang lahat ng
pintong humahantong dito. Kaya inatasan nito ang mga Muslim
na ibaba ang mga paningin sapagkat ang bawal na tingin ay
simula ng daan papunta sa pangangalunya at inutusan niya ang
mga kababaihan na magbalot ng sarili, huwag makihalubilo sa
mga lalaking hindi kaanu-ano at maging mabini upang
mapangalagaan ang lipunan sa mga mahalay na bisyo. Kapalit
nito ay ipinag-uutos, hinihikayat at inuudyukan ang pagaasawa.
Hindi lamang iyon, nangako rin ito na gagantimpalaan
ang mag-asawa sa kanilang pagtatalik na ginagawa. Ito ay upang
maitatag ang mga mag-anak na mararangal, mabini at karapatdapat
na maging kanlungan sa matagumpay na pagpapalaki ng
bata ng ngayon at lalaki o babae ng bukas.
11. Ang Pakikinabang sa Patubo sa Pautang
Ang pagpapatubo sa utang ay nakasisira sa ekonomiya at
isang pagsasamantala sa pangangailangan ng nangangailangan
ng pera, maging siya man ay isang negosyante na
nangangailangan para sa kanyang negosyo o isang mahirap
dahil sa kanyang kahirapan. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan
ng pagpapautang ng salapi sa loob ng takdang panahon kapalit ng
takdang karagdagan sa bayad sa utang. Ang usurero
(nagpapautang ng may patubo) ay nagsasamantala sa mahirap
84
na nangangailangan sa salapi at pinabibigatan niya ang likod nito
ng mga utang na nagkapatong-patong na nadagdag sa prinsipal.
Sinasamantala ng usurero ang pangangailangan ng
mangangalakal o pabrikador o magsasaka o maging sino man
na nagpapagalaw sa ekonomiya. Sinasamantala niya ang
matinding pangangailangan nila sa tuloy-tuloy na daloy ng salapi.
Nagpapataw siya na karagdagang bahagi mula sa mga kinikita
nila dahil sa ipinautang sa kanila ngunit hindi siya nagiging
kahati nila sa kinakaharap nilang mga panganib na dulot ng
katumalan at pagkalugi.
Kapag nalugi ang negosyanteng ito, magkakapatong-patong
ang kanyang mga utang at dudurugin siya ng usurero.
Samantalang kung sakaling naging magkahati sila sa kita at
pagkalugi—ang negosyante ay dahil pagpapakapagod niya at
ang nagpapautang ay sa dahil sa salapi niya—tuloy-tuloy na
gugulong ang gulong ng ekonomiya para sa kapakinabangan ng
lahat. Nagsabi si Allah: “O mga sumampa-lataya, mangilag
kayong magkasala kay Allah at iwan ninyo ang anumang
natira sa patubo sa pautang kung kayo ay mga
mananampalataya. Ngunit kung hindi ninyo gagawin,
tangga-pin ninyo ang pahayag ng digmaan mula kay Allah
at sa Sugo Niya. Kung magsisisi kayo ay para sa inyo ang
mga puhunan ninyo. Hindi kayo gagawa ng paglabag sa
katarungan at hindi kayo gagawan ng paglabag sa
katarungan. Kung may kagipi-tan ang nagkautang ay
magbigay ng isang palugit hanggang sa kaluwagan;
ngunit kung magkakawang-gawa kayo ay mainam para sa
inyo, kung nalalaman ninyo.” (2:278-280).
12. Ang Kasakiman at ang Karamutan
Ito ay patunay ng pagkamakasarili at pagmamahal sa sarili.
Itina-tago ng maramot ang kayamanan niya at tumatangging
85
magbigay ng mga zakáh sa mga maralita at mga dukha. Ikinakaila
niya ang lipunan niya at tinatanggihan niya ang simulain ng
pagtutulungan at pagka-kapatiran na ipinag-utos ni Allah at ng
Sugo Niya (SAS). Sinabi ni Allah: “Huwag akalain ng mga
nagmamaramot ng ibinigay sa kanila ni Allah mula sa
kagandahang-loob Niya na iyon ay mainam para sa kanila.
Bagkus iyon ay masama para sa kanila. Itatali sa leeg nila
ang ipinagmaramot nila sa araw ng pagkabuhay. Kay Allah
ang minamana sa mga Langit at Lupa. Si Allah, sa anumang
ginagawa ninyo, ay Nakababatid.” (3:180).
13. Ang Pagsisinungaling at Pagsaksi sa
Kabulaanan
Nabanggit na natin ang sabi ng Propeta (SAS): “…tunay na
ang pagsasabi ng totoo ay pumapatnubay sa kabutihan at
tunay na ang kabutihan ay pumapatnubay sa Paraiso.
Kailangang hindi titigil ang tao na nagsasabi ng totoo at
nagsisikap na magsabi ng totoo hanggang sa isulat siya kay
Allah bilang isang makatotoo. Kaingat kayo sa
pagsisinungaling sapagkat ang pagsisinungaling ay
nagpapatnubay sa kabuktutan at tunay na ang kabuktutan ay
nagpapatnubay sa Impiyerno. Kailangang hindit titigil ang
isang tao nagsisinungaling at nagsisikap na magsinungaling
hanggang sa isulat siya kay Allah isang sinungaling.”
Kabilang sa mga uri ng kasuklam-suklam na
pagsisinungaling ay ang pagsaksi sa kabulaanan. Sinidhian ng
Propeta (SAS) ang paghahadlang dito at ang bagbibigay-babala
laban sa mga ibubunga nito. Itinaas niya ang kanyang tinig
habang nagsasabi sa kanyang mga Kasamahan: “Kaingat,
ipabatid ko sa inyo ang pinakamalaki sa mga malalaking
kasalanan: ang pagtatambal kay Allah, ang pagsuway sa
mga magulang.” Siya ay nakasandig, umupo siya at nagsabi
86
siya: “Kainagat sa pagsabi ng kabulaanan, kaingat sa
pagsasaksi sa kabulaanan.” Hindi siya tumigil na nag-uulitulit
nito bilang babala sa sambayanang Muslim na masadlak
dito.
14. Ang Pagkamapagmalaki, ang Kayabangan,
ang Paghanga sa Sarili at ang Kapalaluan
Ang pagkamapagmalaki, ang kayabangan at ang kapalaluan
ay masagwa, minamasama at kinasusuklamang mga katangian sa
Islam. Ipinabatid na sa atin ni Allah na Siya ay hindi
nagmamahal sa mga mapagmalaki. Nagsabi Siya hinggil sa
kanila sa Impiyerno: “Hindi ba’t sa Impiyerno ay may
tirahan para sa mga nagmamalaki?” (39:60). Kaya ang
nagmamalaki, mayabang at humahanga sa sarili ay
kinasusuklaman ni Allah at kinasusuklaman ng mga nilikha
Niya.
Pagsisisi sa Nagawang
mga Ipinagbabawal
Ang mga malaking kasalanang ito at ang mga ipinagbabawal
na nabanggit natin ay kinakailangan sa bawat Muslim na magingat
nang labis laban sa pagkasadlak sa mga ito, sapagkat
tunay na ang bawat gawaing ginagawa ng tao ay gagantihan siya
rito: kung naging mabuti ang ginawa ay mabuti ang ganti, at kung
naging masama ang ginawa ay masama rin ang ganti.
Kapag nasadlak ang isang Muslim sa alinman sa mga
ipinagba-bawal na ito ay kaagad siyang magdali-dali sa
pagsisisi, dudulog kay Allah at hihingi ng kapatawaran sa
Kanya. Kailangan sa kanya, kung ang kanyang pagsisisi ay
totoo, na kumalas sa pagkakasalang ito, magsisi sa anumang
nagawang kasalanan at magtitika na hindi na manunumbalik
87
doon. Kung may nagawa siyang kamalian sa isang tao, itutuwid
niya ang pagkakamali o hihingi ng paumanhin sa taong iyon.
Dapat siyang palaging humingi ng kapatawaran kay Allah.
Bagkus tungkulin din ng bawat Muslim na dalasan ang paghingi
ng kapatawaran sa nalalaman niyang mga kamalian, maliit man o
malaki. Sinabi ni Allah: “Humingi kayo ng tawad sa
Panginoon ninyo, tunay na Siya ay laging
Mapagpatawad;”(71:10). Ang madalas na paghingi ng
kapatawaran at pagbabalik-loob kay Allah ay isang katangian
ng mga mananampalatayang mapagpakumbaba. Sinabi ni Allah:
“Sabihin mo na sinabi Ko: “O mga lingkod ko na nagmalabis
laban sa mga sarili nila, huwag kayong mawalan ng
pag-asa sa awa ni Allah; tunay na si Allah ay nagpapatawad
sa lahat ng pagkakasala. Tunay na Siya ay ang
Mapagpatawad, ang Maawain.” Magbalik-loob kayo sa
Panginoon ninyo at sumuko kayo sa Kanya bago dumating sa
inyo ang pagdurusa, pagkatapos ay hindi na kayo
matutulungan.”(39:53-54).
88
Ang Pagpapahalaga ng mga Muslim sa
Kawastuan ng Pagpaparating
ng Katuruan ng Islam
Yamang ang mga sinabi, mga ginawa at mga pagsang-ayon
ng Sugo ni Allah (SAS) ay ang nagbibigay-linaw sa Salita ni
Allah at nagpapaliwanag sa mga kautusan at mga
ipinagbabawal ng Islam, pinahalagahan ng mga Muslim nang
malaking pagpapahalaga ang kawastuan ng paghahatid ng mga
Hadíth15 na isinalaysay hinggil sa Sugo ni Allah. Nagsikap sila
nang maigi sa pagdadalisay sa mga ulat tungkol sa Propeta (SAS)
laban sa mga pagdaragdag na hindi naman bahagi ng salita ng
Sugo ni Allah (SAS), at sa paglilinaw sa mga salitang
pasinungaling na iniugnay sa Sugo (SAS). Gumawa sila para
roon ng napakaselang mga patakaran at mga alituntunin na
kinakailangan na isaalang-alang sa paghahatid ng mga Hadíth na
ito mula sa isang salinlahi patungo sa isang salinlahi.
Tatalakayin natin sa napakaikling salita ang tungkol sa
karunu-ngang ito, ang ‘Ilmul Hadíth o Agham ng Hadíth,
upang maging malinaw sa mambabasa ang bagay na ito na
siyang ikinatangi ng Sambayanang Muslim sa iba pang mga
relihiyon at paniniwala. Ginawang madali ni Allah ang
pangangalaga sa relihiyon Niya na maging dalisay at malinis,
hindi nahahaluan ng mga kasinungalingan at mga kabulaanan sa
loob ng nagdaang mga panahon.
Nakabatay ang pagpaparating ng Salita ni Allah at ng salita
ng Sugo Niya (SAS) sa dalawang pangunahing bagay: ang
pagsasaulo at ang pagsusulat. Ang mga sinaunang Muslim ay
may pinakamala-king kakayahan sa lahat ng tao sa maingat na
15 Ulat hinggil sa kung ano ang sinabi o ang ginawa o ang pinagtibay ng Sugo
(SAS).
89
pagsasaulo at malawak na pagkaunawa sapagkat nagtataglay sila
ng natatanging kalinawan ng pag-iisip at lakas ng memorya. Ito
ay alam ng lahat na nakabasa sa mga kasaysayan nila at
nagsiyasat sa mga ulat hinggil sa kanila. Naririnig noon ng
Sahábí (isang Kasamahan ng Sugo (SAS)) ang Hadíth mula
mismo sa bibig ng Sugo ni Allah (SAS) at naisasaulo niya ito
nang maigi at siya mismo ang magpaparating nito sa isang
tábi‘í (isang tagasunod ng isang Kasamahan ng Propeta) na
siya namang magsasaulo nito at pagkatapos ay magpaparating
nito sa iba. Ganito nagpatuloy ang paghahatid ng Hadíth hanggang
sa makarating sa isa sa mga pantas ng Hadíth na nagtatala ng
mga Hadíth, nagsa-saulo ng mga ito at nagtatala nito sa isang
aklat. Binabasa niya ang aklat na ito sa mga estudyante niya at
isinasaulo at isinusulat naman nila ang mga Hadíth na ito at
pagkatapos ay binabasa nila sa mga mag-aaral nila. Gayon ng
gayon hanggang sa makarating ang mga aklat na ito ng mga
Hadíth sa lahat ng mga kasunod na salinlahi sa ganitong paraan
at ganitong sistema.
Dahil dito hindi tatanggapin kailanaman ang isang Hadíth
hinggil sa Sugo ni Allah (SAS) kung hindi nalalaman ang tala
nito ng mga mananalaysay na nagparating sa atin ng Hadíth na
ito. Bunga nito ay may isa na namang karunungang ikinatangi
ang Islam sa iba mga relihiyon at iyon ay ang ‘Ilmur Rijál
(Agham ng mga Mananalaysay) o ‘Ilmut Ta‘díl wal Jarh (Agham
ng Pagtanggap at Pagtanggi). Ang agham na ito ay may
kinalaman sa pag-aalam ng kalagayan ng mga mananalaysay na
naghahatid ng mga Hadíth ng Sugo ni Allah (SAS). Nauukol ito
sa mga talambuhay nila, petsa ng kapanganakan nila at
pagkamatay nila, kung sino ang mga guro nila at ang mga magaaral
nila, pagpapatotoo sa kanila ng mga pantas na kapanahon,
lawak ng kawastuan nila at kahusayan nila sa pagsasaulo,
90
pagtataglay nila ng katapatan sa pagkatotoo sa pananalita at iba
pa roon na mga bagay na pinahahalagahan ng pantas ng Hadíth,
upang matiyak ang kawastuan ng Hadíth isinalaysay sa
pamamagitan ng kawing ng mga mananalaysay.
Ito ay karunungan na ikinatangi ng Islam dahil sa
paghahangad nitong maging wasto ang ulat na inuugnay sa
Propeta Niya (SAS). Walang makikita sa kasaysayan, mula sa
simula nito hanggang sa panahon natin, na nangyari ang kahangahangang
malaking pagsisikap na ito ng pangangalaga sa ulat
hinggil sa isa sa mga tao tulad ng pangangalaga sa Hadíth
(ulat) hinggil sa Sugo ni Allah (SAS). Isa itong malaking
kaalamang nakatala sa mga aklat na nagbibigay ng masusing
pangangalaga sa pagsasalaysay ng Hadíth at paglalahad ng
detalyadong talambuhay ng libo-libong mga mananalaysay; hindi
dahil sa kung ano pa man kundi sapagkat sila ang tagapamagitan
sa paghahatid ng mga Hadíth ng Sugo ni Allah (SAS) sa mga
salinlahi na sumunod sa kanila. Sa karunungang ito ay walang
pagpapakitang-giliw sa isa man sa mga tao. Bagkus ito ay gaya
ng timbangan sa kawastuan ng pagpupuna: nagsasabi tungkol sa
isang sinungaling na siya ay nagsisinungaling, sa isa isang
matapat na siya ay nagsasabi ng tapat, sa mahina ang memorya
na siya ay mahina ang memorya, at sa malakas ang memorya na
siya ay gayon. Gumawa sila para roon ng napakaselang mga
panunutunan na nalaman ng mga dalubhasa sa agham na ito.
Ang Hadíth ay hindi magiging sahíh (wasto) para sa kanila
kung hindi nagkakaugnay sa isa’t-isa ang kawing ng mga
mananalaysay at kung hindi tinataglay ng mga mananalaysay ang
katarungan at ang katapatan sa pananalita kalakip ang lakas at
kawastuan ng memorya. Kung ninanais nating dumungaw sa
isang maliit na durungawan sa malawak na larangan na ito ng
Agham ng Hadíth ay kunin nating halimbawa ang isa roon.
91
Buklatin natin, halimbawa, ang malaking aklat na Sahíh ni
al-Bukhárí, na yumao noong taong 256 A.H., sa tomo bilang 1,
pahina 126. Basahin natin dito ang sabi niya:
Iniulat ni Abú Na‘ím sa amin, iniulat ni Zakaríyá sa amin
buhat kay ‘Ámir na nagsabi: Narinig ko si Nu‘mán Ibnu Bashír na
nagsabi: Narinig ko ang Sugo ni Allah (SAS) na nagsasabi:
“Ang ipinahi-hintulot ay malinaw at ang ipinagbabawal ay
malinaw at ang nasa pagitan ng dalawa ay mga bagay na
nakapag-aalinlangan na hindi nalalaman ng marami sa
mga tao. Kaya ang sinumang nangilag sa mga nakapagaalinlangan
ay napangalagaan niya ang pananampalataya
niya at ang karangalan niya. Ang sinumang nasadlak sa mga
bagay na nakapag-aalinlang ay gaya ng isang pastol na
nagpastol sa palibot ng isang Himá (pastulang pag-aari ng
iba) na halos ay mapasok na niya. Kaingat at tunay na ang
bawat hari ay may Himá. Kaingat, tunay na ang Himá ni
Allah sa lupain Niya ay ang mga ipinagbawal Niya. Kaingat
at tunay na sa katawan ay may isang pirasong laman na kapag
bumuti ay bubuti ang buong katawan, at kapag naging
masama ay sasama ang buong katawan. Tunay na iyan ay
ang puso.”
Sino si Abú Na‘ím? Sino si Zakaríyá? Sino si ‘Ámir? At
sino si Nu‘mán Ibnu Bashír na pawang mga nabanggit sa tala
ng mga mananalaysay ng Hadíth na ito? Kailan sila
ipinanganak at kailan sila sumakabilang-buhay? Gaano sila
kamapagkakatiwalaan at gaano kawasto ang Hadíth na
isinalaysay nila? Sinu-sino ang mga guro nila na pinagkunan nila
ng isinalaysay nila na Hadíth? Sinu-sino ang mga mag-aaral nila
na nakatanggap mula sa kanila ng mga Hadíth. Ang lahat ng
iyon ay matatagpuan nating nakatala sa mga aklat ng ‘Ilmur Rijál
(‘Ilmul Jarh wat Ta‘díl).
92
Buksan mo halimbawa ang aklat na pinamagatang Tahdhíb
at- Tahdhíb, na natatangi sa pagbanggit sa mga personal na
talambuhay ng mga mananalaysay na ito sa pinakamalinaw na
anyo at pinaka-tumpak na detalye. Upang makilala si Abú
Na‘ím na ito, makikita mo ito na nagsasabi sa iyo ng ganito
hinggil sa kanya:
1. Abú Na‘ím: Siya si al-Fadl Ibnu Dakín; ito ay isang taguri.
Ang pangalan niya ay ‘Amr Ibnu Hamad Ibnu Zuhayr Ibnu
Dirham at-Tamímí. Nagsalaysay siya buhat kina al-A‘mash,
Ayman Ibnu Jazíl, Salmah Ibnu Nabít, ath-Thawrí, Málik Ibnu
Anas, Ibnu Abí Zá’idah at iba pa. Marami ang naisalaysay ni
al-Bukhárí buhat sa kanya at gayon din sina Abú Bakr Ibnu
Abí Shaybah at Is'háq Ibnu Rahawiyah at iba pa. Ipinanganak
siya noong katapusan ng taong 130 A.H.
Nagsabi si Hanbal ayon kay Ahmad: Si Abú Na‘ím ay
napaka-maalam tungkol sa mga guro, mga kaangkanan nila at
buhay ng mga mananalaysay. Nagsabi si Ya‘qúb Ibnu Sufyán:
“Nagkaisa ang mga kasamahan namin na si Abu Na‘ím ay
lubos sa kahu-sayan.” Sumakabilang-buhay siya noong taong
218 A.H. Nata-pos nang maigsi. (Tahdhíb at-Tahdhíb, tomo
8, p. 270-276.)
Ito Naman ang Masasabi Kay Zakaríyá:
2. Zakaríyá: Siya ay si Ibnu Abí Zá’idah Khálid Ibnu Maymún
Ibnu Fayrúz Abú Yahya al-Kúfí. Nagsalaysay siya buhat
kina Is'háq as-Sabí‘í, ‘ ءmir ash-Sha‘bí, Samák at iba pa.
Nagsalaysay naman buhat sa kanya ang anak niya na si
Yahyá, sina ath-Thawrí, abu Na‘ím at iba pa.
Nagsabi si al-Qat tán: “Walang masama sa kanya.”
Nagsabi naman si an-Nasá’í: “Mapagkakatiwalaan.”
Nagsabi naman si ‘Abdulláh, buhat sa ama nito:
“Mapagkakatiwalaan, matamis mangusap.” Nagsabi naman
93
si Ibnu Sa‘d: “Mapagkakatiwalan, maraming naiulat.”
Sumakabilang-buhay siya noong taong 147 A.H.. Nagsabi si
Ibnu Qáni’: “Siya ay hukom noon sa Kúfah.” Natapos nang
maigsi. (Tahdhíb at-Tahdhíb, tomo 3, p. 329.)
Ito ang Masasabi Kay ‘Ámir:
3. ‘Ámir ash-Sha‘bí: Siya ay si ‘ ءmir Ibnu Sharáhíl Ibnu
‘Abd. Sinabi ring siya ay si ‘ ءmir Ibnu ‘Abdulláh Ibnu
Sharáhíl ash-Sha‘bí al-Himyarí na isang taga-Kúfah mula sa
Sha‘b Hamdán. Nagsalaysay siya buhat kina Sa‘d Ibnu Abí
Waqqás, Zayd Ibnu Thábit, Abú Hurayrah, an-Nu‘mán Ibnu
Bashír at iba pa. Nagsa-laysay naman buhat sa kanya sina Abu
Is'háq as-Sabí‘í, Zakaríyá, Ibnu Abí Zá’dah, al-A‘mash at iba
pa. Ang kapanganakan niya ay noong anim na taon matapos
maging Khalífah si ‘Umar. Nagsabi si al-‘Ajalí: “Nakinig siya
buhat sa 48 Kasamahan ng Sugo.” Nagsabi naman si
Mak'húl: “Wala akong nakitang higit na matalino sa kanya.”
Nagsabi sina Ibnu Mu‘ín, Abú Zar‘ah at iba pa na
sumakabilang-buhay siya noong taong 113 A.H. Sinabi ring
noong 114 A.H. Sinabi ring noong 116 A.H. Sinabi ring noong
117 A.H. Natapos nang maigsi. (Tahdhíb at-Tahdhíb, tomo
5, p. 65.)
Ito ang Masasabi Kay an-Nu‘mán Ibnu Bashír:
4. Siya si an-Nu‘mán Ibnu Bashír Ibnu Sa‘d Ibnu Tha‘labah
Ibnu Khalás Ibnu Zayd al-Ansárí al-Khazrají. Siya at ang
ama niya ay kabilang sa mga Sahábí. Siya ay unang isinilang
sa panahon ng Islam sa mga Ansár, 14 buwan matapos ang
Hijrah. Siya ay naging hukom ng Damascus kasunod ni
Fudálah Ibnu ‘Ubayd. Sumakabilang-buhay siya noong taong
65 A.H.. Natapos nang maigsi. (al-Isábah Fí Tamyíz as-
Sahábah, tomo 5, p. 559.)
94
Sa tuwing dumarami ang salaysay ng isang mananalaysay ng
mga Hadíth, ang ulat sa talambuhay niya ay nagiging malalim,
malawak at masaklaw sa maraming bahagi ng buhay niya. Sa
tuwing kuma-kaunti ang salaysay niya ng Hadíth, kumakaunti
ang pagpapahalaga sa ulat sa talambuhay niya at pinaiiksi sa
iilang hanay.
Huling Paksa Hinggil sa Agham ng Hadíth
Ito ay hinggil sa maramihang kawing ng tala ng mananalaysay
ng iisang Hadíth, anupa’t umaabot sa atin ang Hadíth na
isinasalaysay buhat Sugo ni Allah (SAS) sa pamamagitan ng
higit sa isa sa mga kawing ng mananalaysay. Kaya ang iisang
Hadíth ay maaaring mag-karoon ng dalawang tala ng
pagsasalaysay o tatlo o apat na tala ng pagsasalaysay at kung
minsan ay sampung tala ng pagsasalaysay at kung minsan ay
higit pa roon.
Sa tuwing dumarami ang kawing ng tala ng pagsasalaysay
ay lumalakas ang Hadíth at nadaragdagan ang tiwala sa
kaugnayan nito sa Sugo (SAS). Ang Hadíth na isinalaysay ng
higit sa 10 mapag-kakatiwalaang mananalaysay sa bawat
baytang nito ay tinatawag na Hadíth mutawátir, na siyang
pinakamapagkakatiwalaan sa mga uri ng pag-uulat para sa mga
Muslim. Sa tuwing ang isang usapin ay mahalaga sa
pananampalatayang Islam gaya ng paglalahad ng mga saligan
ng Islam, halimbawa, ang mga salaysay na mutawátir ay higit na
marami para rito, at dumarami ang mga tala ng mananalaysay. Sa
tuwing ang isang usapin ay kabilang sa mga di-pangunahing
usapin at mga mustahabb (gawaing kanais-nais na isagawa
ngunit hindi isang obligasyon) ang mga tala ng mananalaysay
para rito ay higit na kaunti, at ang pagpapahalaga para rito ay
higit na mahina.
95
Ang pinakamataas na pagpapahalaga sa pagsasalaysay na
pina-ngalagaan ng mga Muslim ang kawastuhan ng
pagpaparating ay ang pagpaparating ng Banal na Qur’an.
Nakatanggap ito ng mataas na pangangalaga sa pagsulat nito sa
mga pahina, sa pagsasaulo nito at pagpapahusay sa pagbigkas
ng mga salita nito at paraan ng pagbasa nito. Ipinarating ito sa
pamamagitan ng libu-libong kawing ng pag-sasalaysay sa
nagdaang nagkasunod-sunod na mga salinlahi. Dahil doon, hindi
napasok ang Qur’an ng kamay ng pagbabago at pagpapalit sa
paglipas ng mga taon. Kaya ang kopya ng Qur’an na binabasa sa
kanluran ay ang mismong Qur’an na binabasa sa silangan, at
ang mismong Qur’an na matatagpuan sa iba’t-ibang bahagi ng
mundo, bilang pagpapatotoo sa sinabi ni Allah: “Tunay na
Kami, Kami ay nagpababa sa Paalaala,16 at tunay na
Kami ay talagang mag-iingat nito.”(15:9).
16 Paalaala ang isa sa mga pangalan ng Qur’an.
96
Pagwawakas
Ito na nagpapahayag sa pamumukodtangi
ni Allah sa pagkadiyos. Ang sawikain nito ay: Walang
Diyos kundi si Allah. Ito ang Islam na kinalugdan ni Allah para
sa mga lingkod Niya bilang relihiyon. “Sa araw na ay binuo
Ko para sa inyo ang Relihiyon ninyo, nilubos Ko sa inyo ang
pagpapala Ko at kina-lugdan Ko para sa inyo ang Islam
bilang relihiyon.”(5:3).
Ito , na hindi tatanggapin ni Allah mula
sa sinuman ang isang relihiyon na iba pa rito. “Ang sinumang
mag-hahahangad ng iba pa sa Islam bilang relihiyon ay
hindi iyon matatanggap sa kanya, at siya sa Kabilangbuhay
ay kabilang sa mga mapapahamak.”(3:85).
Ito na ang sinumang sumampalataya
rito at gumawa ng matuwid, siya ay mapabibilang sa mga
matagumpay sa Paraiso ng Kaginhawahan. “Tunay na ang mga
sumampalataya at gumawa ng mga matuwid ay makakamit
nila ang mga Hardin ng Paraiso bilang pang-aliw. Mga
mananatili roon, hindi na sila maghahangad ng pag-alis
buhat doon.”(18:107-108).
Ito na hindi isang monopolyo ng
isang pangkat ng mga tao at hindi laan lamang sa isang lahi ng
tao. Bagkus ang sinumang sumampalataya rito at nag-anyaya sa
mga tao rito, siya ay pinakanararapat sa mga tao para rito. Siya
ang pinakamarangal para kay Allah. “Tunay na ang
pinakamarangal sa inyo para kay Allah ay ang
pinakamapangilag sa inyo sa pagkakasala.”(49:13).
Tungkulin natin na tawagin ang pansin ng mambabasa laban
sa mga pangunahing bagay na bumabalakid sa mga tao at sa
Islam at humahadlang sa kanila sa pagpasok dito.
97
1. Ang kawalang kaalaman sa Relihiyong Islam: sa katuruan
nito, sa batas nito at mga kagandahang asal na itinuturo nito.
Ang mga tao ay mga kaaway ng mga hindi nila nalalaman.
Dahil doon, kailangang sa isang nagnanais na malaman ang
Relihiyong Islam na magbasa at magbasa at magbasa pa
hanggang sa malaman niya ang relihiyong ito mula sa mga
orihinal na reperensiya nito, at na ang pagbabasa nawa ay
may espiritu ng makatarungang kawalang pagkiling at
naghahanap sa katotohan nang buong kawagasan.
2. Ang panatisismo sa relihiyon, kaugalian, at kulturang
kinagisnan ng isang tao. Ang walang malalim na pag-iisip at
pagmumuni-muni kung gaano katotoo ang relihiyong
kinalakihan ng isang tao at ang pananaig sa kanya ng
nasyonalismo ang dahilan ng pagtanggi niya sa bawat
relihiyong iba sa relihiyon ng kanyang mga magulang at mga
ninuno. Ang panatisismo ang nagpapapikit sa mga mata, ang
nagtatakip sa mga tainga at tumatabing sa mga pag-iisip. Kaya
naman hindi nakapag-iisip nang malaya at walang pagkiling
ang isang tao at hindi niya nakikita ang pagkakaiba ng mga
kadiliman sa liwanag.
3. Ang mga kapritso, mga hangarin, at mga mithiin ng tao. Ang
mga ito ang nagdadala sa pag-iisip at pagnanais sa kung saan
lamang nito naisin at sa kung ano ang makakasira sa tao nang
hindi nito nararamdaman, at siya ring pumipigil sa kanya na
tanggpin ang katotohanan at sumuko rito.
4. Ang mali at mapanirang-puri na paninisi sa
pananampalatayang Islam sa pagkakaroon ng ilang mga
kamalian at mga paglihis sa panig ng ilang mga Muslim. Ang
Islam ay walang kinalaman sa mga ito at dapat na alalahanin
ng lahat na ang Relihiyon mula kay Allah ay walang
pananagutan sa mga kamalian ng tao.
98
Ang pinakamadaling paraan upang malaman ang
katotohanan at ang patnubay ay ang ibaling ng tao ang kanyang
puso kay Allah nang may pagbabalik-loob at pagpapakumbaba.
Magsusumamo siya sa paghiling kay Allah na patnubayan siya
sa tuwid na landas at sa matuwid na relihiyon na iniibig at
kinalulugdan ni Allah. Sa ganito makakamit ng isang tao ang
kaaya-ayang buhay at walang hanggang kaligayahan na hindi na
siya malulungkot magpakailanman. Dapat niyang malamang si
Allah ay dumidinig sa dalangin ng nananalangin kapag
nanalangin sa Kanya. Sinabi ni Allah: “Kapag tinanong ka ng
mga lingkod Ko hinggil sa Akin ay sabihin mo: “Tunay na Ako
ay malapit: tinutugon Ko ang panalangin ng nananalangin
kapag nanalangin siya sa Akin; kaya dinggin nila Ako at
sumampalataya sila sa Akin, nang harinawa sila ay
magagabayan.””(2:186).